23: A Confession


 

Nasa Calumsia na sina Janella at Zavier. Madilim na ang buong kapaligiran pero natatanaw pa rin ang liwanag ng araw na nakalubog sa horizon. Nag-uukit lang si Zavier sa puno ng niyog habang pinapanood siya ni Janella.

Tumabingi ang ulo ng prinsesa habang pinapanood ang inuukit ng binata. “Ano ‘yan?” at sumulyap ang kanyang mga mata sa kanya.

Puso.” nakangiting wika ni Zavier habang patuloy pa ring inuukit ang hugis puso.

Namula si Janella. “P-Puso?” bumalik muli ang tingin niya sa ginagawa ni Zavier.

Mhm.” tumango siya. “Tapos na.” masaya niyang tiningnan ang puso.

Wow! Perfect heart! Ang galing mo talaga!” nakangiting wika niya. “Anong ilalagay mo sa gitna ng puso?”

Ano bang gusto mo princess?” nakangiting tanong niya.

Ahmm…” nag-isip siya. “Ilagay mo dalawang tao! Babae saka lalaki!”

Muling tumingin sa pusong nakaukit si Zavier. “O sige.”

Tapos, ilagay mo ng kahit anong disenyo sa paligid nila.” wika niya habang tinuturo-turo pa ang pusong nakaukit.

Mhm, magandang ideya ‘yan.” muli siyang nag-ukit.

Luminga-linga si Janella. “Gabi na naman…” bumuntong-hininga siya. “Babalik na naman ako…”

Bakit parang ayaw mo princess?”

Ewan ko ba, parang nakakaramdam ako ng kalungkutan do’n. P-Parang naiisip ko na naman lahat ng hinanakit na nararamdaman ko. Pero kapag nandito ako… nawawala kasi. Nakakalimutan ko.”

Pero hindi ka pwedeng manatili dito.” wika ni Zavier habang nag-uukit.

Alam ko.” ngumuso siya. “Kaya nakakalungkot.”

Nakakaramdam din ako ng kalungkutan lalo na kung wala ka dito.”

Napayuko si Janella at muling namula. “G-Ganu’n din ako sa ‘yo…”

Wala na akong iba pang kaibigan dito, dahil ang trato nila sa ‘kin ay isang kaaway simula pa lang. Palagi na lang nila ako inaaway lalo na si Everestine.”

Ang sama naman nila Zavier. Ang bait-bait mo kaya.” tumingin muli si Janella sa kanya.

Hindi ko nga sila maintindihan… Kaya nga wala na akong iba pang malapitan dito kundi ang tiyo ko lang.”

Tumango ng marahan ang prinsesa habang nakatingin sa ibaba.

Princess… tapos na.” umatras ng kakaunti si Zavier sa puno ng niyog habang nakatingin sa inukit.

Napatingin si Janella sa kanyang inukit. “Ang ganda naman.” nakangiting wika niya. Pinahid niya ito ng marahan. “Gusto ko ‘tong kunin… pero papaano?”

Natawa siya ng marahan. “H-Hindi ko rin alam.”

Hahaha! Biro lang! Hindi na talaga natin ‘yan makukuha siyempre!” masaya siyang tumingin kay Zavier.

Oo nga pala, may ibibigay ako sa ‘yo.” ngumiti siya.

Talaga? Saan?” lumakad si Janella.

Halika dito.” tumungo siya sa mga nakapabilog na batuhan at do’n umupo.

Umupo sa tabi ni Zavier si Janella habang pinagmamasdan ang kanyang ginagawa.

Kinuha ni Zavier mula sa tampok-tampok na kahoy ang isang maliit na kahoy na may nakaukit. “Para sa ‘yo ‘to princess.” at inabot sa kanya.

Ay! Hahaha! Salamat Zavier!” malumanay na kinuha ni Janella ang maliit na kahoy mula sa kamay ng binata. “Salamat ha?! Ang ganda naman nito!” nakangiting wika niya habang ito ay tinitingnan.

Ito pa.” at kinuha naman mula sa kanyang bulsa ang magandang bato na kumikinang.

Salamat ulit!” kinuha rin niya ang bato. “Yehey! Sa wakas! Meron na ako nito! Ang saya-saya ko na talaga! Hahaha!”

Walang anuman princess.” yumuko si Zavier para magbigay galang at ningitian siya. “My pleasure!”

Huwag ka na ngang yumuko! Huwag mo nga akong ituring na isang prinsesa simula ngayon! Ituring mo akong isang kaibigan na hindi na dapat pang ipagyuko!”

Natawa siya ng marahan. “Prinsesa ka pa rin naman kahit na kaibigan kita.” nakangiting wika niya.

Ayoko! Gusto kong ituring mo akong isang ordinaryong kaibigan! Isang ordinaryong tao at hindi isang maharlika!”

Hindi maganda pakinggan kung tatawagin lang kitang… basta Janella.”

Hindi mo ba alam na ‘yun nga ang gusto ko?! Janella lang! Ayos naman ‘yun sa ‘kin!”

Umiling ng marahan si Zavier. “Isa ka pa ring prinsesa na dapat igalang.”

Napaisip si Janella. “Prince Zavier kaya?”

Nagulat siya. “Hindi ako prinsipe!” natawa siya. “Hindi bagay!”

Ano ka ba?! Bagay kaya! Lalo na sa taglay na katangiang meron ka!”

Medyo nahiya siya at umiling. “Hindi ako prinsipe.”

Paano kung ituring kitang prinsipe?!”

Napakamot ng ulo si Zavier.

Prince Zavier…” yumuko si Janella para magbigay galang sa kanya at ningitian siya pagkatapos.

Natawa muli siya. “Hindi na princess!”

Janella!”

Princess!”

Janella nga sabi!”

Princess, h-hindi ko magagawang tawagin ka lang basta sa pangalan!”

Ngumuso si Janella. “Okay!” bumuntong-hininga siya. “Wala akong magagawa kung ganyan talaga ang ugali mo. Masyado kang magalang.” humalukipkip siya at iniwas ang tingin kay Zavier.

Nakangiti lang si Zavier habang malumanay na humaharang sa kanyang paningin ang kanyang pagmumukha. “Princess, gusto mo bang kumuha ako ng prutas para sa ‘yo?”

Nagulat siya. “Ay! Oo nga ‘no? ‘Yung hiniwang prutas mo lang pala ang kinain ko! Di pa pala ako kumakain! Hahaha! Sige kakain na ako! Hala! Baka wala na akong tiyan!”

Natawa ang binata. “Huwag kang magsalita ng ganyan princess!” tumayo siya.

Sinusundan lang ng tingin ni Janella si Zavier. “Huwag akong magsalita ng ganu’n pero natawa ka naman! Hahaha! Biro lang naman ‘yun! Ikaw talaga! Naku! Di talaga mabiro minsan!” tumayo rin siya.

Hahaha!” bigla siyang tumakbo. “Habulin mo ako!”

Ang daya mo naman! Palaging ikaw na lang ang hinahabol ko! Ako naman!”

Pero hindi mo pa ako nahahabol!” huminto sa pagtakbo si Zavier at tumingin sa kanya ng nakangiti.

Ako naman ang habulin mo! Hahaha!” at tumakbo.

Ngumiti muli si Zavier at tumakbo.

Ginawa na ni Janella ang pinakamabilis niya. “Hah! Hah! Hah!” hiningal siya kaagad. “Hindi mo ako mahahabol! BWAHAHAHA!”

Hinawakan ni Zavier ang balikat ng prinsesa habang tumatakbo..

?!” nagulat si Janella.

Tumabi siya sa kanya habang nakatingin sa kanya. “Nahabol na kita princess!”

Hala!” huminto siya. “Bakit ang daya mo?!”

Hahaha!” tumatakbo pa rin si Zavier.

Gggrrr!!!” tumakbo muli si Janella. “Humanda ka sa ‘kin kapag naabutan kita!”

Natatawa lang si Zavier sa malayo.

Maya-maya ay tuluyan nang nagdilim ang buong paligid. Lumabas muli ang maliwanag na buwan sa kalangitan. Mga masasayang kumukuha ng mga prutas si Janella sa puno habang gumagawa naman ng basket si Zavier. Mga nagkukulitan pa sa puno ang dalawa pabalik sa Calumsia ngunit panay naman ang untog ni Janella sa sanga ng mga puno dahil sa harutan nila. Hindi naman siya nakakaramdam ng sakit dahil sa siya ay nalilibang sa ginagawa nila ni Zavier.

At ngayon ay mga tahimik lang silang nakaupo sa nakapabilog na mga bato sa Calumsia.

Kumakain lang si Janella ng prutas habang nakatingin sa buwan. Gumuguhit naman si Zavier sa buhanginan ng isang abstract art.

Zavier?”

Hm?” lumingon siya sa prinsesa.

Subukan mo kayang kausapin sina ina.”

B-Bakit?” tanong niya at hininto ang pagguhit sa buhangin.

Napayuko si Janella habang bumabagal ang kanyang pagnguya. “Gusto ko kasi na... nagkakasundo na rin kayo. Kung maayos na tayo. Sana sila sa ‘yo ganu’n din. Mga galit sila sa ‘yo, Zavier. Hindi naman kasi nila alam ang buong katotohanan.”

“…….” tahimik lang si Zavier. Napatingin siya sa ibaba habang nakalingon pa rin sa prinsesa.

Gusto ko na nga sanang sabihin na sa kanila ang lahat---”

Huwag princess! Huwag mong sasabihin!” kinabahan siya bigla.

Oo nga! Kasi alam mo, aaminin ko sa ‘yo na nahihirapan din ako. Hindi mo ba alam na sa tuwing nasa palasyo ako ay sinisigawan na lang ako ni ina palagi? Nagagalit sina ina sa ‘kin dahil pawala-wala ako sa palasyo! Pero hindi ko nga rin kasi masabi sa kanila ang lahat dahil natatakot rin ako para sa ‘yo!”

Tumahimik na lang si Zavier. Napatingin siya sa kanyang ginuhit at pinagpatuloy muli ito.

Pero...” lumingon at tumingin si Janella sa kanya. “Magagawa mo ba ‘yun Zavier? Para sa ‘kin?”

Nananatili lang siyang nakatingin sa kanyang ginuguhit. “Buong-puso kong gusto muli silang makausap princess...”

Muli?”

Pero magtatagumpay na ba ako?”

Kumunot ang noo ni Janella. “Ano? Ibig sabihin---”

Pero parang ayoko na... pasensya na.”

Biglang lumungkot ang kanyang pagmumukha.

Alam ko naman na hindi nila ako papakinggan na kahit anong sabihin at pilit na gawin ko princess... hindi talaga sila maniniwala sa ‘kin.”

Ngumuso si Janella. “Ano ba ‘yan...”

Tumingin si Zavier sa kanya. “Ayos na ako na kahit ikaw lang ang may nakakaalam ng lahat.”

P-Pero hindi mo rin ba naiisip na pwede silang tumulong sa plano mo? Para hindi rin tayo ang nahihirapan?!”

Ayos lang ako... huwag kang mag-alala.”

Bumuntong-hininga si Janella habang nakatingin ng malungkot sa kanya. “Zavier...” mahinang tawag nito. “Tapos hindi rin nila alam kung sino ka ba talaga. A-Ayos lang ba sa ‘yo na ganu’n pa rin ang tingin nila sa ‘yo? Ang iniisip nila sa ‘yo?”

Kung ano man ang iniisip nila ngayon sa ‘kin, ayos lang ‘yun princess. Huwag kang mag-alala.” mahinang wika ni Zavier. “Sanay naman ako…”

Dapat hindi ganu’n! Hindi ko tanggap ‘yun! Hindi mo ba alam na sobrang pangit ng iniisip nila sa ‘yo?! S-Sobrang sakit!”

Basta ang mahalaga ay nakilala mo naman ako princess... naipagmamalaki ko naman ang sarili ko sa ‘yo... Ang tunay na ako.”

Natahimik bigla si Janella habang nakatingin sa kanya ng malungkot. “Ganu’n lang Zavier? Ayaw mo ba na makilala ka nila ina? Kung gaano ka kabait? Hindi mo rin ba gusto na makilala ka ng Destiny World?”

Hindi ko na kailangan nu’n… masaya naman ako na kahit ikaw lang ang may nakakaalam sa ‘kin.”

Napayuko siya at napatingin sa prutas na kinakain niya. Bumuntong-hininga siya at kinain muli ito.

Ilang minuto ang lumipas, tahimik muli ang dalawa habang patuloy pa ring kumakain si Janella ng mga prutas sa basket. Pinapanood lang niya ang alon mula sa karagatan habang nakatingin naman sa kabilang pulo si Zavier.

Princess…” mahinang tawag niya kay Janella.

Biglang huminto sa pagkakakagat ng prutas si Janella at marahang tumingin sa kanya. “Hm?” hawak-hawak lang niya ang prutas. Ngumuya siya saglit at nilunok na niya ito kaagad pagkatapos.

Pumikit saglit ang binata at tumingin sa ibaba ng marahan. “May aaminin ako sa ‘yo.”

Nagulat si Janella at hindi muna siya sumagot. “A-Ano ‘yun?”

Madaling napalingon at napatingin si Zavier sa kanya matapos niyang marinig na parang nauutal ang prinsesa.

A-Ah…” muling nagulat ang prinsesa nang tingnan siya bigla nito. Namula siya. “Bakit?” inalis niya saglit ang kanyang tingin kay Zavier. “Bakit ka napatingin sa ‘kin?” tumingin muli siya sa kanya.

Umiling siya ng marahan habang nakatingin sa kanya. Ngumiti siya ng kakaunti. “Wala naman… gusto mo bang malaman?”

B-Bakit naman hindi? Oo naman, sabihin mo lang.” pasimple niyang tinakpan ang prutas sa kanyang bibig habang nakatingin din sa kanya. Lalo siyang namula.

O sige.” napabuntong-hininga siya at muling tumingin sa kabilang pulo.

Kinabahan ang prinsesa sa kung ano man ang aaminin ni Zavier sa kanya habang nananatili lang na nakatakip ang prutas sa kanyang bibig.

Papikit-pikit lang ng marahan ang mga mata ni Zavier habang nakatingin sa kabilang pulo. Ngunit habang tumatagal ay paunti-unti na lang nagiging malungkot ang ekspresyon ng kanyang pagmumukha.

Kumunot ang noo ni Janella habang pinagmamasdan siya. Marahan niyang binaba ang prutas mula sa kanyang bibig. Biglang nag-iba tuloy ang kanyang iniisip na ang akala niya ay ‘yun ang aaminin ni Zavier sa kanya.

Mukhang lipad na ang pag-iisip ng binata dahil hindi pa rin niya nasasabi ang gusto niyang aminin ngayon.

Zavier?”

Nagising siya sa katotohanan nang bigla siyang tawagin ni Janella. Napalingon at tumingin muli siya sa kanya. “P-Pasensya na.” at yumuko.

Ikaw naman, ayos lang ‘yun!” nakangiting wika niya. “Ahm, bakit parang mukha kang malungkot? A-Ano bang aaminin mo sa ‘kin?” nag-alala siya bigla.

Napabuntong-hininga muli si Zavier at tumingin muli sa kabilang pulo. “Sa totoo lang, ang mga Dia talaga ang may balak na sakupin ang mundo n’yo princess...”

Nagulat si Janella. “H-Ha?!!!”

Pero huwag kang mag-alala, tumigil na sila... matagal na matagal na.” dugtong na wika niya.

Napapikit siya bigla. “Hay!” bigla siyang napatutop sa kanyang dibdib. “Akala ko naman... may balak din sila ngayon sa amin e!” napatingin siya kay Zavier ng masama at biglang sinuntok sa braso. “Pinakaba mo naman ako! Grabe!”

Aray!” napalingon siya kay Janella at tinitigan siya ng seryosong tingin. “Masakit princess.”

Nanlaki ang mga mata ni Janella nang titigan siya ni Zavier ng ganu’n. “Ay… s-sorry.” marahan siyang yumuko habang marahan din niyang binababa ang kanyang kaliwang kamao mula sa braso ng binata. “Biro lang ‘yun. Pero… mukhang nasaktan ka. Patawarin mo ako.” nananatili siyang nakayuko. Sumulyap ang mga mata niya saglit sa kanya at muli siyang tumingin sa ibaba pagkatapos.

Napabuntong-hininga si Zavier. Ngumiti siya ng kakaunti at hinimas na lang niya ng marahan ang ulo ni Janella.

Nagulat ang prinsesa nang himasin niya ang kanyang ulo. Sumulyap muli ang kanyang mga mata sa kanya.

Pasensya ulit princess...”

Marahang umangat ang ulo ng prinsesa habang nananatiling nakatingin sa kanya.

Nakangiti ng kakaunti si Zavier. Ngunit hindi nakatingin ang kanyang mga mata sa kanya, kundi sa ibaba.

Nananatiling nakatingin lang si Janella sa kanya. Napapansin na niya na iba na ang kinikilos ng binata.

Paunti-unti muling nawawala ang kakapiranggot na ngiti ni Zavier sa kanyang labi. Napalingon muli siya habang nakatingin sa kabilang pulo. Marahan niyang inalis ang kamay niya sa ulo ni Janella ngunit mabilis itong hinawakan ng prinsesa.

Zavier?” tanong ni Janella na may halong pag-aalala.

Nagulat si Zavier nang hawakan ng prinsesa ang kanyang kamay. Napalingon at napatingin muli siya sa kanya.

Pinatong muna ni Janella ang prutas sa kanyang mga binti at hinawakan din ng isa niyang kamay ang kamay ng binata. “Kanina, ang saya-saya nating nag-uusap, bakit ngayon... bakit parang ang lungkot-lungkot mo na? A-Ano ba ‘yun?” pag-aalalang tanong niya. “Hindi ka ba masaya dahil wala na silang balak na sakupin ng mga---”

Hindi sa ganu’n princess...” malungkot niyang wika. Napatingin muli siya sa ibaba at napabuntong-hininga. “Masaya ako pero nakakalungkot din. Dahil...”

Dahil…?” umusog ang prinsesa papalapit sa kanya nang mapansin niya na mas mukhang nalulungkot na si Zavier ngayon. Lalo tuloy siyang nag-alala habang mahigpit na niyang hinahawakan ang kamay ng binata.

Nagsakripisyo ang isa sa amin sa Dia… At ang masakit pa, ‘yun pa ‘yung matalik at ang katangi-tangi kong kaibigan.”

Ay…” lumungkot bigla ang pagmumukha ni Janella at naramdaman din niya ang nararamdaman ni Zavier.

Ang kailangan kasi nila ay ang Gulletein Stone na iaalay nila sa kanilang panginoon.”

Gulletein Stone? Alam ko ang batong ‘yun. Bibihira lang ‘yun sa amin dahil ilang taon pa ang dapat lumipas bago magkaroon nu’n. Isa iyong napakalaking kayamanan sa amin! Napakagandang bato nu’n!”

Dito sa Bhingelheim, walang ganu’ng bato at sa inyo nga lang meron. Isang napakalaking kayamanan din ang batong ‘yun sa mga Dia at kahit sa amin, princess.”

Tumahimik muna si Janella para makinig.

Ang mga Dia Spirits ang may unang masamang balak sa inyo dahil nga sa bato. Balak rin nilang sakupin ang mundo n’yo pero ang mas kailangan nila ay ang pag-agaw ng bato sa inyo.”

Nagulat at muling nakaramdam ng takot si Janella. Hindi na lang muna siya sumagot at iniba na lang niya ang usapan pagkatapos. “T-Teka nga pala, bakit nagsakripisyo ang kaibigan mo? Di ba, mga orbs kayo? H-Hindi naman siya stone e!”

May dinadalang Gulletein Stone ang Veridian Orb niya princess.”

Ha? P-Paano niya dinadala?”

Nasa loob ng kanyang orb. Maliit na bato nga lang ang kanyang dinadala dahil maliit din ang Veridian Orb namin.”

Kumunot ang noo ni Janella. “P-Paano nangyari ‘yun?”

Hindi rin namin alam, siya lang ang bukod tangi na ganu’n sa amin.”

Napanganga siya habang tumatango ng marahan.

Nakisabay ng pagtango si Zavier sa kanya. “Yes, princess.” muli siyang tumingin sa kabilang pulo.

Napabuntong-hininga ang prinsesa. “May mga mababait din pala talaga dito, Zavier…” napayuko siya. “Sinakripisyo niya pa ang kanyang buhay para sa amin…”

Ayaw kasi na pasakupin ni Everestine ang mundo n’yo… Ayon sa kagustuhan ng mga Dia, kahit isang bato lang naman ay sapat na sa kanila. Kaya pinasakripisyo niya ang kaibigan ko para sa bato.”

Nagtaka si Janella at mabilis niyang inangat muli ang kanyang ulo para tingnan muli si Zavier. “Ayaw niyang pasakupin? Teka, pero bakit ngayon? Ang mga nakatira dito ang sasakop sa mundo namin?” marahan niyang binitiwan ang kamay ng binata.

Naguluhan nga ako princess…” pinatong ni Zavier ang kanang siko niya sa kanyang binti at napahawak naman ang kanyang kamay sa kanyang noo. “May pinagkasunduan nga sila ng pinuno ng Dia at ni Everestine tungkol sa pagsakop ng mundo n’yo… pero nagsinungaling si Everestine. Akala ko nga nung una ay buong puso niya na ayaw pasakupin ang mundo n’yo dahil may pakialam siya. Pero hindi naman pala.” malungkot na wika niya.

Hinawakan ng kaliwang kamay ni Janella ang kanyang balakang habang ang kanan naman niyang kamay ay pasenyas-senyas sa hangin. “Ang sakit naman nu’n! Nagsakripisyo na nga ang isa sa inyo para hindi kami masakop! Tapos---”

Tsk!” hindi na napigilan ni Zavier ang kanyang nararamdaman ngayon. Bigla na lang siyang nainis at napapikit. Bigla siyang yumuko para iwasang makita siya ni Janella habang nananatili pa ring nakahawak sa kanyang noo ang kanyang kamay. Humarang naman sa kanyang mukha ang kulay asul na buhok niya.

Biglang natigilan si Janella. Hindi nga rin siya makagalaw matapos niyang marinig si Zavier. Ang huling posing niya ay nananatili pa rin. “Ahm…” sumulyap ang kanyang mga mata sa kanya. Marahang nag-iiba ang ekspresyon ng pagmumukha niya habang binababa na rin niya ng marahan ang kanang kamay niya na nakataas. Bigla siyang nalungkot. “S-Sorry…” napatingin siya sa ibaba. Napansin niya ang prutas sa kanyang binti na halos nakalimutan na niyang kainin. Tinitigan niya muna ito bago kinuha at kinain.

Wala kang kasalanan princess… p-pasensya na talaga.” binaba na ni Zavier ang kanyang kamay mula sa kanyang noo habang nananatili pa ring nakayuko.

Sumulyap ang mga mata ni Janella sa kanya. “N-Naiintindihan ko naman Zavier.”

Kasalanan kasi ng pinuno namin ‘to… kasalanan ng pagiging makasarili niya!” medyo mataas na ang tono ng boses nito dala ng galit niya.

Nanlaki ang mga mata ng prinsesa nang marinig niya ang galit na boses ni Zavier.

Wala siyang pakiramdam! Hindi siya marunong makiramdam!”

Hindi mapakali si Janella dahil hindi siya sanay na marinig si Zavier na ganito magsalita. Hinawakan niya ang balikat nito para pigilan. “Zavier…”

Napalunok lang ang binata.

Mas nagulat ang prinsesa nang makita niya na may tumutulo nang tubig mula sa natatakpang mukha nito. “Zavier, tahan na!” inalog niya ng marahan ang balikat nito.

M-Meron naman kasi siyang Gulletein Stone na tinatago. B-Bakit hindi pa kasi ‘yun ang binigay niya?! D-Dahil ba natutukso siya sa kalakihan ng batong natatago niya kaya ayaw niyang ibigay? Pero p-paano naman si Ahndray…”

Ahndray? ‘Yun ba ang pangalan ng kaibigan niya?” tanong ni Janella mula sa kanyang isip.

Wala talaga siyang iniintindi kundi ang kanyang sarili lang! Pati ang diyosa namin, tinataasan pa niya! Nakiusap pa siya kay Ahndray na ibigay na niya ang kanyang buhay sa kabila, dahil para hindi na nila sakupin ang mundong Destiny pero bakit ngayon… bakit siya rin pala sa huli ang sasakop sa inyo princess?!”

Zavier! Tigil na pakiusap!” hindi na napigilan ni Janella na yakapin ito ng mahigpit. “Pakiusap, huwag ka nang umiyak! At hinding-hindi rin nila makukuha ang mundong Destiny dahil nandito ka na sa ‘kin!”

Natahimik si Zavier.

Nananatili pa ring nakayakap si Janella sa kanya. Napapikit siya. “Tahan na Zavier… tahan na.” hinimas niya ang likuran nito.

Tinakpan saglit ng binata ang kanyang mga mata at pinahid pagkatapos ang kanyang mga luha. “Palagi na lang akong nalulungkot sa pulong ‘to dahil pakiramdam ko ay nag-iisa na lang ako simula nung mawala si Ahndray. Nagiging masaya lang ako sa tuwing nakikita’t nakakausap ko si tiyo, ang diyosa at kapag nandito ka.”

Ngumiti ng kakaunti ang prinsesa habang patuloy pa rin niyang hinihimas ang likuran nito. “Huwag ka nang malungkot. Alam mo kahit anong mangyari, hindi ka pa rin nag-iisa kahit na wala ako sa tabi mo.” marahan na siyang bumitaw sa kanya.

Tahimik lang si Zavier habang malungkot siyang nakatingin sa kanya.

Because our hearts are connected.” napangiti ng kakaunti si Janella at hinawakan niya ang dibdib ni Zavier.

Napatingin siya saglit sa kamay ni Janella na nasa kanyang dibdib. Muli siyang tumingin sa kanya at marahang ngumiti pagkatapos. “Kung sa bagay, tama ka. Maraming salamat dahil nandito ka sa ‘kin, princess.”

Muling ngumiti si Janella habang nakatitig sa kanya. Bigla niyang iniba ang usapan. “Alam mo, sana magkaroon ka rin ng totoong puso. ‘Yung tumitibok? Sana may pagkakataon na pwede ka maging isang tao.”

Yumuko si Zavier at tumango. “Hinihiling ko nga rin ‘yun.”

Natawa siya saglit. “Pero parang tao ka na rin naman kahit na isa kang spirit. Kasi parehong-pareho ang itsura mo sa aming mga tao pati ‘yung pagkilos at kung paano ka magsalita.” napailing na lang siya. “Parang hindi ka nga isang spirit e.”

Natawa ng kakaunti si Zavier habang nananatili pa ring nakayuko dahil sa nahihiya pang tumingin sa kanya.

Habang mga tulog pa rin ang mga tao sa Destiny World, patuloy lang na bumubuhos ang malakas na ulan sa palasyo. Mga palipad-lipad pa rin ang mga ships ng mga La luna sa himpapawid.

Bumaba ang ship ni Raven sa hardin ng Doherty Palace. Binuksan niya ang pinto para lumabas at makababa. Madali siyang pumunta sa kabilang pintuan para buksan ang pinto si Everestine.

Bumaba na rin si Everestine mula sa ship. “Hmp!” ngumisi siya at tumingala. Nakita niya ang bintana ng kwarto ni Janella. “Hanggang bukas ka na lang princess! Hahaha!”

Tama!” ngumisi rin si Raven habang nakatingin rin sa bintana.

Kita mo na Raven, mga tulog ang lahat ng mga tao! Sobrang dali lang natin makukuha si Princess Janella dito! Bwahahaha!”

Hahaha! Opo! Ang galing n’yo po talaga!”

 

Sinabi mo pa!” humakbang ng iilan si Everestine habang nananatili pa ring nakatingin sa bintana. “Ngayon… pwedeng-pwede na natin siyang kunin!” lumingon siya sa likuran at tininingnan si Raven.

Opo!” tumango siya. “Pwedeng-pwede!”

Gawin na natin?” ngumisi siya.

Nagtaka si Raven. “Pero di ba sabi n’yo po pagkatapos ng piyesta at kaarawan ng ating diyosa bukas?”

Bwahahaha! Biro lang!” muli siyang bumalik sa tabi ni Raven. “Tama ka, pagkatapos talaga ng pagdiriwang natin… pero ayon sa nakikita ko, aalis na ang bagyo dito bukas ng alas-dose ng madaling araw sa oras nila. Pero makakapunta pa rin tayo dito at magagawa pa rin natin ang plano kahit na magiging mainit na.”

P-Paano po ‘yun?”

Kakaunting init lang naman ‘yun. Kayang-kaya natin ‘yun kaya huwag tayo mag-alala at aalis din naman tayo dito kaagad.”

Ah, ganu’n po ba? Mabuti naman.”

Tumango saglit si Everestine. “Basta sa oras ng Destiny, dapat eksaktong alas-tres nandito na tayo. Hindi na pwedeng magtagal pa dahil tuluyan nang magiging mainit na ang temperatura dito.”

Opo.”

Sa ngayon, bigyan lang natin ng ilang oras pa si Princess Janella para makasama ang kanyang mga mahal sa buhay bago natin siya kunin.”

Natawa si Raven.

Baka nga ngayon mahimbing na rin ang tulog niya.”

Opo… siguradong-sigurado.”

Huwag muna natin siya abalahin.” ngumisi muli si Everestine. “Mga kawawa naman dahil mga mangmang silang lahat sa plano natin! BWAHAHAHA!!!!”

Nakangisi lang si Raven.

Mga hindi rin alam ng mga tao na nanganganib na rin pala ang kanilang buhay! Pero huwag silang mag-alala dahil may oras pa silang magsaya! Sige lang! Magpasaya pa kayo!”

Nagising bigla si Tofena sa kanyang kama. Malumanay siyang umupo at tiningnan muli ang orasan na nakasabit sa dingding. “Alas-tres imedya na pala ng madaling araw…” humikab muli siya. “Tulog ulit ako!” humiga muli siya at natulog.

Bumalik na tayo Raven sa mundo natin…” lumakad si Everestine patungo sa kanilang ship. “Wala na tayong iba pang gagawin dito. Nagawa naman natin ang dapat na gawin.”

Opo Ginoong Everestine!” yumuko si Raven para magbigay galang sa kanya at madaling tumungo sa ship. Binuksan niya ang pinto para kay Everestine.

Sabihin mo na rin sa iba na bumalik na tayo.” umupo na si Everestine sa loob.

Opo!” tumango si Raven at sinara ang pinto. Lumipat naman siya sa kabila. Binuksan rin niya ang kanyang pinto at pumasok na sa loob. Pipindutin na sana niya ang pindutan ng mic para sabihin sa lahat ng mga ships nang bigla siyang pinigilan ni Everestine.

Pero teka muna Raven.” hinawakang bigla ni Everestine ang braso nito. “Ikutin ulit natin ang buong kontinente.”

Sige po!” tumango siya at hindi na niya ito pinindot. Binuksan na niya ang makina at lumipad.

Habang kina Janella at Zavier naman.

Princess…” mahinang tawag ni Zavier habang siya ay nakatingin sa dagat.

Bumuntong-hininga at medyo nakaramdam ng lungkot si Janella dahil alam naman niya ang sasabihin nito na babalik na naman siya sa palasyo. “Sige, halika na Zavier.” tumayo siya.

Napalingon at napatingin sa kanya si Zavier. “Princess?”

Hm?” napatingin rin si Janella sa kanya. “Halika na.” ngumiti siya ng kakaunti.

Saan?”

Di ba babalik na ako?”

P-Paano mo nalaman ang sasabihin ko?”

Napangiti ang prinsesa. “Baka nalilimutan mo na may psychic powers nga ako di ba?”

Oo nga pala. W-Wala ako nu’n. Ang galing mo naman.”

Pinigilan kaagad ni Janella ang kanyang tawa dahil naniniwala talaga si Zavier na meron nga siyang psychic power. “Halika ka na nga Zavier!” nakangiting wika niya.

Mhm.” tumayo na rin siya.

Naglakad na si Janella at hinayaang sumunod na lang si Zavier sa kanya.

Tumabi sa kanya si Zavier at tiningnan siya pagkatapos. “Mukhang nakabisado mo na ang daan natin princess.” napangiti siya.

Napangiti rin ang prinsesa at napayuko. “Oo nga e, dahil sa kulitan natin nakakabisado ko na. Sana maulit muli ‘yung mga kulitan natin.” masaya siyang tumingin sa kanya. “Iisipin ko ‘yun habang nasa palasyo ako para matawa naman ako. Tapos biglang may nakapansin daw sa ‘kin oh! Mukha daw akong baliw! Hahaha!”

Hindi naman siguro, hindi naman kasi nila alam kung ano ang iniisip mo. Dahil wala naman silang ideya kung gaano kasaya ang iniisip mo.” nakangiting wika niya.

Oo nga…” tumingin sa harapan si Janella habang nakangiti.

Iisipin ko rin ‘yun.” tumingin rin si Zavier sa harapan. “Para maramdaman ko na nandito ka pa rin sa tabi ko…”

Namula siya at napatutop sa kanyang dibdib. “Ako rin!” tumingin muli siya sa kanya. “Iisipin ko rin na kasama pa rin kita do’n!”

Natawa ng marahan si Zavier at muling tumingin sa kanya.

Aheehee!” natawa rin siya. “Zavier, huwag ka nang umiyak.”

Hinimas niya ang ulo ng prinsesa. “P-Pasensya na talaga.”

Naiintindihan naman kita, pero nalulungkot din kasi ako.”

Dapat pala hindi ko na lang sinabi.” tumingin muli sa harapan si Zavier.

Hindi ah! Ayos lang! Ikaw talaga! At least nga nasabi mo sa ‘kin ‘yung gusto mong sabihin! Nakakaginhawa kaya ng pakiramdam ‘yun!”

Mhm.”

Di ba? Kaya masaya ako dahil binahagi mo ‘yun sa ‘kin at natulungan pa kitang guminhawa ang pakiramdam kahit papaano!”

Tumango siya. “Maraming salamat dahil nandiyan ka sa ‘kin princess.”

Napangiti siya. “Aheehee!” muli niyang niyakap si Zavier habang sila ay naglalakad.

?!” nagulat si Zavier. Napangiti na lang siya habang nakatingin sa prinsesa. Binalot na lang niya ang isa niyang braso sa kanya.