25: The Meeting


 

Bigla siyang nagising mula sa kanyang panaginip. Mabilis siyang bumangon at biglang nakaramdam ng pagkatakot.

Zavier!” hingal na pagkakasabi niya habang lumilinga. “A-Akala ko… totoo na.” napatutop siya sa kanyang dibdib. Napatingin siya sa kanyang bintana at nakita niya na patuloy pa rin ang pagbuhos ng malakas na ulan. “Pinag-alala mo ako…”

Mga gising na ang mga servants habang ganu’n rin ang mga bisita. Lahat ay mga gising na habang mga nagtataka kung bakit nasa hall sila natulog. Mga nagsiuwian na rin sila pagkatapos nung sila ay magising na. Mga naglilinis at nag-aayos na muli ang mga servants sa ika-unang palapag.

Napansin ni Baron na kausap ni Clayden si Harony. May balak na naman siyang asarin ang kaibigan. Nagtago siya sa poste habang pinagmamasdan ang dalawa.

O sige Clayden! Aalis na ako! May gagawin pa ako.” nakangiting wika ni Harony at umalis sa harapan ni Clayden.

O sige!” nakangiti rin si Clayden at kumaway pa sa dalaga. Pinagmamasdan lang niya ang dalagang umaakyat ng hagdan. Napabuntong-hininga pa siya habang nakangiti.

E-Ehem…” lumabas na si Baron mula sa poste at madaling nilapitan si Clayden sa likuran. “Musta?” bumulong siya sa tenga.

Nagulat si Clayden at mabilis siyang napalingon sa kanyang likuran at tiningnan si Baron ng masama. “Tsk! Nakakagulat ka!” hinawakan niya ang kanyang tenga. “Ano na naman?!”

Itatanong ko lang sana sa ‘yo na… kumusta?” nakangiting tanong niya habang taas noo pa siya.

Mas lalong sumama ang tingin ni Clayden sa kanya. “Aasarin mo na naman ba ako?! Umalis ka na nga!” sinampal niya ng hindi naman ganu’n kalakas ang pisngi ni Baron.

Napalingon pa rin si Baron kahit na ganu’n lang ang sampal sa kanya. “Ang sakit!” napahawak pa siya sa kanyang pisngi at tiningnan ng paawang tingin si Clayden. “Kung makasampal ka naman Clay… parang nasaktan mo na rin ang aking puso.”

Anong puso?! May puso ba ‘yang pisngi mo para masaktan?!”

Kaya nga parang e.”

Untugin kaya kita diyan.”

Napatingin sa ibaba saglit si Baron. Malungkot niyang tiningnan si Clayden at ngumuso pagkatapos. “Nasaktan mo ang puso ko Clay.” mahinang wika niya.

Anong pinagsasabi mo? May gusto ka yata sa ‘kin e! Bakla ka ba?!” binangga niya ang balikat ni Baron at sabay alis.

Napausog si Baron habang nananatili pa rin siyang nakahawak sa kanyang pisngi.

Hindi pa nakakalayo si Clayden sa kanya nung huminto siya sa paglakad. Napalingon siya. “Ang dami mong alam Baron! Halika na nga at maglinis na tayo!”

Hindi siya kumikibo habang nananatili pa ring nakatalikod. “Mag-sorry ka muna sa ‘kin…” at saka pa lang niya tiningnan si Clayden.

Umikot siya at seryoso niyang tiningnan si Baron.

Mag-sorry ka na.” at mas diniinan pa niya ang pagkakahawak niya sa kanyang pisngi. Mas lumungkot din ang kanyang pagmumukha habang nakatingin sa kanya.

Napailing na lang si Clayden at tinalikuran na lang muli niya ito. Muli siyang naglakad.

Hindi na nakatiis si Baron at mabilis siyang sumunod kay Clayden. “Uy! Ikaw talaga! Sorry na nga lang ang hinihingi ko sa ‘yo! Ayaw mo pa!”

Nasa kwarto muli ni Janella si Harony habang nilalagyan ng tsaa ang tasa na kanyang hawak-hawak. Nakaupo pa rin ang prinsesa sa kanyang kama habang nakatingin sa kanyang bintana.

My Lady.” inabot niya ang tasa sa kanya.

Napalingon si Janella at kinuha ang tasa ng marahan. Sumipsip siya ng kakapiranggot. “Harony pagkatapos nito, kakain na lang ako ulit sa Dining Hall.”

O sige po.” tumango siya at madaling lumabas sa kwarto.

Nakatingin lang si Janella sa kanya hanggang sa paglabas nito. Paunti-unti niyang sinisipsip ang tsaa mula sa tasa hanggang sa maubos niya ito. Tumayo na siya’t lumabas na rin sa kanyang kwarto habang dala-dala ang tasa.

Patuloy pa ring naglilinis at nag-aayos ang mga servants. Kakaunting trabaho na lang ay tapos na rin sila sa kanilang ginagawa. Napansin ni Gweine na bababa ng hagdan si Janella habang siya ay nag-aayos ng lamesa. “Oh~! Ang ating prinsesa!” madali siyang tumabi sa hagdanan.

Napansin rin ni Janella si Gweine. Ningitian niya ito.

Nagulat si Gweine nang siya ay ngitian ng prinsesa. Napangiti rin siya at niyukuan ang prinsesa para magbigay galang. Inabot na niya ang kamay sa kanya pagkatapos.

Hinawakan naman ni Janella ang kanyang kamay. “Salamat Gweine, sa Dining Hall ako.”

Masayang tumango si Gweine at dinala siya sa Dining Hall. Binuksan niya ang pinto para sa prinsesang papasok sa loob.

Mhm, salamat ulit!” ngumiti muli si Janella sa kanya at binitiwan na niya ang kamay nito.

Nakatingin lang si Gweine sa kanya hanggang sa magsara na ang pinto.

Hoy!” si Jonathan. “Maglinis ka na nga Gweine!”

Ay~!” napalingon at napatingin si Gweine sa kanya. “Okay~! I’m sorry~!” madali siyang pumunta sa lamesa na kanyang inaayos.

Hindi inaasahan ni Janella na nandito pala sa Dining Hall ang kanyang ina.

Seryoso lang na kumakain si Adelaide.

Napatutop si Janella sa kanyang dibdib at muli siyang kinabahan.

Princess… dito po tayo.” mahinahong wika ni Harony at dinala siya sa upuan. Inusog na niya ito para sa kanya.

S-Salamat.” marahan siyang umupo dito.

Yumuko si Harony. “Walang anuman.” at umalis.

Napatingin si Janella sa kanyang pagkain na nasa kanyang harapan. Iniiwasan niya na mapatingin sa kanya si Adelaide. Kinuha na niya ang kutsara’t tinidor.

Sumulyap ang mga mata ni Adelaide sa kanya at tiningnan siya ng masama nito.

Nakatingin lang sa pagkain si Janella. Tinusok niya ang baboy mula sa kanyang plato at kinain habang nananatili lang na nakatingin sa kanyang pagkain.

Oh, my~!” napaupo si Gweine at pinunas ang tumutulong pawis niya sa kanyang noo. “So hot~!” at pinaypayan ng kanyang kamay ang kanyang sarili.

Si Eric na ang nag-ayos ng lamesa na inaayos ni Gweine.

Nakatawa lang si Gweine habang nakatingin kay Eric. “Salamat pogi ha~?!”

Walang anuman ganda.” nakangiting wika ni Eric habang patuloy pa rin siyang nag-aayos.

Tumigil sa pagpapaypay si Gweine at biglang namula. “Pagkatapos ng ilang taon~?! Dalawa na kayo ni Baron na nasabihan akong maganda~! Grabe~! I’m shocked~!”

Janella.” tawag ni Adelaide.

Nagulat ang prinsesa at sumulyap na ang kanyang mga mata sa kanya. Tahimik lang siya.

Nananatiling nakatingin si Adelaide sa kanya. Binaba niya ang kanyang kutsara’t tinidor sa lamesa. Bumuntong-hininga siya. “Wala na akong magagawa kung matigas talaga ang ulo mo. Napapagod na akong sumuway sa ‘yo. Nasasayang lang ang boses ko kung wala rin pa lang nangyayari sa mga sinasabi ko. Bahala ka. Konsensya mo na lang ‘yan.” tumayo siya at tumungo sa pintuan.

Pinagbuksan ito ni Harony ng pinto at inantay na makalabas si Adelaide. Pagkatapos ay sinara na niya ito nung siya ay makalabas na. Napatingin siya kay Janella.

Binaba na ni Janella ang kanyang kutsara’t tinidor sa lamesa. Napayuko siya.

My Lady…” nag-alala si Harony. Napatutop siya sa kanyang dibdib habang lumalapit sa kanya.

Sumulyap saglit ang mga mata ni Janella sa kanya. Bumuntong-hininga siya at sumandal sa kanyang upuan habang nakayuko.

Huminto sa tabi niya si Harony. “Ayos lang po ba kayo?”

Hindi siya sumagot habang malungkot lang siyang nakayuko.

Napabuntong-hininga na lang si Harony. “Okay…” mahinang wika niya. Yumuko muli siya sa prinsesa para magbigay galang at umalis na sa tabi nito.

Tapos nang maglinis ang mga servants sa hall. Naayos na nila ng maayos ang mga lamesa at nilinis na rin ang sahig na nadumihan ng mga pagkain na nahulog dito. Ngayon ay mga nasa kwarto sila, nakaupo lang sa kani-kanilang mga kama habang nakikinig kay Baron.

Nakatayo lang si Baron sa gitna ng kwarto habang nasa pintuan naman si Clayden nakatayo.

Guys… ipagpapatuloy ulit natin ang ating misyon na maghanap ng mga CCTV camera para sa hardin natin. Alam kong masama ang panahon ngayon pero kailangan na natin ‘to gawin.”

Anong natin?! Misyon n’yo ‘yan unang pangkat!” sigaw ni Serah.

Sumulyap lang ang mga mata ni Baron sa kanya at tiningnan muli niya ang bawat isa na nakaupo sa bawat kama pagkatapos. Hindi na lang niya pinansin si Serah. “Para sa ikalawang pankat, kahit na napansin ko na nagupatan na ang mga puno’t halaman sa hardin, alam kong mga hindi pa rin kayo tapos do’n di ba?”

Tama!” sigaw ni Tofena.

Masamang sumulyap ang mga mata ni Serah sa kanya.

Nakita ni Tofena na nakatingin sa kanya si Serah. Magkatabi lang kasi sila ng higaan. “Hahaha! Hi!” kumaway siya.

Hmp!” inirapan lang niya ito at muling tumingin kay Baron.

Teka!” biglang nagtaas ng kamay si Julius habang nakatingin kay Baron. “Pwedeng iba na lang ang gawin natin?!”

Hindi pwede! Wala kang karapatang magreklamo ngayon Julius!” pabirong sinigawan pa niya si Julius.

Nagulat si Julius nang sigawan siya nito. “Fine!” sumandal siya sa dingding at humalukipkip. Tiningnan niya ng masama si Baron. “Mananahimik na lang ako!”

Natawa ng kakaunti si Baron at muli na niyang tiningnan ang lahat. “Para sa ikalawang pangkat! Pagandahin n’yo pa ng kaunti ang hardin natin! Kakaunting trabaho na lang ‘yan at matatapos na rin kayo diyan kaagad!” ngumiti siya ng kakaunti. “Naiintindihan n’yo ba?”

Oo! Naiintindihan namin!” sigaw ni Serah.

Oo! Siya lang ang nakakaintindi!” madaling tinuro ni Tofena si Serah habang nakatawa. “Hahaha!” habang tinuturo-turo pa niya ito.

Uminit na naman ang ulo ni Serah. “Hay naku!” tumayo siya at umalis sa kanyang kama.

Biro lang Serah! Hahaha! Ikaw talaga! Hindi talaga mabiro kahit kailan!” madali siyang sumunod.

Alam mo naman pala e! Bakit mo pa ako binibiro?!”

Hay naku…” napasampal sa noo si Baron.

Teka lang!!!! Kailangan natin ng pagkakaisa dito!!!! Tayo-tayo rin kasi ang mahihirapan dito kung mag-aaway away lang tayo!!!!” inis na wika ni Clayden.

Nakakainis ka na talaga Tofena!” muling bumalik sa kanyang kama si Serah.

Hahaha! Sorry na nga e!” bumalik na rin si Tofena sa kanyang kama.

Sa ikatlong pangkat naman! Alam n’yo naman sa inyo di ba?! Ang dali-dali lang!” si Baron ulit.

Opo!” sigaw rin ng ikatlong pangkat.

Ang daya!” sigaw ni Julius.

Pero ikatlong pangkat---”

Tumayo si Nathy at pumunta sa harap ni Baron. “Dapat ba na maging tahimik po kami dapat?”

Teka lang naman Nathy! Di pa ako tapos magsalita di ba?!” pabirong sinigawan rin siya ni Baron.

Biglang napaupo si Nathy sa sobrang pagkagulat habang nananatili pa ring nakatingin kay Baron. “A-Ah… o-okay po.”

Nathy! Bumalik ka na nga sa kama mo! Ang gulo mo e!” reklamo ni Jonathan.

Masamang tiningnan ni Eric si Jonathan habang siya ay naka-indian sit sa kanyang kama.

Marahang tumayo si Nathy habang nananatili pa ring nakatingin kay Baron.

Joth! Huwag kang ganyan magsalita sa bata! Malalagot ka pa kapag umiyak ‘yan!” pang-asar na wika ni Bernard.

Psssstttt!!!!” si Clayden.

Bumalik na sa kama si Nathy. Umupo muli siya.

Nakatingin ulit si Baron sa lahat. “Dapat na siguraduhin n’yo na hindi tayo mahahalata ng ating prinsesa sa misyon natin! Dapat na hindi niya malaman ang lahat ng ‘to!”

P-Para saan ‘yun?” mausisang tanong ni Bernard.

Para malaman na natin ang tunay na ginagawa niya. Alam mo ‘yun, kapag kasi nalaman niya ang tungkol sa CCTV camera natin sa hardin. Baka mag-isip pa siya ng iba pang paraan kung paano siya makakaalis dito.” wika ni Clayden.

Bakit nga kasi siya ganu’n ‘no?” si Jonathan. Napatingin siya kay Christoph sa kanyang tabi. “Aalis tapos babalik. Ano kaya ‘yun.”

Hindi lang pinapansin ni Christoph si Jonathan. Seryoso lang siyang nakatingin at nakikinig sa pag-uusap nina Clayden at Bernard.

Ganu’n? Di ba dapat ang gawin natin ay mapabago natin siya sa masamang ginagawa niya? Dapat niya na malaman ‘to! Para matakot siya.” humalukipkip si Bernard.

Basta Bernard. Gusto lang kasi nating malaman.” wika ni Baron. “Mapipigilan naman natin siya kaagad kapag ginawa niya pa ‘yun ulit. Dahil may mga tagabantay pa rin tayo at sila na nga ang mga manonood sa bawat monitor ng CCTV cameras natin.”

Natigilan siya. “O sige. Bahala kayo.” mahinahong wika niya. Sumandal na lang siya sa dingding habang nakahalukipkip.

Kaya ikatlong pangkat! Ingatan n’yo siyang huwag mahalata kami! Maliwanag ba?”

Oo!” sigaw nilang lahat.

Biglang may kumatok sa pinto. Napatingin si Clayden dito at maliit niya itong binuksan.

Clayden, pinaaabot ni Queen Adelaide ‘to. Gagamitin daw natin.” wika ni Harony at binigay ang tatlong bagay sa kanya.

A-Ano’to?” nagtaka si Clayden. Napatingin siya sa bagay na hawak-hawak niya.

Walkie-talkie daw. Alam mo ba kung paano gamitin ‘yan?”

Ahm…” nakatingin lang si Clayden sa tatlong Walkie-talkie. “Oo.” ngumiti siya at kinuha na niya ang mga ito.

Talaga? Mabuti naman.” ngumiti rin si Harony. “O sige, mamaya na lang ulit.” isasara na niya sana ang pinto nang biglang pinigilan naman ito ni Clayden.

Aalis ka pa?”

Oo.” tumango siya. “May pupuntahan pa ako. Bakit?”

Maghahanap na kasi tayo ng CCTV camera ngayon.”

Ngayon na mismo?”

Maya-maya pa naman.”

Ah, o sige.” tumango muli si Harony habang nakangiti. “Saglit lang naman ang gagawin ko at babalik din naman ako kaagad dito.” ngumiti muli siya. “Sige Clayden, mamaya na lang ha?” at sinara na ang pinto.

Patuloy pa ring nagsasalita si Baron sa gitna.

Tiningnan na ni Clayden si Baron. “Baron!”

Ha?” umikot siya para tingnan si Clayden.

Lumalapit na si Clayden sa kanya. “Walkie-talkie.” at inabot sa kanya ang tatlong ito.

Hm?” kinuha ni Baron ang isa at tiningnan. “Bakit? Anong gagawin natin dito?” muli siyang tumingin kay Clayden.

Ano ka ba?! Walkie-talkie ‘yan! Kahit na magkakalayo ang tatlong grupo. May koneksyon pa rin tayo sa isa’t-isa! Magkakausap-usap pa rin tayo sa pamamagitan nito!”

Ah!” tumango siya. “Bakit ka galit? Nagtatanong lang naman ako ng maayos ah!” binalik niya muli kay Clayden ang isang Walkie-talkie na kinuha niya. Muli siyang umikot para harapin muli ang mga servants ngunit mga maiingay na sila.

Teka!!!! Makinig kayo sa ‘kin!!!! Importante ang sasabihin ko!!!!” sigaw niya.

Bigla silang tumahimik at mga nagsitinginan rin sa kanya.

Sa bawat pangkat! May isa kayong Walkie-talkie na gagamitin para may koneksyon pa rin tayo kahit na magkakalayo-layo tayo!”

Ah talaga?!” nakangiting tanong ni Diana. “Nasaan ang Walkie-talkie?”

Clayden! Ipakita mo sa kanila!” nakangiting wika ni Baron habang nakatayo ng tuwid.

Tumabi si Clayden sa kanya. “Eto guys.” at pinakita sa kanila ang hawak-hawak niyang mga Walkie-talkie.

Ooohhh!!!!” namangha ang lahat.

Bagay sila oh!” pang-asar na wika ni Jonathan habang tinitingnan sina Baron at Clayden na magkatabi.

Hoy!” nainis si Clayden. “Ito ang tingnan mo at hindi kami!”

O sige na! Unang pangkat! Kukuha na kami ng isang Walkie-talkie!” wika ni Baron at kumuha na siya ng isa. “Ikalawang pangkat na!”

Huwag na kayong tumayo! Ako na!” tumayo si Tofena at kumuha ng isang Walkie-talkie. “Yeah!” at muling bumalik sa kanyang kama.

Mga nagsilapitan pa ang iilang kagrupo ni Tofena sa kanya para tingnan lang ang Walkie-talkie.

Last group!” sigaw ni Baron.

Walang tumatayo.

Nathy! Ikaw na!” si Jonathan.

Ah!” nataranta si Nathy. Mabilis siyang tumayo at kinuha na ang nag-iisang Walkie-talkie.

Ayan! Lahat ng mga kumuha ng Walkie-talkie nila para sa kanilang pangkat ay magiging leader ninyo!” nakangiting wika ni Baron habang tinaas pa niya ang kanyang Walkie-talkie.

Eeeehh?!!!!” nagulat si Jonathan habang muntikan pa siyang mahulog sa kanyang kama. “Ibig sabihin si Nathy ang leader namin?!”

Bakit parang ayaw mo?” malungkot na tanong ni Nathy sa kanya at ngumuso.

Iiyak ka lang e!”

Bigla nang nanginig ang labi ni Nathy at bigla na ring nagtubig ang kanyang mga mata. Iiyak na nga yata.

Oh, di ba?! Sabi ko na nga ba! Ngayon pa lang e, naiiyak ka na! Tsk! Tsk! Tsk!” napailing siya.

Hindi na nakatiis si Eric. Tumayo na siya sa kanyang kama at nilapitan si Nathy. “Bakit ba ginaganito mo si Nathy?! Dahil porket na pinakamaliit at pinakabata siya sa atin?” masama ang pagkakatitig niya kay Jonathan.

Maingay na ang buong kwarto.

Madaling hinawakan ni Baron ang balikat ni Eric. “Oh! Tama na ‘yan! Away na naman ‘yan!”

Umalis na tayo dito…” madaling hinawakan ni Eric ang balikat ni Nathy at naglakad.

O-O sige po…” nanginginig pa rin ang labi Nathy.

O sige guys! Lalabas na tayong lahat sa kwarto! Pero bago muna ‘yan! Pumunta na kayo sa leader ninyo!” sigaw ni Clayden.

Nagulat si Eric. “Ano?!” napalingon siya kay Clayden. “Kaya nga kami umalis para layuan muna si Jonathan! Nang-aaway kasi e!”

Tofena, pahiram nga ako!” wika ni Blanca habang siya ay nakatingin sa Walkie-talkie.

Teka lang naman! Magsilayo nga muna kayo sa ‘kin! Hindi na kaya ako makahinga dito!”

Oh, dali! Lapit pa tayo!” pang-asar na wika ni Serah at tinulak sila.

Aray ko naman! ‘Yung paa ko!” si Judith.

Ikatlong pangkat! Labas na ng kwarto!” sigaw ni Nathy. Naglakad na siya pati si Eric sa pintuan.

Si Eric na ang nagbukas ng pinto. Nagtaka si Nathy sapagkat nararamdaman niya na tanging si Eric lang ang sumunod sa kanya. Napalingon siya at tiningnan sila. Nakita niya na may sariling mundo ang mga kagrupo niya habang nagtatawanan pa sa isang tabi.

Napalingon din si Eric at tiningnan din sila. “MGA WALANG GALANG NA PARA SA IKATLONG PANGKAT NA NANDIYAN!!!! LALABAS NA PO TAYO NGAYON!!!!” sigaw niya.

Napalingon si Jonathan. “Ha?! Lalabas na pala? Hindi kasi namin makita si Nathy e! Hahaha! Pasensya na po!” at naglakad habang kasabay ang iba pa.

Nang-aasar talaga ‘tong si Jonathan.” nanggigil na talaga si Eric sa kanya. “Masasaktan ko talaga siya.” mahinang wika niya.

Kuya Eric, huwag mo siyang saktan.” hinawakan niya ang kamay nito habang nakatingala.

Napatingin si Eric sa kanya.

Ayoko po ng gulo. Ayos lang po ako. Pabayaan mo na lang po siya.” ngumiti siya. “Halika na po.” at naglakad.

Nakatingin lang si Baron sa ikatlong pangkat. “Tsk! Mukhang masama ‘to. Wala pa sa misyon ay mga nagaaway-away na!”

Hindi ‘yan, mga magsasawa rin ang mga ‘yan sa pinaggagawa nila.” wika naman ni Bernard.

Mga nakaupo sa sahig ang unang pangkat habang pinagmamasdan ang dalawang pangkat. Mga tahimik lang sila.

Ikalawang pangkat! Ladies and Gentlemen! Lumabas na po tayo! Woohoo!” masayang wika ni Tofena habang nakataas pa ang magkabila niyang kamay sa hangin.

Tayo na! Labas na tayo!” tumayo si Baron at naglakad patungo sa pintuan. Huminto siya sa tabi nito at pinalabas muna ang lahat. Huli siyang lumabas at marahang sinara ang pinto pagkatapos.