10: Returning Princess
Nagising si Janella habang walang kaalam-alam na nasa loob na pala siya ng ship ni Zavier. Hindi na rin niya namalayan na nakatulog na pala siya sa damuhan sa saglit na oras na ‘yun. Luminga-linga siya.
Ang ship na ito ay maliit lang. Tinatawag rin nila itong stealth ship sapagkat hindi mo ito kaagad makikita sa himpapawid lalo na kapag gabi. Meron itong speed na sobrang bilis at wala pang ugong na maririnig mula sa makina nito. May dalawa itong upuan sa harapan at lalagyanan naman ng kung anu-ano sa likuran. Puti ang kulay nito at maliwanag sa mata.
Lumingon si Janella sa kaliwa niya para tingnan si Zavier.
Hindi napapansin ni Zavier na gising na pala si Janella sa kanyang tabi. Masyadong nakapokus kasi sa pagmamaneho.
Pakurap-kurap lang ang mga mata ni Janella habang nakatingin sa kanya. “Zavier?”
Nagulat si Zavier. Napalingon siya sa prinsesa. “Gising ka na pala princess. Matulog ka lang para makapagpahinga ka pa.” ngumiti siya.
Tumagilid ang kanyang ulo dahil napapansin niya na sadyang palangiti pala talaga si Zavier. “Nasaan na ako?”
“Nasa loob ka ng aking ship.”
Nagulat si Janella. “Ship?!” napakapit siya sa kanyang upuan at tiningnan ang buong ship.
“Mhm, bakit?”
Napalunok ang prinsesa at napatingin sa kanyang bintana. Nakita niya ang madilim na kalawakan. “Eeehhh?!!! Totoo ba ‘tong nakikita ko?!”
“Ahm, Yes, princess.” tumango siya.
“TAKOT AKO SA MATATAAS NA HEIGHTS E!”
“Huwag kang mag-alala princess, malapit na tayo.”
Nakakapit pa rin sa upuan si Janella.
“Siguro… masasanay ka rin.”
“Ako?! Masasanay?!”
“Oo dahil palagi kang makakasakay dito sa tuwing ihahatid at susunduin kita.”
“G-Ganu’n?!”
Tumango si Zavier. “Masasanay ka rin.”
“Ngayon lang ako nakasubok ng ganito!”
Napangiti siya. “Masaya princess!”
Ilang minuto lang ang lumipas at nalilibang na si Janella habang pinagmamasdan na niya ang mga planeta na nadadaanan nila. Medyo nasasanay na nga siya. Muli niyang pinagmasdan ang loob ng ship.
“Ship…” mahinang wika ng prinsesa.
“Amadeyu nga pala ang binansagan kong pangalan sa aking ship.”
Napatango siya. “Ah, ang ganda naman ng pangalan. Amadeyu Ship.” ngumiti siya ng kakaunti at tumingin muli siya sa kanyang bintana. “Grabe, hindi ako makapaniwala na nasa kalawakan na ako.”
Ngumiti lang si Zavier.
“Tingnan mo ‘yun oh!” tinuro niya ang isang planeta. “Mukhang masaya do’n! Ang liwanag ng planetang ‘yun!”
Lumingon sa kanan si Zavier at tiningnan ang mundong sinasabi ni Janella. “Choochoo-Haahaa World ‘yan princess.”
Madaling lumingon at tumingin is Janella kay Zavier. “Hahaha! Ang kulit naman ng pangalan! Katawa-tawa!”
Natigilan saglit si Zavier nang pangalawang beses na niyang narinig si Janella na tumawa. Napangiti siya. “Masasaya ang mga nakatira daw diyan. Mga clowns at mga nakakatawang kasuotan ang mga suot nila palagi. Palagi din silang nakangiti at nakatawa. Puro kasiyahan walang kalungkutan. Puro partido at iba’t iba pang mga laro na masasaya.”
“Wow! Ang galing!” ngumiti si Janella at muling tumingin muli sa bintana niya. “Choochoo-Haahaa World, mukhang maganda diyan ah!”
Pagkatapos ng Choochoo-Haahaa World…
“Mukhang nakakatakot naman diyan! Walang liwanag! Kahit kakaunti!”
“Billzeir World ‘yan, sabi daw nila, mga nakakatakot naman ang mga nakatira diyan. Puro monsters at iba pa. Walang saya, walang partido. Walang kabuhay-buhay.”
“Sa madaling salita, kabaliktaran lang ito ng Choochoo-Haahaa World di ba? Ikaw naman, pinapahaba mo pa!”
Natawa ng marahan si Zavier at mukhang napahiya. “Malapit na tayo sa Destiny World. Pero ipagpaumanhin mo sana ako dahil hindi pala tayo makakapaghanap ngayon ng---”
“Refuge place?”
“Mhm.” tumango si Zavier.
“Bakit?”
“Malapit na pala akong maubusan ng tubig.”
“Saan? Sa Ship?”
“Yes, princess.”
Kumunot ang noo ni Janella. “Anong tubig? Fuel ba ang ibig mong sabihin?”
Kumunot rin ang noo ni Zavier. “Fuel? A-Ano ‘yun?”
“Ahm, wala! Basta naintindihan ko kung anong ibig mong sabihin. Pero bakit?! Akala ko ba sisimulan na nating maghanap?”
“Pasensya na princess… h-hindi ko naman kasi alam na---”
“O sige na, o sige na!” lumingon saglit sa kanan si Janella. Muli siyang lumingon kay Zavier matapos niyang makaisip ng paraan. “Pero teka, eh ‘di pagkadating natin sa palasyo. Bigyan kita ng tubig!”
“Hindi pwede princess, iba ang tubig ng para sa ship.”
Bumuntong-hininga siya. “O sige na nga! Ano ba ‘yan!”
Tahimik lang si Zavier habang nagmamaneho.
“Sabi mo maghahanap na tayo ngayon! Hay naku! Tapos hindi rin pala!”
“Patawarin mo ako.”
Nanahimik na lang si Janella. Muli na lang niyang pinagmasdan ang mga planeta na nakikita niya. “Zavier, kilala mo ba lahat ng mga planeta dito sa kalawakan?”
“Hindi lahat, ang alam ko lang na planeta ay apat lang. Destiny, Billzeir, Choochoo-Haahaa at Bhingelheim.”
“Ah, akala ko alam mo lahat e. Grabe, ang dami kaya!” napatingin naman siya sa harapan. Nakita niya ang isang malaking planeta. “Wow! Destiny World na ba ito?!” masayang wika niya.
“Yes, princess.”
Pilit niyang inaaninag ang kaisa-isang kontinente nila sa planeta. “Wala akong makita! Puro ulap!”
“Princess, maghanda ka na at papasok na tayo sa Destiny World. Bibilis ang pagbaba ng Amadeyu Ship sapagkat malakas ang gravity ng mundo n’yo.” paalala ni Zavier.
“Uh-oh!” natakot si Janella. Nag-alala siya bigla dahil baka masuka siya sa sobrang pagkalula.
“Princess, eto na!” sumandal na si Zavier sa sandalan ng kanyang upuan.
Nararamdaman na ni Janella ang pagpasok ng ship. Bumibilis na nga ito at paunti-unti na ring lumalakas ang kaingayan ng makina.
Pinindot na ni Zavier ang isang pindutan para mai-set na ang pupuntahan ng ship kahit na walang alalay niya.
Nakakapit pa rin si Janella sa upuan niya. Malapot siyang pinagpapawisan sa takot. Nakatingin lang siya sa malaking mundo. “Nakakatakooot!!!!” madali siyang pumikit at tinakpan ang tenga niya ng mariin.
Tinulungan na din ni Zavier si Janella at mariin na din niyang tinakpan ang kanyang tenga.
Maya-maya, nararamdaman na ng prinsesa ang pagyanig ng ship habang pababa sila ng pababa sa mundo.
Pagkatapos ng ilang minuto, paunti-unti nang bumabalik sa normal ang ship. Mabilis itong nakababa sa mundo habang kusa na rin itong tumungo sa palasyo. Bumaba na ito sa hardin at namatay pagkatapos ang sarili nitong makina.
Marahang tinanggal na ni Zavier ang mga kamay niya kay Janella.
Dahan-dahang dumilat si Janella at tinanggal na rin niya ang kanyang mga kamay sa magkabila niyang tenga. Nakita niya kaagad ang palasyo. “Nandito na pala tayo. B-Bakit ang dilim ng hardin?”
Biglang kumatok si Zavier sa kanyang bintana.
“Ay!” nagulat ang prinsesa at madali siyang lumingon dito. Napatutop siya. “Grabe ka naman!”
Nakangiti lang si Zavier sa kanya. Binuksan na niya ang pinto ng marahan. “Princess, huwag tayong mag-iingay masyado. Dahil mga tulog na silang lahat.” bulong niya.
Nakasimangot lang si Janella habang nakatingin sa mga mata ng binata. Nanumbalik na naman ang sama ng loob niya sa mga La luna.
Napansin ‘yun ni Zavier na nagagalit na naman si Janella sa kanya. Kinabahan siya at baka may binabalak na pala itong hindi maganda. Naalala niya bigla ang sinabi ng prinsesa.
“ANO?! TUTAL BABALIK DIN NAMAN AKO SA MUNDO KO! HUWAG KA NANG BUMALIK DITO AT MAGPAKITA KA NA SA KANILA!!!!”
Seryoso lang na nakatingin sa kanya si Janella at alam niya na may iniisip si Zavier.
Napansin ni Zavier na nakatingin na pala siya sa kawalan. Mabilis siyang tumingin kay Janella habang pakurap-kurap pa ang kanyang mga mata.
“Mukhang may iniisip ka yata?” tumagilid ang kanyang ulo.
“W-Wala princess… pasensya na.” inabot na lang niya ang kanang kamay niya. “Halika na...”
Tiningnan niya ang kamay ni Zavier. Hinawakan niya ito at inalalayan siya sa pagbaba. “Salamat.” wika niya.
Ngumiti lang si Zavier at binitiwan na niya ang kanyang kamay. “Walang anuman.”
Hindi ngumingiti si Janella. Maglalakad na sana siya patungo sa main door nila ngunit tinawag siya ni Zavier.
“Princess.”
Huminto siya at napatingin sa kanya.
Nakatingin lang sa bintana ng kwarto ni Janella si Zavier. “Maaari ko bang gamitin ang mga tela sa loob ng kwarto mo?” inaninag niya ang bintana kung nakabukas pa rin ba ito o hindi na. Dahil alam niyang iniwan niya itong nakabukas.
“Bakit?”
“Diyan tayo dadaan.”
“Bakit hindi pa do’n sa main door? Tutal, nabubuksan mo naman.”
“..........” hindi na lang siya sumagot habang nananatili pa ring nakatingin sa bintana. Natatakot kasi siya na kapag sa main door sila dumaan ay baka may gawing masama si Janella na ikakapamahak niya.
Bumuntong-hininga ang prinsesa. “O sige na, bahala ka.”
Lumingon at tumingin si Zavier sa kanya. “Dito ka lang princess...”
“Mhm...” tumango siya.
“Aakyat na ako...” umabante lang siya at muli siyang tumingin sa bintana.
“Hm?” nagtaka si Janella sa kanyang ginagawa. “Anong problema? Bakit hindi ka pa pumunta do’n?”
Nakatalikod lang sa kanya si Zavier. Hindi na siya sumagot dahil nasa gitna na siya ng konsentrasyon. Naging kulay tubig na siya at lumitaw ang kanyang Veridian Orb sa kanyang dibdib. Maliwanag ito na kulay berde.
“Oh!” napanganga si Janella nang makita niya ito. “Ayun pala ‘yun!”
Natunaw siya at mabilis siyang gumapang patungo sa bintana.
Hindi nasundan ni Janella si Zavier. Napatingin siya sa bintana ng kanyang kwarto. “Ayun na pala siya! Ang bilis!” napaisip siya. “Hm, siguro ganito ang ginawa niya sa ‘kin nung dinakip niya ako sa kwarto. Nakabukas kasi bintana ko nu’n e.”
Dahan-dahang lumusot sa bawat sulok ng bintana si Zavier. Kahit pa na gaano kaliit ang butas ay makakapasok pa rin siya sa loob ngunit matagal nga lang.
Habang si Janella naman ay nakatayo lang sa hardin habang nakatingin sa bintana. Medyo nakakadama na naman siya ng kalungkutan dahil naaalala niya muli si Jasper.
Bumukas na ang bintana.
Lumilingon-lingon si Janella habang pinagmamasdan ang buong hardin. “Ang dilim! Wala kasing buwan. Pero bakit hindi nila binuksan ang mga ilaw dito?” tanong niya mula sa kanyang isip at muli siyang tumingin sa bintana.
Nakalaylay na ang mga dugtong-dugtong na tela sa bintana habang dahan-dahan itong bumababa.
Pumunta na siya sa pader habang inaabot ang telang bumababa. Tumalon na siya at hinawakan na ito. “Nakuha ko na!” pabulong ngunit mataas na tonong sabi niya habang nakatingin sa bintana. Hinihila-hila pa niya ang tela.
Lumabas ang ulo ni Zavier sa bintana at tumango.
“Grabe, first time ko lang ‘to ah.” pinalipot niya ang tela sa isa niyang paa at mahigpit siyang kumapit sa tela.
Hinihila na ng dahan-dahan ni Zavier ang mga tela.
Habang umaakyat na si Janella, nasasaktan naman siya sapagkat nagagasgasan ang kanyang braso. “A-Aray ko!”
Pasilip-silip pa ang binata sa bintana para tingnan siya.
“Ang sakit!” tumingala si Janella at tiningnan si Zavier. Maya-maya ay nasa itaas na siya, nasa bintana na ngunit hindi pa nakakapasok sa loob.
Inabot ni Zavier ang isa niyang kamay habang ang isa naman niyang kamay ay nakahawak pa rin ng mahigpit sa tela.
Mabilis na hinawakan ni Janella ang kamay ni Zavier.
Hinigpitan niya ang kanyang pagkakahawak niya sa kamay ng prinsesa at dahn-dahan siyang hinila.
Nadudulas pa ang kamay ni Janella. Binitiwan na niya ang tela at hinawakan na rin ng isa niyang kamay ang kamay ni Zavier. “Zavier! Ang dulas ng kamay mo!”
Binitiwan na rin ni Zavier ang tela at madaling hinawakan ang isang kamay niya. Hinila na niya muli ang prinsesa na may alalay.
Saglit lang at sa wakas ay nakapasok na rin siya sa loob. Napaupo siya sa sahig. “Hay! Sa wakas! Nandito na rin ako!”
Hinila na ni Zavier ang mga tela na nasa labas pa ng bintana. “Princess, mas maganda na rin na magpalit ka na ng damit. Mag-aalala pa sila sa ‘yo lalo.”
Napatingin siya sa marumi niyang damit. “Oo nga, pero mamaya na ako magpapalit.” muli siyang tumingin sa kanya. “Zavier, kung wala talaga akong gamit na madadala sa refuge place, wala talaga akong magagawa. Siguro hindi na lang ako magdadala.”
“O sige, basta bukas na talaga tayo maghahanap. Pasensya na talaga.”
“Bukas ah! Baka hindi na naman ‘yan matuloy!”
Tahimik lang siya habang nakatingin sa kanya.
Napayuko si Janella at tumango. “O sige na nga… kung ano man ang mangyari bukas, kung may problema o wala, tatanggapin ko na lang.”
“Ipagpaumnahin mo ako.” at yumuko para magbigay galang. “Aalis na ako, princess.” maglalakad na sana siya nang bigla naman siyang tawagin ni Janella.
“Zavier… di ba ikaw lang naman ang makikita ko ulit bukas?”
Lumingon at tumingin si Zavier sa kanya. “Oo naman, anong ibig mong sabihin?”
Tumingin muli si Janella sa kanya. “E kasi baka… may mga kasama ka na.”
“Kasama?”
“Mga La luna, tapos baka simula na ng giyera at patayan…” pag-aalalang wika niya.
Umiling si Zavier. “Huwag kang mag-isip ng ganyan sa ‘kin. Ako at ako lang ang makikita mo hanggang sa huli. Kung gagawin ko pala ‘yun, dapat simula pa lang ay ginawa ko na pero hindi naman di ba? At bakit ko naman gagawin ‘yun? Wala akong intensyong gawin ‘yun sa ‘yo. Na sa ‘yo nga ang layunin ng aking buhay at ang misyon ko ngayon ay iligtas ka at hindi patayin. You’re safe with me princess. I promise.”
Napayuko saglit si Janella. “Pangako mo ‘yan ha?” muli siyang tumingin sa kanya.
“Mhm.” tumango siya at hinimas niya saglit ang ulo ng prinsesa. “Bukas ng hatinggabi ako pupunta dito.”
Nagulat si Janella nang himasin ni Zavier ang kanyang ulo. “B-Bakit hindi ka kaya pumunta ng umaga?”
“Hindi kasi ako pwede, princess.”
“Bakit?”
“Una sa lahat, makikita ako ng mga tao dito. Pangalawa, isa lang akong tubig, manghihina ako sa init dahil magtutuyo ako.”
“Bakit sa inyo hindi ka nanghihina? May araw din naman do’n ah.”
“Hindi naman kasing-init ng araw n’yo dito. Mas malamig do’n.”
“Ah…” yumuko siya ng marahan. “Oo nga naman… malamig nga ang klima sa inyo.” malumanay siyang tumango. “Zavier, kung ikaw na nga ang katangi-tanging La luna na magiging isang kaibigan at isa ko na ring tagapagligtas, sana… hindi ka magbago. Maging totoo ka at huwag maging sinungaling sa ‘kin. Magtitiwala na ako sa ‘yo simula ngayon.”
Napangiti siya sa sinabi ni Janella. “Maraming-maraming salamat at sinasabi ko na sa ‘yo ng harapan na lahat ng aking sinasabi ay totoo. I will always be by your side, until the very end. Lalaban ako para sa ‘yo, tandaan mo ‘yan princess.”
Napatingin siya kay Zavier at ningitian ng kakaunti. “Zavier, pwedeng… sabihin mo pa sa ‘kin ang lahat-lahat ng tungkol sa ‘yo at sa mundong Bhingelheim? Please?”
Ngumiti muli siya at mabagal siyang tumango. “Buong-puso kong tinatanggap ang iyong kahilingan. Dapat ko lang na ibahagi sa ‘yo ang tungkol sa ‘kin dahil isa mo akong kaibigan.”
Tumango muli si Janella at muling siyang ningitian. “O-O sige, aasahan ko ‘yan.”
“Yes, princess, paalam na.”
“Ah… o-oo, sige, p-paalam na din.”
Niyukuan niya muna ang prinsesa bago siya tumalikod. Naging tubig muli siya at mabilis na lumabas sa bintana.
Pumunta si Janella sa bintana para silipin si Zavier.
Papunta pa lang si Zavier sa kanyang Amadeyu Ship. Naging tao na muli siya at sumakay na ng ship. Nakita niya si Janella, kinawayan niya ito.
Ngumiti lang si Janella sa kanya.
Umihip na ang malakas na hangin at sinabayan na rin ito ng ambon.
Sinara na ng marahan ni Janella ang bintana habang nakatingin pa rin sa ship. Pinapanood lang niya ito habang ito ay umaangat na. Tumingin siya kay Zavier, hindi niya napansin na nakatingin pala sa kanya ang binata. Nakita na naman niya ang walang katapusang ngiti niya.
Ngumiti na lang muli siya at kumaway ng maliit. Tumalikod na ang ship sa palasyo at lumipad na. Nakatingin pa rin siya sa ship hanggang sa nawala na ito sa kanyang paningin.
“Parang hindi talaga ako makapaniwala… isang LA LUNA SPIRIT ang magliligtas sa ‘kin? Parang napakaimposibleng namang mangyari ‘yun di ba? Lalo na at ako ang kailangan nila. Pero minsan napapaisip rin ako na may katotohanan din naman sa mga sinasabi niya. Pero… nag-aalala pa rin ako sa aking sarili para maniwala ako sa kanya kaagad! Napapaisip pa rin ako na dapat na hindi lang ako basta-basta magtiwala sa kanya!”
“Pero alam kong sinabi ko sa kanya na pinagkakatiwalaan ko na siya. Pero isa lang ‘yung KASINUNGALINGAN! Masama pa rin ang loob ko sa kanila! Dahil naniniwala pa rin ako nang dahil sa kanila ay namatay si Jasper! Hindi naman mangyayari ‘yun kung wala naman silang binabalak sa amin di ba?!”
“Ngayon, gusto ko lang malaman ang lahat-lahat ng tungkol sa kanila! Lalo na ang kanilang KAHINAAN! Malaki ang posibilidad na mapapatay ko sila kapag nalaman ko na ang kanilang kahinaan! GAGANTI AKO! Sige! Matatapos ka rin sa ‘kin Zavier! Huwag kang mag-alala, hindi kita sasabihin kay ina. Dahil gusto ko lang muna kitang patayin bago ko sabihin ang lahat sa kanya!”
Biglang bumuhos na ang malakas na ulan. Tumalikod na siya sa bintana.
Napabuntong-hininga siya . “Pero grabe ang naranasan ko simula nung makilala ko siya. Mga hindi ko ‘yun naranasan noon.” mahinang wika niya.
Pumunta siya sa kanyang aparador at binuksan. Kinuha niya ang kanyang nightgown. Pumunta siya sa bintana muli para isara ang kurtina. Hinubad na niya ang marumi niyang damit at hinagis ito kung saan-saan. Sinuot naman niya ang nightgown pagkatapos. Patalon siyang humiga sa kama.
Tumagilid siya habang nakapikit. “Anong oras na kaya? Sobrang-sobra ang pagod ko ngayon. Gusto ko man kumain pero mamaya na lang umaga.”
Ilang minuto lang ang lumipas, hindi na niya namalayan na nakatulog na pala siya kaagad dahil sa pagod kahit na gutom na gutom na rin siya.