22: With A Smile
Tahimik na naglalakad ang dalawa sa Harley Forest. Tumingala si Janella at muling inamoy ang malamig na hangin. Luminga-linga muli siya para pagmasdan ang buong kagubatan.
Biglang may umungol na hayop mula sa magkakatabing bushes na nasa tabi niya.
“Eh?!” nagulat at biglang napahinto si Janella sa paglakad. Napatingin siya sa mga bushes.
Huminto rin si Zavier. Napalingon at napatingin siya sa kanya. “Princess?”
“Ssshhh!!!” bigla siyang nag-silent pose.
Nanahimik na lang si Zavier.
Wala nang ibang ingay na naririnig si Janella. Kundi ang mga awitin na lang ng mga ibon sa mga puno. “May narinig ka ba kanina…?” mahinang tanong niya. Lumingon ang kanyang ulo kay Zavier habang ang mga mata niya ay kung saan-saan pa tumitingin.
“A-Anong tunog ba princess?” pagtatakang tanong ni Zavier. “Wala naman akong narinig. Mga ibon lang naman.”
Humakbang ng isa ang prinsesa habang naka-silent pose pa.
“RRRAAAWWWRRR!!!!!” ungol ng isang oso na lumabas mula sa bushes.
Madalin napalingon at napatingin sa oso si Janella. “AAAHHH!!!!” madali siyang napaatras.
Nanlaki ang mga mata ni Zavier nang makita niya ang hindi inaasahang pagsalubong ng oso sa kanila.
“RRRAAAWWWRRR!!!!!” nakangiti pa ang oso habang papalapit kay Janella.
Nung makalapit na ang oso sa kanya, binuka niya ang kanyang mga braso upang yakapin siya. Ngunit madali namang humarang sa harapan niya si Zavier.
Mabilis na hinarang ni Zavier ang kanyang kaliwang palad sa oso at naglaban ang puwersa nila nung pigilan niya ang oso sa pagtakbo. Nagkaroon ng malakas na hangin sa pagitan nila. Huminto naman kaagad ang oso at mabilis itong naging isang kulay tubig.
Hinangin ang mga buhok ni Janella habang nasa likuran lang siya ni Zavier. Namangha siya sa kanyang nakita.
Napangiti si Zavier habang nakatingin sa oso. Marahan niyang ginalaw ang kanyang kamay upang kontrolin ang osong tubig.
Naging pam-ballet ang kanyang posisyon na karaniwang ginagawa ng mga ballet dancers.
Natawa si Janella habang nakatingin sa oso.
Ginalaw muli ni Zavier ang kanyang kamay at pinaikot niya ito sa kanilang dalawa ni Janella.
“Wow!” nakatawa lang ang prinsesa habang pinapanood ang osong umiikot sa kanila. Sinusundan lang niya ito ng tingin.
Huminto sa likuran ni Zavier ang oso na kung saan si Janella ay nando’n.
Nananatili pa ring nakatawa si Janella habang nakatingin sa oso. Nakita niya ang Veridian Orb na kulay berde sa bandang dibdib nito. “Wow! Ayan pala ang orb!” nabighani siya. Napatingin muli siya sa mga mata nito. “Hello!” kumaway siya. “Ang galing mong umikot ah! Tinalo mo pa ako!”
Yumuko si Zavier para magbigay galang habang nakangiti. Yumuko rin ang oso habang nakangiti’t nakatingin sa prinsesa.
Muling natawa si Janella. Mataas ang kanyang pagkakatingin sapagkat malaki ang oso.
Inabot ni Zavier ang kanyang kanang kamay sa hangin habang ang oso naman ay nakaabot rin ang kanang kamay niya kay Janella.
Nagulat si Janella nang iabot ng oso ang kamay nito sa kanya. “Ahm? Gusto mo akong isayaw?” nakangiting tanong niya.
Tumango si Zavier, ganu’n rin ang oso.
“Ahm…” tumingin sa ibaba si Janella at namula. “H-Hindi kasi ako marunong e! N-Nakakahiya!”
“Ayos lang ‘yun princess.” nakangiting wika ni Zavier.
“Hm?” lumingon sa likuran si Janella para tingnan siya.
Lumingon din si Zavier habang nakangiti sa kanya. “Sige na?”
“Ahm…” mabilis siyang lumingon at muli niyang tiningnan ang oso. “Hahaha! Naalala ko bigla ‘yung sayawan sa palasyo!”
Natawa ng marahan si Zavier at naalala rin niya ‘yun.
Yumuko saglit si Janella at muli siyang tumingin sa oso. “Dahan-dahan lang ha? Hindi talaga kasi ako marunong.”
“Magaling ka kayang sumayaw princess.” nakangiting wika ni Zavier.
Natawa na lang si Janella. “Hindi kaya! Hula-hula ko lang ‘yung mga steps sa palasyo!”
“Maniwala ka sa ‘kin, magaling ka talaga sumayaw.”
Namula siya at napayuko. Nakita niya ang dalawang paa ng oso na tubig. “O sige na nga, hindi naman ako siguro matitisod sa malalaking paa mo dahil tubig ka naman, pero alam kong matitisod naman ako sa mga bato dito.”
“Aalalayan ka naman niya princess. Wala kang dapat na ipag-alala.”
Dahan-dahang nagkakaroon ng kulay oso ang magkabilang braso niyang kulay tubig habang inaantay niya na hawakan siya ng prinsesa.
“Ahm…” nag-aalala pa rin si Janella. “O sige na.” napabuntong-hininga siya. Ngumiti siya at marahang hinawakan ang malambot na paw ng oso.
Sumulyap ang mga mata ni Zavier sa dalawa. Umatras siya ng malumanay habang ganu’n rin ang ginagawa ng oso.
Nakatingin lang sa ibaba si Janella habang umaabante naman.
Pumwesto ang oso sa maluwang. Marahan niyang binitiwan ang kamay ng prinsesa at marahang hinawakan naman niya ang upper back nito.
Napatingin si Janella sa mukha ng oso. “Ang galing mo naman! Para kang tao!” nakatawa siya at malumanay din niyang hinawakan ang kaliwang braso nito. Naisipan niyang tingnan si Zavier kaya napatingin siya sa pwesto na kung saan nando’n ang binata. Pero wala na siya pagtingin niya dito.
“Hala!” nanlaki ang kanyang mga mata. Nakaramdam siya ng pagkatakot. “A-Ahm…” lumingon at tumingin muli siya sa oso.
Nakangiti lang ang oso at nagsimula nang mag-sway. Malumanay lang ang kanyang galaw.
Napa-sway na rin si Janella sapagkat dinadala siya nito. Hindi siya makatingin sa ibaba para tingnan ang inaapakan dahil alam niyang mali ‘yun kaya napilitan siyang tumingin sa mga mata ng oso.
“Ahehehe...” pinagpapawisan na tawa niya. “A-Ang galing mo talaga!”
Patuloy lang sa pagse-sway ang oso at pinaikot siya ng marahan.
“Woah!” umikot si Janella at marahan muli siyang hinawakan ng oso. Pumikit na lang siya at ningitian ng todo ang hayop. “Ang galing-galing mo talaga!”
Biglang pinaikot muli siya ng oso ngunit binitiwan na siya.
Umikot muli si Janella ngunit sinalo naman siya ni Zavier.
Kumapit sa kanya ang prinsesa. “Oh!” laking gulat niya. “I-Ikaw pala!” patuloy lang sila na sumasayaw.
Natawa ng marahan si Zavier. “Sumasayaw rin ako princess kahit wala akong ka-partner dito kanina!” nakangiting wika niya.
“Teka! N-Nasaan na nga pala ‘yung oso?” lumingon-lingon siya at hinanap ang oso. “Ayun pala siya!”
Kahit na walang kasayaw ang oso, patuloy lang siya sa pagsayaw sapagkat kontrolado siya ni Zavier na kung anong ginagawa niya ay gagayahin lang niya.
Nakalingon at nakatingin rin si Zavier sa oso. Malumanay na siyang umaalis sa isang pwesto habang ganu’n rin ang oso. Magkakasalubong naman silang dalawa.
Nakita ni Janella ang papalapit na oso sa kanila. “Uy! Hello bear!” nakangiting bati niya.
Nang malapit na sila magkasalubong, biglang pinigilan ni Zavier ang pag-alis nila sa pwesto at ginawa naman nila ang box step ng swing at sway.
“Mabuti naman at simple lang ang sayaw! Parang ‘yung sayawan lang natin sa palasyo!” nakangiting wika ni Janella.
“Yes, princess.” nakangiti rin si Zavier habang nakatingin sa kanya.
“Hello ulit sa ‘yo bear!” masiglang bati niya muli sa oso.
Ganu’n rin ang sayaw na ginagawa ng oso habang nakangiting nakatingin rin sa prinsesa.
Biglang lumingon si Zavier at ginawa naman niya ang tango promenade.
“W-Woah! Hahaha!” tawa ni Janella habang mahigpit lang siyang hinahawakan ng binata.
Pagkatapos ay marahang inikot na ni Zavier ang prinsesa ngunit binitiwan na niya ito kaagad.
Biglang umihip muli ang malakas na hangin at naglaglagan muli ang mga dahon sa puno.
“Ahahaha!” masaya siyang umiikot. Napapikit siya habang nakangiti. Dinadama pa naman niya ang mga naglalagang mga dahon ngunit bigla siyang natisod sa isang batong nakabaon sa lupa.
“AH!!!!” napasigaw siya at natumba sa mga makakapal na bushes.
“Princess?” pag-aalalang tanong ni Zavier kay Janella matapos niyang marinig na sumigaw ito habang kasayaw ang oso. Nakahawak siya dito na parang isang babae habang ang oso naman ay nakahawak rin sa kanya na parang isa namang lalaki.
“Ahahaha!!!” dinaan na lang sa tawa ni Janella ang pagkatumba niya habang hiyang-hiya naman siya sa loob-loob. “W-Wala ‘yun! Sige lang at sumayaw lang kayo diyan!”
Nakangiti lang si Zavier sa kanya habang pinagmamasdan siyang nakangiti.
Namula si Janella at yumuko na lang. “Hay naku Janella… palagi ka na lang napapahiya ah.” wika niya mula sa kanyang isip habang nakasimangot. Pipikit na sana siya nang bigla namang sumalubong sa kanyang paningin ang mga paa nila Zavier at ng oso sa kanyang harapan. Malakas pa ang kanilang pagkakaapak sa lupa kaya sobra siyang nagulat.
“Ah!” gulat na wika ng prinsesa at mabilis na tumingala para tingnan ang dalawa na nasa kanyang harapan.
Medyo nakayuko ang dalawa habang nakangiti sa kanya. Sa kanilang dalawa, ang oso naman ay ang babae habang si Zavier naman ay ang lalaki. Ang kanilang mga kamay ay nasa tamang bahagi ng katawan nakahawak.
Hindi na namamalayan ni Janella na napapangiti na pala siya habang pinagmamasdan ang dalawa. Tumayo siya bigla habang nakatingin sa kanila. “A-Anong inaantay ninyo? Bakit kayo huminto sa matamis n’yong sayawan?” nakangiting tanong niya.
Napangiti muli si Zavier habang nakatingin sa prinsesang nakangiti. Napangiti rin ang oso.
“Ahahaha! Nakakakilig kaya kayong tingnan! Wala bang yakap diyan?” pabirong wika niya habang tinitingnan ang dalawa.
Natawa ng marahan si Zavier. “W-Wala princess!”
Natawa rin ang prinsesa. Napayuko siya saglit at inipit sa kanyang tenga ang mga buhok na nakaharang sa kanyang mukha. Tumingin muli siya sa kanila. Napapikit siya saglit kasama ang pagbuntong ng kanyang hininga bago dumilat. Tumingin muli siya sa dalawa. “Ano na?” nakangiti siya.
Nagtinginan ang dalawa at tumango sa isa’t-isa.
“Hm?” nagtaka si Janella habang nakatingin sa kanila. Tumabingi ng marahan ang kanyang ulo habang nakangiti.
Medyo yumuko ang dalawa habang tinitingnan ang dadaanan nila sa kanilang gilid at muli nila ginawa ang tango promenade.
Nakangiti lang si Janella habang pinapanood ang dalawa at pumalakpak pagkatapos.
Hindi pala niya napapansin na may mga iilang hayop na pala sa kanyang tabi at mga nanonood rin sa dalawa.
Huminto na sa isang pwesto ang dalawa habang seryoso ang kanilang mga pagmumukha. Tumingin sa isa’t-isa sina Zavier at ang oso. Tinapat nila ng malumanay ang magkabila nilang kamay sa kanilang mga palad at marahan nilang kinaway ang kanan nilang kamay sa pakanang direksyon din.
Nagtaka si Janella nang bigla na lang sumeryoso ang kanilang pagmumukha. Marahang tumatabingi ang kanyang ulo habang pinapanood lang niya ang dalawa.
Dahan-dahan namang umaabante ang mga hayop na nasa tabi ng prinsesa. Nakatingin at tahimik lang silang nanonood.
Napatingin saglit si Janella sa mga hayop na umabante at muli siyang tumingin sa dalawa pagkatapos. Nakita niya na pinaikot na ni Zavier ang oso.
Napangiti lang siya habang pinapanood ang dalawa. Kahit na walang musika, naiisip pa rin niya ang tugtugin na nababagay sa sinasayaw ng dalawa. Pinagmasdan niya ang pagmumukha ng dalawa at seryoso pa rin ang kanilang mga ekspresyon. Ang naiisip niya tuloy na tugtog ay hindi masaya kundi medyo tahimik lang. Hindi niya maintindihan kung bakit malungkot na tempo ng tugtog ang kanyang naiisip.
“Zavier! Bakit hindi kayo ngumingiti? Ang lungkot naman!” malungkot na wika ni Janella.
Lumingon at napatingin si Zavier sa prinsesa habang patuloy lang silang dalawa sa pagsayaw. Ngumiti siya.
Malungkot na nakatingin si Janella sa kanya pero nagulat siya nung biglang ngumiti ang binata. Napangiti tuloy siya kahit na kakaunti. “Ayan, mabuti naman at ngumiti ka rin!” mahinang wika niya at muli siyang napatingin sa mga hayop na nanonood.
Mabagal na pa-box step ng swing at sway ang ginagawa na nila. Pinaikot na ni Zavier ang oso pagkatapos. Binitiwan na niya ito at hinayaan niya itong umikot ng umikot habang papalapit ng papalapit sa prinsesa.
Habang pinagmamasdan ni Janella ang mga hayop sa kanyang tabi, bigla na lang niya naalala ang nagyari kay Jasper. “Nalulungkot na naman ako.” marahan na niyang tiningnan sila Zavier.
Ngunit biglang sumalubong naman sa kanyang paningin ang malaking katawan ng oso na pabangga na sa kanya.
“Aaahhh!!!” nagulat siya at mabilis na lang niyang pinigilan ang oso sa pamamagitan ng dalawa niyang kamay. Mariin siyang napapikit pagkatapos.
Nasira sa pira-pirasong maliliit na tubig ang katawang tubig ng oso nang bumangga ito sa mga palad ng prinsesa.
Nagulat at napadilat si Janella nang maramdaman niya na parang walang bumangga sa kanya. Nakita niya ang maliliit na tubig na lumilipad sa hangin. “Hala!” natakot siya dahil naisip niya na baka napatay pa niya ang malaking hayop sapagkat naging pira-piraso na ito.
Ngunit tumungo ang mga ito sa likuran ng prinsesa at do’n muli siya nabuo. Patuloy pa rin siya sa kanyang pag-ikot.
Napatingin sa likuran si Janella at tiningnan ang oso na umiikot. “Eh?!” gulat na wika niya habang hindi siya makapaniwala sa kanyang nakita kanina. “Wo…w.” humanga siya.
Mabilis namang tumakbo si Zavier patungo sa kanya.
Narinig ni Janella ang bawat pag-apak ni Zavier sa lupa kaya napatingin siya dito.
Malapit na sa kanya si Zavier. Ngumiti siya at binuka ang kanyang mga braso sa prinsesa. Mabilis siya naging isang tubig at bumangga ito sa katawan ni Janella.
Nanlaki ang mga mata ng prinsesa habang nananatili lang siyang nakatayo. Biglang bumagal ang pagkilos ng lahat at nagkulay asul din ang buong paningin niya. Naramdaman niya na ibang klase ngang tubig si Zavier. Sobrang lamig nga nito at hindi maipaliwanag na katangian ng pagkalambot ng tubig na meron siya.
“Parang… nasa ilalim lang ako ng karagatan… ang kulay na ‘to.” napangiti siya. Bigla niyang naisip na nasa ilalim nga siya ng karagatan habang papalubog na ng papalubog sa ilalim nito.
Inabot ng kanan niyang kamay ang liwanag na nakikita niya mula sa itaas. May naalala siya bigla at biglang bumalik ang ala-ala nila ni Mitch nung sila ay mga bata pa.
“Ang saya naman po ng partido natin! Halos katabi lang po ng dagat ginanap!” nakangiting wika ni Mitch. Nakaupo lang siya sa buhanginan habang katabi ang prinsesa.
“Hahaha! Tama ka Mitch! Ang ganda talaga ng dagat ‘no?!” masayang wika niya habang siya ay nakaupo rin sa buhanginan at nakaunat pa ang dalawa niyang binti.
“Tama po kayo, Princess Janella.” nakangiting wika ni Mitch.
Masayang nagtatampisaw si Janella. “Alam mo ba na ito ang unang beses kong pagpunta dito sa ating dagat? Ngayon lang ako nakakita ng pangmalapitang dagat! P-Palagi na lang kasi akong nando’n sa terrace para tingnan ‘to. Pero ngayon nandito na tayo!”
“Mhm, unang beses ko nga rin po ‘to.”
Lumingon at tiningnan ni Janella si Mitch. “Marunong ka bang lumangoy?”
“Ahm…” napatingin siya sa ibaba. “H-Hindi po e.” marahan siyang umiling at tumingin din sa kanya. “K-Kayo po?”
“Oo!” nakangiting wika niya. Tumingin siya sa kalangitan pagkatapos.
“Talaga? B-Bakit hindi ka po kaya lumangoy ngayon?”
“Ayaw ni ina e…”
“Bakit daw po?”
“Mababasa daw kasi ako at wala akong pampalit.”
Tiningnan ni Mitch ang palda niya na nababasa na nang alon mula sa karagatan. “P-Pero…” napatingin muli siya sa kanyang mukha.
“Alam ko Mitch… g-gusto ko lang kasing maramdaman ang tubig na nagmumula sa karagatan. At ngayon kahit na nararamdaman ko lang ang tubig sa aking mga binti, parang kuntento na ako kahit na hindi na ako lumangoy pa.”
“Sayang naman po dahil nandito na po tayo ngayon. Tutal, marunong ka naman pong lumangoy, bakit hindi mo na po gawin?”
Napayuko’t napatingin si Janella sa kanyang mga binti na basing-basa na. “Tama ka nga Mitch, bakit hindi ko kaya subukan?” lumingon muli siya at napatingin sa kanya.
“Mhm.” tumango siya. “Pero mas maganda pa rin po na alam po ng iyong ina na lalangoy po kayo.”
“Hindi na siguro!” tumayo siya at tiningnan ang dagat.
Kinabahan si Mitch. “P-Pero…”
Umiling si Janella. “Sigurado ako na hindi niya ako papayagan Mitch.”
Tumayo si Mitch. “Tatawagin ko na lang po si Ginoong Jasper!” tatakbo na sana siya nang bigla namang hinawakan ni Janella ang kanyang braso.
“Huwag na! May ginagawa siya do’n!”
“P-Pero! N-Nag-aaalala po ako sa inyo!”
“Nasa partido si Jasper! H-Huwag mo na siyang abalahin! Ako na lang mag-isa! Kaya ko naman ‘to e!”
Nasa pagmumukha ni Mitch ang pag-aalala habang nakatingin sa prinsesa.
“Hahaha! Magtiwala ka sa ‘kin!” at binitiwan ang braso nito.” lumingon at tumingin na muli si Janella sa dagat. Tumakbo na siya.
“Princess Janella!” napatutop sa dibdib si Mitch habang kinakabahan.
“Hahaha!” masaya lang na tumatakbo si Janella sa dagat.
Napalingon-lingon si Mitch at hindi na niya alam kung ano na ang dapat niyang gawin.
“Mitch… may problema ba?” si Jasper.
Nagulat si Mitch nang marinig niya ang boses ni Jasper. Napatingin siya dito at napatakbo. “Ginoong Jasper! Si Princess Janella nasa dagat po!”
“Ha?!” laking gulat ni Jasper at mabilis niyang hinawakan ang magkabilang balikat ni Mitch. “Bakit mo siya pinabayaan?!”
Napayuko siya. “K-Kasi… g-gusto niya po e.” napaisip siya na kasalanan niya pa ito dahil pinilit niya kanina si Janella na lumangoy at dapat pala ay hindi na lang ‘yun ginawa.
“Tsk! Hindi siya marunong lumangoy!” madaling binitiwan ni Jasper ang magkabilang balikat nito at tumakbo.
“?!” nagulat si Mitch. “Ano po?! H-Hindi siya marunong lumangoy?!” napatingin siya kay Jasper.
“Hah! Hah! Hah!” hingal ni Jasper habang tumatakbo ng mabilis. Mga nasa paa na niya ang tubig mula sa karagatan. “Nasaan na siya?!”
Tumatakbo rin si Mitch patungo sa kanya. Lalo siyang kinabahan. “H-Hindi ko na po alam!”
“Tsk! Ano na ang nangyari sa kanya?! Yari! Baka nalunod na siya!” lumangoy na siya.
“?!” natakot siya sa sinabi ni Jasper. Mabilis niyang tinakpan ang kanyang bibig dahil sobra siyang nagulat.
Tulala lang na nakatingin sa itaas si Janella habang siya ay papalubog na ng papalubog sa ilalim ng karagatan. “Ang kulay na ‘to… h-hindi ko maintindihan sa aking sarili kung bakit nakakaramdam ako ng kaginhawaan sa tuwing nakakakita ako ng ganitong kulay… kaya kapag nalulungkot ako o kaya may problema… palagi lang ako nasa terrace para tingnan ang karagatang ito.” inabot ng kanan niyang kamay ang liwanag na nagmumula sa araw. “Asul…” marahan siyang napapikit. Hindi na niya namalayan na siya ay nawlan na ng malay sapagkat siya ay nalunod na pala.
Patuloy pa rin sa paglangoy si Jasper. Umakyat muli siya para huminga.
“Ginoong Jasper!” sigaw ni Mitch mula sa malayo.
Napalingon si Jasper sa kanya habang nasa pagmumukha niya ang pag-aalala.
“A-Ang layo n’yo na po sa pangpang!”
Hindi na lang siya inintindi ni Jasper. Lumubog muli siya para lumangoy. Ngunit sa kanyang paglubog, nakita niya kaagad si Janella na nasa madilim na ng karagatan.
“Princess Janella!” napasigaw pa siya sa ilalim at sabay langoy ng mabilis patungo sa kanya.
Bumalik ang kasulukuyan.
“Tapos ‘yun na pala ang first and last na pagpunta ko sa karagatan ng Destiny World. Hindi na ako kailanman pang pinayagang pumunta do’n dahil baka… mangyari daw ulit ‘yun sa ‘kin. Kaya ‘yun ang hindi ko malilimutang pagpunta ko sa karagatan ng mundong Destiny dahil alam kong kahit kailan ay hinding-hindi na muli ‘yun mauulit.” wika niya mula sa kanyang isip.
Biglang lumiwag ang paningin ni Janella sapagkat nasa likuran na niya si Zavier. Mariin siyang napapikit at mabilis na tinakpan ng magkabila niyang kamay ang mga mata niya.
Marahan namang hinawakan at binaba ni Zavier ang mga kamay ng prinsesa habang siya ay nasa likuran nito. “Panoorin mo ‘to princes!”
“A-Ang alin?” marahang dumilat si Janella. Nakita niya ang mga hayop na sumasayaw kasama ang oso. Mga kulay tubig silang lahat dahil lahat sila ay kontrolado ni Zavier.
Sa mundong Destiny naman, mga mahihimbing pa rin silang natutulog habang nananaginip pa ang iba sa kanila.
“Hahaha~!” natawa si Gweine sa kanyang napapanaginipan.
“Foods…” mahinang wika ni Julius. Nasipa niya pa si Triny mula sa kanyang ibaba.
“Princess…” si Mitch. “N-Nasaan ka na…?”
Nagising na si Tofena ngayon. Mabuti naman at hindi siya naapektuhan ng Sleepy Dust dahil nasa kwarto siya natutulog. Tumayo siya mula sa kanyang kama. “Haay!” humikab pa siya. “Trabaho ulit.” tiningnan niya ang kanyang kama at inayos. Wala na siyang maalala sa lahat ng nangyari matapos niyang malasing. Isang oras siyang nasa loob ng kwarto dahil naligo pa siya muna at kung anu-ano pang pinaggagawa sa loob bago lumabas.
“Oh? Anong nangyari?” nagtaka siya pagkatapos niyang makita na nakahiga ang lahat. Lumakad siya at inobserbahan ang mga natutulog. “Hm, mga tulog pala sila. Sige, sleep well ha?” nakangiting wika niya.
Habang kina Janella at Zavier naman, sinasabayan lang ng prinsesa sa pagpalakpak ang pagsayaw ng mga hayop na masaya niyang pinapanood sa kanilang harapan.
Nakangiti lang si Zavier habang pinapanood rin ang mga hayop na sumasayaw. Nasa likuran pa rin ni Janella.
“Zavier!” lumingon sa likod si Janella para tingnan si Zavier habang patuloy lang siyang pumapalakpak. “Bakit mas magaling pa sila sumayaw kaysa sa ‘kin?! Hahaha! Ang daya! Saan naman kaya nila natutunan ‘yan?!” tanong niya habang nakatawa.
Natawa ng marahan si Zavier at tiningnan niya ang prinsesa. “Ako ang nagkokontrol sa kanila princess!”
“Ha?!” tumigil siya sa pagpalakpak. “Hmm…” pumeywang siya. “Kung ganu’n, magaling ka nga talagang sumayaw.”
Natawa siya muli ng marahan at medyo nahiya. “Salamat.”
Muling tumingin si Janella sa mga hayop na sumasayaw. “Sana may kakayahan din akong magkontrol…” nakangiting wika niya habang pinagmamasdan silang sumasayaw.
“Kaya mo ‘yun princess.”
Muling lumingon si Janella at tiningnan si Zavier. “Talaga? Paano?”
“Ikumpas mo lang sa hangin ang mga kamay mo sa kanila.” nakangiting wika ni Zavier.
“Ha?! Paano?!” napatingin siya sa kanyang mga kamay at muli siyang tumingin sa mga hayop pagkatapos.
“Ganito princess.” at hinawakan niya ang magkabila niyang kamay.
Namula bigla ang prinsesa habang palipat-lipat ang kanyang tingin sa magkabila niyang kamay.
Marahang ginalaw ni Zavier ang kanan niyang kamay habang nakahawak siya sa kanang kamay ni Janella. Huminto ang mga hayop sa pagsayaw.
Napatingin si Janella sa mga hayop. “Wah! Sigurado ka ba na ako na talaga ang nagkokontrol sa kanila ngayon?!” tanong niya habang nakatawa.
Natawa muli siya. “Oo, basta ikumpas mo lang ang iyong mga kamay princess.” marahan niyang binitiwan ang magkabilang kamay ni Janella at tumabi na siya sa kanya.
Napalingon si Janella kay Zavier. “Paano ka ba kumumpas sa hangin?”
Kinumpas ni Zavier ang kanang kamay niya kasama ang kanyang mga daliri sa hangin. “Parang ganyan princess.” lumingon siya at tumingin sa kanya ng nakangiti.
“Ah! Okay!” malaki ang kanyang pagtango at muli niyang tiningnan ang kanyang mga kamay. Sumulyap naman ang kanyang mga mata sa mga hayop pagkatapos at mabilis niyang kinumpas ang kanyang mga kamay kasama ang kanyang mga daliri sa hangin.
Biglang umikot ang mga hayop.
“WOW! Hahaha!” natawa siya. “Totoo ba ‘to?!”
Natawa si Zavier. “Sige lang princess!” masaya niyang wika.
“Totoo ba talaga ‘to?! Hahaha! Kaya ko silang kontrolin?!” biglang tumakbo ang prinsesa patungo sa kanila at muling kumumpas sa hangin.
Pinagmamasdan lang ni Zavier ang bawat paggalaw ng kamay ng prinsesa dahil siya pa din naman ang nagkokontrol sa mga hayop at sumayaw naman ng pa-waltz ang mga hayop.
Paikot-ikot lang si Janella sa kanila. “Hahaha! Wooh!” at muli siyang kumumpas.
Nag-ballet dance ang ibang hayop habang ang iba naman ay patuloy pa rin ang pagsayaw ng waltz.
Pumunta sa gitna ang prinsesa habang siya ay kumukumpas. Umikot siya habang nakatawa. Ngunit sa kanyang pag-ikot, nakita niya si Zavier na umiikot din habang nakangiti. Napahinto tuloy si Janella at binalik ang tingin sa binata ngunit wala na si Zavier dito.
“?!” luminga-linga siya para hanapin ito ngunit bigla naman siyang kinuha ng oso mula sa kanyang likuran para isayaw.
“Woah! Hahaha!” napatingin siya sa oso.
Nakangiti lang ang oso habang nakatingin sa kanya. Bigla siyang pinaikot at binitiwan. Ngunit sinalo naman siya ni Zavier.
Natawa si Zavier habang nakatingin sa kanya. “Nandito na ako!”
“Oo nga eh! Hinahanap kaya kita! Hahaha! Ikaw naman ang babae sa atin!”
Napangiti siya. “Sige!”
“Punta ka muna sa oso!” binitiwan niya si Zavier.
Umikot si Zavier at sinalo siya ng oso.
Masayang sumasayaw mag-isa si Janella habang nakatingin sa kanya. “Punta ka na sa ‘kin!”
Masayang tumango si Zavier. Pinaikot siya ng oso at binitiwan. Umiikot lang ang binata habang papalapit kay Janella.
“T-Teka! P-Paano pala kita hahawakan?! Hindi ko pala alam! Hahaha!”
Nang makalapit na si Zavier sa kanya, siya na ang humawak sa kamay at balikat ng prinsesa na parang isang babae. Umiikot pa rin siya ngunit dala niya si Janella sa pag-ikot.
Mabilis rin niyang hinawakan si Zavier sa kamay at mabilis rin niyang hinawakan ang likuran nito. “Woah! Nakakahilo!” napapikit siya habang nakatawa. “Hahaha!”
Huminto si Zavier sa pag-ikot nung marating nila ang gitna. Nag-sway na muli sila pagkatapos.
Dumilat at tumingin si Janella sa kanya. “Hahaha! Ang tangkad naman ng partner ko! Hahaha!”
Natawa siya ng marahan. “Princess, paano mo nga pala ako papaikutin?”
“Yumuko ka dapat! Hahaha!”
Yumuko si Zavier.
“Yah!” pinilit niya na paikutin si Zavier. “Wooh! Pasensya ka na partner! Hahaha! Ang liit-liit kasi ng partner mo e!”
“Hahaha! Ayos lang ‘yun princess! Walang problema sa ‘kin!” at umikot.
Natatawa lang si Janella sa sayaw nila.
“Princess! Kumapit ka ng mahigpit sa ‘kin!”
“Ha?! Bakit?!”
Napalingon at tiningnan ni Zavier ang oso. Natunaw ito at mabilis na pumunta sa paanan nila ang tubig.
Nagulat at napatingin si Janella sa kanilang paanan. “Zavier! Anong ginawa mo sa oso?!”
Biglang umangat ang tubig mula sa paanan nila na parang isang fountain.
“Ah!” napahawak siya ng mahigpit kay Zavier.
Nakatingin rin sa ibaba si Zavier. “Hahaha!”
Patuloy lang na umaangat ang tubig at naging yelo ito pagkatapos.
“Zavier! A-Ang dulas!”
“Saglit lang princess!” lumingon muli siya at kumuha naman ng dalawang hayop. Naging tubig ito at mabilis na pumunta sa dalawang paa ni Janella.
“?!” nagulat siya.
“Huwag kang mag-alala! Sa pamamagitan ng mga tubig na nasa paa mo. Hindi ka na diyan madudulas dahil maaalalayan kita!” nakangiting wika ni Zavier habang nakatingin sa prinsesa.
Napatingin siya kay Zavier. “Ha?! P-Paano mo ako maaalalayan?”
“Kontrolado ko ang tubig na nasa paa mo princess!”
Napangiti si Janella. “Ibig sabihin hindi na ako malalalaglag dito?!”
“Hindi na!” nakangiting wika niya.
“Hahaha!” biglang umikot si Janella ngunit pati si Zavier ay napaikot rin.
Masaya silang sumasayaw habang mga sumasayaw rin sa kanilang ibaba ang mga hayop.
Habang si Tofena naman ay naghuhugas lang ng mga pinagkainan ng mga bisita sa malaking kusina sa Dining Hall ng ikalawang palapag. Napansin niya kasi na hindi pa pala nalilinisan ng ibang servants ang mga plato na nagamit nina Adelaide at ng iba pang kumain dito sa Dining Hall kaya nagkusa na siyang linisin ang mga ito. Biglang kumulog at bumuhos na naman ang malakas na ulan.
Bumuntong-hininga siya. “Nandito na ang bagyo siguro kaya ganito na ang panahon.” nilagay niya ang platong kanyang hinugasan sa lababo at pumunta ng bintana. Hinawi niya ang kurtina na nakaharang sa bintana. “Hm… anong oras na ba?” napalingon siya at tiningnan ang orasan na nakasabit sa dingding. “Alas-otso imedya pa lang pala ng gabi? Akala ko e mga alas-dose na ng madaling araw!”
“Anong… masarap kainin… diyan…?” tanong ni Julius habang siya ay tulog.
“Paa… baho… ” wika naman ni Jonathan habang nasa mukha niya ang paa ni Christoph.
Nakangiti lang si Gweine habang tulog.
Lumabas si Tofena sa kusina at bumaba patungong ika-unang palapag. Nakita na naman niya ang mga tulog.
“Bakit kaya nila naisipan na matulog dito?” patuloy lang siyang naglalakad habang pinagmamasdan ang mga tulog. “Hm, gigisingin ko ba sila?”
“Hoy!” sigaw ng isang bisitang tulog.
“Ay!” napalingon at napahinto sa paglakad si Tofena. “Sino ka?!”
“Kwaargghh!” hilik naman ng isang nakahigang bisita mula sa kanyang ibaba.
“Ay! Ano ba ‘yan! Zombies everywhere!” napaatras siya at luminga-linga. “Hmm… ano kayang nangyari sa kanila?”
Lumakad muli siya at iniiwasan niyang maapakan ang mga tulog.
“Hmm… ano ba Tofena? Gigisingin ba ang mga zombies e-este ang mga bisita na natutulog o hindi na? Hmmm…”
Huminto siya kay Baron. “Oh, nandito pala si Baron.” lumuhod siya.
“Ehehehe!” tawa ni Baron habang kinakamot ang kanyang ulo.
“Ano daw?” pagtatakang tanong ni Tofena.
“Eh…eng…”
“Eng? Ano ‘yun? Engkanto? Aba! Nananaginip yata ng may kasamang engkanto ‘to e!”
“Baho…!” si Jonathan ulit.
“Naku! ‘Wag na nga lang!” tumayo siya. “Sige, hahayaan ko na lang kayong matulog diyan at matutulog na lang ako ulit.” humikab siya. “Kakagising ko pa lang pero parang inaantok na naman ako ah!” inunat niya ang kanyang mga braso at tumungo na sa kwarto nila. “Good night guys!”
Habang sina Janella at Zavier naman, masaya lang silang nag-uusap habang magkatabing naglalakad patungong Calumsia. Papalubog na ang araw at maggagabi na maya-maya.
Lumingon at tiningnan ni Janella si Zavier. “Hahaha! Natatawa ako sa sayawan natin!”
Natawa siya ng marahan. “Ako rin princess!” napalingon siya at tiningnan si Janella ng nakangiti.
“Hindi ko akalain na may part 2 pa pala ‘yung sayawan natin! Nabigla ako do’n ah!”
Nakangiti lang siya habang nakatingin sa harapan. “Ang galing-galing mo sumayaw.”
Nagulat si Janella. “Ha?! Hindi kaya! Huwag ka ngang magbiro!”
Natawa si Zavier at muli siyang tumingin sa kanya. “Hindi ako nagbibiro!”
“Nagsisinungaling lang?” nakangiting tanong ni Janella.
“Hindi rin.” umiling siya.
Natawa siya. “Salamat din! Pero hindi pa rin siguro ganu’n kagaling.”
“Iba ang nakikita ng iba sa nakikita mo princess. Maniwala ka sa ‘kin, magaling ka nga.” mahinahong wika niya.
Biglang sinuntok ni Janella ang balikat nito. “Oo na! Magaling na ako!” namula siya bigla.
“Hahaha! Habulin mo ako!” tumakbo siya bigla.
“O sige ba! Mahahabol kita! Hahaha! Akala mo ha?!” tumakbo rin si Janella.