13: By Your Side


 

Umaga, nasa Bhingelheim World at nasa pulo ng Mharius na naman si Janella. Nakahiga’t mahimbing ang kanyang tulog sa banig na gawa ni Zavier. Ngunit nagising na naman siya sa ingay ng mga ibon at sa alon ng dagat.

Magandang umaga princess...” bati ni Zavier na nasa kanyang tabi.

Hm---mm...” ungol ni Janella habang nahihirapan pa siyang idilat ang kanyang mga mata. “Nasaan na ako?” nakadilat na siya ng kahit kakaunti.

Sumalubong muli sa kanyang paningin ang nakangiting si Zavier. “Nasa dalampasigan ka muli ng Calumsia, princess!”

Bumangon na ang prinsesa at tiningnan siya saglit. Tumingin na siya sa dagat pagkatapos. “Oo nga...” mahinang wika niya. “Pero… paano ako nakarating dito sa dalampasigan, Zavier?” at humikab.

Nakangiti lang ng kakaunti si Zavier habang nakatingin sa kanya.

Anong nangyari?” pumikit siya at napahawak sa kanyang noo. “Paano ako nakarating dito?”

Naiintindihan naman ng binata kung bakit walang maalala si Janella. Nakasinghot kasi siya ng Sleepy Dust.

Kinausap kita princess bago ka makarating dito.”

Dumilat si Janella at tiningnan si Zavier. “Hm?” napaisip pa siya saglit at natandaan na niya muli ang nangyari bago siya nakatulog. “Ah, oo nga pala. Naalala ko na.” tumingin muli siya sa dagat. “Anong pangalan nga pala ng dagat na ‘to?”

Napatingin sa dagat si Zavier. “Cadmus.”

Ang ganda kasi.” ngumiti siya at muling humikab.

Mhm.” tumango siya. “Salamat.”

Tumingin muli si Janella sa kanya. “Oo nga pala, bakit dito mo pa ako dinadala? Alam naman natin na delikado ang mundo n’yo sa ‘kin di ba? Kahit sa Destiny World na lang tayo mag-usap kahit gabi. Kasi di ba sabi mo bawal ka sa araw…sa mainit? Saka sigurado naman ako na tulog na ang mga tao do’n kapag gabing-gabi na. Kaya wala kang dapat na ipag-alala do’n.”

Nawala ang ngiti ni Zavier sa kanyang labi at umiling. “Madali lang sabihin princess pero para sa ‘kin… hindi talaga pwede... kahit gabi pa.”

Bakit?”

Dito lang talaga ako magiging ligtas princess. Sinasabi ko na sa ‘yo, magiging limitado ang aking buhay do’n.”

Paano ka makakapunta sa Choochoo-Haahaa World saka sa Billzeir World?”

Pwede naman ako siguro do’n, basta ‘wag lang sa Destiny World.”

Ganu’n?” tumingin muli siya sa dagat.

Oo nga pala.” kinuha ni Zavier ang basket mula sa kanyang tabi at nilapag sa harapan ni Janella. “Kumain ka na princess.”

Tiningnan ni Janella ang basket. “Prutas?”

Oo, bakit?”

W-Wala naman...” kumuha siya ng isa at kinain. “Zavier, pwedeng magtanong?” kumagat muli.

Mhm…” tumango.

Kahinaan n’yo ba ang…apoy?”

Ahm…sa totoo lang ay oo.” tumango siya.

Sabi ko nga.” tumango din si Janella at tiningnan muli ang dagat.

Princess?”

Yes?”

Ako, pwede bang magtanong?”

Lumunok. “O sige! Ano ‘yun?” kumagat muli.

Napayuko saglit si Zavier at muling tumingin sa kanya. “Ahm, pinagkakatiwalaan mo na ba talaga ako?” tanong niya na may halong pag-aalinlangan.

Natigilan bigla si Janella at naalala niya na isa lang kasinungalingan ang sinabi niya kay Zavier nung isang araw dahil ang gusto lang niya ay malaman ang tungkol dito lalong-lalo na ang kahinaan. Kinabahan siya dahil baka mahalata siya. “Ahm… o-oo? Oo! B-Bakit?” mabilis siyang tumango.

Umiling si Zavier at marahang napangiti. “M-Masaya naman ako… S-Salamat princess…”

Nagtaka siya’t tumingin kay Zavier. “Salamat saan?”

Dahil pinagkakatiwalaan mo na talaga ako.” ngumiti siya. “Siguro tanggap mo na rin ako bilang isang tagapagligtas mo.”

Tumigil sa pagngunguya si Janella nang makita niya mula sa matamis na ngiti ni Zavier na mukhang matagal na niya itong hinihingil.

Sino ka ba talaga, Zavier?” tanong niya mula sa kanyang isip. Tumingin muli siya sa dagat.

Sa Doherty Palace, nagkakagulo na naman ang lahat.

Anong nangyari?!” naiinis na si Adelaide sa mga taong nagbabantay.

Mga hirap pang dumilat ang mga taong nakatulog. “A-Anong nangyari?” tanong din nila.

Anong nangyari?! HUWAG NGA KAYONG MAGKUNWARI NA WALA PA KAYONG ALAM!!!!” sigaw ng reyna.

Pinilit nilang dumilat para tingnan si Adelaide. “Y-Your Majesty…? K-Kayo po ba ‘yan?” tumayo sila ng dahan-dahan habang ang iba naman ay mga nakanganga’t tulog pa.

ANONG GINAWA NINYO?! NAWALA NA NAMAN SI JANELLA!!!! BAKIT N’YO SIYA PINABAYAAN?!!!!”

Nagising ang kanilang mga diwa ang marinig nila ang kanyang sinabi. “A-Ano?!”

TSK! KASALANAN N’YO ‘TO!!!!” naiiyak na naman si Adelaide. “BAKA NAMAN KINUHA NA TALAGA SIYA!” napaluhod siya.

Naku po!” madaling lumapit si Baron sa kanya. “Your Majesty! Ayos lang po ba kayo?!”

Hindi siya sumasagot at nakahawak lang siya sa kanyang noo.

Clayden!” nataranta si Baron. “Tulungan mo ako!”

Madaling lumapit si Clayden at dahan-dahan nilang pinatayo si Adelaide. Lumakad sila habang inaalalayan ang reyna na makarating sa kanyang kwarto.

Madali naman na lumapit si Harony sa kanila at mabilis niyang pinapaypayan si Adelaide.

Maya-maya sa kwarto nito, nakahiga siya sa kanyang kama habang nakapikit. Muntik na naman siyang himatayin sa sobrang galit.

Patuloy pa rin sa pagpapaypay si Harony.

Baron...” mahinang tawag ni Adelaide.

Nandito po ako...” lumuhod siya at hinawakan ang kamay ng reyna.

Ano na ang gagawin natin? Nakakainis na talaga si Janella. Paulit-ulit na lang... Ano ba talaga ang gusto niya at ano ba talaga ang kanyang problema dito?!”

Your Majesty, sasabihan ko na lang po ang mga tao sa labas na---”

Huwag na Baron! Paalisin mo na lang sila! Wala rin namang mangyayari kung ganyan pa rin ang gagawin nila!”

O-Opo.”

Paalisin mo na sila!”

Yumuko si Baron para magbigay galang at binitiwan na ang kamay ni Adelaide. Lumabas siya ng kwarto.

Dumilat si Adelaide. “Baka naman kinuha na siya...” naluha siya. “Harony...” lumingon siya sa kanan at tiningnan si Harony. “Tawagan mo si Lucius.”

Yumuko si Harony para magbigay rin ng galang at madaling pumunta sa telepono.

Clayden...” tumingin naman ang reyna sa kanya.

Nakahawak pa si Clayden sa kanyang baba habang nag-iisip ng iba pang solusyon. “Your Majesty, alam ko na kung ano po ang kailangan natin.” mahinahong wika niya.

A-Ano?”

Mga CCTV camera po ang kailangan natin para sa hardin.”

Napahinto si Harony nang marinig niya ang sinabi ni Clayden. Tinignan niya ito. “Magandang ideya ‘yan! Tama po siya.” tumango siya at tiningnan si Adelaide ng nakangiti.

Saan naman kayo makakakuha nu’n? Bihirang-bihira lang ‘yan dito…” wika niya habang hinihilot ang kanyang noo.

Kami po ang bahala…” ngumiti si Clayden. “Dahil dito po talaga natin makikita kung ano po ba talaga ang nangyayari kapag mga tulog po tayo. At hindi lang po ‘yan, kukuha din po kami ng mga tao para sila naman po ang titingin ng mga monitors ng bawat CCTV camera natin!”

Napangiti si Harony. “Ang galing mo Clayden!” pinagpatuloy na muli niya ang kanyang paglakad papuntang telepono.

Hindi naman kasi ganito noon si Janella. Umaalis na lang siya ngayon ng wala tayong mga alam…” malungkot na wika ni Adelaide. “Sana lang Clayden, makahanap kayo. Mas maganda kung ngayon na din kayo makakahanap niyan.”

Yes, Your Majesty! Lalabas lang po muna ako saglit para sabihin po ‘to kay Baron.”

O sige.”

Yumuko siya para magbigay galang sa reyna. Madali siyang lumabas ng kwarto habang nagmamadali rin siyang pumunta sa hardin.

Ang mga tao sa hardin ay mga tumatangging umuwi at mga nagmamakaawa sila ngayon kay Baron. Gustong-gusto pa rin nilang magbantay at gagawin na nilang maayos ang kanilang trabaho.

Pakiusap!!!” pagmamakaawang sigaw ng isa habang yakap-yakap niya ang kanang binti ni Baron. “Ayokong umuwi!!!”

Nakatingin lang si Baron sa kanya. “B-Bakit po ba kasi kayo nakatulog?”

HINDI KO RIN ALAM! HINDI KO NA NGA RIN MAALALA ANG NANGYARI BAGO AKO NAKATULOG E!!!!”

Hindi kami uuwi!” wika naman ng isa.

Oo nga! Pinapangako ko na ngayon na kahit anong mangyari, hinding-hindi na talaga ako makakatulog!”

Oo nga! Oo nga!”

Oo! Kapag nakatulog ako---”

Eh ‘di yari ka paggising mo kinabukasan! May black eye ka pa mula sa ating mahal na reyna kapag nangyari nga ‘yun!”

Hindi ako uuwi hangga’t hindi ko napapatunayan sa inyong lahat na ako ay talagang deserving na isang tagapagbantay ng Doherty Palace! Dahil kapag napatunayan ko na ‘yun sa inyo, saka pa lang ako uuwi!”

Ngayon pa lang! Hindi ka na talaga deserving! Umuwi ka na!”

Aba ayos ah! Bakit?! Ako lang ba ang nakatulog?! Kayo din naman di ba?!”

Ano?! Bugbugan?! Gusto mo na bang makatulog ng maaga?! Sapak lang ang sagot diyan!”

TEEEKAAAA LAAANG POOO!!!!” tumatakbo si Clayden. “Teka! Makinig po kayo sa ‘kin! Lahat ng mga nagbabantay ay mananatili pa rin kayong nandito!” sigaw ni Clayden.

YES!!!” natuwa ang lahat.

WOOHOOO!!!! MARAMING SALAMAT!!!!”

Nagsitalunan ang karamihan dahil sa sobrang tuwa.

Tumingin si Baron kay Clayden. “Sinong may sabi Clayden?”

Tumayo kaagad ang taong nakayakap sa binti ni Baron. “YEHEY!” tumalon-talon rin siya sa tuwa. “MALAKI ANG MAUUWI KONG PERA NITO PAG-UWI KO SA BAHAY!!! WOOHOOO!!!! HUWAG KAYONG MAG-ALALA AKING MGA ANAK NA SINA ANDREW, CLARY, CLARE, JOHN, ASHLEY AT IBA PA!”

Nakatingin lang sa kanya ang mga tao at nanlaki ang kanilang mga mata sapagkat ang dami niyang anak.

Nakahawak pa siya kunwari sa imaginary mic habang siya ay nakapikit at may pagluha effects pa. “AT ANG AKING PINAKAMAMAHAL NA ASAWA NA SI EVANGELINE!!! PAG-UWI KO DIYAN! M-MAGANDA KA PA RIN SA MGA MATA KO! PERO M-MAGPAPAYAT KA KAHIT KAUNTI HA?! PILITIN MONG HUWAG KUMAIN NG SOBRANG DAMI DAHIL! MAKAKAKAIN NA TAYO SA PINAPANGARAP NATING RESTAURANT!” humikbi-hikbi pa siya. “WOOOHOOO!!!” tumakbo siya at sinipa pa ang fountain. “YAH!” at pumorma pa ng pakarate sa kanilang lahat.

Tahimik ang lahat. Mga nakanganga at mga nakatingin lang sa kanya.

Mga mata lang niya ang sumusulyap-sulyap habang pinagmamasdan ang mga mukha ng nakatingin sa kanya. “H-Hindi ba kayo masaya?”

Masaya, pero grabe ka naman sumaya. Parang ngayon ka pa lang kasi makakahawak ng pera.” sagot ng isang nakanganga.

Kumunot ang kanyang noo at umalis sa fountain.

Lumapit naman si Clayden sa fountain. “Naiintindihan n’yo po ba ako?!” mataas na tonong tanong niya. “Magbabantay pa rin po kayo dito sa hardin!”

OO!!!! NAIINTINDIHAN NAMIN!!!!” sabay-sabay silang lahat.

Salamat po sa inyong pakikinig!” yumuko si Clayden para magbigay galang sa lahat at madaling bumalik sa kwarto ni Adelaide.

Sa kwarto ni Adelaide, nasa loob na si Baron.

Kausap ni Harony si Lucius. “Nawawala ang ating prinsesa, nasaan na kaya siya?”

Sige, kapag nawala pa ulit siya diyan, huwag na kayong tumawag sa ‘kin. Huwag kayong mag-alala, basta ako ang bahala.”

Kumunot ang noo ni Harony. “A-Anong ibig mong sabihin---”

Paalam na.” binaba na niya ang phone.

Napanganga ng kakaunti si Harony. Napatingin siya sa telepono at binaba ito ng marahan.

Kinakausap ni Baron si Adelaide. “Your Majesty, sabi po ni Clayden, mananatili pong magbabantay ang mga tao sa hardin.”

Hayaan mo lang siya, may plano siya.”

Madaling lumapit si Harony kay Adelaide. “Your Majesty, sabi po ni Ginoong Lucius ay siya daw po ang bahala kay Princess Janella. Huwag na daw po tayo mag-alala.” pag-aalalang wika niya.

May kumatok sa pinto.

Si Clayden ‘to.” wika ni Baron at lumapit siya sa pinto para buksan.

Papasok ako, may sasabihin ako kay Queen Adelaide.” wika ni Clayden.

Tumango si Baron. “Pasok ka.” tumabi siya para bigyan siya ng daan.

Pumasok siya at madaling nilapitan si Adelaide. “Your Majesty---”

Oo, alam ko na ‘yun Clayden. Hindi mo sila pinaalis...”

Opo, bigyan po natin sila ng isa pang pagkakataon para magbantay.”

O sige, naiintindihan ko…”

Baron, Harony.” tumingin siya sa dalawa. “Pakisabi sa mga katulong na may pag-uusapan tayo.” seryosong wika niya habang ang kanyang mga mata ay sumusulyap-sulyap sa kanilang dalawa.

Yes sir!” wika ni Baron.

O sige.” ngumiti ng kakaunti si Harony kay Clayden. Tumingin naman siya kay Adelaide at yumuko para magbigay galang. “Your Majesty, iiwanan po muna kita dito. May pag-uusapan lang po kami.”

O sige, ayos lang ako dito. Maraming salamat sa inyo. Tatawagan ko na lang si Damion.”

O sige po.”

Sabay-sabay silang lumabas sa kwarto at hinanap ang bawat katulong.

Marahang tumayo si Adelaide at tumungo sa telepono. Kinuha niya ito at tinawagan si Damion. Mabuti naman at madali niya itong sinagot.

Damion, may sasabihin ako sa ‘yo. Gusto ko sanang ipabantay mo ‘yung mga piloto mo sa mundo. Naiinis na kasi ako kay Janella. Baka siguro kaya siya umaalis dito dahil alam mo naman ‘yun…hindi makatiis ng hindi naglilibot.”

O sige, Your Majesty. Naiintindihan ko. Sasabihin ko ‘to sa kanila.”

Maraming salamat.”

Walang anuman.”

Binaba na ni Adelaide ang telepono.

Sa Mharius naman, nakaupo si Janella sa buhanginan habang nagtatampisaw ng tubig sa dagat. Ang kanyang palda ay kanyang tinaas hanggang taas ng kanyang tuhod para hindi mabasa ng tubig. Dahil kalahati ng kanyang tuhod ay nakalubog na sa tubig.

Napakalinis ng tubig dito.” nakatawang wika ng prinsesa habang tinitingnan ang mga ginagalaw niyang paa sa malinaw na tubig. “Mas malinis ang tubig dito kumpara sa amin sa totoo lang.”

Nakaupong-tingkayad lang si Zavier habang katabi si Janella. “Ang tubig sa amin ay sagrado princess. Marapat lang namin itong irespeto at hindi dapat dinudumihan.”

Pero paano ‘to? Naka-tsinelas ako. Madudumihan ang tubig.”

Ngumiti lang siya habang nakatingin sa malayo. “Ayos lang ‘yan. Kinakain naman ng puting buhangin ang mga duming mapupunta sa dagat. Ang sinasabi kong dumi ay ‘yung abo, mula sa apoy.” tumingin muli siya kay Janella.

Ah, ibig sabihin ‘yun lang ang marumi para sa inyo? Ahm, ang duming kailangang iwasan?”

Yes, princess.” tumingin muli siya sa malayo. “Sapagkat kahinaan namin ‘yun kaya kailangan talaga namin ‘yun iwasan.”

Naiintindihan ko.” tumingin din si Janella sa malayo. “Asul na asul ang kulay ng karagatan. Sobrang linis, kahit na kakapiranggot na dumi ay wala akong makita.” tumingin siya sa kanyang mga binti at nakita niya ang isang maliit na isdang pabangga-bangga sa kanya. “Isang isda?”

Napatingin si Zavier sa mga binti ni Janella para tingnan ang isda.

Marahang kinukuha ni Janella ang isang isda gamit ang kanyang mga palad. “Huwag kang matakot sa ‘kin, mabait ako.”

Napangiti lang ang binata habang pinapanood ang ginagawa ng prinsesa.

Nakuha na niya ang isda at tinitigan niya itong mabuti. Lumalangoy lang sa kanyang palad ang kulay asul na maliit na isda. “Wow…ang liit niya sobra.” tumatagilid pa ang kanyang ulo habang pinagmamasdan ito. “Mukha siyang malungkot.” tumayo siya ng marahan at dinala ang isda sa pwesto na marami-raming isda. “Dito ka!” lumuhod siya at binaba ng dahan-dahan ang kanyang palad hanggang sa ito ay lumubog na sa tubig.

Habang lumalangoy ang isda, tinitingnan pa rin ito ni Janella. Maraming lumapit sa isdang ito at mukhang naglalaro na sila.

Aheehee! Nakakatuwa!” tumayo siya muli. “Sige little fish! Babalik na muli ako do’n ah!” masayang wika niya at muling bumalik sa tabi ni Zavier. “Ang sarap naman dito... ang lamig ng hangin!” umupo muli siya at muling inunat ang kanyang mga binti.

Napatingin si Zavier sa tuhod ni Janella. Naalala niya bigla ang mga sugat nito. “Oo nga pala princess, kumusta na nga pala ang mga sugat mo?” tumingin muli siya sa kanya.

Ah, ayos naman...” tumingin si Janella sa kanya at sabay ngiti. “Huwag ka nang mag-alala, hindi na masakit di katulad nung una talaga.”

Tumango siya. “Mabuti naman kung ganu’n.” ngumiti muli siya at tumingin sa karagatan.

Palangiti ka talaga ‘no?” napangiti si Janella.

Natawa ng marahan si Zavier. “O-Oo.” napakamot siya sa kanyang ulo at medyo nahiya.

Nananatiling nakangiti lang ang prinsesa at malumanay na tumingin sa dagat. “Sa totoo lang, hindi ako marunong lumangoy. Kaya sayang dahil hindi ako makakalangoy sa napakagandang dagat ninyo. Kung marunong lang ako, siguro kaninang- kanina pa ako lumalangoy.”

Sumulyap ang mga mata ni Zavier sa kanya at muling ngumiti. “Bakit? Parang wala naman ako dito para hindi ka turuan. Halika! Tuturuan kita princess!” muli siyang ngumiti at inabot ang kanyang kamay sa kanya.

Napatingin si Janella sa kanya. “Ah, ahehehe... h-huwag na! Baka maubos lang ang pasensya mo sa ‘kin. Parang ang hirap kasing pag-aralan e.”

Bakit naman mauubos ang pasensya ko sa ‘yo? Gusto naman kitang turuan at masaya ako do’n. Gusto ko lang naman na magawa mo na ang gusto mong mangyari. Huwag kang mag-alala sa ‘kin, gagawin ko naman talaga ang lahat para sa ‘yo.”

H-Hindi na! S-Salamat na lang!” umiling siya at namula. “Saka isa pa, wala akong damit na ipagpapalit ko dito kapag nabasa!”

Natigilan saglit si Zavier. “Oo nga pala…” tumango siya at tumingin muli sa dagat ngunit malayo ang tingin nito.

Napansin na ni Janella na may tinitingnan talaga sa malayo si Zavier kanina pa. Hindi na siya nakatiis kaya naitanong na niya ito.

Ano bang tinitingnan mo diyan?” napatingin din siya sa malayo. “Napapatingin rin kasi ako sa malayo.”

Ang Ashbell.”

Ha? Nasaan?”

Ayun.” at tinuro ang pulo sa malayo.

Sinundan ni Janella ang daliri ni Zavier na nakaturo sa pulo. “Ah, okay…” nakita na niya. Lumingon siya at tumingin sa kanya pagkatapos. “Ano naman ang pulong ‘yun?”

Lumingon rin si Zavier at tumingin rin sa kanya. “Mga apoy naman ang mga nakatira sa pulong ‘yan princess.”

Napaisip bigla ang prinsesa. “Ibig sabihin, kalaban n’yo sila?”

Mhm.” tumango siya.

E paano ‘yun? Malamig ang klima sa mundong ‘to? Manghihina sila do’n siyempre.”

Iba ang klima sa kanila princess. Kung malamig dito, mainit naman sa kanila.”

Ah, okay.” tumango si Janella.

Magkaiba rin ang sinasamba namin. Kung ang diyosa namin ay ang buwan, sila naman ay ang araw. Apoy sila, tubig kami kaya…talagang magkaaway kami.”

Tumagilid ang ulo ng prinsesa. “Ah… ganu’n ba? Talagang hindi kayo pwedeng magsama kasi magpapatayan talaga kayo!”

Mhm.”

Hm…” hinimas niya ang kanyang baba. “Anong itsura nila Zavier? Kung ang itsura ninyo ay parang tao, ano naman sila?”

Parang kami din. Walang pinagkaiba pero apoy nga lang sila.”

Ah…” napanganga siya.

Mhm.” tumango na lang muli siya. “Oo nga pala...” kinuha niya ang kutsilyo mula sa kanyang bulsa. “Kutsilyo mo nga pala princess nung isang araw na nagkita tayo.” inabot niya ito.

Ah, salamat.” marahang kinuha ito ni Janella. Napatingin muna siya dito at bigla niyang sinaksak si Zavier. “Yah!”

Nakatingin lang sa kanya si Zavier habang papikit-pikit. “Princess…” inalis niya ang kutsilyo sa kanyang braso ng marahan. “Kahit anong gawing saksak mo sa ‘kin hinding-hindi mo ako mapapatay.”

Alam ko! Dahil isa ka ngang tubig!” sinaksak niya muli si Zavier sa ibang parte naman ng katawan at patuloy lang niya itong ginagawa. “Yah! Yah! Yah!” nakangisi pa siya habang pinapatay na niya si Zavier sa kanyang isip.

Isa akong immortal.”

Immortal?” napahinto siya at napaisip. “Dahil kahit na anong saksak, hindi ka pa rin mamamatay ganu’n ba?” muli niyang pinagpatuloy ang pagsasaksak kay Zavier. “Yah! Yah! Yah!” nakatawa pa siya.

P-Princess!” hinawakan niya bigla ang kamay nito at binaba. “A-Alam kong nasisiyahan ka sa ginagawa mo pero… pakiusap… h-huwag mo naman gawin ‘yan sa ‘kin…”

Napatingin si Janella sa kanya na medyo pagalit pa ang pagmumukha. “Pero sinabi mo naman sa ‘kin di ba kani-kanina lang na immortal ka naman?! Kaya ayos lang!”

Oo nga, immortal lang kami sa mga ganyan pero hindi naman sa lahat ng bagay. Di ba may kahinaan din naman kami?”

Muling bumalik sa normal ang ekspresyon ng pagmumukha ng prinsesa habang nakatingin sa kanya. “‘Yung apoy?”

Yes, princess.”

Napaisip siya bigla. “Kung ganu’n, hindi kita matatawag na immortal. Kasi ang immortal, hindi namamatay kahit na anong mangyari di ba? Pero kung ganyan…hm, ewan ko lang.”

Oo nga princess, pero hindi kami mapapahamak sa lahat. Pwera na lang basta sa apoy. Ang apoy lang ang kayang pumatay sa amin.”

Biglang sinuntok na lang ni Janella si Zavier sa braso.

Aray!” napahawak siya sa kanyang braso at sabay himas.

Oh?! Bakit ka nasaktan?! Kung saka naman sa suntok, saka ka nasaktan! Bakit sa saksak, hindi ka nasasaktan?”

Ihalimbawa na lang natin sa paghampas ng tubig. Masakit sa palad di ba? Ganu’n rin ang tubig, nasasaktan din ang tubig princess.”

Ah, ganu’n?” tumagilid ang ulo ng prinsesa. Marahan siyang lumapit sa binata at sabay suntok muli sa kanya. Nang-asar pa.

Aray!”

Natawa na lang si Janella. Tumayo na siya at lumakad patungo sa mga nakapabilog na batuhan. Nilapag niya do’n ang kutsilyo at tumungo muli siya sa tabi ng dagat. Lumakad pa siya at saka pa lang huminto nung nasa kalahating tuhod na niya ang tubig. Lumingon siya at tumingin kay Zavier pagkatapos.

Samahan mo ako! Ngayon ko lang ‘to mararanasan na maglakad sa dagat!” nakatawa siya. “Tara! Lakad lang tayo!”

Sa Doherty Palace, hinahanap ni Baron at ni Clayden si Harony dahil bigla siyang inutusan kanina kaya bigla siyang nawala. Lahat ay kumpleto na at mga nasa kwarto na silang lahat. Nasa ikalawang palapag sila Baron at Clayden. Aakyat pa lang sila ng hagdanan papuntang ikatlong palapag ngunit nakasalubong nila si Harony na bumababa ng hagdan.

Harony!” tawag ni Baron. Madali siyang umakyat at huminto sa harapan ni dalaga.

Ah, Baron!” napangiti si Harony.

Halika na! Kumpleto na tayo. Ikaw na lang ang kulang,”

P-Pero...”

Halika na!” hinawakan ni Baron ang kanyang kamay at bumaba.

Si Clayden ay aakyat pa naman sana ng hagdan ngunit nung makita niya si Baron na nakahawak sa kamay ni Harony. Napatitig siya at napahinto. Biglang tumibok ng mabilis ang kanyang puso at mukha siyang nasaktan sa nakita.

Baron! S-Saglit lang at may pupuntahan pa kasi ako!” wika ni Harony.

Ha?” huminto si Baron at napatingin sa kanya.

Sige na, magsimula na kayo...” ngumiti siya ng kakaunti.

Paano ikaw? Paano mo masusubaybayan si Clayden? Siya pa naman ang magsasalita!” nagpaparinig na naman si Baron kay Clayden pero ang kanyang pagkakatitig kay Harony ay diretsong-diretso at seryoso.

Namula na lang si Harony at mukhang nahahalata na niya ang dalawa. “S-Sige na, sabihin n’yo na lang sa ‘kin mamaya kung ano man ang sinabi niya.” ngumiti siya.

Ayiii! Namumula siya!” kinilig pa si Baron at malumanay na kiniliti si Harony. “O sige... sunod ka na lang.” sabay naging seryoso muli ang ekspresyon ng kanyang pagmumukha. Binitiwan na niya ang kamay nito.

Ngumiti muli si Harony at bumaba na.

Ha!” nagulat si Clayden nang makita niya si Harony na bumababa na. Madali siyang nagtago sa gilid ng hagdanan para hindi siya makita. Nakasimangot na naman siya at masama na naman ang loob nito kay Baron.

Ngunit nakita pa rin siya ni Harony. “Hello Clayden!” ngumiti siya at kumaway.

Eee!” biglang naging bato ang buong katawan ni Clayden at biglang namula ang buong pagmumukha niya.

Hm?” nagtaka na naman si Harony.

A-Ahhmm, h-hi!” pinilit niyang magsalita. Sumulyap ang kanyang mga mata sa kanya at pinagpawisan bigla.

Hi! Bakit parang hirap ka yatang magsalita?” pumeywang siya habang nananatiling nakangiti.

A-Ah, ahehehehe...” patuloy lang ang bawat pagpatak ng kanyang pawis. Mas lalong tumibok ng mabilis ang kanyang puso.

“‘Uy!” biglang sumulpot sa harapan ni Clayden si Baron. “Clayden? Bakit parang hirap ka daw magsalita?” kunwaring nag-aalala pa si Baron. Hinawakan nito ng marahan ang noo ni Clayden. “Naku!” madali niyang inalis ang kamay nito sa noo at iwinagayway ng sobrang bilis sa hangin. “Ang init! May lagnat ka ba? O naaano ka lang? Gusto mo na bang gumamit ng kubeta kaya di ka makakilos ng maayos?”

Nanlaki ang mga mata ni Clayden at sobra siyang nahiya sa sinabi ni Baron. Gusto na naman niyang sapakin ito.

O-O sige!” yumuko na lang si Harony dahil nahiya rin siya sa sinabi ni Baron. Muli siyang tumingin sa kanila. “Magsimula na kayo sa meeting! Sabihin n’yo na lang sa ‘kin mamaya ang gagawin ko ha?”

O-O sige…” tumatango si Clayden at pinilit niyang ngitian si Harony.

Sige! Pupunta na ako sa pupuntahan ko!” umalis siya.

Sinundan ng tingin niya ang tumatakbong si Harony hanggang sa nawala na ito sa kanyang paningin.

Inoobserbahan lang ni Baron si Clayden. “Uy Clay! kumusta ang pag-uusap ninyo?” nakatawa siya.

Lumingon si Clayden at tingingnan si Baron ng sobrang sama. “EWAN KO SA ‘YO!!! KAHIT KAILAN KA TALAGA!!! PALAGI MO NA LANG PINAIINIT ANG ULO KO!!! MAGPASALAMAT KA AT HINDI KITA NABUGBOG DAHIL NANDITO SI HARONY!!! SOBRA NA AKONG NAHIHIYA SA PINAGGAGAWA MO!!!” nilayasan niya ito.

Ayiii!!! Ikaw talaga Clay!” kinilig pa siya at tiningnan na lang niya ito.

Ewan ko sa ‘yo!” sigaw ni Clayden sa malayo.

Madaling sinundan ni Baron si Clayden. “Ahahaha!” inakbayan niya pa ito kahit na damang-dama na niya na sasapakin na talaga siya.

Maya-maya, nasa kwarto na sina Baron at Clayden. Nagsisimula nang magsalita si Baron sa kanilang harapan at pinag-uusapan na nila ang kanilang plano. Lahat ng mga katulong ay mga nasa kama lang nila’t naka indian sits. Ngunit pwera nga lang kay Baron at Clayden, nakatayo lang sila dahil sila ang magsasalita.

All right! Bago ko sabihin ang pinakamisyon natin! Maghahati-hati tayo sa tatlong grupo! Sa isang grupo ay merong sampung tao!” wika ni Baron sa lahat.

Tumatango ang lahat at nakikinig lang sa mga sinasabi ni Baron.

Kumuha ng papel at bolpen si Baron. “Teka lang ah...” sumulat siya ng mga pangalan para sa tatlong grupo.

Pagkalipas ng dalawang minuto.

Okay, e-ehem!” tiningnan niya ang sinulat niya. “Ang unang pangkat ay sina...” tumingin siya sa kanyang listahan. “Ako, Clayden, Harony, Mitch, Triny, Julius, Grace, Bernard at Caroline!”

Nasa pintuan lang si Clayden at do’n niya seryosong pinapakinggan si Baron. May kumatok bigla at dahan-dahan niya itong binuksan.

Kanina pa ba kayo nagsisimula?” tanong ni Harony.

Nanlaki ang mga mata ni Clayden nang makita niya si Harony. “A-Ay! Hindi pa naman, kakasimula pa lang naman ng meeting ngayon.”

Ah, sakto! Mabuti naman at nakahabol pa ako!” napangiti siya.

O-Oo... pasok ka.” nauutal pa siya at halatang nahihiya sa dalaga.

Pumasok si Harony at tumabi kay Clayden. Sinara niya pagkatapos ang pinto.

Narinig ni Baron ang pagsara ng pinto kaya napatingin siya kay Clayden ngunit ang nakita niya kaagad ay si Harony. “Harony, nasa amin ka!”

Lumingon si Harony at tiningnan siya. “Hm? A-Ano ‘yun?” hindi niya naintindihan.

Pangkat una ka. Pinaghati-hati ko kasi tayo sa tatlong grupo.” nakangiting wika niya.

Ah, okay!” tumango si Harony habang nananatiling nakatingin sa kanya. Ilang segundo ang lumipas, napatingin siya kay Clayden. “Akala ko ba, ikaw ang magsasalita Clayden?” mahinang tanong niya.

Nagulat si Clayden sa sinabi ng dalaga ngunit nagtaka rin siya. Sumulyap ang kanyang mga mata sa kanya. “Bakit?”

Wala naman, gusto ko lang sana na panoorin kang nagsasalita.” ngumiti siya.

All right! sa ikalawang pangkat!” wika muli ni Baron para sa ikalawang pangkat naman.

Medyo nag-iingay na sila.

Mga hindi ko pa natatawag! Talasan ang pandinig ha?! Nag-iingay na e!” nakasimangot si Baron habang nakatingin sa kanila.

Nanahimik ang lahat.

Tumingin muli si Baron sa kanyang listahan. “Ikalawa! Alice, Janine, Nana, Teya, Tofena, Serah, Stephen, Blanca, Judith, Elliot.”

Okay! Natawag na ako!” masayang wika ni Tofena. “Pwede nang mag-ingay!”

Ikatlong pangkat!!!” sigaw ni Baron.

Nag-iingay na naman ang lahat.

UY!!!! PSSSTTT PSSSSTTT!!!! KATAHIMIKAN!!!!” sigaw muli niya habang nakatingin sa kanila.

Uy! Huwag nga kayong mag-ingay! Importanteng-importante ‘to!” mataas na tonong sabi naman ni Clayden.

Nanahimik na muli sila.

E-Ehem! Last group!” tumingin na muli si Baron sa kanyang listahan. “Leah, Diana, Lace, Christoph, Jonathan, Violet, Anette, Eric, Nathy!” tumingin siya sa lahat ng katulong. Tahimik lang silang lahat.

Sinong kagrupo mo nga pala Clayden?” mahinang tanong ni Harony.

Una, kasama mo ako.” nakangiti siya habang nakatingin kay Baron.

Okay! Lahat kayo makinig sa ‘kin! Seryosong trabaho ‘to ha!!!” sigaw muli ni Baron.

Napansin ni Gweine na hindi siya natawag. “Uy~! Bakit hindi mo ako natawag~?! It’s so unfair naman di ba kung wala akong gagawin dito?!” ngumuso siya kay Baron.

Ay! I’m so sorry Mada’am Gweine---”

Dali na! Ang tagal naman!” naiinip na si Julius. “Sabihin mo na ‘yung gagawin natin!”

Manahimik ka nga muna Julius kung ayaw mong mahalikan kita diyan!” biglang tumayo si Gweine sa kanyang kama at madali siyang pumunta sa kama ni Julius.

Manahimik ka nga pangit!!!” sigaw ni Julius.

Grabe naman kung makapangit ka sa ‘kin~! Parang ang pogi-pogi mo ah~?! Hmp~! papaupo na sana si Gweine sa kanyang kama nang bigla naman siyang itulak papalayo ni Julius.

UMALIS KA NGA!!!”

Ouch~!” natumba siya. “Aray ko naman~! Ang sakit naman~! Uhuhuhu~!”

Hoy! Tumigil na nga kayo diyan! Nag-aaway na naman kayo! Parang mga bata! Matatanda na kayo!” si Clayden.

Hindi pa ako matanda! Baka kayo!” si Julius.

Anong kami?! Tayo! Magkakasing-edad lang tayong lahat halos! Labing-walong taong gulang na tayo!” si Clayden.

Si Gweine ang pinakamatanda sa atin! Dalawampung taon na ‘yan e! Tapos isip bata pa rin kung kumilos at mag-isip! Dapat siya ang pagalitan ninyo! Bakit pati ako nadadamay?!” banat muli ni Julius.

Napasampal na lang sa noo si Baron at napailing. Pumunta na lang siya kay Gweine para tulungan siyang patayuin.

Uhuhuhu~!” umiyak pa ng pakunwari si Gweine habang dahan-dahang tumatayo. “Thank you Baron! You care for me!”

Walang anuman.” mahinahon na wika ni Baron habang ang kanyang background ay punong-puno ng mga nagkikinangang mga imaginary roses. Nakahawak pa rin siya sa kamay ni Gweine.

Namula si Gweine. “Hay!” at hinimatay pa kunwari.

ANO BA?! KAYONG DALAWA NA LANG BA ANG MAG-UUSAP?! PAANO NA ANG ATING MISYON?!” pagalit na tanong ni Julius.

Biglang nagising si Gweine nang magsalita ang masungit na si Julius. Inasar na naman niya ito. “Oh, ano na naman~?! Porket nag-uusap lang kami nagseselos ka na diyan~! Hmp~!”

Bigla nang nag-apoy si Julius sa galit. “ANO?! AKO NAGSESELOS?! SA ‘YO?!” sigaw niya habang tinuturo-turo pa ang kanyang sarili.

Nagsisimula na namang mag-ingay ang lahat.

Dumila lang si Gweine sa kanya at tumingin kay Baron pagkatapos. “Baron, anong pangkat ako? Dapat magkasama tayo ha?”

ANO?! ‘WAG NA!” sigaw ni Julius.

Hindi pinakinggan ni Baron si Julius. “Sige… pangkat una ka.” nakangiting wika niya at saka pa lang niya binitiwan ang kamay ni Gweine.

WHAT?!!!” nagulat si Julius. “UGGHH!” napasampal siya sa kanyang noo at nagwala sa kama. “NOOOO!!!!”

Hoy Jul! Tumigil ka na diyan! Magsasalita na si Baron oh!” sigaw ni Triny kay Julius. Magkatabi lang sila ng kama.

(Jul ay ang palayaw ni Julius.)

Kasi naman! Bakit nasa atin pa ‘yan?! Ugh! Nakakaasar!” at ginulo ang buhok.

Tumingin muli sa kanya si Gweine. “Ano ba ‘yan~! Parang ano naman ‘to! Kung makapaggulo naman ng kanyang buhok parang bata! Isip bata ka pa rin?!”

Nag-apoy muli sa sobrang inis si Julius. Sasagot pa nga siya sana pero bigla nang nagsalita si Clayden.

Tumabi si Clayden sa tabi ni Baron. “HOOOY! ANO BA NAMAN ‘YAN?! TUMIGIL NA NGA KAYO PWEDE?! DAPAT SERYOSO TAYO NGAYON! PAG-USAPAN NA NATIN ANG MISYON NG MAAYOS! MAY ORAS NAMAN TAYO PARA SA MGA GANYAN!” iritable na ang kanyang pagmumukha.

O sige na! Ano na ba kasi ‘yun?!” mataas na tonong tanong ni Caroline habang tinatakpan ng magkabila niyang kamay ang dalawa niyang tenga. Naririndi na rin siya sa kaingayan.

Bumalik na sa kanyang kama si Gweine. Indian sit ang kanyang pagkakaupo. Tahimik lang siya.

TUMAHIMIK MUNA LAHAT PWEDE?!!!” naiinis na si Clayden. “KAKAUNTI NA LANG MASUSUNTOK KO NA KAYONG LAHAT DIYAN!!!!!”

Bigla silang tumahimik at sabay-sabay na tumingin kay Clayden.

Tiningnan muna ni Clayden silang lahat. Nakikiramdam pa siya kung may magsasalita pa pero mabuti naman at wala na. Umatras na siya at hinayaan na si Baron.

May gagawin tayong trabaho sabi sa ‘kin ni Clayden! Kailangan kasi nating matapos ‘to ngayon. Ngayon, kailangan na natin magkaroon ng mga CCTV camera sa ating hardin dahil dito natin makikita kung ano na ba talaga ang nangyayari habang tayo ay mga tulog!”

Mga batugan kasi!” banat naman ni Tofena. Natawa siya sa kanyang sinabi. “Biro lang!” at nag-peace pose.

Aba ayos ah!” si Julius.

Oh! Eto na naman tayo! Katahimikan! Nasaan na ang katahimikan!” mataas na tonong sabi ni Clayden.

Saan tayo makakakuha ng CCTV camera?” tanong muli ni Caroline habang nakatingin pa rin kay Baron.

“‘Yun na nga, kailangan natin magtulungan dito. Dahil napakabihira lang nito di ba?”

Nagsisimula na naman silang mag-ingay.

KATAHIMIKAN NAMAN PLEASE!!!!” sumigaw na si Clayden.

Sabay-sabay silang nanahimik at sabay-sabay ring tumingin kay Baron.

Sobrang mahirap ‘to! CCTV camera ang pinaka-latest ngayon di ba? Baka nga gumagawa pa lang sila ng mga paninda! Sa sobrang dami ba naman ng mga bumibili!”

Oo nga! Marami kasi ang namangha sa ganitong teknolohiya e!”

Pero dapat na hindi tayo mawalan ng pag-asa! Kapag gusto may paraan! Maghahanap pa rin tayo! Naiintindihan n’yo ba ako?! Sagot!”

Oo!” sigaw ng lahat.

All right! Makinig ulit kayo sa ‘kin! Unang pangkat! Ang gagawin natin, tayo ang maghahanap kung saang lugar makakabili ng CCTV camera! Kaya maglalakbay tayo!”

Hala! Pwedeng iba na lang sa atin! Mahirap ‘yan e!” nag-alala si Grace.

Psst! Huwag kang maingay!” pabirong pinandilatan pa ni Baron si Grace.

Ngumuso pa rin si Grace dahil hindi siya pinakinggan nito.

Ikalawang pangkat! Nasa hardin lang naman kayo! ‘Yung mga puno’t halaman natin ay gupitan n’yo na! Medyo mukha nang gubat ang hardin natin! Sobra na kasing malalago ang mga puno’t halaman natin! Kailangan n’yo ‘tong gawin para walang abala sa paningin ng mga camera!”

O sige.” tumatango lang ang ikalawang pangkat.

Kailangan natin ng pagkakaisa! Walang gulong mangyayari!” wika ni Baron. “Dapat mabilis tayo!”

Opo!” wika ni Serah.

Ikatlong pangkat!”

ANO?!!!” sabay-sabay na sabi nila.

Galit kayo?”

Nagtawanan sila.

Napangiti si Baron. “Habang kaming lahat ay may mga bigating gagawin, kayo naman ang bahala sa ating mahal na reyna. Madali lang di ba? Tulungan n’yo siya kung kailangan, pasayahin n’yo siya kung malungkot siya. Maliwanag ba? Bigyan n’yo lang siya ng lakas ng loob! Matatapos din natin kaagad ang misyon ngayon!”

Opo!” wika ni Nathy.

Ngumuso si Julius. “Ang daya.” mahinang wika niya.

Ano ka ba Julius, masaya ‘to!” nakangiting wika ni Triny sa tabi niya.

Nakakatamad!”

Hay naku...” napayuko siya’t napasampal sa kanyang noo.

All groups! Magsimula na tayo!”

Yes!”