20: Dance With Your Partner

 

 

Habang sa mga servants naman na kanina pang mga nakatayo sa partido, mga sumasayaw na rin sila para maiba naman ang kanilang ginagawa dahil wala naman silang gagawin sa mga oras na ito dahil puro sayawan lang naman.

Hahaha!” masayang sumasayaw si Triny habang kasayaw si Julius.

Aray ko naman! Paa ko!” inis na wika ni Julius.

Ay! Haha! Sorry!” at nag-peace pose si Triny kay Julius.

Nakasimangot lang na nakatingin si Julius sa kanya habang patuloy pa ring sumasayaw. “Tatawa-tawa ka pa diyan. Akala mo naman kasi parang clown kasayawan nito.”

Sungit mo naman! Hindi ba pwedeng masaya lang ako?! Ayoko na nga!” iniwan niya si Julius.

Gweine!” tawag ni Baron mula sa kanyang likuran.

Hm?” tiningnan ni Gweine si Baron. Nakita niya ang mga imaginary roses na kumikinang mula sa likuran nito.

Can we dance?”

Oh~!” napatutop siya sa kanyang dibdib. “Sure~! Why not~?! Ikaw pa~!” napatalon si Gweine kay Baron.

?!” nagulat si Baron at madaling sinalo si Gweine.

Habang si Clayden naman ay kaninang-kanina pa niya hinahanap si Harony sa hall. “Nasaan na kaya siya?” tanong niya mula sa kanyang isip.

Sumingit siya sa mga sumasayaw.

Excuse me po! Excuse me po!”

Nabangga siya ng hindi sinasadya ng mag-partner na sumasayaw.

Aray ko!” napausog si Clayden.

Ay! Sorry!” paumanhing wika ng dalaga na papalayo na sa kanya dahil sa dinadala siya ng ka-partner niya.

Napamilyar si Clayden sa boses kaya madali siyang napatingin dito. Nagulat siya sa kanyang nakita. “Harony!”

Bago pa magpakita si Janella sa hagdan. Huminto siya muna at tiningnan si Zavier.

Napahinto rin si Zavier habang kinakabahan pa rin. Napatingin siya kay Janella nang marinig na niya ang mga tugtugin.

Napansin ni Janella ang pagkakatindig ni Zavier. “Zavier… tumayo ka ng tuwid.”

Tiningnan ni Zavier ang sarili niya at marahang tinuwid ang kanyang katawan.

Ayan!” ngumiti siya. “Bakit parang nakukuba ka yata? Nahihirapan ka ba sa suot-suot mo?” pinagpag niya ang mga nakikita niyang dumi sa balikat ni Zavier.

Umiling siya. “Kinakabahan kasi ako sa takot… p-pasensya na.”

Bumuntong-hininga ang prinsesa. “Wala kang dapat na ikatakot. Maniwala ka sa ‘kin.”

Napalunok si Zavier habang nag-aalalang nakatingin sa kanya.

Ningitian lang ni Janella si Zavier. Hinawakan niya ang kamay nito at sinimulan niya muling maglakad para pumunta at magpakita na sa hagdanan.

?!” nahatak naman siya ni Janella at napahawak siya sa kanyang sombrero.

Napatingin ang iilang bisita kay Janella habang sila ay mga sumasayaw.

Tandaan mo ang sinabi ko! Tumayo ka ng tuwid!” pabulong ngunit mataas na tonong sabi ni Janella kay Zavier.

Nanlaki ang mga mata ni Zavier nang makita niya ang mga bisita na sumasayaw habang mga nakatingin pa sa kanila ang iilan dito. Bigla na siyang nanginig sa kaba at takot.

Binitiwan niya ang kamay ni Zavier at kumapit naman siya sa braso nito. Nakangiti lang si Janella at bumaba na ng hagdan.

Bumaba na rin si Zavier.

Sumunod-sunod na ang tinginan ng mga bisita sa kanila. Mga huminto pa sila saglit sa pagsasayaw para yumuko.

Marahan lang na bumababa ng hagdan si Janella habang pasimple niyang hinahanap si Lucius. “Tsk! Hindi ko siya makita!”

Huminga ng malalim si Zavier para pawiin ang kaba kahit kakaunti.

Hahaha!” tawa ni Jurisse habang kasayaw si Lucius.

Paikot-ikot lang silang dalawa. “Hahaha!” tawa rin ni Lucius.

Nakababa na ng hagdan sina Janella at Zavier. Nakatingin ang iilang bisita kay Zavier.

Princess! Ang sama ng tingin nila sa ‘kin!” pabulong ngunit mataas na tonong sabi ni Zavier habang siya ay diretsong nakatingin sa prinsesa.

Tiningnan na lang ni Janella ang mga nakatingin na bisita sa kanya at ningitian. “Hindi masama ang pagkakatingin nila sa ‘yo! Pinagmamasdan ka lang nila!” bulong rin niya.

Ngumiti rin ang mga bisita nang sila ay ngitian ng prinsesa. Tumingin na muli sila sa kani-kanilang mga partners at muling sumayaw.

Pinipilit ni Zavier na tumayo ng tuwid dahil napapayuko siya at parang gusto na niyang magtago kay Janella. “P-Princess…” pag-aalalang wika niya.

Ssshhh…”

Tumungo si Janella sa lamesa nila na nasa sentro ng hall habang nananatiling nakakapit kay Zavier. Bumitaw na siya sa braso nito at humarap na siya sa kanya pagkatapos.

Zavier.” tawag niya habang nakangiti.

Nahalata niya na medyo nakayuko at nakatingin sa ibaba si Zavier. Halatang ayaw niya talagang tingnan ang mga sumasayaw na mga bisita sa hall.

Natawa si Janella. “Tumingin ka sa ‘kin! Ayos lang ang lahat!”

Nag-aalala pa rin si Zavier para sa kanyang sarili at muling napabuntong-hininga. “I can’t really do this anymore, princess. Gustong-gusto ko nang umalis…” mahinang wika niya at hindi niya napigilang yumuko muli.

Natawa siya ng marahan. Hinawakan niya ang baba nito at inangat ng malumanay. “Marunong ka bang sumayaw?”

Nagulat si Zavier sa kanyang ginawa. Napatingin siya sa magkabilang mata ng prinsesa. “O-Oo.” pautal na wika niya.

Ngumiti si Janella.

Bakit?”

Lumingon-lingon ang prinsesa at nakita ang mga orchestral. “Do’n tayo sa tapat ng hagdan para maluwag!”

S-Sasayaw tayo princess?” pagtatakang tanong niya.

Basta!” at muling hinawakan ang kamay ni Zavier at hinila patungo sa tapat ng hagdan.

Napahawak muli si Zavier sa kanyang sombrero.

Oh, my~!” masayang wika ni Gweine habang umiikot sila ni Baron. Nakatingala siya’t nakatingin sa mga chandelier. “A-Ang daming stars~!”

Nakapikit na si Baron. “Stars sa loob ng palasyo?! Hahaha!”

O Baron~! I feel dizzy~! Saluhin mo ‘ko~!” at biglang natumba.

Woah! “‘Wag Gweine! Ah!” at medyo tumalsik pa si Baron nang matumba si Gweine at nakatama pa tuloy siya ng ibang mananayaw.

Nakangiti lang si Harony habang kasayaw si Clayden.

Nakangiti lang si Clayden sa kanya habang kagat-kagat pa ang pulang rosas sa kanyang mga ngipin. “Shinong kashayaw oh khaninah?”

H-Ha?” nilapit ni Harony ang kanyang tenga sa kanya.

Pweh!” inalis na ni Clayden ang pulang rosas sa kanyang bibig.

Natawa si Harony. “Pasensya na kung hindi kita maintindihan.”

Hahaha! Ayos lang!” at kumindat. “Sabi ko, sinong kasayaw mo kanina?”

Ah, hindi ko kilala e. Mga bisita lang natin dito.” nakangiting wika niya.

Ah, okay…”

Bakit?”

Sayang, hindi kasi ako ang first dance mo.”

Natawa si Harony. “Ikaw naman ang first dance ko sa ating magkakaibigan e!”

Napangiti siya. “Kung sa bagay.”

Habang si Adelaide naman ay nasa kanyang kwarto pa rin. Hawak-hawak niya ang telepono habang kausap si Damion.

Your Majesty, ang mga pilotong pinabantay ko kagabi ay mga nakatulog! Mga hindi pa man sila nakakasakay ng mga jets nila ay mga nakita ko silang tulog sa labas ng kanilang mga hangar kaninang umaga!”

HA?!” nagulat si Adelaide. “Bakit ganu’n?!”

H-Hindi ko rin alam, pero ngayon mga gising na sila.”

Tsk! Ano pa kaya ang iba pang paraan?!” mataaas na tonong tanong niya.

Ipagpaumanhin mo sana ako, Your Majesty.”

Napabuntong-hininga si Adelaide at binaba na niya ang telepono. “CCTV camera na lang talaga ang natatanging isa pang paraan. Tingnan lang natin kung makakatulog pa ang mga magbabantay sa loob ng palasyo para tingnan ang bawat monitors ng CCTV!” tumungo siya sa pintuan at lumabas na ng kanyang kwarto.

Hindi na niya tinanong pa si Damion kung saan ba pwedeng makabili ng ganitong klaseng teknolohiya. Dahil alam rin naman niya na hindi rin nito alam at kahit mansyon nga nito ay mga wala rin nito.

Ayan! Handa ka na bang sumayaw?” nakangiting tanong ni Janella.

A-Ahm…” napalingon si Zavier at napatingin sa mga bisita. “H-Hindi.”

Ako, aaminin ko hindi ako marunong sumayaw. Pero pipilitin ko!” madaling kinuha ni Janella ang kanang kamay ni Zavier at nilagay sa itaas ng kanyang baywang.

Napatingin si Zavier sa kanya. “H-Hindi ako handa princess!”

Hindi pinapakinggan ni Janella si Zavier. Kinuha naman niya ang kaliwang kamay ni Zavier at hinawakan. Tumingin siya sa mga mata ng binata at pinatong naman ang kanang braso niya sa dibdib nito at hinawakan ang balikat nito. Bigla siyang nag-sway.

?!” nabigla si Zavier at kung saan-saan tuloy siya umaapak. Napalingon siya at napatingin sa mga bisita.

Nakatingin muli ang iilang bisita sa kanilang dalawa.

Princess… h-hindi na maganda ‘to!” takot na wika niya.

Napalingon si Janella at naalala si Lucius. “Nasaan na kaya siya?!”

Biglang bumaba ng hagdan si Adelaide ngunit tumigil siya sa pagbaba nang makita niya ang dalawa.

Naramdaman ni Zavier na may nakatingin sa kanila kaya napatingin siya sa hagdan. Nanlaki ang kanyang mga mata nang makita niya si Adelaide.

Zavier, punta tayo sa gitna!” nakangiting wika ni Janella.

Mabilis na tumingin si Zavier sa kanya. “Princess! H-Huwag!” mabilis siyang umiling. “A-Ang daming tao!”

Kumunot ang noo ni Adelaide habang pinapanood ang dalawa. Bumaba muli siya.

Natawa si Janella at umikot sila ni Zavier. Sa kanilang pag-ikot, papunta sila ng papunta sa gitna ng hall.

Napatingin ang mga bisita sa kanila.

Nagulat ang isang babae. “Sino naman kaya ang kasayawan ng ating prinsesa? Ang ganda ng damit ng binata niya oh!”

Iba ang damit niya sa atin!” wika ng isang lalaki habang nakatingin kay Zavier.

Tumigil sa pag-ikot sila Janella at Zavier nang marating na nila ang kalagitnaan ng hall habang patuloy pa rin sila sa pagsayaw.

Tumigil sa pagsayaw ang iilang bisita para panoorin silang sumasayaw.

P-Princess!” pakabang sabi ni Zavier habang patuloy pa rin siyang sinasayaw ni Janella.

Nakapikit lang ang prinsesa habang sinasayaw siya. Hindi lang niya pinapakinggan ang kanyang sinasabi.

Habang kina Lucius at Jurisse naman…

Sige Jurisse, sa susunod ulit.” binitiwan niya ang kamay ng dalaga nang maupo na siya sa kanyang upuan.

Nakangiti lang si Jurisse habang nakatingin sa kanya. “Sobra-sobra mo akong napasaya Ginoong Lucius! M-Maraming salamat sa ‘yo!” yumuko siya.

Ngumiti si Lucius at yumuko rin sa kanya.

Biglang nagpalakpakan ang mga bisita na nanonood kina Janella at Zavier.

Napalingon si Lucius at nagtaka kung ano ang pinapalakpakan ng mga bisita. Nakita niya na nakatingin sila sa gitna ng hall. Pumunta siya do’n.

Napayuko si Zavier at mariing napapikit. “Princess! H-Hindi ko na talaga kaya ‘to!”

Dumilat ang prinsesa at tumingin sa kanya. Ngumiti siya.

Biglang naapakan ni Zavier ang paa ni Janella.

Aray!”

P-Pasensya na!” napatingin siya kay Janella.

Natawa lang siya. “Ayos lang!”

Sumingit si Lucius sa mga bisitang nanonood at nakita niya ang dalawang sumasayaw. “Ha?!” nagulat siya.

Mga tumigil din sa pagsasayaw ang mga servants simula nung magpalakpakan ang mga bisita. Pinanood rin nila ang dalawang sumasayaw.

Sino naman ang kasayawan ng ating prinsesa?!” pagtatakang tanong ni Clayden.

A-Ang ganda ng damit nung lalaki ‘no?!” nakangiting tanong ni Triny.

Oo nga maganda nga, pero hindi naman siya magandang sumayaw.” wika ni Julius habang nakahalukipkip.

Dahan-dahang huminto si Janella sa pagsayaw. Marahan naman niyang nilagay ang kamay ni Zavier sa kanyang baywang at pinalipot naman niya ang magkabila niyang kamay sa batok ng binata.

Nanlaki ang mga mata ni Zavier habang nakatingin sa mga mata ni Janella.

Nakangiti lang si Janella habang nakatingin rin sa kanya. Sumayaw muli siya ngunit pa-slow dance.

Gggrrr!!!” nainis si Lucius habang pinapanood niya ang dalawa.

Sumulyap ang mga mata ni Zavier kay Lucius. “P-Princess… a-ang sama ng tingin ng isa sa ‘kin!”

Natawa ng marahan si Janella at kilala niya kung sino ang tinutukoy nito. “Ito nga ang gusto kong mangyari e.” sumulyap rin ang mga mata niya kay Lucius. Ngumisi lang siya habang tinitingnan ito at muli niyang binalik ang kanyang tingin kay Zavier.

Napayuko muli si Zavier. “A-Ano ba ang gusto mong mangyari? A-Ayoko na talaga, princess… Ayoko na. Takot na takot na talaga ako…”

Nakangiti lang si Janella sa kanya at malumanay niyang hinawakan ang pisngi nito. “Huwag kang matakot.” bulong niya habang nakangiti.

?!” nagulat si Zavier sa ginawa ni Janella sa kanya.

HOY!” hindi na nakatiis si Lucius at lumapit na siya sa dalawa.

Biglang tumigil ang mga orchestral sa pagtutugtog nang marinig nilang sumigaw si Lucius.

Napalingon si Zavier at napatingin siya kay Lucius. Kinabahan siya at biglang bumilis ang kanyang paghinga habang palapit na ng palapit sa kanila ang binata. Seryoso namang nakatingin si Janella kay Lucius.

Tiningnan ni Lucius saglit ang prinsesa at tumingin naman siya kay Zavier pagkatapos. ANO ‘TO?!” at bigla niyang tinulak ang balikat nito.

Nagulat at napaatras si Zavier.

Tinulak ni Janella si Lucius. “Huwag mo nga siyang saktan!” nainis siya.

Napaatras ng kakaunti si Lucius at masama niyang tiningnan si Janella.

Umalis ka nga dito! Sumasayaw kaya kami! Ang bastos mo naman!” mataas na tonong sabi niya.

Hindi na lang niya pinansin si Janella at muli siyang tumingin kay Zavier. “At ikaw… SINO KA NAMAN?!” at tinuro niya ito.

Lalong kinabahan si Zavier. Napaatras siya.

At bakit suot-suot mo ang prince outfit ko?! SINONG MAY SABI NA SUOTIN MO ‘YAN?!” lumapit si Lucius sa kanya.

Tigilan mo nga ‘yan!” madaling hinawakan ni Janella ang balikat ni Lucius para pigilan.

Hindi sinasadyang matutulak ni Lucius si Janella. “Bitiwan mo ako!”

Ah!” natumba siya.

Naku!” nagulat ang mga bisita at madali nilang nilapitan ang prinsesa.

Nanlaki ang mga mata ni Zavier nang makita niyang tinulak ni Lucius si Janella. Gusto niya sanang lapitan ang prinsesa para tulungan siyang patayuin ngunit hindi niya ito magawa dahil baka mahuli siya ni Lucius.

Magpakilala ka nga sa ‘kin kung sino ka man ginoo!” mataas na tonong sabi ni Lucius.

Napahinto si Zavier sa pag-atras ng mabangga niya mula sa kanyang likuran ang mga bisita. Napatingin siya sa kanyang likuran.

MAGSALITA KA!!!!” sigaw ni Lucius.

Anong kaguluhan ‘to?!” mataas na tonong tanong ni Adelaide. Sumingit siya sa mga bisita para tingnan ang nangyayari. Nakita niya si Zavier.

Napatingin saglit si Zavier sa kanya ngunit muli siyang tumingin kay Lucius pagkatapos. Hindi na niya alam kung ano na ang dapat niyang gawin ngayon.

Nang makalapit na si Lucius sa kanya. Bigla niyang tinulak si Zavier.

?!” natumba siya.

Nagulat ang mga bisita sa likuran ni Zavier at madali silang umalis.

LUCIUS!” sigaw ni Janella habang siya ay nakatayo.

Napalingon si Lucius at tiningnan niya si Janella.

Nilabas niya ang supot ng Sleepy Dust habang tinatakpan na niya ang kanyang ilong. Tinanggal niya ang laso sa supot at hinagis ito sa hangin. Bumukas ang lalagyan at lumabas ang dust mula dito. Napatingin si Lucius sa itaas.

Napatingin din ang mga bisita sa itaas habang tinitingnan ang kulay gintong dust na kumakalat sa buong hall.

Mabilis na tumakbo si Janella patungo sa main door.

Tumayo rin kaagad si Zavier at madaling sinundan si Janella.

Napatingin si Adelaide sa dalawa. “HABULIN SILA!!!”

Ngunit hindi pa man nagtatagal ng isang minuto ay mabilis na silang mga nakatulog.

Mabilis na binuksan ni Janella ang main door at lumabas. Sinara niya ito pagkatapos. Tumakbo muli siya at napansin niya na humina na pala ang malakas na ulan. “Zavier! Nasaan ang ship mo?” wika niya habang lumilinga.

Muling naging tao si Zavier mula sa pagiging isang tubig kanina. Hindi na niya suot ang prince outfit ni Lucius. “Dito! Sundan mo ako princess!” at tumakbo.

Tumango si Janella at madali siyang sinundan.

Mas humina na ang ulan at ang hangin. Madaling pumasok sina Janella at Zavier sa Amadeyu Ship nung matagpuan na nila ito.

Princess… maghanap na tayo ng---”

Refuge place?” tanong ni Janella habang sinusuot ang seatbelt.

Mhm.” tumango siya.

O sige.” tumango rin siya.

Binuksan na ni Zavier ang makina ng ship. Lumutang na ito at lumipad.

Ilang minuto ang lumipas, nakatingin lang si Janella sa kanyang bintana.

Sigurado ka ba na nakatulog ang mga tao dito?” tanong ng prinsesa.

Yes, princess.” at inikot ang yoke para lumiko.

Napatingin si Janella sa harapan. Wala na siyang iba pang makita kundi ang sumasalubong na maiitim at makakapal na ulap.

Bakit parang ang taas natin? Puro ulap na e. Paano natin makikita ang lugar sa ibaba?”

Saglit lang princess… pinagmamasdan ko pa kasi kung nandito pa sila.”

Biglang sumalubong sa kanila ang liwanag at mabilis na dumaan ang isang ship ng La luna sa kanilang harapan. Mabuti na lang ay nakaiwas kaagad si Zavier.

Ahhh!!!” nanlaki ang mata ni Janella at bigla siyang napakapit sa kanyang upuan. Hiningal siya sa kaba.

Napalingon at napatingin si Zavier sa kanya.

Hah! Hah! Hah!” hingal ni Janella sa sobrang takot habang nananatili pa ring nakakapit sa upuan. “G-Grabe naman ‘yun! Nakakatakot!”

Tumingin na muli sa harapan si Zavier. “Mga nandito pa sila. Hindi tayo pwedeng magtagal dito at baka makita ka pa nila dito sa ship ko princess.”

S-Sige.” mabilis siyang tumango habang umaayos na muli siya ng pagkakaupo. Huminga siya ng malalim.

Napalingon at napatingin muli si Zavier sa kanya. “Ayos ka lang ba?”

Mabilis na lumingon si Janella sa kanya. “G-Ganu’n ba kayo magmaneho?!”

Natawa siya ng marahan. “Sila. Hindi ako.”

Grabe! Matatakot na akong sumakay ng ship mo sa susunod! Muntik na kaya tayong bumangga!”

Pasensya na.” paumanhing wika ni Zavier at muli na siyang tumingin sa harapan. “Hindi sila pwedeng magtagal dito sa Destiny at dapat pagbalik natin ay mga nakaalis na sila. Dahil kung hindi, hindi na naman tayo makakapaghanap ng refuge place.” niliko muli niya ang yoke at tumungo na sa itaas para makalabas na sa mundong ito.

Ilang minuto muli ang lumipas, nasa kalawakan na sila habang masayang nakatingin si Janella sa kanyang bintana.

Na-missed ko ‘to ah!” nakangiting wika niya. Lumingon siya at tumingin sa kanya. “Zavier, akala ko ba marunong ka sumayaw?”

Marunong nga princess.”

Pero bakit kanina? Anong nangyari sa ‘yo? Palagi mong naaapakan paa ko!” bigla siyang natawa.

Natawa ng marahan si Zavier. “Kasi… hindi ako makapagpokus sa sayawan natin. Ang pokus ko ay mga nasa nanonood. Sobra nga akong kinakabahan nu’n.”

Natawa si Janella at sinuntok ang braso ni Zavier. “Ikaw talaga! Hahaha!”

Nakangiti lang si Zavier. “Pasensya na kung palagi kong naaapakan ang paa mo. Hindi ko sinasadya ‘yun.”

Natawa muli siya at pinisil na lang niya ang pisngi nito. “HMM!!!!”

A-Aray ko!”

Binitiwan na ni Janella ang pisngi niya habang nakangiti. “Nakakainis ka!”

Napalingon at tumingin sa kanya si Zavier. Nagtaka siya. “B-Bakit naman?”

Nananatiling nakangiti ang prinsesa sa kanya. “Hindi ko alam! Ang cute mo kasi kanina! Hahaha!”

A-Ahm?” nagtaka siya.

Hahaha! Pasensya na! Wala na naman kasi akong magawa!” tinakpan niya ang kanyang bibig. Napayuko siya habang pinipinilit niyang huminto sa pagtawa.

Natawa bigla si Zavier. “Pinag-alala mo naman ako. Akala ko naman may nagawa na akong hindi maganda.”

Umiling si Janella habang tahimik na tumatawa.

Muling tumingin sa harapan ang binata. “Princess, matanong ko nga pala, bakit tayo sumayaw sa hall?”

Tumingin siya sa kanya. Tinanggal niya ang kanyang kamay na nakatakip sa kanyang bibig at bumuntong hininga. Tumingin muli siya sa kanyang bintana. Hindi siya sumagot.

Pwede ko bang malaman kung ano ‘yun?”

Muli siyang lumingon at tumingin kay Zavier. “Gusto ko kasing paselosin si Lucius.”

Lucius?” lumingon rin si Zavier at tumingin sa kanya.

Oo! Nakikita mo ‘to?!” at pinakita niya ang kanyang daliri na may singsing na nakasuot.

Napatingin si Zavier dito. “Isang singsing princess.” tumango siya at muling tumingin sa kanya.

Oo, alam mo ba kung anong ibig sabihin nito?”

Umiling siya. “Hindi.”

Ikakasal na ako sa kanya!”

Nagulat si Zavier. “T-Talaga?” napangiti siya.

Kumunot ang noo ni Janella. “B-Bakit parang nasiyahan ka pa?”

Siyempre princess! Kayo na kasi ang mamamahala sa inyong mundo balang-araw! Magandang balita ‘yan!”

Nananatiling nakakunot pa rin ang noo ni Janella habang nakatingin sa kanya.

Masayang-masaya ako para sa ‘yo.” nakangiting wika ni Zavier.

Seryosong napatingin si Janella sa ulo ni Zavier at hindi niya sinasadyang masasampal niya ang ulo nito. “Ayoko nga sa kanya e!”

Nagulat si Zavier at madali siyang napahawak sa kanyang ulo habang gulat siyang nakatingin sa kanya.

HINDI KO SIYA GUSTO ZAVIER!”

Nananatili lang siyang nakatingin sa kanya. “B-Bakit naman?”

Basta!” sumandal muli sa upuan si Janella at humalukipkip. “Hindi ko siya gusto! Ayoko sa kanya.” pumikit siya.

Sumulyap ang mga mata ni Zavier sa harapan habang hawak-hawak ang kanyang ulo.

Magmaneho ka na nga.” bumaluktot siya at tumagilid para talikuran ang binata.

Nag-alala si Zavier at mukhang nagalit pa sa kanya ang prinsesa. Bumuntong-hininga na lang siya at hinawakan na niya ang yoke.

Ilang minuto ang lumipas…

Dance with your partner…” mahinang wika ni Janella.

Hindi muna pinansin ni Zavier si Janella at tahimik lang siyang nagmamaneho.

Dance with your… special someone ‘yun para sa ‘kin.” malungkot na wika niya.

Nagulat si Zavier sa sinabi ni Janella kaya napatingin na siya sa kanya.

Umupo na ng maayos ang prinsesa. Lumingon siya at muling tumingin sa kanya. “Kaya kita pinilit isayaw Zavier at para maipakita ko rin kay Lucius na hindi siya espesyal sa ‘kin. Pero ikaw lang Zavier, ikaw lang ang sinayaw ko!”

Mas lalong nagulat si Zavier at nahiya tuloy siya.

Bigla ring namula at nahiya si Janella dahil hindi niya sinasadyang masasabi niya ‘yun sa kanya. Yumuko na lang siya at muling sumandal.

S-Salamat princess…”

Nakayuko lang siya.

Muling tumingin sa kanya si Zavier ngunit napansin niya na nakayuko na ito kaya marahan na lang siyang tumingin muli sa harapan.

W-Wala ‘yun…”

Nananatili lang na nakatingin si Zavier sa harapan.

Zavier?”

Muling lumingon si Zavier sa kanya.

I want to stay with you. Just like this.” malumanay siyang ngumiti habang nakatingin na siya sa kanya.