30: Into The Village


 

Masayang pinagmamasdan ni Janella ang malawak na bukid habang masaya naman siyang vini-video ni Zavier.

Ang lakas ng hangin kahit saan tayo magpunta! Hahaha!” masayang wika ni Janella habang mahigpit niyang hinahawakan ang salakot na nasa kanyang ulo.

Nakangiti lang si Zavier at tinigil na muna ang pagvi-video. Saglit lang at narating na nila ang mataas na talampas. Nakatayo’t palinga-linga lang si Janella.

Wow! Ang taas natin!” napangiti siya habang pinagmamasdan ang mga puno.

Nakikita mo ‘yun princess?” napaturo si Zavier sa malayo. “Ayan na ‘yung nayon namin.”

Napatingin si Janella sa tinuro niya. “Ah, talaga? Ang liit lang pala!” masayang wika niya.

Oo, pero ang mga naninirahan sa amin ay hanggang do’n sa dagat.” tinuro naman niya ang mga kubo sa dagat. “Nando’n ang kubo ko.”

Wow!” namangha ang prinsesa. Napahawak siya sa magkabila niyang pisngi. “Ang ganda! Nasa dagat ang mga kubo! Ngayon lang ako nakakita ng ganito!”

Napangiti si Zavier. “Magkahiwalay ang kubo namin ni tiyo. Pero mas nananatili ako sa kubo niya kaysa sa ‘kin.”

Kumunot ang noo ni Janella at tumingin sa kanya. “Bakit naman?”

Umiling siya ng kakaunti habang nananatiling nakangiti. “Wala naman… gusto ko lang siya makasama palagi.”

Napangiti ang prinsesa. “Kung ganu’n, bakit pa kayo magkahiwalay ng kubo?”

Sabi niya kasi.”

Ay ganu’n?”

Oo, kaya napilitan lang ako na magtayo ng sarili kong kubo. Para sa kagustuhan lang niya.”

Ngumuso siya. “Nakakalungkot naman…” tumingin muli siya sa nayon.

Halika na princess. Bababa tayo sa matarik na lupain na ‘to.” napatingin siya sa ibaba.

Ha?!” laking gulat ni Janella. “Wala na bang iba pang daan?! Baka pagbaba ko diyan, gumulong-gulong ako!”

Umiling si Zavier. “Pasensya na, hindi ko rin naman na ginusto na dito tayo dadaan. Pero ito lang talaga ang katangi-tangi e.”

Napalunok ang prinsesa habang nakatingin sa ibaba. Nakita niya ang iilang bato na nakabaon sa lupa. Nakaisip siya ng paraan.

O sige, alam ko na. Bababa na ako.”

Huwag kang mag-alala princess, aalalayan din naman kita.”

Inalis ni Janella ang kanyang gitara sa kanyang katawan at nilaglag. Dumulas ang kanyang gitara at napunta ito sa ibaba. Pagkatapos ay umupo siya ng patalikod sa kanilang bababaan. “Zavier, hawakan mo ang aking kamay.”

Mabilis na hinawakan ni Zavier ang kanyang kamay.

Inapakan na ng kanan niyang paa ang isang batong nakabaon habang ang kaliwa naman niyang paa ay inapak na rin niya sa mas mababa namang bato.

Zavier, bumaba ka na lang. Antayin mo na lang ako sa ibaba. Kaya ko na ‘to. Salamat.”

Sigurado ka princess?”

Oo, sige na at bumaba ka na.” binitiwan niya ang kamay ni Zavier.

Nilaglag din ni Zavier ang sako at ang camcorder sa ibaba. Pagkatapos ay naging tubig siya at mabilis siyang gumapang papunta sa ibaba. Muli siyang naging tao habang si Janella naman ay seryoso lang na bumababa.

Habang sina Harony at Triny naman ay hinahanap ang tatlong hindi pa nakakabalik. Sina Eric, Gweine at Jonathan ay mga nakabalik na sa dalampasigan.

Nakahawak lang sa magkabilang braso si Triny habang pinagmamasdan ang kagubatan.

Ang tahimik ‘no?” mahinang tanong ni Harony habang naglalakad.

Oo nga e, nakakatakot.”

Lumingon-lingon si Harony. “Nasaan na kaya sila?”

JULIUS?! BARON?! CLAYDEN?!” malakas na tawag ni Triny sa kanila.

Biglang nagsigalawan ang mga mahahabang halaman na parang may tao sa kabila nito.

Napahinto ang dalawa at sabay tingin sa mga mahahabang halaman.

Triny?! Ikaw ba ‘yan?! Tulungan mo ako dito!” sigaw ni Baron.

Nagulat si Triny. “Si Baron!” mabilis siyang tumungo dito at hinawi ang mahahabang halaman.

Nag-alala si Harony. “Baron?! Bakit anong nangyari sa ‘yo?!” napatakbo rin siya.

Nakita ni Triny na pinupulot ni Baron ang mga prutas sa lupa. Nakita siya nito. “Tulungan n’yo kong pulutin ang mga prutas!” nakangiting wika niya.

Napatutop sa dibdib si Harony at bumuntong-hininga. “Kainis ka naman Baron! Akala ko kung ano na ang nangyari sa ‘yo!”

Natawa si Triny. “Oo nga e! Grabe ka!”

Hahaha! Pasensya na mga ladies!” masayang wika ni Baron.

Napatingin si Triny kay Harony. “Halika! Tulungan natin si Baron!”

Ang tagal kasi ni Clayden! Sabi niya maghahanap lang daw siya ng paglalagyan ng mga prutas! Hanggang ngayon, wala pa rin siya!” reklamo ni Baron. “Buti na lang ngayon, may nakita na akong pwedeng paglagyan.”

Pero alam mo kung nasaan siya?” tanong ni Triny habang pinupulot ang mga prutas at nilalagay sa lalagyanan.

Hindi nga e.” nilagay rin ni Baron ang mga prutas sa lalagyanan.

Napatutop sa dibdib si Harony. “Hala, baka naman…” kinabahan siya at nag-alala.

Napatingin ang dalawa sa kanya.

Ahm, alam ko ang iniisip mo Harony pero ayos lang si Clayden.” nakangiting wika ni Baron. “Walang mangyayaring masama do’n. ‘Yun pa?! Hahaha!”

Oo nga! Tama si Baron!” pangpalakas-loob ni Triny.

Bumuntong-hininga na lang si Harony at napayuko ng kakaunti. Nag-aalala pa rin siya.

Pumunta na si Baron kay Harony at inabot niya ang isang prutas sa kanya. “Tikman mo ‘to.”

Hm?” napatingin si Harony sa prutas. “Anong prutas ‘yan?”

Napailing siya. “Hindi ko nga alam e. Pero tikman mo! Sobrang sarap!”

Talaga lang ha?” kinuha niya ito at tiningnan muna.

Tikman n’yo Triny! Hindi ako nagbibiro! Sobrang sarap talaga!”

Ahm, okay.” tumango si Triny at kinain ang isang prutas na kakapulot lang niya. Kinain na rin ni Harony ang kanya.

Ninguya nila ng sabay ang nakagat nilang prutas. Biglang nanlaki ang kanilang mga mata at tumigil sa pagnguya. Napatingin sila sa isa’t-isa.

Hm?” nagtaka si Baron sa kanilang dalawa. “Masarap di ba?” tanong niya habang palipat-lipat ang kanyang tingin sa dalawa.

Sabay na tumango ang dalawa.

Sabi ko sa inyo e.” humalukipkip siya. “Hindi n’yo titigilan ‘yan hangga’t hindi pa kayo nabubusog. Kaya busog na ako ngayon e! Hahaha!”

Ang sarap! Grabe!” mabilis na kinain ni Harony ang prutas.

Dapat do’n ka na lang Baron sa dalampasigan kumain! Para sabay-sabay tayong kumakain!” wika ni Triny habang mabilis rin niyang kinakain ang prutas.

Hahaha! Pasensya na Triny! Nagugutom na kasi ako e!” hinimas niya ang ulo ng dalaga. “Halika! Dadalhin ko na ‘to sa dalampasigan para makakain na rin sila!”

Yes!” tumango si Triny at kumuha pa ng iilang mga prutas sa lupa at mabilis na nilagay sa lalagyanan.

Habang sa dalampasigan…

Kung nandito lang tayo at walang ginagawa… ano naman kaya ang ginagawa ng mga sundalo natin ngayon?” tanong ni Jonathan habang nakahiga’t nakatihaya sa buhanginan.

Hindi ko alam… baka sasabihan rin sila ni Ginoong Lucius. Hindi kaya?” tanong ni Eric habang siya ay nakaupong-tingkayad sa tabi nito.

Bumuntong-hininga si Jonathan at napahawak sa kanyang noo. “Ano ba ang gusto niyang mangyari?”

Habang si Janella naman ay malapit nang makababa sa ibaba. “Kakaunti na lang!” pinagpapawisang wika niya mula sa kanyang isip.

Inapakan na ng isa niyang paa ang isang mas mababang bato ngunit natanggal ang batong ito. “Aaahhh!!!!” nahulog siya ngunit madali naman siyang humawak sa mga bato.

Princess! Ayos ka lang ba? Kakaunti na lang!” sigaw ni Zavier mula sa ibaba.

Tsk! Alam ko! Pero napapagod na ako! Tutal kakaunti na lang, dudulas na lang ako!”

Princess! Huwag! Maraming bato! Masasaktan ka!”

Binitiwan na ni Janella ang bato at nag-slide.

Mabilis na sumampa si Zavier sa mga bato at kinuha si Janella.

Nakapikit lang ang prinsesa habang pawis na pawis ang noo. Bumaba na si Zavier at pinahiga siya sa lupa.

Nauuhaw na ako… may malapit ba na maiinuman dito?”

Wala princess. Sa nayon pa.” pinunasan niya saglit ang pawisang pagmumukha ni Janella.

Dumilat siya nang punasan ni Zavier ang kanyang pawis. Ngumiti at namula siya ng kakaunti. “Salamat.” marahan siyang umupo. “Natanggal na nga pala sa ulo ko ‘yung salakot… tinangay ng malakas na hangin kanina e.”

Pabayaan mo na ‘yun.”

Bumuntong-hininga siya. “Nakakapanghina Zavier, ngayon lang ako pinagpawisan ng ganito sa mundo n’yo… Sa totoo lang, kanina pa ako nauuhaw… tinitimpi ko lang.”

Nag-alala si Zavier. “Dapat sinabi mo na sa ‘kin kanina, may mga lawa pa naman sa gubat. Sana nakainom ka na do’n.”

Hindi ko na kayang maglakad pa. Ang layo pa ng nayon ninyo.” napayuko siya.

Lumuhod si Zavier sa kanyang harapan at hinawakan nito ang magkabila niyang kamay.

Nagtaka si Janella at napatingin siya kay Zavier.

Pagdikitin mo ang tagiliran ng iyong mga kamay.” mahinahong wika niya.

B-Bakit?” tumagilid ang ulo niya at napatingin siya sa magkabila niyang kamay.

Basta.” nakangiting wika niya. Tinanggal niya ang gwantes sa kanan niyang kamay at tinapat ito sa magkabilang kamay ni Janella. Pumikit siya. Hindi nagtagal ay paunti-unti nang natutunaw at nagiging tubig na ang kanyang kamay.

Ha! Zavier!” nagulat si Janella. “Anong ginagawa mo?!”

Marahan namang hinawakan ng kaliwang kamay ni Zavier ang ilalim ng dalawang kamay ng prinsesa para hindi tumulo ang tubig. Naging tubig na ang kanang kamay niya.

Nanlaki ang mga mata ng prinsesa habang nakatingin sa tubig na nasa kanyang mga palad.

Dumilat na si Zavier. “Inumin mo na princess.” ngumiti siya.

Tiningnan ni Janella si Zavier habang nasa pagmumukha niya ang pag-aalala. “Pero ang isang kamay mo ay…”

Ayos lang ‘yun, huwag kang mag-alala. Uminom ka na.” nananatili lang siyang nakangiti.

Malungkot na tumingin si Janella sa tubig. Inalis na ni Zavier ang kamay niya mula sa ilalim ng dalawang kamay ng prinsesa. Tumulo na ang iilang patak ng tubig. Mabilis nang ininom ito ni Janella.

Ang lamig ng tubig…”

Sapat na ba ‘yun princess? Hindi ka na ba nauuhaw?”

Malungkot siyang tumango. “Ayos na ako. Salamat ha?” ngumiti siya ng kakaunti sa kanya.

Wala ‘yun.” ngumiti muli siya.

Kinuha ni Janella ang gwantes ni Zavier at tumayo. Inabot niya ang kanyang kamay sa binata. “Halika na sa nayon n’yo.” ngumiti siya.

Napatitig si Zavier sa kanya at ngumiti. “Oo.” hinawakan niya ang kamay ng prinsesa at tumayo.

Kinuha muli ni Janella ang kanyang gitara at ang camcorder. Kinuha naman muli ni Zavier ang sako at naglakad na muli sila pagkatapos.

Ilang oras ang lumipas at sa wakas ay narating na din nila ang nayon. Napanganga ng kakaunti si Janella nang makita niya ang mga matataas na bakod. Nagtago sa puno ang dalawa habang nakasilip sila sa gate na nakabukas. Pinagmasdan nila ang mga La luna na palakad-lakad sa loob. Ang iba dito ay mga nagsusugalan pa habang ang iba naman ay mga nagkakabit na ng kani-kanilang mga banderitas. Tabi-tabi ang mga kubong tinitirhan nila.

Tumingin si Zavier sa prinsesa. “Princess, yumuko ka lang habang naglalakad tayo. Huwag kang magpapahalata na tao ka. Dapat hindi ka nila mapansin.”

P-Paano ‘yun?” tanong ni Janella na may halong pag-aalala.

Basta… yumuko ka lang.” kinuha na ni Zavier ang hood ng cloak na suot-suot ni Janella at sinuot niya ito sa ulo ng prinsesa.

O sige, basta magkatabi lang tayong maglalakad ha?”

Oo naman.” ngumiti siya. “Takpan mo ng cloak ang magkabila mong braso princess.”

O sige.” napatingin si Janella sa kanyang damit habang tinatakpan niya ng cloak ang kanyang braso. “Ang dumi ko na pala, baka mapansin nila ako sa itsura kong ‘to.”

Hindi naman, basta sundin mo lang ang sinasabi ko.”

Tumango siya. “Sige, handa na ako.” yumuko na siya.

Mhm.” tumango si Zavier at lumabas na sa puno. Sumunod si Janella at tumabi sa kanya.

Lumakad na sila at pumasok na sa gate. Seryoso lang na naglalakad si Zavier habang katabi si Janella. Pinagmamasdan lang niya ang buong paligid.

Marami silang mga La luna na nadadaanan. Ang iilan sa kanila ay napapatingin sa kanya at sa prinsesa.

Walang kaalam-alam si Janella kung ano na ang nangyayari dahil siya ay nakayuko. “Ah!” bigla siyang nabangga ng isang La luna na tumatakbo. Natumba siya.

Napatingin si Zavier sa La luna na nakabangga sa prinsesa na tumatakbo. Hindi man lang ito huminto at humingi ng paumanhin ngunit naisip rin niya na ayos na rin ‘yun kaysa naman sa baka malaman pa niya na si Janella na ang kanyang kasama.

Aray ko…” nasaktang wika ni Janella habang hawak-hawak niya ang kanyang braso.

Dahan-dahan siyang tinulungang patayuin ni Zavier. “Pagpasensyahan mo na ‘yun princess.” bulong niya.

Nakatayo na siya at lumakad na muli. “Ang sakit. Hindi ko kasi makita kung ano na ang nadadaanan ko e.” bulong rin niya habang nakayuko.

Diretso lang ang tingin ni Zavier habang naglalakad. “Hawakan mo ang aking kamay.”

Napatingin si Janella sa kanyang kamay habang nakayuko at hinawakan. Mahigpit naman itong hinawakan ni Zavier.

Kakaunting lakad na lang princess, medyo malayo pa tayo. Nasa dulo pa kasi ‘yung kubo ni tiyo.”

May katangi-tanging nakatingin kanina pa na lalaki kay Zavier na nakaupo sa barrel habang nakahalukipkip. Naka-hood at naka-coat din ito.

Seryosong tumingin si Zavier dito at iniisip kung sino siya.

Ngumiti lang ang lalaki sa kanya.

Habang sa dalampasigan naman, nakaupo’t nakapabilog ang lahat sa buhanginan. Hanggang ngayon ay wala pa rin sina Julius at Clayden.

Busog na tayo. Sigurado ako sina Clayden at Julius mga gutom pa rin hanggang ngayon. Nasaan na kaya sila?” tanong ni Christoph.

Malay mo, nagde-date sila~?” si Gweine.

Nagseselos ka naman?!” pinandilatan ito ni Christoph.

Hindi ah~! Hmp!” humalukipkip siya.

Nakatingin lang sa papalubog na araw si Baron. “Magdidilim na… gabi na. Nasaan na kaya ang mga sundalo? Baka mamaya… may maririnig na lang kami na sabog ng granada.” bigla siyang kinabahan.

Kina Julius at Clayden naman, mga tahimik lang silang naglalakad sa gubat habang naghahanap pa sila ng iba pang makakain. May napansin na naman si Clayden sa isang palumpong dahil gumalaw na naman kasi ito.

Tumigil siya sa paglakad at tinuro ang palumpong na gumalaw.

Tumigil rin sa paglakad si Julius at tumingin sa kanya. “Bakit?”

Julius!” nakatawa siya habang nananatiling nakatingin sa palumpong.

Napatingin si Julius sa palumpong at gumalaw muli ito.

Biglang nagtago sa puno si Clayden at mabilis niyang hinila si Julius.

Aray ko naman Clayden!” pumiglas si Julius at tumingin siya dito ng masama. “Ano na naman?!”

Baka ‘yun ‘yung manok na hinahabol ko kanina!” nakatawa si Clayden habang kagat-kagat ang kanyang mga daliri.

Bumuntong-hininga siya at sumandal sa puno. Sinilipan niya ang palumpong. “Sigurado ka ba na manok ‘yan? Baka naman patibong ‘yan?”

Tsk! Hindi ‘yan! Maniwala ka sa ‘kin! Oh eto! Kunin mo ‘to Julius! Gamitin mo ‘tong pampukpok!”

Napalingon at napatingin si Julius sa kahoy na hawak-hawak ni Clayden. “Sa nakikita ko, talagang gusto mong kumain ng manok. Hindi ka pa ba nakakatikim ng manok sa buong buhay mo?” marahan niya itong kinuha mula sa mga kamay ni Clayden.

Natawa na lang si Clayden. “Masarap kasi ‘yan e!” nakatawang wika niya habang kagat-kagat pa rin ang mga daliri.

Tumingin muli si Julius sa palumpong. Lumabas na siya sa puno at naglakad.

Pinapanood lang siya ni Clayden.

Papuntang ibang direksyon si Julius.

Eh?!” binaba ni Clayden ang kanyang mga daliri mula sa kanyang bibig. “Julius! Saan ka pupunta?!”

Patuloy lang si Julius at hindi lang niya ito pinapansin.

Nakarating din sina Janella at Zavier sa kubo ng ligtas. Kakapasok lang nila sa loob.

Tiyo.” masayang tawag ni Zavier at niyakap niya ito pagkatapos.

Ngumiti ang kanyang tiyo at hinimas ang likuran nito. “Kumusta anak?” napansin niya si Janella. “Zavier, siya ba si Princess Janella?” mahinang tanong niya.

Opo.” bulong din niya habang nakangiti.

Pinagmamasdan lang ni Janella ang buong kubo. Maliit lang ito at simple lang. Iisa lang ang kama at may iisa ring bintanang nakasara na natatakpan ng kurtina. Iisa rin ang lamesa ngunit malaki habang may mga nakapatong pang iba’t-ibang bagay sa ibabaw nito.

Napangiti ang prinsesa at naglakad. Tinanggal niya ang hood sa kanyang ulo at binaba naman ang gitara sa tabi. Nakita niya ang isang barrel na puno ng malinis at malinaw na tubig. “Wow, grabe talaga kalinis ang tubig dito.” wika niya mula sa kanyang isip habang nakangiti.

Princess.” tawag ni Zavier.

Napatingin sa likuran si Janella para tingnan siya. Nakita niya na nakangiti ito habang katabi ang kanyang tiyo.

Tiyo ko nga pala.”

Ah.” napatingin si Janella sa tiyo nito at ningitian. Nakita niya na matanda na ito, maliit at medyo mataba. “Magandang hapon po!” yumuko siya para magbigay galang.

Natawa ang matanda. “Huwag ka nang yumuko at ako ang dapat na yumuko sa ‘yo.” at yumuko saglit. “Ako nga pala si Arganoth, ang kilalang manggagamot dito sa nayon.”

Napangiti ang prinsesa. “Kinagagalak ko po kayong makilala!” nakangiting wika niya at yumuko muli.

Masaya naman ako dahil magkasama na kayo ng aking anak na si Zavier. Noon na pinapangarap niya at ngayon ay natupad na rin sa wakas!”

Napatingin si Zavier kay Janella ng nakangiti habang nakaupo’t tinitingnan paisa-isa ang mga nakuha nilang pang-dekorasyon mula sa sako.

Napangiti rin si Janella habang nakatingin kay Zavier. “Masaya nga po ako dahil nakilala ko po siya.” mahinang wika niya.

Napangiti rin si Arganoth at sandali niyang tiningnan si Zavier.

Naramdaman kaagad ni Janella ang pagkatuwa ni Arganoth nang makita niya na magkasama na silang dalawa. Bigla niyang naisip ang kinuwento ni Zavier na matagal na nilang kinausap ang kanyang ina at si Jasper. Ngunit binalewala lang nila sila. Nakaramdam siya ng pagkalungkot at pagkaawa habang iniisp ito.

Princess, gusto mo bang kumain?”

Ah, h-hindi na po Tiyo Arganoth!” ningitian niya ito. Napansin niya ang isang plato na puno ng prutas na nakapatong sa malaking lamesa. “Ang yaman po pala talaga ng Mharius sa mga prutas.”

Natawa ng marahan si Arganoth. “Maupo ka.” inusog niya ang upuan para sa prinsesa.

Ah, s-salamat po!” ngumiti muli siya at umupo. Inusog niya ang upuan papalapit sa lamesa pagkatapos.

Kumain ka na princess.” nakangiting wika ni Zavier habang pinaghihiwalay ang iba’t-ibang pang-dekorasyon mula sa sako.

Hindi na, mamaya na lang siguro! Salamat!”

Ngumiti lang si Zavier. Tumayo siya at dinala muli ang sako. “Tiyo, lalabas lang po muna ako saglit. Pupuntahan ko lang po ‘yung kubo ko. Nandito nga po pala nakapatong sa ‘yong lamesa ang mga hiniwalay ko pong mga pang-dekorasyon para sa kubo mo.”

Ah, o sige Zavier! Salamat! Mag-ingat ka!” masayang wika ni Arganoth at umupo sa tabi ng prinsesa.

Mhm.” tumingin siya kay Janella pagkatapos. “Princess, nilagay ko nga pala muna sa paso ang pinatago mong bulaklak para hindi lang malanta.”

Nakatingin lang si Janella sa kanya. “Zavier, akala ko ba maglalagay ka ng dekorasyon dito sa loob ng kubo?” pagtatakang tanong niya sa kanya.

May nalagay naman ako dito kahit na kakaunti pa lang.” wika naman ni Arganoth habang pinagmamasdan ang loob ng kubo niya.

Yes, princess, hindi ko naman kasi alam na nag-ayos na pala si tiyo dito. ‘Yung kubo ko kasi... wala pa talaga. Lalagyan ko pa lang ngayon.”

Nakatingin lang si Janella sa kanya at mukhang gustong sumama. Nasa pagmumukha niya ang pag-aalala.

Ningitian na lang ng kakaunti ni Zavier si Janella. “Dito ka lang muna princess, magpahinga ka muna.”

Ahm…” medyo lumungkot ang kanyang pagmumukha. “O-O sige.” tumango na lang siya at napilitang hindi sumama.

Babalik din ako kaagad.”

Mag-ingat ka.” malungkot niyang wika.

Salamat.” ngumiti muli siya at lumabas na sa pinto.

Tubig.” nakangiting wika ni Arganoth. “Kung gustong uminom, nandito lang ang tubig sa ‘yong harapan.” at inabot ang hating niyog na puno ng malinis na tubig.

Napatitig si Janella sa hating niyog. “S-Salamat po.” marahan niya itong kinuha at naalala niya bigla ang kamay ni Zavier. “Tiyo, maibabalik pa po kaya ni Zavier ang nawala niyang kamay?” malungkot siyang tumingin sa kanya.

Hm? Bakit?”

Napakamot siya ng ulo. “Nauuhaw po kasi ako kanina. Tapos ginawa niyang tubig ‘yung isa niyang kamay para may mainom lang po ako.”

Ah, oo naman.” napangiti si Arganoth. “Maibabalik niya pa ‘yun.”

Talaga po?” napangiti ng kakaunti si Janella. “Mabuti naman po at akala ko hindi na niya ‘yun maibabalik.”

Pwera na lang kung dahil sa apoy ang pagkawala ng kanyang kamay. Hinding-hindi na niya talaga maibabalik ‘yun. Dahil ang apoy ay isang dumi at parang isang lason na rin sa amin kaya hinding-hindi kami pwedeng maapektuhan nu’n. Gawa kasi kami sa napakalinis at sagradong tubig.”

Opo nga po, nabanggit po sa ‘kin ni Zavier na ang kahinaan n’yo nga po ay apoy.”

Pinakita ni Arganoth ang malaki niyang peklat sa braso. “Nakikita mo ‘yan, Your Highness?”

Ah, opo.” tumango siya at marahang hinimas ang peklat habang tinitingnan.

Ayan ang iniwan sa ‘kin ng kabalyero mo na si Jasper.”

Nanlaki ang mga mata ni Janella at napatingin sa kanya.

Isang torch ang hinagis niya kay Zavier, pero ako ang sumalo para hindi siya ang matamaan.”

Napanganga ng kakaunti si Janella. “O-Opo nga daw po, k-kinuwento rin po sa ‘kin ni Zavier ang b-buong n-nangyari po nu’n.” pautal na wika niya. Hanggang ngayon ay hindi pa rin siya makapaniwala sa ginawa ni Jasper. Muli niyang tiningnan ang peklat.

Mabuti na nga lang ay hindi ako medyo naapektuhan ng apoy kaya gumaling din ako kaagad.”

Saka sinasabi rin po ni Zavier na malakas din daw kasi ang inyong katawan.” dugtong niya.

Ah, ganu’n ba?” napakamot ng ulo si Arganoth at napangiti.

Tiyo, may gamot po ba kayo sa ganitong problema o sitwasyon?”

Meron, pero hindi naman talaga ganu’ng nakakapagpagaling kaagad. Katangi-tangi lang ang gamot sa ganitong napakabigat na problema at wala akong gamot na ‘yun dito.” wika niya habang tinitingnan ang kanyang peklat.

Ganu’n po ba? Pero mabuti naman at kahit na ganu’n ay gumaling pa rin po kayo kaagad.”

Oo.” napangiti ng kakaunti si Arganoth. “Hindi lang naman kasi ako ang nag-aalaga sa aking sarili nu’n. Si Zavier rin, bantay sarado nga ‘yun sa akin.”

Napangiti ng kakaunti si Janella sa narinig habang hinihimas ang kanyang peklat. Tumigil na siya sa paghimas at ininom na niya ang tubig sa niyog pagkatapos.

Alam mo ba na pagkatapos ng ilang araw nung makausap namin sina Jasper at ang iyong ina, nawalan na ako ng pag-asa na… hindi ka na namin maliligtas.”

Natigilan si Janella. Marahan niyang pinatong ang niyog sa lamesa at napatingin siya sa kanya para makinig.

Sabi ko nga kay Zavier na tumigil na siya sa plano niya. Pero talagang pinaglalaban niya pa rin talaga ang gusto niyang mangyari dahil siya talaga ang may gusto ng lahat ng ‘to para sa ‘yo. Kaya ako bilang isang tiyo niya, nandito lang ako para sa kanya. Susuportahan ko lang siya sa kung ano man ang gusto niyang gawin. Sumusunod lang ako sa kanya.”

Medyo naluha si Janella sapagkat na-touch siya sa gustong plano ni Zavier na mapapalagay siya sa mabuting kalagayan at sa ikabubuti na rin ng kanyang buhay. Mabilis niyang pinahid ang kanyang luha na tutulo pa lang dahil baka mahalata pa siya ni Arganoth.

Pero ngayon, gulat na gulat talaga ako at hangang-hanga sa aking nakikita. Dahil tingnan mo naman ang ginawa niya? Hindi siya sumuko at kita mo naman na ngayon ay nandito ka na sa aking harapan na parang kailan lang ay nasa pangarap ka lang niya.” napailing siya. “Talagang… pinaglalaban niya ang dapat na ipaglaban.” napangiti siya.

Hindi kaagad nakasagot si Janella. “Patawarin n’yo po sana sina Jasper at si ina, tiyo.”

Naiintindihan ko naman ‘yun.” napangiti muli si Arganoth.

At sana magkaroon na po ako ng lakas ng loob na humingi na ng paumanhin kay Zavier… Sa lahat-lahat ng mga sinabi ko at nagawa ko sa kanya na alam kong nasaktan ko siya ng husto.” hindi na niya napigilan at bigla na siyang naluha.

Nagulat si Arganoth nang makita niya na biglang pumatak na ang luha ng prinsesa. Minasahe niya ang likuran nito. “Tahan na princess. Nakaraan na ang lahat. Wala na ‘yun. Basta ang mahalaga ay nandito ka na.”

Napangiti siya habang pinapahid ang kanyang mga luha. Bumuntong-hininga siya at napatutop sa kanyang dibdib. “Zavier…”

Kumatok muna si Zavier sa pinto bago siya pumasok. “Nandito na ako.” at saka pa lang niya binuksan ang pinto para pumasok sa loob.

Bumilis ang pagtibok ng puso ni Janella nang makita niya ang binata. “Zavier!” napatakbo siya patungo sa kanya at sabay yakap.

Napaatras siya sa lakas ng pwersa ng pagkakayakap sa kanya. Nagulat siya. “P-Princess?”

Hahaha!” tawa ni Janella habang siya ay kayakap.

Nakangiti lang si Arganoth habang sila ay pinapanood.

Nagtataka pa rin si Zavier. “B-Bakit?” marahan niyang hinawakan ang ulo nito.

Hinigpitan ni Janella ang pagkakayakap niya sa kanya. “Mas mahigit pa ang kaligayahan ko kaysa sa kasiyahang nararamdaman mo Zavier! Sobra-sobra ang tuwa ko nang makilala kita at maging isang kaibigan ko!”

Napatingin si Zavier kay Arganoth.

Nakangiti lang si Arganoth sa kanya. “Sinabi ko sa kanya ang talagang pinapangarap mo sa buhay anak!” nakangiting wika niya habang nagkakamot ng ulo.

Bumitaw muna si Janella sa kanya. “Kumusta na nga pala ang isa mong kamay? Nabalik mo ba?” nakangiting tanong niya habang basang-basa na ng luha ang kanyang mukha.

Yes, princess.” tumango siya at ngumiti.

Mabuti naman kung ganu’n!” muli niyang niyakap si Zavier.

Napangiti si Zavier at marahan rin niyang niyakap ang prinsesa.

Sa dalampasigan muli, may mga panggatong na sila na nilagay sa gitna habang nakasindi na ito ng apoy. Mga nakapabilog pa rin sila.

Baron, iligtas na natin si Princess Janella.” hindi na nakatiis si Christoph.

Gusto ko man Christoph, pero dito lang daw tayo…”

Pero hindi pwedeng ganito lang ang gagawin natin dito! Nandito nga tayo para iligtas siya!”

Hawak-hawak lang ni Baron ang phone. “Mas maganda na sumunod na lang tayo.”

Napakamot na lang ng ulo si Christoph.

Biglang nag-ring ang phone. Nataranta pa si Baron sa pagsagot nito. “H-Hello? Si Ginoong Lucius ba ‘to?”

Papunta na ako diyan.”

Nagulat siya dahil alam niya kung nasaan sila pulo. “Huwag ka nang pumunta dito! Puntahan mo na si Princess Janella!”

Huwag kang mag-alala, alam ko kung nasaan siya. Ayos lang siya.”

Paano mo naman nasigurado?” nagulat si Baron at nakaramdam siya ng pagkatuwa. Bumilis ang pagtibok ng kanyang puso. “Puntahan at iligtas mo na siya kung alam mo!”

Binaba na naman ni Lucius ang phone.

Tsk! Binabaan na naman niya ako!” napatingin si Baron sa phone.

Ano daw ang sabi niya?” tanong ni Eric na may halong pag-aalala.

Pupunta daw siya dito.”

Ha?! Bakit?! Anong gagawin niya pa dito?!” pagtatakang tanong ni Christoph.

Makikipagkwentuhan din.” si Jonathan.

Pero sabi niya, ayos lang daw ang ating prinsesa at alam niya kung nasaan rin siya!”

Habang sa dalawang servants

Ang galing mo Julius! Napukpok mo ang manok ng ganu’n-ganu’n lang?!” masayang wika ni Clayden habang hawak-hawak ang manok na walang malay.

Nakataas ang noo ni Julius habang kumakain ng prutas.

Salamat ah!” masayang wika niya.

Anong salamat? Akala mo pinukpok ko lang ‘yan para sa ‘yo? Kakainin nating lahat ‘yan!”

Napakamot ng ulo si Clayden. “Ahehehe! G-Ganu’n ba?”

Oo.” tumingin siya sa kanya. “Gusto mo pa ba ng prutas?”

Oo, sige!”

Eh ‘di kumuha ka. Ako pa ba ang kukuha para sa ‘yo?”

Napakamot na lang muli ng ulo si Clayden. “Ahehehe! Huwag na lang pala! Halika na Julius, bumalik na tayo sa dalampasigan. Magdidilim na.”

Dumating na si Lucius sa dalampasigan at seryoso niyang pinagmamasdan ang lahat. Kumakain lang ng iba’t-ibang prutas ang mga servants.

Masama ang pagkakatitig ni Baron sa kanya. “May sasabihin ka ba sa amin?”

Meron.” seryosong sumulyap ang kanyang mga mata kay Baron. Bumuntong-hininga siya nang makita niya ang kinakaing prutas ni Baron. Napapikit na lang siya. “Alam ‘nyo, dapat hindi kayo kain ng kain dito kung hindi n’yo naman alam kung anong klaseng prutas ang kinakain ninyo. Dahil ang iba kasi dito ay poisonous fruit at ang iba naman ay cursed fruit.”

HAAA?!?!?!” nagulat ang lahat at sabay-sabay nilang pinagdudura ang mga ningunguya nila.

Pweh! Pweh! Pweh!” dura ni Jonathan. “Anong mangyayari sa amin kung poisonous fruit ang nakain namin?”

May mga sintomas. Una, magiging maputla ang mukha, mahihilo at paunti-unting manghihina hanggang sa… alam mo na. Kaya nga poisonous ang tawag.”

HAAA?!!!!” mas lalong kinabahan ang lahat.

Uh-oh…” kinabahan si Harony. Napahawak siya sa kanyang tiyan.

Napatingin si Jonathan kay Gweine. “Gweine! ‘Yung mukha mo!”

Ano ba~?! Huwag ka ngang magbiro ng ganyan~!” sinampal niya ito.

Ssshhh!!! Jonathan! Tama na ‘yan!” pigil ni Baron.

Nagsimula nang mag-ingay ang lahat.

Kaya bawas-bawasan ang pagiging matakaw ninyo!” payo ni Lucius.

Hindi naman kami sa matakaw! Nagugutom na talaga kasi kami!” wika ni Caroline.

Bakit pa kasi kayo nagpunta dito?!” napahawak sa noo si Lucius.

Kasalanan mo rin naman kasi! Hindi mo kasi sinasagot ang mga tawag namin sa ‘yo nung nasa palasyo pa kami! Eh ‘di sana kung nasagot mo, wala kaming problema! Kahit pati ikaw! Hindi ka rin namomroblema!” inis na wika ni Caroline.

Teka-teka! Tama na!” pigil ni Baron. “Ginoong Lucius, masasabi mo ba kung anong klaseng prutas ang nakain namin?”

Hindi muna siya sumagot at napatingin siya kay Baron. “Pahiram ako ng isang prutas.”

Mabilis na kinuha ni Baron ang lalagyanan ng mga prutas. Nanginginig pa siya sa kaba at inabot ito sa kanya. “Ito.”

Napatingin si Lucius sa kanya bago niya kunin ang lalagyanan. Napailing pa siya habang tinitingnan ang mga prutas sa lalagyanan. “Ang sabi ko isang prutas at hindi lalagyanan.” kumuha siya ng dalawa.

Marami kasi ‘yan e! Hindi ko alam kung alin diyan ang kukunin ko!”

Seryosong tinititigan ni Lucius ang dalawang prutas na hawak-hawak niya sa magkabila niyang kamay. “Ang masasabi ko ay…”

A-ANO?!” kinakabahan ang lahat.

Ordinary fruits ‘to. Mabuti na lang.” seryosong wika niya.

Phew!” napahiga si Jonathan. “AKALA KO POISONOUS O CURSED FRUIT NA ANG NAKAIN NATIN!!!”

Kainin mo nga para may kasama kami!” nakangiting wika ni Christoph kay Lucius.

Ayoko nga.” hinagis sa likuran ni Lucius ang dalawang prutas. “Hindi pa rin ako sigurado kung ordinary fruits nga ang mga nakain n’yo.”

HAAA?!!!!”

Kumunot ang noo ni Lucius at mukhang naririndi na siya sa kaingayan nila. “Sasabihin ko naman sa inyo ang sintomas ng cursed fruit.”

Napalunok sila at muling tumahimik at nakinig.

Habang sina Clayden at Julius ay tahimik lang na naglalakad sa gubat. Malapit na sila sa dalampasigan at dala-dala pa rin ni Clayden ang manok.

Magdidilim na Julius! Kailangan na nating magmadali!”

Biglang napaubo si Julius at napaupo.

Nagulat si Clayden. “Julius?” huminto siya at tumingin sa binata.

Nakahawak lang sa tiyan si Julius. “A-Aray…”

Julius!” madali siyang pumunta dito at lumuhod sa harapan. Binaba niya ang manok sa kanyang tabi at hinawakan niya ang balikat nito. “Ayos ka lang ba? Anong nararamdaman mo?” tanong niya na may halong pag-aalala.

C-Clayden… m-mauna ka na.” nakakunot noong sabi niya.

Ha? Hindi ako aalis! Ano bang nararamdaman mo?”

Tsk! A-Aray ko…!” lalo siyang bumaluktot at nabangga ng kanyang ulo ang dibdib ni Clayden.

Malapit na tayo! Aalalayan na lang kita!” patarantang wika niya.

Ugh…a…” nakayuko pa rin si Julius.

Tara!” dahan-dahang tumayo si Clayden habang inaalalayan siyang patayuin.

Anong mangyayari?!!!!” kagat-kagat ni Jonathan ang kanyang mga daliri habang nakatingin kay Lucius.

Natatakot at kinakabahan ang lahat habang nakikinig sa kanya.

Hindi naman ‘yun nakakamatay pero mag-iiba siya ng anyo.”

HA?!!!!” nagulat ang lahat.

Ano naman ang magiging anyo ng nakakain nun?!” si Baron.

Kahit ano. Ang kagubatan na ang bahala kung anong gagawin niya.”

Dahan-dahan lang na naglalakad sina Julius at Clayden habang dala-dala pa rin niya ang manok. Inaalalayan lang siya nito habang nakapikit lang si Julius at mahigpit na hinahawakan ang kanyang tiyan.

Julius, malapit na tayo!”

P-Parang ayaw nang humakbang ng paa ko… Clayden…”

Julius! Nandito na tayo! Malapit na talaga!” pangpalakas-loob niya.

A-Alam… ko… n-nasa gubat pa rin tayo.”

Hindi! Papunta na ‘to sa kanila!”

“…….”

Naramdaman niya na bumigat si Julius at hindi na ito lumalakad. Nawalan na yata ng malay. “Julius?!” pinagpawisan siya. “Julius! Gising!”

Marahan na dumilat si Julius at tumingin sa kanya.

Ha?!” nagulat si Clayden nang makita niya na iba na ang kulay ng mata nito. Nabitiwan niya ito at lumayo sa takot. “A-Ang mga mata mo! A-Anong nangyayari sa ‘yo?!” pautal na wika niya.

Nakabagsak lang si Julius sa lupa. Muli siyang bumaluktot at kahit pati siya ay kinakabahan na din sa sarili. “H-Hindi ko alam…!”

Ilang minuto lang ang lumipas ay nag-iba na ang anyo ni Julius. Lumiit siya at may mga balahibo nang tumubo sa kanyang katawan.

HALA!!!!” nabitiwan ni Clayden ang manok at napahawak siya sa kanyang buhok. “ANONG GAGAWIN KO?!!!!”

Paano mo nalaman Lucius na may tatlong klaseng prutas pala dito? Ordinary, poisonous at cursed fruits?” pagtatakang tanong ni Christoph.

Nanamihik saglit si Lucius at nagkunwaring walang narinig. “Kaya dapat… mag-ingat kayo dito.”

Bumuntong-hininga si Baron at napatingin sa kalangitan. “Magdidilim na! Nasaan na kaya sila Clayden?”

Ilang minuto ang lumipas, wala na silang magawa sa dalampasigan.

May aswang na diyan Triny!” panakot ni Jonathan sa dalaga.

Ha?! Saan?!” kinilabutan si Triny at napalinga.

Natawa si Jonathan.

May lalabas diyan na multo sa likuran mo Harony!” panakot na wika naman ni Christoph.

Biglang gumalaw ang mga mahahabang halaman mula sa likuran ni Harony.

Ha?!” nagulat ang lahat.

Sino ‘yan?!” mataas na tonong tanong ni Lucius. Mabilis siyang tumayo.

Tulong!” sigaw ni Clayden.

Si Clayden ‘yun!” napatakbo si Baron.

Nagulat at nataranta ang lahat na lumapit kay Clayden.

Lumabas na mula sa mahahabang halaman si Clayden. Hinihingal.

Nag-alala si Baron. “Bakit Clayden?! May masakit ba sa ‘yo?! Saan?! Saan?!”

Oh? May dala-dala kang manok. Kakainin natin?” tanong ni Jonathan habang nakatingin sa manok.

Ha?!” nagulat si Triny matapos niyang makita ang dalawang manok. Napatingin siya kay Lucius.

Nakatingin rin sa dalawang manok si Lucius habang ito ay kanyang inoobserbahan. Napansin niya na pareho itong walang malay.

Walang masakit sa ‘kin Baron! Si Julius…” natatakot si Clayden.

Sabi ko na nga ba!” pagalit na wika ni Lucius at siya ay lumapit na kay Clayden. “Nasaan ang kaibigan mo diyan?!”

HAAA?!!!!” nagulat ang lahat at alam na nila ang ibig sabihin ni Clayden.

Julius! HINDI!!!!” naiyak si Triny.

Ito siya…” tinaas ni Clayden ang kaliwang manok na hawak-hawak niya.

Sigurado ka?” masamang tiningnan ni Lucius si Clayden.

Napalunok si Clayden habang kinakabahan. “O-Opo, siya ‘to. May bukol kasi e. Napukpok ko kasi siya kanina.”

Seryoso lang na nakatingin si Lucius sa kanya at hindi niya alam kung maniniwala ba siya.

Opo nga! Si Julius ‘to!” pag-aalalang wika ni Clayden.

Ingatan mo lang ang kaibigan n’yo. Maibabalik pa siya siguro. Pero ang mga La luna lang ang may nakakaalam kung paano.”

Julius!” kinuha ito ni Triny at marahan na hinawakan ang ulo para tingnan. “Juliuuss!!!”

Bumalik na tayo do’n sa pinag-upuan nating pwesto.” utos ni Lucius sa kanilang lahat at muli siyang bumalik dito at umupo.

Sumunod silang lahat at umupo muli sila ng pabilog.

Nilapag ni Clayden ang isang manok sa kanyang harapan. “Nakakatakot naman dito! Hindi ko alam kung bakit naging manok si Julius! Ano bang nagawa niya?! Tsk! Baka maging manok na rin ako nito maya-maya!”

May nakain siya Clayden na cursed fruit!” pag-aalalang wika ni Harony.

Cursed fuit?” kumunot ang noo niya at napaisip. Napanganga siya matapos niyang maisip ang huling prutas na kinain ni Julius. Napahawak siya sa magkabila niyang pisngi. “Hala! Mabuti na lang ay hindi na ako kumain nung pabalik na kami! Inaalok pa naman niya ako kanina!”

Totoo nga ang sinabi ni Ginoong Lucius. Nakakapagpaiba nga ng anyo ang cursed fruit.” wika ni Caroline mula sa tabi ni Triny habang nakatingin kay Julius.

Kakainin pa naman natin sana ‘tong manok na nakuha namin!” mataas na tonong sabi ni Clayden.

Bakit? Eh ‘di lutuin mo sa bonfire!” wika ni Jonathan.

Bakit Jonathan~?! Kasi gusto mong kainin~?”

Kausap ka ba Gweine?!” pumeywang siya.

Napatingin si Clayden sa bonfire. Kumuha siya ng isang kahoy mula sa kanyang gilid at tinusok ito sa manok.

Kailangan natin ng isang La luna na magpapabalik kay Julius! S-Sino naman kaya?!” pag-aalalang wika ni Triny.

Wala na ‘yan! Habangbuhay na siyang manok!” pabirong wika ni Christoph.

Hindi siya magiging manok habangbuhay!” sinampal ito ni Triny. “Hindi ako natutuwa sa biro mo!”

Teka lang! Huwag nga kayong mag-away!” inis na wika ni Lucius.

Habang si Baron naman ay nag-iisip kung sinong La luna ang magpapabalik kay Julius. Naisip niya si Zavier ngunit naiisip din niya na imposible itong mangyari sapagkat alam niya na kaaway nila ito.

Nagulat si Clayden. “Ha?!” nabitiwan niya ang kahoy at napaatras sa bonfire.

Tuloy-tuloy lang ang pagtunaw ng manok sa apoy.

Anong klaseng manok ‘to?!” laking gulat ni Clayden.

Nananatiling nakatingin ang lahat sa natutunaw na manok. Namatay ang apoy at nawala na rin ang itsurang manok nito. Naging itim na lang itong tubig. Lumutang ang Veridian Orb mula dito at nasira ng pira-piraso.

Nanginginig si Clayden sa takot. “A-Ano naman kaya ‘yan?!”

A-Ang liwanag!” nanliit ang mga mata ni Mitch habang tinitingnan ito.

Tuluyan na itong nasira at tumungo na sa itaas.

Woah… parang magic lang!” napanganga si Jonathan.

Habang si Eric naman ay seryosong nakatingin lang sa kalangitan.

Spirits nga lang kasi ang mga nakatira dito! Mga gawa lang sila sa tubig! Hindi ‘yan katulad ng mga manok natin!” inis na wika ni Lucius. “Tumigil na nga kayo!”

Sina Janella at Zavier naman ay nagpunta sa malapit na dalampasigan mula sa nayon. Gumawa sila ng duyan habang nakadugtong ito sa magkabilang puno ng niyog. Kakatapos lang nila gumawa at ngayon ay magkatabi silang nakaupo sa buhanginan nagpapahinga. Nakatingin lang si Janella sa papalubog na araw.

Princess, sana tanggapin mo ‘to.” inabot ni Zavier ang korteng pusong kahoy na ginawa niya para sa kanya. Nakaukit ang pangalan ng prinsesa sa harapan nito habang nakaukit naman sa likuran nito ay ang mga magagandang bulaklak.

Wow! Oo naman! Kahit naman ano tatanggapin ko!” masaya niya itong kinuha. “Puso?” napangiti siya at tumingin kay Zavier.

Tumango si Zavier habang nakatingin din sa pusong kahoy.

Namula siya. “Ahm, salamat ha?”

Di ba nangako ako?” nakangiting tanong niya.

Hahaha! Ikaw talaga! Di ba nabigyan mo na ako? Pangalawa na ‘to!” ginulo ni Janella ang kanyang buhok. “Maraming salamat ah!”

Natawa ng marahan si Zavier. “Mangako ka sa ‘kin na iingatan mo lahat ng bagay na binibigay ko sa ‘yo ah.” nakangiting wika niya.

Oo naman! Alam mo, iniingatan ko naman talaga lahat ng bagay na binibigay mo sa ‘kin e. Dahil ‘yun ay mga mahahalagang bagay na hindi lang basta-basta mawawala sa ‘kin.”

Napangiti si Zavier sa kanya. “Ganu’n ba, princess? Masaya naman ako kung ganu’n.”

Ningitian muna ni Janella ang binata bago muli siya tumingin sa pusong kahoy. “Oo nga pala… napansin ko yata na wala kang nilagay na ‘Princess’ dito sa pangalan ko. Himala ah! Alam ko kasi na hindi mangyayari na basta ‘Janella’ lang ang mauukit dito, lalo pa’t galing ‘to sa ‘yo.”

Tumingin si Zavier sa kahoy na hawak-hawak ni Janella. “Gusto ko man iukit pero naiisip ko kasi na hindi ka naman habangbuhay magiging isang prinsesa. Dahil alam ko at naniniwala kasi ako na magiging reyna ka rin balang-araw.”

Natigilan ang prinsesa at napatingin siya pagkatapos kay Zavier.

Ngumiti lang ng kakapiranggot si Zavier sa kanya. “Di ba?”

Napangiti siya. “Eh ‘di sana ‘Queen Janella’ na lang ang inukit mo! Hahaha!”

Natawa ng marahan si Zavier.

Biro lang! Matagal pa ‘yun siguro mangyayari. Pero maraming salamat talaga dito ah! Sobra ko ‘tong nagustuhan.” tumango si Janella at tinago na niya ito sa kanyang bulsa. Kinuha naman niya ang camcorder mula sa kanyang bulsa at nag-video. “Hay...” bugtong-hininga niya habang nakangiti. “Zavier, ano pa ba ang gusto mong gawin? ‘Yung gusto mo pang mangyari?”

Napangiti muli si Zavier at napaisip. “Wala na princess. Sa tingin ko lahat naman ay natupad na. Isa na lang ang hinihintay ko… Maging isang tunay na tagapagligtas at bayani mo. Para maibalik ang dati at tunay na masayahing ikaw. ‘Yung maging malaya mula sa amin.” nakangiting sagot niya.

Oh.” natigilan at hindi kaagad nakasagot si Janella.

Natawa siya ng marahan at siya naman ang gumulo sa buhok ng prinsesa.

Nagulat ang prinsesa sa ginawa nito. “Hahaha! Gumaganti ka ah!” pinatay na muna niya ang camcorder at nilapag niya muna ito sa buhanginan. Tumayo at tumakbo siya patungo sa dagat. “Maghabulan tayo sa dagat! Hahaha!”

O sige!” masayang tumayo si Zavier at hinabol si Janella.

Masaya silang naghabulan sa dagat. Sinubukan pang lunurin ni Janella si Zavier kahit na alam niya na hindi naman talaga ito malulunod. Ginawa muli ni Zavier ang paghipan ng tubig sa pagmumukha ni Janella na katulad na ginawa niya noon. Habang ganu’n rin si Janella sa kanya. Basang-basa silang pareho ngunit masayang-masaya naman sila.