16: The Calming Sights


 

Habang pinagmamasdan ni Janella ang sapa, mahigpit lang siya nakahawak sa kamay ng binata. Tumingala siya at naramdaman ang malamig na simoy ng hangin na humahalik sa kanyang mukha. Nakatawa siya at damang-dama niya ang pagkaginhawa. Nakakapagpaggaling ang kagubatang ito sa mga problemang naiisip niya at sa mga sakit na nadarama niya. Dahil pakiramdam niya ay totoong nawawala nga ang mga ito sa kanyang isipan. Napabuntong-hininga siya at napapikit habang nakangiti.

Saglit na lang, princess. Malapit na tayo...” wika ni Zavier.

Sige lang...” nakangiting wika niya habang siya ay nakapikit.

Hindi ka na natatakot?” tanong niya habang nakangiti.

Hindi na, salamat sa ‘yo…”

Princess, dahan-dahan ka lang sa pagbaba ng hagdan at baka mapatakbo ka kasi sa sobrang sabik.” natawa siya ng marahan.

Hm?” hindi kaagad naintindihan ni Janella ang ibig sabihin ni Zavier. Marahan siyang dumilat at sinilip ang harapan ng binata. Nakita nga niya na malapit na malapit na ang hagdan na bababaan nila.

Ha!” nakatawa siya at biglang bumilis ang pagtibok ng puso niya dahil sobra na siyang sabik.

Hagdanan na muli para makababa na sa lupa pero hanggang dito ay sirang-sira pa rin ang semento.

Princess, dahan-dahan lang…” naunang bumaba sa unang hagdan si Zavier bago si Janella. Magkahawak pa rin sila ng kamay habang inaalalayan lang niya ang prinsesa na makababa ng hagdan ng maayos.

Maya-maya, isang hakbangan na lang ay lupa na. Bumaba si Zavier at naapakan na niya ang lupa.

Yes! Nandito na rin tayo! Hahaha!” nakatawa si Janella.

Ngumiti si Zavier at inalalayan niya ang prinsesa sa pagbaba.

Nakababa na rin at naapakan na rin ni Janella ang lupa. “Yehey! Hahaha!” tuwang-tuwa siya. Nabitiwan niya ang kamay ni Zavier at napatakbo. Napatutop siya sa kanyang dibdib habang paikot-ikot na pinagmamasdan ang lahat ng nandito.

Mas maraming mga pakalat-kalat na batong nagkikinangan na kulay asul dito. Napansin rin niya na may tulay pala sa lawa na kasing-haba rin ng katubigang ito. Sementado rin ito ngunit medyo sira-sira na rin. Tila bermuda grass ang ibang parte ng lupa dito pero ang ibang parte ay nananatiling lupa lang.

Hahaha! Wow! Ang ganda!” hangang-hanga si Janella sa kapaligiran. Tiningnan naman niya ang mahabang lawa at madali siyang pumunta dito. Lumuhod siya habang pinagmamasdan ang buong katubigan.

Nananatiling nakangiti si Zavier at malumanay na pumunta rin sa tabi ng lawa. Lumuhod siya sa tabi ni Janella at tumingin sa kanya.

Aheehee! Ang ganda talaga! Wala na akong iba pang masabi. Puro ‘maganda’. Hm, ‘amazing’ naman kaya?! Ahahaha!”

Nakangiti lang si Zavier.

Tinapat ni Janella ang mukha niya sa tubig. Kalma lang ang tubig kaya kitang-kita niya ang kanyang reflection. Napangiti siya at pumikit pagkatapos. Dahan-dahan niyang nilapit ang kanyang mukha sa tubig at hinalikan ang kanyang reflection.

Tumagilid ang ulo ni Zavier habang siya ay pinapanood. “Princess?”

Dumilat si Janella at umupo ng maayos. Lumingon siya at tumingin kay Zavier. “Ang linis kasi ng tubig e! Nahalikan ko tuloy!”

Ah, ganu’n ba?” nakangiting tanong niya.

Ngumiti lang ang prinsesa at tumango. Pinunasan niya ang kanyang labi at tiningnan niya ang buwan. “Amazing! Nang dahil sa buwan, lalong gumaganda ang buong kagubatan!”

Tumango na lang si Zavier habang nakangiti. Tiningnan rin niya ang buwan pagkatapos.

Luminga-linga si Janella at nakita niya ang mga bato. “Ahahaha!” madali siyang tumayo at pumunta sa mga batong tabi-tabi na katabi ng dalawang punong bata pa. Lumuhod naman siya dito. “Ang gaganda ng mga bato oh!” nakangiting wika niya. Kinuha ng magkabila niyang kamay ang isang bato at nilapit pa niya ito sa kanyang mukha. “Aheehe!” tuwang-tuwa siya habang pinagmamasdan ang pagkakakinang ng bato.

Hinawakan ni Zavier ang kanang balikat ng prinsesa mula sa kanyang likuran.

Hm?” napatingin siya sa kamay ni Zavier na nasa kanyang balikat.

Nilapit ni Zavier ang kanyang bibig sa tenga niya. “May ipapakita ako sa ‘yo, princess...”

Oh? Ano ‘yun?” tanong niya habang nakangiti. Binaba na niya ng malumanay ang bato sa lupa.

Halika…” ngumiti si Zavier at binitiwan na niya ang balikat nito.

Tumayo si Janella at humarap kay Zavier.

Tutal nandito na rin naman tayo, ipapakita ko na sa ‘yo ‘yung magandang talon dito sa Harley Forest.”

Ah, Harley Forest pala ‘to.” hinimas ni Janella ang kanyang baba at luminga. “Alam mo ba na sobrang bihira lang ako makapunta sa mga gubat? Pero ito sa lahat ng napuntahan ko ang piiiinakamaganda!” tumingin siya kay Zavier ng nakangiti. “Walang kasingtulad, Zavier! The best!”

Natawa ng marahan si Zavier at natuwa siya sa sinabi ni Janella. “Salamat.” ngumiti rin.

Halika na! Saan naman ‘yung talon ninyo?”

Tumango si Zavier. “Sumunod ka sa ‘kin, princess.” at tumungo sa tulay ng lawa.

Madaling sumunod si Janella sa kanya. “May isda ba dito, Zavier?” napatingin siya sa lawa.

Meron…” wika ni Zavier habang nakatingin ng diretso.

Ah, baka tulog na sila ngayon. Para kasing wala.”

Ilang minuto ang lumipas habang sila ay naglalakad at nag-uusap, hindi na namalayan ni Janella na narating na pala nila ang kalagitnaan ng tulay. Huminto si Zavier sa paglakad.

Napatingin si Janella sa kanya at huminto rin. “Bakit?” pagtatakang tanong niya.

Tumingin sa itaas ang binata. “Nakikita mo ba ‘yun, princess?” at tinuro ang tinutukoy.

Napatingin ang prinsesa sa tinuturo ni Zavier. “Nasaan? Wala akong makita.” tumingin siya sa kanya na nakakunot ang noo.

“‘Yung Nereus Falls?”

Ah, ‘yung talon ba?” tumingin muli siya do’n. “Saan? M-Madilim kasi! Hindi ko makita. Saka bakit wala akong naririnig na malakas na pagbuhos ng tubig?”

Oo nga e... mukhang wala ngang tubig.” binaba na niya ang kanyang kamay na nakaturo.

Nagtaka si Janella at muling tumingin kay Zavier. “Pwede bang mawalan ng tubig ang talon?”

Palaging merong tubig ang Nereus Falls pero may pagkakataon talagang nawawalan ito ng tubig.”

Talaga?” lalong nagtaka si Janella habang papikit-pikit. “Bakit ganu’n?”

Natutulog din siya, princess. Tulog siya ngayon.”

Ha? Sino? ‘Yung talon? Pwede ba ‘yun?”

Yes, princess.” naglakad na muli si Zavier.

Nakakunot pa rin ang noo ni Janella habang tinitingnan si Zavier. “Ibang-iba talaga dito.” pabulong na wika niya at naglakad na rin. Madali siyang tumabi kay Zavier. “Ahm, sinabi mo na natutulog ang falls di ba? Kaya buhay siya? May kasarian din ba siya?”

Mhm, babae siya.” diretso lang ang tingin ni Zavier habang naglalakad.

Eh?!” gulat na wika niya. Inalis niya ang kanyang tingin kay Zavier. “Paanong nangyari ‘yun?” tanong niya mula sa kanyang isip.

Banggitin mo siya sa pangalan niyang Nereus, huwag lang basta ‘falls’, princess.”

Lumingon si Janella at muling tiningnan si Zavier. “Bakit ikaw kanina? Sabi mo kaya ‘falls’ lang. Wala ka namang binanggit na Nereus!”

Hindi mo pa kasi siya kilala. Pero ngayon kilala mo na siya.”

Napabuntong-hininga siya. “Okay fine.” yumuko siya at nalungkot. “Sayang naman… kung saka naman na nandito na ako, saka pa siya natulog.” malungkot niyang wika. Huminto siya sa paglakad.

Napalingon at napatingin si Zavier sa prinsesa nang mapansin niya na malungkot ito.

Nakayuko lang si Janella sa kanyang likuran.

Huminto rin si Zavier at nilapitan niya ang prinsesa. “Huwag kang mag-alala.” ngumiti siya. “Pupunta ulit tayo dito.”

Nagulat si Janella sa kanyang sinabi. Tumingin siya kay Zavier ng marahan pagkatapos. “Talaga? P-Pero paano? Di ba kasi sabi mo na maghahanap na tayo ng refuge place ngayon? Sigurado naman ako na nando’n na ako palagi. Hindi na ako makakarating pa dito.”

Nakatingin at nakikinig lang si Zavier sa kanya.

Kasi ‘yun lang naman ang dahilan kung bakit tayo nagkikita di ba? Para pag-usapan ng maayos ang dapat gawin para hindi ako… ano…” natigilan siya at muling nakaramdam ng pagkatakot. Yumuko na lang muli siya.

Biglang bumalik na naman sa ala-ala ni Zavier ang pinakamasakit na narinig niya mula kay Janella.

Kailan ba ‘yang huling araw na sinasabi mo nang pati ikaw ay matapos na din? Dahil alam mo sa totoo lang? Ayoko na kitang makasama pa!”

Biglang nawala ang kanyang ngiti mula sa kanyang labi matapos niya itong maalala. Napabuntong-hininga na lang siya. “Pero bakit? May oras pa naman tayo princess at makakapasyal ka pa rin dito basta kasama ako.” nakangiting wika niya.

Sumulyap ang mga mata ni Janella sa kanya habang nananatili pa rin siyang nakayuko.

Saka… hindi lang naman na pag-usapan ng maayos ang ating plano ay ayun lang ang gusto kong mangyari sa atin. Gusto ko rin naman na makasama kitang makipagtawanan, makipaglaro at iba pang pwedeng gawin na makakapagpasaya sa atin. Palagi kasi akong nag-iisa dito dahil walang sinuman ang may gustong makipagkaibigan sa ‘kin. Pero sa ‘yo, nagiging masaya ulit ako dahil naging kaibigan na rin kasi kita.”

Natuwa si Janella sa kanyang sinabi. “Talaga?” namula siya at dahan-dahan na niyang tiningnan si Zavier.

Yes, princess! Tapos gawin ulit natin ‘yung mga pinaggagawa natin sa Cadmus Sea! Natatawa ako at sobra-sobra akong natutuwa sa mga pinaggagawa natin!” natawa ng marahan si Zavier. “Masaya ‘yun di ba?”

Namumula pa rin siya at natawa rin ng marahan. “Oo nga e.”

Nakangiti lang si Zavier.

P-Pero... parang imposible na yata mangyari ‘yun ulit, Zavier. Parang nararamdaman ko na hindi na ako makakarating dito muli.” napayuko muli si Janella. “Naaalala mo pa ba ‘yung sinabi mo sa ‘kin tungkol sa refuge place?”

Bigla ngang naalala ni Zavier ang sinabi niya.

Mhm, pero hindi sila agad-agad titigil dahil hahanapin ka pa rin nila sigurado. Kaya para siguradong ligtas na ligtas ka. Dapat do’n ka sa lugar na hindi kailanman pwedeng puntahan namin.”

Oo nga pala at nakalimutan niya na isa nga pala siyang La luna Spirit. Bigla rin niyang naisip na ang huling araw na pagkikita nila ni Janella ay ang refuge place nga kapag nagkataon.

Alam ko, princess…”

Paano ‘yun? Paano pa ako makakarating dito kung ganu’n pala?”

Di ba alam mo rin na ang kahinaan namin ay apoy?”

Oo, ibig mo bang sabihin do’n ako sa lugar na mainit?”

Oo, para talagang walang makakapunta. Pero sa ngayon, nakikita ko na may bagyo pa sa mundo n’yo kaya malamig pa ang temperatura. Kaya kung makakahanap nga tayo ng refuge place ngayon, makakapunta pa rin ako sa ‘yo at dalhin ka muli dito.”

Tahimik lang na nakatingin si Janella sa kanya.

Kaya magagawa pa natin ulit ang mga bagay na labis na nagpasaya sa atin.” malumanay na ngumiti si Zavier.

Tumango siya habang nakayuko.

Pero dapat pagkatapos ng dalawang araw, dapat wala na talaga ang bagyo sa inyo para hindi na talaga pwedeng puntahan pa namin ang mundo n’yo dahil mainit na.”

Naiintindihan ko.” tumingin siya kay Zavier. “Alam mo... ang bait mo pala talaga.”

Napangiti siya at medyo nahiya. “S-Salamat.”

Pwedeng magtanong?” mahinahong tanong niya habang nakatitig sa mga mata nito. “Umamin ka ha?” ngumiti siya ng kakaunti.

Ano ‘yun, princess?”

Napatutop si Janella sa kanyang dibdib. Napapikit siya at napabuntong-hininga. “Nagpapanggap ka lang bang… mabait na La luna kapag kaharap ako?” kinabahan siya bigla.

Nagulat si Zavier sa tanong ng prinsesa. “Ha?! Ako?! H-Hindi, princess! Ganito talaga ako! Kung ano man ang nakikita mo sa ‘kin ngayon, ‘yun talaga ako! Hindi ako masama at kaaway. Inuulit ko, isa mo akong kaibigan! Isang tunay na kaibigan!”

Pero bakit ganu’n? Walang gustong makipagkaibigan sa ‘yo? Ayos ka naman na maging kaibigan ah.”

Nagkibit-balikat siya. “Hindi ko rin alam, princess.”

Tumingin siya sa ibaba. “Alam mo Zavier…” at muling siyang tumingin sa mga mata nito. “Kanina… medyo naiilang pa rin ako sa ‘yo at saka sa totoo lang… hindi pa rin kita ganu’ng pinagkakatiwalaan talaga.”

Nagulat si Zavier sa kanyang sinabi. Natahimik siya bigla.

Pero simula talaga ngayon, isa na talaga kitang kaibigan at hindi isang kaaway…” marahan siyang ngumiti. “Totoo na talaga ‘to. Totoong-totoo na.”

Muling nakahinga ng maayos si Zavier. Napangiti siya. “Ako, simula pa lang sa ‘yo, tinuring na talaga kitang kaibigan, princess.”

Nakangiti lang si Janella habang nakatingin sa kanya.

“…At pinapangako ko sa ‘yo na pupunta ka ulit dito. Asahan mo ‘yan.”

Tumango ang prinsesa. “Maraming salamat sa ‘yo.” ngumiti muli siya.

Pinagpatuloy muli nila ang kanilang paglakad. Maya-maya ay nasa katapusan na sila ng tulay. Nakaapak na silang pareho sa lupa.

Nandito na tayo sa Nereus Falls, princess.” nakangiting wika ni Zavier.

Napatingin sa likuran si Janella. “Ang haba ng tulay ‘no?”

Natawa siya ng marahan. “Oo, mahaba rin kasi ang lawa.”

Oo nga e, pero hindi ako nakaramdam ng pagod.” ngumiti siya.

Natutuwa naman ako kung ganu’n.” ngumiti rin si Zavier.

Masaya lang na pinagmamasdan ni Janella ang meron dito. Nakita na rin niya sa wakas ang mataas na talon na wala namang tubig. Nakita rin niya sa ibaba nito ay ang isang malaking lawa na pinagbabagsakan ng tubig nito. Pabilog ang hugis nito at napapalibutan ito ng mga malalaking bato. Hindi matatalim ang mga batong ito na kung saan pwedeng masugatan.

Bago pa man sila makarating sa malaking lawa, may aakyatan pa silang limang hakbangan na hagdanang sementado. Ang bawat singit-singit ng hagdan ay may mga mushrooms na nabubuhay. Mga umiilaw naman sila ng kulay asul tuwing gabi na kahit na hindi pa ito tamaan ng liwanag ng buwan. Nagse-sway ang mga ito na akala mo ay mga sumasayaw pero ang ibig sabihin nu’n ay mga gising sila.

Tumingin si Janella sa hagdanang sementado. “Zavier, umakyat tayo sa hagdanan! Ahahaha!” tuwang-tuwa na naman siya.

Sa sobrang tuwa niya, hindi na niya namalayan na nabangga pa pala niya ang kaliwang braso ng binata. Madali siyang umakyat at mabilis na nakatungtong sa itaas. Napangiti siya nang makita niya na nagkikinangan rin ang tubig dito sa malaking lawa habang ganu’n rin ang mga batong nakapalibot dito.

Zavier! Tingnan mo oh!” nakangiting wika niya habang tinuturo ang tinutukoy.

Umakyat na si Zavier sa hagdan.

May mga isda oh! Ang gaganda nila!” nakatawa si Janella habang nakaturo sa mga isdang nagtatalunan.

Tumabi siya kay Janella habang pinagmamasdan ang mga isda. “Mga gising ang mga isda dito.”

Nanliit ang mga mata ni Janella at tiningnan ng mabuti ang mga isda. “Zavier!” tumingin siya sa binata at kinalabit. “Umiilaw rin ang mga mata nila ‘no?” nakangiting tanong niya. Tumingin muli siya sa mga isda habang nakatawa.

Yes, princess.”

Ang galing! Naaaliw talaga ako dito sa Harley Forest!” napapapalapakpak pa siya sa tuwa. “Saka tingnan mo Zavier ‘yung kaliskis nila! Ang kintab! Kulay asul pa ang kaliskis nila.”

Siyempre nasa tubig kasi sila, princess. Nababasa sila kaya nagkikintaban ang mga kaliskis nila.”

Oo nga! Alam kong nababasa sila kaya ganyan! Pero tingnan mo naman! Ibang-iba ang pagkakakintab nila kaysa sa mga isda namin!” nakatawang wika niya.

Ngumiti muli si Zavier at sabay tanggal ng kanyang mga gwantes sa magkabila niyang kamay. Tinago niya ito sa bulsa ng kanyang pantalon pagkatapos. Marahan siyang lumuhod habang nakaharap sa lawa.

Hm?” nagtaka si Janella. Yumuko siya para tingnan si Zavier.

Tumingala si Zavier para tingnan ang prinsesa. “Princess, maaari ka bang kumuha ng tubig sa lawa?” nakangiting tanong niya.

Oo naman!” tumango siya at lumuhod rin sa tabi niya. Kumuha siya ng tubig gamit-gamit ang dalawa niyang kamay at tinapat ito kay Zavier. “Brrr... a-ang lamig.” tumutulo pa ang ibang tubig sa mga kamay niya.

Tumingin si Zavier sa magkabilang kamay ni Janella. Tinapat naman niya ang magkabila niyang kamay sa ilalim ng mga kamay ng prinsesa at pumikit.

Nagtaka si Janella nang pumikit si Zavier. Tumagilid ang kanyang ulo at tiningnan niya ang mga kamay niya. Ilang segundo lang ang lumipas at may nakita siyang kagulat-gulat sa ibabaw ng mga palad niya.

Kumukorteng isda ang tubig na mula sa kanyang palad. Ngunit ulo pa lang ang nagagawa ni Zavier at wala pa ang katawan nito. Medyo mabagal ang proseso dahil kakaunting lakas lang ang ginagamit niya na mula sa kanyang katawan. Nakapikit lang ang binata at nasa gitna pa siya ng konsentrasyon.

Nakatingin pa rin si Janella sa isdang nabubuo. Napansin niya na paunti-unti nang nabubuo ang katawan nito. “Wow... may katawan na siya oh.” mahinang wika niya habang nakangiti.

Nang makumpleto na ang buong katawan ng isda, saka pa lang dumilat si Zavier.

Nakangiti lang si Janella habang pinagmamasdan ang isdang tubig na nakahiga sa kanyang mga palad. “Ang cute niya! Ang galing!”

Napangiti si Zavier habang nakatingin sa isda. “Maaari mo nang tanggalin ang mga kamay mo, princess.” mahinahong wika niya.

Hindi siya mahuhulog ah.” dahan-dahan na niyang tinanggal ang magkabila niyang kamay. Nakalutang lang ang isda sa ibabaw naman ng magkabilang kamay ni Zavier.

Napanganga si Janella. “Wo...w! Amazing!” napatitig siya sa isda. Inalis niya ang iilan niyang buhok na nakaharang sa kanyang mukha para makita niya ito ng mabuti. “Ang galing talaga oh!” napapapalakpak na naman siya.

Haplusin mo siya kung gusto mo basta dahan-dahan lang...”

Bakit dahan-dahan lang?” tumingin siya kay Zavier.

Maaaring masira at mawala ang pagiging itsurang isda nito. Hindi pa kasi siya talagang kumpleto at kulang pa rin ang nabigay ko sa kanya.”

Ah, o sige! Naiintindihan ko!” masayang tumango ang prinsesa. Tumingin siya sa isda at dahan-dahang hinahaplos ng kanyang hintuturo ang katawan nito. “Ang lamig niya...”

Biglang napaisip si Janella na kung ipasok niya kaya ang hintuturo niya sa katawan nito. “Zavier, pwede ko bang ipasok ang hintuturo ko sa katawan niya?” tumingin siya kay Zavier ng nakangiti. “Gusto ko lang sanang makita ang aking hintuturo na nasa loob ng kanyang katawan!”

Oo naman... basta dahan-dahan ka lang...”

Tumango siya at muling tumingin sa isda. Pinasok na niya ang kanyang hintuturo sa katawan nito ngunit nagulat siya. “Ha! Ang lamig sobra!” at madaling inalis ang hintuturo sa katawan. “Ah! Fu! Fu! Fu!” hinipan niya ang kanyang hintuturo para mainitan at hinawakan niya pa ito ng mahigpit pagkatapos. “Ang lamig naman ng loob ng katawan niya! Hindi ko inaasahan ang ganu’ng lamig! Parang yelo!”

.........” walang reaksyon si Zavier habang nakatingin sa kanyang mga kamay na nando’n nakalutang ang isda.

Napatingin si Janella sa mga kamay ni Zavier para tingnan ang isda ngunit nagulat siya sa nakita. “AY!!!!” nanlaki ang kanyang mga mata.

Nawala na pala ang isdang nakalutang at sumabog na pala ito na parang splash nung mabilis na inalis ni Janella ang kanyang daliri sa loob ng katawan nito.

Hala! Pasensya na, Zavier!” napatutop ang prinsesa sa kanyang dibdib. “Sorry! Sorry! Sorry! Sorry!” yumuko siya ng yumuko at labis siyang humihingi ng paumanhin sa binata.

Ngumiti na lang si Zavier at natawa ng marahan. Hinimas niya ang ulo ni Janella.

Pasensya na talaga, Zavier! Hindi ko sinasadya!” malungkot siyang tumingin sa kanya habang nakanguso.

Nakangiti lang siya habang nakatingin sa prinsesa.

Yumuko muli si Janella. “Pasensya talaga!”

Tama na, princess. Wala ‘yun. Gagawa na lang ulit ako ng panibago.” mahinahong wika niya habang nakangiti. Tumingin muli siya sa lawa at siya naman ang kumuha ng tubig gamit-gamit rin ang magkabila niyang kamay.

Malungkot ang pagmumukha ni Janella. Alam niyang pinaghirapan ni Zavier ang isdang ‘yun para maipakita lang sa kanya. Ngunit nasira lang niya ito.

Pumikit muli si Zavier at nagsimula nang mag-concentrate.

Ano ba ‘yan... ang dami ko nang nagagawang kasalanan sa ‘yo!” wika ni Janella mula kanyang isip. Napayuko siya at paulit-ulit na sinasampal ang kanyang noo.

Mga ilang segundo lang ang lumipas, ang tubig na nasa magkabilang kamay ni Zavier ay lumiwanag. Light blue ang kulay nito at medyo malakas.

Habang nakayuko si Janella, napansin niya mula sa kanyang damit na nag-iba ito ng kulay sapagkat natatamaan ito ng liwanag.

Hm?” napatingin siya sa lumiliwanag na ‘yun. Nakita niya ang bagong isda na nakalutang sa dalawang kamay ni Zavier.

Lumangoy sa hangin ang isdang lumiliwanag. Ngunit sa ibabaw lang ng mga kamay ni Zavier.

Napangiti ang prinsesa habang nakatitig sa lumalangoy na isda. “Wow! Ang galing!”

Marahang dumilat si Zavier at tumingin siya kaagad kay Janella ng nakangiti. Marahan siyang tumayo habang dala-dala ang isda.

Sinusundan lang ng tingin ni Janella ang isda. Tumayo na rin siya.

Malumanay na binaba ng binata ang dalawa niyang kamay sa hangin at saka pa lang lumangoy ang isda sa ibabaw ng malaking lawa na parang isang ibong malaya.

Ang ganda niya oh!” nakatawang wika ni Janella habang nakaturo pa sa isda.

Nakangiti lang si Zavier habang pinapanood din ang lumalangoy na isda sa hangin. Tinago niya ang dalawa niyang kamay sa bulsa ng kanyang pantalon.

Hahaha!” napapapalakpak na naman si Janella sa tuwa.

Mabilis na lumangoy ang isda. Tumungo siya sa ibabaw ng ulo ng prinsesa at do’n umikot ng umikot. Tawa lang ng tawa si Janella habang nakatingala’t pinipilit na iabot ang isda.

Tinuro ni Zavier ang isda at muli itong sumabog na parang isang splash.

Napapikit siya at bumagsak sa kanyang mukha ang mga tubig. Dumilat siya pagkatapos. “Hahaha! Wow!” nakatawang wika niya.

Nakatingin lang sa kanya si Zavier ng nakangiti.

Nakatawa pa rin si Janella at tumingin na siya kay Zavier. “Ahm, pasensya na kung... tawa ako ng tawa. Maganda lang kasi talaga.”

Natawa siya ng marahan. “Ayos lang ‘yun. Sa kabila ng mga malulungkot na pagmumukha na nakikita ko sa ‘yo noon. Mabuti naman at ngayon ay nakikita na kitang masaya. Napapasaya mo rin ang isang katulad ko sa tuwing nakikita na kitang masaya ngayon princess.” ngumiti muli siya.

Napatitig siya kay Zavier. “Ah, g-ganu’n ba?” yumuko siya at biglang namula.

Oo.” hinimas niya muli ang ulo ng prinsesa. “Ahmm…‘yun lang naman ang ipapakita ko sa ‘yo ngayon. Sana labis kitang napasaya.” nakangiting wika niya.

Napabuntong-hininga si Janella. “Alam mo, parang napagtanto ko na… gusto ko na lang manatili dito. P-Parang ayoko nang bumalik.”

Princess?” nagtaka si Zavier.

Tumingin siya kay Zavier. “Ang saya-saya ko kasi dito e.” tumalikod siya kay Zavier at tumingin naman siya sa kagubatan. “At saka ang kagubatang ‘to! Sobrang nakakabighani at nakakaramdam talaga ako ng kaginhawaan!” huminga siya ng malalim habang nakapikit. “Haaaayyy... sariwang-sariwa ang hangin na nalalanghap ko! Kung sa bagay sa Destiny World din naman. Pero kasi...” humarap muli siya kay Zavier ng nakayuko. “Palagi na lang akong nasa loob ng palasyo. Hindi na ako nakakalabas at nakakapagpasyal pa na parang ganito.”

Pero hindi ka na magtatagal sa palasyo n’yo princess at baka nalilimutan mo na, maghahanap na tayo ng pagtataguan mo.” ngumiti si Zavier.

Muling umihip ang malakas at malamig na hangin sa kanila.

Oo nga! Alam ko!” inalis ni Janella ang iilang buhok niya na humaharang sa kanyang mukha. “Pinaghahambing ko lang naman ‘yung mga ginagawa ko do’n sa dito. Pinagkukumpara ko lang naman.” nakangiting wika niya.

Ah, ganu’n ba?” natawa siya ng marahan. Napayuko siya at napakamot sa kanyang ulo.

Nakangiti lang ang prinsesa habang nakatingin sa kanya at mukhang may gusto pa siyang sabihin ngunit nahihiya lang siya.

Sumulyap ang mga mata ni Zavier sa kanya habang nakahawak sa kanyang ulo.

Ahmm…” tumingin si Janella sa buwan at medyo namula.

Napatingin rin si Zavier sa buwan at naisip niya na baka gusto nang maghanap ng pagtataguan si Janella. “Halika na princess.” tumingin siya sa kanya. “Sa mga ganitong oras naman, pwede na tayong maghanap ng matataguan mo. Mga tulog na sigurado ang mga tao sa inyo.” at kinuha ang kanyang mga gwantes sa bulsa ng kanyang pantalon para muling suotin.

Napatingin rin si Janella sa kanya. “Ahm, o-o sige.” tumango na lang siya at yumuko. Nawala bigla ang pagkapula ng kanyang mukha.

Sige, halika na.” ngumiti muli siya at bumaba na ng hagdan.

Okay...” medyo malungkot niyang wika. Mukhang nanghinayang siya dahil hindi niya nasabi ang gusto niyang sabihin sa binata. Matamlay tuloy siyang bumababa.

Aapakan pa lang sana ni Zavier ang tulay ng mahabang lawa nang bigla namang sumampa si Janella sa hawakan ng tulay. Nagulat at napatingin siya sa prinsesa.

Princess! Bumaba ka diyan! Baka mahulog ka!” nataranta na naman si Zavier.

Hindi!” diretso lang ang kanyang tingin. “Alam mo ba na naging pangarap ko rin minsan ang maging isang miyembro ng circus at ito na lang parati ang ginagawa ko sa palasyo? Palagi ko kayang ginagawa ‘to sa hawakan ng hagdanan namin sa hardin. Ang gusto ko kasi, ako ‘yung naglalakad sa lubid sa circus ng walang tali.” at nagsimula nanng humakbang.

P-Pero...” hindi mapakali ang mga kamay ni Zavier dahil gusto niyang hawakan ang kamay ni Janella para alalayan siyang bumaba. “Princess, bumaba ka na!”

Sinulyapan saglit ni Janella ang kamay ni Zavier na nakaabot sa kanya. “Huwag ka ngang mag-alala sa ‘kin! Ayos lang ako!” nakangising wika niya.

Binaba niya ang kamay niya habang nananatili pa ring nakatingin sa kanya. Nagsisimula na naman siyang mag-alala.

Napapaatras at napapaabante pa si Janella habang nakatingin lang siya ng diretso.

Inabot muli ni Zavier ang kamay niya sa kanya. “O sige princess, pinapayagan na kitang maglakad sa hawakan pero nakikiusap ako na hawakan mo na lang ang aking kamay para hindi ka talaga mahulog diyan.”

Nakatingin lang ng diretso ang prinsesa at hindi niya pinakinggan si Zavier. Napahinto siya habang ang dalawa niyang braso ay pababa-baba at pataas-taas. Nararamdaman na niya na mahuhulog na siya pero pinipilit pa rin niyang bumalanse.

Nakahinto lang din si Zavier habang nag-aalalang nakatingin sa kanya.

Napaatras si Janella ngunit bigla ring nasira ang sementadong hawakan ng tulay. “Ha?!!!” nagulat at nataranta siya. Nawalan siya ng balanse. “Ahhh!!!!” napasigaw siya habang nagwawala na ang magkabila niyang braso at pahulog na naman siya sa lawa.

Princess!” mabilis na nakuha ni Zavier ang malikot na kamay ni Janella.

Nakatibingi muli ang prinsesa na parang nangyari sa kanya sa tulay. Tulala na naman siya.

Nasa pinakagilid na ng hawakan ang kawawang binata na si Zavier. Hawak-hawak niya ng mahigpit ang kamay ni Janella habang ang isa naman niyang kamay ay nakahawak rin sa hawakan ng tulay. Hinila na niya ang kamay ng prinsesa ngunit sa lakas ng kanyang pagkakahila ay bigla na ring nasira ang hawakan na kung saan nando’n nakaapak si Janella.

AAAHHH!!!” napasigaw si Janella at wala na talagang iba pang paraan para hindi siya mahulog.

Nabitiwan pa ni Zavier ang kamay nito. “Princess!!!” napasigaw din siya.

Nalaglag na ang prinsesa sa lawa. Hindi pa naman siya marunong lumangoy kaya nagwawala siya habang siya ay palubog ng palubog. Sumunod si Zavier at madali siyang sinagip. Madali silang umahon.

Haaa!!!!” huminga kaagad si Janella.

Lumangoy si Zavier patungo sa lupa.

Napaubo pa siya. “Uhoh! May nainom pa akong tubig! Uhoh!”

Hindi na sumagot ang binata at patuloy pa rin lang siya paglalangoy.

Maya-maya ay pareho na silang nasa gilid ng lupa. Sumampa muna si Janella sa lupa at sumunod naman si Zavier sa kanya pagkatapos.

Napaupo sa lupa ang prinsesa habang pinipiga ang kanyang buhok pati na rin ang kanyang damit. “Ang ginaw!”

Ayos ka lang ba princess?” pag-aalalang tanong ni Zavier.

Tumingala siya at tiningnan ang nakatayong binata. “O-Oo, s-salamat nga pala sa pagsagip...”

Inabot ni Zavier ang kanan niyang kamay sa prinsesa.

Napatingin si Janella sa kamay niya at hinawakan. Tumayo na siya habang inaaalalayan naman siya ni Zavier sa pagtayo. Yumuko siya pagkatapos niyang tumayo. “Zavier... ahmm... s-sorry...”

Ngumiti lang siya at hinimas muli ang ulo ng prinsesa. “Huwag mo nang isipin ‘yun, basta huwag mo na ring ulitin ‘yun.”

Napangiti ng kakaunti si Janella at namula.

Halika na, giniginaw ka na...”

O-O sige...” tumango siya at naglakad.

Tinabihan siya ni Zavier sa paglakad. Wala naman siyang maibigay sa prinsesa na kahit na anong damit para hindi ito ginawin. Ngunit sapagkat tubig rin siya, hindi rin niya magawang ibalot ang kanyang braso sa kanya dahil sa malamig din siya.