Gabi na nang makauwi na ang mga bisita. Mga nag-aayos at nagliligpit na ng mga pinagkainan ng mga bisita ang mga servants sa Dining Hall.
Nasa ika-unang palapag ang ibang servants habang pinapalitan naman nila ang mga bulaklak sa plorera kung kinakailangan nang palitan. Dahil ang iba dito ay sira-sira na sapagkat may mga batang makukulit at pinaglalaruan lang ang mga ito. Inaayos rin nila ang mga prutas na nakagulo sa tabi ng plorera at inaalis naman nila ang mga nakain nang prutas na hindi naman naubos.
Pinagpatong-patong ni Baron ang mga platong ginamit sa isang lamesa. Lumingon siya sa kaliwa niya. Nagulat siya nang makita niya muli na magkausap ang dalawa. Mga pababa na sila ng hagdanan. Tumigil muna siya sa kanyang ginagawa at gusto na naman niyang asarin si Clayden. “Harony!” tawag niya.
Hinanap ni Harony kung saan galing ang boses ni Baron. Nakita niya ito sa ibaba ng hagdan habang kumakaway-kaway pa sa kanya. “Baron! Nandiyan ka pala! Bakit?” kinawayan na rin niya ito.
Biglang sumimangot si Clayden nang makita niya si Baron.
“Kumusta na ang mahal na reyna? Inutusan kasi ako kanina kaya hindi ko na siya naasikaso!” nakangiting wika niya.
“Ayos naman! Ayos naman! masayang wika ni Harony.
Napabuntong-hininga at napailing na lang si Clayden. Nauna na siyang bumaba kay Harony.
“Hm?” nagtaka ang dalaga at sinundan niya ng tingin si Clayden na mabilis na bumababa. Napansin rin niya na parang mainit na naman ang ulo nito.
Masayang tumingin si Baron kay Clayden at kinawayan. “Uy CLAY! ‘Musta?” inasar niya pa ang kanyang pangalan.
“Eto! Maayos naman BALUT!” pagganting wika naman ni Clayden. Balut ang tinawag niya imbis na Baron.
“Aba! May pang-asar ka na rin sa ‘kin! Bago ‘yan Clay! Love you!”
“Oo! Sa ‘yo kasi luma na!” masamang nakatingin si Clayden sa kanya. “Bulok na sa ‘yo! Hate you!” nilagpasan niya ito.
“Hahaha!!!” natatawa lang si Baron sa kalokohan nilang dalawa. Lumapit siya kay Clayden at tinapik ang kanyang balikat. “Uy Clayden! Naiinis ka na naman e! Itimpi mo naman ‘yan! Pumapangit ka kaya!”
Nilagay ni Clayden sa ulo ni Baron ang basahang hawak-hawak niya. “Oh, ayan ang bagay sa ‘yo! Umalis ka na at maglinis ka na!”
Napatingin si Baron sa basahan na nasa kanyang ulo. Tumingin siya muli kay Clayden pagkatapos. “Teka! Ito naman ang bagay sa ‘yo!” nilagay naman niya sa ulo ni Clayden ang isang kulay-rosas na headband na napulot niya. “Ahahaha!”
Seryoso lang na nakatingin si Clayden sa kanya. “Babae ba ako?”
“Ayan! Ang ganda mo na, Clay! Hahaha!” tinanggal na ni Baron ang basahan na nasa kanyang ulo. Napahawak siya sa kanyang tiyan habang malakas siyang tumatawa.
Naiinis na talaga si Clayden sa kanya. Kinuha niya ang isang mansanas na nasa lamesa. Wala pa itong kagat at halatang-halata na hindi ito ginalaw ng sinuman. “Hmmm!!!!!! Ayan! Tikman mo ‘to!” pinasok niya sa malaking bunganga ni Baron ang mansanas.
Huminto sa kakatawa si Baron, dahil may mansanas na ang bunganga niya habang masaya pa rin ang ekspresyon ng kanyang pagmumukha. Inalis na niya ang mansanas mula sa kanyang bunganga habang nakatingin kay Clayden.
Umalis na si Clayden sa kanyang harapan.
Napansin ni Baron na hindi pa rin tinatanggal ni Clayden ang headband sa ulo niya habang siya ay papalayo na ng papalayo. “Clay! Mukhang gustong-gusto mo ‘yung headband ah! Gusto mong bilhan kita ng maraming headband?!”
“Wala akong maintindihan sa ‘yo!” malayo na ang boses ni Clayden. Mabilis niyang tinanggal ang headband at pagalit niya itong hinagis sa malayo.
“Oo nga pala Clay! Salamat nga pala sa mansanas! Napalibre pa tuloy ako!” at masaya niya itong kinagat. “Hay... hay naku...” hiningal si Baron sa kakatawa. Tumalikod na siya at babalikan na niya ang lamesa na nililinis niya kanina. “All right, back to work.” nakita niya bigla si Harony na nililinis na ang lamesa.
“H-Harony!” madali niyang nilapitan si Harony. “Magpahinga ka na! Kanina ka pa nagtatrabaho e.” inubos kaagad ni Baron ang mansanas.
“Hm?” nagtaka si Harony. Tumigil siya sa ginagawa niya at tumingin siya kay Baron. “Ayos lang ‘yun Baron.” ngumiti siya.
“Hindi! Hindi!” inalis niya ang mga kamay ni Harony mula hawak-hawak niyang basahan. “Harony, magpahinga ka na... Ako na ang bahala dito. Kanina ka pa kaya nagtatrabaho.” kumunot ang noo niya.
Nahiya siya. “Aheehee! Ikaw naman! Siyempre kailangan ko rin na tumulong sa inyo kahit papaano. Dapat sabay-sabay tayong lahat nagpapahinga di ba?” ngumiti siya at kinuha muli niya ang basahan.
Lumingon-lingon si Baron habang hinahanap si Clayden. “Dapat si Clayden ang nandito e! Hindi pa ‘yun nagtatrabaho! Medyo tamad kasi ‘yung magandang ‘yun e!” pabirong wika niya.
Natawa si Harony. “Hindi naman!” umiling siya. “Lahat naman tayo dito ay masisipag!”
“Ah.” napangiti si Baron. Bigla siyang kinilig. “Sayang! Dapat nandito si Clayden! Siguradong kikiligin ‘yun!”
“Hm? Bakit ano bang meron?”
“Wala naman! Hahaha!” nakita niya na hawak-hawak na naman ni Harony ang basahan. “Oops! Ano ‘yan?!” inalis muli niya ang basahan sa kamay niya. “Magpahinga ka na kasi.” pumeywang siya.
“Ayoko!” kinuha muli ni Harony ang basahan mula sa kamay ni Baron. “Gusto kong pang magtrabaho Baron.”
“Pero ako ang pinuno ninyo! Marapat lang na sundan n’yo ang aking sinasabi! Kung hindi ka pa rin titigil diyan, buong gabi ka magtatrabaho! Sige ka!” pinandilatan niya si Harony at medyo nilaniman rin niya ang kanyang boses para matakot at sumunod na sa kanya ang dalaga.
“Hahaha!” natawa pa si Harony. “Alam kong nagbibiro ka lang Baron. Hindi ako natakot sa ‘yo!” ngumiti siya’t humalukipkip.
“Hm? Ganu’n?”
“Oo! Kilala ka namin! Ikaw kaya ‘yung taong hindi marunong magalit!”
“Ah.” napakamot sa ulo si Baron. “Hehehe!”
Napangiti si Harony. “Huwag kang magbabago. Nakakatuwa ka kaya bilang isang pinuno namin.” nakangiting wika niya habang nakahalukipkip.
“Salamat Harony.” tumango siya. “Hm, itutuloy ko na muli ang aking trabaho.” ningitian na lang niya si Harony at niligpit na ang mga pinagkainan.
“Baron.” humarang bigla ang mukha ni Harony sa kanyang mukha.
“Uy!” nagulat si Baron at madaling nilayo ang kanyang mukha sa kanya.
“Tutulong ako ha? Aheehee!” natawa siya.
“Hay! O sige na nga! Ikaw talaga!” napailing siya at napahawak sa kanyang noo. “Nakakagulat ka naman kanina!”
“Pasensya na! Gusto ko lang talaga tumulong!” masayang wika niya habang nililinis ang lamesa.
“Sipag mo talaga.” nakahawak pa rin sa noo si Baron.
“Salamat!” ngumiti muli si Harony.
“Sana tumulad si Clayden sa ‘yo! Hahaha!”
Nasa likuran lang ng poste si Clayden nagtatago. Pinagmamasdan lang niya ang kanyang mga kuko sa kanyang mga daliri habang pinapakinggan ang pag-uusap ng dalawa. Nakaramdam siya ng pagkaselos habang naririnig niya si Harony na tumatawa.
Nasa kwarto pa rin si Janella habang nakaupo sa kanyang kama. Kumakain siya ng mansanas habang pinakikiramdaman niya kung kakatok pa si Alexius. Pero hindi na ito kumatok pa at mukhang umalis na.
“Tsk! Ano na ba ang gagawin ko?!” tanong niya mula sa kanyang isip. “Bakit pa kasi sa lahat ako pa?! Bakit itong mundo na ‘to?!”
Tumayo siya at pumunta sa kanyang vanity table triple mirror. Umupo siya sa upuan at malungkot niyang tiningnan ang kanyang sarili sa salamin. Napatingin siya sa picture frame ni Jasper na nakapatong dito.
“Jasper...” hinawakan niya ito. “Kung mas magaling o ano pa si Lucius kaysa sa ‘yo, hinding-hindi ko na siya tatanggapin pa bilang isang tagapagtanggol ko dahil hindi ko na kailangan pang magkaroon. Kaya ko na ‘to sa tingin ko. Ayoko na rin kasing makatanggap ng isang napakasakit na balita... Ayoko nang may nagbubuwis pa ng buhay para sa ‘kin...” naiiyak na naman siya ngunit tinitimpi lang niya ito. “Kung makakalimutan ka man nila, hindi ka pa rin mag-iisa dahil nandito ka pa rin naman sa puso’t isip ko, Jasper.” napangiti siya at tumayo pagkatapos. Lumingon siya at tumingin sa bintanang bukas. Malamig at malakas ang hangin. “Puntahan ko kaya si ina.” bulong niya sa kanyang sarili.
Lumabas siya sa kanyang kwarto at pumunta sa kwarto ni Adelaide. Kumatok siya.
“Ina?” kumakatok pa rin siya.
“Janella?”
“O-Opo, ako nga po ‘to.” kinabahan siya nang marinig niya ang boses nito. Napakagat-labi siya.
“Pumasok ka.” mahinahong wika niya.
Nasa loob rin pala si Alexius at ngayon ay palabas na siya ng kwarto para matulog na sa kanyang kwarto. Siya na ang nagbukas ng pinto para sa prinsesa. “Magandang gabi, Your Highness.”
Mas lalong kinabahan si Janella nang bumukas na ang pinto. Ngunit nagulat siya nang makita niya na nakangiti sa kanya ang kanyang ina.
“Ina...” pumasok siya sa loob at nilapitan si Adelaide sa kama. “Pasensya na po sa pinakita kong pangit na ugali kanina.” malumanay siyang umupo sa kama.
Hindi kaagad nakasagot si Adelaide habang nakatingin lang siya sa mga mata ni Janella. “Huwag na huwag mo nang uulitin ‘yun Janella. Ayoko ng ganu’ng ugali. Lalo na sa harapan ng mga bisita natin.” napailing siya. “Sobrang nakakahiya ‘yun sa isang prinsesa.”
Napayuko si Janella. “Pasensya na po talaga...”
Tiningnan lang sila saglit ni Alexius habang nakangiti. Lumabas na siya ng kwarto pagkatapos at dahan-dahan naman niyang sinara ang pinto.
Napapikit si Adelaide at napahawak sa kanyang noo. “Muntikan na nga akong himatayin.”
Nakayuko lang ang prinsesa. “Masyado lang po kasi akong nainis nang ihambing n’yo po si Lucius kay Jasper. Parang minamaliit n’yo na po kasi siya...”
Dumilat si Adelaide at muling tumingin sa kanya. “Hindi sa ganu’n anak, ang ibig ko lang sabihin ay may alam na si Lucius tungkol sa Bhingelheim World kaya siguradong mapapalayo ka niya sa kapahamakan.”
“Ganu’n din naman po siguro si Jasper...” malungkot na wika niya.
Malumanay na umupo si Adelaide at inalis ang iilang buhok ni Janella na nakaharang sa kanyang mukha.
Malungkot na tumingin si Janella sa kanya.
Umiling siya. “Hindi ko alam anak. Kahit nga ang kanyang ama ay wala ring alam tungkol sa planetang ‘yun. Paano pa kaya siya di ba? Sumugod na lang talaga siya nang malaman niya ang masamang plano ng mga La luna. Pero alam naman natin na ginawa naman niya ang buong makakaya niya para sa ‘yo at para sa ating mundo.”
“Bakit hindi naman pinigilan ni Ginoong Damion ang kanyang anak na si Jasper? Siguro alam naman niya na susugod siya sa Bhingelheim di ba?”
“Ayon sa sinabi ni Damion, madaling araw daw kahapon umalis si Jasper sa ating mundo. Huli na daw ang lahat dahil umaga na niya nabasa ang iniwang sulat ni Jasper sa kwarto niya na pupunta daw siya sa Bhingelheim World para harapin ang mga kalaban na gustong sumakop sa atin.”
Hindi muna sumagot si Janella. Napapikit muna siya at pinipilit niyang hindi mapaluha. Pagkatapos ng ilang minuto, dumilat na siya at handa na muling magsalita. “Ina, bakit parang hindi ko po alam na may balak na po pala ang mga La luna sa mundong ‘to?” tinutop niya ang kanyang dibdib at kinabahan. “Tapos hindi ko rin po alam na papatayin din nila ako. B-Bakit w-wala akong kaalam-alam?!”
“Huwag ka nang mag-alala sa ‘yong sarili. Nandito na si Lucius para sa ‘yo at para sa atin. Hindi ka daw manganganib kung nandito ka lang daw sa loob ng palasyo. Delikado na daw ang labas para sa ‘yo sabi niya. Sumasang-ayon ako sa kanya at marapat ka nga lang dito.”
Mas nalungkot si Janella dahil ang kahit paglabas sa palasyo ay hindi na rin pwede sa kanya. Napapikit muli siya at napabuntong-hininga. “Pero… parang ayoko na...” dumilat muli siya at tumingin sa mga mata ng kanyang nanay.
“Anong ibig mong sabihin, Janella?” nagtaka si Adelaide.
Kinabahan muli siya at yumuko. “Ayoko na po talagang magkaroon ng kabalyero. Hindi ko na siya kailangan.”
Bigla siyang nainis dahil ang akala niya ay tatanggapin na ni Janella si Lucius bilang isang kabalyero niya. “Anak, hindi nga pwede! Kailangan mo nga siya!” medyo galit na ang tono ng kanyang boses. Kumunot ang kanyang noo.
“Ina! Kaya ko na nga po ‘to!”
“Paano kung mapahamak ka?! May magagawa ka pa ba?!”
“Hindi po...” umiling-iling si Janella. “KA-YA-KO-PO-I-TO-NANG-AKO-LANG.” ngumiti siya ng kakaunti habang kinakabahan naman sa loob-loob.
“SABING HINDI NGA PWEDE!!!” madiin niyang hinawakan ang magkabilang balikat ni Janella.
“Hindi po ba kayo nagtitiwala sa ‘kin? Paano po kung may mangyari ring masama kay Lucius?!”
“ANAK! IKAW ANG KAILANGAN NILA! KAYA IKAW ANG DAPAT NA PROTEKTAHAN DITO!!!”
“Ibig sabihin, ayos lang po na sila ang mapapahamak at mamamatay para sa ‘kin? Ganu’n ba ina?”
Binitiwan ni Adelaide ang magkabila niyang balikat. “MAKINIG KA NGA SA MGA SINASABI KO JANELLA!”
“Nakikinig po ako sa inyo!”
“BUONG MUNDO AY MADADAMAY KUNG MAY MASAMANG MANGYAYARI SA ‘YO!”
“Kaya ko nga ‘to ina! Walang masamang mangyayari sa ‘kin!”
Naluluha na si Adelaide sa inis. “Wala tayong magagawa! Kailangan mo siya sa buhay mo dahil hahanapin at papatayin ka ng mga La luna!”
“Hindi po, hinding-hindi ko po papabayaan ang aking sarili kagaya ng ginagawa sa ‘kin ni Jasper... Pangako ko po ‘yun sa inyo ina...” naluluha na rin si Janella sapagkat nakikita niyang lumuluha si Adelaide.
“JANELLA! MAKULIT KA!”
“Patawarin n’yo po ako, pero ayoko na po talaga!” tumayo na siya mula sa kama nito at umatras. “Ayoko lang po na baka may mangyari ring masama sa kanya!” tumakbo na siya habang patungo sa pintuan para lumabas ng kwarto.
“JANELLA!!!” sigaw ni Adelaide.
Tumungo ang prinsesa sa kanyang kwarto. Pumunta siya kaagad sa kanyang aparador para kunin ang kanyang mga gamit.
Maghahatinggabi na maya-maya at oras na para matulog. Ngunit may mga atupagin pa ang mga servants na dapat pang tapusin.
Luminga-linga si Baron dahil parang may kulang sa kanila. Katabi niya si Harony. “Harony...” tumingin siya sa kanya. “Nakita mo ba si Mitch?”
“Hmm...” napaisip si Harony. “Parang hindi.” umiling siya.
“Oops!” humarang si Clayden sa pagitan ng dalawa. “Baron! Ibahin natin ang pormasyon ng mga lamesa’t upuan. Huwag naman sa gilid. Sakupin naman natin ang espasyo ng sayawan!” ningisihan niya si Baron.
Kumunot ang noo ni Baron dahil hindi niya naintindihan ang ibig sabihin nito. “Ha? Bakit natin sasakupin ‘yun e para nga sa sayawan ‘yun?”
Kumunot ang noo ni Clayden. Binatukan niya si Baron at sabay tayo ng tuwid. Pumikit siya. “Tanggalin lang muna natin ang espasyong ‘yun! Tutal wala naman gaanong sumasayaw e! Saka hindi naman pang-habangbuhay ang ganu’ng arrangement! Iniiba naman natin ‘yun linggo-linggo kaya ayos lang!” binatukan niya muli si Baron. “Para maiba naman!”
Napahawak na sa ulo si Baron. “Tsk! Ang sakit naman Clay!”
“Ah, o sige!” nakangiting wika ni Harony habang nakatingin kay Clayden.
Madaling humarap si Clayden kay Harony habang nakapikit. “Yes Harony.” ngumiti siya.
“Okay! Let’s do it!” tumungo na si Harony sa mga lamesa.
Nakangiti lang si Clayden habang pinagmamasdan si Harony.
“Hindi ba pangit tingnan ‘yun? Parang ang gulo e! Anong tawag sa ganu’ng arrangement? Ang magulong arrangement ni Clayden, ganu’n?”
Madaling humarap si Clayden kay Baron at inaperkat.
“UUUGGGGHHH!!!” tumalsik na naman siya.
“Baka gusto mo ng The Flying Baron? Just shut up!” nakapikit lang siya habang nakasimangot. Tumalikod na siya at pinagpag ang magkabila niyang kamay. Inayos niya ang kanyang kasuotan at tumayo siya ng tuwid. Lumakad siya patungo kay Harony.
Bumagsak na si Baron. “Aray ko...”
Napansin ng isang katulong na lalaki si Baron na nakahilata sa isang tabi at mukhang hilong-hilo. Naawa siya sa itsura nito kaya lumapit siya sa kanya. “Kuya, anong nangyari po sa inyo?”
Hindi sumagot si Baron.
“Kuya...?”
“W-Wala...” marahan siyang umupo habang iritable ang ekspresyon ng kanyang pagmumukha.
“Kuya?”
Tumingala si Baron para tingnan siya. Nanliit ang kanyang mga mata sapagkat nasisilaw siya sa mga ilaw. “I-Ikaw ba ‘yan Nathy?”
“O-Opo, ako nga po.” nag-aalala pa rin si Nathy.
“Ah...” ngumiti siya. “Kahit na maliwanag ang mga ilaw na nasa likuran mo, nakikilala pa rin kita lalo na sa height! Ang liit mo kasi!”
Nahiya ang kausap at napayuko. “Tatangkad din po ako kuya! Huwag po kayong ganyan!” malungkot niyang wika.
“Ahehehe! Ikaw talaga Nathy!” nakatawa si Baron habang nakatingin sa kanya. “Pwede mo ba akong tulungang patayuin? Nahihilo kasi ako e.”
“O-O sige po.” tumango at inabot niya ang dalawa niyang kamay sa kanya.
“Huwag kang babagsak sa ‘kin ha? Baka kasi pagkahila ko ng kamay mo, matumba ka sa lakas ko.” biro ni Baron sa kanya.
“H-Hindi po!” umiling si Nathy at namula sa hiya.
“Sigurado ka ah!”
Tumatango siya habang nakayuko.
“Eto na!” hinawakan na niya ang kanyang kamay at hinila-hila niya.
Naramdaman ni Nathy ang kabigatan ng kamay nito. Malaking tao kasi itong si Baron at baka nga pagkahila nga ng kanyang kamay ay siya ang matumba. “Opo!” malakas pa rin ang kanyang loob.
Nagbibiro lang naman si Baron. Lahat na lang talaga ng bagay kay Nathy ay tinototohanan niya. Alam naman niya na hindi naman talaga siya kaya nito.
“‘Wag na nga lang Nathy! Mabait naman ako e!” malumanay siyang tumayo at pinagpag ang kanyang damit. “Alam mo naman ako, ayokong may nahihirapan lalo na sa mga cute!” bigla niyang pinisil ang pisngi nito. “Parang ikaw! HHMMM!!!” at nanggigil pa.
“A-Aray ko po!!!” napahawak siya sa dalawang kamay ni Baron.
“Bakit ba ang cute mo Nathy?!” pinipisil pa rin niya ang magkabilang pinsgi nito. “Hmmm! HMMM!!!”
“KUYA! M-MASAKIT NA PO!!!”
Mabilis niyang binitiwan ang magkabila niyang pisngi. “Hehehe! Pasensya na Nathy.” hinimas niya ang ulo nito.
“A-Ahmm...” namumula pa si Nathy habang nakatingin sa kamay ni Baron na nasa ibabaw ng kanyang ulo.
Ngumiti si Baron at tumawa pa ng marahan. Nagsilabasan muli ang mga imaginary roses na kumikinang-kinang sa kanyang likuran. “Punta tayo kina Clayden. Kaya halika na, Nathy…” inakbayan niya ito at naglakad patungo sa mga lamesa. May slow motion effects pa nung maakbayan niya si Nathy.
“A-Ah!!!” biglang nailang si Nathy dahil hindi siya sanay nang inaakbayan.
“Nathy, alam mo parang wala akong inaakbayan.”
Yumuko na lang siya at nakaramdam ng hiya. “Kuya naman e.” mahinang wika niya.
“Hehehe! Biro lang! Ikaw naman!” nakatawa si Baron at muli niyang hinimas ang ulo nito. Mas lalo pang nagkinangan ang mapupulang rosas sa kanilang likuran.
Kina Clayden at Harony naman, nagtutulungan lang silang dalawa sa pag-aayos ng mga upuan at lamesa.
“Clayden, napansin mo ba si Mitch?” tanong ni Harony.
“Hindi e, bakit?”
“Hmm, nagtataka lang ako.”
Biglang bumukas ang main door at pumasok si Mitch sa loob na seryoso ang pagmumukha.
“Si Ate Mitch!” tinuro ni Nathy si Mitch.
“Oo nga ‘no?!” madaling lumapit si Baron kay Mitch. “Mitch!” humarang siya sa harapan nito.
Walang ganang makipag-usap si Mitch ngayon dahil pagod na pagod na siya. “Matutulog na ako Baron. Mauuna na ako sa inyo.”
“Bakit?”
“Anong bakit? Pagod na pagod na kaya ako!”
“Taray mo naman...” mahinang wika ni Baron. “Paano kung ayaw pa kitang pagpahingahin?”
Bumuntong-hininga si Mitch at napahawak na lang sa kanyang noo. “Naglinis na ako sa hardin at ang dami-dami ko pang ginawa! Patulugin mo na ako!”
Nakatingin sa ibaba si Baron at ngumuso. “Sungit mo talaga. Biro lang naman ‘yun.” himihikbi-hikbi pa siya kunwari.
“Good night. Matutulog na ako Baron.” umalis na siya sa kanyang harapan.
Lumingon si Baron at tiningnan si Mitch habang malungkot siyang nakanguso.
“Hello Mitch!” kumaway si Harony sa kanya.
“Hello.” walang ganang bati ni Mitch sa kanya. “Good night.” dumiretso na kaagad siya sa kwarto.
“Ay…” binaba ni Harony ang kanyang kamay at sinundan niya ng tingin si Mitch. “Matutulog na siya.”
“Pabayaan mo na. Ayos lang yun. Pagod na rin kasi siya.” mahinang wika ni Clayden habang ang mga kamay niya ay nakapasok pa sa bulsa ng kanyang pantalon. Napatingin siya kay Harony. “Harony, ayusin na muli natin ng mga lamesa’t upuan.”
Tumingin sa kanya si Harony. “O sige.” tumango siya.
Seryoso na ang lahat habang inaayos ang mga lamesa at upuan. Iniiba talaga nila ang arrangement ng mga lamesa’t upuan para hindi nga naman nakakasawa sa paningin. Si Clayden naman ang nagiging pinuno nila pagdating sa mga ganyan. Dahil mas malawak ang kanyang imahinasyon hindi katulad ni Baron.
Natapos na rin nila ang kanilang atupagin pagkatapos ng ilang oras. Maayos at maganda nang tingnan ang lahat. Ngayon at dumating na ang kanilang pinakahihintay nilang oras, ang oras ng tulugan.
“O sige! Matulog na kayo guys! Iwanan n’yo na ako dito! Iikutin ko pa ang buong palasyo! Ang hirap talaga kapag pinuno ‘no?! Sana kahit papaano, sabay-sabay pa rin tayong matutulog!” nagpaparinig si Baron sa kanilang lahat sapagkat siya kasi ang may tungkulin na gawin ang ganitong trabaho.
“O sige iwanan na natin siya! Inaantok na kami!” wika ni Clayden. “HOOOHHH!!!” kunwari pa siyang himikab. “Sige, good night Baron!” humarap na siya sa mga servants. “Matulog na tayong lahat!”
“Oo nga! Matutulog naman talaga tayo ah! Sino ba ang may sabi na hindi pa tayo dapat matulog pagkatapos ng trabaho?” nagtaka ang isang servant na lalaki.
“Hahaha! Wala! Sino ba Julius?” nakatawa lang si Clayden.
“Ewan ko sa inyo! Kaya nga tinatanong ko di ba?” pumikit si Julius at humalukipkip. “Ano pa ba ang inaantay natin dito? Pumunta na kaya tayo sa kwarto. Ang bagal n’yo!” naiinip na siya.
Natawa si Clayden ngunit mabilis niyang tinakpan ang kanyang bibig para pigilan. Napatingin siya kay Baron at nakaramdam siya ng awa para dito.
Tumalikod si Baron sa kanilang lahat. Muli siyang ngumuso at tinutop pa niya ang kanyang dibdib. “Sakit naman, iiwanan nga nila ako...”
“Sige Baron! Matutulog na kami! Oras na kasi ng pahinga namin!” nagparinig rin si Clayden.
“Bakit ba parang nagpaparinigan pa kayo?” nakakunot noong tanong ni Julius habang nakahalukipkip.
Humarap si Baron sa kanila. “Sige na, matulog na kayo.” ngumiti siya ng kakaunti.
“Okay! Oras na ng tulugan!” tinaas ni Clayden ang dalawa niyang kamay.
“Halika na! Pinatatagalan pa kasi!” naglakad na si Julius.
“Ahehehe!” natawa na lang si Clayden. Sumunod siya kay Julius.
“O sige Baron, aantayin ka na lang namin sa kwarto.” wika ng mga babaeng servants habang sila ay mga nakangiti.
“Salamat.” ningitian rin ni Baron ang mga kababaihan.
Mga pumunta na sila ng kwarto. Tanging si Baron na lang ang tao sa palapag dahil mga nasa kwarto na ang lahat. Nililibot pa niya ang buong palasyo para siguraduhin kung maayos na talaga ang lahat. Hawak-hawak lang niya ang kandila habang pinapatay niya ang bawat ilaw na madadaanan niya. Maayos na ang lahat sa ika-una at ikalawang palapag. Umakyat na siya para tingnan naman ang ikatlong palapag. Naisipan niyang bisitahin si Adelaide dahil madadaanan niya ang kwarto nito. Nang madaanan niya ang kwarto nito, napansin niyang nakaawang ang pinto nito.
“Gising pa ang mahal na reyna?” tanong ni Baron mula kanyang isip. Pumunta siya at sinilip si Adelaide sa loob.
Nakahiga lang ito sa kanyang kama habang tulog. Nakabukas pa ang mga ilaw nito sa loob. Pinasok ni Baron ang kanyang braso para patayin sa switch ang ilaw. “Have a good night’s rest, Your Majesty...” bulong niya habang siya ay nakangiti. Sinara na niya ng dahan-dahan ang pinto. Naisip rin niyang bisitahin si Janella sa kwarto.
Naglakad muli siya habang patungo na sa kwarto ni Janella. Nung madaanan niya ang kwarto nito, may naririnig siyang malakas na hangin mula sa loob ng kanyang kwarto. Kumatok siya.
“Your Highness?” nagtaka siya at pinakinggan niya ang malakas na hangin sa pinto.
“Matulog ka na!” mataas na tonong sabi ni Janella sa loob.
“Ha?” nagulat si Baron dahil gising pa rin pala si Janella hanggang ngayon. “Your Highness, bakit hindi pa po kayo natutulog?”
“Matutulog na ako! Matulog ka na rin!”
Nilayo na ni Baron ang kanyang tenga sa pinto. “Ah, o-opo... have a good night’s rest, My Lady.”
Sa loob naman ng kwarto ni Janella, ang bintana niya ay nakabukas habang malakas naman na pumapasok ang hangin sa loob. Mga nakapatay na rin ang mga ilaw sa loob. Tanging malakas na liwanag lang ng buwan ang nagsisilbi niyang ilaw ngayon.
“Kainis! Nahihirapan ako!” galit na bulong ni Janella.
Tinago niya mula sa kanyang kasuotan ang isang matalim na bagay. Tinago naman niya sa loob ng isang bag ang kanyang mga gamit. Nakasuot siya ng pang-alis na kulay itim.
“Tatakas ako dito! Ako pala ha? Ako pala ang kailangan nilang patayin ha?! Hmp! Aalis ako sa palasyo na ‘to para walang gulo! Mas susundin ko ang plano ko kaysa sa plano mo Lucius! Tandaan mo, hindi kita kabalyero para protektahan ako. I can protect myself from them!” ngumisi siya at sinara na niya ang zipper ng bag.
Napatingin siya sa bintana niyang nakabukas habang dinaramdam ang malamig na hanging pumapasok sa loob. Pumunta siya sa bintana. Tumingin siya sa langit. “Jasper… hinding-hindi ko mapapatawad ang mga La luna. Papatayin ko talaga sila kapag nakita ko! Kaya humanda sila sa ‘kin!”
Biglang may lumitaw na lang na kulay itim sa kanyang likuran. Tahimik lang ito kaya hindi siya napansin ni Janella. Mabilis niyang tinakpan ang bibig at ilong nito.
“Hm!” nagulat si Janella. “HHMHMMM!!!!!!!” pinilit niyang tanggalin ang mga kamay na nakatakip sa kanyang bibig at ilong. Ngunit madali siyang nakatulog.
Kumukulog-kulog na at mukhang malakas ang ulan na bubuhos mamaya dahil masyado nang malakas ang hangin. Biglang umambon.
Tapos na rin sa wakas si Baron sa kanyang trabaho. Papunta na siya sa kanyang kwarto. Binuksan niya ng dahan-dahan ang pinto ng kwarto at tahimik din siyang pumasok sa loob. Napangiti siya nang makita niya na tulog na ang lahat. Kahit ang mga babae na nagsabi na aantayin daw siya ay mga tulog na rin.
Pumunta na siya sa kanyang kama para humiga at matulog. Inayos niya muna ang malambot niyang unan. Humiga na siya pagkatapos.
Napatingin siya sa kisame. “Sana maayos na ang lahat bukas... Ayoko na ng gulo.” bulong niya. Pumikit na siya at tumagilid. “Delikado na ‘to...”