Mahimbing ang tulog ni Janella. Nakahiga’t nakatihaya siya sa banig habang sila ay nasa dalampasigan muli ni Zavier. Nagising na naman siya sa awitin ng mga ibon at ang mga sunod-sunod na tunog ng alon mula sa dagat.
“Mhm…mhmhmm…” ungol niya at sabay kunot ng kanyang noo. Gusto pa niyang matulog ngunit may naririnig na siyang ingay. Mabigat pa nga ang kanyang mga mata ngunit kailangan na niyang dumilat. Tumagilid siya at dumilat ng marahan.
Nakita niya kaagad si Zavier na naka-indian sit sa kanyang tabi habang nag-uukit sa maliit na kahoy na hawak-hawak niya. Seryosong-seryoso siya sa kanyang ginagawa.
Nakatingin lang si Janella sa kanya. Napabuntong-hininga siya.
Natigilan si Zavier sa kanyang ginagawa nang marinig niya si Janella na bumuntong-hininga. Hindi siya kaagad tumingin sa prinsesa.
“Zavier…?”
Kinabahan siya. Tumingin siya dito ng malumanay. “Magandang umaga, princess.” ngumiti siya ng kakapiranggot.
Hindi niya pinakinggan ang pagbati ni Zavier. “Nasa… Mharius na naman ba ako?”
“Mhm.” tumango siya. “Nandito ka ulit sa Calumsia Beach.”
“Calumsia? Hmp!” pigil niyang tawa. “Anong klaseng pangalan ‘yun?!”
Seryoso lang si Zavier at medyo sumama ang kanyang loob. “Nanggaling ang pangalang ‘yun sa ‘kin princess. Wala kasi itong pangalan kaya… ako na ang nagbigay ng pangalan sa dalampasigang ito.” mahinahong wika niya.
Tumatango lang si Janella at kunwaring nakikinig. Umirap siya kay Zavier at tumingin sa dagat. “At bakit na naman ako nandito? Ano na naman ang gusto mong gawin sa ‘kin?”
“Gusto ko lang kitang makausap---”
“Bakit pa kasi dito?!” umupo si Janella at nagsisimula na naman niyang sigawan ang binata. “Bakit hindi mo ako kausapin do’n?! Bakit dito pa?!”
“Princess, h-hindi kasi kita kayang kausapin do’n ng pangmatagalan…”
“Bakit? Kasi takot ka nga na makita do’n?!”
“H-Hindi sa ganu’n…” napayuko saglit si Zavier at muling tumingin sa kanya. “Marami kasi akong sasabihin sa ‘yo.”
“Bakit nga kasi dito pa?! Kunwari ka pa! Takot ka lang kasi dahil mapapatay ka do’n sigurado!”
Nanahimik na lang si Zavier.
“Ano bang gusto mong sabihin sa ‘kin?!”
“Gusto ko lang naman sabihin sa ‘yo na… g-gusto kitang iligtas.”
“Oh, tapos?”
Napayuko siya. “Bigyan mo lang ako ng pagkakataon at papatunayan ko sa ‘yo na mali ang iniisip mo sa ‘kin. W-Wala talaga akong kinalaman sa pagkamatay ng kabalyero mo. Nakikiusap ako sa ‘yo princess… gustong-gusto talaga kitang iligtas.”
Nainis si Janella. “Paulit-ulit na lang ah! Di ba sinabi ko nga na ayoko?! ISANG MALAKING AYOKO!!!!”
Nananatiling nakayuko si Zavier at muli siyang nalungkot.
“Hay naku!” umikot at tinalikuran niya si Zavier. “Bakit ba gustong-gusto mo akong iligtas?! Pinagloloko mo ba ako?! Ano ka, kakaiba sa inyong lahat?!”
“Hindi naman ako sumangsang-ayon sa plano nila princess. Kaya ibang-iba talaga ako sa kanila…”
Napalingon at muling tumingin si Janella sa kanya. “H-Hindi ko maintindihan… Pagkatapos n’yong patayin si Jasper?! Tapos… ikaw?! Magiging tagapagligtas ko?! Ano ‘yun?! E dapat pala hindi n’yo na lang siya pinatay! Siya kasi ang tagapagligtas ko! Kabalyero ko siya! Tumigil na kasi kayo sa masamang plano n’yo sa amin!!!!”
Napabuntong-hininga na lang si Zavier.
“Kainis!” tumayo siya. “Gusto ko nang umuwi! Huwag mo na akong ihatid pa! Dito ka na lang at ako na mag-isa ang pupunta sa mundo ko!”
Napatingin siya kay Janella. “Hindi mo magagawa ‘yun. Alam ko at alam mo naman na hindi ka makakauwi nang wala ako. Dahil ako ang magmamaneho ng ship papunta sa inyo.”
“Tsk! Gusto ko na kasing umuwi nang di na kita nakikita pa! Alam mo ba ‘yun?!” sigaw niya.
Yumuko na lang ulit si Zavier at hindi pinakinggan ang kanyang sinabi.
“Hmp!” muling tinalikuran ni Janella ang binata at humalukipkip. “Dapat pala noon pa ako nagpaturo kay Jasper kung paano magmaneho ng mga ganyan! Kainis! Para ako na lang mag-isa ang pupunta do’n! Madali lang ‘yun! Hihiramin ko lang muna ang ship mo!”
“Wala rin, kasama pa rin naman ako princess…”
“Bakit?!”
“Sinong magmamaneho pabalik ng ship dito?”
Kumunot ang noo ni Janella. “Wala! Iiwanan ko na ‘yung ship mo do’n! Para wala ka nang gagamiting sasakyan papunta do’n! Ahahaha! Para tumigil ka na rin sa ‘kin!”
Nanahimik na lang ulit si Zavier. Tiningnan na lang niya ang maliit na kahoy na hawak-hawak niya.
Humahalakhak lang si Janella. “Naintindihan mo ba ang ibig kong sabihin?! Para hindi na kita makita!” at nagkibit ng balikat. “Para hindi na rin tayo magkita!” ngumisi siya.
Ilang minuto ang lumipas…
“Kainis! Kaniiisss!!!!” biglang napaluhod si Janella.
Nagulat si Zavier nang mapaluhod si Janella bigla. Napatingin siya dito. Hindi na niya maintindihan si Janella. Tatawa, magagalit at kung anu-ano pa.
Bigla na namang lumungkot ang pagmumukha ni Janella habang nakatingin sa ibaba. “I’M SICK AND TIRED OF THIS FEELING! I FEEL SO DEAD ON THE INSIDE! NAKAKAINIS NA PROBLEMA ‘TO! NANG DAHIL SA MGA ‘TO! NAWALA KA JASPER!” bigla siyang napaluha at madali niyang tinakpan ang kanyang mukha.
Napatingin muli sa ibaba si Zavier at bumuntong-hininga muli. “Princess… ipagpaumanhin mo ako.”
Napalingon at napatingin siya kay Zavier. “Anong paumanhin?!”
Napatingin si Zavier sa dagat ng nakasimangot at masama ang loob.
“Hoy! Tingnan mo nga ako!”
“Hindi ko man lang siya nailigtas...”
Natigilan si Janella.
“Pasensya…”
“G-Ganu’n?! Kaya pala sinasabi mo na wala kang kinalaman sa pagkamatay niya?! Dahil ikaw pa sana ang magsisilbing tagapagligtas niya?!”
Nanahimik na lang muli si Zavier.
“Kahit na hindi naman talaga!”
“Princess…” muli siyang tumingin sa kanya. “Hindi ang mga kasamahan ko ang pumatay sa kanya. Wala silang ginawang kahit na anong masama sa kabalyero mo.”
Napanganga si Janella habang nasa pagmumukha niya ang pagtataka. “Anong ibig mong sabihin?! Di ba dito siya namatay?!” napakamot siya ng ulo. “Kung ganu’n, sino pala ang pumatay?!”
“Dia Spirits.”
Tumagilid ang ulo niya habang nasa pagmumukha pa rin niya ang pagtataka. Napamilyar siya sa pangalan at naalala niya na binanggit ito ng kanyang ina.
“Kalaban namin sila… nakatira sila sa kabilang pulo, ang Ashbell.”
“B-Bakit napunta do’n si Jasper?! Paano ‘yun nangyari?!”
“Hindi ko alam princess, basta nakita ko na lang ang jet niya na papabagsak sa kabilang pulo. Nandito kasi ako sa dalampasigan kaya nakita ko.”
Mabilis na nilapitan ni Janella si Zavier at malakas niya itong sinampal. Pinitsirahan niya pa ito pagkatapos. “PAANO MO NAMAN NASABI NA SI JASPER NGA ‘YUN HA?!”
Nagulat at napatingin si Zavier sa nag-aapoy na mga mata ni Janella.
“PAANO?! BAKA NAMAN SINASABI MO LANG NA SI JASPER ‘YUN DAHIL PINAGLALABAN MO LANG NA HINDI KAYO ANG PUMATAY SA KANYA?!!!!”
“Princess…” mahinang wika niya.
“SUMAGOT KA SA ‘KIN ZAVIER!!!!”
“N-Nakita ko kasi ang bandilang nakapinta sa jet!” takot na wika ni Zavier.
“PAANO MO NASABI NA BANDILA NGA NAMIN ‘YUN?! IBIG SABIHIN, PUMUPUNTA NA TALAGA KAYO SA MUNDO NAMIN?!!!!”
“N-Nakita ko kasi ‘yung bandila n’yo sa wanted poster! Kaya nung makita ko ‘yun sa jet, naalala ko kayo!”
“HMP!!!” sinampal muli niya si Zavier at gusto pa nga niya ito sanang bugbugin ngunit hindi na lang ginawa. Binitiwan na lang niya ito. Dumiretso siya sa dagat. “KUNG GANU’N PUPUNTA AKO SA KABILA PARA PUNTAHAN SI JASPER!!! BUHAY PA SIYA SIGURADO! KAILANGAN LANG NIYA NG MAGLILIGTAS SA KANYA!!!!”
“Princess!” mabilis na tumayo si Zavier at hinawakan ng mahigpit ang braso nito.
Mabilis na lumingon sa kanya si Janella. “ANO BA?!!! BITIWAN MO NGA AKO!!!!”
“Princess! Wala na nga si Jasper! Sinasabi ko na sa ‘yo! Ang maaabutan mo na lang do’n ay ang bangkay niyang katawan!”
“?!” biglang naiyak si Janella. “BUWISIT KA!!!!” at sinampal niya muli ito ng malakas. “KAINIS KA!!!!” at tinulak pa.
Natumba si Zavier.
Madaling umalis si Janella sa kanyang harapan at pumunta siya sa likuran ng isang puno.
Hindi kaagad nakagalaw si Zavier. Natulala siya.
Habang sa Doherty Palace, nagtitipon-tipon ang iilang servants sa kwarto ni Adelaide habang pinapakita ang marumi at may iilang punit na damit ni Janella. Pati na rin ang naiwang bag sa kwarto ay pinakita na rin nila.
Nakaupo lang si Adelaide sa sosyal na upuan habang katabi ang malaking bintana. Nakabukas ang kurtina nito habang pumapasok sa loob ang sinag ng araw.
Mataimtim niyang tinitingnan ang damit at ang bag na hawak-hawak nila Baron at Clayden.
“Tinanong n’yo ba kung saan siya pumunta?” tiningnan niya ang dalawang servants.
Diretso lang ang tingin ng dalawa. “H-Hindi po namin natanong, pero may mga nagsabi naman po sa amin na ayaw daw po niyang sabihin kung saan po talaga siya pumupunta.” mahinahong sagot ni Baron.
Kumunot ang noo ni Adelaide at tiningnan muli ang damit at ang bag. “Hindi na maganda ‘to.”
“Pero bumalik po talaga siya dito kahapon, Your Majesty.” wika ni Clayden.
“Tapos babalik na naman dito? Paulit-ulit?!” pabulong ngunit mataas na tonong sabi naman ni Jonathan habang nasa likuran siya nila Baron. Nasa pintuan lang siya nakatayo habang kasama si Christoph dito.
“Hoy!” sinikuhan ito ni Christoph. “Umayos ka nga!”
Napalingon si Jonathan sa kanya. “Kasi naman, bakit pa kasi siya naglalayas kung babalik din naman pala siya dito?”
“Ssshhh!!!” binatukan na niya ito. “Manahimik ka na nga diyan!”
“Aray ko naman! Nakakainis na kasi!”
“Sshh!!!” tinakpan na ni Christoph ang bibig nito. “Wala ka nang respeto Joth!” pabulong ngunit mataas na tonong sabi rin niya.
(Joth ay ang palayaw ni Jonathan.)
Napabuntong-hininga na lang si Adelaide at tumingin sa bintana. Pinanood niya ang mga lumilipad na ibon sa himapapawid. “Baron, sugurin na natin ang Bhingelheim.” mahinahong wika niya.
Nanlaki ang mga mata ni Baron. “P-Po?!” nagulat siya.
Nagulat din si Clayden.
“Huwag na nating isipin na naglayas lang si Janella at nandito lang siya sa mundong ito.”
Napayuko si Clayden at kinabahan.
“P-Pero paano po ‘yan?! H-Hindi po natin alam ang planetang ‘yun!”
Nainis si Adelaide at masama niyang tiningnan si Baron. “AASA NA LANG BA TAYO KAY LUCIUS?! KITA NAMAN NATIN NA WALA NAMAN SIYANG GINAGAWA DI BA?!”
Nagulat si Baron nang sigawan siya. Pinilit niya na hindi mapayuko. Napalunok na lang siya at mas lalong kinabahan.
Tumingin si Clayden kay Adelaide. “Your Majesty, pero hindi po tayo pwedeng sumugod ng basta-basta lang sa Bhingelheim!”
Sumulyap ang mga mata ni Adelaide kay Clayden. “Anong gagawin na natin?! Hindi ba kayo nag-aalala sa anak ko?!”
“Nag-aalala po.”
“Tayo na lang ang sumugod! Para tapos na!”
“Your Majesty!”
Tumayo si Adelaide habang masamang nakatingin kay Clayden. “Bakit Clayden?!”
“Hindi po pwede… tandaan n’yo po, isa po ‘yung mysterious planet sa atin. Kaya kung susugod po tayo, baka wala ring mangyari. Hindi po sila tao na katulad natin. Hindi sila mapapatay ng basta-basta lang sigurado!”
Kumunot muli ang noo ni Adelaide habang masama lang siyang nakatitig kay Clayden.
“Saka isa pa po… anong alam po natin sa pakikipaglaban? Hindi po tayo marunong humawak ng baril para mamaril pati na rin ang paghawak ng iba’t-ibang sandata.” wika naman ni Baron.
Napabuntong-hininga si Adelaide at napaupo muli. “Napapagod na ako Baron.” at hinimas ang kanyang noo.
Nag-alala bigla si Baron sa kanya ngunit nakatayo at tuwid pa rin ang kanyang pagkakatindig habang diretso lang din ang kanyang tingin.
“Napapagod na ako kay Lucius… Sa tingin mo ba, may ginagawa na ba siya ngayon? Napapagod na akong magsabi na hanapin niya si Janella. Sa totoo nga lang, kailangan ko pa bang ipaalam pa sa kanya ang nangyayari? Di ba dapat hindi na? Dahil isa siyang kabalyero ng anak ko!”
Nakikinig lang ang dalawa.
“Pero napaisip rin ako na hindi siguro kaya ni Lucius na siya lang ang magtatanggol kay Janella. Dahil sa tingin n’yo ba, kaya niya na siya lang mag-isa na susugod at makikipaglaban sa mundong ‘yun?”
Biglang sumagi sa isip ni Clayden ang sinabi ni Lucius.
“Handang-handa ako sa lahat. Mas mahigit ang aking kakayanan kaysa kay Jasper. Ako ‘yung taong malakas at handang-handang harapin ang anumang problemang dumating sa atin. Wala kang mababalitaan sa ‘kin na kahit anong masama. Ito pa, hindi ko na kailangan ng iba pang kasama para makipaglaban sa planetang Bhingelheim. Kahit ako lang mag-isa! Kayang-kaya ko naman silang lahat.”
Hindi niya nalimutan ang mga huling salitang binanggit ni Lucius sa prinsesa ngunit mukhang nalimutan na ito ni Adelaide. Nakatingin pa rin siya ng diretso habang iniisip ito ng mataimtim.
“Hay…” napapikit si Adelaide habang hinihimas ang kanyang noo. “Ano naman kaya ang naisip ni Janella kaya niya ginagawa ito?”
“H-Hindi ko rin po alam, Your Majesty.” umiling si Baron.
“Siguro, masama ang loob niya dito sa palasyo. Dahil ba sa ‘kin? Kay Lucius? Kanino ba?”
Tahimik lang ang dalawa.
Habang sa dalawang servants na nakatayo sa pintuan, magkatabi pa rin sila habang binubulungan ni Jonathan si Christoph.
“Siguro nga ay masama ang loob ni Princess Janella dito sa palasyo…” mahinang wika ni Jonathan.
“Hindi ko alam.” wika naman ni Christoph habang nakatingin ng diretso.
Sumulyap ang mga mata ni Jonathan sa kanya. Nilapit muli niya sa tenga ang kanyang bibig at bumulong. “Kasi puro away di ba?”
Kumunot ang noo ni Christoph. “Hindi ko alam Jonathan!” pumikit siya at muling binatukan ito.
Nagulat siya at napausog. Masama siyang tumingin kay Christoph. “Aray ko naman! May ginawa ba akong kasalanan para batukan mo ako ng ganyan?!”
“Wala! Manahimik ka na lang! Gusto ko ng katahimikan.” nananatili siyang nakapikit habang nasa kanyang pagmumukha pa rin ang pagkainis.
Napakamot ng ulo si Jonathan habang nakatingin dito ng masama. Tumayo muli siya ng tuwid at tumingin na din ng diretso.
Kina Janella naman, napaupo na siya habang nakasandal sa puno at umiiyak.
Naririndi na si Zavier sa bawat paghikbi na naririnig niya mula sa prinsesa. Dahil sa tuwing na makikita niya ito, palagi na lang niya itong nakikitang umiiyak. Nakakaramdam din siya ng kalungkutan gaya ng nararamdaman ng prinsesa ngayon.
Naiintindihan naman niya si Janella. Dulot kasi ito ng pagkamatay ni Jasper at pagbabantang papatayin na pala siya ng mga kasamahan niya.
Nakatayo at nakasandal rin siya sa puno na sinasandalan ni Janella. Nakatago lang ang mga kamay niya sa bulsa ng kanyang pantalon habang nakapikit.
“Kainis…” mahinang wika ni Janella.
Marahang dumilat si Zavier nang marinig niya ang kanyang tinig. Sumulyap lang ang mga mata niya sa kanya.
“Kasinungalingan! Walang nang iba pang papatay kay Jasper kundi kayo lang!”
Nakikinig lang si Zavier.
“Bakit siya pupunta do’n?! Bakit?! May balak din ba silang sakupin din ang mundo namin?!” humikbi-hikbi pa siya habang pinupunasan ang kanyang luha. “Huwag ka nga gumawa ng kwento! Naniniwala ako na kayo ang pumatay sa kanya! At dito siya mismo sa pulong ito pinatay!” pagalit na wika niya habang tinuturo-turo pa ang lupang inuupuan niya ngayon.
“Princess, h-hindi ko talaga alam kung bakit siya tumungo do’n. Hindi nga alam ng mga kasamahan ko ang tungkol sa jet ni Jasper na nakapasok dito sa mundo. Hindi nga rin nila alam na namatay na pala siya. Kahit ngayon, wala pa rin silang kaalam-alam… Alam pa rin nila na patuloy pa rin siyang naglilingkod sa ‘yo. Dahil ako lang naman ang nakakita…”
“Nakita mo ba kung paano pinatay si Jasper?!” biglang tumayo si Janella at pumunta sa kanya.
Nagulat at napalingon ang binata nang makita niya bigla si Janella sa kanyang tabi na nag-aapoy sa galit. Lumayo siya ng kakaunti dito.
Masama pa rin ang pagkatitig ni Janella sa kanya. “Paano mo nasabi na pinatay na siya ng mga ‘yun?! HA?! Baka naman hindi pa siya patay!”
“Nakita ko rin na biglang nasunog ang jet na sinasakyan niya nung malapit na siyang makababa sa pulo at mukhang gawa ‘yun ng mga Dia!”
Nakatingin pa rin ng masama si Janella sa kanya. May naalala siya bigla.
“Napakamisteryoso ng planetang Bhingelheim sapagkat wala pang sinuman ang nakakakita’t nakakapunta do’n, Janella. Pero salamat kay Lucius Alexandre, dahil siya pa lang ang katangi-tanging nakapunta na at may alam sa mundong ‘yun.”
Naalala niya bigla ang mga sinabi ng kanyang ina tungkol sa mundong ito. Napaisip siya na baka tama nga si Zavier na lahat ng kanyang sinabi ay totoong nangyari. Dahil sa hindi nga nila alam ang mundong ito at wala pa ngang sinuman ang nakakapunta pa dito. Pero dahil sa gusto nga ni Jasper na patigilin na ang masamang plano ng mga La luna ay sumugod siya kaagad, pero kamalas-malasan… tumungo siya sa maling direksyon na ang akala niya ay tama.
Kumunot ang noo ni Janella habang iniisip ang mga ito. Bigla din niyang naisip si Lucius.
“Ayon sa kanya, masyadong delikado ang planetang ‘yun para sa ating mga tao dahil mga misteryoso ang nakatira do’n.”
Napaisip na naman siya habang nasa kanyang pagmumukha ang pagtataka. “Bakit ganu’n?! Si Lucius pa lang ang nakapunta dito? Pero di ba, sinabi ni ina na masyado daw na delikado ang mundong ito para sa aming mga tao?! Bakit?! Sino ba si Lucius?! Hindi ba siya tao para makapunta dito ng siya lang?!” tanong niya mula sa kanyang isip.
May takot ang tingin ni Zavier sa kanya dahil baka saktan na naman siya nito.
“Urgh!!!” hinawakan ni Janella ang kanyang buhok at sinabunutan ang sarili.
Nagulat si Zavier. “Princess!” madali niyang hinawakan ang mga kamay nito sa kanyang buhok.
“Tsk!” pumiglas muli si Janella at binitiwan na ang kanyang buhok. Litong-lito na siya, pakiramdam niya ay mababaliw na siya sa sobrang lungkot. Hinawakan niya ang puno para alalayan ang kanyang sarili. Umalis siya sa tabi ni Zavier at umupo muli siya sa likuran ng puno ng malungkot.
Pakiramdam niya ay naiiyak na naman siya ngunit pinipilit niya itong timpiin. Ayaw na niyang umiyak dahil mas pinalulungkot lang niya ang kanyang sarili. Napabuntong-hininga na lang siya at napapikit ng marahan.
Nakikiramdam si Zavier kung magsasalita si Janella. Pero hindi na ito nagsalita. Saka pa lang siya sumandal sa puno ng malumanay.
Napaisip si Janella na maging mahinahon na lang. Wala rin namang mangyayari kung makikipag-usap muli siya kay Zavier ng pasigaw. Pinapapagod lang niya ang kanyang sarili.
“Zavier…” mahinahong tawag niya.
Sumulyap muli ang mga mata niya sa prinsesa.
“May balak rin ba ang mga Dia… sa ‘kin?”
Natigilan saglit si Zavier. “Hindi ko alam princess…”
“Tsk!” tinakpan niya ang kanyang mukha. “Ano ba ‘yan! Ayoko na ng ganitooo!!!”
“Princess---”
“Gusto ko nang magbago kayo…”
“G-Gusto ko na ring baguhin ‘to…”
Hindi na napigilan ni Janella ang kanyang sarili at muli siyang umiyak.
“Pinapangako ko na walang mangyayaring masama sa mundo n’yo kung sasama ka sa ‘kin. Gagawin ko ang lahat princess, handa akong maging isang traydor sa kanila para sa ‘yo... Handa akong masaktan mula sa kanila. Kahit na anong mangyari, kahit pa buhay ko na ang nakasalalay! Patuloy pa rin akong maglilingkod sa ‘yo! Basta para sa ‘yo, gagawin ko ang lahat!”
Patuloy lang na lumuluha si Janella habang pinapakinggan si Zavier. Pinunasan niya ang kanyang mga luha.
“Hindi ko pa alam kung hanggang kailan tayo magsasama. Basta… kung palagi tayong magkasama hanggang sa huling araw, magiging maayos din ang lahat princess. Asahan mo ‘yan.”
“Kailan ba ‘yang huling araw na sinasabi mo nang pati ikaw ay matapos na din? Dahil alam mo sa totoo lang? Ayoko na kitang makasama pa!”
Natigilan si Zavier at bigla siyang nasaktan pagkatapos niyang marinig ang sinabi ni Janella. Akala niya ay magiging maayos na ang lahat. Nanahimik na lang siya at napaupo na lang. Yumuko siya.
“A-Alam mo ba na delikado ako dito sa mundo n’yo Zavier? Kung gusto mo nga akong iligtas, bakit mo pa ako dinadala dito? Dapat nga nasa palasyo nga lang daw ako!”
“Kung ganu’n, bakit narinig ko mula sa ‘yo na aalis ka sa palasyo dahil sinasabi mo na hindi ka ligtas do’n? Nagtatago lang ako sa kwarto mo nu’n kaya alam kong wala kang kaalam-alam na nando’n ako.”
Natigilan si Janella at naalala niya ang sinasabi ng binata.
“Tatakas ako dito! Ako pala ha? Ako pala ang kailangan nilang patayin ha?! Hmp! Aalis ako sa palasyo na ‘to para walang gulo! Mas susundin ko ang plano ko kaysa sa plano mo Lucius! Tandaan mo, hindi kita kabalyero para protektahan ako. I can protect myself from them!”
Natigilan siya saglit. “Sagutin mo nga tanong ko, Zaviiieerrr!!!!”
Hindi sumagot si Zavier.
“Zaviiiieeerrr!!!!” tumayo na muli siya at pumunta sa kanya.
Madaling tumayo si Zavier at lumayo siya ng kakaunti sa kanya. “Dahil hindi kita kayang kausapin do’n princess!”
“Bakit nga?!”
“Natatakot ako!”
Napabuntong-hininga si Janella at sumulyap din ang mga mata niya sa kanya. “Tama nga ang hula ako… Takot ka kasing makita do’n! Isa kang duwag! Lumaban ka nga! Ipakita mo naman sa amin kung gaano nga kayo kalalakas para maging isang delikado sa amin!”
“Princess! A-Ayoko nga ng gulo! Isa pa, kaibigan n’yo ko!”
“Tse! Di ka namin kaibigan! Isa ka naming kaaway at kalaban!”
Napatingin sa ibaba si Zavier at napabuntong-hininga.
“Delikado daw kasi kayo sa amin! Ano ba kayo?!” nagmamatapang pa si Janella. “Baka naman suntukin lang kita, tumba ka na!”
Umiling na lang si Zavier at muling tumingin sa kanya.
“E paano?! Hipayin lang kayo ng hangin sa amin ay tumba na kayo?!”
Tahimik lang siya.
“Mahina! Hindi naman pala kayo ganu’ng malakas! Hindi kayo delikado!”
“Aaminin ko, malalakas kami…”
“Bakit? Hindi rin ba kami malalakas?!”
“Hindi kami basta-basta matutumba…”
“Ah parang gusto mo na yatang maglaban tayo! Tingnan natin kung sino ang matutumba sa atin!”
“Princess… pakiusap, ayoko ng gulo!”
“Pwes ayoko rin! Pasimuno kayo ng gulo! Kami ba ang may gusto ng lahat ng ‘to?!”
“Hindi ko rin naman ‘to ginusto princess! Kaya nga ako naririto para tulungan kang mapabago ang lahat! Gusto ko kayong iligtas!”
“Bakit hindi ang mga kasamahan mo ang kausapin mo?! Sabihin mo sa kanila na tigilin n’yo na ang binabalak ninyo! At ayaw mo ng giyera!”
“Matagal ko nang gustong gawin ‘yun pero nagbago ang aking isip. Dahil hindi naman sila makikinig sa ‘kin, alam ko na ang mangyayari kapag sinabi ko ang mga gusto kong sabihin. Mababang uri lang naman ako para sa kanila. Kaya ako na lang mismo ang kikilos para mapabago ang lahat ng ‘to.”
Natawa pa si Janella imbis na naawa. “Hay naku naman! Kawawa ka naman! Ano ka ba dito? Parang wala ka naman yata sa kanila e! Parang wala kang kwenta!”
Nasaktan si Zavier.
Napabuntong-hininga siya. “Ano? Maglalaban na ba tayo?! Ipapakita ko na sa ‘yo kung gaano din kami kalakas!” sinugod niya bigla si Zavier.
Seryoso lang na nakatingin si Zavier sa kanya.
“YAAHH!!!!” susuntukin na sana ni Janella ang binata nang mabilis naman itong pinigilan ni Zavier.
Hinawakan niya ng mahigpit ang kanyang kamao habang nakatingin sa mga mata niya ng seryoso.
Nagulat si Janella at pinilit pa niyang tanggalin ang kamay niya sa kanya. “Ugh!” nahihirapan siya.
“Princess, hindi ako nandito para makipaglaban.” mahinahong wika niya.
Tiningnan niya ng masama si Zavier. “MAGLALABAN NGA TAYO DI BA?!”
“Ayoko!”
“Uuugghhh!!!!” pinipilit pa rin na tanggalin ni Janella ang kamay ni Zavier. “Kaiiiniiisss!!!!”
Seryoso lang na nakatingin si Zavier sa kanya at parang walang nararamdaman na hirap.
“Urrgghh!!!!” patuloy pa rin si Janella. Pinipilit pa rin niyang tanggalin ang kamay ni Zavier. “Bitiwan mo nga ako!!!!” napipikon na siya.
Hinawakan pa ni Zavier ang isang kamay ni Janella na nagpupumilit na tanggalin sa kanyang kamay. Pagkatapos ay binaba niya ito ng mabilis.
“Anong ginagawa mo sa ‘kin?!” masama ang pagkakatitig ni Janella sa kanya habang hinihingal pa. “Bitiwan mo na nga ako!”
“Pakiusap! Huwag mo na akong saktan princess!”
“Ugh!” pumiglas si Janella ngunit nakahawak pa rin sa kanya si Zavier. “Bakit ba?! Ang sarap mong saktan e!”
“May damdamin din ako! Nasasaktan din ako!”
“Pakialam ko?! Para maramdaman mo rin kung gaano ako nasaktan nung mawala si Jasper sa ‘kin!!!!”
Seryosong nakatingin lang si Zavier sa kanya.
“Uuughh!!!! Kakagatin kita sa braso sige ka! Aahhh!!!!” ngumanga si Janella at sisimulan na ngang kagatin si Zavier na parang isang aso.
Binangga ni Zavier ang kanang kamay niya sa noo ni Janella habang hawak-hawak pa rin ng mahigpit ang kamay nito. Nilalayo niya ang ulo nito na papalapit sa kanyang braso.
“Aaaaahhhh!!!!” nakanganga pa rin si Janella habang nakatingin sa braso niya.
“Princess! Tumigil ka na!” naiinis na si Zavier.
“Aaaahhhh!!!!!” pinipilit pa rin ni Janella na kagatin ang kanyang braso. Ngunit nagsisimula na namang maglabasan ang mga tubig sa kanyang mga mata.
Nakakunot na naman ang noo ni Zavier habang nakikita ang mga mata ni Janella na nagtutubig. “Tama na sabi!”
Biglang humikbi na si Janella habang nakatingin pa rin sa braso ni Zavier. Nakanganga pa rin siya.
Binitiwan na bigla ni Zavier ang dalawang kamay ng prinsesa at mabilis siyang umatras pagkatapos. “Princess! Tama na! Ayoko ng ganito!”
Nakatayo lang si Janella habang nakayuko. Tinakpan muli niya ang kanyang mukha at pinilit na huwag na tumuloy pa ang pagluha. “Tsk!” naiinis na rin siya sa kanyang sarili. “Ugh! Ayoko nang umiiiiiiiyak!!!!” nananatili lang siyang nakayuko. Napaupo siya habang takip-takip pa rin niya ang buong mukha niya.
Nakatingin lang si Zavier sa kanya habang nasa pagmumukha na niya ang pag-aalala. Lumapit siya ng marahan sa kanya at dahan-dahan siyang lumuhod sa harapan nito. “Tahan na princess…”
Mas lalong naiiyak si Janella. “Huwag kang lumapit sa ‘kin! Manahimik ka!”
Biglang nawalan na ng gana si Zavier na pag-usapan pa ang mga gusto niyang sabihin kay Janella dahil parang mas lalo lang niyang napapalungkot ang prinsesa. Parang ang gusto naman niya ngayon ay kasiyahan muna, oras na para paligayahin na muna ang prinsesa. Nahihirapan lang siya sa tuwing nakikita niya na ganito palagi ang kanyang kalagayan.
“Ayoko ng gulo. G-Gusto talaga kitang tulungan. Tahan na, huwag ka nang umiyak.”
Tahimik lang na umiiyak si Janella.
Napangiti ng kakaunti si Zavier. “Ngumiti ka naman princess…”
“P-Paano ako ngingiti kung sobrang lungkot ko?!”
“Kaya nga ako nandito, para paligayahin ka din.”
“Hindi mo ba alam na lalo mo akong pinalulungkot?! Sa tuwing nakikita ko ang pagmumukha mo?!”
Napayuko siya.
“Huwag na! Salamat na lang!”
“Pero gusto kong lumigaya ka.”
Biglang sinuntok ni Janella sa dibidib ang binata. Ngunit hindi ito gaanong umabot sa kanya kaya mahina lang ang pagtama nito sa kanyang dibdib.
Nagulat si Zavier at napatingin sa kamao ng prinsesa.
Sinubukan muli ni Janella na huminahon. Napabuntong-hininga siya habang nananatili pa rin siyang nakayuko. Binaba na niya ang kanyang kamao sa dibdib ni Zavier, ngunit bigla naman itong hinawakan ng binata.
Tiningnan na niya si Zavier habang nakatakip pa rin sa kanyang mukha ang isa niyang kamay.
Nakangiti si Zavier sa kanya habang hawak-hawak ang kanyang kamay. “Ngumiti ka na…”
Napapikit siya. “Ano bang pinagsasabi mo?! Umalis ka nga sa ‘kin Zavier!”
“Isa mo akong kaibigan at dapat lang kitang pasayahin.”
Napabuntong-hininga si Janella. Marahan na niyang binaba ang kamay niya na nakatakip sa kanyang mukha. Dumilat siya at tumingin kay Zavier na may halong pagtataka.
Nakangiti lang sa kanya ang binata.
“Anong nangyayari sa ‘yo? Naglalaban tayo di ba?”
Natigilan siya at ayaw na niya itong pag-usapan pa. Luminga-linga siya saglit at muling tumingin sa kanya. “Princess, nagugutom ka na?”
“Oo! Kanina pa!”
Tumayo siya habang hawak-hawak ang kamay ng prinsesa. “Gusto mong sumama sa ‘kin? Maghahanap tayo ng makakain mo.”
Napatingin sa kanya si Janella habang nasa pagmumukha pa rin niya ang pagtataka.
Inaantay lang niyang sumagot ang prinsesa ngunit hindi siya sumagot. Alam niya at ramdam naman niya na hindi niya gustong sumama. Pero kailangan nga niya itong pasiyahin sa pamamagitan ng paglibang nito sa kagubatan, kaya sinama niya pa rin ito. Ningitian niya muna ang prinsesa bago niya ito inalalayang patayuin.