31: It Is You
Kakaunting oras na lang ay magsisimula na ang pagdiriwang. Inaantay lang nila na lumubog ang araw bago sila magsimula. Siguradong mga naghahanda at nagdadagdag pa ng mga pang-dekorasyon ang mga La luna sa labas ng kanilang mga kubo. Natapos na rin sa wakas ni Zavier ang mga gagawin niya ngayon. Nakapaghanda at nakapag-ayos na siya. Kaya ngayon, wala na siyang iba pang ginagawa kundi kasama na lang niya muli ang prinsesa.
“Hahaha!” tawa ni Janella habang siya ay masayang sumasayaw sa dagat.
Masayang nakatingin si Zavier sa kanya habang siya ay nagduduyan sa ginawa nilang duyan. “Princess… kailan pa kaya ulit tayo magkikita? Nakakalungkot isipin na… ito na ang huling pagsasama natin.”
Nakangiti lang si Janella. Masaya lang siyang sumasayaw habang dinadama ang malamig na hangin na humahalik sa kanyang balat.
“Siguro… nakalimutan mo na princess na ito na ang huling araw ng pagsasama natin. Katulad na nga lang ng pinangako ko sa ‘yo na hindi naman tayo habangbuhay magkasama. Pero nakakalungkot lang dahil naging parte ka na rin kasi ng buhay ko. Mahirap pala talagang mawala ang isang tao o bagay na mahalaga na sa ‘yo. Pero wala akong magagawa kundi… tanggapin ito. Iisipin ko na lang ang mga masasayang ala-ala natin. Dahil kahit na isipin ko lang ang mga ‘yun, mararamdaman ko pa rin naman na kasama pa rin kita kahit na magkalayo na tayo.” nananatili pa rin siyang nakangiti habang pinapanood si Janella. Napansin niya ang camcorder sa buhanginan. Tumayo siya at kinuha ito. Tiningnan niya ito saglit at napatingin muli siya sa prinsesa pagkatapos. May naisip siya bigla.
Ilang minuto ang lumipas…
“Woohoo!” masaya nang nagtatampisaw si Janella. “Ang ganda talaga ng tubig Zavier!” napatingin siya sa duyan na kung saan nando’n ang binata. “Ha?!” kinabahan siya dahil wala na siya dito. “Zavier?!” mabilis siyang umalis sa dagat at madali itong hinanap.
Habang kay Zavier naman, hindi pa niya napapatay ang camcorder na nakalagay sa lupa. Tatayo na sana siya sa punong-kahoy para patayin ito ngunit bigla naman niyang narinig ang tinig ng prinsesa. Nagulat siya.
“Zavier?!” tawag ni Janella. Hinawi niya ang mahahabang halaman at nakita ito na nakaupo. “Zavier! Nandiyan ka pala! Pinag-alala mo ako! Akala ko iniwan mo na ako!” napatakbo siya patungo sa kanya at sabay yakap.
Napangiti si Zavier at niyakap rin ang prinsesa. “Hahaha! Pasensya na princess!”
Napatingin si Janella sa camcorder na nasa lupa. “Oh? Bakit nasa lapag ‘yan?”
“Ahm, nagvi-video lang ako.”
“Ah, ng alin? Ng mga puno?” binitiwan ni Janella si Zavier at kinuha ang camcorder sa lapag. “Nagre-record pa rin ba ‘to?”
“Mhm.” tumango si Zavier at tumayo. Pasimple pa siyang naglakad at bigla na siyang tumakbo. “Habulin mo ako princess! Hahaha!”
“Hala! Ang daya mo! Ang hirap mo kayang habulin!” tinutok niya ang camcorder kay Zavier.
“Hahaha!” tumatawa lang si Zavier at kumaway pa sa camera.
“Kumaway ka pa ah! Hahaha!” tumakbo na rin si Janella at hinabol ang binata.
Naglalakbay sa kagubatan si Lucius. Medyo malayo na siya sa dalampasigan na kung saan nando’n ang mga servants. Nagulat siya nang makita niya ang iilang sundalo na tumba at parang walang mga malay. Madali siyang lumapit sa mga sundalo. Pinakinggan niya ang isa kung tumitibok pa ang puso. Mabuti naman ay tumitibok pa ngunit mukhang nalason sila sapagkat kulay lila na ang labi nito. Inobserbahan niya ang buong paligid. Napupuno ng iba’t-ibang uri ng bulaklak ang mga halaman habang ganu’n rin ang mga puno. Napaisip siya na baka isang patibong ang mga bulaklak na ito. Marahan siyang tumayo at naglakad na papalayo dahil baka malason din siya.
Tinawagan niya ang chief master sergeant ngunit hindi ito sinasagot. Sinubukan niya ulit itong tawagan pagkatapos ng ilang minuto. Sinagot ito ngunit puro hangin lang. Nagtaka siya dahil puro hangin lang ang kanyang naririnig at wala nang iba pa. Napatingin siya sa phone niya at inikot para tingnan kung may sira. Ngunit sa kanyang pag-ikot, napansin niya ang singsing na nakasuot sa kanyang daliri. Napaisip siya kung bakit meron siya nito, ngunit pagkatapos ng ilang minuto ay naalala niya muli ang surprise party na hinanda niya para sa surprise proposal rin niya kay Janella.
“Teka, si Ginoong Lucius nga pala?” palinga-linga na wika ni Jonathan.
“Ha?” luminga si Christoph. “Oo nga ‘no?”
May malay na si Julius. Nasa ibabaw lang siya ng mga binti ni Triny.
“Julius?”
Tahimik na tumingala si Julius sa kanya.
“Babalik ka rin sa tao.” ngumiti siya ng kakaunti at hinimas ang maliit na ulo nito.
“Nasaan na kaya ang mga sundalo?” mausisang tanong ni Clayden.
Nakatingin sa kawalan si Baron. “Nasaan ka na kaya, Your Highness? Hindi ako mapakali. Puro ikaw at ikaw lang ang nasa isip ko ngayon. Sana totoo ngang nasa maayos kang kalagayan ngayon.”
Habang kina Janella at Zavier, bumalik pa sila sa nayon para kunin lang ang gitara. Ngayon ay nasa iba naman silang dalampasigan nanatili. Nakaupo lang sa mataas na bato si Janella habang inaantay si Zavier na dumating. Nakatingin lang siya sa dagat habang yakap-yakap ang kanyang gitara na nakapatong sa kanyang mga binti.
Hindi naman nagtagal at dumating kaagad si Zavier. Punong-puno na naman ng mga prutas ang basket na dala-dala niya.
Napangiti si Janella habang tinitingnan si Zavier sa malayo na papalapit pa lang sa kanya. “Nandiyan na siya!”
Saglit lang ay nakarating kaagad ang binata sa prinsesa. Nilapag niya ang basket sa buhanginan at tumingala para tingnan si Janella. “Princess, kumain ka na.” nakangiting wika niya.
“Ah, mamaya na lang Zavier! Salamat! Dito ka muna sa tabi ko!” masaya siyang umusog.
“Ah, o sige.” umakyat siya at umupo sa kanyang tabi.
Nakangiti lang si Janella habang nakatingin sa kanya.
Napansin na naman ni Zavier ang gitara. Sa totoo lang ay gustong-gusto na niyang itanong sa kanya kung anong klaseng instrumento ito. “Ahm princess, a-ano ba ang tawag sa instrumento na hawak-hawak mo?” nakatitig pa rin siya sa instrumento at mukhang interesado siya dito.
“Ah, ito?” tiningnan ni Janella ang gitara at hinimas. “Gitara ang tawag dito Zavier.” nakangiting wika niya.
“Ahh…” tumango siya. “Gitara? P-Paano gamitin ‘yan?” nahihiyang tanong niya.
“Pakinggan mo ‘to.” pagmamayabang na wika ni Janella at nag-dipa ng kakapiranggot.
Nanlaki ang mga mata ni Zavier nang marinig niya ang tunog ng gitara. “A-Ang ganda ng tunog! Galing!” napangiti siya.
“Ahahaha!” natawa si Janella. “Gusto mong subukan?” nakangiting tanong niya at inabot ang gitara sa kanya. “Ito oh!”
“Ahm…” nahihiyang wika niya. Napayuko siya ng kakaunti at napatingin sa ibaba. “Huwag na lang princess, h-hindi ako marunong e…”
“Dali na! Nandito naman ako para turuan ka!”
Napatingin si Zavier sa kanya. “Ahm… ‘w-wag na! Ikaw na lang.” ngumiti siya.
“Dali na! Huwag kang mahiya sa ‘kin!” nilagay na ni Janella ang gitara sa mga binti ng binata.
Napatingin siya sa gitara at parang ayaw pa niyang hawakan. Natulala siya sa kagandahan ng instrumentong ito.
Nakahawak pa rin si Janella sa gitara. “Hawakan mo na Zavier! Bibitiwan ko na! Mauhulog ‘to!”
“Ah, p-pasensya na!” at mabilis niyang hinawakan.
Inobserbahan niya ang paghawak ni Zavier sa gitara. “Wala kayong ganyang instrumento ‘no?”
“Yes, princess, wala nga.” nakangiting wika niya habang nakatingin sa gitara.
“Oh, dipa na!” nakatawang wika ni Janella.
Nagtaka at napatingin siya sa prinsesa. “A-Akala ko ba… tuturuan mo ako?”
Napakamot siya ng ulo. “‘Wag na lang pala! Hahaha!”
Napakamot ng kakaunti ng ulo si Zavier habang nakatingin sa gitara. “P-Pero hindi ko ‘to alam… paano ba princess?”
“Teka, dapat tama muna ang paghawak mo sa gitara. Dapat kasi nakabalanse ang gitara sa ‘yong hita.” at inalalayang ayusin ito sa mga binti ni Zavier.
Hinawakang mabuti ni Zavier ang gitara at ginawa na niya kaagad ang tamang pagkakahawak ng kamay sa gitara ayon sa nakita niya kanina kay Janella.
“Ayan! Tama ‘yan!” nakatawa si Janella habang nakatingin sa kanyang kamay. “Mag-dipa ka na Zavier!”
“P-Paano?”
“Ganito lang oh!” at nag-dipa. “Strumming ang tawag diyan!” nakangiting wika niya habang nakatingin kay Zavier. “Subukan mong gawin ang D chord.”
“Nasaan dito princess?” tanong ni Zavier habang nakatingin sa gitara.
Nakangiti lang si Janella habang nakatingin rin sa gitara. “Ito.” at pinindot ang tatlong strings. “Pindutin mo ‘to. Huwag mong bibitiwan kasi kapag bumitaw ka, mawawala ka sa tono.”
“Ah, o sige.” tumango siya at ginaya niya sa ibang fret ang D chord.
“Huwag diyan, dito.” kinuha niya ang kamay ni Zavier at pinapindot niya ito sa fret na kung saan do’n siya nakapindot kanina. “Ayan ang tama!”
“Ah.” tumatango lang si Zavier. Susubukan na niya sanang mag-dipa nang bigla namang nag-dipa si Janella.
“Ito, subukan mo ang ganitong dipa.” at nag-dipa siya ng marahan para masundan siya ni Zavier. “Down, down, up, down, down, up, down, down, up, down!” masayang nag-didipa si Janella at tumingin siya sa kanya. “Nakuha mo?”
Tumango siya habang pinapanood lang niya ang kamay ni Janella na nag-didipa. “Yes, princess, nakuha ko.”
“Okay!” tumigil siya sa pagdidipa. “Ngayon, ikaw naman!”
“O sige.” mahinang wika niya at sinubukan niyang gawin ang pagdipa na ginawa ng prinsesa.
“Ayan! Nakuha mo kaagad! Galing!” pumalakpak si Janella.
Nakangiti lang siya habang nagdidipa. Pinapakinggan lang niya ang tunog ng gitara.
“1, 2, and 3, 4, and 5...” sinasabayan lang ng prinsesa ang pagdidipa ni Zavier.
“Ang ganda talaga ng tunog ng gitara princess.”
“Oo nga.” nakangiti lang si Janella habang pinagmamasdan ang kamay ni Zavier. “Alam mo ba na hindi lang ganyan ang tono na magagawa mo, pwede mo pang ibahin ‘yan siyempre.”
Nakangiti lang si Zavier habang pinapakinggang mabuti ang gitara. Napapikit siya.
Napansin ni Janella na ayaw nang tumigil ni Zavier sa pagdipa kahit na paulit-ulit lang. “Oops!” at mabilis niyang hinawakan ang gitara.
Nagulat at bigla siyang napahinto sa pagdidipa. Napatingin siya sa kanya pagkatapos.
“Pahiram naman ako! Aheehee!” nakatawang wika niya.
“Ah, o sige.” masayang inabot ni Zavier ang gitara sa kanya.
“Salamat!” masaya niyang kinuha ang gitara. “E-Ehem! May kakantahin ako, Zavier. Makinig ka ha? Pero bago muna ‘yan, tanggapin mo muna ‘tong sulat ko sa ‘yo.” inabot ni Janella ang kanyang sulat.
Napatingin si Zavier dito. “Isang sulat?” kinuha niya ito at napatingin sa prinsesa. “Salamat.” ngumiti siya at bubuksan na niya sana ang sulat para basahin. Ngunit mabilis siyang pinigilan ng prinsesa bago pa niya ito nabuksan.
“Zavier! Huwag muna! Mamaya na!” namula siya.
Napatingin siya sa kanya habang pakurap-kurap pa ang kanyang mga mata. “O-O sige.” tinago na lang niya ang sulat sa kanyang bulsa.
“Kakanta na ako habang magtutugtog ng gitara. Makinig ka ha?”
“Ang galing naman!” muli siyang ngumiti. “Oo naman, makikinig ako. Pero mas maganda kung papanoorin kita sa ibaba.” bumaba siya sa bato. Umupo siya sa buhanginan habang nakaharap at nakatingin kay Janella.
“Okay!” tumingin na si Janella sa gitara habang nakangiti. Umayos siya ng upo at hinawakan na niya ng mabuti ang gitara. Nagsimula na siyang mag-dipa at napapikit saglit. “Hmmhmm...” sinimulan na niya ang paghimig.
Nakangiti lang si Zavier habang siya ay pinapanood.
When the day we met,
You are my rain while I’m your sunshine.
I thought to myself that maybe someday,
I will understand how you feel.
‘Cause I just need some time to know you more.
But the truth I see in your eyes and your smile,
Never thought that I would overcome such pain and sorrow.
Never thought that having someone like you,
Could be a reality.
Never leaving me alone, you've become my special friend.
When I cry, you wipe my tears.
When I’m alone, you’re always near.
When I’m lost, you give me hope.
You are always there beside me,
Guiding me through such a beautiful forest.
The closer we become, the clearer life gets.
It is you, the key to my happiest days.
The days I feel yellow,
You are my courage to move forward.
You've left me in amazement,
At the sight of your beautiful soul.
I’ve seen your laughter, in a sea of pure gold.
The way you talked and made me smile,
Is more than anybody.
I guess everyone is searching for a special friend like you.
Who you make in unexpected ways,
to make unforgettable bonding moments.
And now you are holding my heart,
There are no more mysteries.
It is you that I have searched for all along.
I trust you with all my heart and soul, till the end of my life.
I feel so lucky to have you by my side.
And I will always be there for you too.
To be your true friend till the end of time…
Tapos nang umawit si Janella. Yumuko siya at pumikit saglit dahil nakaramdam siya ng kakaunting hiya.
“Ang galing mo princess!” magdamag na nakangiti si Zavier. Tumayo siya at pumalakpak.
“Aheehee!” nahihiyang tawa ni Janella. Tumingin siya sa kanya habang nakangiti. “Salamat!” namula siya bigla.
Patuloy pa rin sa pagpapalakpak si Zavier habang nakangiti.
“Yah!” biglang tumalon si Janella sa mataas na bato habang dala-dala ang gitara.
Nagulat ang binata nang biglang tumalon ang prinsesa. “Princess!” nataranta siya at madali siyang lumapit sa kanya para saluhin, ngunit huli na.
Nagkamali pa si Janella ng pagkakaapak sa buhanginan kaya nawalan siya ng balanse. Ngunit madali naman siyang sinalo ni Zavier bago pa siya bumagsak sa buhanginan.
“Aray ko! Sumakit ang aking paa!” mariin siyang napapikit habang nakahiga sa braso ng binata.
“Bakit ka kasi tumalon princess?” tanong niya na may halong pag-aalala.
Natawa na lang siya at napatingin kay Zavier pagkatapos. “Nakakainggit ka kasi e! Nakakababa ka ng ganu’n lang kadali sa mataas na bato! Ginagaya lang naman kasi kita!”
Napabuntong-hininga at napatingin siya sa binti ni Janella. “Ikaw talaga princess, magkakapilay ka pa nito.”
“Hindi ‘yan!”
Tumingin muli si Zavier sa kanya.
Nailang bigla si Janella nang mapansin niya na magkalapit na sila halos ng mukha. “Ahm, tatayo na ako Zavier!”
“O sige.” inalalayan niya itong patayuin.
“Salamat ha?” naramdaman niya kaagad na sumakit nga ang kanyang binti habang siya ay tumatayo pa lang. Mukhang napilayan nga siya ng kakaunti. “Aray!”
Napatingin at muling nag-alala si Zavier sa kanya. “Princess?”
“W-Wala! Ahm, dahan-dahan lang! Hehehe!”
“Dahan-dahan naman kitang tinatayo.”
“Ahmm... a-ang sakit ng binti ko e!” pinagpapawisang sagot niya.
“Sabi ko na nga ba.” mahinang wika niya.
Natawa ang prinsesa. “Okay! Sa susunod, hinding-hindi ko na uulitin! Sorry! Akala ko kasi kaya ko!”
Binitiwan na siya ni Zavier nang makatayo na siya. Ngunit napansin niya na hindi ganu’ng nakaapak ang isang paa ng prinsesa sa buhanginan dahil masakit. Nananatili lang siyang nakatingin dito.
“Ano ba Zavier! Hayaan mo na ako! Ayos lang ako!”
“P-Pero---” napatingin siya sa kanya.
“Hush! Ayos nga lang ako sabi.” ningitian niya si Zavier. Inalis niya ang iilang buhok niya na nakaharang sa kanyang mukha at inipit niya ito sa kanyang tenga. Pagkatapos ay hinawakan na niya muling mabuti ang gitara. “Ahm, Zavier...” napayuko siya.
“Yes, princess?”
“Sa totoo lang, para sa ‘yo talaga ‘to.” at inabot ang gitara sa kanya habang nakayuko. “Pati ang kantang kinanta ko. Ginawa ko ‘yun para sa ‘yo.”
Nagulat at nanlaki ang mga mata ni Zavier. “T-Talaga?”
“Oo.” sumulyap ang mga mata ni Janella sa kanya habang nakayuko.
Nakaramdam ng kakaunting hiya si Zavier. Lumapit siya ng kakaunti sa kanya at marahan niyang hinimas ang ulo nito. “Maraming salamat princess. Nagustuhan ko ang kanta mo.”
“S-Salamat.” paunti-unti nang umaangat ang ulo ni Janella habang nakatingin sa kanya. “Sa ‘yo na ang gitara ko... a-alam ko naman kasi na gusto mo… kaya ibibigay ko na.”
“Ahmm...” napakamot ng ulo si Zavier at inalis ang tingin sa kanya.
“Hahaha! Biro lang! Para sa ‘yo talaga ‘yan... Hindi dahil sa gusto mo pero…” napangiti siya. “Buong puso kong binibigay ‘yan sa ‘yo. Bilang kapalit... s-sa lahat.”
“P-Princess?” napatingin muli siya sa kanya. “W-Wala akong hinahangad na kapalit---”
“Apapapap!” pigil ni Janella sa kanya. “Manahimik ka Zavier.”
Napayuko siya at muling nahiya.
“Para sa ‘yo talaga ang gitara ko at sana ay tanggapin mo. Bilang kapalit sa mga araw na napasaya mo ako ng sobra na talagang… nalilimutan ko lahat-lahat ng mga naiisip ko na nagpapalungkot sa ‘kin. ‘Yung mga sakit at iba pang talagang napapaluha ako. At higit sa lahat, sobra talaga akong natutuwa dahil pinagtiyagaan mo talaga ako. Alam kong napakasama ko sa ‘yo noon. Alam kong nagawa ko pang sigawan ka, sabunutan o bugbugin. Pero ngayon, nandito ka pa rin... nasa harapan ko at isa ko na ngang kaibigan. Hindi ka talaga sumuko... sa gusto mong mangyari sa atin.”
Napangiti si Zavier. “Masayang-masaya rin ako na nakakasama na kita, princess. At mas lalo mo akong napapasaya sa tuwing napapaligaya rin kita.”
Napangiti siya at biglang sumagi sa kanyang isip ang mga masasakit na sinabi niya sa kanya noon. Bigla siyang napayuko at lumungkot ang kanyang pagmumukha. “Ahm, Zavier?”
“Yes, princess?”
“Ipagpaumanhin mo sana ako… sa mga nasabi ko sa ‘yo noon na ayaw kitang makasama, ‘yung ayaw na kitang makita pa. Pero ngayon, nagkamali pala talaga ako…” umangat muli ang kanyang ulo at tumingin sa kanya. “Kahit na ilang araw pa lang tayo nagkikita at nagsasama… naisip ko na… naging parte ka na rin pala ng buhay ko. Ayoko nang umalis pa sa tabi mo at ayoko na ring mawala ka pa sa buhay ko.” napangiti siya ng kakaunti.
Napangiti muli si Zavier.
“At kung maaalala mo pa ang tinanong ko sa ‘yo na kung kailan ba ang huling araw na tutulungan mo ako... ‘yung sasamahan mo ako sa problemang ‘to. Alam ko na nangako ka sa ‘kin na hindi nga tayo magsasama habangbuhay. Sobra-sobra akong nalungkot habang naiisip ko ngayon ang tanong ko na ‘yun.”
Napayuko ng kakaunti si Zavier at alam niya ang sinasabi ng prinsesa.
“Zavier, mangako na tayo sa isa’t-isa na hinding-hindi na tayo dadating sa oras na magpapaalaman tayo sa isa’t-isa. Wala nang huling araw para sa atin. Dahil habangbuhay na tayo magsasama kahit na marami pang dahilan na hindi sa lahat ng araw at oras ay palagi tayong magkasama. Basta ang mahalaga, there’s no goodbye between us.”
Muling tumingin si Zavier sa kanya. Nagulat siya nang makita niyang lumuluha na pala si Janella.
“Pakiusap?” pahikbing wika niya. “H-Hindi ako makapaniwala kung gaano mo ako napasaya, Zavier. Kung paano mo rin tinupad ang mga hinihiling ko noon na sana ay maranasan ko din balang-araw. Katulad na lang ng paglalaro sa dagat na matagal ko nang hinihiling at kung paano ako kumilos dito na parang hindi isang prinsesa. Kundi parang isang ordinaryong tao dahil malaya ako sa ‘yo.”
Napangiti ng kakaunti si Zavier habang nananatiling nakatingin sa kanya habang nakikinig.
“Lubos kong pinagsisisihan ngayon ang mga nasabi at nagawa ko sa ‘yo noon. Sana mapatawad mo ako. Lahat ng iniisip ko sa ‘yo noon ay kabaliktaran pala talaga.” inabot niya muli ang gitara sa kanya. “Kaya sana, tanggapin mo ang gitara ko. Sana naipahawatig ko na rito kung gaano ako nagpapasalamat sa ‘yo, Zavier.”
Napangiti siya ng kakaunti. “Huwag kang mag-alala, lubos kitang naiintindihan noon, princess.” yumuko siya sa prinsesa para magbigay galang. “At buong puso ko ring tinatanggap ang gitara mo.” at marahan niya itong kinuha. “Maraming-maraming salamat.” ngumiti siya.
Habang si Lucius naman ay nananatili pa ring naglalakbay sa kagubatan. Masama ang kutob niya habang hinahanap ang kanilang chief master sergeant na si Jin. Hinawi niya ang mga mahahabang dahon at nakita ang malawak na field. Nakakita na naman siya ng mga iilang sundalo na nakahiga. Nagulat siya at nilapitan niya ang mga ito. Mga wala rin silang malay.
“Tsk!” nainis na siya at wala siyang mapagtanungan kung nasaan na ba si Jin sa pulo. Muli niya itong tinawagan sa phone. Ilang segundo pa ang lumipas bago ito nasagot. Ganu’n pa rin at puro hangin lang ang naririnig niya.
“Chief Jin?! Nasaan na ba kayo?! Bakit hindi kayo nagsasalita?!”
Puro hangin pa rin.
“Tsk!” binaba niya muli ito. “Anong nangyari kaya sa kanya?! Hindi kaya nahuli na siya ng mga La luna?! Hindi pwede ‘to!”
Habang sa mga servants naman, si Harony ay nagsasabi na ng dasal habang tahimik lang silang lahat.
Bumalik na muli sa nayon sina Janella at Zavier. At ngayon ay mga nasa loob na muli sila ng kubo ni Arganoth.
Nagtitimpla lang si Arganoth ng iba’t-ibang gamot sa kanyang lamesa. May hinanda na rin siyang iba’t-ibang kulay ng mga capiz balls kanina na may lamang tubig na ngayon ay nakapatong na sa ibabaw ng kanyang lamesa.
Nakaupo lang si Janella sa kanyang tabi habang pinapanood ito at kinakausap. Habang si Zavier naman ay hinahanda na ang kanilang mga susuotin para sa mamayang selebrasyong gaganapin.
“Tiyo, bakit ang dami n’yo pong capiz balls sa lamesa?” mausisang tanong ni Janella habang pinagmamasdan ang mga capiz balls.
“Isasabit ko ang mga ‘yan sa labas ng kubo ko maya-maya, Your Highness.” wika niya habang patuloy pa rin sa pagtimpla ng mga gamot.
“Ah…” tumango siya. “P-Para saan po?”
“Makikita mo mamaya.” ngumiti si Arganoth.
“Zavier?!” malakas ang pagkatok ni Everestine sa kanilang pinto.
Nagulat silang tatlo sa loob. Tumigil saglit si Arganoth sa pagtitimpla at tiningnan si Zavier saglit. Muling sinuot ni Janella ang cloak hood ni Zavier. Mabilis rin niyang sinuot ang hood sa ulo niya at yumuko pagkatapos.
Madaling pumunta si Zavier sa pintuan at binuksan.
Masamang ningitian ni Everestine si Zavier. “Maligayang pagbalik Zavier! Himala at nandito ka!”
Seryoso lang na nakatingin sa kanya si Zavier. Napatingin siya sa ibaba at hindi na lang sumagot.
Muling pinagpatuloy ni Arganoth ang pagtimpla at nagkunwaring walang naririnig. Sumulyap ang mga mata ni Janella sa kanila at nag-alala.
“Ngayong may pyesta at kaarawan ng ating diyosa ay nandito ka? Dapat hindi ka na lang bumalik! Dapat kung nasaan ka nung mga araw na wala ka dito, dapat nando’n ka na lang ngayon! Tutal may sarili ka namang mundo!”
Nananatili lang na nakatingin sa ibaba si Zavier.
“Umalis ka na muna dito! Pinaiinit mo lang ang ulo ko!” at malakas siyang tinulak ni Everestine.
“?!” natumba siya at masama niyang tiningnan si Everestine.
“Ha?!” tatayo na sana si Janella nang bigla naman siyang hinawakan ni Arganoth sa balikat para pigilan. Napalingon at napatingin siya sa kanya.
Umiling lang siya habang patuloy pa rin sa pagtitimpla.
“Hindi ka kailangan ng ating diyosa Zavier kung palagi kang wala at walang pakialam dito! Mga plano ba natin tungkol sa Destiny World alam mo na ba?! Nung mga araw na kailangan kita wala ka! Tapos ngayon nandito ka?!”
Tatayo na sana si Zavier nang bigla muli siyang itulak nito.
“HUWAG KA NA DITO!!!!”
Gustong-gusto nang pigilan ni Janella si Everestine ngunit naiisip niya na baka magkagulo lang ang lahat dahil baka mahalata siya na isa siyang prinsesa.
“Sinasabi ko na sa ‘yo Zavier, ‘yung dati na palagi kang pinupuri ni Goddess Icarus ay wala na! HINDI KA NA ANG DATING ZAVIER NA KINATUTUWAAN NIYA NOON! HINDING-HINDI NA SIYA NATUTUWA SA ‘YO NGAYON SIGURO KAYA UMALIS KA NA LANG DITO!” lumabas na si Everestine at malakas niyang sinara ang pinto.
Madaling nilapitan ni Janella si Zavier at tinulungan niya itong patayuin. “Zavier, ayos ka lang ba?” pag-aalalang tanong niya.
Tumango siya. “Yes, princess, huwag kang mag-alala sa ‘kin.” tumayo siya at pinagpag ang kanyang damit.
Tinanggal ng prinsesa ang cloak hood mula sa kanyang katawan. “Tiyo, bakit hindi n’yo po man lang siya pinigilan? Tingnan n’yo, nasaktan po si Zavier!”
“Ayos lang ako princess… sanay naman ako. Huwag ka nang mag-alala.” wika ni Zavier.
Patuloy pa rin sa pagtitimpla si Arganoth. “Pasensya na kung hindi ko nagawang pigilan ang aking kapatid. Mas lalo lang niya kasing sasaktan si Zavier kapag ginawa ko ‘yun. Gusto ko man siya pigilan pero lalong ayaw ko naman na mas masaktan si Zavier.”
“Bakit siya ganu’n sa ‘yo Zavier?!” pag-aalalang tanong ni Janella sa kanya.
“Hindi ko alam princess.” mahinang sagot niya.
“Hindi mo alam anak?” tumingin si Arganoth sa kanya. “Inggit kasi ang aking kapatid sa ‘yo.”
Kumunot ang noo ni Zavier habang nakatingin sa kanya.
“Dahil ikaw ang paborito ng ating diyosa. Ikaw lang ang may tanging kakaibang lakas sa amin. Hindi mo ba ‘yun alam?”
Hindi muna siya sumagot at medyo nagulat sa sinabi ng kanyang tiyo. “A-Ako po?” hindi siya makapaniwala.
“Oo.” ngumiti si Arganoth. “Kaya kung mapapansin mo, ikaw ang palaging hinahanap ni Everestine. Lalo na ang kasalukuyang plano nila para sa mundong Destiny. Ikaw ang gagawing pinaka-instrumento nila dahil ikaw ang pinakamalakas sa lahat.”
“P-Paano nasabi ni Goddess Icarus na ako ang pinakamalakas sa lahat?” napatingin si Zavier sa kanyang mga palad.
Napailing na lang si Arganoth habang nakangiti. Muli siyang tumingin sa kanyang tinitimpla.
Hinawakan ni Janella ang kanyang balikat at ningitian. “Inggit pala sa ‘yo ang matandang ‘yun e. Huwag kang maniniwala sa mga pinagsasabi nu’n.”
Ngumiti siya habang nakatingin sa prinsesa.
Padami na ng padami ang mga naglalakaran sa labas ng nayon habang tumatagal. Nakaupo lang sa kama si Zavier habang tinuturuan naman siya ni Janella na mag-gitara sa kanyang tabi. Nakakagawa na ng tugtugin si Zavier habang tuwang-tuwa naman ang prinsesang pinapakinggan ito.
Napapikit si Zavier habang nagdidipa. Napangiti siya sa kanyang naiisip na kanta.
“Ang galing mo nga naman talaga Zavier! Ang bilis mong matuto!”
Dumilat at tumingin siya sa kanya. “Maraming salamat princess!” nakangiting wika niya. “May naisip na rin akong kanta!”
“Talaga? Ang bilis mo naman makaisip!”
Masayang tumango si Zavier. Tumingin siya sa gitara habang nagdidipa.
“Para kanino naman ‘yung kanta?” ngumiti si Janella.
“Para sa lahat.”
Namangha siya. “Wow!” pumalakpak siya. “Sana makapanood ako mamaya.”
“Oo naman, kasama mo naman kami ni tiyo. Kami ang bahala sa ‘yo.”