8: Wait Until
Hapon na sa Destiny World at hindi pa rin bumabalik ang mga jets sa airbase. Tahimik lang na nakaupo at nakikiramdam sina Adelaide at Alexius sa upuan. Ang mga servants naman ay nananatili pa ring nakatayo habang nakatingin sa himpapawid mula sa malaking bintana.
“Pakiusap, sana makita na nila si Janella.” mahinang wika ni Adelaide habang hinihimas ang kanyang noo. Nakapikit lang siya habang nakasandal.
“Nandito lang po siya, Your Majesty.” wika ni Alexius at sumipsip ng tsaa. “Dahil napakaimposible naman po na makakarating siya sa Bhingelheim para hanapin si Jasper. H-Hindi niya po alam kung paano gumamit ng jet.”
Inalis ni Adelaide ang kanyang kamay sa noo niya at tumingin naman siya kay Alexius pagkatapos. “Alam ko Alexius… pero ang kinatatakutan ko ay baka dinakip na siya ng mga La luna!”
Napatingin si Alexius sa kanya. “Pero kung dinakip na po siya simula pa lang… dapat hindi na rin po siya nakakauwi sa atin.”
Napabuntong-hininga siya at muli niyang hinawakan ang kanyang noo. Napapikit muli siya. “B-Bakit pa kasi ginagawa ni Janella na umalis pa ng palasyo?! Kung alam naman pala niya sa sarili niya na wala na siyang iba pang mapupuntahan kundi ang tahanan lang niya! Saka hindi nga siya ligtas sa labas! Sinabi ko na nga sa kanya na huwag na siya lumabas ng palasyo!”
Nanahimik na lang si Alexius at sumipsip na lang siya ng tsaa.
“Aalis, babalik… aalis ulit tapos babalik ulit. Bakit hindi na lang siya manatili sa palasyo? Kung babalik din pala siya?”
“Baka kailangan po muna niya ng katahimikan.”
Dumilat si Adelaide at napatingin sa kanya. “Anong ibig mong sabihin?”
“Baka ayaw niyang makarinig o mapag-usapan ang tungkol sa problema po natin ngayon. Saka masyado po siyang malungkot, para marinig muli sa atin ang mga balita na mas lalo siyang nalulungkot. Siguro kailangan lang po niya muna ng peace of mind.”
Napapikit muli siya. “Anong magagawa natin? Kailangan nating i-ayos ang mga ganitong bagay. Dapat nga, kumikilos na tayo para maghanda!”
Napapikit saglit si Alexius habang nakikinig.
“Ayoko nga rin ng ganito Alexius. Pero ano nga kasi? Sobrang bigat ng problema natin para hindi pag-usapan ‘to! Sana naiintindihan naman ni Janella ang mga ganitong bagay. Hindi niya dapat na itakas ‘to at kailangan niyang harapin ‘to! Kung ayaw nga niyang pag-usapan pa ‘to. Maraming bagay na mawawala kung hindi tayo handa! Tandaan mo Alexius na wala tayong alam kung kailan sila susugod! Baka mga nakatunganga pa tayo at baka bukas na pala sila susugod dito sa mundo!”
Nakaramdam siya ng takot.
“Tsk! Si Janella ang kailangan nila. Hindi niya dapat gawin ‘to. Itatali ko na talaga siya sa kwarto niya kapag nagkataon!”
Habang sa mga servants naman.
“Nag-aalala na ako…” mahinahong wika ni Triny.
Sumulyap ang mga mata ni Julius sa kanya. “Bakit?”
Hinawakan niya ang railing habang nakatingin sa bintana. “Parang nahihirapan yata silang hanapin ang prinsesa…”
Seryosong tumingin muli si Julius sa runway. “Malaki ang ating kontinente Triny para makita nila kaagad.”
Ngumuso si Triny at yumuko.
“Lalo pa’t wala silang ideya kung nasaan na ba talaga siya. Mahihirapan talaga sila.”
Habang kay Clayden naman, masayang-masayang siya dahil katabi niya si Harony. Buong oras siyang nakangiti.
“Naku…” nag-aalala na rin si Harony. “Nasaan na kaya sila?”
“Ahmm…” nahihiyang wika ni Clayden.
“Clayden.” bulong ni Baron sa kanya. Hinawakan niya ang kamay nito.
Nagulat si Clayden. Napalingon siya sa kanya.
Nakatitig lang si Baron sa kanya. “Oh! Bakit ang pula ng mukha mo?! May sakit ka ba?”
“Ha?! Ano?” nakakunot ang noo ni Clayden habang nakatingin sa kanya. “Bitiwan mo nga ako!” at pumiglas. “Para saan pa ba ang paghawak ng kamay mo sa ‘kin?! Ikaw talaga!” at pinagpag ang kamay sa kanyang damit habang nakatingin ng masama sa kanya. “Bakla ka talaga.”
Nagkunwaring bingi si Baron. Hinipo niya ang noo ni Clayden. “Naku! Ang init mo!”
Seryosong lang siyang nakatingin kay Baron. Hinayaan na lang niyang nasa noo niya ang kamay nito. Wala naman siyang magagawa.
Tiningnan ni Harony ang dalawa. “W-Walang lagnat si Clayden!”
Nagulat si Baron nang magsalita si Harony. Napatingin siya sa kanya at napangiti. “Uy! Nag-aalala si Harony oh!” napatingin siya saglit kay Clayden at muling tumingin kay Harony pagkatapos. “Ang pula kasi ng mukha niya Harony e.”
“Tsk!” napayuko si Clayden at mabilis na inalis ang kamay ni Baron sa kanyang noo at umalis.
“Oh?” sinundan ng tingin ni Baron si Clayden na naglalakad papalayo sa kanila. “Anong nangyari do’n?”
“Lagot ka Baron!” tumingin muli si Harony sa runway pagkatapos.
Pumunta si Clayden kina Julius at Triny. Sumingit siya sa pinag-uusapan nila.
“Dadating din sila…” mahinahong wika ni Clayden kay Triny habang nakatingin sa runway.
Malungkot lang na nakanguso si Triny.
“Ayos lang na hindi sila makakabalik kaagad dito. Basta siguraduhin lang nila na kasama na nila ang prinsesa pagbalik.” seryosong wika ni Julius.
Napabuntong-hininga ang dalaga. “Kinakabahan na talaga ako.”
Pinatong ni Clayden ang kanyang mga siko sa railing at lumingon-lingon. Pasimple niyang hinahanap si Baron. Napangiti siya nang hindi na niya ito nakita pa.
“Clay?” tawag ni Baron mula sa kanyang likuran. Hinawakan niya ang balikat nito.
Sumimangot muli siya nang marinig niya muli ang boses ni Baron. Sumulyap ang kanyang mga mata sa kanya.
“Bakit ka umalis?”
Umikot si Clayden at humarap sa kanya. “Bakit?” seryoso lang siyang nakatingin sa kanya.
“Nakakahiya naman kay Harony…” mahinang wika niya.
“Bakit naman nakakahiya sa kanya? Ako kaya ang nahihiya sa pinaggagawa mo!”
Sumulyap ang mga mata ni Julius sa dalawa. “Pssst! Anong kaguluhan ‘yan?”
Napalingon at napatingin ang dalawa sa kanya.
“Wala.” wika ni Baron. Bumuntong-hininga siya at muli siyang tumingin kay Clayden.
Ganu’n din si Clayden kay Baron. Umalis na lang si Julius sa kanilang dalawa.
“Uy!” si Triny. “Saan ka pupunta?” at sinundan si Julius.
“Clayden…” mahinang tawag ni Baron sa kanya.
Nakasimangot lang si Clayden habang nakatingin sa kanya.
“Ginagawan ko lang naman ng paraan kayo ni Harony. Tapos, lalayasan mo lang.”
“Bakit ba?! Bakit mo pa kasi ginagawan ng paraan?”
“E kasi…” napakamot siya ng ulo. “Gusto ko lang naman na lumigaya ka e.”
“Ano? Lumigaya? Hindi naman ako nasisiyahan sa pinaggagawa mo e! Naiinis ako! NAIINIS!!!”
“Hoy! Ang ingay n’yo!” si Julius.
Napayuko si Baron. “Ssshhh…”
Nakasimangot lang si Clayden. “Saka huwag ka na ngang mamakailam! Intindihin mo na lang ang problema natin ngayon dahil ‘yan ang dapat mong isipin at gawan ng paraan.”
Tanghali na sa Bhingelheim World at nakahanap na rin si Zavier ng makakain ni Janella. Naghanap sila pagkatapos ng pwesto na magandang pagkainan. Natagpuan nila ang isa pang kaayang-ayang dalampasigan. Hinayaan lang ng binata na patapusing kumain si Janella bago sila bumalik sa Calumsia.
Nakasandal lang sa puno si Zavier habang katabi si Janella na nakaupo sa medyo mataas na bato.
Ginagawa muli ni Zavier ang pinakapaborito niyang gawain. Nag-uukit lang siya sa maliit na kahoy na kanyang hawak-hawak. Nakayuko siya at pokus na pokus sa ginagawa.
Seryoso lang ang tingin ni Janella sa araw habang hawak-hawak ang kinakain niyang prutas. Naiisip na naman niya ang mga bagay na nakakapagpasama ng kanyang loob.
“Zavier.” mahinang tawag niya sa kanya.
Napakurap si Zavier nang tawagin ang kanyang pangalan. “Hm?” malumanay siyang tumingin sa kanya.
Ngumunguya-nguya lang si Janella habang nakatingin pa rin sa araw. “May tanong ako sa ‘yo.”
Napaisip si Zavier. “Ano ‘yun princess?”
Nilunok niya ang kanyang ningunguya at masama niyang tiningnan ang binata pagkatapos. “May gusto ka ba sa ‘kin?”
Nanlaki ang mga mata ni Zavier at kumunot ang kanyang noo. “P-Princess?”
“Tama ba ako?”
Napailing siya ng malumanay. “W-Wala... wala akong nararamdaman na ganu’n sa ‘yo.”
“Sigurado ka?!” bumaba si Janella sa mataas na bato at lumapit sa kanya.
Nagulat siya na biglang nag-iba ang ugali ni Janella ngayon. Napaatras siya.
“Ano ka ba talaga?! Napakamisteryoso mo talaga sa ‘kin! Hindi naman kita kilala! Tapos kung makapagsalita ka sa ‘kin parang kung sino! Hindi naman tayo magkaibigan o ano para magsalita ng matatamis!”
“P-Princess, i-isa mo akong---”
“Kaaway!”
“Kaibigan...” dugtong at mahinang wika ni Zavier.
“Baka nalilimutan mo na magkaaway nga tayo di ba?! Meron kayong napakalaking kasalanan sa ‘kin!” at dinuro-duro ang binata.
“Patawarin mo na ako kung hindi ko nailigtas si Jasper! Dahil kung nagawa ko ‘yun, siguradong wala na ako ngayon at hindi na kita maliligtas pa!”
“Manahimik ka!” malakas na tinulak ni Janella si Zavier. “Hindi ako naniniwala sa ‘yo!” umalis siya sa kanyang harapan.
Napaatras ang binata nang itulak siya. Napayuko na lang siya habang naiisip na parang nabalewala lang pala ang mga eksplenasyon na sinabi niya sa kanya.
Sumampa muli sa bato si Janella at kinain muli ang prutas na hawak-hawak niya.
“Princess---”
“Tse!”
Natahimik si Zavier.
“Huwag na huwag ka nang magsasalita. Kung ano man ang sasabihin mo, wala akong pakialam kaya manahimik ka na lang!”
Habang sa mansyon naman ni Damion, matiyaga pa ring nag-aantay ang lahat para sa pagbalik ng mga jets. Gustong-gusto na nila makita si Janella.
“Naku naman~!” nag-aalala na rin si Gweine. “Nasaan na kaya ang mga papa ko ngayon?” at hinawakan ang railing at lumingon-lingon sa runway. Nag-aabang at baka may pababa nang jet.
“Naghahanap pa rin sila…” wika ni Jonathan habang nakasandal sa railing.
Bumuntong-hininga si Gweine. “I hope they’re all okay~!” at binuksan ang pamaypay at pinaypayan ang sarili.
Tumabi si Jonathan kay Christoph na nag-iisa lang sa isang tabi.
Nakapatong din ang magkabilang siko ni Christoph sa railing habang nasa kanyang noo ang kanyang mga daliri. Nakapikit siya at mukhang malalim ang iniisip.
“Uy, ayos ka lang ba?” at hinimas ni Jonathan ang likuran nito.
Hindi siya sumagot.
Napangiti na lang siya ng kakaunti at bumuntong-hininga pagkatapos. Binitiwan na niya ang likuran ni Christoph at hinawakan na lang niya ang railing.
“Sana sa susunod, hindi na muli gawin ng ating prinsesa ‘to. Tayo-tayo rin kasi ang mahihirapan kapag ginawa niya pa ulit ‘yan.” wika ni Jonathan.
Kumunot ang noo ni Christoph. Hindi lang siya kumikibo.
“Nasa delikado tayong lahat ngayon. Dapat na… ayusin na natin ‘to.”
Hindi pa rin nagsasalita si Christoph. Minasahe niya ang kanyang noo gamit ang kanyang mga daliri.
“Alam mo ba, napaisip ako na siguro kapag ako ang naging piloto. Bibisitahin ko talaga ang mundong Bhingelheim.”
“Sa paanong paraan?”
Nagulat si Jonathan nang biglang nagsalita si Christoph. “Ano lang, iikutin ko lang ang mundo nila. Titingnan ko lang… para magkaroon na rin ako ng ideya kahit kakaunti.”
“Matapang ka. Paano kung kunin ka nila?”
“H-Ha? Paano?”
“Jonathan, wala nga tayong ideya kung ano nga sila. Malay mo, baka nalalaman nila kaagad kung sino ang tumitingin o pumapasok sa kanilang mundo. Baka puntahan ka nila mula sa kalawakan tapos do’n ka nila patayin o ano pa.”
Napaisip siya.
“Iba sila Jonathan, hindi sila tao. Ang daming pwedeng mangyari at ‘yun ang iniisip ko ngayon… na kung anong klase ba talagang nilalang sila.”
“Nandito na sila~!!!” sigaw ni Gweine matapos niyang makita ang isang jet mula sa malayo.
Nagtinginan ang mga servants sa bintana. Tumayo na sina Adelaide at Alexius. Mabilis silang pumunta sa bintana para tingnan ang jet.
“Oo nga!” nakangiting wika ni Triny. “Pero isa lang ang jet na nakikita ko!”
Tahimik lang si Julius habang nakatingin rin sa jet.
“Salamat naman!” nakangiting wika ni Harony.
Napangiti si Adelaide. “Sana nandiyan na si Janella sa loob.” napatutop siya habang kinakabahan sa magiging resulta.
Nakatawa si Gweine habang nakatutop ang kanyang mga kamay sa kanyang dibdib. Nagkikintaban pa ang kanyang mga mata habang nakatingin dito. “My prince charming~! I feel so happy dahil bumalik ka~!”
Malapit na ang jet sa kanila, ngunit nilagpasan lang sila nito.
Mabilis na nagsilingunan ang lahat para tingnan ang jet na papalayo na sa kanila.
“What the…” si Julius.
“Eh?!” laking-gulat ni Gweine.
“Anong nangyari?!” mataas na tonong tanong ni Jonathan habang papalapit kina Baron.
“H-Hindi ko alam!” nagtaka rin si Baron.
“Baka naman bumalik ang isa sa kanila dito para tingnan lang kung makikita nila si Princess Janella dito!” wika ni Triny.
“Oo nga at baka makita nila siyang patakbo-takbo dito---” natigilan si Baron sa kanyang sinabi.
“Na papabalik sa palasyo?” tanong ni Jonathan.
Napatingin si Alexius sa mga servants. “H-Hindi ko alam…”
“Mananatili lang tayo dito. Hindi tayo aalis hangga’t hindi pa bumabalik sila Damion...” seryosong wika ni Adelaide at bumalik na siya sa kanyang upuan.
“Yes, Your Majesty.” wika ng lahat.
“Kung sakali nga na babalik na si Janella sa palasyo. May mga tao naman sa palasyo.”
“Yes, Your Majesty.” wika muli ng lahat.
Bumalik na rin si Alexius sa kanyang upuan para umupo.
Habang sa Bhingelheim World naman, tahimik lang ang dalawa at pinakikiramdaman lang ni Janella si Zavier. Pasulyap-sulyap lang ang mga mata niya sa kanya habang patuloy pa rin siya sa pagkain ng prutas.
Nakayuko lang si Zavier habang nakasandal sa puno. Mahina niyang sinisipa-sipa ang mga maliliit na bato na nasa kanyang paanan habang mga nasa bulsa naman niya ang kanyang mga kamay.
Naubos na ni Janella ang mga prutas. Nabusog naman siya kahit papaano. “Hay! Gusto ko nang umuwi!” parinig niyang wika.
Sumulyap lang ang mga mata ni Zavier sa prinsesa.
Bumaba ng bato si Janella at naglakad papalayo sa binata. Nilagay niya ang mga kamay niya sa likuran ng ulo niya. “Sa totoo lang kaninang-kanina pa! Gustong-gusto ko nang umuwi! Hindi ko kasi maintindihan kung bakit dinadala pa ako dito e! Nasagot ko naman lahat ng mga katanungan niya, ayoko nga e! Tsk! Hmp! Ang sarap manuntok talaga! Kaiiniss!!!”
Malungkot na tumingin sa buhanginan si Zavier.
Biglang naalala ni Janella na may tinago nga pala siyang kutsilyo sa kanyang bulsa. “Tsk!” hindi na naman mapakali ang kanyang kamay. Muli niyang nilabas ang kutsilyo sa kanyang bulsa habang nakatingin dito. “Gusto ko talagang maghiganti!”
“Princess...” malungkot na wika ni Zavier.
“Ano?!” mabilis siyang tumingin sa likuran para tingnan ang binata. “Ano?! Di ba sinabi ko na huwag na huwag ka nang magsasalita?! DI BA?!!!” at mabilis siyang naglakad papalapit sa kanya. “Yah!” at bigla nitong sinaksak ang dibdib.
Hinayaan lang niya si Janella. Tumingin na lang siya ng seryoso sa kanyang mga mata.
“Urgh! Kaiiiniiisss!!! Paano ba kita mapapatay!” at paulit-ulit niyang sinasaksak ang dibdib nito.
“Princess!” hinawakan niya ang magkabilang kamay ni Janella.
“Ano na naman Zavier?!” naiinis na talaga siya ng sobra. “Ano na naman?! Kukulitin mo na naman ba ako sa mga paulit-ulit na tanong mo sa ‘kin?! Ha?! Sinagot ko na di ba?! DI BA?!!! AYOKO NGA!!!! ILANG BESES KO BANG KAILANGAN PANG ULITIN ZAVIER?!!!!”
Napansin na naman ni Zavier ang nagtutubig na mga mata ni Janella. “Princess, pakiusap huwag ka nang umiyak!”
Lalong naiinis si Janella. “Paanong hindi ako maiiyak sa ganito kong kalagayan?! KASALANAN N’YO ‘TO! TAPOS NGAYON SASABIHIN MO SA ‘KIN NA HUWAG NA AKONG UMIYAK?! BAKIT BA KASI GINAGAWA N’YO PA ANG GANITO SA ‘KIN KUNG AYAW MO PALA AKONG MAKITANG LUMULUHA?!!!”
Nainis na rin si Zavier dahil sinabi naman niya ang buong katotohanan kanina sa kanya. “Wala nga kaming kasalanan! Tanging masamang plano lang nila ang malaking magagawa nilang kasalanan sa ‘yo! Hindi nila pinatay at hindi nga dito namatay si Jasper!”
Biglang gumalaw ang mga damuhan na malapit sa kanila.
Kinabahan si Zavier. “Sshh... sshh... sshh…” madali niyang tinakpan ang bibig ni Janella at marahan siyang lumuhod kasama si Janella.
Hindi na napigilan ni Janella na maiyak muli. Napapikit siya. “Mmhm!” sabay hikbi. “Mhmhmhmm!” may sinasabi siya ngunit dahil nakatakip nga ang kamay ni Zavier sa kanya, hindi niya ito masabi ng maayos.
Habang si Zavier naman ay nakatingin lang sa mga dahong gumalaw. Pinakikiramdaman niya kung may lalabas pero mabuti naman ay wala. Kinabahan siya do’n. Napabuntong-hininga siya at muling tumingin sa kanya. “Princess...” mahinang wika niya habang malungkot siyang nakatingin sa kanya.
“Mmhhmm!!!” umiling-iling siya at inaalis niya ang kamay ni Zavier sa kanyang bibig.
Inalis na ni Zavier ang kanyang kamay mula sa bibig ng prinsesa ngunit mahigpit naman niyang hinawakan ang kanang braso nito. “Princess, p-pakiusap... g-gusto talaga kitang iligtas!”
Napayuko si Janella habang umiiyak. “Sino ka ba talaga Zavier? Bakit ganyan ka sa ‘kin? H-Hindi naman tayo magkakilala!”
“Hindi mo ako kilala pero kilala kita.”
“Noon pa?! Sigurado ka?! Suntukin kaya kita diyan! Bitiwan mo nga ako!”
“Princess! Makinig ka nga muna sa ‘kin!”
“ANO?!!!”
“Naiintindihan ko kung ano man ang nararamdaman mo. Pero sana ang mga pinaniniwalaan mo na hindi naman totoo ay---”
“Anong hindi totoo?! ANONG HINDI?!!! HA?!!!”
“Maling-mali ang iniisip mo sa ‘kin! Iniisip mo kasi na masama ako! Hindi mo nga ako kaaway princess! Isa mo akong kaibigan! ISANG TUNAY NA KAIBIGAN!”
“PAANO KITA MAGIGING KAIBIGAN KUNG MAY BALAK KAYONG SAKUPIN ANG MUNDO NAMIN?!!!! HUWAG KA NANG MAGPANGGAP PA NA PARANG ISANG ANGHEL SA ‘KIN ZAVIER!!!! DAHIL KAHIT KAILAN HINDING-HINDI KITA MAGIGING KAIBIGAN!!!!”
“Hindi nga ako tumututol sa masamang plano nila princess! Sinasabi ko nga sa ‘yo na handa akong maging taksil sa kanila! Para lang sa kaligtasan mo!”
“Kasinungalingan! BITIWAN MO NA NGA AKO!!!” at pinilit niyang tanggalin ang kamay ni Zavier sa kanya.
“Princess!”
“ANO NA NAMAN?!!! SAWANG-SAWA NA AKO!!!”
“Pakiusap! Tanggapin mo na ang aking kahilingan na maging isang tagapagligtas mo! Tandaan mo, hindi lang ikaw ang maliligtas ko, pati ang mga kababayan mo rin! Natatakot akong magkaroon ng giyera sa pagitan ng mundo natin!”
Nanlaki ang mga mata ni Janella nang marinig niya ang salitang “giyera”. Natigilan siya.
“Ayoko ng giyera princess. Kaya pakiusap! Ayokong madamay ang mga inosenteng tao sa inyo!”
“Ah ganu’n?! Ibig sabihin kapag hindi ako pumayag na maging isa kang tagapagligtas ko, magkaka-giyera?!”
“Pwedeng mangyari ‘yun!”
“Sabihin mo na lang kaya sa ‘kin kung paano namin kayo tatalunin at papatayin. Para wala ka nang problema!” nang-aasar pa si Janella.
Hindi natuwa si Zavier. Napayuko siya at napabuntong-hininga. “Gusto ko pang manatili sa mundo princess. Ako, ayokong mapariwara kayo sa mga La luna. Pinipilit kong protektahan ka… pinipilit kong protektahan ang mundo n’yo!” seryoso na ang pakakatitig niya sa prinsesa.
Nakatingin lang ng masama si Janella sa kanya.
“You are so naive. You only hear what you want to hear, and you say what you want to say! Kasi ‘yan lang ang alam mo!”
Nagulat si Janella sa kanyang sinabi. “Kung maka-naïve ka sa ‘kin…” pinandilatan niya si Zavier. “Ang kapal ng mukha mo!”
“Paulit-ulit ko na ngang sinasabi sa ‘yo ang buong katotohanan but you only don't listen! You also don't pay attention to the distance I’m going for you! Nagpapakahirap ako para sa ‘yo at para lang mapalayo ka sa mga kasama ko!”
Masama lang na nakatingin si Janella sa kanya habang pinapakinggan ang bawat na sinasabi ni Zavier. Nagpipintig na ang kanyang mga tenga ngunit nagtitimpi lang siya.
Hindi muna sumagot si Zavier habang galit at malungkot siyang nakatingin sa prinsesa. “Ang gusto ko lang naman mangyari ay…” napalunok siya at napailing ng kakaunti. “Tanggapin mo na ako ng buong-puso na maging isang kaibigan at isang tagapagligtas mo. Handa naman ako gawin ang lahat para sa inyo princess… Hindi ako nagsisinungaling. Totoo ang mga sinasabi ko!”
Tahimik lang ang prinsesa at nananatili pa rin siyang nakatingin ng masama sa kanya.
“Sana maintindihan at maramdaman mo rin ang mga pinagdadaanan ko sa buhay para lang mapabuti ka. Ito ang aking pangarap sa buhay na tanging ikaw lang ang magpapatupad! Buong-puso kong ginugusto kang iligtas princess. Ngayon pa lang, tinatanggap ko na kung ano man ang mangyayari sa ‘kin sa kabila nu’n!” malungkot lang siyang nakatingin sa mga mata ng prinsesa.
Naalala niya bigla ang tanong ni Janella na nagpalungkot sa kanya ng lubusan.
“Kailan ba ‘yang huling araw na sinasabi mo nang pati ikaw ay matapos na din? Dahil alam mo sa totoo lang? Ayoko na kitang makasama pa!”
“Saka hindi mo naman talaga ako habang-buhay makakasama. Pinapangako ko ‘yun sa ‘yo at kahit na anong mangyari hinding-hindi ko ‘yun masisira. Ang tanging gusto ko lang naman ay tulungan ka sa problemang ‘to. Tutulungan kang tapusin ‘to. Gusto ko lang sana na mag-antay ka lang… until you can feel alive again.”
Nagulat si Janella sa kanyang sinabi ngunit masama pa rin siyang nakatingin sa kanya.
“Kahit na ganito ka sa ‘kin, kahit na pinapakita mo sa ‘kin na wala kang pakialam. Kahit na pakiramdam kong wala lang ako sa ‘yo at parang nabalewala lang ang lahat ng sinabi ko sa ‘yo, may pakialam pa rin ako sa ‘yo, princess. Hindi pa rin ako magbabago sa gusto ko at patuloy ko pa rin itong ipaglalaban sa ‘yo. Iisipin pa rin kita. Iisipin ko pa rin kung paano kita maliligtas... at kung paano ko rin maibabalik ang dating masayahing Princess Janella!”
Nanlaki ang mga mata ni Janella.
Papagabi na sa Destiny World at pababa na ang unang jet sa runway. Mga nakatawa pa ang mga servants habang nakatingin sa jet.
Tahimik lang na nakatingin si Adelaide sa jet. Tiningnan niya ang flag na nakapintura dito at naalala niya bigla si Jasper. “Jasper…” wika niya mula sa kanyang isip.
“Woohoo!!!” masayang-masaya ang lahat.
“Sigurado akong nandiyan na si Princess Janella!” masayang wika ni Triny.
“Salamat naman at may dumating na!” nakangiting wika ni Harony.
“Miss na miss ko na siya! Yayakapin ko siya ng sobrang higpit! Palakpakan natin guys ang ating mga piloto! Woohoo!!!” nakatawang wika ni Baron.
“Yehey~! Masabugang palakpakan para sa boyfriend ko~!” at nag-pose pa na parang isang cheerleader si Gweine habang hawak-hawak ang dalawang imaginary pom poms sa magkabila niyang kamay.
Nagsipalakpakan na rin ang lahat.
“Gusto ko nang makita ang anak ko!” nakangiting wika ni Adelaide kahit na nasa pagmumukha pa rin niya ang pag-aalala.
“Makikita na po natin siya!” masayang wika ni Alexius.
Nakababa na ng tuluyan ang jet sa runway. Ilang minuto pa ang lumipas bago pa ito naparada ng maayos sa sarili nitong hangar.
Nakatutok ang kanilang mga mata sa jet. Mga nakangiti sila habang inaabangan si Janella.
“A-Ang una kong papa! Nag-landfall na!”
“What?!” nagulat si Julius at masama na naman ang tingin niya kay Gweine. “Ayos ka lang? Ginawa mo naman yatang bagyo ang jet!”
Natawa ng mahinhin si Harony. “Aheehee! Dapat nag-landing ang sabihin mo Gweine!” nakangiting wika niya.
Hindi na lang pinakinggan ni Gweine ang sinabi ng dalawa. Basta may sarili siyang vocabulary words. “Nandiyan na siya!” napapalakpak muli siya sa tuwa habang humahaba-haba pa ang leeg para tanawin ang piloto.
“Ugh…” umikot ang mga mata ni Julius habang napapailing matapos niyang makita si Gweine na kinikilig. Humalukipkip siya.
“Ano ka ba naman!” sinikuhan ito ni Gweine. “Huwag ka nang magselos~!” nakangiting wika niya kay Julius habang nakatingin sa jet.
“ANO?! AKO MAGSESELOS?!” biglang umusok ang dalawang tenga ni Julius. Tiningnan niya si Gweine habang nag-aapoy pa ang kanyang mga mata.
“Eee~! Help~!” natakot si Gweine.
“Ssshhh!!!!” si Baron habang nakatingin sa dalawa. “Huwag na muna kayong mag-away! Mamaya na ‘yan!”
Tiningnan ni Julius si Baron habang may ugat-ugat pa ang kanyang mga mata habang matindi rin ang paghinga nito sa inis.
Tiningnan rin sila ni Adelaide. Nag-silent pose siya. “Sshh… sshh…” mahinang wika niya at muling tumingin ng malumanay sa jet.
Napatingin si Julius kay Adelaide. Bumagal ang paghinga niya at bumabalik na muli sa normal ang kanyang pakiramdam kasabay ng kanyang mauugat na mga mata na bumabalik na din sa normal.
“Pakiusap! Sana nandiyan ka na, My Lady!” nakatutop na sa dibdib si Harony.
Bumukas na ang pinto at lumabas na ang unang pilotong nakababa.
“My Lady, sana nandiyan ka na!” nakangiting wika ni Triny.
Nakahalukipkip lang si Julius habang seryosong nakatingin sa jet.
“Oh~! My~!” namumulang wika ni Gweine habang kinukurot pa ang kanyang pisngi.
Tinanggal ng piloto ang flight helmet at naglakad patungo sa mansyon.
Nagulat ang lahat habang si Gweine naman ay hinimatay na.
“N-Nasaan…?” nagulat si Alexius.
Nakangiti pa rin si Adelaide ngunit nakaramdam na naman siya ng kaba. “N-Nasaan na ang a-anak ko…?”
“Two-seater ang jets nila di ba?” si Julius.
“Malamang! Saan naman uupo ang ating prinsesa kung iisa lang ang upuan? Si Janella nasa nasa labas habang nagmamaneho ‘yung piloto sa loob?” pabirong sagot ni Jonathan.
“Oo, more than two-seaters pa nga ang mga jets natin.” sagot naman ni Christoph.
“Hindi pwede ‘to! B-Bakit wala si Janella?!” malungkot na wika ni Adelaide.
Pumunta ang piloto sa entertainment room na kung saan naroroon sila. Nilapitan kaagad ito ni Adelaide.
“Your Majesty.” papayuko pa lang ang piloto ng bigla naman siyang hawakan ni Adelaide sa magkabila niyang braso.
“Nasaan si Janella?!”
Nagulat ang piloto at hindi niya inaasahan na hahawakan nito ang magkabila niyang braso. “Y-Your Majesty---”
“Sabihin mo sa ‘kin! Bakit bumalik ka ng wala naman ang anak ko sa ‘yo?!”
“H-Huwag po kayong mag-alala! Inikot ko na po ang buong lokasyon na binigay sa ‘kin ni General Damion. W-Wala po siya, h-hindi ko po siya nakita. Pero ang mga kasamahan ko po ay nananatiling nililibot pa ang buong kontinente.”
“A-Alam ba ni Damion na… nakabalik ka na dito?”
Tumango ang piloto. “Opo.”
Naiyak si Adelaide. Mabilis niyang tinakpan ang kanyang mukha.
“Your Majesty…” nag-alala ang piloto. Hinawakan niya ng malumanay ang magkabila nitong braso. “H-Huwag po kayong mag-alala. Baka po nasa iba pong lokasyon si Princess Janella at hindi po na sa ‘kin.”
“Ginoo~!” tawag ni Gweine sa piloto. Mabilis siyang naglakad patungo sa kanya.
“Oh? Gising na pala siya!” sinusundan lang ng tingin ni Jonathan si Gweine.
“Ikaw ha~?! Pinag-alala mo ako masyado!” habang pinagduduro pa siya gamit ang kanyang pamaypay.
“H-Ha?” nagtaka ang piloto habang nakatingin sa pamaypay ni Gweine. Tinaasan lang niya ito ng kilay.
“Tataasan mo lang ba ako ng kilay?! Hindi ka ba magsasabi ng sorry?! Nasaan na ang ating prinsesa!”
“A-Ano?” tumagilid ang ulo ng piloto kasabay ng pagtaas ng kanyang balikat. “H-Hindi kita maintindihan.”
“Pagpasensyahan n’yo na siya ginoo!” mabilis na binalot ni Baron ang kanyang braso sa leeg ni Gweine at kinaladkad.
“A-Aray~!”
“Heehee!” napipilitang tawa ni Baron sa piloto. “P-Pasensya na po talaga!”
Nagtataka pa rin ang piloto habang nakatingin sa kanila.
Nadala na ni Baron si Gweine sa malayo.
“Nasaan ang kiss ko papa~?!” sigaw ni Gweine habang patuloy pa rin siyang kinakaladkad ni Baron.