3: Untraveled

 

 

Umaga, nakaupo at nakasandal lang si Janella sa isang puno habang mahimbing siyang natutulog. Nakatali ang kanyang mga kamay pati ang mga paa niya. Nagising lang siya sa ingay ng alon ng dagat at sa awitin ng mga ibon. Ngunit nakapikit lang siya habang pinapakinggan ang alon pati na rin ang mga ibon.

Alam kong gising ka na, Princess Janella.” wika ng isang misteryosong boses.

Nagulat si Janella dahil hindi siya pamilyar sa boses. Nagtaka’t napaisip rin siya kung paano siya nakilala nito. Nakaramdam siya ng takot at kaba. Dahan-dahan na siyang dumilat para tingnan kung sino ang nagsalita.

Magandang umaga sa ‘yo, princess.”

Nagulat ang prinsesa nang sumalubong kaagad sa kanyang paningin ay ang kulay asul na totem mask na suot-suot ng misteryoso.

Nakita rin niya na nakasuot ito ng cloak hood na deep blue ang kulay. Natatago ng cloak ang buong katawan niya kahit ang magkabila niyang braso.

Aahh!!!” sigaw ni Janella habang napapa-atras pa sa puno. “S-Sino ka?!” takot niyang wika habang takot rin siyang nakatingin sa kanya.

Lumayo ng kakaunti ang misteryoso nang maramdaman niya na natatakot ang prinsesa sa kanya. Madali niyang binaba ang hood na nakasuot sa kanyang ulo. Nakapusod ang kanyang buhok. “Princess, huwag kang matakot. Hindi ako masama!”

AAAHHH!!!! HALIMAW!!!!!” mabilis na ginalaw ni Janella ang kanyang mga braso at paa. Napatingin siya sa mga tali. “A-Ano ‘to?! Bakit ako nakatali?! PAKAWALAN MO AKO!!!” sigaw niya na halos maiyak-iyak na siya sa sobrang takot.

Huminahon ka lang! Ayos lang ang lahat!”

Tumingin siya sa kanya at nainis. “Anong maayos dito?! Tingnan mo naman ‘tong ginawa mo sa ‘kin! Maayos ba ‘to?!”

Princess, huminahon ka lang. ‘Wag kang matakot.” muli siyang lumapit sa kanya.

Nanlaki ang mga mata ni Janella at lalo siyang natakot nang makita niyang lumalapit na ang misteryoso sa kanya. “TULLLOOONG!!!” sumigaw na siya ng sobrang lakas at baka may makarinig sa kanya.

Ssshhhhh!!!!” madali niyang tinakpan ang bibig nito.

MHHMMHHHMMM!!!!!” nagwala siya. Ginawa na niya ang pinakamalakas niyang boses na kaya niyang abutin ngunit halos mapiyok-piyok na siya.

Ssshhh!!! Walang sinuman ang makakarinig sa ‘yo dito sa dalampasigan, princess! Kundi ako lang!”

HHHMMHHMMM!!!!!!”

SSSHHH!!!!” tinakpan na ng dalawa niyang kamay ang bibig nito.

HHHHMMMHHHMMMMMM!!!!!!!!!!!!!!” nagwawala na talaga siya.

Madaling inalis na ng misteryoso ang dalawa niyang kamay mula sa kanyang bibig.

Hah! Hah! Hah!” napayuko si Janella at hiningal. Masama niyang tiningnan ang misteryoso pagkatapos at sinigawan. “TANGGALIN MO NGA ‘TONG MGA NASA KAMAY AT PAA KO! NAKAKAINIS KA NAMAN E! SAKA ANONG PRINSESANG PINAGSASABI MO DIYAN?! MAY NAKIKITA KA BANG KORONA SA ULO KO?! HINDI KAYA AKO PRINSESA! HUWAG NA HUWAG MO NGA AKONG TAWAGING PRINSESA!!!!!”

Ssshh!!!!! Pakiusap, huwag kang maingay!” madali siyang nag-silent pose.

AT BAKIT AKO MANANAHIMIK?! AKALA KO BA WALANG TAO DITO?! ANG GULO MO RIN AH! DALIAN MO NA!!! TANGGALIN MO NA KASI ‘TONG MGA TALI SA ‘KIN!!! ANG BAGAL MO!!!”

Madaling napagod si Janella at biglang naramdaman niya ang pananakit ng kanyang lalamunan dahil sa kakasigaw niya. Hinihingal pa rin siya at mukhang nagamit na niya ang kanyang super powers.

Inantay muna ng misteryoso na tumigil at manahimik si Janella bago siya magsalita. Tahimik lang siyang nakatingin sa kanya habang nakaupong-tingkayad sa kanyang harapan. Nung makita niya na tumahimik na si Janella ay saka pa lang siya tumayo. “Huwag kang aalis kapag tinanggal ko ang mga tali sa ‘yo princess.”

Ayos ka ah! Kilala ba kita?! Kung makapag-utos ka, akala mo kung sino! Tanggalin mo na nga kasi! Saka di ba sinabi ko na?! Na hindi nga ako isang prinsesa! Ano ka ba?!”

Tinalikuran niya si Janella.

HOY! HUMARAP KA NGA SA ‘KIN KUNG SINO KA MAN!!! TANGGALIN MO NA ‘TONG MGA TALI!!!!”

Humarap siya ng malumanay kay Janella. “Huwag kang tatakas.”

Bakit ba?! Ano bang problema mo sa ‘kin?!”

Yumuko siya.

DALIAN MO NA KASI!!!!!! TANGGALIN MO NA ‘TO! PAYUKO-YUKO PA E!!!” muling nagwala sa isang tabi si Janella dahil gustong-gusto na niya talagang makawala. “Ano ba naman ‘to!!!”

Tahimik lang ang misteryoso habang seryoso lang siyang nakatingin sa kanya.

O sige na! Hindi na ako tatakas.” sumimangot si Janella habang nakatingin sa kanya.

Sabi ko na nga ba, tatakas ka pagkatapos kong tanggalin ang mga tali sa ‘yo.” napatingin siya kay Janella. “Sigurado ka?”

OO NGA! PAULIT-ULIT?!” pinandilatan niya ito dahil inis na inis na siya.

Mahinahon pa rin ang misteryoso at kinuha na niya ang kutsilyo mula sa loob ng kanyang cloak. “Lumuhod ka.”

Hmp!” inirapan pa ito ni Janella bago siya lumuhod.

Pumunta siya sa likuran ng prinsesa at lumuhod rin. Pinutol niya paisa-isa ang mga tali sa kanyang mga kamay at paa. “Ayan na, naputol ko na.”

Mabilis na inalis ni Janella ang mga tali sa kanyang mga paa. “Bleh!” madali siyang tumayo at tumakbo. “Hahaha! Akala mo ha?! Niloko lang kita!”

Mabilis siyang tumatakbo patungo sa gubat para hindi na siya makita nito. “Hah, hah, hah!” sa kabila nito, madali naman siyang hiningal. Paunti-unti siyang nagkakaroon ng mga sugat sa mukha at sa magkabila niyang kamay na hinahawi niya sa mahahabang halaman na may mga tinik ang sanga. Bigla siyang natisod sa isang batong nakabaon.

AHHHH!!!!” sigaw niya nang siya ay natisod at bumagsak sa lupa. Nagasgasan ang kanyang mukha pati ang kanyang kasuotan ay medyo nadumihan na. Ngunit sa sobrang takot niya at gusto nang umalis na, hindi na lang niya inintindi ang sakit na naramdaman niya. Mabilis siyang tumayo at muling tumakbo.

Habang siya ay tumatakbo, nakita niya ang dalawang daan. Ang kaliwang daan ay papaitaas habang ang isa naman ay pantay lang. Tumungo siya sa kaliwang daan. Mabuti naman at tama lang ang pinuntahan niyang direksyon dahil walang mga sanga dito na makakaabala sa kanyang pagtakbo. Tiningnan niya ang kabilang daan at nakita niya na mas maraming halaman at sanga sa daang ‘yun. Habang pinagmamasdan niya ang daang ito, may nakita siyang kakaiba. “H-Ha?!” nagulat siya.

Sa daanang ‘yun, may isang tubig na kulay asul na sinasabayan din siya sa pagtakbo na kasing-bilis niya.

A-Ano ‘yun?!” nakakunot noong tumingin sa harapan si Janella para tingnan naman ang kanyang tinatakbuhan.

Ang tubig ay mabilis na gumapang sa kabilang daan na kung saan nando’n ang prinsesa. Mabilis itong humarang sa harapan ni Janella at mabilis na naging yelo pagkatapos.

AAAHHH!!!!” pinilit ni Janella na huminto. Sinangga niya ang magkabilang braso niya sa kanyang mukha. “ARAY!!!!!” malakas siyang bumangga sa yelo at natumba.

Mabagal na natunaw ang yelo.

Aray… ko…” napapikit ng mariin si Janella. Hinawakan niya ang nasaktang parte ng kanyang katawan. Pinilit niyang dumilat para tingnan ang tubig.

Ang tubig na tinitingnan niya na nasa kanyang harapan ay paunti-unting kumukorteng tao.

Ha?!” nagulat at napaatras siya habang tinitingnan ang tubig.

Pagkatapos na maging isang korteng tao ang tubig, gumagapang mula sa kanyang paa hanggang ulo ang pagkakulay tao niya pati ang kanyang kasuotan.

Sinusundan lang ng tingin ni Janella ang papaangat na kulay tao sa tubig. “Wow...” humanga siya.

Di ba sinabi mo sa ‘kin na hindi ka tatakas?” seryosong tanong ng misteryoso. Buong katawan na niya ay naging kulay tao na.

Nagulat ang prinsesa nang malaman niya na siya pala ang tubig. “Eh?!!! I-Ikaw pala ‘yan?! Ayan na naman ang creepy mong maskara! Ano bang problema mo sa ‘kin ha?!”

Halika na.” inabot niya ang kanyang kamay sa kanya. Mga nakagwantes na kulay itim ang kanyang mga kamay.

Tumingin si Janella sa kamay niya at muling tumingin sa kanya. “Iwanan mo na nga ako!”

Hindi kita iiwanan dito. Sasama ka sa ‘kin princess.”

Tsk! Ang kulit mo talaga! Hindi nga ako isang prinsesa! Ano ba?!”

Tahimik lang siyang nakatingin sa kanya.

Hindi na nga ako makatayo sa sakit e! Saka sino ka ba para sumama ako sa ‘yo?!” kumunot muli ang kanyang noo. “Umalis ka na nga! Iwanan mo na ako! Tsk!” yumuko siya at hinimas ang balakang niya. Tiningnan niya ang kanyang kasuotan. Nadumihan na ito at may mga iilang punit pa.

Hindi kita iiwanan dito.”

Sino ka ba?! Oo alam kong isa kang halimaw na may pangit na maskara! Ano bang gusto mo sa ‘kin?!” tumingala siya at masama niya itong tiningnan.

Nagulat ang misteryoso sa kanyang sinabi.

IWANAN MO NA NGA AKO PWEDE BA?! BAKIT BA PARANG HINDI MO AKO KAYANG IWANAN DITO?!” hinawakan niya ang kanang siko niya na may sugat. “Tsk!”

Hinawakan na lang ng misteryoso ang kamay ni Janella at inalalayan siyang patayuin.

Nagulat si Janella nang hawakan nito ang kanyang kamay habang inaalalayan siyang patayuin. “Aray ko naman!”

Sumama ka na sa ‘kin. Tutulungan kita.”

Tumingin si Janella sa kaliwang tuhod niya dahil naramdaman niya na sumakit ito. “Oo na! Oo na! Sasama na ako sa ‘yo! Nagbabait-baitan ka pa!” hinawakan niya ng mahigpit ang kanyang kamay at dahan-dahan na siyang tumayo.

Halika na... huwag kang mag-alala, aalalayan naman kita sa paglakad.” pinalipot niya mula sa likuran ni Janella ang kanyang braso at hinawakan niya ang baywang nito para tulungan siyang maglakad.

Nakasimangot lang si Janella habang siya ay nakatingin sa kanya. Medyo nahiya siya dahil hindi siya sanay na may nakahawak sa baywang niya. “Dahan-dahan lang ah!” inakbayan na niya ito para alalayan din ang kanyang sarili.

Mhm.” tumango siya.

Hmp! Pagkatapos mo akong saktan, tutulungan mo rin pala ako!” pagalit na tanong niya mula sa kanyang isip. Tumingin siya sa ibaba para tingnan ang kanyang madadaanan.

Ilang minuto ang lumipas, pinagmamasdan na ni Janella ang buong kagubatan habang silang dalawa ay tahimik lang na naglalakad. Mga kulay berde ang mga puno’t halaman. Kitang-kita niya na malulusog ang mga ito at alagang-alaga. Pati ang mga ibon ay panay ang mga liparan nila at awitan.

Ouch!” nasaktan si Janella nang may bumangga sa kanyang binti bigla. Nakita niya ang dalawang kunehong naghahabulan na nasa kanyang harapan.

Pagpasensyahan mo na, naghahabulan lang sila. Nagkakatuwaan lang.” mahinahong wika ng misteryoso.

Masamang tumingin si Janella sa kanya. “Ganu’n?! Natutuwa silang banggain ang binti ko? Masakit ah!”

Alam kong nahihirapan ka na. Huwag kang mag-alala, malapit na tayo.”

Hindi naman nagtagal at napuntahan na rin nila ang kanilang pupuntahan. Nasa dalampasigan na sila at pinaupo niya si Janella sa mga batuhan na malapit sa dagat. Nakapabilog ang mga bato habang nasa gitna naman nito ay ang putol-putol na kahoy. Ginawa ng misteryoso ang lahat ng ito sapagkat palagi siyang nandito sa dalampasigan.

Aray... ko...” dahan-dahang ginagalaw ni Janella ang kaliwang tuhod niya.

Teka lang. Dito ka lang.” tumalikod ang misteryoso sa kanya at umalis.

Nasaan na ba ako?” tanong niya mula sa kanyang isip. Luminga-linga siya.

Nakita niya ang kulay puting buhangin. Sobrang linis nito at malambot kung hahawakan. Pati ang dagat ay asul na asul ang kulay at wala rin itong kadumi-dumi.

Pagkatapos niyang obserbahan ang kapaligiran. Napaisip siya sa misteryoso. “Paano niya kaya ako nakilala? Alam niya bang tatakas ako? Kung ganu’n, paano niya naman nalaman ‘yun? Ang galing naman niya. Hindi ko naman siya kilala e...” tumingin siya sa dagat.

Ang ganda ng dagat ah. Nasaang parte na kaya ako ng mundo?” napangiti siya. “Saka… ibang klase ‘yung nakita ko kanina. Galing nu’n ah! Nagiging tao ‘yung tubig? Kung sa bagay, hindi ko pa naman kasi napupuntahan ang buong kontinente. May mga ibang klaseng creatures din pala na hindi ko alam.” wika niya mula sa kanyang isip.

Bumalik na ang misteryoso. May mga hawak siyang dahong mahahaba.

Nakita ito ni Janella. Nagtaka siya nang makita niya ang mga dahon. “Dahon?”

Para sa mga sugat mo.”

Ha?! Anong gagawin ng dahon sa sugat ko?”

Natigilan ang misteryoso.

Herbal ba ‘yan?”

Huminto siya sa harapan ni Janella at mukhang hindi alam ang ibig sabihin nito. “H-Ha?”

H-E-R-B-A-L, naiintindihan mo na?”

Umiling siya. “A-Ano ‘yun?”

Nagulat si Janella dahil nalaman niya na hindi pala niya alam ang mga herbal plants. Muntikan na siyang matawa. “Ha?! H-Hindi mo alam ‘yun?!”

H-Hindi.” umiling muli siya. Napahiya.

Ano ka ba naman!” sumama ang tingin ni Janella sa kanya. “Eh ano pala ang mga dalang dahon mo diyan?! Anong magagawa niyan sa mga sugat ko?! Baka naman hindi ‘yan herbal! Baka poisonous ‘yan!”

Madaling umiling ang misteryoso. “Hindi... Hindi ‘to lason.”

Hay naku!” napailing si Janella at napayuko.

Hindi muna siya nagsalita. “Dali, tapalan na natin ang mga sugat mo.” pag-aalalang wika niya.

Natawa na ang prinsesa ngunit mabilis niyang tinakpan ang kanyang bibig para huminto sa pagtawa. Tumingin siya sa kanya pagkatapos.

Nagtaka siya. “A-Anong nakakatawa?”

Umiling si Janella. Binaba niya ang kanyang kamay mula sa kanyang bibig. “Hay! Pasensya na pero ayoko niyan. Benda ang gusto ko! Huwag mong sabihing hindi mo rin alam ‘yun!” bigla niya itong dinuro.

Hindi na siya nagsalita. Yumuko at lumuhod na lang siya sa harapan ni Janella. Binaba niya sa buhanginan ang mga dahon na hawak-hawak niya.

Hoy!” sinampal niya ito.

Napalingon siya at nasaktan. Hindi siya kaagad gumalaw sa sobrang pagkagulat. “?!”

Kausap kita di ba? Alam mo ba ‘yun? Tumingin ka nga sa ‘kin!” nakangisi pa si Janella.

Mabagal siyang tumingin kay Janella at tumayo. Napabuntong-hininga siya. Ayaw na niya sanang sumagot dahil mapapahiya na naman siya pero dahil sa pinipilit nga siya, sumagot pa rin siya. “H-Hindi rin.” mahinang wika nito at yumuko sa sobrang kahihiyan.

Muli siyang nagulat. “Hala! Ano ka ba naman! ‘Yung mahabang telang kulay puti?” sumenyas pa ang kanyang mga kamay.

Umiling-iling siya. “P-Pasensya na...”

Sus!” napahawak si Janella sa kanyang noo at yumuko. “Kawawa ka naman.” tumingin muli siya sa kanya. “Hindi ka pa ba nakakakita nu’n?”

H-Hindi ko alam. Pero… parang hindi pa.” mahinang wika niya.

Naku naman! O sige! Kahit anong tela na lang.” mukhang wala na siyang ganang makipag-usap dahil nakakaramdam na siya ng antok. “Nakakainip ka naman kausap…” at humikab.

Kinuha niya ang telang kulay asul na mahaba mula sa bulsa ng kanyang pantalon. Pinakita niya ito sa kanya. “Pwede na ba ‘to?”

Napatingin si Janella sa tela. Nanlaki ang kanyang mga mata nang makita niya ito. “Akin ‘yan ah!” tinuro pa niya ang tela at tumingin sa kanya. “Ayos ka ah! Wala ka na ngang alam e magnanakaw ka pa pala!” nainis na naman siya. Bigla niyang nagalaw ang kanyang binti dahil sa gusto niya sanang tumayo para lapitan ang misteryoso. “A-Aray ko! Sugat ko!” napahawak siya sa kanyang tuhod at napapikit sa sakit.

Siya na ang lumapit sa kanya at binigay ang tela.

Hinablot kaagad ni Janella ang tela. “Bakit mo ‘to kinuha?!” masama niyang tiningnan ang misteryoso.

N-Nagustuhan ko… kulay asul kasi.” mahinahong wika niya.

Bakit?! Paborito mo ba ang kulay asul?!”

Oo.” tumango siya.

Alam mo ba kung ano ang masasabi ko sa ‘yo? Wala kang magandang asal! Alam mo ba ‘yun sa sarili mo?! Dahil kumukuha ka na lang kasi ng bagay na hindi naman sa ‘yo at lalong-lalo na hindi naman alam ng may ari! Sa ‘kin ‘to e!”

Hindi na lang siya sumagot at tumayo na lang.

Tiningnan ni Janella ang tela. “Mabuti na lang mahaba ‘to at nadala mo. Wala akong pakialam kung gusto mo ‘to!” pinunit niya ang tela.

Mula sa likod ng maskara ng misteryoso, malungkot lang ang kanyang pagmumukha habang pinapanood ang telang pinupunit.

Lumang-luma na ‘to ah! Nagustuhan mo pa?! Hindi mo ba alam na ribbon ‘to ng gown ko dati?! Tingnan mo nga butas butas na!”

Seryoso lang na nakatingin sa tela ang misteryoso. “Hindi kasi ako maarte, princess.”

Sige! Isa pang princess na marinig ko sa ‘yo! Humanda ka sa ‘kin!” patuloy lang si Janella sa pagpupunit.

Nananatili lang na nakatingin ang misteryoso sa tela.

Bigyan mo nga ako ng tubig na nakalagay sa lalagyan, thief! Tapos umalis ka dito! Iwanan mo muna ako dito!” galit na pagkakasabi niya.

Sinunod naman niya ang pinag-uutos ni Janella. Tumalikod siya at umalis. Hindi naman siya nagtagal at mabilis din siyang nakabalik. May dala-dala siyang basket na may lamang tubig.

Eto…” malumanay niya itong binaba sa harapan ni Janella.

Salamat at umalis ka muna.” wika niya habang siya ay nakatingin sa basket.

Hindi mo ba kailangan ng tulong ko?”

Hindi ko kailangan ng tulong mo ‘no?! Lumayas ka na lang!”

Natahimik ang misteryoso dahil nagtatanong lang naman siya ng maayos. Tumalikod at aalis na sana siya nang bigla namang nagsalita si Janella.

Di ba sabi mo naman kanina na ikaw lang ang nandito?”

Lumingon lang siya. “Oo, ako lang ang nandito.”

Hm.” tumango siya. “O sige! Umalis ka na!”

Sa Doherty Palace, malakas nang bumubuhos ang ulan sa kanila. Hampasan na ng hampasan ang mga puno.

Baron!” sigaw ni Harony na may halong kaba at pag-aalala.

Napatingin si Baron sa kanya. Nag-aalala rin siya.

Mga nagkakagulo na silang lahat sapagkat nawala si Janella sa palasyo. May paghihinala ang lahat na baka dinakip na siya ng mga La luna at dinala na sa Bhingelheim World habang tulog sila. ‘Yun ang kinatatakutan nila kaya natataranta sila ngayon.

Ang prinsesa.” malungkot na nakatingin si Harony sa kanya. Napatutop siya sa kanyang dibdib. “Bakit may bag rin akong nakita sa loob kanyang kwarto na may mga gamit niya? Anong ibig sabihin nito?”

H-Hindi ko rin alam.” kinabahan na din si Baron.

Kay Adelaide naman, labis na siyang nag-aalala habang umiiyak na rin siya sa loob ng kanyang kwarto. Nakaupo siya sa tapat ng bintana habang mga nakabukas ang kurtina nito. Si Clayden pati ang iba pang servants ay nasa loob rin ng kanyang kwarto para bigyan siya ng lakas ng loob.

Your Majesty, huwag po kayong mag-alala. Gagawa po kami ng paraan!” wika ni Clayden habang hawak-hawak ang kamay ni Adelaide.

Tawagan n’yo si Lucius!” humihikbing wika niya. Napahawak na siya sa kanyang noo. “Tawagan n’yo na siya! Baka dinakip na ang anak ko!!!” pakiusap ng luhaang reyna sa kanila.

Mga nag-iiyakan na rin ang iba.

Opo!” nagkusa na si Clayden at madali siyang pumunta sa telepono.

Nilapitan ng isang babaeng servant si Adelaide. “Tahan na po…” hinawakan niya ang kanyang kamay. Naramdaman niya na nanginginig ito sa sobrang kaba. Nag-alala siya lalo.

Pagkatapos ng ilang minuto.

Your Majesty!” madaling lumapit si Clayden sa kanya. “Hindi po niya sinasagot!”

Nagulat si Adelaide. “Anong gagawin na natin Clayden?! Mukhang nagtampo siya dahil sa sinabi ni Janella kahapon sa kanya!” pag-aalalang wika niya.

Kahit si Clayden, hindi na rin niya alam kung ano ang gagawin. Nalilito na siya. “A-Ahm, d-darating din po siya!”

Ano ka ba Clayden! Kailangan na nating magmadali!” nag-aalala na ang babaeng servant.

Triny, hindi ko alam kung anong mundo ang Bhingelheim para sugurin natin kaagad! Hindi tayo pwedeng pumunta do’n! Paano kung may mangyari din sa atin?!”

Ano na ang gagawin natin?! Paano na si Princess Janella?!” medyo naluluha na rin si Triny sa sobrang takot. “Hindi pwedeng wala siya dito! Mag-aalala lang tayo ng mag-aalala!!! Dahil kapag siya ay napatay, may posibilidad na masasakop na talaga nila tayo! Uubusin nila tayong lahat pagkatapos para sila na ang mamamahala dito sa mundo!”

Bumuntong-hininga si Clayden at mas kinabahan siya.

Habang naririnig ni Adelaide ang mga sinasabi ni Triny, mas natatakot siya at parang gusto na rin niyang sugurin ang Bhingelheim. “Mahirap na ‘to Clayden! Kailangan ko na si Lucius!!!” natataranta na siya.

Biglang nagsalita si Julius. “Your Majesty, huwag po tayong mag-isip ng negatibo o masama tungkol sa kalagayan ni Princess Janella. Nasa maayos lang po siyang kalagayan ngayon.” mahinahong wika niya sa isang tabi habang nakahalukipkip. “Ako po kasi... wala naman po akong nararamdaman na masama sa kanya. Parang ayos lang naman po siya. Nararamdaman ko po.” ningitian niya ito.

Sumang-ayon na lang si Clayden. “Opo nga, basta ipagdasal na lang po natin siya na babalik rin po siya kaagad dito.” ngumiti rin siya kahit na natatakot na siya.

Alam naman po kasi natin na… mahilig po talaga siyang umalis at maglakbay. Baka nga po ganu’n… umalis lang po siya.” wika muli ni Julius.

Malungkot at natatakot pa rin si Triny. Lumapit siya kay Julius. “Anong pinagsasabi mo Jul? Hindi ka ba nag-aalala sa kanya?”

Pumikit lang siya. “Walang dapat na ipag-alala, Triny.”

Nagulat si Triny.

Kina Adelaide at Clayden naman, hawak-hawak muli ng servant ang kanyang kamay.

Siguro nga ay nandito lang si Janella sa mundo. Lumabas lang ng palasyo, tumakas? Pero sinabi ko na nga sa kanya na delikado sa kanya na lumabas! Ang tigas talaga ng ulo! Saka ano ang dapat niyang ikatakas dito? Ayaw na ba niya sa ‘kin? Sa atin? Sa palasyo na ‘to?” nagtaka si Adelaide.

Ahmm…” nag-iisip ng positibong masasabi si Clayden para huwag nang mag-isip pa ng masama si Adelaide. “Kasi po siguro, g-gusto na naman po niyang umalis sa palasyo at puntahan ang mga paborito niyang… p-puntahan.”

Anong ibig sabihin ng bag na may mga gamit niya? Anong ibig sabihin niya do’n?” nag-aalala pa rin si Triny.

Siguro, ‘yun ang dadalhin niya sa susunod na aalis ulit tayong lahat at magpi-picnic sa mga magagandang lugar.” mahinahong wika ni Julius.

Jul? Hindi ‘yan ang paliwanag na gusto kong marinig! Parang may iba pang ibig sabihin do’n! Gusto niya yatang umalis dito sa palasyo! Bakit gusto niya nito?!” napayuko siya at napapikit. Mukhang iiyak na talaga siya.

Nakahalukipkip lang si Julius. “Basta, ayos lang siya.”

Jul, nararamdaman ko na hindi siya nasa maayos.”

Hindi ka ba naniniwala sa mga sinasabi ko?!” naiinis na si Julius.

Hindi!” tumingin na muli siya kay Julius at umiyak.

Bahala ka.” umalis siya sa kanyang harapan. “Wala akong magagawa sa ‘yo.”

Habang kina Clayden ulit, naniniwala na si Adelaide na nasa maayos ngang kalagayan si Janella. Galing ni Clayden!

Nakatingin lang si Adelaide kay Clayden at ningitian ito ng kakaunti. “Salamat…”

Gumaan ang pakiramdam ni Clayden nang sabihan siya ng salitang “salamat” na nagmumula sa kanya. Natuwa siya. “O-Opo!”

Nagkaroon na ng pag-asa ang lahat. Basta iniisip lang nila na nasa maganda at maayos ngang kalagayan si Janella ngayon. Pinipilit nila na huwag isipin na nasa Bhingelheim World na siya. Na kung saan, inaapi na siya at pinapatay. Iniisip lang nila na nasa Destiny World lang ito.

Ilang oras ang lumipas, wala na ang mga servants sa kwarto. Mga lumabas na sila at tanging si Adelaide na lang ang nasa loob. Biglang nag-ring ang telepono.

?!” nagulat siya. Madali siyang tumayo at pumunta sa telepono. Mabilis niya itong sinagot.

Your Majesty, si Lucius po ‘to.”

Lucius! Si Janella! W-Wala dito!”

Hindi muna siya sumagot. “Wala po kayong dapat na ipag-alala…”

Ha?!” nagulat si Adelaide. “Anong ibig mong sabihin?!”

Ayos lang siya. Kahit na ano pong mangyari sa kanya, huwag na huwag po kayong umalis sa palasyo para hanapin siya.”

Napailing siya. “Alam mo ba kung nasaan siya?! Aalis pa rin kami dito sa palasyo kung maaari!”

Kailangan n’yo po akong pagkatiwalaan. Ako po ang kabalyero niya kaya alam ko.”

Natigilan si Adelaide.

Paalam.” nawala na si Lucius dahil binaba na niya ang phone.

Pinagmamasdan muli ni Janella ang kapaligiran habang nagmumuni-muni. Papalubog na pala ang araw at napansin rin niya na kumonti na ang mga ibong lumilipad. Tapos na niyang tapalan ng tela ang kanyang mga sugat. Gasgas at kakaunting sugat lang naman ang kanyang tuhod ngunit nagkapasa nga lang ito ng malaki at masakit kung igagalaw. Nakaupo lang siya sa buhanginan habang yakap-yakap ang magkabila niyang tuhod. Nasa tabi lang niya ang basket na wala nang lamang tubig. Bigla na lang niyang naalala si Jasper.

Natulala na siya at hindi niya sinasadyang masasabi niya ang pangalan ng kaibigan. “Jasper…” mahinang wika niya.

Tapos ka na ba?” mahinahong tanong ng misteryoso habang siya ay nasa likuran lang ng isang puno. Nag-uukit lang siya sa maliit na kahoy na hawak-hawak niya.

Ah! Ha?” nagising sa katotohanan si Janella matapos niyang marinig ang boses nito. Lumingon-lingon siya at hinanap ang misteryoso. “O-Oo! Tapos na ako! K-Kanina pa!” bigla siyang nahiya dahil baka kaninang-kanina pa siya napapansin na kinakausap niya ang kanyang sarili. “N-Nasaan ka?!”

Malumanay na lumabas sa puno ang misteryoso. Hindi na niya suot-suot ang kanyang cloak hood sa katawan. Hindi na rin nakapusod ang kanyang buhok habang hindi na rin niya suot-suot ang kanyang maskara. May lungkot sa kanyang mga mata habang siya ay nakatingin sa kanyang inuukit.

Nagulat si Janella nang makita niya ang itsura nito. Napatitig siya sa kanya at biglang gumaan ang kanyang pakiramdam nang makita niya ang mga mata nito.

Oh...” mahinang wika niya. Papikit-pikit siya habang nakatitig lang sa kanya. “Medyo mahaba pala ang kanyang buhok. Kakaunting lagpas sa balikat.” bulong niya sa kanyang sarili. Hindi na niya napapansin na tumatagilid na pala ang kanyang ulo habang nakatitig lang sa kanya.

Tinapon na ng misteryoso ang maliit na kahoy sa kanyang tabi. Hanggang sa pagtapon niya, sinundan pa niya ito ng tingin hanggang sa bumagsak na ito sa buhangin. Tumingin na siya kay Janella ngunit mukhang nahihiya pa siyang tingnan ito ng diretso.

Nang makalapit na siya kay Janella, kumuha siya ng isa sa mga bato na nakapabilog. Nilapag niya ng marahan ang bato sa kanyang haparan at do’n siya umupo.

Nakatitig pa rin sa kanya si Janella hanggang sa pag-upo. “Ahm, bakit mo tinanggal ‘yung... maskara mo?” ngumiti siya ng kakaunti.

Hm?” nakalingon lang siya habang nakatingin sa dagat. Hindi niya talaga kayang tingnan si Janella.

Sabi ko, bakit mo tinanggal ‘yung suot-suot mong maskara kanina?”

Pumikit siya at naglakas-loob na tumingin na sa kanya. Napabuntong-hininga siya habang nakatingin sa kanya. Bigla siyang kinabahan dahil baka sigawan na naman siya o saktan. Hiyang-hiya pa rin siya sa kanyang sarili. Bigla siyang napatingin sa ibaba imbis sa mga mata ni Janella. “W-Wala naman, hindi ko naman talaga kasi hilig magsuot ng maskara.”

Napanganga ng kakaunti si Janella habang pakurap-kurap pa. “Ah, mabuti naman at tinanggal mo na.” tumango siya habang nakangiti. “Tapos hindi ka na rin nakaipit! Mas bagay sa ‘yo! Hindi ka na rin mukhang nakakatakot!”

Sinubukan niyang tumingin sa mga mata ni Janella.

Madaling lumingon si Janella bago pa tumingin ang misteryoso sa kanya. Tumingin na lang siya sa araw na papalubog at mukhang nahiya yata sa kanyang sinabi. “Magdidilim na maya-maya.” mahinang wika niya.

Lumingon rin siya at tumingin din sa araw. Tumango siya. “Mhm.”

Bakit ganu’n? Parang hindi yata mainit dito ‘no?”

Tahimik lang ang misteryoso habang nakatingin sa araw.

Sumulyap ang mga mata ni Janella sa kanya. Palihim niyang tiningnan ang buong katawan nito. “Ahmm… b-babae ka ba?” bigla siyang nahiya sa kanyang tanong ngunit gusto lang naman niyang manigurado.

Sumulyap rin ang mga mata niya kay Janella. Natawa siya ng marahan. “Mukha ba?”

Ahm, ang haba kasi ng buhok mo e! Ahehehe!” hiyang tawa niya.

Ah, ganu’n ba? Papaigsian ko na lang.” lumingon muli siya at tumingin muli sa araw habang nakangiti.

Uy! Huwag!” umiling siya. “Tinatanong ko lang naman!”

Pero hindi ko alam na nagmumukha na pala akong babae.” lumingon muli siya at tumingin kay Janella habang nakangiti.

Ahmm...” napaisip si Janella. “Ibig sabihin lalaki ka?”

Oo naman.”

Hindi ka bakla?” bigla siyang nag-peace pose. “Biro lang!”

Ibig sabihin hindi mo pala alam na lalaki ako nung makita mo ‘ko kanina?”

Hm, nalilito ako e! Kasi una sa lahat, nakapusod ka! Tapos, nakamaskara ka pa! Tapos ‘yung cloak hood na suot-suot mo kanina, buong katawan mo natatakpan! Kaya hindi ko malaman kung ano ka ba talaga! Hahaha!”

Natawa lang ng marahan ang misteryoso.

Yumuko si Janella at hinawakan ang kanyang tiyan. “Alam mo, ang sakit na ng tiyan ko.” parinig niyang wika at mabilis siyang tumingin sa binata pagkatapos. “Parang nagugutom na ako.”

Ah.” napayuko siya at tumayo pagkatapos. “Dapat sinabi mo na sa ‘kin kanina pa.”

Ha? Bakit ko pa sasabihin? Parang hindi ka naman kumakain. Siyempre nagugutom ka rin naman di ba? Kumain ka na ba?”

Ngumiti na lang siya at hindi na sinagot pa ang kanyang tanong. “Ahm, kumakain ka ba ng prutas?”

Oo naman! Bakit naman hindi?”

O sige, kukuha lang ako ng makakain mo.” kinuha niya ang basket. Tumalikod na siya at naglakad patungo sa gubat.

Ah, o sige! Pero dalian mo ha? Magdidilim na kasi e!”

Hindi na sumagot ang binata dahil hindi na niya ito narinig. Malayo na siya mula sa kanya.

Napangiti si Janella habang nakatingin sa binatang naglalakad. Malayong-malayo na siya ngunit natatanaw pa rin niya. “Mukha naman pala siyang mabait. Akala ko naman kasi hindi, mukha pang nakakatakot kaya ko inaaway.” wika niya mula sa kanyang isip habang siya ay nakangiti.

Sa Doherty Palace, lahat ng servants ay mga nasa loob na ng kanilang kwarto at mga nakaupo lang sila sa kanilang mga kama. Nag-aalala pa rin sila at pinag-uusapan lang nila ang kalagayan ni Janella ngayon. Umuulan pa rin ngunit mahina na lang. Madilim na sa kanila.

Baron! Di ba ikaw ang huling gising kagabi~?!” mausisang tanong ng baklang servant habang nakikiupo sa kanyang kama. Nasa harapan lang niya si Baron habang siya ay nagpapaypay.

Oo! Ako nga! Pero alam n’yo ba na nakausap ko pa nga siya kagabi?! Sinabi nga niya sa ‘kin na matutulog na nga daw siya! Tapos, pinatutulog na nga rin niya ako nu’n e! Gising pa siya nu’n!” nakakunot ang noo ni Baron habang pasenyas-senyas pa ang kanyang mga kamay.

Malamang! Talagang gising siya! Masasabi niya ba ‘yun kung tulog na siya~? Hmp!” mahinang pinukpok ng bakla ang kanyang pamaypay sa ulo ni Baron. “Kaya next time~! Antayin mo siyang matulog~! Kung hindi, yari ka na naman~!” nakapameywang pa siya. “Kaya huwag ka muna matutulog at siguraduhin mo muna kasi na tulog na talaga ang lahat bago ka matulog~! Tsk! Tsk! Tsk! Malalagot ka rin kasi katulad na nga ng ganito di ba~?” umiling-iling pa siya habang nagpapaypay.

Naririndi na si Julius sa boses ng bakla habang siya ay nakaupo lang at nakikinig. “Kung magsuntukan na lang kaya tayo? Baka napapagod din si Baron! Tao din siya!” masama siyang nakatingin sa kanya. “Kung makapag-utos ka---”

Oo nga~! Tao nga siya~! Bakit~?! May sinabi ba ako---”

Opo na! Opo na! Sige na! Tumigil na kayo! Gweine! Julius! Stop!” sumingit na si Baron bago pa magsimula ang kanilang pag-aaway. Sineryoso naman kasi kaagad ni Julius ang sinabi ni Gweine. Alam naman kasi ng lahat na kapag si Julius talaga ang nagsalita, away na ang susunod. Hindi kasi talaga siya sanay sa mga biruan!

Napayuko at natawa na lang si Gweine sa mga sinabi ni Julius sa kanya. Pero mabuti na lang ay napigilan niya ang kanyang tawa. Kung hindi, mabubugbog siya nito. Hindi na lang niya pinansin si Julius.

Masama na rin ang tingin ni Clayden sa kanila. Bumuntong-hininga siya. Sumingit na rin siya sa usapan nila para ayusin na ang lahat. “Basta, nandito lang si Princess Janella sa mundong ‘to! Huwag na tayong mag-alala sa kanya.” mahinahong wika niya. “Ayos lang siya…”

Nagsalita pa si Gweine. “Pero paano kung nando’n na pala siya~? Tapos tayo dito sa palasyo ang sarap ng buhay~? Nakahiga pa sa kama at matutulog na lang with matching dreams pa~?!”

Eh ‘di ‘wag kang matulog! Ang laki ng problema mo!” inis na inis na talaga si Julius. “Sige, mag-alala ka lang ng mag-alala kahit na wala ka naman dapat na ipag-alala!”

Nanlaki na ang mga mata ni Clayden nang sigawan ni Julius si Gweine. Nagtitipon-tipon silang lahat sa kwarto para mag-usap ng maayos at hindi mag-away. Tiningnan na niya ng masama si Gweine para tumigil na sa kanyang kalokohan. “Tumigil ka na nga! Mag-isip tayo ng positive Gweine!”

Umayos ng upo si Gweine. “Hmp~! Okay fine~!” pumikit siya at nagpaypay muli.

Bumuntong-hininga si Harony habang nag-aalala pa rin. Hindi pa rin kasi siya kumbinsido sa sinasabi nila tungkol sa kalagayan ni Janella. Napatutop siya sa kanyang dibdib at yumuko. “Sana nga, Clayden…” mahinang wika niya mula sa tapat at harapan ng kama ni Clayden. “Sana, maayos lang siya ngayon.”

Nagulat si Clayden nang kausapin siya ni Harony. Biglang tumaas ang kanyang dugo nang marinig niya ang kanyang pangalan mula sa kanyang iniibig. Alam naman niya sa kanyang sarili na matagal na siyang may gusto sa kanya. Simula pa nung araw na nagtrabaho ang dalaga dito sa palasyo.

Hm?” napatingin siya kay Harony. Namula siya.

Basta guys, kung sakali man na nasa panganib ang ating prinsesa, please cooperate and help each other ha~?” si Gweine.

Malamang! Sino ba ang hindi tutulong?! Mundo at buhay natin ang nakasalalay dito!” mataas na tonong sabi ni Julius.

Wala~! Bakit~?! Sinasabi ko lang naman ah~! Masama ba~?!”

Hindi na lang umintindi si Baron sa dalawa. Umiwas na lang siya ng tingin sa kanila. Napatingin siya kay Clayden dahil nakita niya muli ang matamis na ngiti mula sa kanyang labi habang kausap si Harony. Inamin na rin kasi sa kanya ni Clayden ang nararamdaman niya para kay Harony. Kaya ngayon, panay ang parinig niya sa dalaga. Kaya madalas din siyang nabubugbog ng kanyang kaibigan dahil ayaw niya itong ipasabi at ipahalata kahit kanino.

Hoy! Dapat lahat tayo nagkakaisa dito! Walang away-away! Parang ‘yung… dalawa diyan oh! Tularan n’yo sila! Kita n’yong heart to heart na nga sila! Dahil sobra na silang nagkakaisa!” nagpaparinig na naman siya.

Nagtinginan ang lahat sa dalawa. Tumigil tuloy sa pag-uusap sina Clayden at Harony. Nahiya tuloy.

Habang kay Gweine naman, kakatapos lang nila magsagutan ni Julius. Ngayon, naiinip naman siya at tulala na. “Bisitahin ko na lang ang ating mahal na reyna sa kwarto niya.” mahinang wika niya.

Narinig ito ni Baron. “O sige…”

Hinawakan niya ang magkabilang balikat ni Baron at minasahe pa. “Sige, paalam na… Mag-iingat kayo ha~? See you next time.” mahinang wika niya.

Ha? Anong next time? Parang ang layo naman ng pupuntahan mo.”

Hahaha~! Biro lang siyempre~! Pupunta lang ako sa kanyang kwarto saglit at babalik din naman ako kaagad dito ‘no~!” ngumiti siya. Binitiwan na niya ang magkabilang balikat niya at tumayo. Lumabas na siya ng kwarto.

Habang si Janella naman sa dalampasigan ay takot na tinitingnan ang buong paligid. Tahimik na ang lahat at tanging alon na lang ng dagat ang maingay ngayon. Halos lahat ng ibon at ang iba pang hayop ay mga tulog na sa gubat. Madilim-dilim na ang dalampasigan ngunit hindi pa rin dumadating ang binata. Nakaupo lang siya sa buhanginan habang mahigpit niyang niyayakap ang magkabilang tuhod niya. Sumusulyap-sulyap lang ang kanyang mga mata sa kapaligiran.

Nasaan ka na? Ang dilim na kaya.” pag-aalalang wika niya. “Sabi ko dalian mo e!”

Hindi rin nagtagal at natanaw na niya ang lalaki na naglalakad sa malayo. Papalapit na ito sa kanya. “Hay salamat...” biglang lumaho ang kanyang takot.

Pasensya na kung… masyado kitang pinaghintay.” mahinahong wika ng binata at binaba ang basket sa harapan ni Janella.

Napatingin si Janella sa laman ng basket. “Ahehehe!” napakamot siya sa ulo. Napatingin siya sa lalaki at ningitian.

Umupo muli ang binata sa batong inupuan niya kanina.

Salamat ah!” masayang wika niya. Kumuha siya ng prutas mula sa loob ng basket. “Ang dami mong kinuha! Halos puno ang basket!” at kinagat na niya ang isang prutas na kinuha niya.

Dinamihan ko talaga. Wala namang masama kung may sobra.”

Natigilan si Janella at napatingin siya sa kanya. “Kung sa bagay.” napangiti siya ng kakaunti at nilunok na ang nginunguya. “Ang bait mo naman pala.” at muling kumagat sa prutas.

Natawa muli ng marahan ang lalaki. Napayuko siya at nahiya. Hinaplos na lang niya ang kanyang buhok.

Kumuha pa ng isang prutas si Janella gamit-gamit ang isa niyang kamay at inabot ito sa kanya. “Halika kain tayo!” ngumiti siya.

Napatingin ang lalaki sa kanya. “H-Hindi na. Para sa ‘yo ‘yan. Ayos lang ako.”

Bakit? Ayaw mo?”

Napaisip ang binata. “Hm, h-hindi naman pero s-salamat na lang.” ngumiti siya ng kakaunti.

Bakit ayaw mong tanggapin? Nahihiya ka kasi? Sige na! Kain tayo!” panay pa rin ang pag-abot ni Janella sa kanya.

Umiling siya. “Hindi kasi pwede sa ‘kin... s-sinusuka ko.”

Nagulat at nagtaka siya. “Ha?! Bakit naman?” kumunot ang kanyang noo.

Umiling siya. “Salamat na lang…” ngumiti na lang siya.

Napabuntong-hininga ang prinsesa habang nakatingin sa kanya. Binaba niya ang prutas na hawak-hawak niya na dapat na kakainin ng binata.

O sige, bahala ka.” mahinang wika niya. Tumingin siya sa prutas na nakagat na niya at kinain muli. Pagkatapos niya itong ubusin, kinain na rin niya ang isa pang prutas. “Ahmm...” napahawak muli siya sa kanyang tiyan. “May kanin ka ba?”

K-Kanin?” nagtaka siya at mukhang hindi rin niya alam ito.

Nagulat muli si Janella. “Hindi mo rin alam ‘yun?” nagtataka na talaga siya dahil napapansin niya na parang lahat yata ay hindi niya alam. “Kung hindi mo alam ‘yun. Anong klaseng pamumuhay meron ka?” tumagilid ang kanyang ulo.

Dahan-dahang yumuko ang lalaki.

H-Hindi ka ba kumakain ng kanin?”

H-Hindi.” umiling siya.

Ha?! Anong kinakain mo? Sabi mo pa kanina, sinusuka mo pa ‘yung mga prutas kapag kinakain mo!” napanganga siya. “Paano ka nabubuhay kung ganu’n?”

Muling tumingin ang binata sa kanya. Tinaasan na lang niya ng dalawang kilay ang prinsesa.

Nakatitig at nakanganga pa rin si Janella sa kanya.

Kumuha na siya ng prutas sa loob ng basket habang nakatitig sa mga mata niya. “Hm.” wika ng lalaki habang inaabot ang prutas sa kanya.

Napatingin si Janella sa prutas habang papikit-pikit pa. “Ah, s-salamat.” kinuha niya ito at kinain. Gusto niya sana ay kanin ang kanyang kakainin ngunit hindi siya marunong kung paano mag-ani ng palay at kung paano rin lutuin. Kumain na lang siya ng maraming prutas basta ang mahalaga ay magkalaman lang ng kanyang tiyan.

Gabi na habang nasa tabi na ng dagat ang lalaki. Nakatayo lang siya habang pinagmamasdan ang dagat. Walang buwan na nakikita si Janella sa kalangitan. Puro bituwin lang at wala ring mga ulap. Sinubukan muli niyang galawin ang kanyang tuhod. Medyo nagagalaw na niya ito at pwede na siya muling maglakad basta dahan-dahan lang.

Nasaang parte na kaya ako ng kontinente? Ibang-iba dito. Ngayon ko lang naramdaman ang ganitong kalamig na klima at ang mga kakaibang bagay na nakikita ko ngayon…” wika ni Janella mula kanyang isip. “Ahmm...” nakakaramdam muli siya ng pagkatakot.

Narinig ng binata ang kanyang tinig. Lumingon siya at tumingin sa kanya. “Bakit?”

Napatingin siya sa kanya. “Ang dilim-dilim na. Hindi ka ba natatakot?”

Humarap na siya kay Janella. “Hindi.” umiling siya.

Lumingon-lingon si Janella para tingnan ang buong paligid. “Baka kasi may mga hayop na mababangis na pumunta dito na hindi lang natin alam. O kaya ano...” naisip niya bigla ang mga multo.

Nakatingin lang sa kanya ang lalaki. Wala siyang ideya kung paano magkakaroon ng liwanag dito sa dalampasigan. Ang alam lang niya kasi ay ang liwanag ng buwan ngunit wala nga ito. Hindi na niya alam kung ano pa ang iba pang solusyon.

Hm...” nag-isip si Janella. “Alam ko na! Kumuha ka nga ng bato.” masayang wika niya habang tinuturo ang mga bato na nakikita niya sa buhanginan.

Bato?” nagtaka siya. Pumulot siya ng marami.

Ay hindi! Dalawa lang!”

Binawasan niya ang mga batong nakuha niya. Naglakad na siya at nilapitan si Janella. Inabot niya ang dalawang bato sa kanya. “Ito.”

Salamat! Buti na lang may mga panggatong ka dito!” kinuha niya ang dalawang bato. Tinapat niya ang dalawang bato sa putol-putol na punong-kahoy na nasa gitna ng nakapabilog na mga batuhan.

Nanonood lang sa kanya ang lalaki.

Pinagkiskis niya ang dalawang bato. “Bakit ayaw?” pinagkikiskis niya pa rin.

Kumunot ang noo ng lalaki dahil hindi niya maintindihan kung ano ang ginagawa ng prinsesa.

Kumikislap na ng pauti-unti ang dalawang bato. “Ayun! Ang galing!” nakatawa na si Janella habang patuloy pa rin niya itong pinagkikiskis hanggang sa umapoy na ang mga punong-kahoy.

Ah!” nagulat ang binata at lumayo siya kaagad sa kanya.

Nagtaka’t napatingin si Janella sa kanya. “Bakit? Anong meron?” lumingon-lingon siya kaagad at baka may kung ano at sino na pala ang lumalapit sa kanila na hindi niya alam. “Wala namang hayop o tao. Anong problema?” tumingin muli siya sa lalaki. Binaba niya ang dalawang bato sa kanyang tabi.

A-Apoy...” takot na wika niya habang nakatitig sa apoy.

Oo. Apoy!” tinuro ni Janella ang apoy. “Anong problema sa apoy?”

Umiling-iling ang lalaki at tumingin siya kay Janella.

Humawak sa mga bato si Janella para alalayan ang kanyang sarili sa pagtayo. “Bakit?”

May mga mahahalaga akong sasabihin sa ‘yo.” kinuha niya mula sa kanyang bulsa ng kanyang pantalon ang wanted poster. Hinarap niya ito kay Janella para ipakita. “Kailangan mo ‘kong pagkatiwalaan. Marami akong bagay na gustong sabihin sa ‘yo.”

Kumunot ang noo ni Janella habang inaaninag niya ang mga nakasulat at ang imahe sa wanted poster. Malumanay siyang lumapit sa kanya para tingnan. Nagulat siya nang mabasa niya ang kanyang pangalan at ang imahe ng palasyo sa poster. Nabasa niya ang lugar na kung saan siya matatagpuan. Mabilis siyang tumingin sa kanya at kinabahan.

A-Anong ibig sabihin niyan?! S-Sino ka ba?!” natakot siya.

Malungkot ang mga mata ng lalaki habang nakatingin sa kanya.

SABING SINO KA?!!!”

Ako si Zavier. Isang La luna Spirit. Alam kong ikaw si Princess Janella. Huwag na huwag ka nang magsinungaling pa sa ‘kin, princess.” tinago muli niya ang wanted poster sa bulsa ng kanyang pantalon.

Luminga-linga siya bigla. “KUNG GANU’N, NASAAN NA PALA AKO NGAYON?!” mabilis na kinuha ni Janella ang kutsilyo sa kanyang pantalon at tinutok ito sa binata. “MAGSALITA KA ZAVIER!” malumanay siyang umaatras.

Lumalapit naman si Zavier ng malumanay sa kanya. “Nasa Bhingelheim World ka. Nasa pulo ka ng Mharius.”

Nagulat si Janella nang malaman niyang nasa Bhingelheim World na pala siya na ang buong akala niya ay nasa Destiny World lang siya.

PAANO MO NAMAN NALAMAN KUNG NASAAN AKO SA PALASYO?! AT BAKIT MO AKO DINALA DITO?!”

Dahil dito lang sa aming mundo kita makakausap. Hindi kita makakausap do’n...”

Bakit?! AYAW MO DO’N DAHIL NATATAKOT KA?!”

Hindi sumagot si Zavier.

Ngumisi si Janella. “NATATAKOT KANG MAKITA DO’N?! DUWAG KA PALA E!”

Princess...” umiling siya. “Patapusin mo muna ako, kailangan mong magtiwala sa ‘kin!”

Umaatras pa rin siya. Halos maiyak-iyak na siya sa sobrang takot. “BAKIT AKO MAGTITIWALA SA ‘YO?! MGA WALA KAYONG PUSO!!!!!! NAKAKAINIS KAYO!!!!!!”

Lumalapit pa rin ng malumanay si Zavier sa kanya.

HUWAG KANG LUMAPIT SA ‘KIN HALIMAW KA!!!! SABIHIN MO SA ‘KIN KUNG NASAAN SI JASPER!!!! NANG DAHIL SA INYO, NAWALA SIYA SA AMIN!!!! MGA WALA TALAGANG PUSO AT NAGAWA N’YO PANG ILIGAW SIYA DITO!!!!”

Princess, wala akong kinalaman at hindi ko ring ginustong mamatay si Jasper! Pero---”

Biglang tumulo na ang luha ni Janella. “ANONG PINAGSASABI MO?! HINDI PA PATAY SI JASPER!!!!”

Ikinalulungkot ko na…totoong p-patay na siya…”

Bigla siyang nanghina nang marinig niya ang kanyang sinabi. Lalo tuloy siyang nagalit. “KAINIIIS KAAYYOO!!!!” patuloy lang siya sa pag-iyak. “HINDI TALAGA AKO MAGTITIWALA SA ‘YO!!!!”

Princess...”

MGA SALBAHE KAYO!!!”

H-Hindi ako.” lumalapit lang ng lumalapit si Zavier sa kanya. “Kailangan mong magtiwala sa ‘kin... Ilalayo kita sa kanila. Ilalayo kita sa pahamak.”

BALIW KA BA?! HINDI KA BA ISA SA MGA NAKATIRA DITO NA DAPAT AKONG TULUNGAN?! TAGA-DITO KA AT MAY BALAK AKONG PATAYIN DI BA?!”

Wala akong binabalak na masama sa ‘yo!”

Hindi pinakinggan ni Janella ang kanyang sinabi. “Hmp! Hindi n’yo ko mapapatay Zavier para makuha n’yo ang Destiny World! HINDI KO PAPABAYAAN ANG AKING SARILI! KAYA KONG IPAGTANGGOL ANG AKING SARILI GAYA NG PAGTANGGOL SA ‘KIN NI JASPER!”

Nainis na si Zavier habang naririnig niyang sinisigawan siya ng prinsesa. “Nandito ako para iligtas ka!!!” mabilis siyang lumapit sa kanya.

Ha!” nataranta si Janella. Napaatras siya ng mabilis ngunit natisod siya sa bato. Bumagsak siya. “Ah!” nasaktan siya.

Lumuhod si Zavier at mahigpit niyang hinawakan ang magkabila niyang pulsuhan.

UMALIS KA SA ‘KIN!!!! MGA SALBAHE KAYO!!!” sigaw ni Janella habang umiiyak. Nagwawala siya para mabitiwan siya ni Zavier. “BITIWAN MO AKO!!!!”

Princess!” inis na pagkakasabi ni Zavier.

BITIWAN MO NGA AKO SABI!!!”

Binitiwan na niya si Janella.

Mabilis naman niyang sinaksak ang tiyan ni Zavier. “KAINIS KA!!! MAMATAY KA NA!!!!”

Nagulat si Zavier sa kanyang ginawa. Napatingin siya sa kanyang tiyan at mabilis muli niyang tiningnan si Janella.

Hah! Hah! Hah!” hinihingal lang ang prinsesa habang nakatingin sa mga mata niya. Pinakikiramdaman lang niya ito.

Biglang hinawakan ni Zavier ang kamay ni Janella kasama ang kutsilyong hawak-hawak niya at mabilis niyang inalis ito sa kanyang tiyan.

Nagulat si Janella at ang akala niya ay tapos na. Tumalsik sa kanyang kamay ang kutsilyo at sinundan pa niya ito ng tingin. Napansin niya na wala itong dugo.

Ang kutsilyo ko!” tumingin muli siya kay Zavier. “Bakit walang duugoo?!!!!” pinagsusuntok niya ang dibdib nito. “BAKIIITTT?!!!!”

Mabilis muling hinawakan ni Zavier ang magkabilang pulsuhan ni Janella at malakas niya itong binagsak sa lupa.

Labis nang natakot si Janella. “Huwag mo akong patayin!!!!” sigaw niya habang umiiyak. “Pakiusap! Gusto ko pang mabuhay!!!”

Isa mo nga akong kaibigan princess! Maniwala ka sa ‘kin! Tutulungan kita!” seryoso ngunit mataas na tonong sabi niya.

Huwag mo akong patayin!” hindi nakikinig si Janella sa mga sinasabi niya. “Maawa ka sa mga nabubuhay sa amin!”

Nakukulitan na si Zavier sa kanya. “Nandito nga ako para iligtas ka sa masamang plano nila! Kaya pakiusap! Makinig ka sa mga sasabihin ko!”

Hindi pa rin siya nakikinig at nagwawala lang siya. “Bitiwan mo ako!!!”

Naubos na ang mahabang pasensya ng binata. “Princess!!!” nasigawan na niya ang prinsesa.

Biglang tumigil si Janella. Mariin siyang napapikit habang umiiyak. “Gusto ko nang bumalik sa palasyo! Ayoko na kitang makita! Pakiusap! Huwag mo na akong kausapin!!!”

Natigilan si Zavier sa kanyang sinabi.

HUWAG MO NA AKONG PILITIN! DAHIL KAHIT KAILAN HINDING-HINDI AKO MAGTITIWALA SA ‘YO!!!! ANG LAKI NG KASALANAN N’YO SA ‘KIN!!!!” patuloy lang siya sa pag-iyak habang mariin lang siyang nakapikit.

Nanahimik na lang si Zavier habang nakatingin sa luhaan niyang mga mata. Sa tingin niya ay wala na siyang magagawa ngayon para kausapin pa siya ng maayos. Dahil alam naman niya na sobrang galit pa si Janella sa kanila ngayon. Kahit na, sinasabi naman niya na wala siyang kinalaman sa kanilang masamang plano.

PAKAWALAN MO NA KO ZAAAVVIIIEEERRR!!!!”

Binitiwan na ni Zavier si Janella at tumayo na siya pagkatapos. Hindi na lang siya muna sumagot at binigyan niya muna ng saglit na oras ang sarili para maging mahinahon.

Marahang umupo si Janella habang umiiyak. “Gusto ko nang umuwi… AYOKO NA DITOOO!!!!” tinakpan niya ang kanyang mukha. “PAANO NA AKO MAKAKABALIK NITO?!!!!!”

Sasamahan kita…” mahinahong wika niya. Inabot niya ang kanyang kamay sa prinsesa.

Nagulat si Janella sa hindi niya inaasahang sasagutin ng binata sa kanya. Humikbi-hikbi siya at marahang tumingin kay Zavier.

Huwag ka ngang magpanggap na parang isa kang bayani!” inalis niya ang kamay nito. Dahan-dahan siyang tumayo.

Napausog pa si Zavier ng kakaunti dahil sa lakas ng pwersa. Nagulat siya. Binangga pa siya sa balikat nang layasan siya sa kanyang harapan.

Nauna na ang prinsesa. Patuloy lang siya sa paglalakad kahit na hindi naman niya alam kung saan siya pupunta. Nawala na siya sa kanyang sarili at puro si Jasper na lang ang nasa isip niya palagi.

Napalingon at napatingin si Zavier sa kanya. “P-Princess!” madali niya itong hinabol at hinawakan ang braso.

Tsk!” madaling pumiglas si Janella. Tumigil siya sa paglakad habang natatakpan na ng kanyang bangs ang mga mata niya. Muling tumulo ang isa pa niyang luha. “Huwag mo nga akong hawakan!” muli siyang naglakad.

Napatingin sa ibaba si Zavier at nalungkot.

Habang sa palasyo naman…

Guys! Matulog na nga tayo! Wala namang nangyayari sa pinag-uusapan natin dito!” inis na wika ni Julius. “Good night!” humiga siya at binalutan na ng kumot ang kanyang katawan.

Walang nakarinig sa kanya at patuloy pa rin sa pag-uusap ang lahat.

Huwag na nga kayong maingay!” mataas na tonong sabi ng nakatalukbong na si Julius.

Nakabalik na si Gweine sa kwarto kanina pa. Nakaupo lang siya sa kanyang kama. “Oh, my~! Ang aming prinsipe is going to sleep na~!” madali siyang tumayo at pumunta sa gitna ng kwarto. “Guys~! Alert~! Alert~!”

Napatingin silang lahat kay Gweine.

Anong problema mo bakla?!” mataas na tonong tanong ng isang servant na lalaki.

Ssshhh~!!! Huwag na kayong maingay Bernard at matutulog na ang ating mahal na prinsipe oh~!” at nag-silent pose.

Napatingin si Baron kay Julius. “O sige guys, matulog na tayo…” tumayo na siya.

O sige po…” wika ni Nathy at bumalik na sa kanyang kama mula sa kama ni Eric.

Good night Nathy.” nakangiting wika ni Eric. “Bukas, usap ulit tayo tungkol do’n.” humiga muna siya bago niya pinatay ang kanyang kandila.

Namula si Nathy. “O sige po Kuya Eric!” napangiti siya at humiga na rin. Magkaharap silang dalawa.

Sumulpot bigla si Gweine sa pagitan nilang dalawa na parang isang diwata. “Oops~! Ano ‘yan~?! Ano bang pinag-usapan n’yo kanina, hm~?!”

Napausog si Nathy sa sobrang pagkagulat. Nanlaki ang kanyang mga mata. “W-Wala po ‘yun!”

Hmp~?!” humarap bigla si Gweine kay Nathy at sabay poke sa ilong nito.

Hm!” napapikit si Nathy.

Ikaw ha~! Baka pareho na tayong maganda!”

Ha?!” nagulat siya. “H-Hindi po ah! Lalaki pa rin po ako.”

Ay sus~! Nagba-blush ka pa nga diyan kanina e~! Anong ibig sabihin nu’n~?! Nakita ko ‘yun~! Huwag mong sabihing wala ‘yun~!”

W-Wala po ‘yun! N-Nahihiya lang po ako!”

Hoy! Ano ba ‘yan! Akala ko ba matutulog na?!” si Bernard. “Ang iingay n’yo naman!”

Ay sorry ha~?! Hmp~!” umalis na si Gweine.

Nasa pintuan na si Baron at gustong-gusto nang lumabas kanina pa para tingnan muli ang buong palasyo. Pero inaantay lang niya na matapos sa kakadaldal si Gweine.

Oh, ano? Tapos na?” bigla siyang hinikab.

Umupo na sa kama si Gweine at sa kanya na lang ang nakasinding kandila. Napatingin siya kay Baron pagkatapos. “Yes, tapos na.” tiningnan pa niya ang buong katawan nito. Pagkatapos ay muli siyang tumingin sa mga mata nito. “You may go now…” pataray pa ang ekpresyon ng kanyang pagmumukha. “Hmp~!” ginulo niya muna ang kanyang buhok bago siya humiga sa kama.

Nagkibit na lang ng balikat si Baron at napailing. Lumabas na siya ng kwarto pagkatapos.

Tahimik na sa hallway. Ang kasama lang niya ay ang lamparang hawak-hawak niya habang pinapatay ang bawat ilaw na nadadaanan niyang nakabukas. Pagkatapos ng lahat, pupuntahan naman niya ang dalawang kwarto ng mag-ina. Dumiretso muna siya sa kwarto ni Adelaide at pinakinggan mula sa pinto kung may maririnig pa siyang ingay, pero wala na. Dumiretso naman siya sa kwarto ni Janella. Inikot niya ang door knob at binuksan niya ng marahan ang pinto. Malungkot ang kanyang pagmumukha habang nakatingin sa kama ng prinsesa.

My Lady, sana… ayos nga lang po kayo kung nasaan ka man.” mahinang wika niya. “Sana… makita ka na po naming lahat bukas.” sinara na niya ang pinto.

Habang kina Janella at Zavier…

Nakayuko lang si Janella habang siya ay nasa harapan lang ni Zavier naglalakad.

Malungkot pa rin si Zavier habang naglalakad. Gustong-gusto na niyang kausapin ang prinsesa ngunit hindi niya magawa.

Nakayuko pa rin si Janella at kakaunti na lang ay mauuntog na siya sa puno. Inaantok na rin kasi siya.

Princess.” madali niyang hinawakan ang braso nito at lumiko.

Napalingon at masama niyang tiningnan si Zavier. “Ano ba?! Di ba sinabi kong huwag mo ‘kong hahawakan?!”

Hindi na lang niya pinapansin ang prinsesa at nananatili lang siyang nakahawak sa braso nito.

Ano ba?!” tumigil muli sa paglakad si Janella at pumiglas ngunit hindi pa rin bumibitaw si Zavier sa kanya.

Huminto rin sa paglakad si Zavier nang huminto si Janella. “Princess, dito ang daan natin.”

Bakit kailangan mo pa akong hawakan?!”

Inaalalayan lang naman kita dahil napupunta ka kasi sa ibang direksyon.” mahinahong wika niya habang nakatingin sa kanya.

Bakit hindi mo na lang kasi ituro sa ‘kin habang nasa likuran kita?! Pwede naman ‘yun di ba?!”

Napabuntong-hininga na lang si Zavier.

Tsk!” muling pumiglas si Janella at nabitiwan na siya nito. Pumunta siya sa haparan ni Zavier. “Dapat ganito! Punta ng kaliwa!” tinuro niya ang kaliwa. “Punta ka ng kanan!” tinuro naman niya ang kanan. “Diretso lang!” lumingon siya sa kanyang likuran at tiningnan ng masama si Zavier. “Naintindihan mo ba?! Pwede naman ‘yun di ba?”

Napatingin sa ibaba si Zavier. “Yes, princess, pero nandito na tayo. Ayun na ang ship.” tinuro niya ang kanan.

Lumingon sa kanan si Janella. “Nasaan?!”

Pumunta na lang si Zavier sa kanyang ship.

Masama lang siyang nakatingin sa kanya. “Then what?”

Pumwesto ang binata sa kanyang ship na natatakpan ng mga mahahabang dahon.

Kumunot ang noo ni Janella habang nakatingin sa kanya. Dahan-dahan siyang lumapit. “Nasaan ba?”

Hindi na sumagot pa si Zavier at inaalis lang niya ng paisa-isa ang mga mahahabang dahon na natatakpan dito.

Wala siyang balak na tulungan si Zavier kaya umupo na lang siya sa bermuda grass. Tutal, inaantok na rin siya kanina pa kaya matutulog na lang siya. “Bahala ka nga diyan!” wika niya mula sa kanyang isip.