Mahimbing na mahimbing nang natutulog ang mga tao sa palasyo ngunit pwera nga lang kay Baron. Kanina pa siya nakahiga sa kanyang kama pero hindi makatulog.
“My Lady…” wika niya mula sa kanyang isip. “Siguro kung ako lang ang iyong kabalyero, hinahanap na kita… Pero hindi naman pwede kasi servant lang naman ako dito. Si Ginoong Lucius lang kasi ang may karapatan sa ‘yo. Bilang isang kabalyero, gagawin niya ang lahat. Siya lang naman kasi yata talaga ang may kayang pumunta sa Bhingelheim World. Hindi naman kasi natin alam ang planetang ‘yun di ba? Pero siya… may alam na do’n. Sana, My Lady, ang hiling ko lang… tanggapin mo na siya bilang isang kabalyero mo.” nakaramdam na siya ng antok habang iniisip si Janella. Napapikit na siya.
Habang si Zavier naman ay hindi na niya inabala pa si Janella sa kanyang pagtulog. Binuhat na lang niya ito at pinasok sa loob ng ship ng maayos.
Sa ngayon, nasa gitna na sila ng paglalakbay. Tatlong oras lang ang lumipas at nakarating na sila kaagad sa kanilang destinasyon.
Binuksan at bumaba na si Zavier mula sa kanyang pinto. Madali siyang pumunta sa kabila at dahan-dahan niyang binuksan ang pinto ni Janella. Nakita niya na mahimbing pa ring natutulog ang prinsesa habang ang kanyang mga mata ay namaga na dahil sa kakaiyak.
“Princess?” sinubukan niya itong tawagin para gisingin.
Tulog pa rin si Janella.
Kinalabit na niya ito. “Princess.”
Hindi siya kaagad nagising. “Mhm..hm…” ungol niya.
“Nandito na tayo.”
Malumanay na dumilat ang prinsesa. Hirap pa siyang dumilat at parang gusto pang matulog. “H-Ha?” tumingin siya kay Zavier. Nakita niya na nakangiti ito ng kakaunti sa kanya.
“Nasa palasyo ka na, princess.” mahinang wika niya.
Nagising sa katotohanan si Janella nang makita niya ang malaking palasyo mula sa likuran ng binata. Madali siyang bumaba sa ship at tumakbo papuntang main door.
Nagulat si Zavier. “P-Princess!” napatingin siya sa prinsesang tumatakbo.
“Hah! Hah! Hah!” pinipilit ni Janella na makatakbo ng matulin ngunit hindi niya magawa dahil masakit pa ang kanyang tuhod. “TUU---” sisigaw na sana siya para humingi ng tulong ngunit bigla namang tinakpan ni Zavier ang kanyang bibig mula sa kanyang likuran.
“Ssshhh!!!” si Zavier.
“M!!!hmmhmm!!!”
“Princess! Pakiusap!”
“Mhhmmhmm!!! Hmhm!!!!” pinilit niyang abutin ang buhok ni Zavier sa kanyang likuran. Naabot niya ito at sinimulang sabunutan.
“A-Aray ko!” napapikit si Zavier sa sakit.
“MMHMMHMM!!!!” sinasabunutan niya pa rin ito.
“Araay!” nabitiwan niya si Janella.
Napaupo silang pareho.
“Hah! Hah! Hah!” hiningal si Janella habang nakatingin ng masama kay Zavier.
Malungkot muli ang pagmumukha ni Zavier habang nakatingin sa kanya. Magulo na ang kanyang buhok.
Humikbi si Janella at napaiyak muli habang siya ay hinihingal. “Huwag mo na nga akong sundan!” pagod na pagod na siya. Tumayo siya ngunit nanginginig na ang mga binti niya. Tinalikuran na niya si Zavier at muling tumakbo.
“Hah… hah… hah! TUULOOO---” hindi na naman niya natuloy ang kanyang isisigaw nang bigla naman siyang yakapin mula sa likuran ni Zavier at silang dalawa ay gumulong.
Napahiga silang pareho.
“ARAY K---” tinakpan muli ng binata ang kanyang bibig habang siya ay nakahiga pa.
Madaling lumuhod si Zavier habang mariin niyang tinatakpan ang bibig nito. “Princess! Pakiusap! Huwag kang maingay!”
Patuloy lang sa pag-iyak si Janella. “Mhhmmm!!!!”
“Maniwala ka na sa ‘kin… pakiusap! Hin---” bigla na naman siyang sinabunutan.
“HMHHMMMH!!!” galit na galit siyang sinasabunutan ni Janella.
Nabitiwan na naman niya ang bibig nito. “Aray ko!” umusog siya at napaupo. Madali niyang hinawakan ang kanyang ulo. “Aray…” napapikit siya.
Umupo na si Janella habang masama ang kanyang pagkakatitig kay Zavier. “Marapat lang ako mag-ingay! Dahil may halimaw nang nakapasok dito sa palasyo namin!” pagalit na wika niya habang hinihingal.
Dumilat at napatingin si Zavier sa kanya. Hinihingal din siya.
“Ang lakas ng loob mong itulak ako ah! Bakit mo ako tinulak?!”
Napalunok siya. “H-Hindi kita tinulak princess. P-Pinigilan lang naman kita.”
“Anong hindi?! Kita mo ngang gumulong tayo! Masakit kaya!”
“Sigurado naman kasi ako na hindi ka titigil kapag hindi ko ginawa ‘yun.”
“Bakit ba kasi?! Ano ba ako sa ‘yo Zavier?! Sino ka ba?! Hindi naman kita kilala! Sino ka ba para maging isang tagapagligtas ko?! Kaaway kita! Ano ba!” inirapan niya ito bago siya tumalikod.
Nalungkot na naman ang binata at napatingin na lang siya sa ibaba. “G-Gusto ko lang naman na iligtas ka, princess… ‘Yun lang.” mahinang wika niya.
Napahawak sa noo si Janella. “Zavier, alam mo, kayang-kaya ko namang iligtas ang aking sarili e! Hindi ko na kailangan ng kahit sino! Ako na ang bahala sa sarili ko! Huwag mo nang abalahin pa ang sarili mo para sa ‘kin!” mataas na tonong sabi niya habang dinuduro pa ang kanyang sarili.
“Sinasabi ko na sa ‘yo na hindi mo ‘yun kaya, princess… Madali lang sabihin pero hinding-hindi mo magagawa ‘yun ng ikaw lang!”
Biglang bumuhos ang ulan at nabasa silang pareho.
“Nakakainis ka talaga!” madali siyang lumingon at tumingin kay Zavier. “Alam mo?! Kahit anong gawin mo sa ‘kin, hinding-hindi ko kayo mapapatawad! Hindi ako maniniwala sa mga pinagsasabi mo! Niloloko mo lang ako! Pwede ba, tumigil ka na?! Pinaiinit mo lang kasi ang ulo ko!”
Napabuntong-hininga na lang si Zavier. Hindi niya inaasahan na ganito pala ang mararanasan niya ngayon. Nasasaktan na siya ngunit tinitimpi lang niya ang kanyang nararamdaman.
“Sana nga, ito na lang ang huling pagkikita natin! Halimaw kayo. Huwag na huwag mo na akong sundan pa!” tumayo na siya at tumungo sa main door.
Umakyat na siya ng hagdan at nanatili siya sa deck saglit. Sinubukan niyang ikutin ang door knob ngunit naka-lock na ito.
“Tsk! Paano na ‘yan?! Paano na ako makakapasok sa loob?!” napatingin siya sa ibaba para mag-isip.
Nakita niya ang kulay asul na tubig na marahang dumadaan sa paanan niya at papasok ito sa ilalim ng pinto.
“Hm?” nagtaka siya at napatingin sa tubig. “Baha ba ‘to? Imposible namang magkabaha dito sa deck.” bigla siyang napaisip. Napatingin siya sa kanyang likuran at tiningnan ang pwesto na kung saan nando’n nakaupo si Zavier. Nagulat siya dahil nawala na ito dito. Luminga-linga siya.
Biglang bumukas ang pinto.
“Eh?!” nagulat siya at napatingin sa pintong bumukas.
Nakita niya si Zavier sa loob na kumukulay tao pa lang mula sa pagiging tubig niya. “Princess…” malungkot na pagkakasabi niya.
Napatingin si Janella sa mga mata ng binata. “Ano na naman?!” pagalit na tanong niya.
Napatingin muli siya sa ibaba. “Huwag mo akong… isusumbong sa kanila na nakita mo ako. Nakikiusap ako sa ‘yo…”
Kumunot ang noo niya.
“Pakiusap, maniwala ka na sa ‘kin… Hindi ako nagsisinungaling sa ‘yo. Wala talaga akong kasalanan o intensyong masama sa’ yo.”
Masama pa rin ang tingin niya sa kanya. “Hmp!” pumasok siya at binangga niya ang balikat nito.
Nananatili lang nakatingin sa ibaba si Zavier.
“Bakit? Paano kung gusto kong sabihin? May magagawa ka ba?” huminto si Janella sa paglakad at ngumisi sa kanya.
Sumulyap saglit ang mga mata ni Zavier sa kanya. Kinabahan siya. “W-Wala.” mahinang wika niya. Marahan niyang sinara ang pinto.
“Wala naman pala e. Magpaalam ka na lang dahil matatapos na ang buhay mo.” ngumisi muli siya. Maglalakad na sana siya nang bigla naman siyang hinawakan ni Zavier sa braso. Napalingon siya at tumingin muli dito.
Mga nasa mata na ni Zavier ang pag-aalala at pagmamakaawa. “Pakiusap princess! Nagmamakaawa na ako sa ‘yo!” napaluhod na siya habang dahan-dahan namang bumababa ang kanyang kamay na patungo sa kamay ng prinsesa. Hinawakan niya ang kamay nito pagkatapos.
Nagulat si Janella nang hawakan niya ang kanyang kamay.
“Hindi mo ako naiitindihan… Isa n’yo nga akong kaibigan at hindi nga isa n’yong kaaway! Kaya pakiusap! Maniwala ka na sa ‘kin!”
Papikit-pikit lang ang mga mata ng prinsesa habang nakatingin sa kanya.
“Princess! Lubos na akong nakikiusap sa ‘yo!” gusto nang umiyak ni Zavier. Napayuko na lang siya at hinawakan pa ng isa niyang kamay ang kamay ni Janella. “I've taken a thousand miles just to get where I am!”
Napabuntong-hininga si Janella at napapikit. Inalis niya ang mga kamay ni Zavier sa kanyang kamay. Lumuhod siya habang nakatingin sa kanya.
Dahan-dahang tumingin si Zavier sa kanya nang mapansin niyang lumuhod ito sa kanyang harapan.
“O sige, hindi ko sasabihin. Pero! Huwag na huwag ka nang magpapakita sa ‘kin bago pa magbago ang aking isip. Pakisabi na rin sa mga halimaw na katulad mo na magbago na sila at pagbayaran nila ang pagkamatay ni Jasper. Sana naintindihan mo ang mga sinabi ko. Hanggang dito na lang Zavier, paalam.” tumayo na siya at tumalikod. Muli siyang naglakad.
“Princess…” tumayo na rin si Zavier. “Magkikita pa rin tayo.”
Napahinto si Janella. “Ah talaga?” muli siyang tumingin sa kanya. “Gusto mo ba talaga na sabihin ko na sa kanila? Para matapos ka na? Oo! Naiintindihan kita! Pero mahirap nga kasi sa ‘kin na dapat akong magtiwala sa ‘yo na lalo pa’t may binabalak kayong sakupin ang mundong ‘to! Sa tingin mo ba magtitiwala ako sa ‘yo ng basta-basta lang?! No way!”
Napailing ang binata at napayuko. “Princess…”
“Basta, huwag na huwag ka nang magpapakita pa sa ‘kin.” tumalikod na muli siya. “Paalam na!” at umalis na.
Tumungo na si Janella sa kanyang kwarto. Nagpalit muna siya ng damit bago siya humiga sa kanyang kama. Madali siyang nakatulog at hindi niya inaasahan na mapapanaginipan pa niya si Zavier habang kasama niya ito sa isang masayang lugar.
Umaga at saka pa lang tumigil ang malakas na ulan. Nagising na ang ibang servants habang mga tulog pa ang iba. Nalaman na rin nila na nakabalik na si Janella.
Mga nasa labas na ng kwarto ang mga babaeng servants at nagsisimula na silang magtrabaho. Ngunit ang mga lalaki ay mga nasa loob pa ng restroom ng kwarto nila. Mga nakaharap sa mahabang salamin habang sabay-sabay silang nagsisipilyo.
Nakakunot pa ang noo ni Clayden habang seryosong sinisipilyo ang kanyang ngipin. Si Julius naman ay mukhang inaantok pa dahil nakapikit siyang nagsisipilyo. Nag-uusap-usap naman ang iba habang nagsisipilyo.
Kakagising pa lang ni Nathy at pumasok na rin siya ng restroom habang kinukusot pa ang kanyang mga mata. Humikab siya.
“Hm!” lumayo ang isang lalaking servant sa kanya. “Ang baho!” masama niyang tiningnan si Nathy. Bigla tuloy siyang tumigil sa pagsisipilyo.
Biglang sinara ni Nathy ang kanyang bunganga at sabay takip ng kanyang bibig. “Ay… pasensya na po Kuya Jonathan.” napahiya siya habang nakatingin kay Jonathan.
Nakapasok pa rin sa bunganga ni Jonathan ang kanyang sipilyo. “Magshipilyo ka na ngah!”
“Opo.” hiyang-hiya pa rin si Nathy at kinuha na niya ang kanyang sipilyo.
“Oh!” nagulat silang lahat nang makita nila na nakahubad si Eric nung siya ay pumasok sa restroom.
“Saan ka galing?” nakakunot noong tanong ni Jonathan sa kanya.
“Sa kama malamang. Kakagising ko lang.”
“Saan ka naman pupunta?”
“Sa banyera. Maliligo ako.” lumakad siya patungo sa banyera.
Napangiti si Nathy habang sinusundan niya ng tingin si Eric.
“Huuy!” sinikuhan ni Jonathan si Nathy.
“Ah!” nagulat siya at mabilis na tumingin sa kanya.
Tumigil muli sa pagsisipilyo si Jonathan. “Nananaginip ka na ba diyan?! Magsipilyo ka na!” tumingin muli siya sa salamin at pinagpatuloy ang pagsisipilyo.
Nagmumumog na si Baron. “Guys, nagmumumog na ako. Dalian ninyo.”
“Eh ‘di ikaw na ang nagmumumog! Ikaw na ang 1st place sa amin!” si Jonathan.
Sinikuhan ito ng isa nilang kasama. “Hoy!”
“Oh, bakit Christoph?”
“‘Wag ka nang maingay diyan at magsipilyo ka na lang!”
“GWEINE! ANO ‘YAN?!” pandidiring sigaw ni Bernard mula sa labas ng restroom.
Nagtaka at mga nag-alala ang mga servants sa loob ng restroom nang marinig nila si Bernard. Lumabas sila.
“Ano ‘yun?!” seryosong nakatingin si Baron kay Bernard.
Nakaupo lang sa kama si Gweine na parang isang bruha dahil kakagising pa lang niya.
“Anong problema?! ANO?!!!” patalon namang lumabas ang isang lalaking servant mula sa restroom at nag-slide pa sa sahig ang kanyang mga paa. Tinutok niya ang magkabila niyang kamay kina Bernard at Gweine na parang isang baril. “Ano?! Anong problema?!” lumingon-lingon siya. “SABIHIN N’YO SA ‘KIN!!!!”
“Hoy!” pinalo ni Clayden ang ulo nito. “Tumigil ka na Elliot.”
Natawa ng marahan si Bernard habang nakatingin sa unan ni Gweine. “Look at Gweine’s pillow… it’s so…”
“Anong meron?” napatingin si Baron sa unan ni Gweine.
Masama lang na nakatingin si Gweine kay Bernard. Tumayo siya. “Ano na naman ‘yun~?”
Nakatayo lang si Bernard at tumingin na siya kay Gweine. Tinakpan niya ang kanyang bibig at ginaya ang kilos at pananalita ni Gweine. “Bakit basa~?! Eeeew~!”
Napatingin si Gweine sa kanyang unan. “It’s my tears… did you know that~?” tumingin muli siya kay Bernard at inirapan pa.
“Tears of… saliva?!” natawa si Bernard. Ganyan siya, mahilig talagang mang-asar at mang-away.
Humalukipkip si Gweine at dumiretso na lang siya sa restroom.
Napatingin ang lahat kay Gweine dahil nakikita nila na hindi siya maayos. Pumunta sila sa restroom.
Binuksan ni Gweine ang gripo at napayuko. Napahawak siya sa counter.
Hanggang pintuan lang ang mga servants habang mga nag-aalala silang nakatingin sa kanya. Hindi sila makalapit.
“Umiyak si Gweine?” pag-aalalang tanong ni Elliot.
“Bhakit khaya?” pagtatakang tanong ni Jonathan habang nakasubo sa kanyang bunganga ang kanyang sipilyo.
Lumapit na si Baron kay Gweine. “Gweine?”
Tumingin ng marahan si Gweine sa sarili niyang reflection mula sa malaking salamin. Hinawakan niya ang kanyang reflection ng malumanay.
Nakatingin lang si Baron sa kamay ni Gweine na nasa salamin. Nagtataka siya. “Gweine?”
“Ang sama ng panaginip ko! Sobra! Ang sakit!” napayuko muli siya.
“Bakit? Ano bang napanaginipan mo?” pag-aalalang tanong niya.
Kakatapos lang na magmumog ni Julius. Tumabi siya kay Gweine para pakinggan kung ano man ang ikukwento.
Biglang niyakap ni Gweine si Julius. “Uhuhuh~!”
“Tsk! Gweeiiinneee!!!!” hinawakan niya ang magkabilang braso nito at pinilit niya itong ialis sa kanya. “Ano ba?!”
“Bakit kahit sa panaginip ko, sinasabihan pa rin akong pangit~?! Uhuhuh~! It hurts~! Uhuhuh~!”
Nandiri si Julius nang itago pa ni Gweine ang kanyang mukha sa balikat niya. “Ano ba ‘yan! Umalis ka na nga sa ‘kin Gweine!!!!” naiinis na siya. “Para ka namang salagubang! Ang hirap mong tanggalin!!!!”
“Okay fine~!” tinulak niya papalayo si Julius. “Ako na ang pangit at salagubang~! Ako na lahat!”
Nanlaki ang mga ni Julius at medyo napanganga pa nang bigla siyang itulak nito.
“Gweine.” tinapik ni Baron ang kanyang balikat. “Maganda ka.”
Malungkot na tumingin si Gweine sa kanya. Tinutop niya ang kanyang dibdib at napabuntong-hininga pagkatapos. “Salamat naman at hindi lang pala ako ang nagagandahan sa aking sarili.” yumuko siya habang nakangiti.
“Kung ano man ang sinasabi nila sa ‘yo, hindi ‘yun totoo. Isa lang iyong mga biro na hindi mo dapat seryosohin.”
Dahan-dahang tumingin si Gweine kay Baron. “S-Salamat! Pero t-teka!” bigla siyang tumakbo at dumiretso kaagad sa kubeta. Malakas niyang sinara ang pinto.
“Ay… ibang usapan na ‘yan.” madaling tinakpan ni Jonathan ang kanyang ilong at napatingin sa pintong pinasukan ni Gweine. Lalabas na sana siya nang bigla naman siyang pigilan ni Christoph.
“Hoy! ‘Yung sipilyo mo! Wala ka na bang balak na magmumog?! Baka mapudpod na ‘yan kakakuskos sa ngipin mo!”
“Grabe ka naman! Para namang kinakain ko ‘to?! Bakit ikaw? Tapos ka na ba?!”
“Oo!”
Hindi na lang sumagot si Jonathan at dumiretso na lang siya sa lababo para magmumog.
Habang sa mga babaeng servants naman, mga nasa loob sila ng kwarto ni Janella. Mga nag-aalala pa rin sila para sa kanya.
“My Lady, huminahon lang po kayo…” mahinahong wika ni Triny habang dahan-dahan niyang iniikot ang benda sa siko ni Janella.
Habang ganu’n rin si Harony sa binti naman ng prinsesa.
“My Lady, ang dami n’yo pong sugat… Saan po ba kayo nagpunta?” pag-aalalang tanong ng isang babaeng servant na nakatingin sa kanya.
Nagkunwari na lang si Janella na walang narinig. “Anette, pati ang mga kasama mo, lumabas na muna kayo dito sa kwarto ko. Gawin n’yo na ang inyong trabaho dahil baka magalit sa inyo si ina kapag hindi niya kayo nakitang nagtatrabaho. Maiiwan lang dito sina Harony at Triny.” seryosong wika niya.
Niyukuan niya ang prinsesa. “Yes, My Lady.” sinabihan na niya ang kanyang mga kasama at sabay-sabay silang tumungo na sa pintuan para lumabas.
Napatingin sina Harony at Triny sa lahat ng katulong na lumabas. Pagkasara ng pinto, tumingin silang dalawa kay Janella.
“Princess, wala nga po pala ang mahal na reyna ngayon.” wika ni Triny.
“Umalis po.” wika naman ni Harony. Nilalagyan naman niya ng band-aid ang mga sugat niya sa mukha.
Sumulyap ang mga mata ni Janella kay Harony. “Kasama niya si Ginoong Alexius?”
“Opo, pumunta po sila kay Ginoong Damion.” sabay na wika nina Harony at Triny. Nagtinginan silang dalawa pagkatapos.
Napabuntong-hininga si Janella at napapikit. Hinimas niya ang kanyang noo at bigla niyang naisip si Zavier.
“Masakit po ba ang ulo n’yo, My Lady?” pag-aalalang tanong ni Triny.
“Hindi…” dumilat siya.
“My Lady, saan po ba kayo nagpunta?” si Harony naman ang nagtanong at muling tumingin sa kanya.
Biglang nairita si Janella. “Wala! Ano ba ‘yan! Huwag n’yo na nga akong tanungin!” kumunot ang kanyang noo at pumikit muli.
Sa mga lalaking servants naman, mga nasa labas na silang lahat ng kwarto at mga nagsisimula na silang magtrabaho. Nakita ng isang lalaking servant si Anette pati ang kaibigan niyang babae na bumababa ng hagdan.
“Anne! Caroline!” tawag ng binata sa kanilang dalawa.
Narinig ni Caroline ang boses niya kaya napatingin siya dito. “Hm?”
“Bakit Stephen?” si Anette habang nakatingin sa kanya.
“Kumusta si Princess Janella?”
“Ayos naman siya! Marami nga lang siyang sugat.”
“Ano?!” nagulat si Stephen. “Saan daw ba siya nagpunta?”
“Hindi nga namin alam e.” nakababa na siya at nilapitan si Stephen. “Galit nga siya e. Hindi namin siya makausap.”
Humiwalay na si Caroline sa kanya at pumunta na ng ibang direksyon.
Napatingin sa ibaba si Stephen at nag-isip. Tumango na lang siya.
“Ay! Oo nga pala.” at kinuha niya mula sa kanyang damit ang marumi at may iilang punit na damit ni Janella na sinuot niya kahapon. “Tinago ko sa damit ko, baka kasi… makita at kunin niya. Gusto ko lang naman na ipakita ‘to sa inyo.”
“Eh?!” napapanganga si Stephen nang makita niya ang damit ng prinsesa. Sobra siyang nagulat. “Damit niya ‘yan?!” tumingin siya kay Anette. “‘Yan kaya ang sinuot niya nung wala siya dito?”
Umiling si Anette. “Hindi ko alam. Nakita ko na lang ‘to sa kanyang kwarto.”
“Grabe naman ‘yan!” madali niyang kinuha ang damit at tiningnan. “Parang… nakipag-away lang ah…” binaliktad-baliktad pa niya ito. “Grabe!” tumingin muli siya kay Anette. “Sugatan nga siya sigurado!”
“Oo nga!”
“Naku naman!”
“Totoo nga ang kanilang sinabi na may ginayak nga siyang mga gamit sa isang bag. Napapaisip nga kami na mukhang gusto niya pa yatang umalis dito sa palasyo.”
Napaisip si Stephen. “Baka nga, pero bakit naman? Nasaan na ‘yung bag na sinasabi mo ngayon?”
“Hindi ko na alam ngayon kung nasaan na. Dahil nakuha na kasi ‘yun ng mga kaibigan natin.” lumingon-lingon siya. “Pero hindi ko naman alam kung sino ang kumuha.” tumingin muli siya sa kanya.
“Sige! Sasabihin ko ‘to sa ating mahal na reyna pagbalik niya dito!” tumakbo siya at hinanap si Baron.
Napabuntong-hininga na lang si Anette at humalukipkip habang nakatingin kay Stephen na tumatakbo.