Sa isang malaking kalawakan, binubuo ito ng maraming mga planeta. Iba’t-ibang uri ang mga nakatira sa bawat isa nito. May mga monsters, aliens, unknown creatures, dinosaurs, zombies at marami pang iba.
Isa sa kilalang planeta ay nangangalang Destiny at ito ay kagaya rin ng planetang Earth. Ngunit mas maliit nga lang ang planetang ito kumpara sa planetang Earth, dahil ito ay binubuo lang ng iisang kontinente. Ang mga nakatira dito ay mga tao at mga hayop lang rin. Kakaunti lang ang kabuuang bilang ng populasyon ng mundong ito at higit pa sa lahat, hindi pa sila ganu’ng mayaman pa sa mga teknolohiya dahil nagsisimula pa lang sila.
Sa mundong ito, alas-syete pa lang ng umaga ay pinagdiriwang na nila ang kaarawan ng kanilang prinsesa. Sobra-sobrang nagsasaya ang lahat dahil buong kontinente ay nagdiriwang. Palipat-lipat nga ng iba’t-ibang lugar ang prinsesa para bisitahin ang mga taong gusto siyang makita at para makita rin niya ang kalagayan ng kanyang mga kababayan. Mabuti naman at nakita naman niya na maaayos naman ang kanilang mga buhay. Hindi naman sila nahihirapan at patuloy lang silang mga nakangiti at masaya sa kanilang ginagawa sa buhay. Halos pinagdiwang niya ang kanyang kaarawan sa piling ng mga tao at hindi sa kanyang palasyo. Nakikain pa siya sa loob ng mga bahay dahil may mga handa pala sila para sa kanya. Nakipagkwentuhan din siya sa mga matatanda at nakipaglaro pa sa mga bata.
Siya ay si Princess Janella Irish Doherty. Siya lang ang katangi-tanging prinsesa sa mundong Destiny. Labing-anim na taong gulang na siya ngunit makulit at parang bata pa rin kung kumilos. Hindi pa rin siya palaayos sa kanyang sarili. Hindi nga man lang marunong mag-ipit ng buhok at minsan pa nga ang pagsusuklay ay kinatatamaran pa niyang gawin.
Hindi rin siya mahilig sa mga damit na hindi siya kumportable kapag sinuot, kahit na maganda pa ito sa paningin ng karamihan.
Pasaway, matigas ang ulo, pikunin at maarte. Minsan pa nga, kapag dumadating ang punto na sobra siyang galit ay hindi na niya alam ang mga pinagsasabi niya sa kanyang kausap. Pero sa kabila ng ganu’n niyang ugali, maaalalahanin at mapagmahal din naman siyang dalagita. Matapang siya ngunit duwag din minsan sa ibang bagay.
Mahilig siyang lumabas ng palasyo at mamasyal kung saan-saan at ang nakakatuwa pa, nasa ugali na rin niya ang makipaglaro sa mga mas bata pa sa kanya. Sumasali siya sa mga naglalarong mga bata sa tuwing na may nakikita siya sa labas.
Ngunit tumigil ang selebrasyon dahil may nabalitaan sila na may masamang nangyari tungkol sa kanyang kabalyero na si Jasper. Hinatid ang sulat sa palasyo habang siya ay nasa ibang lupalop pa nagsasaya. Pero nang malaman niya ang tungkol dito, hindi niya napigilang umuwi at lumuha.
Gabi na nang makabalik siya sa palasyo. Umuulan na naman ng malakas dahil sa may bagyo na paparating.
Ang nabasa nilang sulat mula sa ama ni Jasper ay hindi katanggap-tanggap. Nalungkot ang mga tao sa buong kontinente nang malaman nila ito. Lalo naman si Janella, mas mahigit pa sa kanilang lahat ang kanyang nararamdaman sapagkat sobrang mahalaga ang taong ito sa kanya.
Napakabait, malakas at napakamasunuring tao si Jasper. At isa pa noong siya ay bata pa, magkasama na sila at kabalyero na niya ito. Si Jasper pa mismo ang nagdesisyon na maging isa na siyang tagapagtanggol ng prinsesa kahit na sobra pa siyang bata. Pero naniniwala naman kasi siya sa kanyang sarili na kayang-kaya niyang protektahan ito kahit na ano man ang mangyari. Hanggang sa kanilang paglaki ay hindi man lang siya nito iniwan. Patuloy lang siyang pinoprotektahan at inaalagaan. Tinuring na niya itong nakababatang kapatid na babae dahil turing rin sa kanya ay nakatatandang kapatid na lalaki. Mahal na mahal nila ang isa’t isa bilang isang parang magkapatid kahit na sila ay magkaibigan.