7: Scared To Lose


 

Habang sa Destiny World naman, inabot na sila ng tanghali matapos nilang puntahan si Damion sa malayong-malayong lugar mula sa palasyo. Kasama ni Adelaide si Alexius pati ang iilang servants. Nagpaiwan naman ang ibang servants para bantayan ang palasyo.

Mga nasa loob ng malaking mansyon ni Damion ang lahat. Nasa mataas silang palapag. Nakatayo lang ng tuwid ang mga servants sa gilid habang katabi ang mga malalaking bintana na may railing pa. Nakaupo sa magagandang supa sina Adelaide at Alexius sa entertainment room habang kausap si Damion na nasa kanilang harapan.

Nasaan nga pala si Lucius?” tanong ni Adelaide kay Damion habang sumisipsip ng kakaunting tsaa sa tasa. Bigla niyang naalala ang unang pag-uusap nila sa telepono.

Your Majesty, si Lucius po ‘to.”

Lucius! Si Janella! W-Wala dito!”

Wala po kayong dapat na ipag-alala…”

Anong ibig mong sabihin?!”

Ayos lang siya. Kahit na ano pong mangyari sa kanya, huwag na huwag po kayong umalis sa palasyo para hanapin siya.”

Alam mo ba kung nasaan siya?! Aalis pa rin kami dito sa palasyo kung maaari!”

Kailangan n’yo po akong pagkatiwalaan. Ako po ang kabalyero niya kaya alam ko.”

Bumalik ang kasalukuyan.

Biglang kumunot ang noo ni Adelaide. Pumikit siya at sumipsip muli ng tsaa. “Hindi kita kayang pagkatiwalaan sa ganyang plano mo. Kailangan ko pa ring hanapin ang anak ko! Isa siyang prinsesa baka nakalimutan na niya!” wika niya mula sa kanyang isip.

Palaging wala. Hindi rin sinasabi sa ‘kin kung saan din siya pupunta.”

Bakit po ganu’n? Ano naman po kaya ang pinupuntahan nu’n?” tanong ni Alexius habang nasa pagmumukha niya ang pag-aalala, hindi na nga rin niya naisip na sumipsip muna ng tsaa.

Hindi ko rin alam at palagi din niyang kasama ang kanyang jet. Parang si Jasper lang.”

Habang sa mga servants naman, nakatingin na sila sa bintana at pinapanood ang mga nagliliparang ibon sa himpapawid.

Naniniwala ako na dito nakaparada ang kabuuan ng jets natin.” mahinang wika ni Baron kay Clayden habang hawak-hawak pa ang railing.

Oo nga, parang nga…” mahinang wika din ni Clayden.

Parang daanan kasi ‘yan ng mga jets e.” at tinuro ang kulay-abo na daanan na sinasabi ni Baron.

Hm, oo nga…” tumango na lang si Clayden. “Runway?”

Saka…” tinuro niya ang katabi ng runway. “Tapos, ‘yun naman ang mga hangars nila.”

Ano kamo? Hangers?” nakangangang wika pa ni Jonathan.

Ano sa tingin mo? May hangers ka bang nakikita diyan na may mga nakasampay pang damit?” tinuro pa ni Julius ang mga hangars. “O sige nga at ituro mo! Pupukpokin kita kapag wala akong nakitang hanger sa ituturo mo!”

Wala nga e, kaya nga nagtataka ako kung bakit nabanggit ni Boss Baron ang hanger.” at inaninag ang mga hangars.

Ha-ha-ha…” humalukipkip si Julius at sabay buntong-hininga. “Nagpapatawa ka ba? Hindi ka kasi nakakatawa e.”

Napatingin si Clayden sa tinuturo ni Baron. “Oo nga ‘no? Hangars nga ‘yun! Bulag yata tayo Baron dahil hindi natin napansin ang mga jets na nakaparada sa bawat hangars! Nakakatuwa namang pagmasdan ang mga jets! Pero…” tinuro niya ang isang hangar. “Tanging ‘yun lang ang walang jet.”

Baka hangar ng jet ni Ginoong Lucius ‘yan.” mahinang wika ni Baron.

Hinimas ni Clayden ang kanyang baba na parang isang detective habang mga nasa railing nakapatong pa ang kanyang siko. Pinagmamasdan lang niya ang mga hangars.

Oo nga pala mga servants, ito nga pala ang airbase natin.” wika ni Damion. “At ako ang general of the air force.”

Wooahh!” humanga ang lahat.

Blah… blah… blah…” patuloy lang na pinapaliwanag ni Damion ang kabuuan ng airbase.

Ang likot ni Gweine sa isang tabi. Napapalakpak na rin siya sa tuwa. “This is so awesome~!!!” napatalon siya ngunit naapakan niya ang sapatos ni Julius nang hindi naman sinasadya.

Nag-apoy bigla si Julius sa galit at sa sakit na naramdaman niya. “ARAAY KOO NAAMAAN!!!”

Napalingon ang lahat kina Julius at Gweine.

Ssshhh!!!” sina Baron.

Hoy!” nag-silent pose si Jonathan. “Ssshhh!!! Ang ingay n’yo!”

Ay…” tinakpan ni Gweine ang kanyang bibig at napahiya. “I-I’m sorry~!”

Nilinis ni Julius ang naapakang sapatos niya. “Tsk!” at sabay layo sa kanya.

Nilapag ni Adelaide ang tasa sa lamesa at hinawakan niya ang kanyang noo. “Sumasakit na talaga ang ulo ko…”

Nag-aalala pa rin si Alexius. “Ano na po kaya ang pwede nating gawin?”

Sumugod na tayo…” si Adelaide.

Umiling si Damion. “Hindi tayo basta-basta pwedeng sumugod do’n. Iba sila, iba tayo. Naniniwala ako na hindi sila mapapatay ng saksakan o anu-ano pa. Mahirap silang patayin o talunin.” wika niya habang papalapit kina Alexius at Adelaide.

Napabuntong-hininga si Alexius habang tinitingnan ang tasa niya. Kahit na isa siyang kabalyero, nakakaramdam pa rin siya ng kaba at takot na sugurin ang mga La luna Spirits. Pumikit na lang siya at sumipsip na lang ng tsaa.

Tama ba ako mga servants?” at tumingin si Damion sa kanila. “Nandito lang naman si Princess Janella di ba?” at ngumiti.

Opo!” wika nilang lahat habang mga tumatango-tango pa ang iba.

Nakakabalik pa kasi siya sa palasyo. Kaya naniniwala rin ako na nandito lang siya.” napahimas si Damion sa kanyang baba at napatingin sa ibaba. “May naisip akong plano. Tatawagin ko na ang aking mga piloto at hahanapin namin siya. Magtutulungan kami kahit na kakaunti lang kami…” at napapikit.

Napatingin sa kanya si Adelaide habang si Alexius naman ay napangiti sa magandang plano na naisip ni Damion.

Tama ka Ginoong Damion!” nakangiting wika ni Alexius at sumipsip muli ng tsaa habang nakangiti.

Tumango si Adelaide at medyo gumaan na ang kanyang pakiramdam matapos niyang marinig na hahanapin na nila si Janella. Napapikit siya at napabuntong-hininga muli. Napangiti siya at sumipsip muli ng tsaa.

Nakangiti lang si Damion. “O sige, ngayon na namin ‘to gagawin. Tatawagin ko na sila.”

Natuwa ang lahat.

Mabuti naman!” nakangiting wika ni Harony at napatutop sa kanyang dibdib.

Yehey!” napatalon pa sa tuwa si Triny at napayakap kay Julius.

Nagulat si Julius. Napaatras siya sa lakas ng pwersa. “T-Triny!” namula pa siya dahil wala pang sinumang babae ang nakakagawa sa kanya ng ganito.

Yehey! Julius! Ang saya-saya ko!” nakangiting wika ni Triny.

Papikit-pikit lang siya habang nakatingin sa mga mata niya. “Ah… oo, a-alam ko.” namumula pa rin.

Hahaha! Yehey!” mas hinigpitan pa niya ang kanyang pagkakayakap.

Lumobo ang mga pisngi ni Julius at napapikit sa kahihiyan. “Triny! Okay na! Alam ko naman na masaya ka na! Bitiwan mo na ako!”

No way!”

Napansin ni Baron sina Julius at Triny. Napanganga siya sa kanyang nakikita. “Wow ha!” napangiti siya.

Biglang sinuntok ni Clayden ang kaliwang braso ni Baron habang nakangiti.

Nagulat at biglang napalingon si Baron sa kanya. “Uy! Grabe ka naman kung makasuntok! Sabihin mo naman sa ‘kin bago mo gawin! Nakakagulat ka naman! Pakiramdaman mo ang pagtibok ng puso ko, ang bilis!”

Malamang! Nagulat ka e!” natawa si Clayden at sumandal siya pagkatapos sa railing. Sumulyap ang mga mata niya sa labas at tiningnan ang runway.

Nakatingin pa rin si Baron sa kanya at bumagal ang pagkakahimas niya sa kanyang kaliwang braso. “Parang ano lang ‘yan, kapag nakikita si iniirog.” pinilit niya na hindi matawa. Pinaparinggan niya muli si Harony sa kanyang gilid na hindi naman kalayuan sa kanila.

Kumunot ang noo ni Clayden at sumulyap muli ang mga mata niya kay Baron.

“‘Yung pakiramdam ba ng----” hinawakan niya ang kanyang dibdib. “Bibilis ang pagtibok ng puso kapag nandiyan siya.”

Anong kinalaman nun? Iba na ‘yun! Iba na ‘yun sa pagkagulat!” inis na wika ni Clayden. “Iniinis mo na naman ako e! Ano?! Parang gusto mo na naman yatang masuntok kita diyan e!”

Uy Baron! Clayden!” biglang sumingit si Harony. Nakangiti siya habang tinitingnan ang dalawa. “Masaya ba kayo?”

Uy!” napatingin si Baron sa kanya at sabay kamot ng ulo. “Ahm, oo! Masayang-masaya kami!” nakangiting wika niya. “Perfect timing Clay!” mahinang wika niya at pasimple niya itong sinikuhan. Nananatili lang siyang nakatingin sa dalaga.

Napalunok si Clayden nang marinig niya na magsalita si Harony. Nahihiya siyang tumingin dito kaya tumingin na lang siya sa bintana at pinanood ang mga nagliliparang mga ibon.

Uy Clayden! Bakit hindi mo ako pinapansin?!” kinalabit ito ni Harony.

Biglang namula si Clayden at hindi napigilang ngumiti. Lumingon siya at iniiwasan niyang mapansin ni Harony ang kanyang pagmumukha.

Clayden! Hoy!” tawag ni Baron at malakas niyang kinakalabit ang balikat nito.

Bigla siyang sumimangot. Sumulyap ang kanyang mga mata kay Baron at masama siyang tiningnan.

Umatras si Baron habang nakangiti. Pumwesto siya sa likuran ni Harony at tinuro-turo pa ang dalaga.

Uy!” biglang humarang ang kamay ni Harony sa paningin ni Clayden.

Nagulat si Clayden at napatingin siya kay Harony.

Bakit hindi mo ako pinapansin? Galit ka ba?”

Ayan na naman ang sakit ni Clayden. Hindi na naman siya makapagsalita ng maayos. “Ahm---”

Pasensya na kung may nagagawa na pala akong kasalanan sa ‘yo na hindi ko na napapansin sa aking sarili!”

Napalunok si Clayden habang nakatingin sa kanya. “A-Ahmm… h-hindi naman H-Harony.” mas lalong bumilis ang pagtibok ng kanyang puso nang sabihin niya ang pangalan ng dalaga.

Hindi NAMAN?! Ibig sabihin may nagawa nga akong kasalanan!” malungkot siyang yumuko. “Pasensya Clayden!” muli siyang tumingin sa kanya.

Tsk! Ayusin mo kasi Clayden!” pabulong ngunit mataas na tonong sabi ni Baron sa kanya. Sinesenyasan pa niya si Clayden habang nasa likuran pa rin siya ni Harony. Humalukipkip siya habang taas noong nakatingin pa sa kanya at sumandal pa siya sa railing pagkatapos.

Masamang tumingin si Clayden sa kanya at nakaramdam ng pagkainis. “Ano ba!”

Nagulat si Harony at ang akala niya ay siya ang sinigawan. “P-Patawarin mo ako Clayden! Huwag mo na akong sigawan!”

Napatingin si Clayden sa kanya. “Ah! H-Hindi ikaw Harony ang sinigawan ko! P-Pasensya na at w-wala kang nagawang hindi maganda sa ‘kin!”

Sumingit na si Baron sa kanilang harapan. “Dahil sa tuwing na dumadaan ka, lalo pa’t kung ako’y iyong kausap! Binibigyan mo ng kulay ang buong araw ko kung hindi mo lang alam! O sana naririnig mo ang sinasabi ng ulilang puso kong ito para sa ‘yo sinta!” makatang wika niya habang may mga tumutubo-tubo pang mga nagkikinangang imaginary roses sa kanyang likuran. Nakatutop pa siya sa kanyang dibdib at dinadamdam ang bawat sinasabi.

LUMAYAS KA NA NGA LANG DITO BARON!” nag-aapoy na naman si Clayden sa sobrang inis.

Natawa si Harony sa tulang sinabi ni Baron.

Napangiti si Baron. “Tsk! Clay naman oh! Siyempre mas magandang tingnan ang dalawang magkasintahan kung may background song! E kaso wala tayong kanta kaya tula na lang!” humalukipkip pa siya at umiling-iling.

HA?!!!” nagulat si Clayden sa sinabi niya. Mas namula siya. “Anong magkasintahan ang pinagsasabi mo diyan?!”

Natatawa lang si Harony habang nakatingin kay Baron. “Alam ko naman Baron... matagal na! Aheehee!” at nag-peace pose pa siya habang nakatawa.

WHAT?!” mas lalong namula si Clayden na halos buong mukha na niya ay pulang-pula na. Mas lalo tuloy siyang nainis kay Baron at nang dahil tuloy sa mga kalokohan na pinaggagawa niya ay nahahalata na pala siya ni Harony. Nag-uugat-ugat pa ang mga mata niya nung sumulyap siya kay Baron dahil sa inis. “PWEDE BA?! LUMAYAS KA NA LANG DITO?!!!!” at inaperkat muli siya.

Urgh!” tumalsik na naman si Baron.

Habang sa Bhingelheim World naman, nasa gubat lang sila ni Janella at Zavier naglalakad. Palinga-linga lang ang prinsesa habang pinagmamasdan ang kagubatan. Nagsisiliparan ang mga ibon mula sa mga puno habang ang ibang ibon naman ay mga nasa puno lang nag-aawitan. Hindi niya namamalayan na nakangiti na pala siya habang pinpakinggn ang kanilang awitin. Nalilimutan niya halos ang mga problema niya sa tuwing pinagmamasdan niya ang kagubatang ito.

Napalingon at napatingin si Zavier sa likuran para tingnan si Janella. Biglang umihip ang malamig at malakas na hangin mula sa himpapawid.

Napatingin sa itaas si Janella. Napangiti siya muli at napapikit pagkatapos. Huminto siya sa paglakad at hinayaan niyang maramdaman muna ang malamig na hangin na humahalik sa kanyang balat. Matapos ang pag-ihip ng hangin, saka pa lang siya dumilat at sumalubong naman kaagad sa kanyang paningin ang maliwanag na himapapawid kasabay ng mga naglalaglagang mga dahon. Natawa siya ng marahan at tumingin na ng diretso. Napansin niya na nakatingin pala sa kanya si Zavier habang nakangiti. Nagulat siya matapos niyang malaman na nakatingin pala sa kanya ang binata.

Hm!” tinakpan niya ang kanyang bibig. “Nakatingin ka pala sa ‘kin?!”

Natawa ng marahan si Zavier. “Yes, princess, ang ganda-ganda mong ngumiti…” nakangiting wika niya.

Napayuko siya at sabay hawak sa magkabila niyang tuhod. “Nakakahiya.” natawa siya ng kakaunti.

Natawa ng marahan si Zavier. “Huwag kang mahiya. Totoo naman talaga at alam kong nasasarapan ka sa malamig na hangin.”

Tumingin siya kay Zavier. “Alam mo? Nakakapagpakalma pala ang kabubatan ninyo.”

Mas napangiti si Zavier matapos niyang malaman na nagiging maayos na ang pakiramdam ni Janella kahit kakaunti lang. Pero at least, nakakangiti na siya hindi katulad kanina. Tumabi siya sa kanya.

Nanlaki ang mga mata ni Janella habang nakatingin kay Zavier sa kanyang tabi. Nailang siya.

Napansin ‘yun ni Zavier kaya umusog siya. “Tumabi ako sa ‘yo para palagi kitang nakikita. Nasa likuran kasi kita at panay ang lingon ko.”

Nakatingin lang si Janella sa kanya. Tiningnan niya mula ulo hanggang paa si Zavier. “Baka, saksakin mo na lang ako bigla ah!”

Umiling siya. “Bakit ko naman gagawin ‘yun?”

Naiilang pa rin si Janella. “Do’n ka na nga lang sa harapan ko!” at tinuro ang kanyang harapan.

Hindi niya sinunod si Janella at ningitian lang niya ito. “Halika na princess.”

Bumuntong-hininga siya. “Okay, okay fine!” at muling naglakad habang kasabay si Zavier.

Ilang minuto ang lumipas…

Napayuko saglit si Janella habang pinakikiramdaman si Zavier na baka saktan siya. Pero nagkamali siya ng akala.

Princess…” tinuro niya ang dalawang ibon sa puno.

Hm?” napatingin siya kay Zavier. Biglang bumangga sa kanyang mga binti ang dalawang maliit na kunehong naghahabulan. “Aw!” tiningnan niya ang dalawang kuneho sa likuran. Tumba silang pareho. “Pangalawa na ‘yan ah!”

Napatingin si Zavier sa dalawang kunehong nahilo. Malumanay niyang kinuha ang dalawa sa magkabila niyang kamay.

Nakasimangot si Janella habang nakatingin sa dalawang kuneho. “Bakit ba parang pansin ko lang ang hihilig nila akong banggain!” at sabay pagpag ng kanyang kasuotan.

Napatingin sa kanya si Zavier nang pagpagin ni Janella ang kanyang kasuotan. “Nadumihan ka ba princess?”

Oo! Hindi ba halata?! Mga basang-basa kaya sila!”

Nagkaroon na ng malay ang dalawang kuneho. Malumanay silang dumilat at niyugyog ang kanilang mga ulo matapos nilang magising. May takot sa kanilang mga mata nang sila ay tumingin sa prinsesa.

Napatingin din si Janella sa dalawa. “Ano?! Babanggain n’yo pa ba ako ulit? Masakit ah! Hindi ko alam kung kayo rin ba ‘yung bumangga sa ‘kin nung nandito ako.”

Biglang bumaba ang mga tenga ng dalawang kuneho at biglang sumulyap ang kanilang mga mata kay Zavier. Sa kanilang mga tingin, mukhang may mga sinasabi sila sa binata.

Nakatingin lang sa kanila si Zavier. Mahinahon lang ang kanyang pagmumukha at naintindihan niya kaagad ang kanilang gustong sabihin. Napatingin siya kay Janella. “Princess, ipagpaumanhin mo daw sila. Hindi naman daw nila sinasadya na masasaktan ka nila. Gusto lang naman nila na kunin ang atensyon mo sapagkat wala naman silang boses para tawagin ka. Gusto ka lang nila sanang batiin dahil nandito ka at nakita ka na rin nila sa wakas.”

Nakakunot ang noo ni Janella habang nakatingin kay Zavier. “K-Kilala rin ba nila ako?” at malumanay na tinuro ang dalawang kuneho.

Yes, princess. Palaging ikaw kasi ang kinukwento ko sa kanila.”

Ha?! P-Paano kung isumbong nila ako sa mga kasamahan mo?! Na nandito ako?!” nakaramdam muli siya ng pagkatakot. Biglang napaatras ang kaliwa niyang binti at magtatangkang tumakas.

Huwag kang mag-alala, mga kasama at kaibigan ko sila.”

Biglang napalingon si Janella nang may narinig siya mula sa malayo. Akala naman niya ay kung ano na. Hangin lang pala na umihip muli ng malakas at nagsilalaglagan lang muli ang mga dahon mula sa mga puno. Lumingon muli siya at tumingin kay Zavier, nag-aalala pa rin siya.

Nilapit ni Zavier ang dalawang kuneho sa kanyang mukha at ningitian. Mukhang may sinasabi rin siya sa pamamagitan ng kanyang tingin.

Habang si Janella naman, nagtataka naman sa ginagawa ng binata sa dalawang kuneho. Hindi niya maintindihan dahil malumanay na patagilid-gilid ang ulo nito habang tutok na tutok naman ang mga mata sa mga mata ng dalawang kuneho. Ang mga ilong naman ng dalawang kuneho ay pagalaw-galaw na parang may inaamoy.

Ahmm…?” palipat-lipat ang pokus ng mga mata niya sa kanila. “A-Anong ginagawa n’yo?”

Hindi na narinig ng binata na may tinanong na pala si Janella. Masyado kasi siyang naka-pokus sa dalawang kuneho.

Humalukipkip ang prinsesa habang nakakunot pa rin ang kanyang noo. Napalinga siya at napaisip. Gusto na naman niya sanang tumakas ngunit saan naman siya pupunta kapag ginawa niya ‘yun. Mas mabuti na lang na sumama siya kay Zavier dahil baka pagsisihan lang niya ang lahat sa huli. “Ano ba ‘yan… Tsk! Kapag may nangyari sa ‘kin dito, lalabanan ko sila!” wika niya mula sa kanyang isip. Napatingin siya sa ibaba. Napapikit siya saglit at bumuntong-hininga. Sumulyap ang kanyang mga mata kay Zavier para tingnan muli ang ginagawa.

Nakapikit na ang kanyang mga mata habang nakatayo ng tuwid. Tahimik lang ang dalawang kuneho sa kanyang mga palad habang mga nakapikit din.

Nasa pagmumukha pa rin ni Janella ang pagtataka habang pinagmamasdan ang tatlo. “Ano na ba ang ginagawa n’yo? Hindi ko kayo maintindihan.”

Paunti-unting nagkukulay tubig ang dalawang kuneho. Dahan-dahan silang natutunaw.

Nanlaki ang mga mata ni Janella habang pinapanood ang dalawang kunehong natutunaw. Napanganga siya.

Tuluyan na silang natunaw. Nagsama ang tubig ng dalawang kuneho. Naging iisa na lang sila.

Pakurap-kurap si Janella habang pinapanood ang ginagawa ni Zavier. Lumapit siya ng kakaunti dito at pinagmasdan ang tubig sa mga palad ng binata.

Saka pa lang dumilat ng marahan si Zavier.

Woah…” humanga siya at mas tiningnan pa niya ng maigi ang tubig. “Ang ganda naman ng kulay ng tubig!” nanlaki ang mga mata niya habang tinitingnan ang tubig sa mga palad ni Zavier.

May napansing kakaiba si Janella mula sa tubig. Itatanong niya sana kung ano ang dalawang bilog na kulay berde mula sa loob ng tubig. Ngunit napaisip siya na baka maistorbo lang niya ang binata kaya nanahimik na lang siya.

Dahan-dahan siyang lumingon para tingnan ang mukha ni Zavier. “Wow ha, ayos ah!”

Napangiti ng kakaunti si Zavier. Sumulyap saglit ang kanyang mga mata kay Janella at muli siyang tumingin sa tubig na nasa kanyang palad pagkatapos. Biglang lumiwanag ang tubig.

Nagulat siya. “Anong nangyayari?!” lumayo siya ng kakaunti.

Biglang lumutang sa mga palad ni Zavier ang tubig at marahang nahati ito sa dalawa. Sa kanilang pagkahati, paunti-unti naman silang nagiging isang ibon. Pakpak kaagad ang nabubuo sa kanila at pagkatapos ay ang katawan na nito ang sumunod.

W…ow!” napanganga muli si Janella habang pinapanood ito. Napangiti siya.

Patuloy lang sa konsentrasyon si Zavier habang paunti-unti niyang binibigyan ng buhay ang dalawang kulay puting ibon. Nang matapos na ang proseso, pinalipad na niya ang dalawa.

Lumipad na ang dalawang ibon at sila ay mga umikot sa kanilang dalawa.

Palingon-lingon si Janella habang masayang umiikot ang isang ibon sa kanya. “Hahaha! Ang ganda mo namang tingnan! Ngayon lang ako nakaranas ng ibong umiikot sa ‘kin!” nakangiting wika niya.

Tahimik lang na pinapanood ni Zavier si Janella habang nakangiti. Lumipad na sa himpapawid ang ibong umiikot sa kanya.

Sinubukang kunin ni Janella ang ibong patuloy pa ring umiikot sa kanya. “Yah!” sa sobrang saya niya, hindi niya sinasadyang mahahampas niya ito.

Medyo nawalan ng kontrol ang ibon pero mabuti naman at nakakalipad pa siya. Lumipad na siya patungo sa himpapawid.

Hala!” mabilis na tumingin sa itaas si Janella para tingnan ang ibon. “H-Hindi ko sinasadya! Patawarin mo sana ako!” napatutop siya at nag-alala. “Bumalik ka!”

Nakatingin rin sa itaas si Zavier habang pinapanood ang ibon. Malungkot naman na nakanguso si Janella habang pinapanood rin ito.

Huwag kang mag-alala, hindi siya nagtampo dahil sa nahampas mo siya.” marahang tumingin si Zavier sa kanya.

Tumingin rin sa kanya ang prinsesa. “Paano mo naman nasabi?” nasa pagmumukha pa rin niya ang pag-aalala.

May pupuntahan pa kasi sila princess.”

Hindi ako naniniwala, nagtampo siya sa ‘kin kaya siya umalis!”

Natawa siya ng marahan at umiling. “Maniwala ka sa ‘kin.”

Biglang nagtaka si Janella. “Teka nga pala Zavier, b-bakit naging ibon na sila? Di ba kuneho sila?”

Pinili na nilang lumipad, maging isang ibon. Kapalit nung pagbangga nila sa ‘yo. Para sa susunod, hinding-hindi na muli ‘yun mangyayari.”

H-Ha?!” nagulat siya. “Sinakripisyo pa nila ang pagiging kuneho nila dahil sa simpleng pagbangga nila sa ‘kin?!”

Hindi simple para sa kanila ‘yun princess. Nirerespeto ka nila at nalaman nila na mali pala ang ginawa nila sa ‘yo dahil naramdaman nila na nasaktan ka.”

Nasa pagmumukha pa rin ni Janella ang pag-aalala. “Ay…” muli siyang ngumuso. “Ibig sabihin, kasalanan ko pala.” at tumingin muli sa himpapawid.

Ngumiti na lang si Zavier.

Napabuntong-hininga ang prinsesa. “O sige na… halika na, humanap na tayo ng makakain ko. Nagugutom na talaga ako…” at tumingin muli sa kanya.

O sige.” tumango siya.

Ikaw? Hindi ka pa ba nagugutom?”

Hm? Ahmm…” at napakamot sa ulo. “Hindi princess.” at ngumiti.

Malupit ka ah. O sige na, halika na. Matibay pala bituka mo e. Akala ko kasi nagugutom ka na rin.” at nauna na siyang maglakad.

Sumabay na si Zavier sa kanya.