14: The Moon


 

Tanghali na sa Bhingelheim World habang naglalaro pa rin ang dalawa sa dagat. Pinipilit pa ni Janella na makatakbo sa tubig dahil kahit anong bilis niya ay mabagal pa rin siyang tumatakbo. Ngunit sa kabila nu’n, hindi na niya namamalayan na basang-basa na pala ang kanyang damit. Wala ring nangyari sa mga sinabi niya na ayaw daw niyang mabasa.

Hahaha!” natutuwa naman si Zavier hindi dahil sa kanilang ginagawa. Natutuwa siya sapagkat nakikita niya na masaya na ang prinsesa ngayon. Pinagmamasdan lang niya si Janella habang sila ay naglalaro. Napapangiti siya sa tamis ng kanyang ngiti.

Ang sarap! Ang lamig ng tubig!” nakatawang wika ni Janella. Kumuha siya ng tubig gamit ang kanyang mga palad at pinasabog ito sa hangin. Tumingala siya at pumikit. Sinalo niya sa kanyang mukha ang mga tubig na kanyang sinabog. “Ang lamig!”

Nananatiling nakangiti si Zavier habang nakatingin sa kanya. Lumapit muna siya kay Janella at kumuha ng tubig gamit ang kanang palad niya at hinipan ng dahan-dahan sa mukha ng prinsesa.

Napatingin si Janella sa kamay ni Zavier.

Nagiging isang mist ang tubig na hinihipan ni Zavier sa kanyang kamay.

Ang galing!” pumikit muli siya at hinayaan niya itong dumampi sa kanyang mukha habang nakatawa. Nang matapos na, saka pa lang siya dumilat. “Hahaha!”

Natawa ang binata. “Gusto mo pa princess?”

O sige! O sige!”

Kumuha muli siya ng tubig at muli niya itong hinipan sa kanyang mukha.

Hmmm! Ang lamig!” nakangiting wika ni Janella habang nakapikit.

Tumawa lang ng marahan si Zavier at binaba na niya ang kanyang kamay pagkatapos.

Muling dumilat ang prinsesa. “Tapos na? Ako naman!” siya naman ang kumuha ng tubig at hinipan rin ito sa mukha ni Zavier.

Nilakasan niya ang kanyang pagkakahipan ngunit sumabog sa buong mukha ni Zavier ang tubig. “Ay! Pasensya na!” at nag-peace pose. “Hindi ko kayang gawin ‘yung ginawa mo sa ‘kin e. Sana may kapangyarihan din ako na parang sa ‘yo!”

Mabuti na lang ay pumikit si Zavier nung ihipan ng prinsesa ang tubig. Dumilat na siya pagkatapos habang nananatili pa ring nakangiti. Tumutulo pa mula sa kanyang mukha ang tubig.

Nagtampisaw muli si Janella. “Ang saya ko ngayon!”

Habang sa Destiny World, hapon na sa kanila at kaninang-kanina pang umaga sila Baron naghahanap at tanong ng tanong sa mga taong nakakasalubong nila.

Kapagod.” nakakunot noong wika ni Julius habang siya ay nakapikit at nakahalukipip. “Tsk!”

Nakaupo na sa upuan si Triny. “Ang init. Sakit na rin ng mga paa ko.”

Nakakagutom na rin!” wika naman ni Gweine. “So hungry na~! Ano ba ‘yan~!”

Ang iba ay nakaupo na lang sa lapag dahil sa pagod at gutom.

Princess... nag-aalala na ako~! Ikaw tuloy ang nasa isip ko, imbis na ang boyfriend ko na nasa ibang planeta ang naiisip ko! Namimiss ko tuloy siya!” biro ni Gweine habang nakanguso at mabilis na pinapapaypayan ang sarili.

Naiinis na naman si Julius dahil naririndi siya sa boses ng baklang si Gweine sa tuwing na naririnig niya. Sinuntok na lang niya ito sa braso kaysa naman sa magsagutan na naman sila.

Aray ko naman!” napausog siya at hinawakan ang kanyang braso ng maarte.

Tsk! Ano ba?! Manahimik ka na nga lang pwede ba?!” pagalit na tanong ni Julius sa kanya.

I’m sorry pero hindi pwede e! Hmp~!” nagtaray pa. “Hay naku naman! So hotie~! Natutunaw ang aking make-up sa mowkha~!”

Hindi na nakapagtimpi si Julius at malakas niyang tinulak sa kanal si Gweine at sabay layas. “Sana nga mabura na nang tuluyan ang make-up na nasa mukha mo!”

Sa ikalawang pangkat naman, maayos naman ang kanilang ginagawa at nagtutulungan silang lahat sa kanilang trabaho. Ngunit halos lahat nga lang ay mga naggugupit sa mga halaman, kakaunti lang sa puno.

Isa si Serah sa mga naggugupit sa puno. Nasa ladder lang siya habang ginugupitan ang puno. Wala kasing sinuman ang may gustong umakyat sa ladder kaya siya na ang nagkusang loob na maggupit sa isang puno. Nakakunot na ang kanyang noo at seryosong-seryoso siya sa paggugupit.

Ilang minuto ang lumipas, napabuntong-hininga siya at pinampunas niya ang kanyang braso sa tumutulo niyang pawis sa kanyang noo. “Ang init sobra!”

Uy Serah!” inalog ni Tofena ang ladder.

U-Uy!!! Ano ba ‘yan kasi!” mabilis siyang kumapit sa ladder at tumingin sa ibaba. “Ano ba Tofena! Wala ka talagang magawa ‘no?! Lasing ka na naman ba?!”

Inalog muli ni Tofena ang ladder. “Ahahaha!!!”

AAAAHHHH!!! ANO BA NAMAN KASI E!!!”

Tawang-tawa si Tofena sa reaksyon ni Serah habang patuloy lang niyang inaalog ang ladder.

ANO KA BA TOFENA! BALIW KA TALAGA!!! TUMIGIL KA NA NGA!!!” sigaw ni Serah habang mahigpit na siyang nakahawak sa ladder.

Patuloy lang si Tofena sa pag-alog. “Ahahahaha!!!”

Ayaw mong tumigil ha?!” binagsak ni Serah ang shears kay Tofena. “Sumapol sana sa ulo mo ‘yan!”

Sumapol nga naman ito sa ulo ni Tofena. “ARRRAY!!!” napasigaw siya sa sakit. Mabilis niyang hinawakan ang kanyang ulo at napaluhod.

Yun nga lang, nung mabitiwan ni Tofena ang ladder, nawalan ito ng balanse.

AAAHHHH!!!!” nataranta si Serah sapagkat mahuhulog na siya. Hindi na niya malaman ang kanyang gagawin at tarantang-taranta na siya. Pinilit niyang abutin ang sanga para kumapit ngunit ang nakuha niya ay ang isang dahon at mabilis pa itong napitas. “AAAAHHHHH!!!” tuluyan nang bumagsak ang ladder.

Naapektuhan ang kanyang balakang sa pagbagsak niya. Tumba siya sa damuhan. “Aray ko…”

Dahan-dahang tumingin si Tofena sa kanya. “Ang sakit naman Serah!” malungkot ang pagmumukha niya.

Pinilit ni Serah na makatayo at mukha siyang napilayan. Masama niyang tinignan si Tofena. “Ikaw naman kasi ang pasimuno nito e!” at napahawak siya sa kanyang balakang.

Yumuko na lang si Tofena at pumikit. Kumunot ang kanyang noo sa sakit. “Aray…” mahinang wika niya.

Wala naman sa atin ang masasaktan kung nanahimik ka di ba?! Ang sakit tuloy ng katawan ko... Kainis ka talaga!”

Hoy! Anong away ‘to?!” sigaw naman ni Elliot sa malayo habang tumatakbo’t papunta sa kanila.

Tsk! Ang sakit!” napatingin si Serah kay Elliot.

Anong nangyari?” tumingin sa dalawa si Elliot pero napatingin siya ng matagal kay Serah. “Serah, ayos ka lang ba?”

Hindi ako maayos! Ang sakit ng katawan ko!” medyo nakatuwad siya dahil hindi niya kayang ideretso ang kanyang katawan.

Maupo ka muna...” naawa si Elliot sa kanya. Pumunta siya sa kanya at inalalayan siyang maglakad.

Tumingin si Serah sa kanya. “S-Salamat...” at umakbay sa kanya.

Saglit lang Tofena! Babalik ako diyan para tulungan ka rin!” sigaw ni Elliot sa malayo.

Sa ikatlong pangkat naman, sina Nathy at Eric ay parehong nasa loob ng kwarto ni Adelaide. Mga wala namang ginagawa ang iba at nasa sala lang sila habang nakaupo sa magagarang supa.

Ilang oras na ang lumipas at papadilim na sa Bhingelheim World. Napagod na si Janella pero nasiyahan siya sa mga kalokohan na ginawa nila ni Zavier. Hindi nawala ang kanyang matamis na ngiti habang nakikipaghabulan at nakikipaglaro na parang bata sa binata. Nakaupo tuloy sila ngayon sa bato’t nagpapahinga. Nakabalot lang kay Janella ang cloak hood ni Zavier dahil sa nilalamig siya.

Napatingin ang prinsesa sa papalubog na araw. “Maggagabi na pala! Ang bilis naman ng oras!” nakangiting wika niya.

Nakalingon at nakatingin rin sa araw si Zavier. “Saglit lang princess…” tumayo at yumuko siya sa kanya para magbigay galang. Pumunta siya sa tabi ng dagat pagkatapos.

Hm?” sinundan lang ng tingin ni Janella si Zavier habang nagtataka.

Maya-maya ay tuluyan nang lumubog ang araw. Gabi na pero hindi naman ganu’ng madilim ang dalampasigan kumpara nung unang dating ni Janella dito. Dahil muli nang nagpakita ang maliwanag na buwan sa dalampasigang ito. Kung sa Destiny World, buwan din minsan sa kanila ang nagsisilbing liwanag. Mas lalo na dito sa mundong Bhingelheim, nagsisilbing liwanag talaga dito ay ang buwan dahil malakas ang liwanag nito. Kung matitingnan ang karagatan, sobrang nakakaaliw nito dahil ito ay kumikinang-kinang.

Kitang-kita ang buwan dito sa Calumsia, dahil dito siya palaging nagpapakita. Bilugan ito at hindi kailanman naging isang gasuklay na buwan. Sobrang laki nito at light blue ang kulay. Mas malamig ang klima tuwing gabi at mas mahangin kumpara sa umaga. Nakakaramdam na naman ng takot si Janella dahil sobrang tahimik na ng buong paligid.

Palingon-lingon ang prinsesa at hindi mapakali sa kanyang inuupuan. “Buti pa si Zavier hindi natatakot.” mahinang wika niya.

Nagulat siya nang may biglang lumipad na mga ibon sa puno. “Ahhh!” at napatingin sa mga ibon na lumilipad. Tiningnan niya muna ang mga ito hanggang sa mawala sa kanyang paningin bago siya tumayo. “Ayoko na... natatakot na talaga ako...” mahinang wika niya muli.

Naramdaman niya na tuyo na ang kanyang kasuotan kaya tinanggal na niya ang cloak hood sa kanyang katawan at nilapag ng malumanay sa batuhan.

Napansin niya ang kutsilyo na nilapag niya dito. Napatingin siya dito at naalala ang masamang balak kay Zavier.

Oo nga pala…” marahan niya itong kinuha at napatingin kay Zavier. Masama ang pagkakatingin niya dito.

Ilang segundo ang lumipas, nagtangka siyang pagkiskisin ang dalawang bato para makagawa ng apoy. Mabilis na nilapag muli ni Janella ang kutsilyo at kumuha siya kaagad ng dalawang bato.

Pagkikiskisin niya na ito sana ngunit lumalaban ang kanyang konsensya.

Tsk!” nainis siya. Napatingin muli siya kay Zavier.

Tahimik lang na nakatayo sa tabing dagat ang binata.

Tumingin muli si Janella sa dalawang bato, napakagat-labi pa siya. Pagkikiskisin na niya sana dapat ngunit nakaramdam siya ng pagkaawa para kay Zavier. Naalala rin niya bigla ang kanyang panaginip at ang iba pang naranasan niya ngayon na labis na nagpasaya sa kanya.

Napabuntong-hininga siya. Malungkot siyang nakatingin sa dalawang bato. “B-Bakit ganu’n…? P-Parang hindi ko na kayang gawin ang masamang binabalak ko kay Zavier?” tanong niya mula sa kanyang isip. Marahan siyang tumingin sa binata. “P-Parang n-nag-iba na bigla ang nararamdaman ko sa kanya…”

Muli siyang tumingin sa dalawang bato na hawak-hawak niya at nilapag na muli ito ng malumanay sa buhangin. Napatingin naman siya sa kutsilyo. Kinuha niya ito at naghukay ng malalim sa buhanginan. Pagkatapos ay binaon niya ito sa ilalim at tinakpan ito ng mga buhangin.

Nakatayo lang si Zavier sa tabi ng dagat habang ang mga kamay niya ay nakasilid sa bulsa ng kanyang pantalon. Madaling pumunta si Janella sa kanya. “Zavier?” tumabi siya sa kaliwang bahagi ng binata.

Tumingin siya kay Zavier ngunit nagulat siya nang makita niyang nakapikit ito at mukhang may iniisip. “Pasensya!” paumanhing wika niya at dahan-dahan na siyang umatras habang nakayuko.

Ilang minuto na ang nakalipas at hindi pa rin nagsasalita si Zavier. Napatingin muli si Janella sa kanya. Napapangiti na lang si Zavier ng paunti-unti habang dinadamdam ang malamig na hangin na humahalik sa kanyang mukha. Namula ang prinsesa bigla nang makita niya ang matamis na ngiti nito.

Mas lumakas pa ang hangin at gininaw na si Janella. Madali niyang hinawakan ang magkabila niyang braso habang patuloy lang niyang pinagmamasdan ang pagmumukha ni Zavier. “Zavier?” mahinang tawag niya.

Mukhang nabingi na si Zavier at nakapikit pa rin siya.

Zavier?” medyo nilakasan na niya ang pagtawag.

Binging-bingi na talaga siya.

Zavier?!” kinalabit na niya ito sa kaliwang balikat.

Dumilat na siya ng marahan.

Ha!” nagulat si Janella sa kanyang nakita mula sa mga mata ni Zavier. “Z-Zavier! Ang mga mata mo!” tinuro niya pa ang kanyang mga mata.

Pumikit muna si Zavier bago siya tumingin sa kanya. “Yes, princess...” ningitian niya ang prinsesa.

Bakit…umiilaw… ang mga mata mo? A-Ang ganda! Light blue ang kulay!” pautal na wika niya. Nabighani siya sa kanyang nakikita dahil ngayon lang niya ito nakita sa kanya.

Lahat ng mga nakatira dito ay umiilaw ang mga mata. Palatandaan na kami ay mga talagang isang spirit, princess.”

Ah...” tumatango si Janella habang nakatingin lang sa mga mata niya.

Pero...” ngumiti muli si Zavier. “Umiilaw lang ang mga mata ko kapag natatamaan lang ng sinag o liwanag ng buwan.”

Ah...” tumatango pa rin siya.

Tumawa siya ng marahan at tumingin na siya sa buwan.

Tumingin si Janella sa dagat. “Ang ganda… kumikinang ang tubig.” tumingin siya sa buwan. “Ang ganda rin ng buwan. Ang liwanag tapos light blue rin ang kulay. Ang laki pa. Ngayon lang kaya ako nakakita ng ganitong kalaking buwan sa buong buhay ko.”

Siya ay si Goddess Icarus, princess. Siya ang aming diyosa.” mahinang wika ni Zavier.

Tumingin si Janella sa kanya at madaling tumingin muli sa buwan. “Ay! O-Oo nga pala! Ang diyosa n’yo nga pala ay isang buwan---”

Mabuti naman dahil nandito na siya ngayon, inantay ko siya nung isang araw na nandito ka. Pero di ba wala siya? Nakakalungkot.” nakatingin lang si Zavier sa buwan. “Nakatingin sa ‘yo ang aming diyosa. Masaya siyang nakatingin sa ‘yo at binati ka niya ng magandang gabi.”

Nagulat si Janella. Malumanay siyang tumingin kay Zavier. “Ahm, nagsasalita siya?” mahinang tanong niya.

Tumango siya. “Naririnig ko sa aking isip, princess.”

Talaga?” malumanay na tumingin si Janella sa buwan. “Ahmm…h-hello po! Hehehe!” maliit siyang kumaway sa buwan dahil hindi niya alam kung paano niya ito babatiin at dahil nahihiya rin siya. Sumulyap ang mga mata niya kay Zavier pagkatapos. “P-Paano mo n-nalalaman na nakatingin siya sa ‘kin? W-Wala kasi akong makitang mukha e.” pautal na wika niya.

Nakangiti lang si Zavier habang nananatiling nakatingin sa buwan.

Ahmm...” hindi mapakali si Janella, ang mga daliri niya ay nagiging malikot. “A-Alam mo, kahit na alam kong maliwanag na ‘to sa ‘yo. M-Madilim pa rin ‘to sa ‘kin. Parang ang palagi kong hinahanap na liwanag dito ay galing talaga sa ilaw.”

Huwag kang mag-alala princess, wala namang multo dito...” mahinang wika niya.

Masama niyang tiningnan si Zavier. “Hindi sa multo ako natatakot Zavier!” inis na wika niya. “Baka kasi may mga mababangis na hayop na pumunta dito na hindi natin alam. Tapos baka---”

Walang ganu’n dito... Mga mababait ang mga hayop dito.” tumingin siya ng nakangiti kay Janella.

Hm...” yumuko si Janella. “E kasi... malay mo?” natatakot pa rin siya.

Magkaiba ang mga hayop dito sa inyo, princess. Hindi kailanman nananakit ang mga hayop dito. Mga palakaibigan din sila kaya huwag kang matakot.” masayang wika ni Zavier. Tumingin na muli siya sa buwan at talagang sarap na sarap siyang titigan ito.

Ahmm…” palinga-linga si Janella.

Sumulyap ang mga mata ni Zavier sa prinsesa nang marinig niya ang tinig nito.

Saang lugar naman kaya sa Destiny World ang pananatilihan ko?”

Di ba maghahanap pa tayo?”

Bakit hindi pa tayo maghanap ngayon?”

Mga gising pa ang mga tao do’n, princess... Masyado pang maaga.” at muli niyang binalik ang kanyang tingin sa buwan.

Ah, okay...” yumuko na naman siya. “Kung ganu’n, ano na ang gagawin ko dito?” pumikit siya at mukhang naiinip na.

Maya-maya, aalis na tayo. Sinisigurado ko lang naman na dapat tulog na ang lahat do’n.”

Napabuntong-hininga ang prinsesa at umupo na lang siya sa buhanginan.

Napatingin si Zavier sa kanya. “Princess.”

Lumingon at tumingala si Janella para tingnan siya. “Bakit?” walang ganang tanong niya.

Gusto mo bang pumunta tayo sa isa pang paborito kong puwestuhan?” nakangiting wika niya. “Para may magawa tayo. Nararamdaman ko kasi na naiinip ka na.”

Tumayo ng malumanay si Janella habang ang kanyang pagmumukha ay walang kasigla-sigla. Tumingin siya kay Zavier. “Saan naman ‘yun?”

Halika!” hinawakan niya bigla ang kamay ni Janella at sabay takbo.

Woah!” nabigla si Janella at napatakbo rin siya.

Sa Doherty Palace, nakauwi na sa palasyo ang ika-unang pangkat. Nasa kwarto sila ni Adelaide ngunit hindi maganda ang nangyayari sa loob. Pinapagalitan na silang lahat dahil ang tagal nilang nasa labas ngunit wala rin namang nangyari. Ang ikalawang pangkat naman ay mga hindi rin nila natapos ang kanilang gawain sa hardin. Mga nasa loob na sila ng palasyo at ginagawa na ang kani-kanilang mga chores na dapat gawin tuwing gabi.

Lumabas si Baron sa kwarto at pumunta siya sa hardin nang matapos na silang pagalitan.

Makinig po kayo sa ‘kin, walang kayang sumagot ng aming tanong para po sa CCTV camera. Pero hindi po kami susuko! Maghahanap pa rin po kami kahit anong mangyari.” wika ni Baron sa mga taong magbabantay sa hardin.

Nakatingin at nakikinig lang silang lahat kay Baron. Nakaupo silang lahat sa bermuda grass ng nakalinya habang nasa harapan lang nila si Baron.

Kaya bantayan n’yo po ‘yung hardin ng maayos. Pero kapag may mga CCTV camera na po, makakauwi na po kayo at matatanggap n’yo na rin po ang pera mula kay Queen Adelaide bilang kapalit sa mabuting ginawa ninyo.”

Oo! Hindi na talaga kami makakatulog. Hindi naman namin sinasadyang makatulog e.” wika ng isang magbabantay.

Tumayo ang mga nasa harapan ni Baron at yuko ng yuko ito sa kanya.

Pasensya na po at hinding-hindi na po ulit ‘yun mangyayari! Pasensya na po talaga!!!” paumanhing wika naman ng isa.

Pataka na ang ekspresyon ng pagmumukha ni Baron habang pinagmamasdan ang taong nagmamakaawa sa harapan niya. “Ah, tama na po. Tapos na po ‘yun. Kalimutan na po natin yun.”

S-Salamat po!”

Ahehehe…opo!” natawa na lang ng kakaunti si Baron kahit na malungkot siya. Dahil na nga sa pinagalitan sila at lalo na siya. Siya kasi ang pinuno ng ika-unang pangkat kaya naramdaman niya na kasalanan niya ang lahat.

Maya-maya ay maghahatinggabi na. Lahat ng mga katulong ay mga nasa kwarto na nila at mga nakabukas ang bawat kandila sa tabi ng bawat kama nila. Ang bawat grupo ay mga nakapabilog, nakaupo’t nakasalampak sa sahig at medyo maingay dahil pinaguusapan ang bawat gagawin nila.

Si Mitch ay nasa kama lang niya. Nakayuko’t malungkot ang ekspresyon ng kanyang pagmumukha at mukhang malalim rin ang iniisip. Nakita siya ni Harony kaya lumapit siya at tumabi kay Mitch sa kama.

Hello Mitch.” masiglang bati ni Harony sa kanya.

Hindi kaagad sumagot si Mitch at napabuntong-hininga lang. Lumingon siya at tumingin kay Harony pagkatapos. “Bakit Harony?” mahinang tanong niya.

May problema ka ba?”

Hmm…” yumuko muli siya. “Iniisip ko lang naman si Princess Janella.”

Ah, ganu’n ba? Hindi lang naman ikaw ang nag-iisip sa kanya, kami rin naman Mitch.”

Sana ayos lang siya. Kahit na... hindi natin alam kung nasaan na ba siya ngayon at kung ano na rin ang ginagawa niya ngayon.”

Yumuko si Harony. “Sa totoo lang, medyo naiinis na ako kay Ginoong Lucius.” mahinang wika niya.

Tumingin si Mitch sa kanya. “Bakit?” kumunot ang noo niya.

E kasi... pangatlong beses na ‘to. Ano pang ginagawa niya? Palagi na lang siyang wala. Tapos sinasabi pa niya na siya na daw ang bahala sa susunod na mawala pa daw si Princess Janella. Pero nasaan siya ngayon? Wala pa rin naman di ba? Pinapakita niya sa atin na parang wala siyang pakialam sa nangyayari.”

Sana talaga may katulad pa ni Ginoong Jasper. Nung siya pa... hindi siya ganyan. Palagi nga siyang nasa tabi ng ating prinsesa. Maaalalahanin ‘yun sobra.” wika ni Mitch.

Hindi ko nga maintindihan si Ginoong Lucius e. Parang ano...”

Ano?”

Nilapit ni Harony ang bibig niya sa kaliwang tenga ni Mitch. “Ayoko siyang maging kabalyero ni Princess Janella.”

Napatingin sa ibaba si Mitch.

Kasi... parang wala siyang pakialam sa ating prinsesa. Tapos tayo pa ang gumagawa ng mga dapat na ginagawa na niya ngayon. Kasi siya ang may karapatang gumawa nito di ba? Siya ang kabalyero e.”

Tumango ng dahan-dahan si Mitch habang siya ay nakatingin lang sa ibaba. “Pero mas maganda pa rin na magtulungan tayong lahat.”

Oo nga, pero dapat siya ang nagsasabi kung ano ba ang dapat nating gawin. Dapat nga kasi nandito lang siya nakabantay sa ating prinsesa.”

Nanahimik na lang si Mitch.

Lumayo ng malumanay si Harony sa kanya at umupo na ng maayos. “Hindi sa sinisiraan ko siya.” nagkibit siya ng balikat. “Pero ‘yun ang masasabi ko sa kanya e… totoo lang naman ako.”

Tumingin siya kay Harony. “Pero malay mo... hindi lang natin alam na may ginagawa naman pala siya ngayon.” mahinang wika niya.

Kung ganu’n nga, bakit wala siyang sinasabi sa atin para hindi tayo nag-aalala ng ganito?”

Ewan ko…” nagkibit ng balikat si Mitch. “Hindi niya pwedeng gawin ng hindi maayos ang kanyang trabaho. Pinagkatiwalaan siya ng ating mahal na reyna.”

Kaya nga…” kumunot ang noo ni Harony habang nakatingin kay Mitch.

Guys, matulog na tayo. Masyado na tayong puyat at napag-usapan naman natin ng maayos ang mga gagawin.” walang ganang wika ni Baron at halatang inaantok na siya. “Sige, matutulog na ako.” humikab pa siya at pumunta na sa kama niya. Humiga’t wala pang limang segundo ay nakatulog na siya kaagad. Nakalimutan pa niyang patayin ang kanyang kandila.

Sige…” ningitian ni Harony si Mitch at sabay punta sa kama niya.

Si Clayden na ang nagpatay ng kandila ni Baron. Lahat sila ay nagsipuntahan na sa kani-kanilang kama. Pinatay muna nila ang kanilang kandila bago sila humiga’t natulog.

Kay Mitch naman, pinatay na rin niya ang kanyang kandila. Nakaupo pa rin siya habang nakayuko.

Princess Janella… Nasaan ka na ba? Masyado na akong nag-aalala… Pangatlong beses mo na ‘to… Hindi ko na nga magawa ng maayos ang mga trabaho ko kakaisip sa ‘yo. Bumalik ka na dito pakiusap...” mahinang wika niya. Naluha siya at madali niya itong pinunasan gamit ang kanan niyang kamay. “Miss na kita kaibigan…”

Humiga na siya at kinumutan ang buong katawan habang umiiyak. Bigla niyang naisip ang unang pagsasama nila ni Janella nung sila ay mga bata pa. Pumikit siya at bumalik ang ala-ala.

Gabi na sa kanila at pupunta ang mag-ina na sina Adelaide at Janella sa ikatlong palapag. Hawak-hawak lang ni Janella ang kamay ng nanay niya habang sila ay naglalakad. Ngunit nadaanan nila ang nakahigang bata ng nakatagilid sa marble floor. Katabi lang niya ang timbang may laman na tubig habang hawak-hawak pa ng kaliwang kamay niya ang basahan. Mukhang naglilinis pa siya ngunit nakatulog na siya sa matinding pagod.

Nakita ito ni Janella at hindi niya inalis ang kanyang tingin sa bata. “Ina! Ina!” hinihila niya ang kamay ni Adelaide para siya ay mapansin.

Diretso lang ang titig ni Adelaide at seryosong sumulyap ang kanyang mga mata sa kanya. “Bakit anak?”

Huminto sa paglakad si Janella habang nakatingin pa rin sa bata. “Tingnan mo po siya.”

Seryoso niyang tiningnan ang batang nakahiga.

Tumingala ang prinsesa para tingnan siya habang malungkot ang kanyang pagmumukha. “Kawawa naman po siya... pagod na pagod siya.”

Tumingin muli ng diretso si Adelaide. “Nagpapahinga na siya.”

Pero… di ba dapat po sa kwarto? B-Bakit hindi po siya do’n?”

Hindi pinakinggan ni Adelaide si Janella. “Halika na anak.” pinagpatuloy muli niya ang kanyang paglakad ngunit pinigilan siya ni Janella.

Ina! Patulugin naman po natin siya sa magandang kwarto! Isa na naman ba itong parusa?” malungkot niyang wika habang hinihila muli ang kanyang kamay.

Kumunot ang kanyang noo at masamang tiningnan si Janella. “Janella! Binigyan ko na siya ng kwarto. Huwag ka ngang makulit!” tumingin muli siya ng diretso. “Halika na!”

Ayoko po!” binitiwan ni Janella ang kanyang kamay. Pumunta naman siya sa likuran nito at hinila naman ang palda. “Bakit dito po siya natutulog kung may kwarto po pala siya? Parang wala naman po yata siyang kwarto e! Pinaparushan n’yo na naman po siya!”

Hindi ko siya pinaparusahan!” at hinila ni Adelaide ang kanyang palda habang masamang nakatingin sa kanya.

Ah!” nabitiwan ng prinsesa ang kanyang palda at napaupo siya bigla. Tumingin muli siya sa kanya.

Halika na! Matulog na tayo!” inabot niya ang kanyang kaliwang kamay kay Janella na nasa kanyang likuran.

Nakaupo lang si Janella. Umikot siya at tumalikod sa kanya. “Ayoko!” at humalukipkip.

Binaba na lang niya ang kanyang kamay at napabuntong-hininga. Tumingin na lang muli siya ng diretso at sabay layas.

Tumingin sa likuran si Janella at tiningnan muna ang nanay niyang naglalakad hanggang sa nawala na ito sa kanyang paningin. Napatingin muli siya sa batang nakahiga. “Bata!” tawag niya at gumapang siya papunta sa kanya. Inalis niya ang basahan na hawak-hawak nito at nilagay sa timba. Kinalabit niya ang braso nito para gisingin. “Gising...”

Nagising siya. “M...mhhmm...” mahinang pagkakaungol niya. Tumihaya siya at dumilat ng marahan. Malabo-labo pa ang kanyang paningin kaya hindi niya gaanong makita si Janella.

Matulog ka na kaya sa kwarto mo. Bakit hindi ka pa pumunta do’n at matulog?” tanong ng prinsesa.

Nabosesan ng bata si Janella. “M-My Lady?” mahinang tanong niya na malat pa ang boses dahil bagong gising.

Oo... ako ‘to.” hinawakan niya ang kamay ng bata at ngumiti.

Nagulat ang bata nang hawakan niya ang kanyang kamay. Habang tumatagal ay paunti-unti nang lumilinaw ang kanyang paningin. Napatitig siya sa mga mata ng prinsesa.

Matulog ka na sa kwarto mo.”

Hindi siya kaagad nakasgot. “W-Wala po akong kwarto, mahal na prinsesa.”

Nagulat si Janella. “T-Talaga? Pero sabi ni ina may kwarto ka daw.”

Kinusot niya ang kanang mata niya. “Ah, g-ganu’n po ba? B-Baka hindi ko lang po alam... s-salamat po kung ganu’n.”

Oo sabi niya sa ‘kin kanina. Sana pala natanong ko kung saan. Pero di bale.” tumayo siya habang nakatingin sa kanya. “Halika.” inabot niya ang kanang kamay niya.

Natakpan ng katawan ni Janella ang liwanag ng ilaw na tumatama sa paningin ng bata. Umupo siya at tumayo habang nakasabog pa sa kanyang mukha ang buhok niya.

Bakit hindi mo hinawakan ang aking kamay?” mahinahong tanong niya habang siya ay nakangiti. Binaba na lang niya ang kanyang kamay pagkatapos.

Yumuko ang bata. “Marumi po kasi ang aking kamay…” tiningnan niya ang magkabila niyang kamay at pinagpag sa kanyang damit. Nakayuko pa rin siya at mukhang nahihiya sa sarili.

Ikaw naman...” ngumiti muli si Janella at inabot muli ang kanyang kamay. “Sige na... hawakan mo na ang aking kamay.”

A-Ayoko po...” umiling siya.

Patingin nga kung marumi nga.” mabilis niyang hinawakan ang magkabilang kamay ng bata habang madali rin niyang tiningnan ang dalawang palad nito.

A-Ahmm...” walang masabi ang bata. Gusto niya sanang alisin ang kamay ng prinsesa sa kanya ngunit hindi niya magawa dahil baka magalit ito sa kanya.

Hmm...” nilapit pa ni Janella ang kanyang mukha sa kanyang palad. “Hindi naman marumi e! Malinis nga!” sinabi pa rin niyang “malinis” kahit na medyo marumi nga ang kamay nito.

Nahihiya lang ang bata.

Tara!” masayang wika ng prinsesa at sabay takbo habang nakahawak sa kanyang kamay.

Ah!” nabigla siya at napatakbo rin.

Maya-maya sa ikatlong palapag, masayang-masaya si Janella nang makasama niya ang bata at ngayon ay nasa tapat na sila ng kwarto ng prinsesa habang hinihingal silang pareho.

Pasensya na kung... napagod kita. Pwede naman tayong maglakad e! Hehehe... Pero kasi... wala lang! Gusto ko lang!” nakangiting wika ng prinsesa habang nakahawak sa magkabila niyang tuhod.

Hinihingal lang ang bata habang nakatingin rin sa kanya.

Ayos ka lang ba?” hinawakan niya ang likuran nito.

Nagulat siya at namula. “A-Ayos lang po ako...”

Mabuti naman.” inalis niya ang kanyang kamay sa kanyang likuran at binuksan ang pinto. Humarap siya sa bata. “Pasok ka...” ngumiti muli siya.

Tumingin siya sa mga mata ng prinsesa. Nakikita niya na bukal sa kanyang kalooban nito na gusto talaga siyang patulugin sa kwarto. “A-Ahmm...” wala siyang masabi.

Nakangiti pa rin ang prinsesa sa kanya. Gumilid pa siya para bigyan siya ng daan pagpasok sa loob.

Napatingin ang bata sa loob ng kwarto. “Wo..w.” humanga siya sa kagandahan ng kwarto nito.

Kulay rosas ang buong kwarto nito at ang mga gamit naman ay mga kulay puti. May mga larawan pa siya sa dingding habang sa tabi ng kama ay isang kabinet at isang kahon na punung-puno ng mga iba’t-ibang laruan. May mga laruan pa ngang nagkalat sa loob na nakalimutan pang ibalik. May supa rin siyang isa at kumpleto siya sa lahat ng kagamitan.

Umiling ang bata. “H-Hindi po ako pwedeng pumasok.”

Sumimangot ang prinsesa. “Bakit naman?” nagtaka siya.

Ahmm…” yumuko muli siya. “B-Bawal po kasi… Sabi po ‘yun ng nanay n’yo sa ‘kin.”

Halika na.” lumapit siya at hinablot ang kaliwang kamay ng bata at sabay pasok sa loob.

M-My Lady!” napilitan siyang pumasok.

Anong pangalan mo nga pala?” tanong ni Janella at binitiwan na niya ang kanyang kamay.

Ahm… M-Mitch po…” kinabahan si Mitch nang makapasok na sila sa kwarto.

Nice name!” ngumiti siya. “Gusto kitang maging kaibigan, Mitch.” at inabot muli ang kanan niyang kamay sa kanya. “Shake hands?”

Ahm…” naiilang na wika niya. Napatingin siya sa kamay ni Janella at hinawakan niya ito ng malumanay.

Okay, simula bukas… palagi na kitang pupuntahan do’n sa pwesto na nakita kita. Tapos palagi na tayong magkasama simula ngayon!” masayang wika niya habang nagshe-shake hands na sila.

O-Opo…” mahinang wika niya.

Malumanay na niyakap ni Janella si Mitch sa tuwa. “I’m so proud of you kasi napakasipag mo. Ilang taon ka na?” masayang wika niya habang yakap-yakap siya.

Nagulat siya nang bigla siyang yakapin. Hindi siya makagalaw dahil hindi niya akalaing gagawin niya ito sa kanya. “Ahmm... s-sampung taong gulang p-po ako.”

Ah, siyam na taong gulang naman ako.” nakangiting wika niya.

O-Opo.” mabagal siyang tumango.

Sige, matulog na tayo kaibigan.” masayang wika niya at bumitaw na sa kanya.

“……….” hindi alam ang gagawin ni Mitch. Nakatayo lang siya.

Umalis na si Janella sa kanyang tabi. “Sige na...” umupo siya sa kanyang supa habang masaya siyang pinagmamasdan. “Diyan ka matutulog sa kama ko.” tinuro pa niya ang kanyang kama habang nakangiti.

P-Pero… bawal po e…”

Pwede ‘yan! Akin naman ‘tong kwarto!”

Nalilito na si Mitch kung sino ba ang susundin niya. Si Adelaide ba o si Janella, pero wala siyang nagawa. Sumunod na lang siya sa kahilingan ng prinsesa. Napalunok siya at kinabahan. Sumampa siya ng marahan sa kama at tumingin sa kanya.

Tumayo si Janella. “Oo nga pala, ‘yung pinto, nakalimutan kong isara.” pumunta siya sa pinto at sinara niya ito ng marahan.

Nakaupo lang ng tahimik si Mitch sa kama habang nakatingin kay Janella.

Pumunta naman ang prinsesa sa kanya pagkatapos. “Matulog ka na kaibigan.” mahinang wika niya. Umupo siya sa kanyang kama habang nakatitig sa kanya.

Nananatiling nakatingin si Mitch sa mukha niya na medyo malapit na sa kanyang mukha. Medyo nilayo niya ang kanyang mukha dahil naiilang siya.

Humiga ka na Mitch, para makapagpahinga ka na.” nakangiting wika niya.

Tumango siya ng mabagal at humiga.

Kinumutan pa siya ng prinsesa. “Good night...”

Namula na naman si Mitch habang tinitingnan ang matamis na ngiti niya.

Tumayo at pumunta na sa supa si Janella. Humiga na siya at natulog.

Nakatingin lang siya sa prinsesang nakapikit at nakikiramdam pa siya kung nakatulog na ba siya kaagad. Nagtangka pa siyang tumakas sa kwarto dahil kapag nakita siyang nasa kwarto nito ay siguradong mapapagalitan siya. Pero bigla na lang siyang inantok dahil sa lambot ng kama. Nasarapan siya at ayaw nang umalis pa. Pinipilit pa niyang hindi mapapikit pero hindi niya nakayanan. Napapikit pa rin siya at nakatulog kaagad.

Sa kasalukuyang Mitch. “Janella…” mahinang wika niya habang siya ay nakapikit at lumuha pa ng isa. Hindi na rin niya namalayan na nakatulog na pala siya kahit na nakapikit lang ng saglit. Dahil na rin ito sa pagod at dahil na rin sa kakaisip ng magandang samahan nila ni Janella.