28: The Final Plan


 

Ilang oras na ang lumipas, patuloy lang ang pagbuhos ng malakas na ulan sa Destiny World. Mga nagtipon-tipon na ang mga servants sa loob ng kwarto ni Adelaide habang pinag-uusapan ang nangyari ayon sa narinig ni Serah. Nakaupo lang siya sa upuan habang kaharap niya si Adelaide na nakaupo rin sa upuan.

Nahuli si Bernard at papunta pa lang siya sa kwarto ni Adelaide. Mabilis siyang naglalakad para makarating kaagad. Kumatok siya sa pinto.

Marahan na binuksan ni Julius ang pinto.

Oh! Julius! Ikaw pala ‘yan!” nakangiting wika ni Bernard.

Oo nga.” seryosong tumango si Julius. “Sino ba ang akala mo?”

Ahm…” kinalikot ni Bernard ang kanyang mga kamay habang pasilip-silip sa likod ni Julius.

Seryoso lang na nakatingin sa kanya si Julius.

Tumingin muli si Bernard sa kanya. “Pwede bang pumasok?”

Eh ‘di pumasok ka.” tumabi siya sa daan. “Pinipigilan ba kita?”

Ngumiti na lang siya. “Salamat!” at pumasok sa loob. Hinanap niya kaagad si Adelaide ngunit hindi niya ito makita sapagkat ang daming nakapalibot dito.

Parang lalaki po nga yata ang nakausap niya. Sa pagkakaalam ko, binanggit ni Princess Janella ang kanyang pangalan.” pakabang sabi ni Serah.

Ano?!” nagulat ang mga nanonood at nakikinig na servants.

Seryoso lang na nakatingin si Alexius sa kanila habang nakikinig. Malayo siya sa kanila at medyo malapit siya sa telepono.

Binanggit niya?! P-Paano nangyari ‘yun? Kilala niya siya?” pagtatakang tanong ni Jonathan.

Seryoso lang na nakatingin si Adelaide kay Serah. Kinakabahan na siya ng sobra-sobra pero hindi lang niya ito pinapahalata sa kanilang lahat.

Pero hindi ko po medyo naintindihan ang pagkakasabi niya sa pangalan ng lalaki e.” napayuko si Serah.

Sige, ayon sa narinig mo Serah, pakisabi sa ‘kin.” seryosong wika ni Adelaide.

Nasa pinaka-likuran si Bernard. Kinalabit niya si Triny na nasa kanyang harapan. “Triny?”

Hm?” lumingon at tumingin si Triny sa kanya.

A-Ano daw ‘yun?”

Kinukwento ni Serah na parang may nakausap daw ang prinsesa. Lalaki daw ito at binanggit pa niya ang pangalan nito. Pero nang dahil daw sa lakas ng hangin at ulan na pumapasok mula sa nakabukas na bintana… hindi niya ito gaanong naintindihan.” pabulong na wika niya.

Ah, okay.” tumango siya at tumingin muli kina Serah at Adelaide.

Sey…” pinipilit ni Serah na sabihin ito ng tama. “Seyfer?” napatingin siya kay Adelaide.

Seyfer?” pagtatakang tanong ni Adelaide.

Tumango si Serah. “Halos ganu’n po ang tunog ng pangalan na binanggit ng prinsesa.”

Iba ang tunog ng pangalan nu’n ah!” napatingin si Baron sa mga kasama niyang servants na nakikinig.

Oo nga.” pag-aalalang wika ni Lace habang nakatingin kay Baron. Nakatutop pa ang kanyang mga kamay sa dibdib.

Parang ngayon lang ako nakarinig ng ganu’ng tunog ng pangalan~! Hm, parang ang pogi nu’n ah~?” si Gweine.

Palihim itong sinabunutan ni Julius dahil seryoso ang kanilang pinag-uusapan at wala munang biruan ngayon.

Kung ganu’n… hindi nga ‘yun taga-dito!” pakabang sabi ni Baron at muling tumingin kina Serah at Adelaide.

Lagot!” kinagat na ni Nathy ang kanyang mga daliri. Natatakot na siya ng sobra-sobra.

Hindi talaga Seyfer ang tunog ng pangalan niya. Hm, parang may arte pa. Alam n’yo ‘yun?” tanong ni Serah habang nakatingin sa mga nakikinig.

Paanong arte?” kumunot ang noo ni Baron.

Parang si Gweine ba? Ganu’n ba kaarte?” pang-asar na wika ni Jonathan.

Hoy~! Hindi ako maarte~!” pabirong sinampal ni Gweine si Jonathan.

Hindi na lang iniintindi ni Adelaide ang kaingayan nila. Basta ang nasa isip lang niya ay ang sinabi ni Serah na pangalan. “Seyfer…?” tanong niya mula sa kanyang isip. “Seyfer… Seyfer…” paulit-ulit niya itong sinasabi sa kanyang isip.

Pssst! Ano ba kayo?! Maging seryoso nga kayo!” inis na wika ni Clayden.

Nanlaki ang mga mata ni Adelaide nang may naalala siya bigla.

Gabi sa Destiny World nang makarating sina Zavier at ang kanyang tiyo sa hardin ng palasyo. Lahat ay mga tulog dahil gumamit sila ng Sleepy Dust. Ngunit hindi nila pinatama ng dust sina Adelaide at Jasper para makausap sila kaya silang dalawa lang ang tanging naiwang gising.

Ako po ay si Zavier na isang La luna Spirit. Ako ay naninirahan sa Bhingelheim World at may gusto lang po sana kaming sabihin sa inyo. Unang-una sa lahat, hindi n’yo po kami kaaway kundi isa n’yo pong kaibigan. Nais ko lang po sanang ipaalam na sa inyo na ang mga kasamahan po namin ay may balak na pong sakupin ang mundong ito.”

Masama lang na nakatingin si Jasper sa dalawa habang may hawak siyang torch.

Ang anak mo Your Majesty, ang susunod na mamumuno sa mundo n’yo dito. Kaya siya ang hahanapin at papatayin!” wika naman ng tiyo ni Zavier.

A-Ano?!” nagulat at kinabahan si Adelaide.

Nasa pagmumukha ni Jasper ang pagkainis at galit. Masamang-masama na ang pagkakatingin niya sa dalawa.

Kaya nakikiusap po kami sa inyo…” pagmamakaawang wika ni Zavier sa kanila. “Magtiwala po kayo sa amin! Ako! Handang-handa po akong maging isang tagapagligtas ninyo!”

Tsk!” nainis si Jasper. “Tingin n’yo ba magtitiwala lang kami sa inyo ng basta-basta lang?! Mga nagsisinungaling lang kayo! TIGILAN N’YO ANG MUNDO NAMIN!!!!” dinuro niya sina Zavier at ang kanyang tiyo. “MGA KAAWAY!!!!”

Umiling si Zavier. “H-Hindi kami masasama!” humakbang siya ng isa.

Napaatras si Adelaide. “Sige! Lumapit ka pa!”

Magtiwala na kayo sa amin! Kung tunay na kaaway n’yo nga kami, dapat hindi na namin sinabi pa ang masamang plano ng mga kasamahan namin sa inyo! Kaya nga kami nandito para sabihin ito sa inyo! Ako at si Zavier, handa kaming tumulong sa inyo!” paliwanag ng nagmamakaawang tiyo ni Zavier.

ISANG NAPAKALAKING KASINUNGALINGAN! KUKUNIN N’YO LANG ANG ANAK KO DITO KAPAG NAGTIWALA KAMI SA INYO!” sigaw ni Adelaide. “HINDING-HINDI KAMI MAGTITIWALA SA INYO KAHIT KAILAN!!!!”

ANO BANG GUSTO N’YO SA MUNDONG ‘TO?! KUNG GUSTO N’YO KAMING TULUNGAN O ILIGTAS, TUMIGIL KAYO!!!!” sigaw naman ni Jasper.

Napailing si Zavier. “H-Hindi n’yo kami naiintindihan! Kung magagawa ko lang sana na pigilan sila, sana ginawa ko na simula pa lang!” nasa pagmumukha na niya ang pag-aalala.

Hindi na nakapagpigil si Jasper sa sobrang inis. “BUWISIT KAYO!!!!” hinagis niya ang torch na kanyang hawak-hawak kay Zavier.

HINDE!!!” madaling humarang ang tiyo ni Zavier sa kanya at siya ang natamaan. Natumba siya.

?!” nagulat si Zavier. “Tiyo!” madali niya itong sinalo. Nakaramdam siya ng pagkainis sa dalawa. Tiningnan niya sina Adelaide at Jasper habang nasa pagmumukha pa rin niya ang pag-aalala. Kinuha niya sa kanyang bulsa ang isang lalagyan ng Sleepy Dust at hinagis ito sa kanila. Bumukas kaagad ang lalagyan at kumalat kaagad ang dust.

Napatayo si Adelaide matapos niyang maalala ang lahat ng nangyari. “HINDE!!!!” napahawak ang magkabila niyang kamay sa kanyang ulo.

?!?!?” nagulat ang mga servants at lahat ay napatingin sa kanya.

Your Majesty!” nag-alala si Alexius at madali niya itong nilapitan.

KILALA KO NA KUNG SINO ANG DUMAKIP SA ANAK KOOO!!!!”

Habang sina Janella at Zavier sa Bhingelheim World. Hindi na naman namalayan ni Janella na nakatulog na pala siya sa Amadeyu Ship kaya ngayon, bulagta siya sa banig sa dalampasigan. Hanggang ngayon ay suot-suot pa rin niya ang cloak hood ni Zavier.

Habang si Zavier naman ay tahimik na nasa kanyang tabi lang. Gumagawa lang siya ng kwintas at pulseras na gawa sa iba’t-ibang uri ng bulaklak.

Sa gitna ng mahimbing na tulog ng prinsesa, hindi niya inaasahan na mapapanaginipan niya pala si Jasper.

AAAHHHH!!!!” sigaw ni Jasper habang pinipilit niyang makawala sa nakatayong kahoy na nando’n siya nakatali.

Hahaha!!!!” halakhak ng isang Dia. “Wala ka nang magagawa pa ginoo!”

PAKAWALAN N’YO KO!!!!” pinipilit pa rin ni Jasper ang makakaya niya para makawala.

Umikot ang pinuno ng Dia sa kanya. “Kung ganu’n, kilala mo pala si Princess Janella.” patuloy lang siyang umiikot.

BAKIT?!!!! MAY MASAMA RIN BA KAYONG BALAK SA KANYA?!!!!”

Huminto ang pinuno at tumingin sa kanya. “Meron.” ngumisi siya. “Mga inosente nga naman.”

UURRGGHHH!!!!” lalong nainis si Jasper. Mas lalo siyang nagwala. “KAHIT KAILAN! HINDI N’YO MASASAKOP ANG MUNDO NAMIN!!!! HINDI N’YO MAPAPATAY SI PRINCESS JANELLA!!!!”

BWAHAHAHA!!!!” halakhak ng isang Dia. “Hindi mo na siya maliligtas pa ginoo! Dahil kulang na lang ay sindihan na namin ang mga kahoy na nasa ilalim ng mga paa mo AT PANOORIN KANG MASUNOG!!!!”

Masamang tumingin si Jasper sa kanya at dinuraan niya ito sa malaki niyang bunganga.

AAAHHH!!!” nagwala siya at pinilit niyang ialis ang dura nito sa kanyang bunganga. Umusok kaagad ang kanyang bunganga.

Binugahan kaagad ng kanyang kasama ang kanyang bunganga ng apoy para matuyo’t mawala kaagad ang dura. Pagkatapos ng ilang segundo, tumingin siya ng masama kay Jasper. “BASTOS KA!!!!” madali siyang kumuha ng latigo at nilagyan niya pa ito ng apoy. Pinaghampas niya ito sa kanya.

AAAAAHHHHHH!!!!!!!!!!” napasigaw si Jasper sa sobrang sakit.

BWISIT KA! MUNTIK NA AKONG MAWALAN NG BIBIG DAHIL SA DURA MO!!!!” patuloy lang siya sa paghampas.

Patuloy lang sa pagsigaw si Jasper at halos maluha-luha na siya sa sobrang sakit.

Mga nanonood lang ang isang daang Dia sa kanya. Mga naghihiyawan pa ang iba.

BWAHAHAHA!!!!” tuwang-tuwa ang humahampas. “ANO KA NA NGAYON?!!!! WALANG-WALA KA NA!!!!”

AAAAAHHHHHH!!!!!!!!!!” sigaw muli ni Jasper.

SINDIHAN NA NATIN!!!!”

Tinabihan ng pinuno nila ang humahampas. Hinawakan niya ang balikat nito para pigilan habang nakatingin kay Jasper. “Magpaalam ka na!” ngumisi siya.

Lalong naghiyawan ang mga Dia na nanonood. “PATAYIN!!!! PATAYIN!!!!! PATAYIN!!!!”

Hiningal si Jasper habang sugatan na ang buong katawan niya. “Hindi…” napailing siya habang pinapanood ang mga Dia na naghihiyawan.

BWAHAHAHA!!!!” halakhak ng iba.

Binugahan na ng kanilang pinuno ang mahabang kahoy.

HIIIINNNDEEEE!!!!!!!!!”

Ha!” nagising na si Janella mula sa masama niyang panaginip. Napaupo siya at hiningal.

Napatingin sa kanya si Zavier. “Magandang umaga princess.” nakangiting bati niya.

Hindi narinig ni Janella ang tinig ni Zavier. Paano, malalim niyang iniisip ang kanyang masamang panaginip. Napahawak siya sa kanyang ulo. “Dia Spirits…” pabulong na wika niya habang hinihingal.

Kumunot ang noo ni Zavier. “Princess?”

N-Nakakatakot naman ang aking napanaginipan!” niyakap niya ang kanyang dalawang binti. “B-Bakit sa lahat… s-si Jasper pa?” lumingon-lingon siya at naghanap kaagad ng pwedeng gawin para malibang at malimutan niya kaagad ito.

Napansin ‘yun ni Zavier na parang may hinahanap ang prinsesa kaya kinuha niya ang basket na punong-puno ng iba’t-ibang prutas mula sa kanyang tabi. Inabot niya ito sa kanya. “Princess.” nakangiting wika niya. “Kumain ka na.”

Napatingin si Janella sa basket. “Ah, salamat.” marahan niya itong kinuha at nilapag sa kanyang tabi. Kumuha siya ng isa habang nakayakap pa rin sa kanyang binti ang isa niyang braso. Malungkot siyang tumingin sa kabilang isla at sinimulan na niyang kainin ang prutas.

Nananatiling nakatingin sa kanya si Zavier. Napansin niya na iba ang kinikilos ng prinsesa. “May gusto ka bang ibahagi sa ‘kin princess? Sabihin mo lang at makikinig ako.” nakangiting wika niya.

Nilunok niya kaagad ang kanyang ningunguya at napatingin sa ibaba. “Nanaginip ako ng masama Zavier. Tungkol sa pagkamatay ni Jasper.” yumuko siya.

Nagulat siya pero hindi halata sa kanyang itsura.

Totoo kaya ‘yun? Na sinunog siya do’n?” malungkot na tanong niya. Marahan siyang lumingon at tumingin sa kanya.

Marahang umiling si Zavier. “H-Hindi ko alam princess…” hinimas niya ang likuran ng prinsesa.

Nananatili lang na nakayuko si Janella habang malungkot ang kanyang pagmumukha.

Umusog si Zavier sa kanya at muling hinimas ang likuran nito. “Naiintindihan ko kung ano man ang nararamdaman mo ngayon. Basta nandito lang ako kung kailangan mo ako.”

Sumulyap ang mga mata niya sa kanya. Bumuntong-hininga siya at sinandal ang kanyang ulo sa balikat nito.

Biglang tumigil si Zavier sa paghimas ng kanyang likuran nang sumandal ang prinsesa sa kanyang balikat.

Salamat, Zavier… Ayos lang naman ako… naaalala ko lang naman siya…”

Naiintindihan ko.”

Bumuntong-hininga muli siya at napapikit saglit. “Parang ayoko na tuloy pang matulog.”

Nananatiling nakatingin sa kanya si Zavier.

Tsk!” hinimas niya ang kanyang noo.

Napansin ni Zavier na nag-iiba na naman ang kinikilos ng dalaga. Baka uminit na naman ang ulo nito at awayin na naman siya. “Princess, para sa ‘yo nga pala ‘tong ginagawa ko.” masaya niyang inabot ang pulseras at kwintas sa kanya. “Sana magustuhan mo.”

Napatingin si Janella sa pulseras at kwintas. “Wow naman!” napangiti naman siya kahit kakapiranggot. Kinuha niya ito at sinuot muna ang pulseras sa kanan niyang bisig. “Ang ganda ah.”

Natawa ng marahan si Zavier habang nakatingin sa pulseras na nasa bisig nito.

Maraming salamat!” at sinuot naman niya ang kwintas. “Ang galing mo talaga!”

Napakamot ng ulo si Zavier at nahiya. “Maraming salamat. Masaya naman ako’t nagustuhan mo.”

Natawa ng kakaunti si Janella. “Siyempre galing ‘to sa ‘yo e! Ikaw pa! Magaling ka naman talaga at magugustuhan ko talaga ‘to!” at sinuntok ang braso nito.

Habang sa Destiny World, nagwawala na ang lahat sa palasyo.

SI ZAVIER ANG DUMAKIP KAY JANELLA!” sigaw ni Adelaide. Bigla siyang naluha at napaupo bigla.

Your Majesty!” madaling hinawakan ni Alexius ang magkabila niyang balikat bago pa siya napaupo at marahan niya itong pinaupo sa upuan.

BAKIT NGAYON KO LANG NAALALA ANG LAHAT NG ‘TO?! At ngayon ko lang din natuklasan na hindi pa pala siya sumusuko sa anumang pinaplano niya sa buhay?! NAKAKAINIS!!!!”

T-Tahan na po!” wika ni Leah habang nakahawak sa kamay ni Adelaide.

Y-Your Majesty, s-sino po ba si Z-Zavier?” pakaba at natatakot na tanong ni Grace.

TAGA-BHINGELHEIM WORLD SI ZAVIER! ISA SIYANG LA LUNA SPIRIT! NAKAUSAP KO NA SIYA DATI!”

HAAAA?!?!?!” nagulat ang mga servants at napaatras silang lahat. Kahit si Leah, nabitiwan niya pa ang kamay nito sapagkat sobra din siyang nagulat.

A-Akala ko ba ligtas ang ating prinsesa dito sa palasyo?! B-Bakit nadakip pa rin siya?!” pag-aalang tanong ni Grace.

KAINIS KA ZAVIER! KAHIT KAILAN TALAGA! HINDING-HINDI AKO MANINIWALA SA PAAWA MO!!!! PAKAWALAN MO ANG ANAK KO! ISA KANG HALIMAW TALAGA!!!!” mabilis na tumayo si Adelaide at lumabas ng kwarto.

Madaling sumunod si Alexius sa kanya. Nanahimik ang lahat saglit habang napayuko naman ang iba.

Okay guys… lahat kayo makinig sa ‘kin.” mahinahong wika ni Baron.

Tumingin ang lahat sa kanya.

Wala na tayong magagawang iba pang solusyon para matapos ang problema na ‘to. Alam na natin kung sino na ang dumakip at alam na natin kung nasaan ang prinsesa ngayon---” napayuko si Baron.

Nananatiling nakatingin sa kanya ang lahat. Mga nasa pagmumukha nila ang pag-aalala at pagkatakot.

Kahit naman si Baron ay hindi na rin maintindihan ang nararamdaman niya ngayon. Muli siyang tumingin sa lahat. “Kailangan nating tulungan ang ating mga air force na pupunta sa mundong Bhingelheim. Sigurado akong mga maiiwan dito para sa ating mundo ay ang mga tao sa buong kontinente. Sila ang magbabantay dito. Nais ko sanang sabihin sa inyo na pupunta ang iba sa atin sa mundong Bhingelheim at isa na ako do’n.”

Nagulat at mas kinabahan ang lahat.

N-Nakakatakot…” nanginginig na wika ni Nathy.

Seryoso ka Baron?! Pupunta kayo do’n?! Hindi mo nga alam kung paano makipaglaban!” mataas na tonong sabi ni Serah.

Anong gagawin natin?! Hindi na lang ba tayo makikiisa sa kanila?! Kakaunti lang ang mandirigma natin para sila-sila lang ang pumunta sa mundong Bhingelheim! Isipin mo, air force at ang mga army lang natin ang pupunta do’n panigurado! Wala tayong mga navy! Kaya gawin na natin ang lahat ng makakaya para sa mundo natin!” mataas na tonong sabi rin ni Baron.

Oh, ‘yun naman pala at dapat noon pa tayo nagsanay kung paano makipaglaban! Saka oo nga! Pupunta nga kayo tapos mga wala naman kayong alam! Kakaunti na nga lang ang kabuuan ng air force at army natin! Nawala pa ‘yung mga navy! Tapos mga wala pa tayong mga tangke at iba pang sasakyan dahil hindi naman ‘yun madadala do’n! Oh, ano na ngayon?!”

Dinaan na lang ni Baron sa malalim na pagbuntong-hininga ang nararamdaman niya.

Dapat noon pa kasi tayo nagsanay! Hindi katulad na lang ng ganito na makikipaglaban na lang tayo na hindi naman tayo marunong at handa!”

Sana lang hindi ito mapunta sa gulo Serah!” mataas na tonong sabi ni Clayden. “Kahit sino! Walang gusto ng gulo!”

Isang napakalaking imposible Clayden! Mangyayari’t-mangyayari din ‘yan! Mga nagkamali tayo! Dahil ang palaging iniisip kasi natin na nandito lang sa ating mundo ang prinsesa nung pawala-wala siya dito! Pero paano na ang ganito?! Paano na?!”

Natahimik ang lahat saglit. Pare-pareho lang silang kinakabahan.

Hinawakan ni Eric ang malamig na kamay ni Nathy. “Sasama ako Baron.”

Napatingin ang lahat kay Eric.

Ikaw Eric?!” pag-aalalang tanong ni Anette sa kanya.

Kaya mo?!” pag-aalalang tanong naman ni Bernard.

Naku! Hindi lang basta-basta ibang planeta ang pupuntahan ninyo!” pag-aalalang wika naman ni Teya.

Ngumiti na lang ng kakapiranggot si Eric habang nakatingin kay Baron.

Kuya Eric…” hinihila ni Nathy ang kanyang kamay. “M-Mag-ingat kayo ah…”

Nakita ni Baron na walang lakas ng loob ang iba na sumama. “Volunteer. Kung ayaw n’yo, maiwan na lang kayo dito.”

Muling napatingin ang lahat sa kanya.

Sasama ako sa ‘yo Beron~! Ikaw pa~! Aheehee~!” umabante si Gweine.

Sasama rin ako!” si Christoph.

Ningitian ni Baron si Gweine at Christoph.

Sasama na rin ako!” si Jonathan.

Kung sasama ka Baron. Dapat ako rin.” si Clayden.

Ako rin.” si Julius. “Marapat na harapin natin ‘to.” diretso ang tingin niya kay Baron. “Huwag tayong sumuko.”

Sige, sasama na rin ako.” ngumiti si Harony at tinanguhan si Mitch.

Mhm.” tumango rin si Mitch habang nakatingin kay Harony. Tumingin sila kay Baron pagkatapos.

Tumango rin si Baron habang tinitingnan ang mga sasama sa kanya.

Kami rin!” hinawakan ni Triny ang kamay Caroline.

Salamat, salamat, salamat.” wika ni Baron. “Wala na ba?”

Nagsitinginan ang mga hindi nagsalita. Hindi na sila kumibo.

O sige, para sa mga sasama! Sumunod kayo sa ‘kin! Sabihin ko lang ang plano ko kay Queen Adelaide!” wika ni Baron at lumabas na ng kwarto. Sumunod na ang mga sasama sa kanya.

Ilang minuto ang lumipas, bumalik na muli sa kwarto si Adelaide habang kasama niya si Alexius. Hawak-hawak niya muli ang telepono at paulit-ulit niyang tinatawagan si Lucius.

Tsk!” inis na wika ni Adelaide. Muli niya itong tinawagan ngunit hindi talaga nito sinasagot. Binaba na niya ang telepono at napaupo sa kanyang upuan. Hinimas niya ang kanyang noo. “Tinawagan ko na rin si Damion… may malubha naman siyang sakit ngayon! Tsk!” kumunot ang kanyang noo at napapikit.

Si Ginoong Damion?!” nagulat at nag-alala si Alexius. “B-Bakit?”

Tumahimik ang lahat saglit.

Nagtinginan na sina Baron at Clayden habang tahimik naman na nasa kanilang likuran ang iba.

Your Majesty, matanong ko lang po kung ano pong gagawin ng air force po natin ngayon?” mahinahong tanong ni Baron.

Hindi muna siya sumagot. “Mga pinag-aaralan na nila ang kanilang mga gagawin sa pagpunta do’n, Baron...”

Nag-alala si Grace para sa kanila. “A-Ahm, m-mag-ingat sila.” mahinang wika niya.

Hinawakan ni Triny ang kanyang kamay. “Mag-iingat tayo pare-pareho.” ngumiti siya.

Your Majesty, gusto lang po namin sanang sabihin sa inyo na napag-isip-isip rin po naming pumunta rin sa Bhingelheim World.” wika ni Clayden.

Tahimik lang ang lahat habang inaantay nila ang magiging reaksyon ni Adelaide.

Sumulyap lang ang mga mata ni Adelaide kay Clayden habang patuloy lang niyang hinihimas ang kanyang noo. “Gusto kong sumama.”

Nagulat silang lahat.

P-Pero… hindi po pwede! Dito lang po kayo.” pag-aalalang wika ni Baron.

Napapikit siya. “Pasensya na… sobra akong nagkamali. Hindi ko man lang kayo pinagsanay kung paano makipaglaban.”

Napatingin sa ibaba si Baron.

Dahil asang-asa tayo na nandito lang si Janella nung simula na mawala siya dito. Pero naisip ko ngayon na… si Zavier yata ang dahilan kung bakit nawawala na lang siya bigla dito.”

Biglang naalala ni Adelaide ang mga sinabi Damion sa kanya.

“…Hindi tayo basta-basta pwedeng sumugod do’n. Iba sila, iba tayo. Naniniwala ako na hindi sila mapapatay ng saksakan o anu-ano pa. Mahirap silang patayin o talunin.”

“…Hindi nga pwede Your Majesty, tingin mo ba madali lang natin sila matatapos? Nang wala pa tayong sapat na sandata, pananggala at armas? Meron nga tayo pero mga pinaglumaan na.”

Sobra-sobra nang nag-aalala si Adelaide. Dumilat siya at tiningnan ang dalawa. “K-Kaya n’yo ba…?”

Tumango si Baron. “Opo.”

Tumango na rin si Clayden. “Kayang-kaya po!” napalunok siya at kinabahan.

Eto… kunin mo ‘to Baron.” kinuha niya ang phone sa kanyang bulsa at inabot ito sa kanya. “Nakita ko ‘to sa aking aparador. Sana magamit n’yo.”

Napatingin sina Baron at Clayden dito. Ngayon lang sila nakakita ng ganitong teknolohiya. Marahang kinuha ito ni Baron mula sa kamay ni Adelaide.

Tagawan n’yo ako kung may kailangan kayo. Tawagan mo rin si Lucius kung maaari.”

Opo.” tumango si Baron.

Napabuntong-hininga si Adelaide at napapikit muli. “Wala na tayong iba pang magagawa. Janella, sana nasa maayos kang kalagayan ngayon… huwag kang mag-alala, parating na ang mga tagapagligtas mo diyan.”

Biglang napaisip si Baron. “Kung si Zavier nga ang dahilan ng pagkakawala ni Princess Janella dito sa palasyo… bakit nakakabalik pa rin naman siya kahit papaano dito ng ligtas? P-Parang iba yata siya para maging isang kaaway namin…? H-Hindi ba?”

Habang sa Mharius naman, marami nang nakain na prutas si Janella. Halos mauubos na nga niya ang mga prutas na nasa basket at mukhang nakalimutan na rin niya ang masamang panaginip na nagpapalungkot sa kanya.

Anoh bah ‘toh Zhavier!” wika niya habang may laman pa ang kanyang bunganga. “Ang shasharap nahman ng mga pinapakain moh shakin nah prutash!” hawak-hawak pa ng magkabila niyang kamay ang dalawang prutas at pareho niya itong sinusubo sa kanyang bibig.

Hm?” lumingon siya sa kanya para tingnan. Gumagawa lang siya ng isda na gawa sa tubig habang pinaiikot niya ito sa stick na hawak-hawak niya. Natawa siya ng marahan nang makita niya si Janella na punong-puno ang bunganga. “Princess, h-huwag kang magsasalita hangga’t may laman pa ang bunganga mo!”

Napatingin si Janella sa kanya at tumigil sa pagnguya. Napangiti siya.

Muling natawa si Zavier at pinahid niya ang duming nakikita niya sa mukha ng prinsesa.

Mabilis na pinahid ni Janella ang kanyang bibig. “Ang shasharap kashi!” at nilunok ang ningunguya. Hirap pa nga siyang ilunok ito sa sobrang dami. “Alam mo ba ‘yun?” at sinubo muli ang magkabilang prutas na hawak-hawak niya.

Napatingin si Zavier sa magkabilang prutas na kinakain ng prinsesa. “May ganyan bang prutas sa Destiny World?”

Umiling si Janella habang nakatingin sa magkabilang prutas. “Walang kashingsharap!”

Napangiti siya. “Madhora at Canus fruits ang kinakain mo ngayon princess.”

Tumango siya. “Ang sharap kaya! Grabeh!” napailing pa siya habang ngumunguya.

Muling gumawa ng isdang tubig si Zavier at pinaikot muli ito sa stick.

Muling kinagat at inubos na ni Janella ang magkabilang prutas na hawak-hawak niya. Pinagpag niya ang magkabila niyang kamay at napatingin sa kabilang pulo.

Sumulyap ang mga mata ni Zavier sa kanya. Bigla niyang naalala ang pinag-usapan nila ni Janella na isa sa hindi niya malilimutan. Ang pagmamakaawa ng prinsesa na sabihin na ang buong katotohanan sa kanyang ina at sa lahat ng mga tao. Nakaramdam tuloy siya ng konsensya na sabihin na ang totoo kay Janella. Napabuntong-hininga siya. “Princess?” pinasabog na niya sa hangin ang ginawa niyang isdang tubig.

Hm?” napalingon si Janella sa kanya habang nakangiti.

May aaminin ako sa ‘yo.”

Tumango si Janella. “O sige, ano ‘yun?” ngumiti muli siya.

Ayoko naman na ilihim ‘to sa ‘yo na…” napayuko siya saglit at tumingin muli sa kanya. “Matagal ko nang nakausap ang iyong ina. Hindi lang siya, pati ang iyong kabalyero na si Jasper.”

Nanlaki ang mga mata ni Janella. Nagulat siya. “T-Talaga?”

Sa totoo lang… matagal nang binabalak ni Everestine na sakupin ang mundo n’yo.”

M-Matagal na?!” nanliit ang kanyang mga mata. “Mga ilang taon ako?!”

Hindi naman sa taon na nakakaraan na princess. Mga limang buwan na siguro ang nakakalipas…”

Kumunot ang noo ni Janella. “Sumugod si Jasper dito… mga nitong araw lang di ba? Bago kaarawan ko! Kasi nung malaman ko na ang nangyari… kaarawan ko na ‘yun e.”

Napatingin sa ibaba si Zavier.

Nung makilala kita! Kinabukasan na ‘yun ng kaarawan ko! Do’n ko na rin nalaman ang tungkol sa pagsakop na ‘yan sa mundo namin!”

Napatingin muli sa kanya si Zavier. “Pasensya na kung hindi kita nabati ng maligayang kaarawan nu’n.”

Bigla siyang natawa. “Ikaw naman! Ayos lang ‘yun! Hindi mo naman alam e!”

Alam ko princess.”

Nagtaka si Janella. “Ha?”

Nahihiya lang ako. Isa pa, hindi ko alam kung paanong pagbati ang gagawin ko sa ‘yo.”

Hahaha!” ginulo niya ang buhok ni Zavier. “Ikaw talaga! Wala ‘yun! Basta ikaw!”

Napangiti ng kakaunti si Zavier habang nakatingin sa kanya.

Oo nga pala, kung tatlong buwan na ang nakakalipas… bakit hindi binalita ni Jasper sa amin na may balak nang sakupin---”

Ni Everestine. Siya ang pasimuno nito princess. Siya ang may gusto… at dahil sa siya ang pinuno dito, napasunod niya ang lahat ng mga La luna… pero hindi niya ako kailanman mapapasunod… pati si tiyo.”

Napangiti si Janella. “O Zavier~!” napatutop siya sa kanyang dibdib.

Alam na ni Zavier ang isasagot niya sa katanungan ng prinsesa kahit na hindi pa ito tapos. “Kasi princess, nung magkausap kami ni Jasper… hindi kasi naging maayos. Muntikan na nga akong matamaan ng torch na hinagis niya sa ‘kin. Pero si tiyo ang sumalo, siya ang napahamak para sa ‘kin. Nung mangyari ‘yun, pinasabog ko na sa hangin ang Sleepy Dust para malimutan na nila ang buong nangyari… Dahil kung hindi… ipapaalam nila ‘yun panigurado sa inyo.”

Bakit mo ‘yun ginawa?! Di ba gusto mo na maging ligtas kami?! Dahil kapag nangyari nga ‘yun sigurado---”

Wala na ako ngayon at giyera na kasalukuyan.”

Ay… oo nga.” napayuko si Janella at napaisip. “Pero bakit hindi man lang sinabi sa ‘kin ni Jasper ang nangyari bago siya sumugod sa mundong ‘to? Bakit hindi niya pinaalam sa amin ang lahat ng ‘to?! Bakit sumugod na lang siya dito nang hindi namin alam?!”

Kaya nawalan na ako ng pag-asa na makausap muli ang nanay mo princess. Gusto ko man pero panigurado magkakagulo lang.”

Naiintindihan ko na.” tumingin muli siya sa kanya.

Nakaramdam ka ba ng inis o galit sa ‘kin?” ngumiti ng kakaunti si Zavier sa kanya.

H-Ha? H-Hindi.” umiling siya.

Di ba sinabi ko na sa ‘yo na ang mga Dia talaga ang may balak na sakupin ang mundo n’yo? Pero ngayon wala na dahil… ‘yun nga si Ahndray di ba?”

Mhm.” tumango si Janella.

Matalik namin silang kaaway… kahit pa nasa iisang mundo lang kami. Kung sino man ang makakasakop ng mundo n’yo, pagmamay-ari lang ‘yun ng nakapagsakop. Tutal kahit isang bato lang naman ang makuha nila, pinagsakripisyo na lang ni Everestine si Ahndray sa Dia para tumigil na sila at para angkinin naman niya ang mundo n’yo.”

Nakakainis naman ‘yan si Everestine.”

Sinabi mo pa princess, mas mahigit pa ang nararamdaman ko sa kanya.”

Biglang naalala ni Janella ang kanyang masamang panaginip.

Umikot ang pinuno ng Dia sa kanya. “Kung ganu’n, kilala mo pala si Princess Janella.”

BAKIT?!!!! MAY MASAMA RIN BA KAYONG BALAK SA KANYA?!!!!”

Huminto ang pinuno at tumingin sa kanya. “Meron, mga inonsente nga naman.”

Kumunot ang noo ni Janella habang iniisip ito. “Zavier, bakit may nagsabi sa panaginip ko na may balak pa rin sila? Sinabi nila ‘yun kay Jasper! B-Bakit ganu’n? A-Akala ko ba tumigil na sila?!”

Kumunot ang noo ni Zavier. “Oo nga princess, tumigil na sila.”

E bakit ganu’n…?” natigilan si Janella. “Hay naku! Di bale, isa lang ‘yung panaginip!”

Tumingin sa kabilang pulo ang binata. “Tumigil na talaga sila princess. Huwag kang mag-alala.”

Tumango na lang ng marahan si Janella at napatutop sa kanyang dibdib. “Alam mo ang swerte-swerte ko talagang tao… Kasi nakilala kita. Hindi ka lang pala mabait, matalino ka rin pala.”

Nahiya si Zavier at napayuko na lang.

Ahm, hindi lang ‘yun! Kumbaga na sa ‘yo na pala ang lahat!” napangiti siya.

Napangiti rin siya at muling tumingin sa kanya. “Mas maswerte ako, princess. Dahil naging kaibigan ko ang taong matagal ko nang pinangarap. Matagal ko na ‘yun hinihiling at ngayon ay natupad na.”

Muling napangiti si Janella. “Maraming salamat din sa ‘yo, dahil kung hindi dahil sa ‘yo… sa pagsisikap mo… h-hindi talaga kita makikilala. Kaya sobra-sobra akong natutuwa sa ‘yo dahil hindi ka kaagad sumusuko sa lahat ng bagay!”

Habang sa Destiny World naman, mga nakasuot na ng sundalo sina Baron at ang iba pang servants na sasama. Mga nasa airbase sila habang kasama nila ang mga sundalo ng army at airmen ng air force na pupunta sa Bhingelheim. Nakatayo sila ng tuwid habang nagsasalita ang chief master sergeant ng air force sa kanilang harapan. Katabi niya ang field marshal na seryoso silang pinagmamasdan. Napagsabihan na niya ang kanyang mga military soldiers kanina kaya ngayon ay mga handa na sila. Mga basang-basa silang lahat dahil sa umuulan ngayon.

Huminga ng malalim si Baron. Kinabahan na naman siya. Alam naman niya na hindi lang siya ang kinakabahan kundi silang lahat. Napalingon siya para tingnan si Clayden. Nakita niya ang binata na nakatayo lang ng tuwid habang seryosong nakikinig at nakatingin sa chief master sergeant.

Mahigpit na hinawakan ni Baron ang armas. “Sana… sana maging maayos lang ang lahat! Puro posibleng masasamang mangyayari sa amin ang mga naiisip ko ngayon! Sana… hindi nila kami makita para walang mangyaring masama sa amin!” mariin siyang napapikit.

Napansin ni Christoph si Baron na natatakot sa kanyang tabi. “Baron! K-Kaya natin ‘to!” pangpalakas-loob niya.

Nananatili lang siyang nakapikit at tumango. “O-Oo! K-Kaya natin ‘to!”

Napahinga rin ng malalim si Christoph dahil sa kaba. Ningitian na lang niya ito at tumango.

“…O sige! Lahat na ay tumungo na sa mga jets!” sigaw ng chief master sergeant.

Biglang nagsilakaran ang mga sundalo. Lumakad na rin ang mga servants.

E-Eto na!” pakabang sabi ni Triny. Napalunok siya habang papunta na sa jet na sasakayan nila.

Kinakabahan rin si Caroline. “Lilipad na tayo.”

Magdasal tayo habang naglalakad…” wika ni Harony.

Hinawakan ni Mitch ang kamay ni Harony at tinanguhan.

Nanlalamig talaga ang mga kamay ni Baron habang nakatingin sa jet. “Sana lahat ng naiisip ko ngayon tungkol sa paglalakbay namin… sana maging imposible! Sana walang mapapahamak sa amin!”

Maiiwan na ako dito Chief Jin.” inabot ng field marshal ang kanyang kamay sa kanya para makipag-shake hands. “Ayon sa ating fleet admiral, mga naghahanda na rin silang lahat sa karagatan. Sana magtagumpay tayong lahat.”

Maraming salamat.” hinawakan niya ang kamay nito.

Princess?” tawag ni Zavier habang nakaupong-tingkayad. Tumingin siya sa prinsesa.

Masayang gumagawa ng kastilyong buhangin si Janella. “Hm? Bakit?” patuloy lang siya sa paggagawa.

Ahm, pyesta namin ngayon.”

Oh?! Talaga?!” napangiti at madali siyang napatingin kay Zavier.

Tumango si Zavier habang nakangiti. “Kaarawan din ng aming diyosa ngayon. Kaya may selebrasyon mamaya---”

Yehey!” napatalon si Janella sa tuwa. “Ang saya-saya naman!”

Napatingala si Zavier para tingnan siya. “…Kaya napaaga rin ang pagdating ko sa mundo n’yo, princess. Dahil hindi kasi ako pwedeng umalis dito mamaya.”

Hahaha! Ayos lang! Sa totoo nga lang masayang-masaya nga ako nung dumating ka ng maaga!”

Natawa siya ng marahan. “Princess, pwede mo ba akong tulungan?”

O sige ba! Ano ‘yun?” napatingin siya sa ibaba para tingnan si Zavier habang nakapameywang.

Maghahanap lang naman tayo ng pwedeng pang-dekorasyon sa kubo namin ni tiyo.”

Pupunta tayo sa kubo ninyo?!”

Mhm.” tumango siya.

Mas natuwa si Janella. “YES!” muli siyang napatalon at napatakbo pa. “YES! YES! YES!”

Nakangiti lang si Zavier habang pinagmamasdan si Janella na tumatakbo sa buhanginan.

Oo nga pala Zavier!” bumalik siya dito at pinakita ang camcorder sa kanya. “Camcorder ang tawag dito!” at tinutok niya ito bigla sa kanya.

Tinaas lang ni Zavier ang magkabila niyang kilay habang nakatingin sa camcorder. “Ahm, a-anong ibig sabihin niyan princess?”

Vini-video na kita! Ahahaha! Smile!”

Ngumiti si Zavier at kumaway.

Hahaha! Siya nga pala si Zavier! Ang aking kaibigan!” tinutok naman ni Janella ang camcorder sa dagat. “Hello guys! Ito nga pala ang Cadmus Sea! Ang ganda di ba?! Pero mas maganda ‘to kapag gabi!”

Kumunot ang noo ni Zavier. “Nakakausap ba ‘yan princess?”

Binaba ni Janella ang camcorder para tingnan si Zavier. “Hindi! Video ‘to! Nire-record nito ang mga ingay na maririnig nito pati ang mga bagay na pinapakita mo!” tumabi siya sa kanya at tinuruan. “Eto! Naka-record siya. Pero kapag ini-stop mo na.” pinindot niya ang stop button. “Nandito lang sa camcorder ‘yung ginawa mong video! Para kahit anong oras pwede mong panoorin ang mga videos na ni-record mo! Tapos pwedeng ulit-ulitin hangga’t gusto!” nakangiting wika niya.

Tumango si Zavier at humanga. “Ang galing naman niyan princess.” napangiti siya.

Alam mo na kung paano gamitin?”

Napakamot siya ng ulo at tiningnan ang mga pindutan. “Oo, sa tingin ko.” ngumiti muli siya habang tumatango.

Eto oh.” at tinuruan ni Janella kung paano gamitin ang bawat buttons.

Ilang minuto ang lumipas…

Si Zavier naman ang nakahawak sa camcorder.

Hello!” kumaway si Janella habang nasa likuran niya ang mga punong malalago. Medyo malayo siya kay Zavier.

Napapangiti si Zavier habang nakatutok ang camcorder sa kanya.

Nandito ako sa Mharius!” luminga-linga siya. “Ang mga puno… ang gaganda di ba? Berdeng-berde ang kulay ng mga dahon nila! Alagang-alaga ni Zavier kasi! Hahaha!”

Natawa rin si Zavier. “H-Hindi naman princess!”

Sus! Nahihiya ka pa e! Ikaw nga ang namamahala sa magandang gubat na ‘to di ba?!”

Nakangiti lang si Zavier.

Oo nga pala! Harley nga pala ang pangalan ng magandang kagubatang ‘to!” nakangiting wika niya. “Sooobraaanggg ganda talaga! Naku! Puro ‘ganda’ na lang yata ang nasasabi ko. Pero anong magagawa ko? ‘Yun ang totoo e! Hahaha! Medyo wala na rin kasi akong masabi sa sobrang ganda!”

Maraming salamat princess!” nagthumbs-up si Zavier sa camcorder.

Oo! Wala ‘yun! O sige, lakbay muna kami ni Zavier! Maghahanap lang muna kami ng magandang pang-dekorasyon para sa kubo nila! Huwag kayong mag-alala, itutuloy namin ang video mamaya!”

Sana maging masaya kayo sa video namin!” nakangiting wika ni Zavier.

O sige! Paalam muna!” kumindat pa siya at kumaway.

Pinindot na ni Zavier ang stop button habang nakatingin sa camcorder. “Ayos na princess!”

Hahaha! O sige! Halika na!” kinuha na ni Janella ang kanyang gitara at tumungo sa gubat.

Madaling sumunod si Zavier sa kanya. Tumabi siya dito habang naglalakad.

Napalingon si Janella sa kanya. Napansin niya na nakangiti ito. Napangiti siya. “Bakit ka nakangiti? Nakakatawa ba ‘yung video ko?”

Napalingon rin si Zavier sa kanya at kinalabit. “Habulin mo ako princess!” at tumakbo.

Hala! Ang daya!” huminto siya sa paglakad. “Dapat ako naman! Palaging ikaw e!” tumakbo na siya habang sinusundan ito.

Hahaha! Hindi mo pa ako nahahabol princess!”

Bagalan mo kasi! May dala kaya ako dito! Tulungan mo kaya akong dalhin ‘to!”

Hahaha!” tumatawa lang si Zavier.

Huwag muna tayo maghabulan!”

Patuloy lang sa pagtakbo si Zavier. “Habulin mo muna ako princess!”

Hay naku!” huminto si Janella at humalukipkip. Tumalikod siya at umalis.

Napahinto si Zavier at tiningnan si Janella na naglalakad. “Princess!”

Naglalakad lang si Janella at hindi niya ito pinapansin. Binaba niya ang gitara sa lupa na dala-dala niya. “Ayoko! Nakakapagod!”

Tumakbo si Zavier patungo sa kanya at bigla niya itong binuhat.

Woah!” nanlaki ang mga mata ni Janella. Sobra siyang nagulat. “Z-Zavier! A-Anong ginagawa mo sa ‘kin?!”

Hahaha!” umikot si Zavier habang siya ay buhat-buhat.

Aaahhh!!!” napapikit si Janella at bigla na siyang natawa. “Tama na! Nakakahilo!”

Tumigil siya. “Akyat tayo sa puno! Gusto ko lang sanang ipakita sa ‘yo ang kabuuan ng pulo ng Mharius!”

Talaga?! Sige ba! Halika!”

Masayang tumungo si Zavier sa isang punong mataas.

T-Teka! Ibaba mo muna ako!” mabilis na ginalaw ni Janella ang kanyang mga binti.

Huminto si Zavier nang nasa harapan na niya mismo ang punong aakyatan nila. “Kumapit ka na princess!”

Madaling kumapit si Janella sa sanga habang inaalalayan naman siya ni Zavier. “Ayos na ako! Salamat! Ikaw naman!” wika niya habang nakakapit sa sanga.

Tumango si Zavier. Nilapag niya ang camcorder sa lupa at mabilis na naging tubig. Mabilis itong gumapang at tumungo sa mas mataas na sanga sa kanya. Mabilis siyang bumalik sa pagiging tao na itsura pagkatapos.

Papikit-pikit ang mga mata ni Janella at medyo napanganga habang nakatingala’t nakatingin kay Zavier.

Masayang inabot ni Zavier ang kanyang kamay sa kanya para tulungan na makaakyat. “Halika!”

Napangiti siya. “Salamat!” masaya niyang hinawakan ang kanyang kamay.

Ilang minuto ang lumipas, ilang sanga na ang kanilang kinakapitan habang si Janella naman ay paugtog-ugtog pa minsan sa mga sanga na hindi niya namamalayan na mauugtugan na pala ng kanyang ulo. Pero kahit paano naman, naging masaya ang dalawa.