Gabi na naman at patulog na naman ang lahat. Hindi pa rin dumadating sina Adelaide at Alexius sa palasyo. Nasa kwarto ni Janella si Mitch habang siya ay nakaupo sa isang magandang upuan. Katabi lang niya ang kama ng prinsesa habang tahimik siyang nagbabasa ng libro.
Nakaupo lang sa kama si Janella habang nakatingin sa kawalan. “Natatakot ako Mitch…”
Sumulyap ang mga mata ni Mitch sa kanya. Tumigil siya sa pagbabasa.
Malungkot lang na nakatingin sa ibaba si Janella. “H-Hindi ko alam kung paano ko haharapin ang ganitong klaseng problema.”
“Princess, huwag kang mag-isip ng ganyan.” tumayo siya at marahan niyang binaba ang libro sa upuan. Malumanay siyang umupo sa kama ni Janella at hinimas ang likuran nito. “Maso-solusyonan natin ‘yan, My Lady.” ngumiti siya ng kakaunti habang nakatingin sa kanya. “Lahat ng problema ay may solusyon.”
Saglit lang niyang tiningnan si Mitch. Napatingin muli siya sa ibaba at napabuntong-hininga. “Giyera na lang ba… ang tanging solusyon para ipagtanggol ang ating mundo?”
Nagulat at bigla siyang napahinto sa paghimas ng kanyang likuran. Bigla siyang nag-alala.
“Tsk!” mabilis na tinakpan ng prinsesa ang kanyang mukha. “A-Ayoko nga kasi ng g-gulo e!” nauutal na siya at mukhang naiiyak na naman. “P-Pero parang w-wala na kasi akong iba pang maisip na solusyon!”
“Tahan na…” mahinang wika niya at marahan niya itong niyakap.
“Tsk! Sana kasi AKO na lang ang kikilos para sa mundo! Ayoko kasing mangdamay ng iba e! Bakit pa kasi nagkaroon pa ng ganitong problema! Pati ang mga inosente madadamay pa dahil dito! NAKAKAINIS TALAGA!!!!”
“Mitch?!” tawag ni Baron mula sa labas ng kwarto.
“Yes?” napalingon at tumingin si Mitch sa pinto.
Hindi na sumagot pa si Baron at narinig na lang niya ang paghakbang nito sa sahig na papalayo na sa tapat ng kwarto.
“Princess…” binitiwan na niya ang prinsesa at tumayo na siya pagkatapos. “Kailangan yata ako ni Baron. Excuse me.” yumuko siya para magbigay galang at lumabas na ng kwarto.
Maya-maya, mga nasa loob na ng servants’ room ang mga katulong. Pwera nga lang kay Baron at wala pa siya sa loob ng kanilang kwarto. Mga hindi pa tulog ang karamihan sa kanila. Mga nagkuwentuhan pa.
Nakaupo lang si Mitch sa kanyang kama habang nakatingin sa malaking bintana.
Pumunta sa kanya ang isang babaeng servant. “Hello!” bigla siyang umupo sa kanyang kama.
Napalingon si Mitch at napatingin sa kanya. “Hello din sa ‘yo Serah.” ngumiti siya ng kakapiranggot.
“Anong tinitingnan mo diyan?” tanong ni Serah at tumingin din sa bintana.
“Wala naman…” at tumingin muli sa bintana.
“May iniisip ka ba?”
Napabuntong-hininga siya. “Oo, meron.”
“May iniisip rin ako.” napatingin sa ibaba si Serah. “Alam mo bang nag-aalala ako para kay Princess Janella? Minsan kasi... naiisip niya na kaya niyang iligtas ang kanyang buhay. Kung ayaw niya kay Ginoong Lucius, nandito naman tayo at gagawin naman natin ang lahat para sa kanya di ba? Alam mo ‘yun, kung maaari nga na lumaban, eh ‘di lumaban tayo para sa mundo. Giyera na kung giyera.”
Biglang kinilabutan si Mitch sa kanyang sinabi. “Kung sa bagay, tama ka naman Serah pero...”
“H-Hindi naman kasi tayo mandirigma… Hindi tayo marunong makipaglaban!” wika naman ni Janella habang siya ay nananatili pa ring nakaupo sa kanyang kama. “Hindi tayo marunong humawak ng kahit anong armas. P-Paano tayo sasabak sa giyera kung ganu’n…?” tanong niya mula sa kanyang isip habang siya ay nakaupo sa kanyang kama.
“Huwag kang mag-isip ng mga ganyan Mitch! Wala siyang gagawin sapagkat siya ang dapat na protektahan! Alam mo kung anong dapat nating gawin? Magsanay!”
Tahimik lang si Mitch.
“Hindi tayo pwedeng hindi matutong makipaglaban! Marapat lang na magsanay tayo sa tamang paghawak ng iba’t-ibang sandata at tamang pagkilos kung paano umatake! Hindi mo ba alam na kakaunti lang sa mundo natin ang marunong makipaglaban? Kaya kailangan nating magkiisa’t makibahagi sa kanila! Dapat nga buong kontinente lumaban na! Para kung sakali man na magka-giyera nga sa pagitan ng mundo ng Destiny at Bhingelheim, at least may alam tayo kung paano makipaglaban! Handa tayong lahat!” wika ni Serah.
Iniisip ni Mitch ang lahat ng kanyang sinabi. Nararamdaman niya na kung sakali mang matuto nga siyang makipaglaban, alam niya pa rin sa kanyang sarili na duwag pa rin siyang harapin ang giyera.
“Ayoko talaga ng giyera. Ayoko…” kinakabahang wika muli ni Janella. “N-Natatakot ako.”
Ilang oras ang lumipas, mga natutulog na ang mga servants sa kanilang kwarto. Si Baron na lang ang naiiwang gising.
Nakaupo pa rin sa kama si Janella habang yakap-yakap pa rin niya ang magkabila niyang binti. Malungkot siyang nakatingin sa picture frame ni Jasper habang may katabi itong kandilang nakasindi. Napabuntong-hininga siya at tinago ang buong mukha sa kanyang mga tuhod.
“Alam kong sinasabi ko sa lahat na kaya ko nang ako lang… pero ang totoo talaga ay hindi. H-Hindi ko kaya! Nagmamatapang lang ako dahil iniiwasan ko lang na magkaroon pa ako ng kabalyero. Natatakot ako na baka mawala rin sila dahil sa ‘kin!” nilabas niya ang kalahating mukha niya mula sa kanyang mga tuhod.
Ilang minuto ang lumipas, natapos na ang huling assignment palagi ni Baron na mag-check sa buong palasyo tuwing gabi.
Nakatingin lang si Janella sa bintana niyang nakabukas. Kakatapos lang niya maligo at nakasuot na siya ng ibang damit. Wala na siyang band-aids at benda sa kanyang katawan kahit na hindi pa ganu’ng magaling ang kanyang tuhod pati na rin ang iba pa niyang mga sugat. Papabayaan na lang niya ito na walang benda at band-aids hanggang sa ito ay gumaling na lang ng kusa.
Kanina pa niya pinakikiramdaman kung dadating ba si Zavier o hindi sa palasyo. Hindi kasi siya makatulog kakaisip sa sinabi niya kagabi na magkikita pa rin daw sila.
“Zavier, huwag na huwag ka nang magpapakita pa sa ‘kin… Dahil ayoko na talaga kitang makita pa!” wika niya mula sa kanyang isip. “Pagbilang ko ng sampung segundo at kapag wala ka pa rin, good! Nakinig ka nga sa ‘kin.” ngumisi siya. “Magsisimula na ako… 1… 2… 3… 4… 5… 6…”
Biglang umihip ang malakas na hangin. Tumayo na siya at tiningnan ang kalangitan mula sa labas ng bintana. Wala na namang buwan at bituwin. Puro makakapal lang na mga ulap. “7… Hahaha! Yehey! Wala ka pa rin ah! 8!” hinawakan na niya ang hawakan ng bintana at marahang sinasara. “9!” palawak na ng palawak ang kanyang ngiti sa kanyang labi. “10!” at mabilis niya itong sinara.
“Good!” pinagpag niya ang magkabila niyang kamay at pumeywang. “Masunuring bata!” ngumisi muli siya.
Kumulog muna bago bumuhos ang malakas na ulan. Tiningnan niya ang labas mula sa kanyang bintana. “Hay naku… umuulan na naman!” bigla siyang sumimangot at binaba ang kurtina. Napabuntong-hininga siya at tumalikod na dito. “Matutulog na ako!”
“Plik!” tunog ng patak ng isang tubig.
Maglalakad na sana siya nang bigla naman niyang narinig ang tunog na ‘yun. “Hm?” napatingin siya sa bintana.
“Plik!” muling pumatak ang tubig.
Nakita muli niya ang kulay na asul na tubig na nakita niya kahapon. Nanlaki ang mga mata niya. “Ano?!” humarap siya sa kanyang bintana at tiningnan ang tubig sa sahig. “I-Ikaw ba ‘yan?!” hinawi niya ang kurtina at tiningnan ang labas mula sa bintana. Nakita niya na sobrang lakas ng ulan. Napaisip siya na baka naman sa sobrang lakas ng hangin at ulan ay nakakapasok lang sa loob ang tubig.
“Plik!”
Nagulat siya at napatingin dito.
“Plik!”
“Ano ba ‘yan!” kumunot na ang kanyang noo. Napaatras siya at kinuha ang hinanda niyang kutsilyo sa vanity table.
“Plik!”
Napatingin siya sa tumutulong tubig at tinutok niya ang kutsilyo dito. “Ano ba?! Tinatawag mo ba ako?! Umalis ka na nga dito!”
“Plik!”
“Tse!” mabilis niyang tinago ang kutsilyo sa kanyang bulsa at madali siyang naglakad papunta sa pintuan. “Siguradong ikaw ‘yan Zavier! Hindi ka nakinig sa ‘kin ah! Pwes! Sasabihin ko na sa kanila!” hinawakan niya ang door knob at iikutin na niya sana ngunit naramdaman niya na madulas ito at sobrang malamig.
“Ah!” nagulat siya at nabitiwan ito. Madali niyang hinawakan ang kanyang kamay at napatingin sa door knob. Nanlaki ang kanyang mga mata nang makita niya na nababalot ito ng makapal na yelo. “A-Ano ‘to?!”
“Plik!”
Napalingon at napatingin si Janella sa bintana. “Ano ba Zavier!”
“Plik… plik! Plik! Plik!” iilang patak na lang ay makakapasok na siya sa loob.
Napaatras si Janella at nabangga ang pinto. “TULONG!” hahampasin na niya sana ang pinto para humingi ng tulong mula sa labas ng kanyang kwarto. Ngunit bigla namang bumalot ang tubig sa pinto at mabilis itong naging yelo pagkatapos.
“Ha?!” napaupo ang prinsesa habang nakatingin sa pinto niyang nababalot ng yelo. “Zavier! Pakawalan mo na nga ako!” natakot na naman siya. “TULONG!!!!”
Sinabayan pa siya ng kidlat.
“Plik!” huling patak na lang ay kumpleto na ang katawan niya.
Tumayo si Janella at pinilit na ihampas ang yelo. “UMALIS KA NGA DIYAN!!!! TULONG!!!! TUULLOONNGG!!!!!!!!!!” hinampas niya ito ng hinampas kahit na masakit sa kanyang kamay.
“Plik!” pumatak na ang huling tubig. Mabilis itong gumapang sa pinto at nagsama ito sa yelo.
Patuloy lang na humahampas si Janella sa kanyang pinto. “TUULOOONG!!!!” naiiyak na siya sa takot.
Biglang kumidlat ng malakas at mas lumakas ang ulan.
Mariin siyang napapikit nang marinig niya muli ang kidlat. Gustong-gusto na niyang takpan ang kanyang tenga kanina pa dahil sa takot siya sa kidlat. Ngunit patuloy pa rin niyang hinahampas ang pinto kahit na pagod na pagod na rin siya.
Naiyak na si Janella. “TUULOOOONG!!!!!!!”
Paunti-unti nang natutunaw ang yelo habang kumukorte kaagad itong tao. Ang nahahampas na niya ay ang dibdib na ni Zavier.
Madaling kumulay-tao si Zavier at mabilis niyang hinawakan ang magkabilang kamay ni Janella na humahampas sa kanyang dibdib.
Labis lang na umiiyak ang prinsesa habang mariing nakapikit.
“Princess…” malungkot na wika ni Zavier habang nakatingin sa kanyang mga mata.
Nainis na naman ang prinsesa dahil narinig na naman niya ang boses nito. “Huwag mo nga ‘kong hawakan!” nakapikit pa rin siya at madaling tinakpan ang magkabila niyang tenga. Napaluhod siya.
Dahan-dahang lumuhod si Zavier sa kanyang harapan. “P-Pasensya na kung nakita mo ulit ako… Pero gusto lang kita makausap. G-Gusto talaga kitang tulungan.”
Hindi sumasagot si Janella habang mahigpit lang niyang tinatakpan ang kanyang tenga.
Napabuntong-hininga na lang ang binata at napayuko.
Bigla na namang kumidlat.
“Ayoko nito! Ayoko ng kidlat!!!! Lalalala!!!!” gumagawa na lang ng ingay si Janella para hindi makarinig ng kahit na anong tunog.
Muling tumingin si Zavier sa kanya nang malaman niya na takot pala ito sa kidlat.
“Jasper…” humikbi siya. “Kapag mga ganitong panahon… palagi siyang nandito sa ‘kin. Nililibang niya ako hanggang sa makatulog ako. Pero ngayon, wala na!”
Kumidlat muli at medyo humina na ang ulan.
Malumanay nang lumapit sa kanya si Zavier at niyakap siya ng mahigpit.
Nagulat si Janella nang bigla siyang yakapin. Ngunit nananatili pa rin siyang nakapikit habang tinatakpan ang magkabila niyang tenga.
Umusog ng malumanay ang binata para sumandal sa pinto. Tumingin siya sa bintana at hinawakan naman niya ang ulo ni Janella para isandal sa kanyang dibdib.
Dumilat ng kakaunti si Janella at napatingin siya sa braso ni Zavier na nakayakap sa kanya. Nagtaka siya dahil wala siyang ideya kung anong ginagawa niya sa kanya. “Urgh!!!” muli niyang hinampas ang pinto ngunit mabilis din ang kamay ni Zavier. Napigilan niya kaagad ang kamay nito.
Nagulat si Janella at napatingin siya ng masama sa kanya.
Mahinahon lang na nakatingin si Zavier sa kanya at malumanay na niyang binaba ang kamay ng prinsesa.
Kumidlat muli at mas lumakas na ang ulan.
Nagulat at muling napapikit si Janella. “Aahh!!!” tinakpan muli niya ang kanyang tenga ng sobrang higpit. “Tama na!!!!”
Tahimik lang si Zavier. Tumingin muli siya sa bintana at nagsimula na siyang humimig ng pampatulog.
Muli siyang dumilat nang marinig niya na humihimig si Zavier. Pinakinggan lang niya ito at hindi na niya namamalayang paunti-unti na palang lumalamig ang kanyang ulo. Naalala niya bigla ang nakaraan na kasama niya si Jasper.
Bumalik ang ala-ala nung siya ay walong taong gulang pa lang habang si Jasper naman ay sampung taong gulang.
Umuulan din ng malakas at kumulog-kulog din. Nasa kama silang pareho habang humihimig rin ng pampatulog si Jasper. Nakahiga naman si Janella habang nakapatong ang kanyang ulo sa kanyang mga binti.
Nakatingin lang sa kanya ang prinsesa. “Jasper, sana palagi ka na lang nandito habang humihimig ng ganyan sa ‘kin.”
Napangiti si Jasper habang patuloy pa rin siya sa paghimig. Iniba niya bigla ang tono. Naging masaya. “La! La! La!”
“Aheehee!” natawa si Janella at sabay kurot sa kanya. “Ayoko niyan! Gusto ko ng pampatulog!” nakatawa siya habang nakatitig lang sa kanya. “Gusto ko nang makatulog! Hangga’t wala pang kidlat!”
Masayang tumango si Jasper at pumikit. Bumalik muli sa pampatulog na kanta at hinimas ang ulo niya.
Nakangiti si Janella habang pinapanood ito. “Promise me, hindi ka aalis dito ah! Kahit na nakatulog na ako!” madali niyang kinuha at hinawakan ang kamay ni Jasper mula sa kanyang ulo. “Dito ka lang sa tabi ko!” pinatong niya sa kanyang tiyan ang kanyang kamay habang nananatiling nakahawak dito.
Nakangiti lang si Jasper habang nakapikit. Patuloy lang siya sa pag-himig.
“Sana, magkapatid na lang tayo… para palagi kang nandito.”
Dumilat si Jasper at tumingin din sa kanya. “Nandito naman ako palagi sa palasyo n’yo My Lady…” nakangiting wika niya.
“Alam ko! Ibig kong sabihin, sana kahit sa pagtulog kasama pa rin kita!”
“Ah… oo nga…”
“Kasi... kapag gabi na, uuwi ka na!” ngumuso si Janella.
“Pero sabi ni ama, kapag malaki na daw ako at kaya ko nang mamuhay na kahit wala siya. Dito na daw ako titira.” ngumiti siya.
Napangiti si Janella at natuwa. “Talaga?!”
“Mhm… para nababantayan kita na kahit anong oras.” tumango lang si Jasper habang nakangiti.
“At kasama na rin kita palagi! Yehey! Kasi dito ka na titira!”
“Oo, tapos kahit anong oras pa, pwede na tayong maglaro maghapon sa hardin! Habulan!”
Natawa si Janella. “Tama! Sige! Mag-aantay ako…” pumikit siya habang nakangiti. “Aantayin ko ‘yan Jasper! Sana, lumaki na tayo kaagad!”
Natawa si Jasper at pinagpatuloy muli ang paghimig.
Nananatiling nakapikit si Janella habang pinapakinggan si Jasper. Nakaramdam na siya ng antok at hindi na namalayang nakatulog na pala siya.
Bumalik ang kasalukuyan…
Napapikit na si Janella habang iniisip ang ala-ala. Hindi na rin niya namamalayan na nakangiti na pala siya. “Jasper... sayang naman… hindi mo man lang naabutan ang iyong sinabi sa ‘kin.” bigla siyang nalungkot. “Masaya akong nag-antay hanggang sa paglaki natin. Pero iba pala ang pinag-aantayan ko, hindi pala ang pagtira mo dito ang mangyayari… kundi ang pag-iwan mo sa ‘kin.”
Ilang minuto ang lumipas, nakatulog din naman kaagad si Janella sa kabila ng kinatutukan niyang malalakas na kidlat. Sobrang mahina na ang ulan ngayon na pati ang kidlat ay hindi na rin tuloy-tuloy.
Binuhat na ng marahan ni Zavier si Janella at hiniga muna sa kama. Pumunta siya sa bintana at sinilip ang hardin. May natanaw siyang isang kalesang nagliliwanag na papunta sa palasyo. Mukhang sina Adelaide at Alexius na ‘yun. Nataranta siya nang makita niya ito at muli siyang bumalik sa prinsesa para buhatin.
Binuksan niya ang bintana at tumalon habang buhat-buhat ang tulog na prinsesa. Dumiretso siya kaagad sa likuran ng palasyo dahil do’n nakapwesto ang kanyang ship sa madilim. Binuksan niya ang pinto nito at dahan-dahan niyang inupo si Janella sa upuan. Sinara niya ang pinto ng tahimik pagkatapos at lumipat naman siya sa kabilang pinto. Binuksan na niya ito at madaling pumasok sa loob. Binuksan naman niya ang makina ng ship at pinalipad na niya ito kaagad sa himpapawid. Pumunta siya sa ibang direksyon para hindi sila makita at mapansin. Napatingin siya sa salamin ng kanyang pinto at sinilip ang palasyo. Nakita niya na sobrang lapit na sa gate ang kalesa. Napabuntong-hininga siya at mabuti na lang ay nakaalis na sila.
Nakarating na ang kalesa sa gate. Bumaba na ang dalawang tsuper ng kalesa para payungan ang dalawa. Nauna nang bumaba si Adelaide at sumunod namang bumaba ang kanyang kabalyero na si Alexius.
“Mabuti naman po at pinagsasanay na po ni Ginoong Damion ang mga tao kung paano makipaglaban. Maganda ang pinakita niya sa atin ngayon.”
“Tama ka.” tumango si Adelaide.
Tumungo na sila sa main door. Hanggang sa hagdanan lang sila hinatid ng dalawang tsuper. Nagpaalam na sila at umalis.
Umakyat na ang dalawa sa hagdan habang kinukuha naman ni Alexius ang susi ng main door mula sa kanyang bulsa. Pinasok na niya sa loob ng key hole ang susi at binuksan ng marahan ang pinto.
“Tulog na ang lahat siguro.” mahinang wika ni Adelaide at pumasok sa loob.
Tumango lang si Alexius at sumunod.
Biglang napahinto si Adelaide. Naalala niya bigla ang kanyang anak at bigla siyang napatakbo. “Janella!!!” umakyat siya ng hagdan at tumungo kaagad sa kwarto nito. Mabilis niyang binuksan ang pinto.
“JANELLA!!!!” nagulat siya nang makita niya na wala siya sa loob.
Madali siyang pumunta sa kwarto ng mga servants at malakas na pinagkakatok ang pinto.
Nagising kaagad si Baron at bumangon. Nawala bigla ang kanyang antok at madaling binuksan ang pinto.
“Baron! Nasaan si Janella?! Wala pa rin ba siya?”
“Nandiyan na po siya! N-Nasa kwarto na po!” malat pa ang boses niya dahil bagong gising.
“Ano?!” kumunot ang noo ni Adelaide. “Bakit wala pa rin siya do’n?!”
Nanlaki ang mga mata ni Baron. Hindi siya makapaniwala.
“BAKIT WALA SIYA?!”
“Nandiyan po siya…” mahinang wika niya habang hindi pa rin makapaniwala. “Nasa kwarto lang siya, Your Majesty.”
“WALAAA!!!!” muling tumakbo si Adelaide at dumiretso muli sa kwarto ni Janella.
Nagising ang mga servants sa malakas na boses ng reyna.
Nakita ni Clayden na nakatayo sa pintuan si Baron. “Baron?” kinusot niya ang dalawa niyang mata. “Anong prolema?”
Umikot siya at tumingin sa kanya. “Nawala na naman ang ating prinsesa…”
“Ano?!” nagulat si Clayden. Napanganga siya.
“HAAA?!!!!” nagulat din ang lahat. Bigla silang nagtayuan mula sa kanilang kama at napatakbo patungo sa kwarto ni Janella.
Nasa loob lang ng kwarto si Adelaide. Mukhang uulan na naman dahil humahangin na naman ng malakas.
“JANELLA!!!!” sigaw niya. Pumunta siya sa bukas na bintana at tiningnan ang hardin. “Akala ko nakabalik na siya!” madali siyang lumabas ng kwarto at pumunta naman sa kwarto niya. Dumiretso siya kaagad sa telepono at tinawagan si Lucius.
Sinagot ito. “Your Majesty?”
“LUCIUS!!! WALA PA RIN SI JANELLA DITO!!! ANO BA KASI GINAGAWA MO ANAK?!!! HANAPIN MO NA SIYA!!! DI BA SINABI MO NA HINDI SIYA LIGTAS KAPAG WALA SIYA DITO?!!!!”
“Your Majesty, huminahon lang po kayo… Huwag po kayong mag-alala, ako po ang bahala sa kanya.”
“NASAAN NA BA ANG ANAK KO?!!!” tumulo na ang kanyang luha. “NAG-AALALA NA TALAGA AKO SA KANYA!!!! SOBRA!!!!”
“Huwag po kayong matakot… nararamdaman ko po na nasa maayos siyang kalagayan ngayon.”
“Paano mo naman nasabing nasa maayos siyang kalagayan ngayon?! BAKIT?! NASAAN NA BA SIYA SA TINGIN MO NGAYON?!!!!”
Biglang nawala si Lucius.
Binaba ng pagalit ni Adelaide ang telepono. “TSK!”
Mga naagdatingan na rin ang mga servants sa kwarto. Pumasok sila sa loob.
“Kung umalis na naman siya, nakakapagtaka dahil paano kaya siya nakakaalis dito? Saradong-sarado naman ang lahat ng pinto dito, pati nga gate.” si Baron.
Nasa bintana lang si Julius habang nakatingin sa mga ulap. Kumunot ang kanyang noo nang makita niya ang kidlat sa malayo. Sinara na niya ang bintana bago pa bumuhos ang ulan.