15: Everything Has Changed


 

Sa Bhingelheim World naman, ang sinag ng buwan ay umaabot pa hanggang gubat kaya medyo maliwanag dito kahit na natatakpan pa ito ng mga malalagong puno. Nagiging medyo kulay asul ang buong kagubatan dahil na nga sa liwanag ng buwan. Palingon-lingon si Janella habang hawak-hawak niya ang kanyang mga kamay na nakatutop sa kanyang dibdib. Nasa harapan niya si Zavier, inaalis ang mga sanga ng halaman o ng mga mahahabang damo na nakaharang sa dadaanan nila. Gusto sanang kumapit ni Janella kahit sa damit man lang ni Zavier dahil sobra-sobra na siyang natatakot ngayon. Gusto lang niya sana maramdaman na may kasama talaga siya at hindi siya nag-iisang naglalakad sa likuran. Dahil ang alam niya na kapag ginawa niya ‘yun ay mababawasan ang takot niya dito sa madilim na gubat. Pero hindi niya nagawang kumapit at patuloy lang silang naglalakad.

Sa isang pwesto, sa kanang bahagi ng prinsesa. Ang dalawang puno dito ay hindi naman ganu’n kalago kaya mas nakakapasok ang liwanag. Ngunit parang naging isa itong spotlight, na kung saan nakapokus ang liwanag sa isang lugar. Nakakita si Janella ng mga hati-hating kahoy habang may mga nakaukit pa dito. Mga nakatambak lang ang mga ito sa tabi ng matandang puno kasama ng mga magagandang bato na kumikinang pa sa tuwing na tinatamaan ng liwanag ng buwan.

Tumigil sa paglakad si Janella. “Wow! Ang ganda naman nu’n Zavier!” nakangiti siya habang nakaturo sa pwesto na ‘yun. Naakit siya kaagad sa kagandahan ng mga batong kumikinang at sa mga nakaukit na larawan.

Huminto rin si Zavier at lumingon sa likuran para tingnan ang tinuturo ni Janella. Nakita niya ang kanang kamay ng prinsesa na nakaturo nga do’n. Lumingon siya sa kanan niya at napansin din ‘yun. Ngumiti siya. “Oo nga...”

Pwede ba tayo pumunta do’n?” nakaturo pa rin si Janella do’n pero nakatingin na siya kay Zavier.

Humarap si Zavier sa kanya. “Oo naman...” nananatili siyang nakangiti.

Halika, samahan mo ako.” nakangiting wika ni Janella. Maglalakad na sana siya nang biglang pinigilan naman siya ni Zavier.

T-Teka lang princess, kailangan natin maging tahimik at maging dahan-dahan sa paglakad dahil may mga natutulog na do’n.” pabulong wika ni Zavier.

Tahimik naman ako ah...” ngumuso si Janella.

Ibig kong sabihin, siyempre sabik mo nang makita ng malapitan at mahawakan ang mga ‘yun. Maging dahan-dahan lang tayo sa paglakad ha? Huwag kang tumakbo.”

Tumango si Janella. “Alam ko. Halika na.” bulong niya.

Nauna na si Zavier at sumunod naman si Janella sa kanya pagkatapos. Ngunit may naapakan siyang malambot.

Nanlaki ang mga mata niya. “Oops!” bigla siyang tumigil sa paglakad.

Lumingon sa likuran si Zavier at tiningnan si Janella. “Bakit princess?”

M-May naapakan akong m-m-m...” hindi niya masabi ang gusto niyang sabihin dahil diring-diri siya. Ayaw na niyang ialis pa ang paa niya at nanigas na siya na parang isang bato.

Tumagilid ang ulo ni Zavier. “M-Ma?”

Napapikit si Janella ng sobra-sobra at nagmukha pang maasim. Diring- diri siya.

Patingin nga ako princess.” lumuhod siya sa kanyang harapan para tingnan.

Zavier! Nakakadiri!!! Eeeww!!! Ano ba ‘yan!!!”

Ssshhh! Huwag tayong maingay!” nakaluhod pa rin siya. “Nasaan ba princess? Wala naman akong makita.”

Naramdaman pa ni Janella na parang buhay ito dahil naramdaman niya ang mga nagwawalang mga paa nito. “AAHHH!!!” napatalon siya at sabay kapit kaagad sa likuran ni Zavier.

P-Princess!” napaatras siya at muntikan pang matumba nang kumapit bigla sa kanya ang prinsesa.

A-Ano yun?!!! Akala ko kung ano na ang naapakan ko! Pero bakit gumalaw?!!! Buhay e!!!” pandidiring sigaw niya.

Tumingin si Zavier sa bagay na ‘yun. Nagulat siya. “Naku po!” marahan niya itong kinuha.

Eeeww, Zavier! Huwag mong hawakan ‘yan!” tinago niya ang kanyang mukha sa balikat ng binata. “Ang baho!!!” diring-diri pa rin siya.

Wala namang amoy na mabaho ang bagay na hawak-hawak ni Zavier at talagang alam niya kasi na kung ano pa rin ang naapakan niya.

Mr. Rogre... p-pasensya na po kung naapakan ka po ng kasama ko. H-Hindi naman po niya sinasadya.”

Nakabaliktad pa si Mr. Rogre sa mga kamay ni Zavier. Nakatihaya’t habang ang kanyang mga paa ay nagwawala. “Patayuin mo ako Zavier!” nainis ang hayop.

O-Opo.” malumanay na nilapag ni Zavier ang hayop sa lupa.

Napaubo siya. “Ano ba ‘yan! Ang tanda-tanda ko na e, inaapak-apakan pa rin ba ako?!” umubo muli.

H-Hindi po sinasadyang apakan ka ng kasama ko po, Mr. Rogre. Hindi rin naman po niya ginustong mangyari ‘yun. P-Pasensya na po talaga at hindi ka po niya talaga nakita.” paumanhing wika ni Zavier.

Sumilip si Janella para tingnan ang hayop. Kulay lupa ito at parang garapata ang itsura pero malaki. “Eeww...” pumikit siya at muli niyang tinago ang mukha niya sa balikat ng binata.

Pasensya na po.” yumuko ng yumuko si Zavier.

Napaubo muli si Mr. Rogre. “Sino ba ‘yang kasama mo, ha?! Bigyan mo nga ‘yan ng leksyon! Matanda na ako!” mataas na tonong sabi niya.

Pasensya na po talaga, Mr. Rogre.” yumuko muli si Zavier.

Ang sakit na tuloy ng katawan ko! Dalhin mo na nga ako sa tirahan ko! Wala pa naman ang buong pamilya ko do’n at namamasyal pa naman sila ngayon dito sa gubat! Sinabi ko pa naman sa aking asawa na susunod ako sa kanila pero hindi na pala!”

Eh ‘di ganito Mr Rogre, dadalhin ko na lang po kayo sa pupuntahan n’yo po ngayon.” lumingon-lingon siya. “Nasaan po ba sila?”

Huwag na Zavier! Ang sakit-sakit na ng katawan ko e! Dalhin mo na lang ako sa tirahan ko!”

Narinig ni Janella ang pinag-uusapan nila. Sumilip na naman siya at tiningnan ang hayop. Nakita niya na nakaharap ito sa pupuntahan nila. “Naku po! Bakit do’n pa?! Ayoko na talagang maglakad!” wika niya mula sa kanyang isip at tinago na naman ang mukha niya sa balikat ni Zavier ng marahan.

Alam ni Zavier kung saan nakatira si Mr. Rogre kaya hindi na niya tinanong kung saan pa. “Masusunod po.” ngumiti siya. Lumingon siya sa likuran niya para sabihan si Janella na bumitaw na sa kanya. “P-Princess.” mahinang tawag niya.

Hindi pa man tapos magsalita si Zavier nang bigla namang sumagot si Janella kaagad. “Ayoko nang maglakad, Zavier… Ayoko na…” pabulong na wika niya habang nakatago ang kanyang mukha sa kanyang balikat.

Bakit?”

Umiling na lang siya.

Anong problema, Zavier?” pagtatakang tanong ni Mr. Rogre. “Bakit hindi mo pa ako dalhin?”

Lumingon muli sa harapan si Zavier para tingnan ang hayop at ningitian. “Ah... w-wala po. Pasensya na po ulit.”

Dalian mo na! Ano pa ba kasi ang hinihintay mo?!” naiinip na siya.

Kinuha niya muli si Mr. Rogre mula sa ibaba at nilagay na lang niya ito sa ibabaw ng kanyang ulo. “Mawalang galang na po pero maaari po bang kumapit muna kayo sa aking mga buhok? Baka kasi mahulog po kayo.”

Lalong nandiri si Janella nung ilagay pa ni Zavier sa kanyang ulo ang matandang hayop. Dahan-dahan niyang tiningnan si Mr. Rogre sa ulo ng binata. Nakaharap pa sa kanya mismo ang pwet nito. “MMM!!!” nagulat siya at naging kulay berde na ang buong mukha niya. Dahan-dahan niya muling tinago ang kanyang mukha sa balikat ni Zavier.

Hinawakan ni Zavier ang magkabilang binti ni Janella para buhatin. Dahan-dahan na siyang tumayo pagkatapos.

Nagulat si Janella nang bigla nitong hawakan ang kanyang mga binti. Hinigpitan niya ang kanyang pagkapit sa kanya para hindi siya mahulog.

Dahan-dahan lang na naglalakad ang binata habang papunta sa tirahan ni Mr. Rogre. Nung siya ay makarating na dito, lumuhod muli siya at kinuha na ang matandang hayop sa kanyang ulo.

Nandito na po tayo.” nilapag niya ito ng maayos sa tabi-tabing mga kahoy.

Salamat sa ‘yo, Zavier.”

Opo, wala pong anuman.” ngumiti sya.

May mga iilang butas ang mga kahoy at do’n pumasok si Mr. Rogre sa loob. Hindi na siya lumabas pa pagkatapos.

Bumuntong-hininga si Zavier at tumingin siya sa kanyang likuran para tingnan si Janella. Ganu’n pa rin at nakatago pa rin ang mukha nito sa kanyang balikat. “Princess, nandito na tayo.” nakangiting wika niya.

Sumilip si Janella at nakita niya ang mga butas-butas na mga kahoy. Pinagmasdan niya ang mga abstract arts na mga nakaukit dito. Mga hindi niya maintindihan kung anong ibig sabihin nito pero mukhang magaganda naman ang mga mensahe. Nakita din niya ang magagandang bato na katabi ng mga kahoy. Kapag nakita mo nang malapitan, kumikinang-kinang pala ito ng kulay asul at may mga mukhang glitters din na nakadikit pa dito.

Wow...” napangiti ang prinsesa. Gusto niya sanang bumaba ngunit bumaba dito si Mr. Rogre. Baka kasi may maapakan na naman siya at maramdaman na naman ang pakiramdam na hindi niya maipaliwanag.

Tumingin si Zavier sa mga bato habang nakangiti.

Titig na titig si Janella dito. “Pwede bang ikuha mo ako ng isa, Zavier?” at tinuro niya ang isang batong gusto niyang kunin. “Pati na rin isang kahoy?” at tinuro naman niya pagkatapos ang kahoy na gusto niya.

Pasensya na pero hindi pwede, princess. Tirahan kasi ito nila Mr. Rogre at ayokong makialam at sirain ang kanilang tirahan.”

Ay...” ngumuso siya. “Okay…”

Dito natutulog ang buong pamilya niya at ginawa ko ‘to para sa kanila. Sana maintindihan mo ako.”

Naiintindihan ko.” tumango siya. “Inaalagaan mo ba lahat ng mga hayop dito sa gubat?”

Yes, princess, wala na kasing iba pang pumupunta dito kundi ako lang.”

Ay ganu’n? Nasaan ba sila?”

Nasa nayon namin.”

Sa nayon? Bakit hindi ka do’n palagi?”

Mas masaya ako dito.”

Hmm… ganu’n?”

Dito rin kasi palagi nagpapakita ang aming diyosa na si Icarus. Palagi kasi akong nagdadasal at gusto ko kaharap ko siya kapag ako ay nagdadasal. At higit sa lahat, gusto ko siya makita palagi.” mahinahong wika niya.

Ah, bakit do’n sa nayon? Bihira lang ba?”

Oo, sa tuwing kaarawan lang niya.”

Hm, okay.” tinago ni Janella ang kalahating mukha niya sa balikat ni Zavier habang nakatingin sa bato.

Saka kaya rin ako nandito palagi, malapit kasi dito sa gubat ang dagat. Gustong-gusto ko talaga ang kulay asul dahil sa tuwing nakikita ko ‘yun, nakakaramdam talaga ako ng kaginhawaan.”

Napangiti ang prinsesa at naalala niya bigla ang telang pinunit niya nung una silang magkita. Biglang lumungkot ang pagmumukha niya at bigla na lang siyang nakaramdam ng pagkaawa at pagsisisi. Dahil ayon sa nakikita niya kay Zavier, mabait naman ito at dapat ngang pagkatiwalaan. Napatunayan naman niya na isa nga siyang kaibigan at hindi isang kaaway. Dapat hindi na lang niya pinunit ang tela at dapat binigay na lang niya ito sa espiritung tumutulong at nagpapasaya sa kanya ng labis. Bigla siyang nainis sa kanyang sarili dahil nagawa pa niyang pahiyain at saktan ng sobra si Zavier.

Ahmm...” tumingin sa ibang direksyon si Janella at gusto na niyang humingi ng paumanhin sa mga nagawa niyang kasalanan sa binata.

Narinig ni Zavier ang tinig ng prinsesa. “Hm?” napalingon at napatingin siya sa kanya.

Biglang nawala ang lakas ng loob niya. “A-Ahmm... w-wala.” tinago niya muli ang kanyang mukha. Hindi niya masabi ang napakasimpleng salitang “sorry” na kahit naman sa totoong buhay ay mahirap talagang sabihin ang salitang ito.

Sa susunod princess, huwag kang mag-alala, gagawan kita.” ngumiti siya.

T-Talaga?” natuwa si Janella at muli niyang tiningnan si Zavier ng nakangiti. Napatingin siya sa mga kahoy pagkatapos. “Matanong ko lang kung ikaw rin ba ang nag-ukit ng mga larawan sa mga kahoy na ‘to?”

Yes, princess.” ngumiti muli siya at tumango. “Paborito ko talagang gawain ang mag-ukit kapag wala akong magawa.”

Ang galing mo pala talaga ‘no?” at hindi niya sinasadyang mapipisil niya ang pisngi ni Zavier.

A-Aray!”

Nagulat si Janella nung magawa niya ‘yun sa kanya. “Ay! Hahaha!” tumigil siya. “Salamat ha?” ngumiti siya.

Nagulat rin si Zavier nang bigla na lang niya pinisil ang kanyang pisngi. Hinawakan niya ng marahan ang kanyang pisngi pagkatapos. “W-Walang anuman… princess.” pautal na wika niya.

Nananatiling nakangiti si Janella at nag-peace pose sa kanya. “Masakit pa rin ba? Sorry! Haha! Hindi ko sinasadya!”

Ngumiti na lang si Zavier at hinimas na lang ng mabilis ang kinurot na pisngi niya at umiling. “Ayos lang ‘yun. Halika na.” hinawakan muli niya ang dalawang binti ni Janella at tumayo.

Ilang minuto ang lumipas…

Nakasandal lang ang ulo ni Janella sa balikat ni Zavier habang pinagmamasdan ang mga damuhan na nadadaanan nila. Bigla niyang naisip ang mga ala-ala nila ni Zavier nung una silang magkita at magkakilala.

Napapangiti na lang siya habang iniisip ang ala-ala. Para siyang baliw na tinanong pa niya sa kanya na kung babae ba siya o lalaki na porket hanggang balikat lang ang haba ng kanyang buhok ay nalilito na siya. Naisip rin niya ang mga walang kwentang mga tanong na natanong pa niya sa binata. Hindi niya napigilan at bigla na lang siya natawa.

Napalingon si Zavier sa kanya nung marinig niya na natawa na lang siya bigla. “Princess?”

Mabilis na tumigil si Janella sa pagtawa at mabilis rin siyang napatingin kay Zavier. “Ay!” napakamot siya sa kanyang ulo habang nakatawa. “H-Huwag mo akong intindihin. Ahm, nababaliw lang ako hehehe!”

Ngumiti na lang si Zavier at muli siyang tumingin sa kanyang harapan.

Ngumiti rin si Janella at muli niyang sinandal ang kanyang ulo sa balikat. Muli siyang tumingin sa ibaba at naalala rin niya bigla nung una niyang makita ang mga mata ni Zavier. Mga malulungkot ito at mukhang may masakit siyang nakaraan. Napaisip siya. “Ano kaya ‘yun?”

Pasensya na kung bagal-bagal kong maglakad ngayon, kaya ang tagal tuloy natin makarating do’n. Nagdadahan-dahan lang naman ako at baka magising sila. Pasensya na kung naiinip ka na. Huwag kang mag-alala, malapit na tayo.”

Hm? Hindi ka naman mabagal maglakad ah. Ayos lang ako, saka hindi naman ako naiinip. Ako na nga ‘tong binubuhat mo at kailangan ko pa talagang magreklamo sa ‘yo? Masaya nga ako ngayon dahil nakakaaliw ang kagubatan na ‘to para sa ‘kin.”

Ngumiti muli siya. “Masaya naman ako’t nakakapagpasaya pala ang gubat na ‘to sa ‘yo, princess. Mabuti na lang at nandito sa gubat na ‘to ang sinasabi ko sa ‘yong puwestuhan na paborito ko.”

Natawa siya at medyo namula. Pinagmasdan niya ang buong kagubatan at napansin niya na mas maliwanag na dito kumpara kanina. Tumingin siya sa harapan. “Oo nga, mukhang malapit na tayo. Maliwanag na rin ‘no?”

Oo, malapit na kasi tayo sa hangganan ng lupang ito.”

Hangganan?”

Yes, princess, putol ang lupang ito kaya mas nakakapasok na ang liwanag.”

Maya-maya…

Nandito na tayo.” huminto na siya dahil nasa hangganan na siya ng matarik na lupa. Luminga-linga siya.

Nabighani si Janella sa kanyang nakikita. Nakita niya ang karugtong ng lupa ng kanilang inaapakan ngayon sa kanilang harapan. Ganu’n pa rin naman do’n at continuation muli ng kagubatang ito. Punong-puno ito ng mga puno na kulay berde. Pero sa ngayon, naiiba ang kulay ng mga dahon nito sapagkat natatamaan ito ng liwanag ng buwan na kulay asul kaya medyo nagiging kulay asul na rin ang mga dahon nito. Napangiti siya at tumingala. Maaliwalas ang kalangitan at bituwin lang na nagniningning ang nakikita niya. Napangiti siya at mas guminhawa pa ang kanyang pakiramdam ngayon. Napapikit siya.

Lumingon si Zavier sa likuran at tiningnan si Janella. Nakita niyang nakapikit ito. “Princess?”

Ay!” nagulat at napatingin siya kay Zavier. “P-Pasensya na kung ngumingiti na lang ako bigla.” namula siya. “Baliw na yata talaga ako, Zavier! Kanina pa! Hahaha!”

Umiling si Zavier habang nakangiti. “Hindi ka baliw, tatanungin ko lang naman sana sa ‘yo kung inaantok ka na dahil nakapikit ka na.”

Ay hindi ah! Hindi ako inaantok!” natawa si Janella. “Ikaw naman Zavier! Siyempre hindi ako baliw ‘no?! Biro lang ‘yun! Pero pasensya na kung parang ganu’n na nga ako.”

Huwag kang magsalita ng ganyan princess. Hindi ka baliw at alam ko naman na nakakapagpangiti talaga ang kapaligiran… Kaya nga minsan, nakakalimutan din natin ang mga problema natin, di ba?”

Tumingala muli si Janella. “Tama ka… nakakapagpakalma talaga ang kagubatang ito.” napapikit muli siya.

Ngumiti muli si Zavier at tumingala rin.

Zavier, bababa na ako sa ‘yo…” mahinang wika niya habang siya ay nananatiling nakangiti at nakapikit.

O sige.”

Hinanda na ni Janella ang kanyang sarili para sa pagbaba. Nakababa naman siya ng maayos. Pumunta siya sa tabi ni Zavier at tiningnan naman ang ilalim ng lupang inaapakan nila ngayon. Nakita niya ang isang napakalinis na mahabang lawa sa ibaba. Nagniningning rin ang tubig dahil na rin sa reflection ng bituwin sa itaas pati na rin ang liwanag ng buwan na tumatama sa tubig.

Ang ganda Zavier!” napangiti siya. Napaluhod siya habang pinagmamasdan ang lawa. Napapangiti siya at talagang damang-dama niya sa kanyang puso na nakakalimutan niya ang lahat ng problema at sama ng loob niya.

Tama ka, princess...” natawa siya ng marahan.

Tumayo bigla si Janella at humarap siya kay Zavier pagkatapos. Hinawakan niya ng mahigpit ang braso nito at hinila-hila. “Zavier! Gusto kong bumaba! Meron bang daan dito papunta sa ibaba?!”

Nagulat si Zavier nung hila-hilahin ni Janella ang kanyang braso. Talagang halatang-halata sa kanya na gustong-gusto niyang bumaba. “M-Meron princess. Pero---”

Wala nang ‘pero’ Zavier! Dali! Bumaba na tayo! Nakikiusap ako sa ‘yo!” patuloy pa rin siya sa paghila at mas nilakasan pa niya ang pagkakahila sa kanya.

Nahihila na niya si Zavier. “T-Teka lang, princess! H-Hindi tayo pwedeng bumaba dahil mahirap ‘yun para sa ‘yo!”

Napahinto si Janella. “Bakit pa tayo pumunta dito kung hanggang tingin lang pala ako sa lawa?! Di ba dapat nilulubus-lubusan ko na ngayon ang kagandahan ng kapaligiran ninyo dahil hindi naman ako nakatira dito e!”

“……….” walang masabi si Zavier habang nakatingin sa mga mata niya. “Nag-aalala lang naman ako.” mahinahong wika niya.

Bakit ka ba nag-aalala?”

Mahihirapan ka kasing makakababa.”

Hindi ‘yan! Lahat kakayanin ko! Dali na!” at muli niyang hinila-hila si Zavier.

Di ba takot ka sa matataas na heights?”

H-Hindi na ‘no?! Hindi na ako takot! Dali na kasssiii!!!”

Sshh… sshh… sshh... huwag tayong maingay princess.”

Binitiwan ni Janella si Zavier. “Fine! Gusto ko lang naman na bumaba e!” humalukipkip siya at ngumuso.

Princess, ang natatanging daan lang para makababa ay ang makitid na sementadong tulay.” mahinang wika niya.

“‘Yun lang naman pala e! Ano naman ang mahirap do’n?! Saka ano naman kung dadaan ako sa makitid?! Basta ba may hawakan, ayos lang!”

W-Wala nga princess e…”

Napatingin siya kay Zavier at nagulat. “Eh?!”

Matagal na kasi ang tulay na ‘yun kaya nasira na. Wala na rin kasing sinuman ang pumupunta pa dito para alagaan kaya tuluyan na ‘yun nasira hanggang sa sobrang kakaunti na nga lang ang natitira.”

Napanganga si Janella habang nakatingin sa kanya.

Napatingin si Zavier sa bunganga niya. “Di ba hindi mo nga kaya?” at muling tumingin sa kanya.

Bakit hindi mo kasi inalagaan?!” mataas na tonong tanong ng prinsesa.

Sira na talaga ang tulay na ‘yun nung una akong makarating dito. Hindi ko naabutan na maayos pa ‘yun.”

Yumuko si Janella at nag-isip kung bababa pa ba sila. Muli siyang tumingin sa kanya pagkatapos niyang mag-isip. “Bababa pa rin ako!”

Nagulat si Zavier. “P-Princess pero---”

Kaya ko nga Zavier. Wala ka bang tiwala sa ‘kin?” mahinahong tanong niya. Tinuro pa niya ang kanyang sarili at sabay ngiti. “Kaya ko nga ‘yan! Nakatawid na kaya ako sa mga makikitid na daan! Katulad na lang ng sinasabi mo ngayon!”

P-Pero... baka kasi---” pautal na wika niya.

Hay naku.” tumalikod na lang ang prinsesa sa kanya at humakukipkip muli. “Hindi nga ako mahuhulog. Eh ‘di kakapit ako!” pumikit siya.

Paano kunwari na---”

Hindi nga sabi! Hindi nga ako mahuhulog!” humarap muli siya sa kanya ng nakahalukipkip.

Sobrang makitid kasi---”

Hindi nga sabi Zavier!”

Natigilan saglit si Zavier nang mapansin niya na may isasagot kaagad si Janella sa kanyang tanong kahit na hindi pa siya tapos magsalita. “Paano mo nababasa---”

Siyempre may psychic powers yata ako at nababasa ko ang iniisip ng utak mo! Hmp!” pagmamayabang na sabi niya. Hinigpitan niya ang kanyang pagkakahalukipkip at lumingon siya sa kanyang kanan para alisin ang tingin sa binata.

Tumagilid ang ulo ni Zavier. “Ah, ganu’n ba?” naniwala naman siya. “Psychic powers?”

Oh, tara na kasi!” hinawakan niya bigla ang kamay ni Zavier. Aabante na siya sana ngunit naalala niya bigla na bangin na nga pala ang nasa harapan niya. Napahinto siya at napahiya dahil ang yabang-yabang pa naman niya kumilos. Nananatili tuloy na ganu’n ang pagkaka-pose niya. “Nasaan ba ang tulay na sinasabi mo?” nilakihan niya ang kanyang boses at malumanay na sumulyap ang kanyang mga mata sa binata.

Nagtataka si Zavier dahil parang sinasapian na naman si Janella. “Ahm, sa kanan mo princess.”

Mabilis na lumingon si Janella habang diretso lang ang kanyang tingin. Nakita na niya ang tulay na sinasabi nito at napansin nga niya na sobra nga itong makitid. Nakita rin niya ang makitid na hagdan na unang hahakbangin para tumungo sa makitid na diretsong tulay. Pero pagkatapos nito, may isa pang bababaan na hagdan para makababa na sa lupa. “Woah!!!” napaatras siya at naatrasan pa niya si Zavier sa likuran.

Nagulat si Zavier at bigla rin siyang napaatras nang maatrasan siya. “Bakit?” napatingin siya dito.

A-Akala ko tulay lang ang bababaan natin! May hagdan pa pala?! Saka… makitid nga ang tulay!”

Sabi ko nga sa ‘yo…” si Zavier naman ang humalukipkip.

Sakong ng paa ko na lang yata ang maaapakan ko diyan ah!” napatingin siya sa mga paa niya at sabay tingin muli sa tulay. “Pero mabuti na lang ‘yung hagdanan hindi naman ganu’ng makitid!”

Natawa ng marahan si Zavier. “Di ba hindi mo nga kaya princess?”

Hmp!” humalukipkip muli si Janella. “Kaya ko ‘yan! Sakong ng paa ko lang pala e!” malakas loob na sagot niya pero sa loob-loob kinakabahan naman talaga siya.

Naguluhan si Zavier at ang akala niya ay susuko na si Janella. “Sabi mo kanina---”

Wala akong sinabi!” tumingin siya ng masama sa kanya.

O sige.” humalukipkip muli si Zavier. “Halika na?” napangiti siya at naglakas na lang siya ng loob na sabihin ‘yun dahil alam naman niyang hindi na sila tutuloy pa.

Oo nga! Ano pa bang inaantay natin?! Tara na!” nagsimula nang maglakad si Janella ng payabang na lakad habang patungo sa tulay.

Muling siyang nagulat. “P-Princess!” tawag niya sa kanya para pigilan.

Hindi siya pinakinggan ng prinsesa at patuloy lang ito sa paglalakad. Napabuntong-hininga na lang siya at dapat pala ay hindi na lang niya ‘yun sinabi.

Nung makalapit na sa hagdan si Janella, napahinto siya at sumilip sa ibaba. Lumingon siya sa likuran at tumingin kay Zavier. “Ano? Ikaw na mauna! Expert naman ako sa mga ganyan! Kayang-kaya! Papanoorin ko lang muna kung paano tumawid ang mga beginner.” pagmamayabang na sabi niya.

Kinabahan bigla si Zavier hindi dahil sa natatakot siya. Kinakabahan siya para sa prinsesa at baka mahulog siya sa pinaggagawa niyang pagmamayabang.

Gumilid si Janella para bigyan ng daan si Zavier. “Hm!” tumango pa siya at tinuro ang unang bababaan nilang hagdanan.

Malumanay siyang tumungo sa hagdanan ng tulay at bumaba na hindi man lang nahirapan. Nang matapos na siya sa hagdan, sinimulan naman niyang apakan ang diretsong tulay. Inapakan niya muna ang kanan niyang paa sa tulay at sumunod naman ang kaliwang paa niya pagkatapos. Naglakad na siya at mga naka-relax lang ang magkabila niyang kamay na kung saan hindi siya nakakapit sa lupa.

Woah!” nagulat ang prinsesa dahil ang bilis ni Zavier na makababa. “Wow! Ang galing naman niya! Nakatawid siya ng ganu’n-ganu’nan lang?! Ang hirap nu’n ah! Pero siya, parang naglalakad lang sa park!” bigla siyang kinabahan dahil siya na ang susunod. Napalunok siya.

Huminto na si Zavier at lumingon sa kaliwa para tingnan si Janella.

Ugh! Ako na ang susunod!” wika ni Janella mula sa kanyang isip. “Hmp! Ganu’n pala bumaba ang mga beginner? Panoorin mo naman kung ano ang gagawin ng expert! Hindi rin ako kakapit sa lupa! Hmp! Akala mo ikaw lang?!” lumakad siya habang nakahalukipkip at nilagpasan ang hagdanan.

Kumunot ang noo ni Zavier habang sinusundan lang niya ng tingin si Janella.

Umupo si Janella sa dulo ng lupa habang nakalaylay naman ang magkabila niyang binti. Bumaba na siya ng dahan-dahan pagkatapos.

Nanlaki ang mga mata ni Zavier nang makita niya na ganu’n pala ang gagawin ng prinsesa. Mabilis siyang lumakad at tumapat sa bababaan nito. Hindi siya nakapagpigil at mabilis niyang inalalayan si Janella sa pagbaba. Hinawakan niya ang kanyang baywang habang dahan-dahan naman niyang inaalalayan itong makababa at makaapak sa tulay. Binitiwan na niya pagkatapos ang kanyang baywang nung siya ay makaapak na sa tulay sa wakas.

Nandito ka na, princess. Ngayon, kumapit ka na sa lupa.” mahinahong wika niya.

Sakto lang pala sa magkabilang paa ni Janella ang makitid na tulay. Dahil ang akala niya ay hanggang sako na lang ng paa niya ito masusukat. Natulala siya nang bigla siyang alalayan ni Zavier sa pagbaba. Tahimik lang siya at medyo nahiya sa nangyari.

Princess?”

Lumingon siya sa kanan para tingnan si Zavier.

Ayos ka lang ba?” tanong ni Zavier na may halong pag-aalala.

Nakatingin lang siya sa mga mata niya.

Ganu’n din si Zavier sa kanya habang inaantay ang kanyang sagot. Nakatingin lang siya dito habang nasa pagmumukha niya ang pag-aalala.

Sige na Zavier.” napayuko siya. “Lumakad ka na. Ayos lang ako… saka salamat nga pala.”

Mabuti naman at ayos ka lang.” ngumiti siya ng kakaunti. “Wala ring anuman.” lumingon na siya sa kanan at sinimulan na niyang maglakad.

Pinagmamasdan lang ni Janella ang paglakad niya. Nakita niya na wala ngang kahirap-kahirap kay Zavier ang pagtatawid dito. Napatingin siya sa kanyang mga paa pagkatapos.

Huminto si Zavier at muling tumingin sa kanya.

Sinubukan niyang gawin ang ginawa ni Zavier na sisiw lang ang pagtawid. Tumingin siya ng diretso at mayabang na tinaas pa ang kanan niyang paa na ihahakbang niya sa tulay habang hindi rin siya nakakapit sa lupa. Ngunit unang hakbang pa lang niya ay palpak na.

Ahhh!!!” nagulat at napatingin siya sa ibaba habang mabilis na nagwawala ang kanyang mga kamay sa taranta. Naapakan pala niya sa hangin ang kanyang paa na ang akala niya ay nando’n ang tulay. Napakapit tuloy siya sa lupa at namula. Madali siyang tumingin kay Zavier.

Napanganga ng kakaunti si Zavier sa nakita. “A-Ayos ka lang?” lalo siyang kinabahan.

Oo! Mukha bang hindi?! S-Style ko ‘yun! Ang ganda di ba?!” mataas na tonong sabi niya habang pulang-pula na ang kanyang mukha sa sobrang kahihiyan.

Tumingin si Zavier sa ibaba para tingnan ang tulay. Bumalik siya papunta kay Janella.

Uy! Bakit ka bumabalik?!”

Huminto ang binata at tumingin sa kanya. “Kung kailangan mo ng tulong, nandito lang ang aking mga kamay para sa ‘yo.”

Hmp!” tumingin muli siya ng diretso at pumikit. Dahan-dahan siyang lumakad. “Sige na, Zavier… lumakad ka na.” wika niya habang nakapikit.

Mabagal ring lumakad si Zavier habang nananatili lang siyang nakatitingin sa prinsesa para bantayan.

Dumilat si Janella at lumingon sa kanan. Nakita niya na nakatingin sa kanya si Zavier. “Huwag ka ngang tumingin sa ‘kin!” at tumingin siya sa tulay.

Nag-aalala lang naman ako sa ‘yo.” napahinto siya.

Ayos lang ako, Zavier. Sige na, tingnan mo na lang ang tulay. Baka mamaya hindi mo alam na wala ka na palang maaapakan diyan, sige ka!” tumingin siya sa kanya.

Kabisado ko na ‘to, princess… huwag kang mag-alala sa ‘kin.”

Biglang nawalan ng balanse si Janella. “Hm!” nanlaki ang kanyang mga mata habang nananatiling nakatingin sa kanya. Napahinto siya sa paglakad.

Nagtaka muli si Zavier. “Bakit?” huminto rin siya.

Wala!” tumingin muli siya sa tulay at muling naglakad.

Lilingon at titingnan na sana ni Zavier ang tulay nang bigla namang sumigaw si Janella.

Ahhh!!!” biglang nag-crack ang semento na inapakan ng kanan niyang paa. Napahinto siya at madali niyang iniwasan ng kanang paa niya ang crack. Napatingin siya sa ibaba.

Princess!” nananatili tuloy si Zavier na nakalingon sa kaliwa para tingnan ang prinsesa. Kinabahan siya lalo at nag-alala.

Nananatiling nakatingin si Janella sa ibaba habang tinitingnan ang mga batong debris na nahuhulog. Tahimik lang siya habang kapit na kapit na sa lupa ang magkabila niyang kamay. Kinabahan siya.

Inabot ni Zavier ang kaliwa niyang kamay sa kanya. “Hawakan mo na ako kung kailangan mo na.”

Napalunok si Janella at napapikit. “Ayos nga lang ako sabi!” mataas na tonong sabi niya.

Bumalik na lang kaya tayo, princess.”

Sshh! Huwag kang maingay, Zavier!” tumingin muli si Janella sa tulay para ipagpatuloy muli ang kanyang paglakad. “Maglakad ka na.”

Naglakad lang ng kakaunti si Zavier habang nakatingin sa kanya.

Naglakad na muli si Janella ngunit pagkaapak naman ng kaliwang paa niya ay sumakto pa ito sa crack na hindi naman niya sinasadya. Ngunit ang masama pa ay tuluyan na itong nasira. “AAAHHH!!!” nawalan siya ng balanse at pinipilit pa niyang kumapit sa lupa para kumapit.

?!” nanlaki ang mga mata ni Zavier. “PRINCESS!” sigaw niya at pinilit niyang abutin ang kamay ni Janella. Mabuti naman at nahawakan niya kaagad ang kamay nito.

Mabuti na lang ay nakaapak pa rin ang kanang paa ni Janella sa tulay habang mahigpit namang hawak-hawak ni Zavier ang isa niyang kamay. Hinatak na siya kaagad nito.

Kumapit kaagad si Janella sa lupa habang mabilis siyang hinihingal sa takot.

Hiningal din si Zavier sa kaba at binitiwan na rin niya kaagad ang kanyang kamay.

Diretso lang ang tingin ni Janella habang nanginginig siya sa takot.

Princess, kaya mo pa ba?”

Hindi siya sumagot habang hinihingal. Parang ayaw na niya tuloy humakbang pa.

Nakatingin lang sa kanya si Zavier na may pag-aalalang pagmumukha.

Mariing napapikit ang prinsesa at medyo napaluha sa nangyari. “Gustong-gusto ko pang tumuloy pero natatakot na ako!”

Naiintindihan naman ni Zavier si Janella. Dahil nakikita naman niya na sabik na sabik at tuwang-tuwa nga siya nung makita niya ang lawa sa ibaba. Ang gusto lang naman nito ay makarating sa ibaba para tingnan ng malapitan ang lawa at kung maaari ay haplusin na rin ang tubig.

Napangiti ang binata. “Tahan na, princess, halika na.” hinawakan niya ng marahan ang kanang kamay ni Janella na nakakapit sa lupa.

Dumilat siya at napalingon sa kanan. Tumingin siya kay Zavier habang malungkot ang kanyang pagmumukha.

Binaba na ng marahan ni Zavier ang kanyang kamay na nakahawak sa kamay ng prinsesa. “Handa ka na ba?”

B-Bagalan lang natin ha? B-Baka may mag-crack n-na naman kasi sa maaapakan ko!” pautal na wika niya.

Mhm.” tumango siya habang nakangiti.

Yumuko na si Janella para tingnan muli ang tulay.

Naramdaman ni Zavier na nanginginig ang kamay ng prinsesa kaya hinigpitan niya ang kanyang pagkakahawak sa kamay nito. “Huwag ka nang matakot, princess. Nakahawak na ako sa ‘yo.” nakangiting wika niya.

Muling tumingin sa kanya ang prinsesa matapos niyang marinig ang kanyang sinabi. Tumango siya at napangiti ng kakaunti. “Mhm, s-salamat.”

Ngumiti muli siya at lumingon na siya sa kanan para tingnan na ang tulay na dadaanan. Pinagpatuloy muli nila ang paglakad ngunit dahan-dahan lang.

Maya-maya, hindi na nakakaramdam ng takot si Janella habang paunti-unti na muling bumabalik ang kanyang saya. Kinakabahan pa rin naman siya ngunit hindi na katulad kanina. Nakakatingin na siya sa lawa ng nakangiti. Palihim niyang sinulyapan ang kamay ni Zavier na nakahawak sa kanyang kamay. Tumingin muli siya sa lawa at hinigpitan din niya ang kanyang pagkakahawak sa kamay ng binata.

Suddenly, everything changed… and I just want to get to know you better.”