11: Zavier’s Prayer
Nakabalik na si Zavier sa Bhingelheim World matapos ng tatlong oras na byahe sa kalawakan. Medyo nanibago na naman siya sapagkat wala muli si Janella sa kanyang tabi. Nanumbalik muli ang pagiging mag-isa niya.
Gabing-gabi na at wala pa rin siyang balak magpahinga. Nasa nakapabilog na mga bato lang siya nakaupo habang nag-uukit sa isang maliit na kahoy na hawak-hawak niya. Mahinahon lang ang tingin niya sa kahoy habang iniisip si Janella.
Inuukit niya mula dito ang isang abstract art.
“Sana… totoo ngang pinagkakatiwalaan mo na ako Princess Janella. Hindi mo lang alam kung paano mo ako mapapaligaya sa simpleng pagtanggap mo sa ‘kin. Dahil mararamdaman ko rin sa wakas na may nangyari na rin sa lahat-lahat ng mga pinaghirapan ko para sa ‘yo.”
Biglang humangin ng malakas at nagsiliparan ang iilang mga dahon na nakalaglag sa buhanginan.
“Kung alam mo lang princess… palagi na kitang binabantayan simula pa lang. Hindi mo kasi ako napapansin at nakikita pero totoong ginagawa ko ‘yun sa ‘yo. Kaya sana mapansin mo rin ang mga pinaghihirapan ko para lang mapabuti ka. Sana kahit sa panaginip ay nagagawa kitang pasayahin, pinapahid ang luha mo kapag umiiyak ka. Sana naaalis ko rin ang mga sakit na nararamdaman mo sa panaginip.”
Tapos na siyang mag-ukit at pinahid niya ito ng marahan.
“Ang hiling ko lang sa ‘yo… sana hindi na ako ang iniiisp mo. Dahil hindi ako ‘yun. Ito ako.”
Bigla niyang naalala ang kasunduan nila ng kanyang tiyo tungkol sa kanyang plano. Bumalik ang ala-ala.
“Tiyo, kailangan ko nang puntahan ang prinsesa. Kailangan ko na siyang makausap.” wika niya habang nagmamadali siyang suotin ang kanyang cloak hood.
Biglang hinawakan ng kanyang tiyo ang kanyang balikat.
Napatingin si Zavier sa kamay nito na nasa kanyang balikat at tumingin siya sa mga mata nito pagkatapos.
“Zavier, magkaroon tayo ng kasunduan. Alam ko kung ano ang buong plano mo para ilayo sa pahamak si Princess Janella. Ngunit mangako ka sa ‘kin na iiwanan mo rin siya pagkatapos.”
Nananatili lang na nakatingin si Zavier sa kanya habang nakikinig.
“Ang maging ligtas siya ay ang tangi mong hiling sa kanya. Kaya ngayon, mangako ka sa ‘kin Zavier, iiwanan mo rin siya kapag alam mo nang ligtas na siya.”
Napatingin siya sa ibaba saglit at napaisip. “Opo, pangako ko po ‘yun sa inyo tiyo.” at muli siyang tumingin sa kanya.
Tiningnan niya ang kanyang inukit. “Pero sana… kahit sa kakaunting panahon lang. Sana maging kaibigan rin kita. Please, stay with me… princess.”
Nakaukit dito ang isang babae at isang lalaki na nasa loob ng isang buwan habang magkahawak sila ng kamay.
Napangiti siya at nilapag niya ito sa grupo ng mga kahoy na kanyang pinutol sa sanga ng mga puno. Tumingin siya sa dagat at napansin niya na kulay asul ang mga makakapal na ulap sa kalangitan.
Tumayo siya at tinanggal ang kanyang mga sapatos. Nilagay niya ito ng maayos sa tabi ng mga kahoy. Malumanay siyang naglakad patungo sa tabi ng dagat.
Napapikit siya ng marahan…
Ilang minuto ang lumipas, humangin muli ng malakas at nataboy nito ang makakapal na ulap. Mga nasa likuran pala nito ang bilugang buwan na palaging lumilitaw sa Cadmus Sea. Nananatiling nakatayo si Zavier habang nakapikit.
“Goddess Icarus... bigyan n’yo po ako ng sapat na lakas para harapin ang anumang pagsubok na dumating sa ‘kin para ipagtanggol si Princess Janella. Hindi ko po gustong mapunta ito sa giyera. Kaya bukal sa aking kalooban na iligtas siya at ilayo sa ganitong sitwasyon. Handa rin po akong maging isang taksil mula sa mga kasamahan ko lalo na kay Everestine. At alam ko rin po Goddess Icarus na kahit ikaw mismo ay hindi rin ginusto na mangyari ang ganitong plano tungkol sa pagsakop ng Destiny World.” mahinang wika niya.
Biglang umihip ang malamig na hangin patungo sa kanya. Ngunit may kasama itong boses at ‘yun ay ang boses ni Icarus. “Za…vier…” medyo malungkot ang kanyang boses.
Napangiti ng kakaunti si Zavier matapos niyang marinig ang boses nito at naramdaman niya na nag-aalala ang kanilang diyosa para sa kanya. “Tulungan n’yo rin po akong patunguhin si Princess Janella sa maganda at hindi sa ikasasama niya. Gagawin ko po talaga ang lahat para ipagtanggol ang mundong Destiny. Kahit pa… kapalit pa ito ng buhay ko.”
Mas lumakas ang pag-ihip ng hangin na patungo sa kanya habang siya ay nakapikit lang.
“Lumapit... ka...” mahinahong wika ni Icarus habang ang boses niya ay umaalingawngaw pa sa buong dalampasigan.
Marahan siyang dumilat. Umilaw na ang kanyang mga mata dahil tinatamaan na ito ng liwanag ng buwan. Humakbang siya ng isa. Mga nasa paanan na niya ang tubig mula sa karagatan at hinayaan niya itong dumampi sa magkabila niyang paa. Tumingin muli siya sa buwan.
Biglang umihip ang mas malakas na hangin. Ngunit hindi na ito isang ordinaryong hangin. Kulay asul ito habang may kasama pa itong mga glittering lights.
Nagulat si Zavier pero wala sa kanyang pagmumukha ang pagkagulat. Luminga-linga lang siya habang pinapanood ang mga glittering lights na papunta sa kanya. Dumikit ito sa kanyang katawan pagkatapos. Naramdaman niya na mas malamig ito at mamasa-masa. Paunti-unti itong naging isang taong tubig habang nakayakap sa kanya.
Nanlaki ang mga mata ni Zavier. “G-Goddess Icarus?” hindi siya makapaniwala dahil hindi niya inaasahan ang ganitong pangyayari at dahil ngayon lang din niya nakita ang kanyang itsura.
Malaking diyosa si Icarus habang nakasuot ito ng isang greek clothes na may suot-suot na helmet sa ulo.
Bumitaw siya kay Zavier at malungkot na tumingin sa kanya. “Pagpasensyahan mo ako Zavier kung wala akong nagagawa para patigilin sila sa masama nilang balak. Dahil ang tanging nagagawa ko lang ay panoorin ang mga ginagawa ninyo. Sa totoo nga lang, nalungkot ako matapos kong malaman ang tungkol dito. Dahil wala naman akong sinabi o hiniling na ganito.”
Nakatingin lang si Zavier sa mga mata niya. Hindi siya makapagsalita at halatang tulala sa kanya.
Napansin ‘yun ni Icarus. “Nagulat ba kita?”
“O-Opo, hindi po kasi ako makapaniwala... n-na makikita ko po kayo at m-makakausap ng harapan.” pautal na wika niya.
“Hindi mo ba alam na sa ‘yo ko lang naipakita ang aking itsura? Wala pang sinuman ang nakakakita sa ‘kin Zavier.” malumanay siyang napangiti.
Nahawa si Zavier at napangiti rin siya habang tinitingnan niya ang magkabilang mata nito.
Napapikit saglit ang diyosa at muling tumingin sa kanya. Marahan niyang hinawakan ang magkabilang balikat nito. “Zavier, hindi mo ba alam na bukod tanging ikaw lang ang nagsabi sa ‘kin na gusto mong iligtas ang mga tao sa Destiny World? Iligtas si Princess Janella? Pero matanong ko lang… hindi ka ba natatakot?”
“Hindi po…”
Napabuntong-hininga siya. “Ngunit hindi mo rin ba naiisip na… magiging kaaway mo silang lahat sa huli?”
Napatingin sa ibaba saglit si Zavier at nag-isip. Tumingin muli siya sa kanya. “Naiisip ko po ‘yun, pero mas naiisip ko po ang magiging kalagayan ng mga tao sa mundong Destiny. Buong puso ko na pong tinatanggap ang anumang mangyayari po sa ‘kin. Basta po ang mahalaga, maging matagumpay po ako sa aking plano.”
Napangiti ng kakaunti si Icarus. “Hindi mo ba alam na ako ang natatakot at nag-aalala sa ‘yo?”
Napatingin siya sa buhanginan at mukhang nahiya. “M-Maraming salamat po, Goddess Icarus...”
“Magiging matagumpay rin ang lahat, Zavier… Tandaan mo, palagi lang akong nasa tabi mo.”
Tumingin sa kanya si Zavier at muling ngumiti.
Napapikit ng marahan ang diyosa. Muli niyang niyakap ang binata bago pa siya mawala at bumalik sa pagiging buwan. Hinimas niya ang ulo nito. “Nandito lang din ako para gabayan ka... para tulungan ka rin sa plano mo.”
Napangiti muli siya at napapikit na rin. Pagkakataon na niyang yakapin ang pinakamamahal niyang diyosa kaya niyakap niya ito ng sobrang higpit.
“Isa kang napakabuting La Luna Spirit.” at nasimulan na siyang nasira. Naging pira-piraso na muli ang kanyang katawan at bumalik sa pagiging hangin.
Ayaw pang bumitaw ni Zavier. Pero nung maramdaman niya na nasisira na siya, napilitan siyang bumitaw at tumingin sa mga mata nito.
Ningitian siya ng diyosa bago pa masira ang kanyang ulo.
Hinawakan ng mahigpit ni Zavier ang naiwang kamay nito.
Naging hangin na ang kanyang katawan at muling bumalik na ito sa buwan. Katangi-tanging kamay na lang niya ang naiwan. Hinawakan rin niya si Zavier bago ito nasira sa pira-piraso at naging isa na ring hangin.
Nakatayo lang ng tuwid si Zavier habang tinitingnan ang hangin na pabalik sa buwan. Nawala na ito sa kanyang paningin. Napayuko siya at bumalik na sa kanyang inuupuan.
Habang sa Destiny World, mga mahihimbing lang silang natutulog sapagkat malamig ang panahon. Medyo humina na ang malakas na ulan at ambon na lang ngayon. Lumitaw na rin sa kanila ang buwan.
Nakatihaya si Janella sa kanyang kama habang nakanganga pa dahil sa pagod. Bigla siyang nanaginip.
“AHHH!!!!” sigaw niya habang paikot-ikot siyang nalalaglag mula sa kalangitan.
Bumagsak siya sa isang makapal na puno. Napapikit siya ng mariin. “Aray ko naman!” hindi siya kaagad makatayo. Malumanay siyang dumilat.
Nakita niya ang maliwanag na kalangitan. Nakita niya ang iba’t-ibang kulay ng ulap na tinatangay ng malakas na hangin.
“Wow! Parang mga cotton candies lang oh!” napanganga siya at inunat ang kanyang kanang kamay para iabot ang ulap. Ngunit bigla na siyang nalaglag sa puno.
“AAHHH!!!!” pauntog-untog tuloy siya sa mga sanga nito hanggang sa bumagsak siya sa napakalambot na damuhan sa ibaba. Napapikit muli siya habang nakahiga. Uupo na sana siya nang bigla namang bumagsak sa kanyang ulo ang bunga ng puno.
“Aray!” napahiga muli siya at madali niyang hinimas ang kanyang ulo. Umupo siya at sumandal sa puno. Malumanay siyang dumilat at tiningnan ang bunga habang hinimas-himas pa ang kanyang ulo.
Kakaiba ang bungang ito dahil iba’t-iba ang kulay ng balat nito habang ganu’n rin ang dahon.
“Hm?” tumagilid ang kanyang ulo. “Ano naman kaya ‘to? Ang ganda naman ng itsura nito!” aabutin pa lang niya sana ang bunga ng bigla naman itong bumukas.
“Eh?!” nagulat siya. Napaatras siya ngunit nawala sa loob-loob niya na wala na pala siyang maaatrasan sapagkat nakasandal nga siya sa puno.
May lumabas na mga duwende na kakaiba rin ang mga itsura mula sa bunga. May mga hawak silang mga instrumento habang sila ay lumilikha ng masayang tugtugin.
Nakatingin lang si Janella dito habang pakurap-kurap pa ang kanyang mga mata.
Mga nakapila silang lahat habang naglalakad na rin para magmartsa.
“Hala! Ang kulit oh!” at tiningnan niya ito ng pangmalapitan. “Hahaha! Ang galing!” nakatawang wika niya.
Hanggang sa nakalabas na silang lahat sa bunga, patuloy lang sila sa pagtutugtog habang nagmamartsa. Dumaan sila sa harapan ng prinsesa. Dire-diretso lang sila at mukhang may pupuntahan.
Nakadapa lang si Janella habang pinapanood ang mga ito. Nakangiti siya. “Saan kayo pupunta?”
Walang sumasagot sa kanila.
Tumayo na ang prinsesa at sinundan ang mga duwende.
Dumaan sila sa mga mahahaba’t makakapal na halaman. Pinagmasdan niya ang mga halamang ito. Nakita niya ang iba’t-ibang itsura ng mga insekto. Nakita niya ang ibang itsura ng gagamba habang nakasakay sa kanyang sapot.
Tumingin naman siya sa mahahabang dahon na nagmumula sa puno. Napansin niya ang liwanag mula sa kabila.
“Saan naman kaya patungo ‘to?” humakbang siya ng isa para hawiin ang mahahabang dahong ito. Ngunit bigla namang sumalubong sa kanyang paningin ang malakas na liwanag nung hawiin niya ito.
Nanliit ang kanyang mga mata. Wala siyang makita kundi liwanag lang. “A-Ano kaya ‘to?”
May biglang bumangga sa kanyang paa.
“Hm?” napatingin siya sa kanyang paa para tingnan kung ano ang bumangga sa kanyang paa. Binitiwan niya muna ang mahahabang dahon.
Nakita niya ang isang duwendeng nahiwalay sa pila. Nahilo siya matapos niyang bumangga.
Naalala bigla ni Janella na may sinusundan nga pala siyang mga duwende. “Naku! N-Nasaan na nga pala sila?!” madali siyang lumingon-lingon para hanapin sila. Tumingin muli siya sa nahilong duwende at kinuha niya ito.
Narinig niya ang mahinang tugtugan na nagmumula sa malayo. Nagkaroon siya ng kutob na ‘yun ang mga duwende. Lumakad siya ng kakaunti habang hinahanap kung saan ang tunog. Nakita na rin niya sa wakas ang mga duwendeng nakapila na papasok na sa mahahabang halaman na papunta sa kabila.
“Ah! Dito talaga ang daan!” napangiti siya at tiningnan muli ang mahahabang dahon ng puno. Hinawi niya muli ito ng marahan.
Biglang umihip ang malakas na hangin.
Paunti-unting nahihila si Janella ng hanging malakas. “Wahh!!!” mahigpit siyang kumapit sa sanga ng puno. “Anong nangyayari?! May ipo-ipo yata!”
Patuloy lang ang malakas na hangin at nabitiwan na niya ang sanga. “Aaahh!!!” nahila siya ng hangin at napunta na siya sa kabila. Natumba siya at gumulong-gulong sa malambot na damuhan. “Aw! Aw! Aw!”
Humina na ang malakas na hangin at paunti-unti na itong bumabalik sa normal.
Nakadapa lang si Janella habang nakapikit. “A-Aray ko naman…” marahan siyang dumilat.
Nakita niya ang gumugulong-gulong na duwende na papunta sa kanya at bumangga ito sa kanyang mukha.
Napapikit bigla ang prinsesa. “Aray ha!”
Nawalan muli ng malay ang duwende.
Tinakpan ni Janella ang kanyang mukha at sabay gulong para tumihaya. Marahan siyang dumilat at sumalubong sa kanyang paningin ang buwan na kulay asul.
“Wah!” nagulat siya. “Gabi na kaagad?! P-Parang umaga lang kanina ah!” napakamot siya sa kanyang ulo at luminga-linga.
Nasa malawak siyang field na punong-puno ng mga bulaklak. Napapaligiran naman ng mga puno ang field na ito. Maaliwalas ang kalangitan dahil puro lang itong bituwin at may isang buwan.
Luminga-linga pa rin siya. “N-Nasaan na ako? P-Para akong nasa isang paraiso.” tumayo siya at tumingin sa ibaba. Napansin niya na may suot-suot na pala siyang bangles na bulaklakin sa magkabila niyang paa.
Nagulat siya. Inipit niya sa kanyang tenga ang iilan niyang buhok na humaharang sa kanyang paningin. Tiningnan naman niya ang kanyang damit.
Nakasuot siya ng nightgown na one piece at kulay itong puti. Hinawakan niya ang kanyang ulo at may nakapa siyang korona na gawa sa iba’t-ibang bulaklak. Tiningnan rin niya ang magkabila niyang bisig. Ganu’n din, may suot-suot siyang bangles na bulaklakin.
Napangiti siya habang tinitingnan niya ang mga ito. “Wow!”
“Eik! Eik! Eik!” wika ng isang maliit na boses.
Nagulat si Janella. “Hm?!” napalingon siya. “Sino ka?!”
“Eik!!!”
Naririnig niya na nagmumula ang boses sa ibaba kaya tumingin siya sa ibaba. Humakbang siya. “Nasaan ka ba?!” mataas na tonong tanong niya habang hawak-hawak ang kanyang buhok.
“Eiiiikkk!!!” iba na ang sigaw niya at mukhang nasasaktan siya.
“Ha?!” lumilingon pa rin siya. “Sabihin mo sa ‘kin kung nasaan ka?! Hahanapin kita!”
“…….”
“Hello?! Ayos ka lang ba?!” napaisip siya kung sino ‘yun. Napatingin siya sa kanyang mga paa. “Uh-oh!” naalala niya bigla na may kasama nga pala siyang duwende. Madali siyang umatras at nakita nga niya ang piping duwende.
“Hala!” bigla niyang tinakpan ang kanyang bibig. “Sorry!!!”
Hindi kumikibo ang duwende. Pero hindi rin nagtagal, bigla itong lumobo at bumalik na sa normal niyang katawan. Hindi na siya pipi at madali na siyang tumayo.
Ganu’n pa rin ang porma ni Janella. Tinatakpan pa rin niya ang kanyang bibig habang nakatingin dito.
Pinagpag ng duwende ang kanyang kasuotan at kinuha ang instrumento na dala-dala niya.
“Ipagpaumanhin mo sana ako! Hindi kasi kita nakita e!” madali siyang lumuhod at marahang kinuha ng dalawa niyang kamay ang duwende.
Nakangiti lang ang duwende at yumuko sa kanya para magbigay galang. “Eicess!” maliit ang boses nito.
“Eicess?” tumagilid ang kanyang ulo. “Princess ba kamo?”
Masayang tumingin sa kanya ang duwende at tumango. “Eicess!”
“Ah…” tumango na lang si Janella at napangiti. “Kilala mo pala ako? Hahaha! H-Hindi kasi kita kilala e!” pinagpapawisang sabi niya. “P-Paano mo nga pala ako nakilala?”
“Einakilala kai nei Eivier eimen!”
Natatawa siya sa boses nito saka isa pa, hindi rin niya maintindihan kung anong sinasabi niya. Tumango na lang siya. “Ahehehe! O-Okay!”
Masayang tumango ang duwende at mabilis siyang naglakad sa braso niya at sumampa sa balikat nito.
Napakagat-labi si Janella dahil nakikiliti siya. Napalingon siya at tiningnan ang duwende na nasa kanyang balikat.
“Eihal nei Eicesa! Eieieiri pei bai keiyong peimeintai ei meiliit nai leiwa?”
Kumunot ang noo ni Janella. “A-Ano?” madali niyang tinakpan ang kanyang bibig dahil natatawa siya.
Nanahimik na lang ang duwende at may tinuro sa malayo.
Sinundan ni Janella ang kanyang daliri. Nakita niya ang maliit na lawa. “Ah! Do’n ba?” at tinuro din ‘yun. Napatingin muli siya sa duwende.
Tumango ang duwende habang nakangiti.
Napangiti siya. “Ang cute mo naman! Hahaha!” at tumingin na muli sa maliit na lawa. Naglakad na siya patungo do’n.
Habang siya ay naglalakad, pinagmamasdan lang niya ang kapaligiran. Tumingin siya sa itaas para tingnan ang mga bituwin sa kalangitan. Pagkatapos ay tiningnan naman niya ang bawat puno na nakapaligid. May mga bulaklak itong iba’t-iba ang mga kulay.
Tumingin siya sa kanyang likuran. Nagulat siya matapos niyang makita na may papalapit sa kanyang maliit na mabalahibong dragon. “Ay!” bigla siyang napayuko at sinundan ng tingin ang dragong lumilipad.
“Ang ganda naman ng dragong ‘yun! Kulay asul habang nagkikintaban pa ang balahibo niya!” nakangiting wika niya.
Dumapo ang dragon sa isang mataas na bato na nasa gitna ng maliit na lawa.
Napatakbo si Janella at madaling pumunta sa lawa. Lumuhod siya sa tabi nito habang tinitingnan ang dragon na nasa kanyang harapan.
“Dreigein!” wika ng duwende.
“Ha?” nilapit ni Janella ang tenga niya sa duwende. “Dragon ba kamo?”
“Dreigein!” tinuro niya ang dragon habang nakangiti.
“Ah! Ahehehe! Oo! Dragon ‘yan! Ang ganda niya di ba?” nakangiting tanong niya.
Bumaba ang dragon sa bato at umapak sa damuhan. Uminom siya.
Nananatiling nakangiti si Janella. Naisipan niyang gayahin ang dragon kaya yumuko rin siya at uminom sa lawa habang nananatiling nakatingin dito.
Marahang tumingin ang dragon sa kanya habang umiinom.
Gusto ring uminom ng duwende. Ngunit nalaglag naman siya mula sa balikat ni Janella at mabilis na lumubog sa lawa.
“Hala!” hindi na nag-isip pa si Janella at bigla na lang siyang sumisid para iligtas ang duwendeng nalulunod. “Hmmm!!!” ngunit hindi rin siya marunong lumangoy. Habang siya ay papalubog ng papalubog, napansin rin niya na sobrang lalim pala ng lawang ito at palawak rin ng palawak ang katubigan na parang nasa ilalim na siya ng karagatan. Hindi na niya nakita ang duwende. Tumingin siya sa itaas at nakita ang dragong nakatingin sa kanya. Pinilit niyang lumangoy para umahon ngunit hindi niya magawa. “Tulong!” wika niya mula sa kanyang isip.
Biglang lumiwanag ang paningin ni Janella at hindi niya naramdaman na may sumagip na pala sa kanya. Hindi rin pala niya alam na nawalan pala siya ng malay. Ilang minuto lang ang lumipas, nagising siya kaagad.
“Duwende?!” madali siyang napaupo sa damuhan at hinanap ang duwende.
Nakita niya muli ang dragong umiinom sa maliit na lawa na nasa kanyang harapan. Napatingin si Janella dito at napahawak sa kanyang ulo. Lumingon-lingon siya pagkatapos.
“Eik!” lumabas sa kanyang buhok ang duwende habang nasa balikat niya.
“Ha!!!” nagulat siya. “N-Nandiyan ka pala!” at madaling kinuha ang duwende mula sa kanyang balikat at kanyang niyakap. “Pinag-alala mo ako!”
Tumigil sa pag-inom ang dragon. Sumampa muli siya sa bato at marahang tumingin sa buwan. Umilaw ang kanyang mga mata.
Napansin ‘yun ni Janella. “Wow…” namangha siya. Napatingin rin siya sa tinitingnan ng dragon. Napahawak muli siya sa kanyang ulo. “A-Anong nangyari nga pala sa ‘kin kanina? Sino ang sumagip sa ‘kin?”
Lumipad na ang dragon at umikot sa buong field. Sa kanyang paglipad, may iniiwan siyang parang mga glittering lights na kulay asul.
Napatingin muli si Janella sa dragon. “Wow!” napangiti siya. Sinusundan lang niya ito ng tingin.
Nagsama-sama ang mga glittering lights at kumukorte itong mga usa habang ito ay lumiliwang pa.
Napanganga siya. “Ang galing naman! P-Paano nangyari ‘yun?” tumayo siya habang pinagmamasdan niya ang mga usa.
Nagsitubuan ang mga kulay asul na bulaklak mula sa bermuda grass habang ito ay mga lumiliwanag rin.
Pumunta si Janella sa tabi-tabing mga bulaklak. “Ang ganda!” pumitas siya ng isa at tiningnan ito. “Ang ganda talaga oh! Tingnan mo!” at nilapit sa duwende.
“Eiei!”
“Ganda ‘no?”
Kinuha ng duwende ang bulaklak mula sa kanyang kamay at inipit ito sa tenga ni Janella.
Natawa lang siya.
Sumampa ang dragon sa magkabilang balikat ni Janella at siya ay hinila papunta sa maliit na lawa.
“Ahhh!!!” napapaatras si Janella. Napalingon siya sa kanyang likuran at nakita ang dragon. “S-Saan mo ako dadalhin?! Aahh!!!” nagwawala siya.
Hinihila lang siya ng dragon at napatungtong niya siya sa tubig.
Napatingin si Janella sa tubig na kanyang inaapakan. “Wo---” tinakpan niya ang kanyang bibig. Tumingin siya sa dragon na nakasampa sa kanya. “Wow!”
“Weiw!” nakangiti rin ang duwende habang masaya rin niyang pinagmamasdan ang lawa.
Lumipad muli ang dragon at biglang umangat din ang tubig na parang isang fountain.
“Ahhh!!!” natumba si Janella.
Paikot-ikot lang ang dragon sa tubig na umaangat.
Luminga-linga muli si Janella. Kinabahan siya. “Ahhh!!! A-Ano na bang nangyayari?! H-Hindi ko na alam!”
Tumigil na ang pag-angat ng tubig nang matapatan na ni Janella ang malaking buwan na nasa kanyang harapan.
Nakatingin lang siya sa buwan na kulay asul. Tumayo siya at umikot para tingnan ang buong paligid. Nakita niya na nagkikinangan ang mga puno na kulay asul habang ganu’n rin ang karagatan na nasa malayo.
Biglang nagsiliparan naman ang mga usa na nasa ibaba. Umikot-ikot sila sa tubig.
Muling tinakpan ni Janella ang kanyang bibig habang pinapanood ang mga usa na umiikot sa kanya. “Hala! A-Ano ba ‘to?!” napangiti siya. Hindi siya makapaniwala sa nakikita niya ngayon.
Lumipad-lipad ang dragon sa itaas ni Janella habang nag-iiwan muli siya ng mga glittering lights.
Pinatama ni Janella sa kanyang mga kamay sa papabagsak na mga glittering lights. Nagsama-sama muli ang mga glittering lights at kumorte naman itong mga ibon habang sila ay mga lumilipad-lipad sa ibabaw ng mga usa.
Tumungo sa buwan ang dragon pagkatapos. Nakatingin lang si Janella dito hanggang sa nawala na ito sa kanyang paningin.
Nakangiti lang siya. Naisipan niyang tingnan ang mga bulaklak sa ibaba. Nakita niyang nagse-sway lang ang mga ito.
“Ang ganda nilang tingnan…” mahinang wika niya. Napansin niya na mas lumiwanag ang buwan. Napatingin siya dito.
Nakita niya na tumigil sa pag-ikot ang mga usa at ibon sa kanya. Napansin niya bigla ang nabubuong hugis tao sa kanyang harapan. Nakalutang siya sa hangin habang lumiliwanag siya ng kulay asul. Ngunit habang tumatagal, humihina na ang kanyang liwanag habang paunti-unti namang nakikita na ang kanyang itsura.
Napatayo si Janella at tiningnan ito. “Wow!” nakita na niya ang itsura nito. Tiningnan niya ang kanyang kasuotan. “Ang ganda n’yo po!” nakangiting wika niya at muli niyang tiningnan ang kanyang mukha. “M-Mukha po kayong diyosa!”
“I am a Goddess.” napangiti siya at malumanay na lumakad sa hangin.
Napatingin si Janella sa kanyang hinahakbangan. Umiilaw ang kanyang hinahakbangan habang paunti-unti namang lumalabas ang mga glittering lights sa kanyang paligid.
“Wow!” napangiti siya. Napatingin muli siya sa paanan ng diyosa. Nagtangka siyang subukang apakin ang hangin dahil tutal nakakaapak na siya sa tubig ngayon.
Umupo siya at nilabas ang kaliwang paa niya, ngunit muntik na siyang mahulog matapos niyang hindi maapakan ang hangin. Muli niyang sinampa ang kanyang paa sa tubig. Kinabahan siya.
Tumingin ang diyosa sa kanya habang naglalakad.
Napatingin rin sa kanya si Janella.
“My dear princess, haven't you wanted to come with me?” mahinahong tanong ng diyosa.
Kumunot ang noo niya. “P-Po?”
“Alam kong may problema kang mabigat. Gusto ko lang sana na tulungan ka dahil hindi ko ginusto na mangyari ito sa ‘yo.”
Naisip ni Janella bigla ang kanyang problema na tungkol sa pagsakop ng mga La luna sa kanilang mundo. Bigla siyang nag-alala. Malumanay siyang tumayo habang nananatiling nakatingin sa kanya. “P-Paano n’yo po nalaman na may problema po akong mabigat?”
“Alam ko ang lahat…” tumigil siya sa paglakad habang nananatiling nakatingin sa kanya. “Kaya sumama ka sa ‘kin.” inabot niya ang kanyang kamay sa prinsesa. “Wala kang dapat na ipag-alala.”
Nasa pagmumukha pa rin ng prinsesa ang pag-aalala. Tiningnan niya saglit ang kamay nito at muli siyang tumingin sa kanyang mga mata pagkatapos.
“Hindi mo ba alam na napapanaginipan ko ang lugar na kung saan ka talaga ligtas?” paunti-unti nang nagbabago ang boses ng diyosa. Pumapalit ang pamilyar na boses kay Janella.
Nagulat siya. “Z-Zavier?”
Biglang nag-iba na rin ang kanyang anyo. Naging si Zavier nga ito. “Habang wala namang sinuman na may nakakaalam na nando’n ka.”
Nakatingin lang sa kanya si Janella.
“Kaya halika na… dadalhin na kita sa lugar na tinutukoy ko.” nakangiting wika niya. “Look into my eyes and you will see, no one can save you but me. I will be the answer that you seek because I am willing to sacrifice my life for you.” nananatiling nakangiti si Zavier at malumanay siyang lumapit sa prinsesa at inabot ang kanyang kamay. “Buksan mo ang iyong puso at hayaan akong manatili sa ‘yo hanggang sa huli.”
“Za…vier…” mahinang wika ni Janella at malumanay rin niyang inunat ang kanyang kamay para hawakan ang kamay ng binata ngunit biglang nagliwanag na ang lahat.