27: The Stranger
Ilang minuto ang lumipas, naisipan ni Baron na tingnan ang buong fast food chain na pinasukan nila ngayon. Maganda naman ang loob nito at mga kulay berde ang iilang pendant lights na nakasabit sa kisame. Wala silang iba pang kasabay na customers na kumakain dito, silang sampu lang. Napatingin siya sa kanyang likod. Nagulat siya nang makita niya na hindi lang pala sila sampu na nasa loob na kakain. Nakita niya ang isang customer na nakaupo sa pintuan malapit. Nakaharap ito sa kanila at nakasuot siya ng cloak hood na deep blue ang kulay. Mga naka-gloves ang kanyang mga kamay habang hawak-hawak niya ang baso na nakapatong sa lamesa.
“Hm? Parang wala naman akong nakikita dito na nagsusuot ng mga ganyan. Kakaiba yata siya?” tanong ni Baron mula sa kanyang isip. Kumunot ang kanyang noo habang pinagmamasdan ang customer.
“Okay! Eto na!” nakatawa si Grace habang nakataas pang dala-dala niya ang isang tray.
“Ooohhh!!!!” na-excite ang lahat pwera lang kay Baron dahil nakatingin pa rin siya sa misteryosong customer.
Nilapag ni Grace ang tray sa lamesa. “Ta-da!”
“Oh?! Nasaan ang pagkain?! Bakit tray lang?!” pagtatakang tanong ni Bernard habang nakatingin sa tray. Napatingin siya kay Grace pagkatapos. “Pinagloloko mo naman kami e!”
“Tray daw kasi ang kakainin mo Bernard~!” nakatawang wika ni Gweine sa kanya.
Natawa si Grace. “Teka! Saglit lang daw! Hinahanda pa kasi e!”
“Eh?!” gulat na wika ni Bernard. “Ang tagal naman!” napakamot siya ng ulo.
“Hahaha! Nakikita ko na kung sino na ba talaga ang gutom sa atin!” nakatawang wika ni Grace.
Nananatili pa ring nakatingin si Baron sa nakaka-intrigang customer. “Sino kaya siya at bakit ganyan ang suot-suot niya?”
“Eto na po!” wika ng babaeng cashier at nilagay ang mga pagkain sa counter.
“Ayan na!” madaling pumunta si Grace sa counter habang dala-dala ang tray. Kinuha na niya ang mga pagkain at dahan-dahan niya itong nilagay sa tray. “Eto na talaga! Hahaha!” bumalik muli siya sa lamesa at nilapag muli ang tray.
“Wow! Sampung hamburgers at isang bouquet ng chicken!” napangiti si Caroline.
Seryoso lang na nakatingin si Mitch sa mga pagkain at kunwaring hindi pa siya excited.
“Nasaan na ang kanin natin Grace~?”
“Teka! Relax! Alam kong mga nagtatakam na talaga kayo! Pero maghintay! Okay?!”
“Excuse me.” seryosong wika ni Julius.
“Ay! Sorry!” umalis si Grace sa tabi ng lamesa.
Nilapag naman ni Julius ang tray na dala-dala niya. Nakatakip pa ang mga plato.
“Ooohhhh!!!!” na-excite muli ang lahat.
“‘Yan na ba ang kanin~?”
“Anong kanin? Mga ulam ‘to.”
“Hala! May bouquet na tayo ng chicken Julius!” si Clayden.
“Huwag kang mag-alala, hindi naman kayo ang kakain nito e. Dahil sa ‘kin lang ang mga ito!”
Nagulat si Gweine. “Anong SA ‘KIN~?! Seryoso ka na sa ‘yo lang ang lahat na ‘yan~?!” at pinagtuturo ang limang plato.
Masamang tumingin si Julius sa kanya. “Oo! Kailan ba ako hindi naging seryoso?!”
“Aba~! Aba~!” pumeywang na si Gweine. “Kung makapagsabi ka ng ‘SA ‘KIN’ parang ikaw ang magbabayad niyan ah~?!”
“Ano ka ba Julius! Sa ating lahat ‘yan! Sampalin kita e. Ang damot mo!” inis na wika ni Caroline. Kinuha niya ang isang plato ng ulam na nasa tray ni Julius.
“Tsk! Caroline! Akin ‘yan!” madaling kinuha ni Julius ang plato at binalik muli ito sa tray.
“Ano ba ‘to! Ang damot mo naman!”
“Ssshhh!” si Harony. “Nagsisimula na naman kayo!”
“Huwag kang magulo Caroline. Iniinis mo si Harony. Mahiya ka nga.” muling kinuha ni Julius ang tray at pumunta sa kanyang upuan. Nilapag niya ito sa lamesa na katapat ng kanyang upuan. Umupo siya.
Nakatingin si Harony sa tray nito. “Pakiabot nga ‘yung tray ni Julius.”
“Oh.” at inusog ni Julius ang tray niya kay Harony. “Iaabot ko lang ah. Huwag kang kukuha ng ulam diyan.”
Napailing na lang si Harony at kinuha ang tray nito.
Habang si Baron naman, hanggang ngayon ay nananatili pa rin siyang nakatingin sa customer. Nagtataka siya dahil para siyang istatuwa na hindi man lang niya ito napapansing gumagalaw. Kumunot muli ang kanyang noo dahil kanina pa rin niya nararamdaman na nakatingin din ito sa kanila.
“Baron! Anong tinitingnan mo diyan?! Ito na ang kanin natin! Yehey!”
Nagulat siya at napatingin kay Grace. “O-Oo, sige lang!” masayang wika niya. Hindi niya mapigilan ang kanyang sarili na hindi pagmasdan ang customer kaya tumingin muli siya dito. Ganu’n pa rin ang porma niya at hindi pa rin nagbabago.
“Kakain na tayo!” nilapag naman ni Grace ang tray ng mga kanin. “Mamaya na ang tubig ah! Puno na ang lamesa natin e!”
“O sige! Basta tumayo na lang kung sino man sa atin ang may gustong uminom!” masayang wika ni Triny.
“Mhm!” tumango si Grace at umupo na sa kanyang upuan.
“O sige, kailangan muna nating magdasal bago kumain. So, let’s begin to pray.” ngumiti si Harony.
“O sige!” sumang-ayon ang lahat pwera nga lang kay Baron.
Nananatili pa rin kasing nakatingin si Baron sa customer. Pokus na pokus siya dito. “Hindi ko makita ang buong mukha niya! Natatakpan kasi ng anino ng hood na suot-suot niya!”
Yumuko na ang lahat para magdasal ngunit napansin ni Clayden si Baron na hindi nakayuko at nakatingin nga sa iba. Sinikuhan niya ito.
Nagulat si Baron at napatingin siya kay Clayden.
Tiningnan ni Clayden ang lahat habang nakayuko at bumalik muli ang tingin sa kanya.
“Oh.” nanlaki ang mga mata ni Baron nang makita niya na nakayuko na ang lahat. “Sorry.” madali siyang yumuko. Sumulyap ang kanyang mga mata kay Clayden. Nakita niya na nakapikit ito. Napapatingin na naman ang kanyang mga mata sa customer kahit na ayaw niya itong tingnan muna dahil nagdadasal.
Umangat na ang mga ulo nila nang matapos nang magsalita ng dasal si Harony.
Kumunot ang noo ni Clayden at sumulyap ang kanyang mga mata kay Baron pagkatapos. “Bakit ka ba nakatingin sa likuran?” pagtatakang tanong niya.
“W-Wala.” umiling na lang si Baron.
“Kainan na!” pumalakpak si Grace habang nakatawa.
Napakamot ng ulo si Julius. “Harony, akin na ang tray ko!”
Habang sa ikalawang pangkat naman, tapos na ang kanilang trabahuhin. Mga nasa sementadong fountain sila nakaupo habang mga nakahiga na sa bermuda grass ang iba sa kanila.
“Ang tagal naman nila… anong oras pa sila dadating?” tanong ni Teya na may halong pag-aalala habang nakatingin sa kalangitan. “Malakas na rin ang hangin. Uulan na maya-maya niyan.”
“Kailangan na nila bilisan.” napatingin rin sa kalangitan si Nana.
Gising na si Serah at katabi lang niya si Tofena na nakangangang natutulog. Lumingon siya para tingnan si Tofena.
“Buti tulog na ang isang ‘to.” pinagmasdan niya ang buong katawan nito. Nakita niyang hawak-hawak nito ang Walkie-talkie. “Uy! Walkie-talkie!” napangiti siya at madali itong kinuha. “Ayos! Tawagan ko nga sila!”
Habang sa ika-unang pangkat naman, mga maiingay at malilikot ang kanilang mga kamay dahil sa pagkuha ng mga ulam na gusto nilang kainin.
“Hoy! Ano ba ‘yan! Ulam ko nga ‘yan Caroline!”
Dumila si Caroline kay Julius habang hawak-hawak ang isang plato na galing sa tray ni Julius. “Amin na ‘to! Ang damot mo!”
“Hoy!” wika ni Serah mula sa Walkie-talkie ni Baron.
“?!” nagulat si Baron. Binitiwan niya ang kutsara’t tinidor niya at kinuha ang Walkie-talkie sa bulsa. Ninguya niya ng mabilis ang kanyang kinakain at sabay lunok. “H-Hello?”
“Uy! Nasaan na ba kayo?! Ang tagal n’yo! Kanina pa kami tapos!”
“Ay… ganu’n ba?” muling kinuha ni Baron ang kutsara at sinubo ang kanin sa kanyang bibig. “May mga napagtanungan na kaming mga tao sa mga bahay-bahay. Kasho mga hindi rin nila alam kung shaan ba nakakabili ng CCTV camera. Nahihirapan nga kami.” at nilunok ang nginunguyang kanin.
“Oh?! Ano naman ang kinakain mo diyan?”
Natawa si Baron. “Nasa fast food chain kami. Inabot na kami ng gutom!”
“Eh?!” gulat na wika niya. “Kami nga hindi pa kumakain e!”
“Uhoh!” ubo ni Julius. “Tubiiiggg!!!”
“Ayan na! May nabulunan na! Puro kasi kayo kain!” inis na wika ni Serah.
“Ang takaw-takaw mo kasi e~! Huminahon ka naman!” wika ni Gweine at inabot ang isang baso kay Julius.
Mabilis itong kinuha ni Julius at mabilis na ininom. Mariin siyang napapikit at umayos na muli ang kanyang pakiramdam pagkatapos ng ilang segundo.
Nakatingin lang si Gweine sa kanya. “Masarap ba ‘yung tubig? Siyempre ininom ko na ‘yan e~! Hindi na ‘yan isang ordinary water, but it’s a magical water na kaya mabilis na guminhawa ang iyong pakiramdam~!”
“PWEH!!!”
Hindi na lang inintindi ni Baron sila Julius at Gweine. “Kumain na kaya kayo! Tutal tapos na kayo sa trabaho n’yo sa hardin!” napatingin siya sa likod para tingnan ang customer. Ganu’n pa rin ang pwesto at porma nito. Kumunot muli ang kanyang noo habang sumusubo.
“Dalian n’yo! Ang lakas na ng hangin!” mataas na tonong sabi ni Serah.
Nananatiling nakatingin si Baron sa customer. “Oo nga...” naririnig din niya ang malakas na hangin sa Walkie-talkie.
“Baron! Dalian n’yo na! Uulan na!”
“Pumasok na kayo sa loob Serah! Bago pa kayo mabasa diyan!”
Nagsasalita pa si Serah ngunit hindi na ito gaano marinig dahil natatangay na ng malakas na hangin ang kanyang boses.
“Sige, mamaya na!” nilagay na muli ni Baron ang Walkie-talkie sa kanyang bulsa.
Sa ikalawang pangkat naman…
“Aaaahhh!!!!” sigaw nila.
Nilagay na rin ni Serah hang Walkie-talkie sa kanyang bulsa. Tumingin siya kay Tofena. “Hoy! Gumising ka na diyan! Tatangayin ka na ng hangin!” kinakalabit niya ito para magising.
Sumabay na ang ambon sa malakas na hangin. Nagising na si Tofena. Dumilat siya at tumingin kay Serah.
“Tumayo ka na diyan! Papasok na tayo sa loob!” tumayo na si Serah at tumakbo patungo sa main door.
“Pumasok na kayo!” sigaw ni Elliot mula sa deck ng main door.
Nakaupo lang si Janella sa upuan ng Dance Hall sa ika-unang palapag. Nagsusulat lang siya do’n habang kasama pa rin niya ang ikatlong pangkat.
“Ah!” sigaw ni Elliot habang tumatakbo.
“Uulan na naman! Ang lakas na ng hangin!” wika naman ni Judith.
“Oops!” napahinto si Elliot nang makita niya si Janella na nakatingin sa kanya.
“Ahhh!!!” sigaw naman ng iba.
Mabilis na humarang ang magkabilang braso ni Elliot sa pintuan.
“Aray!” napatalbog pa sila nung mabangga nila ang magkabilang braso nito. Natumba tuloy sila.
Tumayo si Janella. “Bakit nga pala kayo nasa labas?”
Napalunok si Elliot. Kinabahan siya.
Tumayo na ang mga natumba.
“Ahm, n-nagpapahangin lang po kami sa labas.”
“?!” nagulat ang mga parating nang makita nila si Janella. “Your Highness!” yumuko silang lahat para magbigay galang.
Napatingin si Janella sa kanila. “Bakit kayo nasa labas?”
Nakatingin lang sa kanila ang ikatlong pangkat.
“Pasensya na po.” nananatili silang mga nakayuko.
“Kumain na ba kayo?”
Napalingon at napatingin si Elliot sa likod saglit at muling bumalik ang kanyang tingin sa prinsesa pagkatapos. Umiling siya.
“Kumain na kaya kayo. Ano pa bang inaantay ninyo?”
“Pasensya na po.” yumuko rin si Elliot.
“Pagkatapos, magpahinga na rin kayo.” umupo na muli si Janella at pinagpatuloy muli ang sinusulat sa papel.
“Phew!” pinunasan ni Elliot ang kanyang pawis. Pinagpawisan siya sa kaba.
Habang sa ika-unang pangkat ulit…
“Gusto ko pang kumain.” wika ni Clayden. Tumayo siya at pumunta sa cashier’s counter.
“Tulungan na kitang mag-order Clayden!” tumayo si Julius.
“Huwag ka na Julius!” pigil ni Caroline. “Maupo ka na lang! Pabayaan mo na siya!” inirapan niya ito. “Kunwari ka pa, gusto mo lang din kasi kumain pa!”
Sumama ang tingin ni Julius kay Caroline. Hindi niya ito pinakinggan at pumunta pa rin siya sa counter.
Bumuntong-hininga si Clayden habang nakatingin sa menu board. Nakapatong lang ang magkabila niyang siko sa counter.
Nakatingin lang sa kanya ang cashier habang nakangiti.
“Grabe ang hirap maghanap…”
“Sir?” napatingin rin sa menu board ang cashier. “Ayan po ang palabok namin kung gusto n’yo po.”
“Ahm, miss?” tanong ni Julius mula sa tabi ni Clayden.
Nagulat si Clayden. Napalingon at napatingin tuloy siya kay Julius. “Oh! Nandito ka pala!”
Sumulyap lang ang mga mata ni Julius sa kanya saglit at muli siyang tumingin sa cashier pagkatapos.
“Ano po ‘yun sir?” tumingin ang cashier sa kanya at tinikom ang kanyang labi.
“Isa pa ngang hamburger.”
Tumango siya habang nakangiti. “O sige po sir.”
Nakatingin na naman si Baron sa customer. Hanggang ngayon ganu’n pa rin ang porma nito at hindi talaga nagbabago. Kumunot na naman ang kanyang noo. “Di ko tuloy maintindihan kung tao ba ‘to o bagay. Ano kaya ‘to?! Parang gusto ko tuloy siyang lapitan!”
“Eto na po sir!” at inabot ang hamburger kay Julius.
“Salamat.” binigay na ni Julius ang pambayad niya sa cashier at umalis.
Ngumiti lang ang cashier at kinuha na ang pera. “Sa ‘yo po sir?” tumingin muli siya kay Clayden.
“Ahm, hamburger na nga rin.”
“Ay sir, ubos na po e. 5 minutes pa po ulit, ayos lang po ba?”
“Sige, ayos lang.” nakatingin pa rin siya sa menu board.
“Sir, servant po kayo ng Doherty Palace?”
“Hm?” sumulyap ang mga mata ni Clayden sa kanya.
“Servant po ba kayo?”
“Ah, oo.” tumango siya at ngumiti ng kakaunti.
“Ah, sabi ko na nga ba.” natawa ng marahan ang cashier.
Napatingin sa ibaba si Clayden at nawala ang ngiti sa kanyang bibig.
“Bakit po sir?”
“Hm?” tumingin muli siya sa kanya. “E kasi… nag-aalala ako para kay Princess Janella…”
“Bakit naman po?” bigla ring nag-alala ang cashier.
“Umaalis kasi siya ng palasyo ngayon. Nagtataka nga kami kung paano niya ‘yun nagagawa dahil saradong-sarado ang mga pinto at gate namin. Napapansin n’yo ba siya dito sa labas?”
“H-Hindi po.” dahan-dahan siyang umiling-iling. “Hindi ko naman po siya nakikita kahit saan.”
“Talaga? Pero ang sabi niya sa amin, pumupunta daw siya sa mga bahay kaya palagi siyang wala sa palasyo.”
“Naku! hindi siya pwedeng palaging wala sa inyo. Lalo pa’t may napakabigat tayong hinaharap na problema ngayon.”
Tumango si Clayden habang nakatingin sa kanya. “Tama ka, kaya nga ngayon… kailangan na namin ng CCTV camera sa palasyo. Pero ‘yun nga ang problema naman namin kung saan ba merong ganu’ng teknolohiya. Nahihirapan na nga kami ngayon.” napatingin siya sa ibaba at umiling.
“Naku sir!”
Napatingin muli siya sa cashier.
Inabot na ng tagapagluto ang hamburger sa cashier.
“Ay sir, ito na nga po pala ‘yung hamburger n’yo.” at inabot ito sa kanya.
Napatingin si Clayden sa hamburger. “Salamat.” marahan niya itong kinuha. Sumulyap ang kanyang mga mata sa cashier. “Bakit ka nga pala nagulat kanina?” nilagay niya muna ang hamburger sa counter.
Pinatong rin ng cashier ang magkabila niyang braso sa counter. “Kasi sir, ang kapatid ko po ay may negosyo at sa pagkakaalam ko may tinda siya ng mga ganyan!” nakangiting wika niya.
Nagulat si Clayden. Natuwa siya at hindi pa niya sinasadyang madadabog niya ang dalawa niyang kamay sa counter. “Oh?!” napangiti siya.
Nagulat siya. “Ah, o-opo!” napangiti muli siya.
Nagulat rin sila Harony nang marinig nila ang malakas na boses ni Clayden.
“Bakit Clayden?” tumayo si Julius at pumunta dito. Tumabi siya sa kanya ngunit nakita niya ang hamburger sa counter.
Humarap si Clayden kay Julius. “Julius!” hinawakan niya ang magkabilang braso nito at inalog ng inalog. “May CCTV na tayo! Woohoo!” masayang wika niya.
Nakalingon at nakatingin lang si Julius sa hamburger.
“Julius!!!!” nakatawa lang siya.
Nagtayuan na sila nang marinig nila ang sinabi ni Clayden. “Talaga Clayden?!” nakangiting tanong ni Caroline.
Binitiwan ni Clayden ang magkabilang braso ni Julius at tiningnan si Caroline. “Oo! Meron na!”
Napatingin si Baron kay Harony. “A-Ano daw? Meron na daw tayong CCTV?!”
“Oo Baron!” nakangiting sagot ni Harony sa kanya.
“Yeeesss!!!!” natuwa silang lahat.
Mabilis na kinuha ni Julius ang hamburger sa counter at sabay alis.
“Yes!” humarap muli sa cashier si Clayden. “Kung ganu’n, kayo pala ang matagal na naming hinahanap! Bibili kami sa inyo!” nakatawa siya.
Masaya siyang tumango . “O sige po sir, mapapadala na po namin ‘yun sa inyo maya-maya!”
“YEHEY!!!!” natuwa ang lahat.
“Maraming salamat!” nakipag-handshake pa si Clayden sa kanya. “Maraming salamat talaga!”
“Hahaha!” namula ang cashier. “Wala po ‘yun sir! Saka kung may katanungan po kayo tungkol diyan, tawagan o puntahan n’yo na lang kami sa bahay.” kumuha siya ng papel at lapis sa ilalim ng counter. Sinulat niya ang number at ang pangalan niya. “Clara po ang pangalan ko.” at inabot ni Clara ang papel sa kanya.
“Ah o sige.” masayang kinuha ni Clayden ang papel.
“‘Yung bahay po namin, malapit na malapit lang po sa palasyo!”
“Oh?!”
“Opo! Nakikita ko nga po ang gate n’yo!” nakangiting wika ni Clara.
“Good! Pwedeng lakarin!”
“Opo! Pwedeng-pwede!”
“Kung gusto mo Clayden, takbuhin pa natin e!” pabirong wika ni Baron. Napangiti siya.
Natawa si Clara.
“O sige Clara! Maraming salamat ulit ha?!” nakangiti si Clayden.
“Opo sir! Wala pong anuman!”
Tumalikod at bumalik na si Clayden sa kanila. “Baron!”
“Oh?”
“Tawagan mo na sila! Sabihin mo meron na tayo!”
“Ako na ang tatawag!” nakangiting wika ni Harony.
Napatingin si Baron sa kanya. “Ah, o sige!” kinuha niya ang Walkie-talkie sa bulsa at binigay ito sa kanya.
Masayang kinuha ito ni Harony. “Salamat!”
Napatingin muli si Baron sa likod para tingnan ang customer ngunit wala na ito at tanging baso na lang ang naiwan dito sa lamesa.
“Ha?!” gulat na wika ni Baron. Tiningnan niya ang bawat upuan. “H-Hindi ko napansin ‘yun ah! Ang bilis!”
“Ano Baron? Nagsasalita ka na lang mag-isa diyan.” wika ni Bernard.
Nanliit ang mga mata ni Baron. “Kanina ko pa kasi napapansin na parang pinapanood tayo ng isang customer dito.”
“Hm? Bakit naman?” napatingin rin sa likod si Bernard at hinanap niya ang tinutukoy ni Baron.
“Hindi ko alam.” nananatili pa rin na nakatingin si Baron sa likod.
“TALAGA?!” masayang wika ni Stephen mula sa Walkie-talkie.
“Oo! Papadala na daw mamaya!”
Narinig ng mga kasama ni Stephen ang sinabi ni Harony. Biglang nag-ingay silang lahat dahil sa sobrang tuwa.
“Ssshhh!!!! Huwag kayong maingay!” pigil ni Harony.
Patuloy pa rin silang nag-iingay.
Napailing na lang siya habang nakangiti. Tinago na niya ang Walkie-talkie sa kanyang bulsa. “O sige na! Umuwi na tayo!”
“O sige po! Mag-ingat po kayo!” kumaway si Clara.
“Uh-oh! Umuulan na pala!” wika ni Triny.
“Oo nga ‘no?” luminga-linga si Julius habang tinitingnan ang bawat bintana.
“Halika na! Kailangan na nating umuwi! Para masabi na rin natin ‘to sa mahal na reyna!” nakangiting wika ni Clayden at tumakbo patungo sa pintuan.
Sa palasyo naman, nasa kwarto muli si Janella at wala na siyang kasama sa loob. Naka-indian sit lang siya sa sahig habang tinitingnan ang mga gamit na tinago niya sa isa pa niyang aparador.
Nakita niya ang isang camcorder na natago niya dito. Napangiti siya. “Oo nga pala ‘no?! Meron nga pala akong ganito!” marahan niya itong kinuha. Tiningnan niya ito saglit at nilapag na niya ito sa kanyang tabi pagkatapos. Nakita naman niya ang kulay asul na panyo na kanyang tinahi nung bata pa siya. Kinuha niya rin ito at tiningnan ang burda na ginawa niya.
“Mabulaklakin… mahilig talaga ako sa bulaklak ‘no? Hahaha!” at nilapag din ito sa tabi ng camcorder.
At ang huli niyang nakita ay ang acoustic guitar niya. “Wow! Gitara!” kinuha niya ito at pinatong ito sa kanyang mga binti. May naisip siya bigla. Kinuha niya ang papel sa kanyang bulsa at binasa ang kanyang sinulat. Napangiti siya.
“My Lady?” kumatok si Nathy.
Napalingon at napatingin si Janella sa kanyang pintuan. Sinuot niya ang strap ng kanyang gitara at tinago naman niya ang panyong asul sa kanyang bulsa. Naghanap pa siya ng lalagyan sa aparador para sa camcorder niya at mabuti na lang ay nakahanap siya. Kinuha niya ito at tinago ang camcorder sa loob. Madali niyang sinara ang kanyang aparador at tumungo kaagad sa pintuan. Binuksan niya ito.
“My Lady.” nagulat si Nathy nang makita niya na may dala si Janella na gitara. “K-Kakain na po kayo.”
“O sige.” tumango si Janella at lumabas na siya ng kwarto. Sinara niya ang pinto.
Ilang minuto ang lumipas, mga nasa ika-unang palapag ang mga ikatlong pangkat habang binabantayan nilang kumakain si Janella. Nasa Dance Hall siya kumakain at ayaw niyang kumain sa Dining Hall sapagkat nando’n ang kanyang ina.
“Ang tagal naman nila Kuya Baron…” pag-aalalang wika ni Nathy. “Inabot na tuloy sila ng ulan sa labas.”
“Parating na sila. Huwag kang mag-alala.” wika ni Eric habang nakatayo ng tuwid.
Biglang tumayo si Janella. “Pakiligpit na lang ulit ah. Salamat.” at tumungo sa bathroom.
Naging malikot ang mga mata ni Nathy sa kanilang lahat at madali niya silang sinenyasan. Tumango sina Anette at Violet. Madali nilang sinundan pareho si Janella. Tiningnan naman niya si Eric.
Tumango si Eric at tumungo na kaagad sa lamesa at niligpit ang pinagkainan nito. Sumunod si Nathy sa kanya at tinulungan niya itong magligpit.
“Uy Serah!” nakita nila Violet at Anette si Serah na nakatayo sa pintuan ng bathroom.
Tinuro ni Serah ang pinto. “Dito siya sa loob!” pabulong ngunit mataas na tonong sabi niya.
Tumango ang dalawa. “Oo nga!” pabulong ngunit mataas na tonong sabi rin ni Violet.
“May dala nga na gitara e. Para saan ‘yun?” pagtatakang tanong ni Serah.
Nagkibit-balikat na lang sina Violet at Anette.
Ilang minuto ang lumipas at sa wakas ay mga dumating na ang ika-unang pangkat. Basang-basa sila dahil sobrang lakas na ng ulan sa labas.
“Uy!” binigyan ni Diana si Baron ng tuwalya.
“Ay hindi na! Maliligo na lang ako! Salamat Diana!” hingal na wika niya at dumiretso kaagad siya sa kwarto.
“Oo! Pakipunas na lang ng sahig Diana! Pasensya na!” wika ni Harony.
Napatingin si Diana sa sahig. “Ah, o-o sige.” tumango na lang siya habang tinitingnan ang mga bakas ng basang sapatos nila sa sahig.
Sumunod nang pumasok ang iba at dumiretso na kaagad sila sa kwarto.
Habang sa bathroom, nasa banyera lang si Janella at nakatingin lang sa kisame.
“Zavier…” muli niyang inisip ang binata. Napatingin siya sa gitara na pinatong niya sa mahabang countertop ng lababo.
Puting-puti ang loob ng banyo. Medyo maluwang ito habang may sliding window na sarado na natatakpan ng puting kurtina. Biglang may kumatok mula dito.
“?!” nagulat si Janella at mabilis siyang napatingin sa bintana. “A-Ano ‘yun?!” pinakiramdaman niya pa kung may kakatok muli.
May kumatok muli.
“Eh?!” tumayo na siya at kinuha ang bathrobe na nakasabit at sinuot. Marahan niyang hinawi ang kurtina. “S-Sino ‘yan?” wala na siyang makita dahil sa madilim na ang labas.
Kumatok muli ito.
“?!” binuksan niya ng tuluyan ang kurtina. “S-Sino---”
Biglang may kamay na humawak sa salamin ng bintana.
“Ha?!” napaatras siya sa sobrang pagkagulat at sumara muli ang kurtina. “Z-Zavier?! I-Ikaw ba ‘yan?!” mahinang wika niya habang nakangiti. Lumapit muli siya sa bintana at hinawi muli ang kurtina. Napangiti muli siya nang makita niya ang binata. “Zavier!”
Sumesenyas ang mga kamay ni Zavier na lumabas na daw siya.
“Ah, oo!” tumango si Janella. Binitiwan na niya ang kurtina at hinayaan itong matakpan ang bintana.
Sa labas ng bathroom, iniwan na nina Violet at Anette si Serah na magbantay sa pintuan. Ngunit dumating naman si Tofena at ngayon ay katabi niya ito.
Nakasimangot lang si Serah. “Bakit ka nandito?”
Bumuntong-hininga si Tofena at nagkibit ng balikat. “Wala lang.” lumingon at tumingin siya kay Serah ng nakangiti.
“Hmp!” inirapan niya si Tofena at tumingin na lang siya sa pinto.
“Bakit ka nandito Serah?” nakangiting tanong ni Tofena.
“Huwag mo nga ‘kong kausapin.”
“Okay.” inalis niya ang tingin kay Serah. “Alam ko naman na hindi mo rin ako matitiis na hindi kausapin.” ngumiti muli siya at umalis.
“Hmp! Ewan ko sa ‘yo!” wika niya mula sa kanyang isip habang nakasimangot.
Nakapagbihis na si Janella. Tinago niya ang panyong asul sa lalagyan ng camcorder niya habang dala-dala rin niya ang kanyang gitara. Hinawi niya ang kurtina at binuksan niya ng marahan ang bintana para makalabas.
“Saglit lang Zavier! Tulungan mo na akong makalabas!” inabot niya ang kanyang kamay sa binata. Natataranta na siya habang hindi niya mapigilan ang kanyang sarili na mapangiti habang nakatingin sa kanya.
“Hm?!” nagulat si Serah nang marinig niya na magsalita si Janella sa loob. Dinikit niya ang kanyang tenga sa pinto. “Tama ba ang hinala ko na nagsalita siya?” kumunot ang kanyang noo.
Hinawakan na ni Zavier ang kamay ni Janella at tinulungan niya itong makalabas. “Huwag kang masyadong magsalita ng malakas princess!”
Walang maintindihan si Serah dahil puro hangin na malakas lang ang kanyang naririnig. “Hangin?! B-Bakit may hangin?!” kumatok na siya sa pinto. “Princess?” at kumatok muli.
“Pasensya na! Masaya lang ako’t nakita muli kita!” nakatawang wika ni Janella.
Napangiti si Zavier.
Nakalabas na ang prinsesa at ngayon ay nasa hardin na siya. Nabasa na siya ng ulan. “A-Ang lakas ng ulan!” binalot niya ang kanyang mga kamay sa magkabila niyang balikat. “A-Ang lamig!” yumuko siya.
Mabilis na tinanggal ni Zavier ang kanyang cloak hood. “Eto princess.” pumunta siya sa likuran nito at binalot ito sa kanya. “Suotin mo ‘yan. Sana makatulong ‘to sa’yo para hindi ka malamigan.” nakangiting wika niya.
Nagulat si Janella. Napalingon at napatingin siya sa kanya. “S-Salamat!” tumango siya.
“Princess?!!!!” sigaw ni Serah. Kinabahan na siya habang kumakatok na siya ng malakas. Hinawakan niya ang door knob para buksan ang pinto ngunit naka-lock ito. “Tsk! Hindi pwede ‘to!” madali siyang pumunta sa Dance Hall dahil alam niya na nando’n ang mga servants. “ANG PRINSESA!!!! NAWALA SA BATHROOM!!!!”
“HA?!!!!” nagulat ang mga servants.
“Naku!” mabilis na tinakpan ni Nathy ang kanyang bibig.
“Tulungan n’yo ko! Naka-lock kasi ‘yung pinto! Hindi ko mabuksan! Dalian n’yo! Hangga’t maaga pa!” patarantang wika ni Serah.
“Teka! Kukunin ko lang ang mga susi natin sa kwarto!” madaling pumunta si Stephen sa kwarto.
Mabilis na nagpuntahan ang mga servants sa bathroom.
Habang kina Janella at Zavier naman, nasa loob na sila ng Amadeyu Ship. Lumilipad na sila ng himpapawid patungong kalawakan.
“Masyado ba akong maaga princess? Pasensya na.”
Nakalingon lang si Janella habang nakatingin sa kanyang bintana. “Hindi, ang tagal mo nga e.” lumingon siya at ningitian si Zavier.
Nagulat si Zavier. “M-Matagal? Talaga?” sumulyap saglit ang kanyang mga mata sa kanya.
Natawa si Janella at sinuntok ang braso nito. “Hahaha! Oo! Gusto na kasi kitang makita e!”
“Ah, g-ganu’n ba princess?” napangiti si Zavier ng kakapiranggot at nahiya.
Natawa muli siya at namula. Lumingon muli siya at tiningnan ang bintana pagkatapos. Bumuntong-hininga siya. “Oo, salamat… Zavier.”
Napalingon at napatingin si Zavier sa kanya.
“Nagpapasalamat ako dahil nandiyan ka para sa ‘kin at para sa aming mundo.” napalingon muli siya sa kanya at ningitian muli.
Habang sa Doherty Palace, mga nasa loob na ng bathroom ang iilang servants. Mga kinakabahan na sila na may halong takot.
“Naku naman! Nasaan na siya?!” pakabang tanong ni Janine habang siya ay nasa bintanang nakabukas. “Princess Janella!” sigaw niya.
“Tabi nga Janine!” pakabang sabi rin ni Alice at inusog si Janine sa bintana. Lumabas siya. “PRINCESS!!!!” sumigaw siya sa hardin. “Tsk!” napahawak siya sa kanyang ulo habang lumilinga.
“Ang lakas ng ulan Alice! Pumasok ka na dito sa loob! Basang-basa ka na!” sigaw ni Elliot.
“Basang-basa ang loob!” mataas na tonong sabi ni Teya habang pinagmamasdan ang buong sahig.
“Elliot!” madaling lumapit si Serah dito at hinawakan ang balikat nito. Nasa pagmumukha niya ang pagkatakot.
Napatingin si Elliot sa kanya habang nasa pagmumukha rin niya ang pagkatakot.
“Hindi ko alam kung… umalis ba siya o…” natigilan siya saglit at napalunok. “May kumuha na sa kanya?!”
Kumunot ang noo ni Elliot. Mas kinabahan siya. Umikot siya para harapin si Serah.
Binitiwan na ni Serah ang kanyang balikat.
“Bakit naman Serah? P-Paano mo naman nasabi?”
“M-May kausap yata siya e! Naririnig ko na nagsasalita siya kanina sa loob! N-Naririnig ko ang boses niya! Pero… h-hindi ko lang medyo maintindihan ang sinasabi niya dahil sa lakas ng ulan at sa hangin na pumapasok dito sa bathroom!”
Napailing si Elliot. “Huwag kang magsalita ng ganyan.”
“Totoo ‘to Elliot! Hindi ako nagbibiro!”
“Tsk!” napahawak sa ulo si Elliot at lumingon-lingon. “H-Hindi pwede ‘to! Hindi na maganda ‘to!”
“Talagang hindi maganda Elliot! S-Saka… h-hindi ko sigurado kung isa na bang La luna ang kumuha sa kanya!”
“Wala nang iba pang kukuha sa kanya Serah! Tanging La luna lang ang may masamang balak sa kanya!”
Natigilan at napayuko si Serah.
“Kainis! Kainis!” nainis si Elliot at madali siyang lumabas ng bathroom at dumiretso kaagad sa kwarto ni Adelaide.