17: The Nuisance
Dumaan muli sila sa makitid na tulay para makabalik sa Calumsia. Umihip ang malamig na hangin habang sila ay payapang naglalakad sa gitna ng napakatahimik na kagubatan.
“Malapit na tayo princess.” ngumiti siya.
Bumahing si Janella.
Napatingin si Zavier sa kanya. “A-Ayos ka lang ba?”
“Ah, o-oo.” medyo naging ngongo na siya at bumahing muli.
Hinimas na lang ng binata ang kanyang likuran habang nag-aalalang nakatingin sa kanya. “Ikaw kasi e…”
Natawa si Janella. “Oo nga e, kasalanan ko naman ‘to at ganito tuloy ang nangyari sa ‘kin. Pagpasensyahan mo na lang ako.”
Mga tatlong hakbangan na lang ay Calumsia na ngunit may narinig silang mga boses na nagmumula sa dalampasigan. Dalawa silang lalaki at mukhang binata pa ang isa at ang isa naman ay matanda na.
Nagtago sa mga puno-puno sila Janella at Zavier habang tahimik na sinisilip kung sino ang mga ‘yun.
Natakot si Janella. “Z-Zavier?” mahinang tawag niya.
“Sshh… sshh… sshh...” nag-silent pose siya habang sinisilip ang dalawa. Mataimtim niyang pinapakinggan ang kanilang pinag-uusapan.
“May napag-usapan na ba kayo, Raven?” tanong ng isang matandang lalaki na nakaupo sa malaking bato habang hinimas-himas pa ang kanyang baba.
“Opo Ginoong Everestine, dalawang araw na lang po at susugod na po kami sa Destiny World pagkatapos po ng kaarawan ng ating diyosa.” wika niya habang nakatayo naman siya ng tuwid.
“Tsk!” kumunot ang noo ni Zavier nang marinig niya ang kanyang sinabi.
“Tama lang Raven at sana lumipas na ang dalawang araw! Kung mapapabilis ko lang ang oras, ginawa ko na simula pa lang!”
Nagulat si Janella sa narinig at lalo siyang natakot. “Za--”
Madaling tinakpan ni Zavier ang bibig ni Janella. “Sshh… sshh… sshh…” umupo siya ng marahan. “Huwag kang matakot. Baka nakakalimutan mo na, nandito ako para sa ‘yo princess…”
Napaupo na rin si Janella habang nakatingin sa mga mata niya.
Ngumisi si Raven. “Opo nga! Ang plano nga po namin ay aalis po kami dito ng alas-dose ng madaling araw para siguradong-sigurado na tulog na silang lahat! Dahil tatlong oras ang agwat natin sa kanila. Kaya kung alas-dose tayo, sila naman ay alas-tres! Di ba ginoo?”
“Tama! Pero Raven, hindi lang kayo ang pupunta do’n. Kasama n’yo rin ako sa pagpunta.”
“Pero ginoo---”
“KAPAG SINABI KO RAVEN, SINABI KO! ISA AKONG PINUNO AT MARAPAT NINYONG SUNDIN!”
Napayuko ang binata. “Opo ginoo… p-pasensya na po.”
“Sabik na sabik na akong makuha natin ang Destiny World Raven.” ngumisi siya. “Gusto ko na siyang mapatay... gusto ko nang maging mapayapa ang aking isipan!”
“Opo!”
“Ganito ang plano natin Raven, kung sa bagay alam naman natin kung nasaan na ang Doherty Palace at hindi na tayo mahihirapan pang maghanap. At isa pa, alam naman natin kung nasaan ang kwarto ng prinsesa di ba?”
Dinugtungan ito ni Raven. “Opo, do’n po tayo papasok.”
Dinugtungan din nito ni Everestine pagkatapos. “Pero alam mo, hindi mo rin kasi masasabi na kung TULOG na nga ba talaga ang LAHAT. Siguro naman may mga maiiwang gising pa rin diyan kahit na iilan lang. Kaya gusto ko pa ring gamitin natin ang Sleepy Dust sa buong kontinente ng Destiny para siguradong-sigurado na TULOG NA TALAGA SILANG LAHAT! AYOKO KASI NG MAY UMAABALA PA SA ATIN! GUSTO KO DIRETSO NA!”
Natawa ng marahan si Raven. “Opo nga, tama nga po kayo. Magandang ideya po ‘yan.”
“Di ba? Tapos saka natin puntahan ang palasyo, diretso kaagad sa kwarto! Pagkatapos kunin, dalhin natin dito, ipapakita muna natin siya sa ating diyosa bago natin siya pagtulungang patayin!”
Natawa muli si Raven.
“Uunahin muna natin ang prinsesa bago ang kanyang nanay. Dahil siya ang mas kailangan natin! Kailangan nating patayin ang susunod na magiging reyna.”
“Naiintindihan ko po.”
Kina Janella at Zavier naman, sobrang kinakabahan na si Janella habang pinapakinggan ang pinag-uusapan ng dalawa. Nakaupo pa rin sila habang nasa harapan lang niya si Zavier. Nakalingon lang ang binata habang nakasilip sa mga damuhan. Pinapakinggan rin niyang mabuti ang pinag-uusapan ng dalawa habang tinatakpan pa rin niya ang bibig ng prinsesa.
Naisipang sabihin ni Zavier ang bagong plano nila. “Princess, ganito--” bigla siyang napahinto sa kanyang sasabihin nang maramdaman niya ang malamig na patak ng tubig sa kanyang kamay na dumaloy pa pagkatapos. Napalingon tuloy siya at napatingin sa kanya.
Nakatingin lang sa kanya ang luhaang prinsesa. Naluha muli siya ng isa at napatingin sa ibaba.
“H-Huwag kang matakot.” marahang tinanggal ni Zavier ang kanyang kamay na nakatakip sa bibig ni Janella at pinahid ang mga luha nito.
Napakagat-labi si Janella habang nakatingin sa ibaba. “A-Ayokong mamatay Zavier… P-Pati rin pala si ina papatayin rin pala nila? A-Ayokong mangyari ang lahat ng ‘to! Ayoko ring mapahamak ang mga kababayan ko. Ayokong angkinin nila ang mundo namin!” pabulong ngunit mataas na tonong sabi niya. “Sobra na talaga ako natatakot...” humikbi siya.
Hinawakan ni Zavier ang ulo ni Janella at dinikit niya ito sa kanyang dibdib ng marahan. “Tahan na princess... kahit anong mangyari, nasa tabi n’yo lang ako.”
“Sa pagkakaalam ko... nandito palagi si Zavier di ba?” mausisang tanong ni Everestine.
Nagulat si Zavier nang marinig niya ang kanyang pangalan.
“Opo, nandito nga po siya palagi.” sumang-ayon si Raven.
“Nasaan na kaya ‘yung batang ‘yun?” tumayo si Everestine at lumingon-lingon. “Anong petsa na? Kanina pa tayo nandito nag-aantay sa kanya!” inis na wika niya.
“Baka naman pumunta sa tiyo niya? Hindi po kaya?” nagtaka rin si Raven.
Natawa ang matanda. “Kahit kailan talaga si Zavier, isip bata pa rin at palaging nakadikit sa kanyang tiyo ‘no?! Hahaha! Paano kasi at wala na siyang iba pang malapitan kundi siya lang!” tumawa muli siya at muli siyang umupo sa malaking bato na inupuan niya kanina.
Nainis bigla si Zavier at hindi niya napigilan ang kanyang sarili na magpakita sa dalawa. Binitiwan niya si Janella at sabay tayo.
Nagtaka ang prinsesa habang nakatingin sa kanya. “Z-Zavier?”
“Dito ka lang, princess.” seryosong wika niya at lumabas sa mahahabang damuhan.
Nagulat si Everestine nang makita niya si Zavier. “Oh! Nandito ka na pala!”
Seryoso lang ang pagmumukha ni Zavier habang papunta sa kanila. Diretso lang ang tingin niya sa dalawa.
“Zavier, anong nangyari sa ‘yo at bakit ngayon ka lang?” mausisang tanong ni Raven.
“Nakatulog ako sa gitna ng gubat.” huminto siya sa paglakad nang makalapit na siya sa kanila.
Natawa si Everestine. “Ikaw talaga!” hinampas niya ang likuran ni Zavier. “Tamad ka talagang bata ka! PALAGI KA NA LANG TULOG!”
Nasaktan si Zavier sa kanyang hampas. Alam niyang sinadya niya itong lakasan at mukhang inaapi na naman siya ni Everestine ng palihim. Tahimik lang siya habang seryosong nakatingin sa matanda.
Natawa muli si Everestine at tiningnan niya ng masamang tingin si Zavier. “Zavier, alam mo na ba ang plano natin? Baka naman wala ka pang alam at tutulog-tulog ka pa rin dito?” mahinahong tanong niya habang siya ay nakangisi.
Nakatingin lang sa ibaba si Zavier at hindi na lang sumagot.
“Ikaw naman...” hinawakan niya ang braso ni Zavier. “Makisali ka naman, pwede ba? Hindi porket na ikaw ang pinakabata dito ay gaganyan-ganyan ka na lang. Kasali ka rin dito baka hindi mo alam. Tingnan mo si Raven, kahit na mas matanda siya sa ‘yo ng kakapiranggot ay alam niya ang lahat. Pero ikaw?” hahatakin na niya sana si Zavier para suntukin.
Naging alerto si Zavier at madali niyang inalis ang kamay ni Everestine bago pa siya nahila. “TUMIGIL KA!”
Nagulat si Janella dahil unang beses pa lang niya nakita at narinig si Zavier na magalit. Nakasilip lang siya sa mahahabang damuhan habang pinapanood silang tatlo.
Biglang uminit ang ulo ni Zavier. Mabilis siyang lumayo sa dalawa. “Hinding-hindi kita mapapatawad sa mga pinaggagawa mo kay tiyo! Nasaktan mo siya sobra! Minsan nakikita ko na lang siyang lumuluha dahil sa ‘yo! Ginagawa lang naman niya ang lahat para lang lumigaya ka pero hindi mo man lang pinahahalagahan at pinasasalamatan ang mga bagay na ginawa niya para sa ‘yo! WALA KANG PUSO!!!!”
Uminit din ang ulo ni Everestine at bigla siyang tumayo. “ANONG SINABI MO BATA?!!!!”
“WAALAAA KAAANG PUUUSOOO!!!!” sinigaw pa ito ni Zavier.
“Nakakainis ka na, Zavier!!!!” biglang sinipa ni Raven ang likuran nito.
Nasaktan si Zavier at bigla siyang natumba nang sipain siya nito. Hindi niya napansin ang ganu’ng gagawin ni Raven sa kanya dahil nakatingin at nakapokus siya kay Everestine. Umupo sa likuran niya si Raven at kinuha niya ang dalawang braso niya pagkatapos. Nilagay niya ito sa kanyang likuran at pinihit.
“AAAHHH!!!!” napasigaw si Zavier sa sakit.
Nanggigigil si Raven sa inis. “WALA KANG GALANG SA PINUNO NATIN!!!! ANO KA ZAVIER?!!!! IKAW NA NGA ‘TONG WALANG PAKIALAM SA PLANO NATIN, ANG GALING-GALING MO PANG MANIGAW!!!!” patuloy lang si Raven sa pagpipihit.
“AAAAAAAAAAAHHHHHHHHHHHH!!!!!!!!!!!!!!!”
Lumapit si Everestine sa dalawa at tumuntong siya sa likuran ni Zavier.
“Argghh!!!” napapikit si Zavier sa sakit.
“Ayan pala ang gusto mo ha?! Palagi kang inaapi?! Oh ‘yan! Tanggapin mo ‘yan! Kung sa bagay apihan ka naman talagang bata ka!” dinidiinan pa niya ang kanyang pagkakaapak. “MARAPAT LANG TALAGA SA ‘YO NA MASAKTAN, ZAVIER!!!! MARAPAT NA MAGSAMA LANG KAYO NG TIYO MONG APIHAN!!!!”
Nakapikit lang si Zavier habang nakakunot ang kanyang noo. “Kung apihan pala… ako. Sana sa ‘kin mo na lang… binubuhos lahat ng galit mo kay tiyo! Apihin mo man ako… ayos lang sa akin. Basta ‘wag lang siya…!”
Napaisip si Janella sa kanyang sarili na kung magpapakita na ba siya sa kanila para pigilan sina Raven at Everestine sa pagpapaapi kay Zavier. Ngunit ngayon pa lang ay nanginginig na siya sa takot habang pinapanood pa lang silang tatlo. Ngunit mas lalong ayaw naman niyang makita si Zavier na nasasaktan at marinig ang bawat niyang sigaw. Hindi na siya nakatiis at pinili niya pa ring lumabas kahit na takot na takot siyang magpakita sa dalawa.
“Tumigil kayo!” bigla siyang lumabas sa mahahabang damuhan habang matapang siyang nakatingin sa kanila.
Sabay na tumingin sina Raven at Everestine sa kanya.
Nagulat si Zavier nang marinig niya ang boses ni Janella. Pinilit niyang dumilat para tingnan ang prinsesa.
Biglang nawala ang matapang na pagmumukha ni Janella nang tingnan siya ng dalawa. Mas lalong nanginig ang buong katawan niya sa takot at kakaunti na lang ay hihimatayin na siya. “Huwag n’yong saktan si Zavier!” naluha na siya. “Pakiusap…” napatutop siya sa kanyang dibdib.
“Isang babae?” binitiwan ni Raven ang dalawang braso ni Zavier at tumayo. Dahan-dahan siyang lumapit kay Janella.
Nagulat si Janella nang makita niya na lumalapit na sa kanya si Raven. Napaatras siya.
“Sino ka?” nanliit ang kanyang mga mata habang tinitingnan ang buong katawan ng prinsesa. “Parang pamilyar ako sa itsura mo binibini...”
“Ha..a..ah...” nauutal si Janella at hindi niya alam kung ano na ang dapat niyang sabihin at gawin. Napaluha muli siya sa takot habang nakatutop pa rin sa kanyang dibdib ang kanyang mga kamay.
Binilisan na ni Raven ang kanyang paglakad para kunin si Janella.
“TUMIGIL KA!” biglang humarang si Zavier sa pagitan nilang dalawa.
Napahinto si Raven at tiningnan niya ito ng masama. “Huwag ka ngang humarang sa mas nakakatanda sa ‘yo bata... Ang lakas ng loob mo ha?!”
“Huwag mo nga siyang isali dito!” mataas na tonong sabi ni Zavier habang masamang nakatingin ang kanyang mga mata sa kanya.
“Bakit ba? Bakit mo ba siya pinoprotektahan? Sasaktan ko ba siya? Gusto ko lang naman siya makilala dahil bago lang siya sa aking paningin!” gumilid siya ng kakaunti at pinagmasdan niya si Janella mula sa likuran ni Zavier. Mabilis niyang hinawakan ang braso ng prinsesa para hatakin.
Ngunit malakas na siyang tinulak ni Zavier bago niya pa hatakin si Janella. “TUMIGIL KA SABI!!!!”
“AAAHHH!!!!!” tumalsik siya at sabay gulong sa buhanginan. Sobra siyang nasaktan at hindi tuloy siya kaagad makakatayo. Hindi niya inasahan ang ganu’ng lakas na pinakita ni Zavier.
Nakatayo lang si Zavier ng tuwid habang masama siyang nakatingin kay Raven sa malayo. Sumulyap naman ang kanyang mga mata kay Everestine pagkatapos. Sinaktan niya rin ang matanda bago siya humarang sa harapan ni Janella. Ayaw man niya saktan ang dalawa ngunit kailangan niya itong gawin para sa prinsesang kailangan niyang iligtas na kahit anong mangyari.
Napabaluktot si Everestine at napapikit sa sobrang sakit na ginawa sa kanya ni Zavier. Pinilit niyang dumilat para tingnan siya. “A...anong g...g... gina...wa m...mo sa ‘kin bata?!!!!”
“Kung gaano man kasakit ang nararamdaman mo ngayon, Everestine, sana maintindihan mo na rin kung ano ang nararamdaman sa ‘yo ni tiyo. Nasasaktan siya sa ‘yo. NASASAKTAN!”
Napaubo ang matanda. “K-Kainis... ka Za…vier!” pinilit niya pang gumapang papunta kay Zavier.
Tumalikod lang si Zavier sa kanilang dalawa at tumingin na siya kay Janella.
Nanginginig pa rin si Janella at hindi na nga rin niya halos maigalaw ang kanyang katawan sa sobrang takot. Dahan-dahan siyang tumingin sa mga mata ni Zavier.
“Halika na, princess...” pabulong na wika niya. Seryoso pa rin siya at hinawakan na lang niya ang kamay ng prinsesa. Lumakad na sila.
“ZAVVIIERR!!!!” sigaw ni Everestine.
Napahinto si Zavier.
“SAAN KA PA PUPUNTA?!!!!”
Napalingon at napatingin si Janella kay Zavier. “Z-Zavier?” nakatutop pa rin si Janella sa kanyang dibdib.
“M-MAY PAG-UUSAPAN PA TAYO!!!! H-HINDI MO RIN KASI ALAM KUNG GAANO KA NAMIN KAILANGAN!!!! KAHIT PA BATA KA, MAY TAGLAY KANG LAKAS NA WALA SA I-IBA!!!”
Napahigpit ang pagkakahawak ni Zavier sa kamay ni Janella sa inis. Hindi na lang niya ito sinagot at naglakad na lang siya muli.
“ZAAAAAVVVIIIIEEERRRR!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!”
Napatingin sa likuran si Janella at pinagmasdan niya si Everestine habang naglalakad.
“BUMALIK KA KAAGAD DITO!!!! IMPORTANTENG-IMPORTANTE ITTTOOO!!!!”
Hindi na lang pinansin ni Zavier si Everestine at tumungo na sila ni Janella sa direksyon na kung saan nando’n ang tanging daan patungo sa Amadeyu Ship. Masama pa rin ang loob niya habang palayo na sila ng palayo sa kanila. Nakayuko’t malungkot lang si Janella habang naglalakad. Ibang klase ang naramdaman niya ngayon. Muntikan na talaga siyang himatayin sa sobrang takot na kahit minsan ay hindi niya pa ito nararanasan sa buong buhay niya.
Maya-maya ay natagpuan na nila ang ship. Mukhang gising pa ang mga insekto na nandito dahil mga maiingay pa sila. Nasa isang tabi lang ang ship ni Zavier habang napapalibutan ito ng mga malalagong puno. Natatakpan ito ng mga malalaking dahon upang hindi ito mapansin na isa pala itong ship. Dahil ang mga ships nila ay may katangi-tanging pwestong pinagtataguan ngunit ayaw lang ni Zavier na isama ang kanya sa iba dahil may nakawan minsan na nagaganap dito.
Tinanggal paisa-isa ni Zavier ang mga dahon sa ship at nilagay niya ito ng maayos sa damuhan. Nasa likuran lang niya si Janella. Nakayuko pa rin at malungkot.
Binuksan ni Zavier ang pinto para sa prinsesang papasok sa loob. “Princess...” mahinang tawag niya.
Tumingin sa kanya si Janella habang nasa pagmumukha niya ang pag-aalala. Tumango siya at pumunta sa ship. Pumasok siya at umupo sa upuan.
Sinarado naman ni Zavier ang pinto ng maayos. Pumunta naman siya sa kabilang pintuan para pumasok rin sa loob. Binuksan na niya ang makina ng ship at nagsimula nang magmaneho papuntang Destiny World.
Maya-maya ay nasa kalawakan na sila. Tahimik lang silang dalawa habang si Janella naman ay malungkot na pinagmamasdan ang mga planeta at ang mga bituwin na sobrang dami.
“Napapaisip ako kung ano kaya ang nangyari sa tiyo ni Zavier. Sana makita ko rin siya.” wika niya mula sa kanyang isip at bigla siyang napabuntong-hininga.
Napalingon si Zavier sa kanya nung siya ay bumuntong-hininga. “Princess?”
Nagulat si Janella at lumingon ng marahan sa kanya. “Ahm, bakit?”
Hindi muna siya sumagot. Umiling na lang siya at muling tumingin sa kanyang harapan pagkatapos. “Pasensya na at baka naiinip ka na. Huwag kang mag-alala at kakaunting oras na lang, malapit na tayo.” ngumiti siya pagkatapos.
Nanlaki ang mga mata ni Janella nang makita niya muli ang matamis na ngiti ni Zavier. Nahawa siya at napangiti rin siya. “Zavier, p-pwede bang... ganyan ka lang palagi?”
“Anong ibig mong sabihin, princess?” napatingin muli siya sa kanya.
“E-Eh kasi...” napayuko siya. “N-Nung magalit ka kanina... h-hindi ko alam na ganu’n ka pala magalit... h-hindi ko ‘yun inaasahan sa isang katulad mo. Grabe, nakakatakot...” tumingin muli siya sa kanya. “Sa ganyang katulad mo na palangiti at mahaba ang pasensya… h-hindi ko talaga inaasahan na ganu’n ka pala m-magalit.” napailing siya ng kakaunti.
Tumingin muli sa harapan si Zavier. “Ipagpaumanhin mo sana ako sa nangyari. Ayokong matakot ka sa ‘kin dahil baka… layuan mo na ako. Ayokong mangyari ‘yun. Patawarin mo ako, princess.”
“Ahmm...” napayuko si Janella. Tama nga naman ang sinabi ni Zavier at natakot nga naman siya sa kanya nung makita niya itong magalit. Pero hindi naman niya naisipang layuan na ang binata. “Oo, mapapatawad kita.” tumingin muli siya sa kanya. “Saka hindi ako lalayo sa ‘yo.” ngumiti siya.
Napangiti si Zavier. “Masaya naman ako kung ganu’n. Salamat, princess.”
Ngumiti na lang ang prinsesa. Bigla na lang siyang kumapit sa braso ng binata at marahang sinandal ang kanyang ulo sa kanyang balikat. Naramdaman niya ang kalamigan ng pangangatawan ni Zavier. Pumikit na lang siya habang nakangiti ng kakaunti.
Nagulat si Zavier sa kanyang ginawa. Hinimas na lang niya ang ulo nito saglit at napangiti na lang habang nakatingin sa kanya.
Maya-maya ay malapit na sila sa Destiny World at nananatili pa ring nakakapit si Janella sa braso ni Zavier. Ngunit mukhang nakatulog na siya dahil nakalaylay na ang kanyang ulo mula sa kanyang balikat. Inalis na ng marahan ni Zavier ang dalawang kamay ni Janella na nakakapit sa kanyang braso. Pinipilit niya itong alisin ng hindi ito magigising at mabuti naman ay nagawa niya ito ng tama at maayos. Inupo na niya ng maayos pagkatapos si Janella sa upuan.
Nang sila ay makapasok na sa mundong Destiny, napansin ni Zavier ang mga nagbabantay sa palasyo na palakad-lakad sa hardin. Kinuha niya ang lalagyan ng Sleepy Dust mula sa bulsa ng kanyang pantalon. Maliit niyang binuksan ang kanyang pinto at hinagis ito sa hangin. Bumukas ang lalagyan at madaling naglabasan ang dust. Hindi rin nagtagal, ang nasasakop ng dust na ito ay mga nakatulog kaagad. Pinalipas muna ni Zavier ang mga dust na mawala muna sa hangin bago sila bumaba sa hardin ng Doherty Palace.
Ilang minuto ang lumipas at nawala na ang mga dust sa hangin. Bumaba na ang ship sa hardin at hanggang sa pagbaba ay hindi man lang nagising si Janella. Sobrang mahimbing talaga ang kanyang tulog at halatang pagod na pagod na rin siya ngayon. Nakababa na ang ship at mukhang uulan na dito dahil kumukulog-kulog na at malakas na rin ang hangin. Lumabas at bumaba na si Zavier sa ship. Pumunta siya sa kabilang pintuan para buksan ang pinto ni Janella. Sinimulan na niyang gisingin ang natutulog na prinsesa nang buksan na niya ang pinto.
Nagising si Janella ngunit nakapikit pa rin siya. Ayaw pa niyang idilat ang mga mata niya dahil sa antok na antok pa siya.
“Princess, nandito na tayo.” patuloy pa rin sa pagkakalabit si Zavier.
Dumilat na siya ng marahan at muling sumalubong sa kanyang paningin ang masayahing pagmumukha ni Zavier. “H…mmhm...” ungol niya.
“Princess, ikinalulungkot ko na mananatili ka muna sa palasyo n’yo. Wala na kasing oras para maghanap pa tayo ngayon.” napayuko siya. “Kailangan ko pa muna kasi alamin kung ano ang gusto nilang sabihin sa ‘kin. Sana maintindihan mo ako.”
“M...hmm?” mukhang hindi narinig ni Janella ang sinabi ni Zavier. Pumikit siya at kinusot ang dalawa niyang mata at humikab.
Napangiti na lang si Zavier at naramdaman niya na tinatamad pang tumayo si Janella. Naisipan niyang buhatin na lang ito at bigla na nga lang niya itong binuhat.
Nagulat ang prinsesa. Nilabas na siya ni Zavier at binaba siya sa damuhan.
Nakaupo lang siya sa damuhan at humikab muli. “Inaantok pa ako.”
Lumuhod ang binata sa kanyang harapan. “Princess, hintayin mo ulit ako dito at kukunin ko lang ulit ang mga telang ginamit ko para makaakyat ka sa kwarto mo.” ngumiti siya. Tatayo na sana siya nang bigla siyang hinawakan sa kamay ni Janella.
“A-Ano? Sa k-kwarto ko?” nagising siya bigla sa katotohanan. Luminga-linga siya pagkatapos. “N-Nasa palasyo na naman ba ako?” nakita niya rin ang mga taong nagbabantay ng palasyo na mga nakahiga at tulog sa damuhan. Nagulat siya at tumingin muli siya kay Zavier.
“Sshh… sshh… sshh… Huwag kang maingay princess.” napaluhod muli si Zavier at nag-silent pose.
“P-Pero ayoko nang mapagalitan!” hinawakan niya bigla ang magkabilang braso ni Zavier. “Gusto ko nang pumunta sa refuge place Zavier!”
“Pero…”
Hinigpitan niya ang pagkakahawak niya sa kanyang braso. “Pakiusap! Ayoko nang mapagalitan pa ni ina! Gusto ko rin naman kasi sumunod sa mga sinasabi niya pero gusto ko rin naman sumunod sa ‘yo!”
Kumulog muli at umambon na.
“Princess, umaambon na. Baka magkasakit ka pa nito.” pag-aalalang wika ni Zavier.
Biglang naisip ni Janella sina Everestine at Raven. Lalo na ang pinag-usapan nilang nakakatakot na plano. “Ayoko Zavier! Natatakot ako! Akala ko ba ngayon na tayo maghahanap?! Bakit hindi pa tayo maghanap ngayon?! Gusto ko nang pumunta sa dapat kong puntahan na ngayon!”
Tumahimik na lang si Zavier.
Natahimik din si Janella nang mapansin niya na nanahimik ang binata.
Yumuko na lang si Zavier at medyo nalungkot. “Gusto ko rin naman princess, pero… kailangan ko munang alamin ang gustong sabihin sa ‘kin ni Everestine para mas mapalayo pa kita sa pahamak. Sana maintindihan mo ako.” mahinang wika niya.
Natigilan saglit si Janella at napaisip. “Pwede mo bang sabihin sa ‘kin ang dahilan kung bakit galit na galit ka sa matandang ‘yun?”
Hindi muna siya sumagot. “Basta…” kumunot ang kanyang noo. “Sobra lang talaga akong naiinis kung paano niya tratuhin si tiyo. Masyado siyang mabagsik.”
Biglang lumungkot ang pagmumukha ni Janella habang nakatingin sa kanya.
“Habang si tiyo naman ay sunod-sunuran lang sa mga kagustuhan niya na kahit alam niyang mahihirapan siya. Sabi niya kasi sa ‘kin, bilang isang nakatatanda niyang kapatid, ang tanging gusto lang naman daw niyang makita ay maging masaya lang siya.”
“B-Bakit? Ano bang pinapagawa niya sa tiyo mo?”
Tumingin na si Zavier sa kanya. “Marami, pero isa sa pinakamabigat na pinagawa na niya ay ang pag-utos niya na pumunta siya sa Ashbell. Pumunta si tiyo do’n para lang hanapin ang nawawalang kwintas ng kanyang kapatid na inalay sa kanya ng aming diyosa. Halos mamatay-matay na nga siya sa paghahanap niya na ‘yun dahil sa mainit na temperatura do’n. Pero mabuti na nga lang ay nakauwi pa siya ng buhay kahit na puro nga lang siya paso sa katawan. Maaari nga niyang ikamatay ‘yun at kung mahina lang ang kanyang katawan, tuluyan na siyang natunaw at naging isa nang maruming tubig. Pero malakas si tiyo at palagi ko siyang pinagdadasal nu’n sa aming diyosa na sana ay ayos lang siya sa kanyang paglalakbay. Kaya ‘yun, maayos na si tiyo ngayon. Labis ko rin siyang inalagaan nu’n hanggang sa paggaling niya. Tapos ngayon, may pinapagawa na naman ang salbaheng matandang ‘yun sa kanya.” bigla muling kumunot ang noo niya at muling nainis. “Wala kasi siyang pakialam kung ano man ang mangyari kay tiyo. Hindi rin naman kasi siya marunong mag-alala... kaya ayos lang sa kanya kahit na mamatay pa siya...”
“Sobra nga siyang mabagsik.” marahan na niyang binitiwan ang braso ni Zavier. “Nakikita ko na mahal na mahal mo si tiyo mo.”
Tumango siya. “Sobra.”
“Pwede ko bang malaman kung ano ang pinapagawa niya?”
Napatingin sa ibaba si Zavier. “Mahirap princess… hindi ko nga siya kayang tingnan habang ginagawa ‘yun dahil nakikita ko mula sa kanyang mukha na nahihirapan rin siya. Pero para lang sa kaligayahan ng kanyang nakababatang kapatid… ginagawa niya pa rin ‘yun.”
Tumagilid ang ulo ni Janella at talagang gusto niyang malaman kung ano ang pinapagawa ni Evrestine sa kanyang kapatid. Nakatitig lang siya sa mga mata ni Zavier.
Napabuntong-hininga si Zavier at medyo napayuko. “Pinagbubuhat siya do’n ng mabibigat… Dahil pinaghahandaan na nila ang parating na araw ng piyesta namin pati na rin ang kaarawan ng aming diyosa na si Icarus.”
“Tinutulungan mo ba siya Zavier?”
“Hindi na gaano princess, kasi mas inaasikaso kita.”
Natigilan si Janella sa kanyang sinabi. Napayuko siya ng kakaunti.
Nananatiling nakatingin lang sa ibaba si Zavier at mukhang masama pa rin ang loob.
Tumingin muli sa kanya ang prinsesa. “Alam ba ng tiyo mo na... kasama mo ako palagi?”
Napatingin sa kanya si Zavier. “Oo, masaya nga siya do’n... huwag kang mag-alala, hindi siya masama.”
Ngumiti lang si Janella.
“Princess... pasensya na kung dito ka ulit sa palasyo.”
“Mhm…” tumango siya. “Naiintindihan ko naman at saka… nandiyan ka naman para sa ‘kin kaya alam kong ligtas naman ako.”
“Mhm.” napangiti siya at tumango. “Pupunta na ako sa kwarto mo.” at tumayo.
Tumango lang si Janella habang nakatingin sa kanya.
Naging tubig na si Zavier at mabilis na pumunta sa itaas.
Nakatingin lang si Janella sa kanyang kwarto. “Mukhang mahirap din pala ang buhay ni Zavier...” wika niya mula sa kanyang isip. Naalala niya bigla ang mga ginawa nina Raven at Everestine sa binata kung paano rin nila ito tratuhin. Lumungkot muli ang kanyang pagmumukha habang iniisip ito.
Bumukas na ang bintana sa kwarto at lumabas na ang mga telang pinagbuhol-buhol.
Napabuntong-hininga na lang ang prinsesa at kinabahan habang nakatingin sa mga tela dahil siguradong-sigurado na papagalitan na naman siya ng kanyang nanay kinabukasan.
Maya-maya ay bumuhos na ang malakas na ulan. Mabuti na lang ay nakaakyat na si Janella sa itaas at nakapasok na rin ng kwarto niya.
“Zavier, sana maging maayos ang lahat habang nando’n ka sa Mharius. Alam kong makakausap mo na naman ang kapatid ng tiyo mo.” ngumiti siya. “Pakiusap, ngumiti ka ulit Zavier.”
Napatingin sa ibaba saglit si Zavier at muling tumingin sa kanya. “Salamat princess.” ngumiti siya ng kakaunti.
“Walang anuman.” nakangiti pa rin siya. “Mag-ingat ka palagi.”
Tumango siya habang nakangiti. Nagiging tubig na muli siya habang nananatiling nakatingin sa prinsesa.
Pinapanood lang siya ni Janella at malungkot siyang ngumiti.
Nagawa pang kumaway ni Zavier kahit na tubig na siya. Napangiti si Janella at kumaway din.
Natunaw na siya nang tuluyan at mabilis siyang gumapang at lumabas na ng bintana. Napalingon si Janella sa bintana at tiningnan ang Amadeyu Ship. Sinara na niya ang bintana habang tinitingnan si Zavier na sasakay pa lang sa kanyang ship. Pinunasan niya ang nagmo-moist na salamin at hinawakan ng magkabila niyang kamay ang bintana habang nakatingin sa labas.
Pinapanood lang niya ang papaalis na ship. Malungkot ang kanyang pagmumukha habang pinapanood ito. Naiiyak siya sapagkat parang gusto niyang lumabas sa bintana at sabihin kay Zavier na huwag nang umalis pa sa kanyang tabi pero hindi pwede.
“Zavier... sana bumalik ka kaagad...” wika niya mula sa kanyang isip. “Ngayon ko lang napagtanto na kung gaano pala kita kailangan… at napagtanto ko rin na sobrang mali pala ang iniisip ko sa ‘yo noon. Parang… ang mga naiisip ko sa ‘yo noon ay ang kabaliktaran na tunay na ikaw. Nakikita ko mula sa pamamagitan ng iyong mga mata at ngiti na ikaw ay talagang totoo...”
Umalis na ang ship at nawala na ito sa kanyang paningin. Umihip ang malakas na hangin at patuloy lang ang pagbuhos ng malakas na ulan.
“You’re no more a mystery to me. It is finally clear to me. napangiti siya. “Lubos akong nagpapasalamat sa ‘yo dahil pinilit mo ang isang katulad ko na kilalanin kung sino ka. At… masayang-masaya ako dahil naging isa na kitang kaibigan. Buong puso na kitang tinatanggap at pinagkakatiwalaan. Naniniwala na ako sa ‘yo.”
Humina na ang ulan.
“Sobra-sobra akong nalungkot ng mga araw na ‘to pero nang dahil sa mga pagsisikap mo para lang mapaligaya ako, sobra mo talaga akong napasaya. At talagang… nalilimutan ko lahat ng iniisip ko…”
Napabuntong-hininga siya at tumingin na ng malungkot sa ibaba.
“You were right about me being naive. I didn’t care if you really cared about me at first... I was ruthless and heartless. Muli akong nagpapasalamat sa ‘yo dahil minulat mo ako sa katotohanan.” muli siyang tumingin sa bintana at napangiti siya ng kakaunti. “At ngayon… napagtanto ko na lahat ng aking iniisip noon tungkol sa ‘yo ay isang mali pala talaga... pati na rin sa iba pang bagay na pinag-aawayan natin. Ibang-iba ka nga talaga sa mga kasama mo. Hindi ko rin inaasahan na ang isa kong kaaway noon ay magiging isa ko rin palang tagapagligtas sa huli.”
Bigla rin niyang naalala ang isang sinabi ni Zavier na hindi niya malimot-limutan.
“…Until you can feel alive again.”
Napangiti siya. “You know, I realized that when I’m with you… I feel alive again.”