26: The Mission
Tanghali na at saka pa lang sila magsisimula sa kanilang mga gagawin. Ang ikalawang pangkat ay mga nasa hardin na at kumpleto na sila sa mga gamit na kanilang gagamitin. Mga nakalapag lang ang mga ito sa damuhan.
“Okay aking mga kaibigan! Ang gagawin natin ay…!” nakatawang wika ni Tofena habang tinitingnan ang mga kasama.
Nakatingin lang sa kanya ang lahat habang mga nakanganga pa ang iba.
“Magtrabaho malamang! Halika na nga kayo!” inis na wika ni Serah. Nilayasan niya si Tofena.
Umupo sa damuhan si Tofena. “Umupo muna tayo! Nakakatamad e!” pabirong wika niya.
“Ha?!” nagtaka ang iilan.
“Hay naku Tofena! Bahala nga kayo!” patuloy lang na naglalakad si Serah at kinuha na niya ang shears at ladder mula sa damuhan. “Umupo man kayo, magtatrabaho pa rin ako!”
“Hoy pangit! Biro lang!” napatingin siya kay Serah.
“Pangit ka rin!” patungo na si Serah sa isang puno.
“Naku! Galit ka naman!” madaling pumunta si Tofena sa kanya.
Napalingon siya sa kanya. “Huwag kang lumapit sa ‘kin kung ayaw mong batuhin ko ‘tong shears na hawak-hawak ko sa ‘yo!”
Pumeywang si Tofena. “Ay sus! Parang magagawa mo ha?”
“OO!” biglang nag-apoy ang mga mata niya. “PARANG GUSTO MO YATANG GAWIN KO NA SA ‘YO NGAYON E!”
“Pssst!” pigil ni Stephen sa kanila. “Tama na ang away! Magtrabaho na nga!” papalapit siya sa kanila habang sumusunod ang iba sa kanya.
“Naku! Si Tofena ang pigilan mo! Nagtatrabaho na nga ako e!”
Natawa na lang si Tofena.
Seryoso lang na nakatingin si Stephen sa kanya. “Magtulungan tayong lahat, maging seryoso na.” kinuha rin niya ang ladder at shears mula sa damuhan. Umakyat na siya sa isang puno at sinimulan na niya itong gupitan.
Habang ang ikatlong pangkat naman ay mga aakyat pa lang ng hagdan patungong ikatlong palapag para puntahan ang kwarto ni Janella.
“Dapat daw hindi tayo mahahalata ni Princess Janella sa plano natin.” mahinang wika ni Leah habang siya ay umaakyat ng hagdan.
“Oo nga.” tumango si Lace habang umaakyat rin ng hagdan. “Parang mahirap nga rin ‘yung trabaho natin e.”
“Oo nga.” sumang-ayon at tumango si Diana na nasa kanyang tabi.
Magkakatabi lang ang tatlong dilag habang umaakyat ng hagdan. Nauuna sila sa lahat habang nahuhuli naman sina Eric at Nathy sa hagdan.
“Kuya Eric, sana po maging maayos po ang trabaho natin…” pakabang sabi ni Nathy.
“Oo naman, magiging ayos lang ‘yan.” patuloy lang na umaakyat si Eric.
“Kasi… ako po ang leader ninyo. Kapag pumalpak po tayo, ako ang sisisihin.”
Napalingon si Eric sa kanya. Ngumiti lang siya. “Halika nga dito!” bigla niyang binuhat si Nathy at nilagay sa kanyang likuran.
Nagulat si Nathy dahil hindi niya ito inaasahan na mangyayari. “Wah!” at mabilis siyang kumapit sa buhok ni Eric.
“Huwag kang matakot. Saka mag-isip lang tayo ng positibo. Magagawa natin ‘to.”
Nakarating na sila ng ikatlong palapag. Lumakad sila ng koridor at nakarating na sa kwarto ni Janella.
“Nandito na tayo.” mahinang wika ni Violet na naunang nakarating sa kwarto.
Mga sumunod na ang iba. Tahimik lang silang nakatayo sa tapat ng pintuan.
Binaba na ni Eric si Nathy mula sa kanyang likuran. “Ikaw na ang kumatok Nathy.” nakangiting wika niya.
“Mhm!” tumango siya at pumunta sa pintuan para kumatok. “Your Highness?” kumatok siya ng tatlong beses.
Walang sumasagot sa loob.
Nagtaka si Nathy. Napalingon siya para tingnan si Eric. “Nasa Dining Hall pa po ba siya?” mahinang tanong niya.
Umiling si Eric. “Wala siya do’n sa pagkakaalam ko.”
“Oo! Wala na siya do’n! Hindi ko na siya nakita do’n e.” pabulong ngunit mataas na tonong sabi ni Anette.
“Hm… bakit kaya hindi po siya sumasagot?” tumingin muli si Nathy sa pinto at muling kumatok. “Your Highness?”
Wala pa ring sumasagot.
“Your Highness? Si Nathy po ‘to.” kumakatok pa rin siya.
Biglang umikot ang door knob ng marahan. Napansin nila itong umikot kaya napatingin silang lahat dito.
Bumukas ng kakaunti ang pinto. “Bakit?” malungkot ang kanyang pagmumukha.
“?!” madaling napatingin ang lahat sa kanya.
“A-Ah… y-Your Highness---” pakabang sabi ni Nathy.
Madaling tumabi si Eric kay Nathy at siya na ang nagtuloy. “Nandito po kami para samahan ka. Masyado ka na pong nalulungkot diyan sa inyong kwarto…” ngumiti siya ng kakapiranggot.
“Huwag na…” ngumiti rin ng kakapiranggot si Janella. “Ayos lang ako dito… Salamat na lang sa inyo.” isasara na niya sana ang pinto nang bigla namang pigilan ito ni Eric.
Hinawakan niya ang pinto. “Pero… gusto lang namin kayong makausap. Pakiusap, papasukin n’yo po kami.” mahinahong wika niya.
Napatingin lang ang prinsesa sa mga mata ni Eric.
“Sige na po.” pakiusap na wika ni Diana habang siya ay nakangiti sa kanya.
Narinig ni Janella si Diana kaya sumulyap naman ang mga mata niya sa kanya. “O sige na nga…” marahan niyang binuksan ang pinto. Tumabi siya para bigyan ng daan ang mga papasok sa loob. “Pumasok na kayo…”
“Maraming salamat Princess Janella!” nakangiting wika ni Nathy. Yumuko siya para magbigay galang at saka pa lang pumasok sa loob.
Ningitian lang ng kakapiranggot ni Janella si Nathy.
“Maraming salamat!” wika naman ng mga babae at mga sumunod na silang pumasok sa loob.
Habang ganu’n rin ang mga lalaki. Pinauna na nila ang mga babae bago sila ang pumasok sa loob. Si Eric na ang nagsara ng pinto nang siya ay nakapasok na sa loob.
Habang kina Christoph at Jonathan naman, mga tahimik lang silang nakaupo sa supa ng sala sa ikalawang palapag. Nagpaiwan sila dito at inaabangan lang nila si Janella na baka sakaling bumaba ng hagdan para maalalayan nila.
Bumuntong-hininga lang si Christoph habang nasa supa. “Sana maging maayos na ang lahat…” pumikit siya at pinatong sa kanyang mga binti ang magkabila niyang siko.
Tahimik lang si Jonathan at pinagmamasdan lang niya ang buong palapag habang nasa sandalan pa ng supa ang kanyang dalawang braso nakapatong.
Habang ang ika-unang pangkat naman ay mga nasa labas na ng palasyo naglalakad. Mabuti na lang ay hindi umuulan. Mahangin lang. Wala gaanong naglalakad ngayon sa daan para mamasyal dahil sa may bagyo nga.
Pinagmamasdan ni Triny ang mga punong naiihip ng malakas na hangin. “A-Ang lamig.” binalot niya ang magkabila niyang braso sa kanyang katawan.
Katabi lang niya si Julius. Nakasuot ito ng makapal na jacket. “Bakit hindi ka kasi nagsuot ng jacket? Sombrero lang?”
Napalingon at napatingin si Triny sa kanya. “Nakalimutan ko kasi e!”
Sinusundan lang nila sina Baron na nasa kanilang harapan.
“Tawid tayo!” wika ni Baron at tumawid. “Magtanong-tanong na lang tayo!”
Napalingon si Julius sa tatawiran nilang daanan para tingnan kung may kalesa bang dadaan. Ngunit wala namang padaan na kalesa kaya tumawid na siya.
“Antayin mo naman ako Jul! Hindi kasi ako sanay tumawid mag-isa e!” wika ni Triny. Hinawakan niya ang kanyang sombrero at madaling tumawid.
Napalingon at napatingin si Julius sa kanya. “Dalian mo! Ayokong maghintay sa ‘yo!” inabot niya ang kanyang kamay sa kanya habang naglalakad.
Hinawakan ito ni Triny at madaling tumabi sa kanya.
“Ano ba ‘yan… para ka namang bata at dapat pa talagang may kasama sa pagtawid. Wala namang dadaan oh! ” reklamo ni Julius.
Nainis si Triny at binitiwan niya bigla ang kamay nito. “Ang sungit mo talaga ‘no?! Ano bang magagawa ko?! Takot ako e! Hmp!” tinarayan na lang niya ito at inunahan na siya sa paglakad.
“Oo nga pala Harony~! Saan tayo pupunta~?” nakangiting tanong ni Gweine sa kanya.
Nakatingin lang sa ibaba si Harony habang tinitingnan ang dinadaanan. “Hindi ko nga alam Gweine e. Basta sundan lang natin si Baron.”
Napalingon at napatingin si Baron sa kanya dahil narinig niya itong nagsalita. “Hm?”
Napalingon at napatingin din si Harony sa kanya. “Si Gweine kasi may tinatanong.” ngumiti siya ng kakapiranggot.
“Ah.” tumango lang siya.
Biglang sumulpot ang ulo ni Gweine sa ibabaw ng ulo ni Harony. Ningitian niya si Baron at kinawayan.
Nakita ito ni Baron. “Uy! Gweine!” napangiti siya at kinawayan rin ito. “Hahanapin pa lang sana kita e! Anong tinatanong mo nga pala sa kanya?”
“Tinatanong ko lang naman kung saan ba tayo pupunta.”
“Magtatanong-tanong tayo kasi e. Tungkol sa ano…” sagot ni Grace mula sa kanilang likuran.
“Oo nga~! Alam ko~!” napalingon at napatingin tuloy sa likuran si Gweine para tingnan siya. “Ang tanong ko lang naman ay saan ba tayo pupunta~? Saan at kaninong bahay ba ang pupuntahan natin? Hm~?”
“Tsk! Ikaw naman Grace e! Pinaiinit mo naman ang ulo ng lola natin!”
“Hoy~!” hinampas ni Gweine si Bernard sa braso. Nasa kanyang likuran lang niya ito. “Anong lola ang pinagsasabi mo diyan~?!” inirapan niya ito.
Natawa lang si Bernard.
“Pssst! Guys!” napalingon si Harony para tingnan ang dalawa. Nag-silent pose siya. “Huwag na nga kayong magbiruan pa sa ganitong oras!”
“Hindi ‘yun biro Harony! Totoo kaya ‘yun!” pang-asar na wika ni Bernard.
“HMP!” hinampas muli ni Gweine si Bernard.
“Pssst! Huwag na nga kayong maingay!” mataas na tonong sabi ni Clayden mula sa tabi ni Baron.
“Tama na ang gulo guys! Mamaya na ‘yan!” si Baron.
Napalingon at napatingin si Clayden sa kanya. “Anong mamaya?! Wala nang mamaya! Seryoso na tayo hanggang mamaya!”
“Eh ‘di bukas.” biglang napangiti si Baron dahil natatawa na siya.
“Pssst!” nananatiling naka-silent pose si Harony habang nakatingin kina Baron at Clayden. Nakakunot na ang kanyang noo.
“Okay na! Okay na! Huwag na tayong magulo! Nagagalit na ang sweetheart ni Clayden oh!” parinig na wika ni Baron kay Clayden.
Biglang uminit na naman ang ulo ni Clayden ngunit dinaan na lang niya ito sa yuko dahil sobra siyang nahiya.
Muling tumingin si Gweine kay Baron. “Baron~! Hindi mo pa sinasagot ang aking tanong!”
“Patungong hilaga!”
“Anong patungong hilaga~?! Niloloko mo rin yata ako Baron e~!” humalukipkip siya habang nakanguso.
“Eh ‘di patungong kanluran!” sagot naman ni Bernard. “Kung gusto mo patungong timog na rin e!”
“Kausap ba kita Bernard~?!” muling hinampas ni Gweine si Bernard. “Huwag ka nang sumagot dahil hindi ko kailangan ng sagot mo~!”
“Pssst! Guys naman! Tama na nga ‘yan!” naiinis na talaga si Harony.
“HOY! ANO BA?! HINDI PA BA KAYO TITIGIL?! O SIGE AKO NA ANG SASAGOT NG TANONG MO GWEINE!” tumingin ng masama si Clayden sa kanya. “PUPUNTA TAYO SA PUPUNTAHAN NATIN!”
“Oh, ano nga ‘yung pupuntahan natin~?! Ano ba ‘yan~?! Seryoso ka ba~?!”
Napayuko si Bernard dahil natatawa na siya sa kalokohan na pinaggagawa nila. Napasampal na lang siya sa noo at kinamot ang kanyang ulo pagkatapos.
“KATAHIMIKAN NAMAN!!!!” sigaw ni Harony. Hindi na niya napigilan ang sariling ilabas ang inis na nararamdaman niya. “PAKIUSAP NAMAN!!! MAGING SERYOSO NA NGA TAYO!!!!”
“Seryoso naman ako ah~! Seryoso nga rin akong nagtatanong e~! Simple lang naman ang tinatanong ko ah~? Saan tayo pupunta~?! ‘Yun lang naman~!”
“TSK! UMUWI KA NA NGA LANG GWEINE!” naiinis na rin si Julius.
“BAKIT BA HINDI NINYO MASAGOT ANG AKING TANONG~?!!!!” napasigaw na rin si Gweine. “MAY NAGAWA BA AKONG KASALANAN~?! NAGTATANONG NAMAN AKO NG MAAYOS AH~! BAKIT HINDI N’YO RIN AKO SAGUTIN NG MAAYOS~?! AT BAKIT MO NAMAN AKO PINAUUWI NA JULIUS~?!”
“ANO BA ‘TO?! SIGAWANG PAG-UUSAP?! MGA MAGKAKATABI LANG NAMAN TAYO AH!” sigaw muli ni Clayden.
“SINO BA ANG UNANG SUMIGAW SA ATIN~?!” sagot naman ni Gweine. “DI BA IKAW~?! INAAWAY N’YO NGA KO E~! NAGTATANONG LANG KAYA AKO~!”
“O SIGE, SIGAW PA!” si Bernard.
“TSK! TAMA NA NGA ‘YAN! DAHIL SA SIMPLENG TANONG NA ‘YAN NAGKAKAGULO-GULO NA TAYONG LAHAT!” si Julius.
“Anong lahat?! Hindi kaya ako kasama diyan!” si Caroline. “Kayo-kayo lang naman ang mga nag-aaway diyan.”
“PPPPPSSSSSTTTTT!!!!” si Harony.
Hinawakan ni Mitch ang balikat ni Gweine. “Hindi kasi nila alam Gweine, at hindi rin natin alam kung saan ba talaga tayo pupunta. Kaya tayo nandito sa labas para magtanong sa mga taong makikita’t madadaanan natin tungkol sa CCTV. Pero kapag nalaman na natin kung saan ba meron, do’n pa lang natin malalaman kung saan ba talaga tayo pupunta.” pabulong na wika niya sa tenga ni Gweine.
Napanganga si Gweine at tumango. “Ayun naman pala e~! Ngayon alam ko na, eh ‘di tapos na~! Simpleng sagot lang naman ang kailangan ko e~!”
“Oh, kaya ngayon manahimik ka na Gweine pwede?!” si Julius. “Manahimik na.” huminahon na siya.
Ilang minuto na ang lumipas at nakaramdam na sila ng pagod ngunit patuloy pa rin silang naglalakad. Ginawa na rin ni Baron na kumatok sa mga bahay-bahay para magtanong ngunit walang pumapansin sa kanya. Saglit lang at mabuti na lang ay nakakita rin siya ng isang tao na naglalakad sa labas. Pasalubong ito sa kanila kaya madali na niya itong nilapitan.
“Excuse me sir.”
Napahinto ang matandang lalaki at napatingin ito sa kanya. A-Ano ‘yun iho?”
“Alam n’yo po ba kung saan po pwedeng makabili ng CCTV camera?”
Napailing ang matanda. “W-Wala iho. Pasensya ka na.”
“Ah wala po ‘yun, maraming salamat po.” ngumiti siya ng kakaunti at bumalik na siya sa kanyang mga kagrupo.
Huminto si Harony sa paglakad. “Anong sinabi niya Baron?” tanong niya na walang kasigla-sigla.
Mga huminto rin ang mga kasunod at nakatingin lang silang lahat kay Baron habang nasa pagmumukha na nila ang pagkatamlay.
Ngumuso lang si Baron habang nagtutubig-tubig pa ang kanyang mga mata. “Hindi daw niya alam e.”
Wala lang silang reaksyon habang nakikita nila si Baron na parang iiyak na kahit hindi naman talaga.
“Basta… magtanong-tanong pa rin tayo. ‘Wag tayong sumuko.” ngumiti ng kakaunti si Grace kahit na matamlay na siya.
“Halika na.” muling naglakad si Clayden. Sumunod na rin sila.
Napalingon sa likuran si Caroline at nakita niya na mahamog na pala. Puro puti na lang ang nakikita nita. “Guys, siguraduhin lang natin na alam natin ang pabalik sa palasyo. Parang ang layo-layo na kasi natin e.” pag-aalalang wika niya habang nakatutop ang magkabila niyang kamay sa kanyang dibdib.
“Oo naman Caroline! Hindi mo ba napapansin na dire-diretso lang tayong naglalakad magmula sa palasyo?” nakangiting tanong ni Baron habang nananatili siyang nakatingin sa harapan.
“Mabuti naman kung ganu’n. Nag-aalala lang naman kasi ako.”
Alas-tres na ng hapon at mga wala pa rin silang ideya kung saan nakakabili ng CCTV camera. Mga pagod na pagod na sila dahil halos tatlong oras silang naglakad. Pero mabuti na lang ay nakakita sila ng isang bench na pwedeng upuan. Ngunit ang nangyari sa kanila ay parang naging isang racing dahil nagpapaunahan silang makaupo sa iisang bench.
Ilang minuto muli ang lumipas…
“Nagugutom na ako!” inis na wika ni Julius habang siya ay nakaupo sa daan.
Hinubad ni Triny ang kanang sapatos na suot-suot niya sa kanan niyang paa habang siya ay nakaupo sa bench. “Ako naman, ang sakit-sakit na ng paa ko!” malungkot niyang wika habang hawak-hawak ang kanyang paa. Minamasahe lang niya ito.
“Ay! Ang baho naman!” madaling tinakpan ni Bernard ang kanyang ilong mula sa kanyang tabi. Umusog siya papalayo sa kanya.
“Aray ko naman Bernard!” sinikuhan ito ni Mitch sa kanyang tabi. “Ang sikip na nga umuusog ka pa!”
“Grabe ka naman Bernard! Kung makapagsalita ka naman ng ganyan parang ang bango-bango ng paa mo!” inis na wika ni Triny.
“Oo kaya! Mabango kaya! Gusto mong amuyin mo pa e nang maniwala ka!”
“Eeew!” nandiri siya.
“Tsk!” hinimas ni Julius ang kanyang tiyan habang nakatingala. “Dapat pala nagdala ako ng tubig. Para pang-inom at pambuhos na rin sa mga maiingay at magugulo dito.”
Sinabunutan ni Triny si Julius at nanggigil pa siya sa inis.
“Aray ko naman!” mabilis niyang hinawakan ang magkabilang kamay ni Triny mula sa kanyang buhok. “Bakit sinasabunutan mo ako?!”
Hindi na lang nila inintindi at pinigilan pa sina Julius at Triny na mag-away. Mga nakaupo na sa lapag ang iba habang si Gweine lang ang katangi-tanging nakahiga na dito. Nakapikit pa siya at balak pa yatang matulog sa daan.
Si Baron naman ang katangi-tanging nakatayo lang sa kanila. Nakatingala naman siya’t tinitingnan ang panahon sa kalangitan.
“Ano na ang gagawin natin Baron?” kahit si Harony ay nanghihina na rin dahil sa sobrang pagod at gutom.
“Hmmm…” nag-iisip lang si Baron. Tiningnan niya ang kanyang relo. “3:15 na.”
“Ano pa ang silbi namin kung wala rin pala kaming gagawin dito? Sumusunod lang kami kung saan si Baron pumupunta.” mahinang wika ni Grace sa sarili habang nakatingin din sa kalangitan at nag-iisip rin ng iba pang paraan.
Narinig ni Julius ang sinabi niya kahit na mahina. “‘Yung iba dito para manggulo lang.”
“Oo! Isa ka na do’n!” pang-asar na wika ni Bernard.
“Ikaw rin.” banat ni Julius. “Katulad na nga lang ng sinabi ko kanina na dapat may dala akong tubig para pambuhos sa mga maiingay at magugulo na katulad mo.”
“Hahaha! Oh ngayon wala kang dala, anong gagawin mo na sa ‘kin?”
Napalingon at tiningnan siya ng masama ni Julius. “Pumili ka. Sampal, suntok, sipa o sakal?”
“Zzzzz!” nakatulog na si Gweine.
“Psssst! Nagsisimula na naman kayo!” mataas na tonong sabi ni Harony. “Mga wala na nga kayong ginagawa kundi manggulo lang! Manahimik na nga kayo!”
“Alam ko na Baron!” masayang wika ni Grace habang nakaturo pa ang kanyang hintuturo sa itaas.
“Hm?” napatingin siya kay Grace. “Ang alin?”
Patalon na tumayo si Grace mula sa lapag at tiningnan niya ang lahat. “Guys! Makinig kayo sa ‘kin!” pumalakpak siya para makuha niya ang atensyon ng lahat sa kanya.
Matamlay na tumingin ang iilan sa kanya.
“Ganito ang gawin natin! Bakit hindi kaya tayo maghiwa-hiwalay lahat?! Magtanong-tanong tayo sa mga bahay kasi wala tayong mapapagtanungan dito sa labas!” nakangiting wika niya.
“Kakagawa ko lang nu’n di ba Grace? Wala namang pumapansin sa ‘kin e.” walang ganang tanong ni Baron.
“Wala namang masama kung susubukan ulit natin e! Subukan lang ulit nating gawin dahil sigurado akong mapapabilis tayo kung kikilos kaming lahat at hindi lang ikaw! Kailangan na kailangan na kasi nating makahanap at makabili ng CCTV camera ngayon kaya hindi pwedeng babagal-bagal tayo dito!”
“Teka nga pala Grace! Paano kung maghanapan tayo?” tanong ni Clayden.
Tinuro ni Grace ang bench. “Ayan! Diyan sa upuan tayo maghihintayan at magkikita-kita ulit.”
“Paano kung hindi lang ‘yan ang upuan dito? Baka meron pa sa iba at baka do’n maghintay ang iba sa atin.” pag-aalalang wika ni Harony.
Luminga-linga si Baron. “Ang hamog pa ngayon.”
Natahimik si Grace. Nagkibit-balikat na lang siya. “So… a-ano na ang plano natin?” ngumiti na lang siya ng kakapiranggot.
“Mas maganda na lang siguro na magsama-sama na lang tayong lahat.” ngumiti rin ng kakapiranggot si Harony.
“Sa tingin ko nga rin.” tumango si Baron. “Sige, tumayo na kayo at maglalakad na ulit tayo!”
“Pwede bang kumain muna tayo? Malapit nang mabutas ang tiyan ko e! Ang sakit-sakit na e!” iritableng sabi ni Julius habang hinihimas pa rin niya ang kanyang tiyan.
“Sige! Maganda ‘yan!” mabilis na tumayo si Bernard. “Halika na! Maglakad na tayo! Maghanap na tayo ng pwedeng pagtanungan natin!”
Muling tiningnan ng masama ni Julius si Bernard.
Habang sa ikalawang pangkat naman, kakaunting trabaho na lang ay matatapos na sila sa kanilang ginagawa. Mas maganda na ang hardin ngayon dahil muli nilang ginupitan ang mga halaman at puno na kailangan pang bawasan. Iisang puno na lang ang kailangang gupitan at ‘yun nga… si Serah na ang gumagawa.
Seryoso lang na ginugupitan ni Serah ang malalagong dahon sa puno. Nakakunot pa ang kanyang noo dahil sa sobrang pokus sa ginagawa.
“Uy!” nang-asar na naman si Tofena at ginagalaw-galaw na naman niya ang ladder na inaapakan ni Serah ngayon.
Madaling kumapit si Serah sa sanga ng punong ginugupitan niya. “Tsk!” napatingin siya sa ibaba. “Kahit kailan ka talaga ‘no?! Ano bang problema mo at bakit palagi mong ginagawa ‘yan sa ‘kin ha?!”
Mas ginalaw pa ni Tofena ang hagdanan. “Hahaha!”
“AAAHHHH!!!! ANO BA ‘YAN TOFENA!!!!” mahigpit siyang humawak sa sanga.
“Hahahaha!!!” tawang-tawa na naman si Tofena habang ginagalaw niya ang ladder.
“TOOOFFEEEENNNAAA!!!!”
Hoy Tofena! Tumigil ka na nga!” madaling lumapit si Stephen sa kanya para pigilan ang kalokohang ginagawa niya.
Habang sa kwarto naman ni Janella, rinig na rinig dito ang sigaw ni Serah mula sa hardin.
“Ano ‘yun?” pagtatakang tanong ni Janella habang siya ay nasa kanyang kama. Nagsusulat pa naman siya ngunit nung marinig niya ang malakas na mga sigaw ni Serah, napahinto tuloy siya.
Katabi lang ni Nathy ang bintana. “A-Ahm…” kinabahan siya. Pinagbabangga niya ang magkabila niyang hintuturo at nag-iisip siya ng pwedeng ipampalusot. “A-Ano po---”
“K-Kinikiliti lang po ‘yun, Your Highness!” palusot na wika ni Diana.
“O kaya nagkakatuwaan lang po sila.” palusot na wika rin ni Eric. Pinagpawisan siya bigla.
Napatingin si Janella sa kanilang dalawa. “Nagkakatuwaan? Nagkikilitian sa hardin? At bakit naman?” kumunot ang kanyang noo.
“Ahm…” napayuko si Leah saglit. Pagkatapos ay muli siyang tumingin sa kanya. “H-Hindi ko lang po alam.” nagkibit-balikat na lang siya.
“AAAAHHHH!!!!” sigaw muli ni Serah. “IBABAGSAK KO NA TALAGA ‘TONG SHEARS SA ‘YO!!!!”
“‘Wag Serah!” sigaw ni Stephen.
“Hahaha!!!!” tawa ni Tofena habang patuloy pa rin niyang ginagalaw ang ladder.
Nakakunot lang ang noo ni Janella habang pinapakinggan ang mga sinasabi nila.
Napalunok sina Leah at Eric habang kinakabahan naman ang iba.
“Parang hindi sila nagkakatuwaan.” sumulyap ang mga mata ni Janella sa bintana.
Nakasilip si Nathy sa kurtina ng bintana habang tinitingnan ang ginagawa nila.
Binaba ni Janella ang papel na pinagsusulatan niya sa kumot. Gusto niyang tingnan mula sa kanyang bintana ang nangyayari sa hardin. Hinawakan na niya ang kumot na nakabalot sa kanyang mga binti para ialis. Tatayo na sana siya nang bigla naman siyang tawagin ni Anette.
“My Lady.”
“Hm?” napatingin si Janella sa kanya.
Hawak-hawak na ni Anette ang tasa. Mabuti naman ay nakapagtimpla na siya kaagad ng tsaa. Pumunta siya sa prinsesa. “Tsaa po.” nakangiting wika niya at marahan niyang inabot ang tasa sa kanya.
Napatingin si Janella sa tasa na hawak-hawak ng katulong. Napatingin muli siya saglit sa kanya. “S-Salamat.” marahan niyang hinawakan at kinuha ang tasa.
“Wala pong anuman.” yumuko si Anette para magbigay galang sa kanya at umalis na sa kanyang tabi.
Napabuntong-hininga ang prinsesa at napasandal siya sa malaki’t malambot niyang unan. Sumipsip siya ng kakaunting tsaa at tiningnan ang papel na nasa kanyang kumot. Marahan niya itong kinuha at binasa ang kanyang sinulat ng tahimik.
When the day we met,
You are my rain while I’m your sunshine.
I thought to myself that maybe someday,
I will understand how you feel.
‘Cause I just need some time to know you more.
But the truth I see in your eyes and your smile,
Never thought that I would overcome such pain and sorrow.
Never thought that having someone like you,
Could be a reality.
Never leaving me alone, you've become my special friend.
When I cry, you wipe my tears.
When I’m alone, you’re always near.
When I’m lost, you give me hope.
You are always there beside me,
Guiding me through such a beautiful forest.
The closer we become, the clearer life gets.
It is you, the key to my happiest days…
Napangiti siya habang binabasa niya ito sa kanyang isipan. Napapikit siya at muling sumipsip ng tsaa.
Hawak-hawak na ni Stephen si Tofena sa magkabilang braso at parang may nag-aaway lang kung makapagpigil.
Madaling bumaba si Serah sa ladder at madaling pumuna kay Tofena.
“Uy! Bakit ka bumaba?!” tanong ni Tofena habang nakatawa pa sa kanya.
“Hmp!” sinampal niya ito ng malakas.
Napalingon si Tofena. “?!” nagulat siya.
“Hoy Serah! Tama na ‘yan!” inis na wika ni Stephen.
“Paano ko ‘to matatapos kung palagi kang gumugulo sa ‘kin Tofena?! Ha?!”
“Uy!” nagsilapitan na ang ibang kagrupo sa kanila. “Tama na nga ‘yan!” awat ni Janine sa kanila.
“SIYA ANG AWATIN MO JANINE AT HINDI AKO! HINDI AKO MAIINIS NG GANITO KUNG HINDI SIYA MANGGUGULO!”
“Guys! Tsk! Tama na nga ‘yan!” inis na wika ni Elliot. Nilapitan niya si Serah. “Huwag ka muna magtrabaho.” kinuha niya ang shears sa kamay nito.
Tiningnan ng masama ni Serah si Elliot.
“Ako na ang magtutuloy ng ginagawa mo. Magpahinga ka na lang.” tinapik niya ang balikat nito at tumungo na sa ladder.
Naubos na ni Janella ang tsaa sa tasa. Napatingin siya kay Eric. “Mamaya, kakain na ako. Maraming salamat sa inyo dahil nandito kayo.” ngumiti siya ng kakaunti.
Napangiti si Eric. “Wala pong anuman, My Lady.” yumuko siya para magbigay galang.
“UMALIS KA NGA SA ‘KIN TOFENA!!!!” napasigaw na naman sa sobrang inis si Serah. Mukhang inaasar na naman ito ni Tofena.
“Sigurado ba talaga kayo na maayos lang sila sa hardin?” tanong ni Janella na may halong pag-aalala sa kanila.
“Opo.” ngumiti at tumango na lang si Leah pero sa loob-loob kinakabahan na siya. “Huwag po kayong mag-alala sa kanila.”
Tumango na lang siya. “Okay…” tinago niya ang papel sa kanyang bulsa at inalis muli ang kumot mula sa kanyang mga binti. “Kakain na ako.” tumayo siya.
Ngumiti at yumuko muli si Eric habang binuksan naman kaagad ni Violet ang pinto.
Habang sina Christoph at Jonathan naman, halos makatulog na si Jonathan sa supa kakaabang sa hagdanan. Ngunit nung marinig nila na bumukas ang pinto, nataranta sila bigla.
“Bababa na siya!” mabilis na tumayo si Christoph at tumungo sa tabi ng hagdanan.
Mamula-mula pa ang mga mata ni Jonathan nung siya ay mawala bigla ang kanyang antok. Madali siyang tumayo at mabilis na inayos ang kanyang pananamit.
“Salamat.” wika ni Janella. Lumabas na siya ng kwarto at ningitian si Violet.
Namula si Violet at yumuko habang nakangiti. Marahan na niyang sinara ang pinto.
“Tsk! Nakakainis naman ang pangkat na ‘yan!” padabog na naglakad si Anette patungo sa bintana. Hinawi niya ang kurtina at tiningnan ang ginagawa ng ikalawang pangkat.
Napatingin rin si Nathy sa hardin.
Lumingon si Anette sa kanya at masama ang kanyang pagkakatitig. “Nasaan ang Walkie-talkie natin?!” mataas na tonong tanong niya.
“?!” nagulat si Nathy sa tono ng pananalita niya. Natakot siya sa kanya habang nanginginig na kinukuha ang Walkie-talkie mula sa kanyang bulsa. Inabot niya ito sa kanya.
“Tsk!” mabilis niya itong kinuha at muli siyang tumingin sa bintana.
Nakaupo lang si Tofena sa bermuda grass habang nakasandal sa sementadong fountain nila. Katabi niya si Serah na nakatulog na.
“Hello?”
“Hm…?” nagulat si Tofena dahil biglang nagsalita ang Walkie-talkie niya mula sa kanyang bulsa. “Bakit?” walang kabuhay-buhay ang pagkakatanong niya.
“Tapos na ba kayo sa ginagawa ninyo?”
“Hmmm…”
“Uy! Tofena?!”
“Marami na.”
“Anong marami na? Tinatanong ko lang kung tapos na ba kayo?!”
“Oo.”
Hindi muna sumagot si Anette. “Tapos na ba talaga kayo o matatapos pa lang?”
“Matatapos na.”
“Nagupitan n’yo na ba ‘yung mga hedge natin diyan?”
“Nagupitan na.”
“Eh, ‘yung mga ligaw na damo diyan?”
“Damo pa rin naman.”
“Ha?!”
“Ha?”
“Sabi ko, kung wala na ba ‘yung mga ligaw na damo diyan?! Naalis n’yo na ba?!”
“Ahm, oo.”
“Musta na kayo diyan?”
“Eto, tao pa rin naman kami.”
“Ha?! Anong pinagsasabi mo?! Bakit parang iba ka na naman yata kausap ngayon?! Nakainom ka na naman ba?!”
“Hindi naman, hindi naman ako nag-iba. Di ba sabi ko nga na tao pa nga rin kami?”
“Tofena!” inis na sabi ni Anette.
“Oh?”
“Bakit nakakarinig kami ng sigawan mula sa inyo kanina?! Ano na namang kalokohan ang ginagawa n’yo diyan?!”
“Ahhh…”
“Hoy!”
“…….”
“Hay naku! Hindi n’yo ba alam na naririnig namin kayo dito?! Pati si Princess Janella! Nagtataka nga siya e! Mabuti na lang at hindi niya kayo tiningnan diyan!”
“Ah, okay.”
“Hay naku! Ewan!”
Nasa pintuan naman ng Dining Hall sina Christoph at Jonathan habang pinapanood si Janella na kumakain sa lamesa. Nag-aantay lang sila kung may kailangan ang prinsesa sa kanila.
Uminom na si Janella at tapos na siyang kumain. Pinunasan niya ang kanyang bibig at tumayo pagkatapos.
“Lalabas na ako. Pakiligpit na lang ang pinagkainan ko.” wika niya habang siya ay patungo sa pintuan.
“Your Highness, saan po kayo pupunta?” tanong ni Christoph.
Napahinto si Janella sa paglakad. Nasa harapan na niya ang pinto. Napalingon at napatingin siya kay Christoph. “Bakit?” nagtaka siya.
Ngumiti na lang ng kakapiranggot si Christoph. Hindi na siya sumagot.
Ngumiti rin ng kakaunti si Janella. “Sa kwarto ko. Bakit?”
“O sige po, My Lady.” yumuko si Christoph para magbigay galang. “Wala naman at gusto ko lang po na malaman dahil aaalalayan po sana kita kung maaari.”
“Ah ganu’n ba? Hindi na, salamat na lang.” ngumiti muli siya at si Jonathan na ang nagbukas pinto para sa kanya.
Habang sa ika-unang pangkat naman, ganu’n pa rin at naglalakad pa rin sila. Medyo lumalakas-lakas na naman ang hangin sa labas.
“Naku po…” pag-aalalang wika ni Triny habang nakatingin sa kalangitan. “Mukhang uulan na naman!” hinawakan niya ng mabuti ang kanyang sombrero.
Napabuntong-hininga si Julius habang nakayuko sa kanyang tabi. “Tsk! Ang hirap naman nito.”
“Julius! Triny!” kumakaway si Grace sa kanila habang nasa kabilang daan siya. Nasa pintuan siya ng isang fast food chain.
Huminto sila sa paglakad.
“Tsk! Ano naman kaya ‘yun?!” masamang tumingin si Julius kay Grace.
Napalingon at napatingin rin si Triny sa kanya. “Oh?! Nandiyan na pala kayo?!”
“Oo nga e! Saan ba kayo pupunta?! Halatang mga gutom na nga kayo! Nandito na kaya kaming lahat! Kakain na muna tayo!”
“Ah, o sige!” nakangiting wika ni Triny.
“Ano daw ‘yun?” hindi naintindihan ni Julius ang sinabi ni Grace.
“Kakain na daw tayo!”
“Hay salamat! Sa wakas! Kakain na rin tayo! Wooh!!!!” tinaas niya ang dalawa niyang kamay sa hangin at tumawid.
Lumingon-lingon muna si Triny sa daan para tingnan kung may dadaan. “Dalian natin!” tumawid na siya at madaling tumabi kay Julius.
Muling lumakas ang hangin.
“Ah!” biglang lumipad ang sombrero ni Triny na patungo kay Julius.
Mabilis na kinuha ni Julius ang sombrero nito. “Oh.” at inabot ang sombrero sa kanya.
“Salamat!” masaya niyang kinuha ang sombrero at muli itong sinuot.
Nasa loob na silang lahat. Nakita ni Bernard sina Julius at Triny na parating na sa fast food chain. Madali siyang lumabas para magpakita sa kanila. “Kakain na tayo! Nandito na tayo sa pangarap mo Julius!” nakatawang wika niya.
Ngumisi si Julius. “Ganu’n?” at pumasok sa loob.
“Manahimik ka na nga Bernard!” pabulong ngunit mataas na tonong sabi ni Triny sa kanya at mabilis na piningot ang tenga nito nang madaanan niya siya. Pumasok na rin siya sa loob.
Saka pa lang sila umupo sa unahan ng cashier’s counter nang makapasok na sina Julius at Triny sa loob.
Nakatayo lang si Grace. “Okay guys!” dinabog niya ang magkabila niyang kamay sa lamesa habang tinitingnan ang bawat isa. “Anong gusto n’yong kainin? Sabihin n’yo na lang sa ‘kin!”
“Wow! Parang ikaw yata ang manlilibre ngayon ah! Hahaha!” pabirong wika ni Baron.
“Hahaha! Hindi ah! Kumbaga ako lang ang waiter n’yo! Ako na ang magsasabi sa tagapagluto natin! Saka di ba si Clayden ang manilibre?!”
“Oh, dali na! Magsabi na tayo para makakain na tayo!” inip na wika ni Julius.
“Ahm, ikaw na lang Grace ang pumili ng kakainin natin.” nakangiting wika ni Clayden.
“Ako?!” tinuro ni Grace ang kanyang sarili.
“Oo~! Ikaw~!” tinuro pa ni Gweine siya. “Sino pa bang Grace dito~? Hm~?”
“O sige ba!” tumango’t ngumiti siya.
“Pwedeng sumama sa pagpili?” tanong ni Julius habang nakahalukipkip at nakapikit.
Napatingin si Harony kay Clayden at kinabahan.
“O sige ba! Halika na!” umalis na si Grace.
Nanlaki ang mga mata ni Clayden. Tiningnan niya ang kanyang pitaka ng palihim.
“Ayos lang ba sa inyo?” dumilat si Julius at seryoso niyang tiningnan ang lahat.
“Ah… o-o sige lang. Ayos lang.” mabagal at napipilitang sagot ni Clayden.
“Sabi mo ‘yan ah.” at tumayo. Umalis na siya.
Napatingin kay Clayden ang lahat.
Napalunok si Clayden. “Naku po, ang matakaw! Umatake na!”
“Magkano ba dala mong pera?” mahinang tanong ni Baron sa kanya.
Hindi na lang pinansin ni Clayden si Baron. “Sana kasya sa pera ko ang lahat ng kakainin natin!”
“Eh ‘di dapat ikaw na lang ang pumili ng pagkain do’n!” wika ni Caroline.
Bumuntong-hininga si Clayden. “Pabayaan mo na nga.”