24: A Nightmare
Masayang nag-uusap sina Janella at Zavier habang naglalakad sa gubat. Natagpuan na rin nila ang ship at hindi na tinulugan pa ng prinsesa si Zavier dito. Tinulungan na lang niya itong magtanggal ng mga malalaki’t mahahabang dahon na nakatakip sa buong ship. At nang matapos na ito, muli silang sumakay habang nag-uusap. Lumipad na ito at umalis na sa mundo. Tatlong oras silang nasa kalawakan habang may halong tawanan pa ang kwentuhan nila. Nagpapa-puppet pa si Janella minsan habang tumatawa lang si Zavier sa kanya.
At ngayon ay nasa Destiny World na sila ngunit nasa himpapawid pa.
“Princess, sana wala na sila dito sa himpapawid para makapaghanap na tayo ng refuge place ngayon.”
Napalingon si Janella sa kanya at tumango. “Mhm.”
Bumaba ang ship sa ilalim ng mga ulap.
“Woah!” medyo nalula ang prinsesa at madali siyang napakapit sa upuan. Nakita na niya ang mga bahay-bahay mula sa kanyang bintana. “Mahina na pala ang ulan.”
Seryoso lang na nagmamaneho si Zavier habang pinakikiramdaman niya kung nandito pa ang mga ships. Biglang nagkaroon ng static ang speaker ng kanyang ship.
“A-Ano ‘yun?!” nagulat at natakot si Janella.
“Lahat ng mga ships! Magsibalik na sa mundo! Inuulit ko, lahat bumalik na!” wika ni Raven.
“Ano?! Nandito pa rin pala sila hanggang ngayon?!” nagulat si Zavier.
Nagulat rin si Janella. “Kailangan nating magtago mula sa kanila!”
Niliko ni Raven ang ship at hindi inaasahang makikita nila ang Amadeyu Ship na patungo sa ibang direksyon.
“Ship ni Zavier ‘yun di ba?!” pagtatakang tanong ni Everestine habang katabi niya si Raven na nagmamaneho.
“Opo!”
“Bakit papunta siya sa iba?! Saan pa pupunta ‘yan?!”
“Sundan po natin siya Ginoong Everestine.” madali nila itong sinundan.
“?!” naramdaman kaagad ni Zavier na may sumusunod sa kanila. Napalingon siya kay Janella. “Princess! Yumuko ka!” luminga-linga siya.
Nagtaka si Janella ngunit hindi na niya tinanong pa kung bakit. Nataranta siyang tanggalin ang seatbelt at madaling nagtago sa ilalim ng upuan. Kinabahan siya.
Nanlaki ang mga mata ni Zavier nang makita niya na papalapit na sa kanilang gilid ang ship ni Raven. Mabilis siyang tumingin sa harapan at nagkunwaring walang nakita. Binilisan niya ang pagtakbo ng ship.
“Tsk! Saan pa pupunta si Zavier?! Kahit kailan talaga ‘tong bata na ‘to! PANIRA TALAGA NG ARAW KO!” pagalit na wika ni Everestine.
Mabilis pa ring sumusunod ang ship ni Raven dito. Pinindot niya ang pindutan ng mic.
Muling nag-static ang speaker nila Zavier.
“Zavier! Anong ginagawa mo?!” pagalit na tanong ni Raven.
Tahimik at seryoso lang na nagmamaneho si Zavier.
“ZAVIER!” sigaw ni Everestine. “SAAN KA PA PUPUNTA?! BUMALIK KA NA!”
“Raven, anong problema?” tanong naman ng isang La luna mula sa speaker.
“MGA GIGISING NA ANG MGA TAO MAYA-MAYA! BUMALIK KA NA ZAVIER!” sigaw ni Everestine.
Hindi lang siya pinapakinggan ni Zavier habang patuloy pa rin siya sa pagmamaneho.
“Kakaunting minuto na lang at lalabas na ang araw!” pakaba at mataas na tonong sabi ng isang La luna na nagsasalita rin sa mic ng kanyang ship.
“?!” nanlaki ang mga mata ni Zavier nang marinig niya ang sinabi nito mula sa kanyang speaker.
“Narinig mo ang kanyang sinabi?! Palabas na ang araw Zavier! Kung ayaw mong mamatay sa araw, bumalik ka na!” sigaw ni Raven at pinatay na niya ang mic.
Biglang nag-alala si Janella. “Zavier, maganda na bumalik ka na lang kaagad!”
“Pero princess---”
“Wala nang ‘pero’ Zavier! Mas importante na maging ligtas ka!”
Muling binuksan ni Raven ang mic at muling nagkaroon ng static ang kanyang speaker.
“Kung ayaw mong bumalik, bahala ka sa buhay mo!”
“Hindi pwede Raven!” pagalit na wika ni Everestine at madali niya itong sinakal. “Baka nalilimutan mo na ang plano natin Raven! Si Zavier ang isa sa mga instrumento natin! Kaya hindi siya pwedeng mamatay dito!”
“?!” nagulat si Janella.
Mariing napapikit si Raven at pinilit na abutin ang pindutan ng mic para patayin. “O-Opo! Opo!”
Nanggigil si Everestine sa inis bago niya binitiwan ang leeg nito.
Madaling pinindot ni Raven ang pindutan ng mic habang siya ay umuubo.
“Tsk!” nainis si Zavier dahil mukhang hindi pa sila aalis. Muli siyang lumiko at mas binilisan pa niya.
“HABULIN MO SIYA!” sigaw ni Everestine.
Patuloy pa rin sa pag-ubo si Raven at nabitiwan niya ang yoke.
“Tsk!” nainis si Everestine at siya na ang humawak para magmaneho.
Napansin ni Zavier na medyo nagliliwanag na ang buong paligid. “Tsk!” napalingon siya at hinanap ang ship.
Napansin din ‘yun ni Everestine na nagliliwanag na ang buong paligid. Muli niyang binuksan ang mic at sinigawan na niya si Zavier. “ZAAVVIIIIEERRR!!!!!!!!!!!!!!!!”
Hinimas-himas ni Raven ang kanyang leeg habang naghahabol ng hininga.
“BUMALIK KA NA!” sinigawan rin ni Zavier si Everestine.
“?!” nagulat si Everestine nang sigawan siya nito. “HINDI AKO BABALIK HANGGA’T HINDI KA BABALIK!!!!”
“IWANAN MO NA AKO! LALABAS NA ANG ARAW!”
“BWISIT KA TALAGA ZAVIER!!!!” hindi sinasadyang mapipindot niya ang mic ng malakas at masira pa ito. Umupo siya sa kanyang upuan at masama niyang tiningnan si Raven. “MAGMANEHO KA NA PABALIK SA ATIN!!!! DALIAN MO!!!!”
Nakatingin lang si Raven sa kanya habang hinimas-himas pa rin ang kanyang leeg. Tumango siya at hinawakan ang yoke. Niliko niya ito at tumungo na sa itaas.
Nakalingon si Zavier habang nakatingin sa ship na paalis. Mabilis itong nawala sa kanyang paningin. “Wala na siya.”
Lumabas na si Janella mula sa ibaba at umupo muli. Sinuot niya muli niya ang seatbelt pagkatapos. “Zavier! Dalian natin! Kailangan mo nang bumalik!” pag-aalalang wika niya.
“Paano na naman ang refuge place mo princess?”
“Pabayaan mo na ‘yun Zavier! M-May oras pa naman tayo siguro! Basta dalian mo na!”
Napatingin si Zavier sa kanya. “Ipagpaumanhin mo sana ulit ako.”
“Naiintindihan ko naman, g-gusto ko lang naman na makauwi ka ng ligtas!”
Nag-aalala rin ang binata para sa kanyang sarili. Dahil ilang minuto na lang ay umaga na at isa pa, mga gigising na rin ang mga tao. Madali siyang tumungo sa palasyo. Nang sila ay makarating dito, nauna nang bumaba si Janella sa hardin.
Bubuksan pa lang sana ni Zavier ang pinto para bumaba rin ng ship ngunit mabilis siyang pinigilan ni Janella.
“Huwag ka nang bumaba! Dali Zavier! Bumalik ka na!” lumayo siya ng kakaunti sa ship habang nakatingin sa kanya. Nasa pagmumukha pa rin niya ang pag-aalala.
Ngumiti siya ng kakaunti at tumango. Muli nang umangat ang ship.
Lumayo pa si Janella habang tinitingnan ang ship.
Umalis na ito at tumungo na sa kalawakan.
Pinagmasdan ng prinsesa ang buong paligid. Napansin niya na mas lumiwanag na ngayon. “Mag-ingat ka Zavier…”
Ilang oras ang lumipas, mga tulog pa rin naman ang mga tao sa loob ng palasyo ngunit ang mga tao sa labas ay mga gising na ang iba sa kanila. Nasa loob na ng kanyang kwarto si Janella. Pinalitan na niya ang kanyang damit ngunit nightgown pa rin ang pinampalit niya dito. Nakatayo lang siya sa kanyang bintana habang nakatingin sa kalangitan. Tumigil na ang mahinang ulan.
“Nandito na nga ang bagyo…” umihip bigla ang malakas at malamig na hangin. “Nasaan ka na kaya Zavier…? Sana ayos ka lang. Sana nasa Mharius ka na.” napatingin siya sa kanyang mga daliri.
Nakita niya ang singsing. Nainis siya at sinubukan muli niya itong tanggalin. “Tsk! Bakit ba ayaw mong matanggal sa ‘kin?!” pagalit na tanong niya habang pinipilit pa rin niya itong tanggalin. “Urrghh!!!!” nanggigil na siya sa inis.
Naunang nagising si Harony. “M…hmm…” ungol niya. Umupo siya at kinusot ang dalawa niyang mata. Pagkatapos ay luminga-linga siya. “Hm?!” nagtaka siya. “B-Bakit?” tumayo siya. Napanganga siya habang tinitingnan ang mga taong tulog. “Ha! Si Princess Janella!” madali siyang napatakbo habang iniiwasan ang mga nakahiga. Tumungo siya sa kwarto nila at kinuha ang susi. Umakyat naman siya patungo sa kwarto ng prinsesa pagkatapos.
Sumuko na si Janella sa singsing. Kinuha niya ang upuan sa tabi ng kanyang kama at hinila ito sa tabi ng bintana. Humahangin na naman ng malakas.
Mabilis na pinasok ni Harony ang susi sa key hole at madaling binuksan ang pinto. Ngunit nagulat siya nang bigla niyang makita ang prinsesa na nakatingin din sa kanya. “My Lady!” napangiti siya.
Nanlaki ang mata ni Janella habang hawak-hawak pa rin ang upuan. Uupo pa lang siya sana. “M-Magandang umaga pala sa ‘yo, Harony.”
“My Lady!” madaling lumapit ang katulong sa kanya at mahigpit siyang niyakap.
Nakatayo lang ang prinsesa at gulat na gulat nang siya ay biglang yakapin.
Bumitaw na si Harony habang nakatingin sa kanya ng nakangiti. “Nag-alala kami sa ‘yo sobra!”
“Ahm…” iniba na niya ang usapan. “Nagugutom na ako.” ngumiti siya ng kakaunti.
“O sige po! Ipaghahanda na po kita ng makakain n’yo!” yumuko siya para magbigay galang at madaling lumabas ng kwarto.
Nasa Mharius na si Zavier at sa Calumsia kaagad ang punta niya. Nakaupo muli siya sa batuhan habang pinaglalaruan lang niya ang isdang tubig sa kanyang kamay. Seryoso lang siyang nakatingin dito habang pinalalangoy niya ito sa kanyang braso.
“Zavier.”
“?!” nagulat siya at biglang sumabog ang isdang tubig sa kanyang kamay. Napalingon at napatingin siya sa tumawag ng kanyang pangalan.
Ngumisi siya. “Mabuti naman at bumalik ka. Alam mo habang tumatagal talaga? Paiba talaga na ng paiba ang ugali mo. Patigas ng patigas ang ulo! Napapansin mo kaya ‘yun sa sarili mo?”
“Anong kailangan mo sa ‘kin Raven?” seryosong tanong ni Zavier.
Natawa si Raven. “Ang pagiging masunurin mo ang kailangan ko.”
Bumuntong-hininga na lang siya at napailing. Tiningnan na lang niya ang dagat na nasa kanyang harapan.
“May problema ka ba?” lumakad siya patungo sa kanya.
“Wala.” kinuha na lang niya ang stick na nasa kanyang tabi at gumuhit sa buhanginan.
“Bakit parang iba yata ang kinikilos mo?”
Patuloy lang sa pagguhit si Zavier.
Huminto sa kanyang likuran si Raven habang pinagmamasdan ang ginagawa ng binata.
Sumulyap ang mga mata saglit ni Zavier sa kanya. “Iniisip ko lang si Ahndray, umalis ka na.”
Natawa siya. “Si Ahnday?! Kalimutan mo na nga siya Zavier! Hanggang ngayon ba naman nalulungkot ka pa rin?! Ang tagal na nu’n ah! Ayan na naman ang maramdamin mong ugali!” muli siyang natawa. “Baka umiyak ka na naman niyan!”
Kumunot saglit ang noo ni Zavier habang patuloy pa rin siya sa pagguhit.
Nananatiling nakatingin si Raven sa ginuguhit niya. “Pasensya naman kung napalungkot ka ni Ginoong Everestine. I feel sorry for you, hindi ko rin alam na napakaimportante pala niya sa ‘yo?”
Tumigil saglit si Zavier sa pagguhit. “Umalis ka na pwede ba?!” mataas na tonong sabi niya.
“Okay fine! Kung sa bagay nasasayang lang ang oras ko sa ‘yo. Sige, pagurin mo lang ang utak mo sa kakaisip sa kanya. Hindi naman magagawa ng isip mo na ibalik pa siya dahil kahit kailan ay hinding-hindi na talaga siya babalik!” umatras siya.
Malungkot na sumulyap ang mga mata ni Zavier sa ibaba.
“Paalam!” tumungo na si Raven sa mahahabang damuhan.
Binitiwan ni Zavier ang stick at hinayaang malaglag ito sa buhanginan. Sumulyap ang kanyang mga mata sa kabilang pulo. Naalala niya bigla ang huling pagkikita’t pag-uusap nila ni Ahndray. Nakaupo rin sila sa mga batong nakapabilog na inuupuan niya ngayon habang nakatingin rin sa dagat.
Bumalik ang nakaraan.
“Zavier...” mahinang tawag ni Ahndray sa kanya.
Lumingon siya at tumingin sa kanya. “Bakit?”
Napayuko siya saglit. Lumingon siya sa kanya at ningitian pagkatapos. “Huwag kang magbabago.” at tinapik niya ang balikat nito.
Nagtaka si Zavier ng kakaunti at hindi siya kaagad sumagot. “O-Oo naman, ikaw rin.” at tinapik rin ang kanyang balikat.
Nananatiling nakangiti si Ahndray habang nakatingin sa kanya at bumuntong-hininga pagkatapos. Binaba na niya ang kamay niya sa balikat ni Zavier at napatingin sa ibaba. “Mag-ingat ka rin palagi...”
Nagtataka na talaga siya sa kanya dahil napansin niya na iba na ang pananalita at kinikilos nito. “Ahm, ayos ka lang ba?” pag-aalalang tanong niya sa kaibigan.
Sumulyap ang mga mata ni Ahndray sa kanya at biglang natawa. Bigla rin niyang ginulo ang buhok ni Zavier. “Oo naman! Bakit mo naman natanong? Ha?” napakagat-labi siya habang nakangiti. “Ikaw talaga!” at inakbayan.
Nagulat si Zavier matapos siyang akbayan. “A-Ahndray...”
“Naku Zavier! Ikaw talaga!” at binitiwan ang binata. Umalis siya sa tabi nito at pumunta sa tabi ng dagat. Lumusong siya at tumingin sa kabilang pulo. Biglang sumeryoso ang kanyang pagmumukha habang nakatingin dito.
Nag-aalala pa rin si Zavier sa kanya. Kilala niya si Ahndray at alam niya kung paano ito kumilos at kung paano rin magsalita. Maangas itong lalaki at patawa kung minsan.
Seryoso lang na nakatingin si Ahndray sa pulo at mukhang malalim ang iniisip.
“Ahndray...” malumanay siyang lumapit at tumabi sa kanya.
Napalingon sa kanya ang kaibigan. Umupo siya sa buhanginan at tumingin muli sa pulo. “Zavier... may napapansin ka ba kay Ginoong Everestine?” biglang sumeryoso ang usapan.
Umupo na rin si Zavier. “Wala naman bakit?”
Lumingon si Ahndray sa kanya at tiningnan ang buong katawan nito. “Bakit? Salbahe pa rin ba siya sa ‘yo?” at ngumisi.
Natawa ng kakaunti si Zavier at yumuko. “Bakit mo nga natanong?” at tumingin muli sa kanya.
Tumingin na muli si Ahndray sa pulo at napailing. “Nagbago kasi siya bigla sa ‘kin... parang… wala na ako sa kanya.”
Kumunot ang noo ni Zavier dahil alam niya na kung gaano kamahal ni Everestine si Ahndray. Alam nga rin ng lahat na si Ahndray nga ang pinakapaborito ng kanilang pinuno na si Everestine sa lahat. “Paanong wala ka na sa kanya?” mahinanong tanong niya.
Bumuntong-hininga na lang siya at naghanap ng bato. Nakita niya ang maliit na bato sa kanyang tabi at kinuha. “Basta... nag-iba na lang talaga siya.” mahinahong wika niya. Pinatalbog niya muna ang bato sa kanyang kamay bago niya ito hinagis sa dagat.
Nagulat si Zavier matapos niyang makita na hinagis ni Ahndray ang bato sa dagat. “Ahndray! Bakit mo ginawa ‘yun?! Nasasaktan din ang dagat!”
Seryoso lang na nakatingin si Ahndray sa pulo.
Nasa pagmumukha pa rin ni Zavier ang pag-aalala. “Ahndray, bakit---”
“Pasensya na...” mahinahong wika niya.
Natahimik siya.
Napakagat-labi muli si Ahndray. “Ang hirap kasi ng hinaharap kong problema ngayon...”
“Problema?”
“Hindi ko na alam ang gagawin ko...”
Tinapik ni Zavier ang balikat nito. “Sabihin mo sa ‘kin at baka may maitulong ako sa ‘yo.”
“Tsk!” inalis ni Ahndray ang kamay niya sa kanyang balikat. “Huwag mo nang sayangin ang araw at oras mo sa ‘kin Zavier. Huwag na!”
“Bakit ba? Gusto lang naman kitang tulungan! Marapat lang na tulungan kita dahil isa kitang kaibigan!”
“Tigilan mo nga ako! Wala ka rin namang magagawa sa problema ko! Saka sinong may sabi na kaibigan mo ako? Magkaibigan ba tayo?! Wala kaya akong kaibigan!”
Nagulat si Zavier sa kanyang sinabi. Nasaktan siya at nalungkot.
Bumuntong-hininga siya. “Huwag na Zavier... ayokong madamay ka dito...”
Napayuko na lang siya at nakaramdam ng pagkainis.
“Huwag ka nang mag-alala sa ‘kin... kwentuhan mo na lang ako ng masaya.” hihiga na siya sana ngunit bigla naman siyang tinulak ni Zavier pahiga. “Aray ko!!!” napahiga siya habang hawak-hawak ni Zavier ang magkabila niyang balikat.
“SABIHIN MO NGA SABI SA ‘KIN!!!”
Nagulat si Ahndray dahil ngayon lang niya nakita at narinig si Zavier na sumigaw at nagalit.
“HINDI KITA TITIGILAN!!!”
Nakatingin lang sa kanya si Ahndray at medyo natulala sa kanyang ginawa.
“Hindi mo pala ako tinuringang isang kaibigan... dahil ba na ayaw sa ‘kin ni Everestine?! Hindi ko pala alam na nag-iisa pa rin pala ako hanggang ngayon dito!”
Natawa siya. “Aba! Gumaganon ka na Zavier!” luminga-linga siya para tingnan ang magkabilang kamay ni Zavier na nakahawak ng mahigpit sa kanyang balikat. “Bitiwan mo na ako.” tumingin siya sa kanyang mukha at malumanay na hinawakan ang braso nito.
“Sabihin mo na sa ‘kin, Ahndray. Hindi kita bibitiwan.” seryosong wika niya.
Napangiti siya at natawa ng kakaunti. “Ikaw talaga, nasaktan ba kita? Nagbibiro lang naman ako! Wala kasi akong magawa! Pasensya na! Saka hindi lang kita basta kaibigan, kundi isa kong matalik at mahalagang kaibigan sa buong buhay ko. Hindi ka nag-iisa Zavier… pasensya na talaga.”
Hindi siya pinapakinggan ni Zavier at nasa pagmumukha pa rin niya ang pagkainis. “Sabihin mo na sa ‘kin...”
“Ayoko nga...” pumikit siya habang nakangiti.
“Kapag hindi mo sinabi sa ‘kin, kakausapin ko si Everestine! Sasabihin ko na kasalanan niya ‘to kung bakit ka nahihirapan ngayon!”
Nagulat siya at muling tiningnan si Zavier. “Uy! Huwag ganu’n!”
“Bakit? Takot ka ba sa kanya?!”
Nanahimik na lang si Ahndray.
“Dahil ba sa ayaw mo siyang magalit o magtampo sa ‘yo?! Papayag ka na lang ba na palagi kang susunod sa lahat ng gusto niya? Kahit pa na alam niyang mahihirapan ka at kahit alam mong mahihirapan ka rin?!”
“…….”
“Kaya siguro naging paboritong-paborito ka niya dahil ginagawa mo ang lahat para sa kasiyahan niya---”
“Iba-iba tayo Zavier… Kung ganu’n ako sa kanya, ganu’n talaga. Wala na akong magagawa.”
Seryoso lang na nakatingin sa kanya si Zavier.
Napapikit muli si Ahndray habang napailing. “O sige na, o sige na… sasabihin ko na.”
Lumuwag bigla ang pagkakahawak ni Zavier sa magkabila niyang balikat habang nagiging mahinahon na rin ang kanyang pagmumukha ng kakaunti.
Dumilat muli si Ahndray at muli siyang tiningnan. “Basta, kahit na anong mangyari… huwag na huwag mo na akong tutulungan dito. Bitwan mo muna ako bago ko sabihin.”
Hindi niya muna binitiwan si Ahndray habang seryoso lang niyang tinitingnan ang mga mata nito kung nagsasabi ba siya ng totoo. Dahan-dahan na niyang binitiwan ang magkabilang braso nito pagkatapos.
Umupo na si Ahndray habang seryoso lang na nakatingin si Zavier sa kanya. Umupo na rin siya.
Bumuntong-hininga siya. “Alam mo bang kailangan kong isakripisyo ang aking buhay para sa bato na nasa aking katawan? Kailangan kong ialay ang aking buhay sa mga Dia Spirits.”
Nagulat si Zavier. “A-Ano?! B-Bakit?!”
Tumingin siya kay Zavier. “Dahil nasa aking Veridian Orb ang Gulletein Stone at ‘yun ang kailangan nila.”
“Hindi mo ba alam na merong ganu’ng bato si Everestine?! Bakit---”
“Hindi ko alam Zavier… hindi ko alam…” umiling-iling na wika ni Ahndray. “Wala na siyang pakialam sa ‘kin. Hindi na talaga siya katulad nung dati na parang hindi niya ako kayang mawala sa kanya dahil sa ako ang pinakamamahal niya dito. Ang masakit kasi sa ‘kin, pinili niya pa akong ibigay sa mga Dia at nararamdaman ko tuloy na ayos lang ‘yun sa kanya kahit na mawala na ako dito, kahit sa buhay rin niya.” napatingin siya sa ibaba saglit at tumingin muli sa kabilang pulo pagkatapos.
“Hindi…”
“Anong hindi?” napalingon siya kay Zavier.
“Hindi ako papayag… hindi kita hahayaang ibigay sa mga Dia!”
“Zavier! Di ba sinabi ko na sa ‘yo na huwag mo na akong tulungan?!”
“Tutulungan kita Ahndray! Gusto mo bang mangyari ‘to?!”
Natigilan siya.
“Hahayaan mo na lang ba ang buhay mo para kay Everestine?!”
Napayuko siya. “Hindi ko alam…”
Tumayo siya. “Kakausapin ko si Everestine at pipigilan kong ibigay ka sa kanila! Maling-mali ang desisyon niya!”
“Zavier!” nainis na siya. Tumayo rin siya at tiningnan na siya ng masama. “Hayaan mo na siya at pabayaan mo na ako!”
“Hindi ko kayang pabayaan ka Ahndray! A-Ano bang nangyayari sa ‘yo?! Hahayaan mo na lang ba ang sarili mo para sa kagustuhan niya?!”
“Hindi mo rin ba alam na kapag sinakripisyo ko ang aking sarili ay titigilan na rin ng mga Dia ang Destiny World?! Di ba gusto mo ‘yun?! Ganu’n ang gustong mangyari ni Ginoong Everestine kaya gusto niya akong ibigay!”
“Pero bakit ikaw pa?! Bakit hindi na lang niya ibigay ang Gulletein Stone na tinatago niya?!”
“Hindi ko alam… huwag mo na akong intindihin. Paalam na.” at umalis sa harapan nito.
Nanlaki ang mga mata ni Zavier habang nakatingin sa kanya.
Bumalik ang kasalukuyan.
Nakatingin si Zavier sa kanyang ginuhit sa buhanginan habang nakapatong ang kanyang braso sa magkabila niyang binti. Ginuhit niya mula dito ang huling pag-uusap nila ng kanyang kaibigan. Mga nakatalikod sila habang nakaharap sa dagat.
“Simula nung araw na ‘yun at mga oras na ‘yun. Hindi ko na siya kailanmang nakita pa… Wala na akong balita sa kanya hanggang sa nawala na lang siya.” wika niya mula sa kanyang isip.
Bumuntong-hininga siya at tinago ang mukha sa magkabila niyang braso. “Si tiyo’t ikaw na nga lang ang nagbibigay ng lakas ng loob sa ‘kin kapag nanghihina ako. N-Nawala ka pa…”
Habang sa Destiny World naman, tahimik lang na kumakain si Janella sa Dining Hall habang tahimik ring nakatayo si Harony sa kanyang tabi.
Napatingin si Harony sa orasan. “Nakakapagtaka naman bakit kaya mga tulog ang mga tao sa ika-unang palapag?”
Hindi lang pinapansin ni Janella si Harony. Kumakain lang siya hanggang sa matapos na siyang kumain. Tumayo siya.
Niligpit na ni Harony ang pinagkainan ng prinsesa.
“Salamat.” wika ni Janella.
“Yes, princess.” nakangiting wika ni Harony.
Tumungo ang prinsesa sa pintuan. “Harony, pupunta na muna ako sa aking kwarto.”
“Yes, My Lady.” napalingon at napatingin si Harony sa kanya. Ngumiti muli siya.
Ngumiti rin ng kakaunti si Janella. Binuksan na niya ang pinto at lumabas.
Bumangon na si Baron. Humikab siya.
Sumunod si Clayden. Umupo na siya at mga maga pa ang kanyang mga mata.
Habang si Jonathan naman ay natutulog pa rin habang kagat-kagat pa ang kamay ni Christoph.
Si Nathy naman ay dumedede pa sa kanyang daliri.
Nagising na si Lucius. Nakaupo lang siya habang lumilinga. “B-Bakit ako nandito? A-Anong nangyari?” kumunot ang kanyang noo at tumayo. Luminga-linga siya muna at nakita ang mga natutulog. Naglakad na siya at tumungo na sa main door para lumabas.
Tumayo na rin si Clayden. Napansin niya ang damit ni Baron. “Bakit ganyan ang damit na sinusuot mo?”
“Ha? Anong ako baka ikaw din!” at tinuro niya ang damit nito.
Napatingin si Clayden sa kanyang damit. “Oo nga ‘no? Anong nangyari?”
“Hahaha! Hindi ko rin alam e.” umiling si Baron.
Luminga-linga si Clayden. “Bakit ang daming tao? Bakit ang daming tulog?”
Nasa loob na ng kwarto si Janella. Ni-lock niya ang kanyang pinto at pumunta sa kanyang kama. Umupo siya dito at tinanggal ang malaki niyang unan. Nakita niya ang maliit na kahoy at ang magandang bato na kanyang tinago dito. Napangiti siya at kinuha ito habang pinapahid-pahid pa ang mga ito. Napabuntong-hininga siya. “Gusto na muli kitang makita Zavier…” pabulong na wika niya. Muli niyang binalik ang kahoy at ang bato sa kama. Muli niyang binalik ang unan dito pagkatapos. Humiga na siya habang nakatingin sa kisame. “Gaya na lang ng sinabi ko… iisipin ko ‘yung mga pinaggagawa natin sa Harley Forest.” bigla siyang natawa. Napapikit siya habang nakangiti.
Dalawang oras na ang lumipas, bigla muling umulan ng malakas. Nakatulog na siya sa kanyang kama habang yakap-yakap pa ang kanyang unan. Muli niyang napanaginipan si Zavier. Magkasama muli sila habang sila ay nasa magandang perya. Nakaupo sila sa labas ng isang susyal na kainan. Mga pula at kulay dalandan ang mga ilaw na nakalawit dito habang magkatabing kumakain naman ng mainit na kanton ang dalawa. May mga iba’t-ibang tugtuging masasaya sa loob ng kainan habang may mga kumakain rin sa loob. May mga kumakain rin sa labas ngunit kakaunti lang hindi kagaya sa loob. Mga nakasuot na ng winter suit ang karamihan sapagkat magyeyelo na maya-maya. Mga nakasuot naman ng scarf sila Janella at Zavier ngunit magkasalungat sila ng kulay. Kung si Zavier ay kulay asul, siyempre si Janella ay kulay pula.
Lumingon at tumingin si Janella kay Zavier ng nakangiti. “Ang sarap di ba?”
Sumisipsip pa rin si Zavier ng mainit na kanton. Sumulyap ang kanyang mga mata sa prinsesa at ngumiti. “Mhm!” at nag-thumbs up.
Natawa siya nang kakaunti habang nakatingin sa kanton na sinisipsip ng binata. Pinutol niya ito ng kanyang dalawang daliri. “Hindi na matapos-tapos ‘yan ah! Hahaha!”
Natawa si Zavier. “Oo nga e! Mawawalan na nga ako ng hininga kakasipsip!” napatingin siya sa mangkok niya. “Malapit nang maubos.” sumipsip muli siya ng kanton ng nakangiti.
Naubos na ni Janella ang kanya kanina pa. Pinapanood na lang niya ang binatang kumakain. “Mag-ingat ka naman kasi sumipsip! Kung sa bagay naiintindihan naman kita dahil masarap kasi ‘no?!”
Tumango muli siya habang patuloy lang na sinisipsip ang kanton.
“Gusto mo pa ba? O kaya, tikman naman natin ang iba pang pagkain dito!” ngumiti muli ang prinsesa. “Ano? Gusto mo pa?”
Umiling si Zavier at pinutol niya ang kanton na nasa kanyang bibig at sabay lunok. “Ayos na ‘to princess, maraming salamat sa pag libre sa ‘kin!” ngumiti muli siya.
“Aheehee!” pinisil niya ang magkabilang pisngi ni Zavier. Nanggigil siya. “HHMMM!!!!”
“A-Aray ko!” nasaktan na siya.
“Hehehe!” tinigilan na ni Janella ang pagpipisil sa pisngi ng binata. “Nanggigigil kasi ako sa ‘yo e!”
Napahawak si Zavier sa magkabila niyang pisngi habang nakatingin sa kanya ng nakanganga dahil sa nagulat siya.
“Sorry!” nag-peace pose na lang ang prinsesa at biglang namula.
Natawa siya ng marahan. “Ikaw talaga princess!” tumingin muli siya sa mangkok niya at inubos na ang mga natitira pang kanton.
Luminga-linga si Janella at nakita niya ang kagandahan ng perya. Hindi na pala niya namamalayan na napapangiti na pala siya ng kusa. Sa bawat poste, may mga nakakabit itong tila Christmas lights ang itsura na nakadugtong sa katabi nitong poste. Mga nakapayong na ang mga taong padaan-daan na kahit na wala pang snow na bumabagsak. Mga nakangiti lang silang lahat habang sila ay nag-uusap at naglalakad. Tumayo bigla ang prinsesa habang nakatingala. Pumikit siya habang nananatiling nakangiti.
Naubos na ni Zavier ang kanton. Tumayo na rin siya at napatingin sa itaas saglit. Tumingin siya sa prinsesa. “Princess?”
“Bakit?”
“May tinitingnan ka ba?”
“Ano ka ba? Nakapikit kaya ako! Hahaha!” natawa si Janella.
“Ah, ganu’n ba? Pasensya na, hindi ko kasi napansin.” natawa ng kakaunti si Zavier at tumingala na rin siya pagkatapos.
Maya-maya ay bigla nang nakita ni Zavier ang kaisa-isang papabagsak na snow flake na patungo sa pisngi ni Janella. Sinundan ng tingin niya ang snow flake hanggang sa dumampi ito sa pisngi ng prinsesa.
Natawa ng marahan si Janella nung dumampi ito sa kanya. Nandiyan na ang pinakahihintay niya.
Tumingala muli si Zavier at nakita na niya ang sunod-sunod na mga snow flakes na papabagsak pa lang. “Wow!” napangiti siya.
Lalong napangiti ang prinsesa nang marinig niya ang binata. Muling dumampi ang mga ito sa kanyang pisngi.
Tinaas naman ni Zavier ang kanan niyang kamay at sinalo ang isang flake. Binaba niya ng marahan ang kanyang kamay at tiningnan ito. Nakatayo ang flake sa kanyang palad habang umiikot ito ng mabagal habang bumubuga-buga ito ng mga glittering lights na kulay puti. Ngunit hindi rin nagtagal ay nasira din ito bigla. Nakita niya ang kumikinang-kinang na pira-pirasong flake na parang glittering lights sa kanyang palad. Napangiti siya at hinagis ito sa hangin. Parang naging isang fireworks naman ito na matagal mawala habang mabagal rin itong papabagsak sa lupa.
Habang si Janella naman ay nakadilat na at pinapanood na ang mga snow flakes na bumabagsak. Gusto niyang makakuha ng dalawang flakes sa dalawa niyang kamay kaya marahan niyang tinaas ang magkabila niyang kamay habang nakatawa. Mabuti naman at nakasalo nga siya ng dalawang flakes sa magkabila niyang kamay. Tiningnan na niya ang dalawang flakes na magkatabi pagkatapos. Ganu’n pa rin naman at kagaya lang ito ng nasalong flake ni Zavier kanina. Ngunit sa tuwing nagkakabanggaan ang dalawang flakes sa pag-ikot, nag-iiba-iba ang kulay nito pati ang glittering lights na binubuga nito.
“Hahaha! Wow!” nabighani ang prinsesa.
Nasira na ang dalawang flakes sa kanyang mga palad. Nung sumabog ito, paiba-iba rin ang kulay ng pira-pirasong flakes.
“Nice! Parang Christmas na ah!” at mas nilapit pa niya ang kanyang mukha dito nang mas makita pa niya ang kagandahan nito. Tumatama na sa kanyang mukha ang liwanag nito sapagkat mas malakas ang pagkakakinang nito.
Tumabi si Zavier sa kanya at tiningnan rin ang pira-pirasong flakes. “Ang ganda naman niyan princess.” napangiti siya.
Nakatawa si Janella at hinagis rin ito sa hangin. “Ta-da! Aheehee!”
Sumabog ang mga ito sa hangin pero mas maganda ito kaysa sa iisang flake na hinagis ni Zavier kanina. Dahil ‘yun ay iisang kulay lang pero ‘yung kay Janella ay iba’t-iba ang kulay.
“Wow!” napanganga ang prinsesa. “Ang isang napakagandang fireworks na nasa harapan ko lang mismo! Ang ganda!”
“Mhm.” tumango lang si Zavier habang nakangiti.
Napalingon at napatingin si Janella sa kanya. Nakita niya na pinapanood lang ni Zavier ang pira-pirasong flakes na hinagis niya. “Ahmm... Zavier?”
Napalingon at tumingin ang binata sa kanya. “Yes, princess?”
“Tara, magikot-ikot pa tayo dito sa perya!” nakangiting wika niya.
“Ah, o-o sige...” sinulyapan niya ang flakes at mukhang gusto pa niyang panoorin ito sana.
“Masyado ka nang naaaliw diyan sa snow flakes! Hehehe!”
Napakamot ng ulo si Zavier at napayuko. Nahiya siya. “A-Ang ganda kasi princess.”
Napangiti siya. “Tama ka, alam ko namang nakakaaliw tingnan di ba? Pero tara na! Hahaha!” hinawakan niya bigla ang kanang kamay ni Zavier at sabay takbo.
“Woah!” nabigla siya at napatakbo rin.
Ilang oras ang lumipas, sa gitna ng kanilang pamamasyal, maraming tao ang namimili sa bawat tiangge. May mga masasayang tugtugin sa bawat pamilihan. Magkahawak lang sila ng kamay para hindi magkawalaan sa gitna ng maraming tao na bumibili. Tumitingin-tingin lang sila ng mabibili sa bawat tiangge na madadaanan nila. Magkakatabi lang naman ang mga tiangge, pero iba-iba ang mga tinda. May mas mahal na presyo do’n ngunit may mas mura na presyo sa ganitong tiangge. Pero sa napakaraming tiangge dito, merong dalawang tiangge dito na wala gaanong namimili at hindi ganu’ng kapansin-pansin.
“Bili-bili na po kayo dito ng damit! Magaganda ang mga ito! Mura pa!” wika ng isang dalagang mataba na nakaupo sa kanyang tiangge. Nakaipit lang ng laso ang makapal niyang buhok. Pinagmamasdan lang niya ang bawat tiangge at sobra na siyang naiinggit dahil sobrang sapat na panigurado ang kinikita ng mga nagbebenta do’n. “Bili na po kayo dito!”
“Huwag ninyong pansinin si Aleng Mataba! Huwag kayong maniwala! Mga pangit ang mga binebenta niyan! Dito kayo at tumuloy kayo sa aking tiangge! Mas maganda dito! Mas mura!” wika naman ng isang binatang matangkad ngunit payatot. Masama ang ugali nito dahil kahit ang mga matatanda ay hindi nito ginagalang at nirerespeto. Katabi lang nito ang tiangge ng dalaga.
Uminit bigla ang ulo ng dalaga. Napatingin siya sa binata. “Ay ayos pala ‘tong buto’t balat na pangit na ‘to ah!”
“Sige! Lahat sabihin mo na!” pangasar na wika ng binatang payatot. “Dahil wala naman akong pakialam!”
“Sumosobra ka na ah!!!” tumayo ang dalaga para sugurin ang binata. Hahampasin niya sana ito ng tsinelas niya ngunit bigla naman siyang pinigilan ni Zavier.
Hinawakan niya bigla ang braso nito. “Tama na po ‘yan!”
Nagulat siya at mabilis na tumingin kay Zavier habang hinihingal pa sa sobrang inis.
“Umupo na po ulit kayo.” at marahan siyang pinaupo muli.
Napatingin si Janella kay Zavier. Nabighani siya sa ginawa nito.
Nananatiling hinihingal ang dalaga. Natanggal na ang laso nito na nakaipit sa kanyang buhok at biglang bumagsak na ang makapal niyang buhok na mahaba. Nakatingin lang siya sa binatang payatot ng masama. “Sinisiraan mo ang paninda ko!”
Biglang natunaw ang mga yelo na nakapalibot dito sa tiangge niya. Dahil sa sobrang inis niya ay naglalabas na ito ng sobrang init na mula sa kanyang katawan.
“Tama na po ‘yan!” hinawakan ng mahigpit ni Zavier ang braso nito.
“KAINIS KAAA!!!!” sigaw ng dalaga.
Napatingin sa paligid si Janella at baka may nakarinig sa dalagang sumigaw. Pinagmasdan niya ang mga taong namimili kung may nakapansin ba sa kanila. Mabuti naman ay wala, dahil ito siguro sa lakas ng mga tugtugin at ingay ng mga tao kaya patuloy lang sila sa pamimili.
Tiningnan ni Zavier ang paninda ng dalaga. Puro damit ito at karamihan ay puro pambabae. Ngunit mga mukhang nagamit na nga lang ang mga ito.
Napansin ito ng dalaga na nakatingin sa paninda niya si Zavier. Napatingin siya kay Zavier habang masama ang pagkakatitig niya dito.
“Bibili po ako ng mga paninda n’yo.”
“E-Eh?” nagulat si Janella. “Zavier bakit?!” tanong niya mula sa kanyang isip. Napahigpit siya ng pagkakahawak sa kamay nito.
Napalingon si Zavier at napatingin sa kanya.
Nakatingin lang si Janella sa mga mata niya at kumunot ang noo niya. Bumulong siya. “Ayoko ng damit!”
Ngumiti lang siya. Binitiwan niya ang braso ng dalagang mataba at hinimas lang niya ang ulo ng prinsesa.
Nagulat ang prinsesa at biglang napapikit. “Hm!” namula siya.
Lumingon muli si Zavier sa tiangge at tiningnan ang bawat damit. “Bibilhin ko po ‘yan, ‘yan, ito, ‘yun!” wika niya habang pinagtuturo ang mga damit.
Nung marinig ni Janella na bibilhin na ni Zavier ang mga damit, bigla siyang dumilat. Nanlaki ang kanyang mga mata at tiningnan ito. “Zavier?!”
Lumingon muli si Zavier sa kanya ng nakangiti. “Bakit?”
“Seryoso ka?!”
Tumawa siya ng marahan. “Oo naman princess.”
Napanganga ang binatang payatot habang nakatingin kay Zavier. “W-What the? A-Ang daya! Dapat ako rin!”
Lumingon muli si Zavier sa tiangge ng dalaga.
“Ano na po?” medyo gumagaan-gaan na ang pakiramdam ng dalaga. Nakatingin lang siya kay Zavier. “Bibilhin n’yo na po ba?”
“Opo...” tumingin siya sa dalaga ng nakangiti.
Nagiging yelo na muli ang mga natunaw na yelo sa kanyang paligid. Hindi na medyo mainit ang kanyang ulo. Napangiti siya. “S-Salamat sa ‘yo!” masaya siyang pumunta sa mga damit na tinuro ni Zavier.
Nakaharap at nakatingin lang sa tiangge si Zavier habang nasa likuran lang niya si Janella. Magkahawak pa rin sila ng kamay at parang ayaw nang maghiwalay pa.
Sumilip mula sa likuran ni Zavier si Janella at tiningnan muli ang dalaga. Napansin niya kaagad ang sabog nitong buhok habang kinukuha ang mga bibilhing damit ni Zavier. Sumulyap saglit ang kanyang mga mata sa upuan ng dalaga para tingnan kung nando’n ba ang ipit nito.
“Zavier...” mahinang tawag ni Janella sa kanya.
“Hm?”
“‘Yung ipit niya... ibigay mo.” at tinuro niya ang ipit sa upuan.
Bumalik na ang dalaga sa kanila para ibigay ang mga damit kay Zavier. “Ito na po...” nakangiti siya habang inaabot nito ang tatlong plastics na punong-puno ng mga damit.
“Magkano po lahat?” tanong ni Zavier.
“Limang daan po.” Nananatili lang siyang nakangiti.
“Ah, o sige po.” tumango siya at kinuha mula sa kanyang bulsa ng pantalon ang pitaka. Nakita niya na buo pala ang mga pera niya. Puro isang libo, kaya ‘yun ang inabot niya sa kanya.
“Ay hala! W-Wala po akong panukli dito!”
“Ay, ganu’n po ba? O sige po! Ayos lang po!” nakangiting wika niya.
“Ay talaga?! Ang bait n’yo naman po!” nakangiting wika niya.
“Ha?!” nagulat na naman si Janella. “Zavier?!”
Lumingon na naman si Zavier sa kanya. “Yes, princess?”
“Ano?! Ibibigay mo sa kanya lahat ng sukli mo?!” pabulong ngunit mataas na tonong tanong niya.
“Mhm.” tumango siya. “Ayos lang ‘yun. Tulong ko na rin ‘yun para sa kanya.” ngumiti muli siya.
“Bakit lahat naman ng sukli?! Hay naku...” napapikit na lang si Janella at napasampal sa kanyang noo.
Lumingon muli si Zavier sa dalaga at kinuha na niya ang tatlong plastics. “Salamat po!” ngumiti muli siya.
“Ang bait n’yo naman! Grabe, ang laki ng kinita ko ngayon!” biglang gumaan na ang pakiramdam nito. Napatutop siya sa kanyang dibdib. “Maraming salamat ha?”
Natawa siya ng marahan. “W-Wala po ‘yun! Sige po at sana huwag na po uminit ang ulo ha?”
“Hahaha! Maraming salamat talaga sa ‘yo! Maraming-maraming salamat talaga!” naluha pa siya sa tuwa.
“‘Yung ipit n’yo nga po pala, nasa upuan.” mabilis na tinuro ni Janella ang ipit na nasa upuan. “Baka hanapin n’yo po kasi.”
Napalingon ang dalaga sa kanyang upuan at nakita ang ipit. “Ay oo nga pala... salamat din sa ‘yo! Muntikan ko na ngang malimutan.” at kinuha ang ipit mula sa upuan.
“O sige po... aalis na po kami.” nakangiting wika ni Zavier.
Masayang tumingin ang dalaga sa kanya. “Balik po kayo ulit dito ha? Maraming salamat ulit sa inyong dalawa.”
Ningitian lang ito ni Janella.
Masayang nagpaalam na si Zavier. Ningitian niya muli ang dalaga bago umalis.
Napansin ng binatang payatot si Zavier na madadaanan nito ang tiangge niya. Nagkaroon siya ng masamang balak at siya ay nagtago sa madilim.
“Akin na ‘yung isang plastic, tulungan na kitang magbitbit.” wika ni Janella.
“Huwag na princess, ako na lang.” nakangiting wika niya.
Nararamdaman na ng binatang masama na malapit na malapit na si Zavier sa kanya. Pagkatapos ng ilang segundo ay nasa kanyang tabi na niya ito mismo. Hindi naman siya napapansin ni Zavier sapagkat nasa madilim siya nakatago. Ngumisi siya at bigla niyang tinakpan ang bibig nito at sabay hatak.
“Ahhh!!!” napasigaw si Janella dahil muntikan na siyang matumba sa lakas ng pagkakahila kay Zavier. Bigla nga rin niyang nabitiwan ang kamay nito kahit na mahigpit siyang nakahawak sa kanya. Napalingon siya bigla na kung saan do’n niya naramdam na may kumuha sa kaibigan. Nakita niya na pababa ang lupa dito at sobrang dilim pa. Bukod pa dito, madamo pa. Nawala kaagad sa paningin niya si Zavier. Natakot siya. “Zaviieerr?!!!!” sigaw niya sa pababang daan.
Pagulong-gulong ang dalawa sa lupa na may yelo at napahiga silang pareho pagkatapos.
“Ugh!” nasaktan si Zavier at biglang sumakit ang kanan niyang binti. Hindi siya makatayo at medyo nagkaroon pa siya ng mga sugat sa kanyang mukha dahil sa mga bato na nagulungan nila. Pero mabuti naman ay makapal ang suot nitong damit dahil kung hindi, pati buong katawan nito panigurado ay sugatan din.
Mabilis na gumapang ang binata kay Zavier at mabilis niyang hinawakan ang magkabilang pulsuhan nito. Umupo siya sa kanyang tiyan pagkatapos. “Ibigay mo sa ‘kin ang pitaka mo!”
“Urgh!” pinipilit ni Zavier na makawala mula sa malalaki niyang kamay. Kahit na payatot ang kalaban, akala mo ay mahina pero ang totoo ay hindi pala.
“Hindi mo ibibigay sa ‘kin?!” mataas na tonong tanong niya.
“Hindi! Bakit ko naman ibibigay sa ‘yo?!”
“Ayaw mo ah!” ngumisi ang binata. Binitiwan ng kaliwang kamay niya ang kanang pulsuhan ni Zavier. Ngunit ang kanan niyang kamay ay kayang-kaya hawakan ang dalawang pulsuhan nito.
“Tsk! Anoo baa?!!!” pinipilit pa rin ni Zavier na makawala.
Naglabas ng isang matalim na kutsilyo ang binata at tinapat niya ito sa leeg ni Zavier. “Ano? Hindi mo pa rin ba ibibigay?! Buhay mo na ang nakasasalay dito!!!”
Natigilan si Zavier at tiningnan niya ang kutsilyo na nakatapat sa kanyang leeg. Kinabahan siya. Hindi lang siya sumasagot pero ang kanyang paghinga mula sa labi ay rinig na rinig.
“Zavier?!!!” sigaw ni Janella. Bumababa na siya at malapit na ito sa kanila.
Napalingon ang binata nung marinig niya ang boses ng prinsesa. Madali niyang tinakpan ang bibig ni Zavier bago pa siya humingi ng tulong. Wala na siyang oras pa at kailangan na niyang umalis. Tumingin muli siya kay Zavier at sinaksak na niya ang tiyan nito.
“AAAAHHHHH!!!!!!!!!!!!!!!!!!!” napasigaw si Zavier sa sakit.
Bago pa makarating si Janella sa kanila, nakuha na ng masamang binata ang pitaka nito at nakatakas na. Huli na ang lahat nang makarating ang prinsesa sa kanya. Naabutan na lang niyang nakatagilid at nakabaluktot si Zavier habang hawak-hawak ang kutsilyong nakasaksak sa kanyang tiyan.
Nataranta si Janella. “Zavier!!!!” madali siyang tumakbo at lumuhod sa kanyang tabi. “Zavier!” hinawakan niya ang braso nito.
Nakita niya na mariin itong nakapikit habang nakakunot pa ang kanyang noo sa sakit. Dahan-dahan niyang tinihaya si Zavier.
“A-Aray ko…” mahinang wika ni Zavier habang nakakunot pa ang kanyang noo.
Nagulat si Janella nang makita niya ang kutsilyong nakasaksak sa tiyan nito. “Naku Zavier!” tumingin siya sa mukha nito. “Tatanggalin ko!” hahawakan na sana niya ang kutsilyo nang pinigilan naman siya ni Zavier.
Pinilit na dumilat si Zavier para tingnan ang prinsesa. “P-Princess! M-Masakit!”
“Alam ko Zavier! Pero wala tayong magagawa! Huwag kang mag-alala! Ako ang bahala!” hinawakan niya ang kamay ni Zavier na nakahawak sa kutsilyo.
“U-Ugh!”
Awang-awa na si Janella habang nakatingin sa mukha ni Zavier. “1… 2… 3!” at mabilis niya itong tinanggal.
“AAAAHHHHH!!!!!!!!!!!!!!!!!!!” napasigaw muli si Zavier sa sakit.
Napaurong si Janella at hiningal saglit habang nakatingin sa kanya.
“Aray koo!!!!” napaluha siya. “Aaahhh!!!!”
Tiningnan ng prinsesa ang kutsilyo. May dugo ito at medyo malalim nga ang pagkakasaksak nito sa tiyan niya. Lumapit muli siya dito at hinawakan ang kamay.
“Zavier! Saglit lang!” binitiwan niya ang kamay nito. Madali niyang kinapa ang kanyang pananamit at baka may makita siyang panyo o kahit na anumang tela. “Naku naman! Mukhang wala pa akong dalang panyo Zavier!!!” napatingin siya kay Zavier.
Mariin lang itong nakapikit habang hawak-hawak ang kanyang tiyan. Namumutla na siya.
“TULONG!!!!” sigaw niya habang nasa kanyang pagmumukha ang pag-aalala. “Zavier saglit lang! Hihingi ako ng tulong sa mga tao!” tumayo’t tumakbo na siya pabalik sa mga tiangge.
Biglang nagliwanag na ang buong paligid.