18: The Unexpected Guest


 

Hindi na namalayan ni Janella na bigla na pala siyang nakatulog matapos niyang isipin si Zavier. Nasa sahig tuloy siya nakahiga ngayon.

Nagising na lang siya nang maramdaman niya na may bumuhat sa kanya mula sa sahig.

Ano naman kayang nangyari sa ating prinsesa at bakit nasa sahig siya nakahiga?” tanong ni Triny na may halong pag-aalala.

Wala naman siyang lagnat.” wika ni Harony.

Baka naman hinimatay siya?” si Mitch.

Hiniga ng nagbuhat si Janella ng malumanay sa kama.

Nakapikit lang si Janella at nagkukunwaring tulog pa siya.

Hindi naman siya mainit di ba Ginoong Lucius?” tanong ni Harony.

Nagulat si Janella nang marinig niya ang pangalan ni Lucius. “Bakit siya nandito?!”

Hindi naman. Ayos naman siya.”

Kung ganu’n, bakit naman kaya siya natulog sa sahig? Ano bang meron sa kama niya?” napatingin si Triny sa kama nito. “Wala naman.” at hinawakan ang kama.

Sige, lalabas na ako.” yumuko si Lucius para magbigay galang sa tatlong katulong at lumabas ng kwarto pagkatapos.

Pinupunasan lang ni Harony ang bintana. “Umulan ba kahapon?”

Hindi ko alam e, tulog na tayo siguro nung umulan.” wika ni Triny at pumunta sa tabi ni Harony.

Nag-iwan ng dumi kasi ‘yung moist sa bintana nung matuyo.”

Di ba bukas pa lang dadating ang bagyo?” tanong muli ni Triny na may halong pag-aalala.

Oo.”

Tahimik lang si Mitch habang nakatingin kay Janella. Umupo siya sa upuan na katabi ng kama ni Janella at hinawakan ang kamay ng prinsesa pagkatapos.

Sana mawala na ‘yun.” wika ni Harony habang patuloy pa rin sa pagpunas ng bintana. “Malakas kaya ‘yung bagyo na parating sa atin. Kaya nga kahit na paparating pa lang ‘yun, ang lakas-lakas na ng ulan sa atin palagi.”

Nakikinig lang si Janella sa usapan nila habang siya ay nakapikit. “Sana kung mawawala nga ang bagyo, sana bigyan pa rin kami ng isa pang pagkakataon na magkita pa ni Zavier… katulad na lang ng pinangako niya sa ‘kin na makakapunta pa rin ako sa Nereus Falls.”

Nakakainis na nga minsan dahil hindi na natin nakikita ang araw sa kalangitan!” inis na wika ni Triny habang nakatingin kay Harony.

Natatakpan na kasi ng makakapal na ulap. Pero kapag nawala na ang bagyo, makikita na muli natin ang magandang araw.”

Oo nga e…” napabuntong-hininga siya. “Kaya sana mawala na ang bagyo.”

Kumunot ang noo ni Janella.

Napansin siya ni Mitch. “My Lady?” mahinang tawag niya kay Janella.

Biglang lumingon sina Harony at Triny sa kanilang likuran matapos nilang marinig si Mitch.

Malumanay na dumilat si Janella at sumulyap ang kanyang mga mata kay Mitch.

Napangiti sina Harony at Triny nang makita nila si Janella na dumilat. “Your Highness?” nakangiting tanong nila.

Madaling sinara ni Harony ang bintana habang si Triny naman ay madaling pumunta sa kanya. “My Lady! Ayos lang po ba kayo?”

Napatayo si Mitch. “Bakit natulog po kayo sa sahig?”

My Lady!” masayang wika naman ni Harony na papalapit pa lang sa kanila.

Palipat-lipat ang tingin ni Janella sa kanila. “A-Ayos naman ako.” mahinang wika niya. Malumanay siyang napapikit at tumango.

We missed you!” wika ng tatlo at sabay-sabay din nilang niyakap ang prinsesa.

?!” nagulat si Janella at dumilat siya. “A-Ahmm…” palipat-lipat lang ang kanyang tingin sa kanilang tatlo.

My Lady! Bakit pa po kasi kayo umaalis dito?!” pag-aalalang tanong ni Triny. “Pakiusap, huwag n’yo na po ‘yun gawin!”

Biglang bumukas ang pinto. “My princess!”

?!” sabay-sabay silang tuminging apat sa pintuan.

Nakahawak lang si Lucius sa door knob habang nakangiti.

Nanlaki ang mga mata ni Janella nang makita niya muli si Lucius. Bigla niyang naalala si Zavier. “Patay! H-Hindi pwedeng hanggang mamayang gabi ay nandito siya!”

My princess!” masayang lumalapit si Lucius sa kanya.

Madaling umalis ang tatlong katulong sa prinsesa bago pa lumuhod sa tabi ng kama si Lucius.

Hinawakan niya ang kamay ni Janella habang masaya siyang nakatingin sa kanya.

Nagtaka si Janella kung bakit hinawakan siya ni Lucius sa kamay. Napatingin siya sa kanyng kamay. “A-Ahmm…” malumanay niyang inalis ang kamay nito sa kanyang kamay. “B-Bakit ka nga pala nandito?” at tumingin muli sa kanya.

Baka nalilimutan mo na… isa mo akong kabalyero di ba?”

Inirapan niya si Lucius. Napabuntong-hininga at napailing na lang siya. Sa kanyang pag-iling, diretso kaagad siyang tumingin sa kanyang bintana.

Ilang oras ang lumipas, ang iilang servants ay mga nasa ikalawang palapag habang nag-aayos ng mga kainan sa Dining Hall.

Dalian natin guys dahil ilang oras na lang ay dadating na ang ating mga bisita!” pasigaw na wika ni Bernard habang pumapalakpak ng malakas.

Hmm!!!” hirap na hirap na si Nathy sa dala-dala niyang malaking kaldero na may lamang kanin sa loob.

Ako na ang bahala Nathy diyan.” wika ni Eric at kinuha ang malaking kaldero sa kanya.

?!” napatingin siya kay Eric.

Nakangiti si Eric sa kanya.

Ahehehe! Salamat Kuya Eric!” napangiti siya at namula.

Wala ‘yun Nathy.” tumingin siya sa Dining Hall. “Halika at ituro mo sa ‘kin kung saan ko ‘to ilalagay.”

Ah! Mhm!” masaya siyang tumango at naglakad habang kasama si Eric.

Habang ang iba naman ay mga nasa ika-unang palapag nag-aayos naman ng mga lamesa. Pinapalitan muli nila ang mga bulaklak sa plorera. Pati ang mga prutas na katabi ng plorera ay pinalitan na rin nila.

Humihimig si Gweine habang inaayos ang mga bulaklak sa plorera. “Ang bango-bango naman~!” nakangiting wika niya.

Baron matanong ko lang, paano tayo makakahanap ng CCTV camera ngayon?” tanong ni Grace na may halong pag-aalala.

Seryoso lang na nag-aayos ng napkin si Baron sa isang lamesa. Tumigil siya sa kanyang ginagawa at bumuntong-hininga. Lumingon siya at tumingin kay Grace.

Nananatiling nakatingin lang sa kanya si Grace.

Umiling siya. “Hindi na tuloy ‘yun.” at tumingin muli sa napkin na kanyang inaayos. Pinagpatuloy na muli niya ang pag-aayos dito.

Paano ‘yan?”

Bukas na lang ulit. Saka siguro ngayon… hindi na aalis si Ginoong Lucius dito.” patuloy pa rin si Baron sa kanyang ginagawa.

Ah.” tumango si Grace. “Mabuti naman.” napangiti siya.

Mananatili siya dito para bantayan ang ating prinsesa.” lumingon si Baron at ningitian si Grace.

Habang si Clayden naman ay nakatayo lang sa sentro ng hall. Tinitingnan niya ang bawat katulong na nagtatrabaho. Napansin niya si Gweine na kanina pa sa isang lamesa habang inaayos ang mga bulaklak sa nag-iisang plorera.

Nilapitan niya ito. “Gweine, anong problema? Bakit hanggang ngayon nandiyan ka pa rin? Tutulungan na kita kung nahihirapan ka diyan.”

Hm~?” lumingon si Gweine sa kanya. “Wala naman Clayden, ang ganda kasi ng mga bulaklak na ‘to. Nakakaakit sila tapos ang bango-bango pa~!” at inamoy ang mga ito.

Kasi…” tiningnan ni Clayden ang kanyang orasan. “Kasi kung nandiyan ka lang palagi.” tumingin muli siya kay Gweine. “Hindi mapapabilis ang ating trabaho.”

Sumimangot si Gweine at tumingin sa kanya. Pumeywang siya. “Bakit ikaw~? Wala ka ngang ginagawa e~!”

Hindi na lang sumagot si Clayden habang nakatingin sa kanya.

Hay naku ha~!” tumingin na muli siya sa mga bulaklak at hinawakan ang mga petals nito. “‘Wag kang ano~!”

Tama nga si Clayden. Dapat nalalaan mo na sa ibang bagay ang mga ilang minuto na nasasayang mo diyan.” wika ni Julius mula sa likuran ni Gweine.

Napalingon si Clayden at napatingin kay Julius. “Nandiyan ka pala Jul.”

Hm~?” lumingon sa likuran si Gweine at tumingin kay Julius. “Pakialam mo ba~?!” at muling tumingin sa mga bulaklak. “Parang nasa field ako kapag naaamoy ko ‘to~! Pangarap ko kayang pumunta do’n~!”

Hindi lang naman ‘yan ang nag-iisang plorera sa bawat lamesa natin dito! Ayusin mo naman ‘yung mga iba do’n! Palitan mo na ‘yung mga mabubulok na bulaklak do’n!” inis na wika ni Julius.

Bakit ba~?! Pwedeng ikaw naman ang mag-ayos do’n ah! Hayaan mo nga ako dito~! Ikaw talaga~! Gusto mo lang ako kausapin e… o kaya nami-miss mo lang kasi ako~!”

Anong sinabi mo?!” biglang nag-apoy na naman si Julius. “I’ve never missed you!”

Hay naku…” napasampal sa noo si Clayden at iniwan na lang ang dalawa.

Isang oras ang lumipas at malapit nang matapos ang bawat servants sa kanilang mga trabaho. Kakaunting trabaho na lang ang gagawin nila para matapos na ang kanilang hinanda para sa mga bisitang dadating. Sa ika-una at ikalawang palapag ay may mga nakahanda nang mga pagkain.

Mga nasa deck ng main door sina Janella at Lucius.

Napansin ni Janella na wala na ang mga nagbabantay na mga tao dito sa hardin.

Ang lamig ng simoy ng hangin…” mahinahong wika ni Lucius. Masaya siyang tumingin sa kalangitan at huminga siya ng malalim.

Hindi lang pinapansin ni Janella si Lucius. Pinagmamasdan lang niya ang buong hardin. Saka pa lang niya napansin ang mga puno’t halaman na nagupitan na pala ang mga ito.

Lumingon at tumingin sa kanya si Lucius.

Malayo lang ang tingin ng prinsesa.

Hindi na lang niya pinansin si Janella. Bumaba na lang siya ng hagdan. “My princess.” tawag ni Lucius mula sa ibaba ng hagdanan. Inabot niya ang kanyang kanang kamay sa kanya.

Seryosong sumulyap ang mga mata ni Janella sa kanya. Nagtataka siya kung bakit “My princess” ang tawag sa kanya. “Umayos ka nga diyan Lucius!”

Nagulat si Lucius sa sinabi ni Janella sa kanya. “A-Anong ibig mong sabihin?” napahiya siya ng kakaunti.

Bakit ‘MY PRINCESS’ ang tawag mo sa ‘kin?”

Napatingin na lang sa ibaba si Lucius. Natawa siya ng marahan at napailing.

Hindi pa rin kita pinapatawad tungkol sa pagkumpara mo sa sarili mo kay Jasper. Mas malakas pa rin siya sa ‘yo!”

Tumingin na lang muli si Lucius sa kanya habang nakangiti. “Okay.” tumango na lang siya. “Siya na ang malakas sa amin.”

Talaga!” inirapan muli ni Janella si Lucius. Tumuntong siya sa railing ng deck nito.

Nanlaki ang mga mata ni Lucius matapos niyang makita na tumuntong si Janella dito. Madali siyang lumapit sa kanya. “Baka mahulog ka diyan!” Nakatingala siya habang nakatingin sa prinsesa.

Ayan na naman si Janella. Pababa-baba at pataas-taas ang dalawang kamay. Hindi lang niya pinapansin si Lucius.

Sinusundan ng tingin ni Lucius ang kaliwang kamay nito. Madali niya itong hinawakan nung bumaba ito.

Ah!” nawalan ng balanse si Janella.

Oh, dear! I’m so sorry!” nataranta siya at madali niyang binitiwan ang kanyang kamay. “Hinawakan ko lang naman ang kamay mo para alalayan ka!”

AAHHH!!!!” bigla na siyang nalaglag pero mabuti naman ay nasalo naman siya kaagad ni Lucius.

Napaikot pa si Lucius sa bigat ni Janella habang dala-dala siya.

?!” nagulat si Janella habang nakatingin sa kanya.

Hiningal siya sa kaba. “A-Ayos ka lang ba?” nag-alala siya. “Pinakaba mo ako, Your Highness!” natawa siya pagkatapos.

Kasalanan mo kaya!”

Hahaha! Pasensya talaga!”

Sige, salamat pa rin at pababain mo na ako.”

As you command.” malumanay na binaba ni Lucius si Janella.

Tumingin si Janella sa kanyang nightgown na suot-suot. Pinagpag niya ito at hanggang ngayon hindi pa rin siya nagpapalit ng damit.

Pinagmamasdan lang ni Lucius ang kasuotan ng prinsesa. “May partido tayo mamaya.” tumingin na siya sa mukha ni Janella habang nakangiti.

Hm?” napatingin rin si Janella sa kanya. “Talaga? Anong meron?”

Nakangiti lang si Lucius. “Hindi ko alam.” at nagkibit-balikat.

Biglang pumutok sa kalangitan ang fireworks.

Napatingin sa likuran si Janella dahil nasa likuran ng palasyo nanggaling ang fireworks.

A-Ano ‘yun? Fireworks ba ‘yun?”

Nagulat si Lucius matapos niyang makita ang fireworks na sumasabog na sa kalangitan.

Nananatili lang na nakatingin si Janella sa kalangitan. “Nakakapagtaka naman, fireworks sa umaga? Meron ba nu’n?”

Biglang kumunot ang noo ni Lucius.

Anong ginawa mo Tofena!” inis na wika ni Clayden. “Patay! Yari tayo kay Ginoong Lucius niyan!” napahawak siya sa kanyang ulo.

Nakaupo lang si Tofena sa bermuda grass ng backyard nila. Nakatawa lang siya habang pinapanood ang sumasabog na fireworks sa kalangitan.

Kasi naman! Tingnan mo naman kung anong ininom na naman niya!” mabilis na hinablot ni Serah ang bote ng alak mula sa kamay ni Tofena.

Uy.” walang kasigla-sigla ang pagkakasabi niya. Malumanay siyang tumingin kay Serah.

Oh, my~! It’s so pretty~! Hahaha! Parang nanalamin lang ako sa kalangitan! Kasing-pretty ko lang ang fireworks oh~!”

Hoy!” si Clayden.

Ahahahaha~!” patuloy pa rin si Gweine sa kakatawa at talagang manghang-mangha siya sa kagandahan ng fireworks.

Ahahaha!” natawa na lang bigla si Tofena habang nakatingin kay Gweine.

Ssshhh!!!” si Baron.

Nakapikit na si Julius sa inis. Gusto na niyang suntukin si Gweine ngunit pinilit niyang pigilan ang kanyang sarili. Humalukipkip na lang siya.

Nanahimik na lang ang lahat. Hinayaan na lang nila si Gweine. Ilang segundo ang lumipas, nahalata ito ni Gweine na tumahimik na lang sila bigla.

Ay! Pasensya na kung tawa ako ng tawa.” nahiya siya.

Ano? Titigil ka na ba?” tanong ni Julius.

Tumingin si Gweine kay Julius at ngumuso. “Opo.”

Mabuti naman kung ganu’n. Hindi maganda ang ginawa ni Tofena para ikatuwa mo.”

Napayuko si Gweine habang nanginginig pa ang kanyang labi na parang iiyak.

Uminom ka na naman ng alak ‘no?” si Serah habang masama siyang nakatingin kay Tofena.

Tumingin si Tofena kina Clayden at Serah. “Hindi ako uminom!” at biglang sininok.

Oo nga, halatang uminom ka nga!” humalukipkip si Serah.

Hindi nga sabi!” umiling si Tofena at muling sininok.

Dapat kasi itigil mo na ang bisyo mo na ‘yan! Ikaw lang kaya sa amin ang umiinom ng alak! Yari ka kay Ginoong Lucius, humanda ka.” umalis na si Serah sa harapan niya at nauna nang pumasok sa loob ng palasyo.

Ahehehe!” natatawa pa si Tofena.

Nakaramdam ng pagkaawa si Clayden para kay Tofena. “Tofena, matulog ka muna sa kwarto mo. Halika.” inalalayan niya itong patayuin.

Lumapit na rin si Baron kay Tofena at tinulungan si Clayden na itayo ito.

Napatingin si Clayden kay Baron na nakahawak sa kabilang braso ni Tofena. Ganu’n din si Baron sa kanya, nakatingin din.

Biglang nakita muli ni Clayden ang mga imaginary roses na kumikinang-kinang mula sa likuran ni Baron.

Hay naku.” napailing na lang siya at tinayo na ng marahan si Tofena.

Papasok na sana ang lahat nang biglang bumukas ang pinto at hindi nila inaasahang sumalubong sa kanilang paningin ang nakasimangot na pagmumukha ni Lucius habang kasama si Serah.

Nagulat ang mga servants nang makita nila si Lucius.

Tumigil ang dalawang nagbubuhat sa paglakad.

Uh-oh.” mahinang wika ni Baron habang kinakabahan.

Lagot!” wika ni Clayden mula sa kanyang isip.

Sino si Tofena?” seryosong tanong ni Lucius.

Siya po! ‘Yung buhat-buhat po nila!” at tinuro ni Serah si Tofena.

Seryosong sumulyap ang mga mata ni Lucius kay Tofena.

Nakanganga lang si Tofena habang nakatingin kay Lucius. “Hello! Hehe!” at kumaway ng maliit sa kanya.

Palitan mo ‘yung fireworks. Kapag hindi mo nagawa ‘yun, ipapatanggal kita dito sa palasyo bilang isang katulong.”

?!?!?!” nagulat ang lahat.

Kinabahan sina Baron at Clayden. Nagtinginan sila sa isa’t-isa.

Seryoso lang na nakatingin si Lucius kay Tofena.

Ahehehe! O sige ba!” pagmamayabang na sagot ni Tofena at muling sininok.

Madaling tinakpan ni Clayden ang bibig ni Tofena at sabay tingin kay Lucius. “P-Pasensya na po talaga, Ginoong Lucius! I-Ipagpaumanhin n’yo po sana ang nagawang mali ng aming kaibigan! Malaking-malaking pasensya po talaga sa inyo!” yumuko siya ng yumuko.

Opo! P-Pasensya na po!” yumuko rin ng yumuko si Baron.

Pasensya po!” wika naman nina Christoph at ng iba. Yumuko rin sila ng yumuko.

Tinaasan sila ng kilay ni Lucus. “Pasensya? Hindi ko matatanggap ang inyong paumanhin para sa nagawang kasalanan ng inyong kaibigan. Dahil ayoko lang masira ang magandang partidong gaganapin mamaya.”

Tumigil sa pagyuko si Clayden at nananatili lang siyang nakayuko. Natigilan siya sa sinabi nito.

Basta kung ano ang sinabi ko sa kanya, kailangan niya pa rin ‘yun gawin. Kung hindi, alam na niya kung anong mangyayari sa kanya. Wala ring sinuman ang tutulong sa kanya. Kapag nakita ko kayo na tinutulungan siya, humanda rin kayo sa ‘kin.”

Napalunok si Clayden at marahang inangat ang kanyang ulo para tingnan si Lucius.

Tumalikod na si Lucius sa kanila at muling pumasok sa loob. Hindi sumama si Serah sa kanya at sinara lang niya ng marahan ang pinto.

Anong ginawa mo Serah?!” pagalit na tanong ni Christoph.

Humalukipkip si Serah at pumikit. “Ano ba sa tingin mo? Eh ‘di sinumbong ko!”

Grabe ka naman!” si Baron. “Hindi ka man lang naawa kay Tofena!”

Tsk! Tsk! Tsk!” umiling si Julius. “Yari talaga si Tofena kapag hindi niya nagawa ‘yun.”

Hindi pa naman tayo marunong gumawa ng fireworks~!” pag-aalalang wika ni Gweine.

Hindi rin natin alam kung saan makakabili nu’n. Tsk! Tsk! Tsk!” wika muli ni Julius.

Dapat hindi mo na lang sinumbong Serah! Dapat kung ano ang mali ng isa, damay na rin tayong lahat dito! Pagtulungan na lang natin ‘to sana!” inis na wika ni Christoph.

Nakahalukipkip pa rin si Serah. “Gumanti lang ako sa ginawa niyang pag-alog ng hagdanan sa ‘kin habang naggugupit ako sa puno! Nakakainis na kaya siya!”

Ahehehe!” natawa pa si Tofena sa narinig.

Parang hindi naman kayo magkaibigan oh!” si Baron.

Parang ayos lang naman yata sa ‘yo na matanggal si Tofena dito sa palasyo!” mataas na tonong sabi ni Christoph.

Dumilat si Serah at sumulyap ang mga mata kay Christoph.

Kahit ba na anong mangyari sa inyo, kung tunay nga kayong magkaibigan dapat nagtutulungan kayo at hindi n’yo kayang mag-iwanan sa isa’t-isa!”

Bakit ko pa pala siya sinumbong kung hindi ko pala kaya di ba?!” pagalit na tanong ni Serah. “Ayos lang naman sa ‘kin kung matanggal siya dito sa palasyo! Wala akong pakialam!” pumasok na muli siya sa loob at malakas niyang sinara ang pinto.

Ouch! Ang sakit nu’n ah!” napahawak si Baron sa kanyang dibdib.

Nainis si Christoph kay Serah. “Ang sama niya.”

Hindi ako papayag! Dapat hanggang paglaki natin, sama-sama pa rin tayong lahat!” wika ni Clayden.

Tumango si Gweine. “You’re right! Always stick together dapat~!” at sabay yakap kay Julius.

Nakahalukipkip lang si Julius. Hindi na lang niya pinansin si Gweine at pinabayaan na lang niya itong nakayakap sa kanya. “Huwag nating hayaang matanggal si Tofena dito. Magtulungan pa rin tayo para sa kanya.”

Oo, basta huwag tayong magpapahalata kay Ginoong Lucius.” wika ni Clayden.

Zzzz…” nakatulog na si Tofena.

Hapon na at saka pa lang nagsisidatingan ang mga bisita sa palasyo. Mga naka-gowns ang mga babae habang ang mga lalaki naman ay mga nakasuot ng barong. Dumating na rin ang mga orchestral na magtutugtog ng iba’t-ibang instrumento sa partido. Pakalat-kalat at mga namamasyal pa ang mga bisita sa hardin hangga’t hindi pa nagsisimula ang partido. Habang ang iba naman ay nasa ika-unang palapag na at mga nasa kani-kanilang mga lamesa na habang inaantay ang partidong gaganapin maya-maya. Habang ang Dining Hall naman sa ikalawang palapag ay nagsisimula na ang sariling partido dito. Sina Adelaide at Alexius ang nasa loob habang kasama nila ang kanilang mga kamag-anak dito. Ngunit hindi rin nagtagal ang partido dito at natapos din ito kaagad.

At oo nga pala, ang partidong gaganapin sa ika-unang palapag ay ang surprise party ni Lucius para kay Janella.