32: The Festival


 

Gabi na at nagsasabit na sila ng iba’t-ibang kulay ng mga capiz balls sa labas ng kanilang mga kubo. Nasa labas ng kubo si Arganoth at nagsasabit na rin ng kanya. Nagpapalit na si Zavier ng kanyang damit. Nakatayo naman si Janella sa kama habang sinisilip sa bintana ang mga La luna na nagsasabit ng kani-kanilang mga capiz balls sa labas ng kanilang kubo.

Kakaunting oras na lang at magsisimula na ang selebrasyon princess.” wika ni Zavier. Tapos na siyang magbihis. “May ginawa nga pala akong damit para sa ‘yo.”

Napatingin si Janella sa kanya. “Talaga?!” nakatawa siya.

Tumango siya at kinuha niya mula sa kama ang damit. Pinakita niya ito sa kanya. “Lahat kasi nakasuot ng ganito kaya ginawan kita. Para pare-pareho tayo.”

Wah!” nanlaki ang mga mata niya habang nakatingin sa damit. “Akin pala ‘yan?!” masaya siyang bumaba sa kama at hinawakan ang damit na kanyang susuotin. “Ang ganda! Maraming salamat!”

Binigay na ni Zavier ang damit sa kanya. “Walang anuman princess! Sige, magpalit ka na. Lalabas lang ako.” pumunta siya sa pintuan at lumabas.

Yay!” tuwang-tuwa ang prinsesa. “Pakiramdam ko parang isa na rin akong La luna Spirit! Piling ko nabibilang ako sa kanila!” madali niyang tinanggal ang kanyang damit para magpalit.

Ilang minuto ang lumipas…

Zavier! Tapos na ako!” masaya niyang tiningnan ang kanyang sarili.

Binuksan ni Zavier ang pinto at sinilip si Janella sa loob. Napangiti siya.

Hahaha! Ang ganda ng damit! Maraming salamat talaga!” masayang umikot si Janella.

Pumasok siya sa loob at kinuha ang cloak hood. “Suotin mo ulit ‘to princess.”

O sige.” tumango siya.

Si Zavier na ang nagsuot sa kanya at nag-ayos. “Pati itong gwantes ko.” kinuha niya ang kanyang gwantes at inabot sa prinsesa.

Mhm.” kinuha niya ito at sinuot. “Hahaha! Medyo malaki sa ‘kin!”

Kinuha rin ni Zavier ang maskara niya na nakasabit sa pinto at inabot rin ito sa kanya. “Ito rin.”

Napatingin si Janella sa maskara. Tumingin siya kay Zavier pagkatapos.

Kailangan mo ang maskara ko para hindi nila mapansin ang iyong mga mata.”

Ah, oo.” tumango siya at kinuha niya ito. Tiningnan niya ito saglit at sinuot.

Malalaman ka kasi nila na tao kapag hindi umilaw ang mga mata mo mamaya.”

Masayang tumango si Janella. “Naiintindihan ko!”

Pumasok na si Arganoth sa loob at nagmamadali siyang magpalit ng damit. Tinulungan na siya ni Zavier.

Ilang minuto ang lumipas, tapos na siyang magpalit ng damit. Nakatayo lang siya ng tuwid habang si Zavier na ang nag-aayos ng kanyang pananamit.

Maya-maya na tayo lumabas kapag lumabas na ang ating diyosa sa kalangitan.” wika ni Arganoth kay Zavier.

O sige po.” tumango siya. Kinuha niya ang sombrero ni Arganoth sa kama at marahan niya itong sinuot sa ulo niya. “Ayos na po tiyo.”

Salamat.” tumungo muli si Arganoth sa lamesa at pinagpatuloy ang pagtitimpla ng mga gamot.

Zavier…” mahinang tawag ni Janella sa kanya.

Napalingon at tumingin si Zavier sa kanya. “Yes, princess?” ngumiti siya at lumapit dito.

Ahm, babalik na ba ako pagkatapos ng pagdiriwang?”

Tumango siya. “Mhm, dadalhin na kita sa refuge place. May nakita na akong lugar na sigurado akong ligtas ka do’n. Kasama natin si tiyo pag-alis natin mamaya dito.” ngumiti siya.

Ngumiti ng kakaunti si Janella. “O sige.”

Princess, pwede ba sa pangalang Ivory muna kita itawag pagkalabas natin?”

Hm? Oo naman! Ayos na ayos lang sa ‘kin!”

Alam mo naman siguro ang dahilan di ba?” ngumiti muli si Zavier.

Napaisip si Janella kung bakit nga ba. Naalala niya bigla na nililihim nga pala nila mula sa mga spirits na isa nga siyang prinsesa. “Yup!” tumango siya.

Maya-maya ay nagsimula nang magtugtog ng masasayang tugtugin ang mga spirits habang gamit-gamit nila ang iba’t-ibang instrumento. Nakasilip muli si Janella sa bintana habang si Zavier naman ay patuloy na pinag-aaralan ang gitara sa kama. Marami nang mga La luna ang nag-aabang sa paglabas ng buwan.

Nakita na ni Everestine ang buwan habang siya ay nakatuntong sa mataas na bato. Sinenyasan niya ang mga nagtugtugtog na tumigil muna. “MALAKAS NATING ISIGAW ANG PANGALAN NG ATING DIYOSA!!!!” binuka niya ang kanyang mga braso sa palabas na buwan. “GODDESS ICARUS!!!!”

Lumabas na tayo!” masayang lumabas si Arganoth nang marinig niya si Everestine. Sumunod na rin ang dalawa habang dala-dala ni Zavier ang gitara.

Tinaas na ng mga La luna ang kanilang kanang kamay at sinalo ang liwanag ng buwan sa kanilang mga palad. Isa itong blessing para sa kanila.

GODDESS ICARUS! GODDESS ICARUS! GODDESS ICARUS!” sigaw ng lahat habang tinitingnan ang buwan na umaangat.

Tinaas na rin nila Zavier at Arganoth ang kanilang kamay. Sinalo rin nila ang liwanag.

Ahm…” lumingon-lingon si Janella at hindi niya alam kung itataas rin ba niya ang kanyang kamay.

NANDIYAN NA ANG DIYOSANG ICARUS! PANATILIHIN LANG NATIN NA ITAAS ANG ATING MGA KAMAY HANGGANG SA MAKAAKYAT NA SIYA SA ITAAS!”

Patuloy lang na umaangat ang buwan na parang isang araw. Walang kaulap-ulap ang kalangitan. Patuloy lang sa pagsigaw ang mga La luna habang tinitingnan ito.

Tinaas na lang ni Janella ang kanyang kamay at pinagmasdan ang mga La luna. Nabighani siya nang makita niya na umiilaw na ang kanilang mga mata. Mga umilaw na rin ang mga capiz balls dahil natamaan na ito ng malakas na liwanag.

Wow!” napanganga siya habang pinagmamasdan ang bawat capiz ball. “Ang ganda!”

GODDESS ICARUS! GODDESS ICARUS! GODDESS ICARUS!” sabay-sabay lang nilang sinisigaw ang pangalan ng kanilang diyosa.

Napatingin si Janella kay Zavier. Nakita niya na tahimik lang ito habang nakangiting nakatingin sa buwan.

ISANG MALIGAYANG KAARAWAN PARA SA INYO GODDESS ICARUS! GANITO PO NATIN IPAGDIDIWANG ANG IYONG KAARAWAN KASABAY NG PIYESTA NATIN NGAYON!” sigaw ni Everestine.

Nasa itaas na ang buwan at sabay-sabay silang nagpalakpakan habang nakatingin sila sa buwan.

Napangiti si Janella habang nakatingin sa buwan. “Ganito pala sila kapag kaarawan ng kanilang diyosa. Lahat sila ay mga nasa labas at sasalubungin ang paglabas ng buwan!”

Humarap na si Everestine sa mga La luna. Muli niyang binuka ang kanyang mga braso. “NGAYON AT KASAMA NA NATIN ANG ATING DIYOSA! ORAS NA PARA SIMULAN NA ANG PAGDIRIWANG!”

Nagpalakpakan muli ang lahat habang may kasama itong hiyawan. Muli nilang pinagpatuloy ang masasayang musika.

Mga naglakad na ang mga La luna at medyo sumikip na ang daanan. Dahil nagpunta na sa iba’t-ibang palaruan ang iba habang ang iba naman ay nag-aabang na sa iba’t-ibang palabas na gaganapin maya-maya.

Anak, susunod na lang ako sa inyo. Pupuntahan ko lang muna si Everestine.” wika ni Arganoth.

O sige po.” nakangiting wika ni Zavier.

Ingatan mo siya ha?” ngumiti siya ng kakaunti at tumingin siya kay Janella.

Pinagmamasdan lang ni Janella ang buong paligid.

Opo naman.” tumango ang binata habang nakangiti.

Sige! Magpakasaya kayo!” naging tubig na si Arganoth at mabilis na umalis.

Halika na Ivory.” ngumiti si Zavier sa kanya.

Napatingin si Janella sa kanya. “O sige!” tumango siya.

Lumakad na siya habang katabi ang prinsesa.

Hindi na nakakaramdam ng takot si Janella. Dahil pakiramdam niya ay parang mga tao lang din ang mga nakikita’t nakakasama niya ngayon. Napangiti siya habang pinagmamasdan ang iba’t-ibang La luna na nakakasalubong niya sa paglakad.

Makikiraan po!” masayang sigaw ng bata mula sa kanyang likuran na tumatakbo.

Mabilis na nagbigay ng espasyo si Janella para sa batang dadaan.

Hahaha!” sumunod naman ang isang batang humahabol sa kanya.

Hindi mo ako kayang habulin! Hahaha!”

Napatingin si Janella sa dalawang batang naghahabulan. Napangiti siya. “Zavier, bakit nga pala ang hirap mong habulin?”

Napangiti si Zavier habang nakatingin rin sa dalawang bata.

Ang daya mo.” sinikuhan niya ang binata.

Kumuha na po kayo ng pulseras na yari sa kahoy! Pares po ito! Ibigay n’yo po ang isang pares sa kaibigan o mahal n’yo sa buhay!” sigaw ng isang matandang babae mula sa tapat ng kanyang kubo. Mga nakatambak lang ang mga pulseras sa bilaong nasa lapag. “Sumisimbolo po ito ng pang-habangbuhay na pagsasama!”

Narinig ito ni Janella at napahinto siya sa paglakad. “Zavier! Saglit lang! May babalikan lang ako!”

Huminto rin si Zavier. “Ah, o sige. Aantayin kita dito.” ngumiti siya.

Mabilis na bumalik ang prinsesa sa matanda at tiningnan ang mga pulseras sa bilao.

Kumuha ka iha.” ngumiti ang matanda sa kanya.

Ah opo! Salamat po!” lumuhod siya at pumili siya ng magandang pares.

Nakangiti lang ang matanda habang pinagmamasdan ang kanyang bilao. “Swerte ‘yan.”

Tumayo na si Janella habang hawak-hawak niya ang magkapares na pulseras. “Maraming salamat po!” yumuko siya para magbigay galang at mabilis na bumalik kay Zavier.

Makikiraan po! Magbigay po tayo ng espasyo para po sa mga sasayaw!”

Mabilis na umusog ang mga dumadaan para magbigay ng espasyo sa gitna.

Zavier?!” nag-alala na si Janella dahil ang dami nang mga spirits sa paligid. Hindi na niya alam kung saan sa kanila si Zavier dahil pare-pareho sila ng damit.

Dito Ivory!” madaling hinawakan ni Zavier si Janella sa kamay at sabay takbo.

Wah!” napatakbo si Janella at napahawak sa hood niya na nasa kanyang ulo.

Madaling sumingit si Zavier sa mga spirits na nakaabang para sa sayaw na gaganapin maya-maya.

Makikiraan po sa inyo!” wika ni Zavier. Mahigpit lang siyang nakahawak sa kamay ng prinsesa habang sumisingit. Lumingon pa siya sa likuran para tingnan si Janella. Nakayuko lang ito habang hawak-hawak pa rin ang hood.

Zavier!” tawag ni Arganoth sa kanya.

Tiyo?!” luminga-linga siya habang hinahanap si Arganoth.

Zavier! Dito!”

Narinig niya si Arganoth mula sa kanan kaya napatingin siya sa kanan.

Dito kayo Zavier!” nakangiti lang siya habang pakaway-kaway pa sa harapan ng entablado.

Patuloy pa rin sa pagsingit ang mga spirits kaya pasikip na ng pasikip.

Antayin mo po kami diyan tiyo!” nahihirapan na si Zavier.

Nagtutulakan na ang iba.

A-Aray ko!” nasaktang wika ni Janella.

Napatingin muli sa likuran si Zavier para tingnan ang prinsesa ngunit ang sumalubong sa kanyang paningin ay ang dalawang tiyan ng dalawang malaking spirits na nakaharang sa pagitan nilang dalawa. Pero mabuti na lang ay magkahawak pa rin sila ng kamay kaya hindi sila magkakawalaan. Tumingala siya at tiningnan ang dalawang ito.

Ahm, makikiraan po.” wika ni Zavier sa dalawa.

Napatingin sa ibaba ang dalawa para tingnan si Zavier. “Paano ka namin mabibigyan ng daan? Wala na nga kaming mauusugan dito oh!” reklamo ng isa.

Zavier?!” tawag ni Janella mula sa kanilang likuran.

Walang nagawa si Zavier kundi bitiwan ang kamay ni Janella. “Ivory! Diyan ka lang! ‘Wag kang aalis! Pupuntahan kita diyan!”

O sige!”

Mabilis na naging tubig si Zavier at gumapang sa paanan nila. Naging tao na muli siya nang makarating na siya sa harapan ng prinsesa.

A-Ang sikip Zavier!” hawak-hawak pa rin ni Janella ang kanyang hood.

Do’n tayo kay tiyo! Nasa harapan siya kaya maluwag do’n!”

Nagtulakan na naman ang mga spirits mula sa likuran ni Janella.

Aray ko!” nabangga ni Janella si Zavier.

Napaatras naman si Zavier at nabangga ang dalawang malaking spirits mula sa kanyang likuran. Tumingala siya para tingnan ang dalawa dahil alam niya na magagalit ito sa kanya.

Sabay na tumingin ang dalawa kay Zavier. Masama ang pagkakatitig nila sa kanya.

Nagtutulakan sila kaya ko kayo nabangga! Pasensya na!”

Seryoso lang na nakatingin ang dalawa sa kanya.

Ningitian na lang ito ni Zavier.

Marahang tumingin na muli sa harapan ang dalawang spirits at inabangan na muli ang mga sasayaw.

Kailangan na natin pumunta kay tiyo. Pasikip na ng pasikip.” wika ni Zavier kay Janella.

O sige.” wika ni Janella habang nakadikit ang kanyang ulo sa dibdib ni Zavier. Hindi siya makalayo o makausog sapagkat sobrang siksikan sila.

Ilang segundo na lang bago magsimula ang Carribean Dance!” sigaw ng tagapagsalita mula sa gitna ng entablado.

Woooohhh!!!!” naghiyawan ang karamihan. Mas lalo silang nasabik na mapanood ito. “Maganda ‘yan!”

Panay ang lingon ni Arganoth dahil baka makita niya sina Janella at Zavier.

Makikiraan po sa inyo!” wika ni Janella habang sumisingit.

Umusog kayo!” umusog ang isang spirit.

Salamat po!”

Ivory, nandito na tayo sa harapan!” sumingit pa si Zavier sa isang spirit at nakita na niya ang tali na nakaharang mula sa espasyo na nagsilbing entablado ng mga sasayaw.

5! 4! 3! 2! 1! At ngayon na po magsisimula ang CARRIBEAN DANCE!!!!” sigaw muli ng tagapagsalita.

WOOOOOHHHH!!!!” malakas nang naghiyawan ang mga spirits.

Tumingin sa buwan ang tagapagsalita. “Para po ‘to sa inyo Goddess Icarus! Sana po ay masiyahan at magustuhan n’yo ang pinaghandaan nilang sayaw para sa kaarawan n’yo!”

Malakas na nagpalakpakan ang mga spirits.

Tiyo!” tawag ni Zavier nang makita niya si Arganoth.

Napalingon siya at nakita niya si Zavier. “Sige Zavier! Diyan na lang kayo! Hindi naman tayo ganu’ng magkalayo! Basta nakikita ko lang kayo ay ayos na sa ‘kin!” ngumiti siya.

Masayang kumaway si Janella sa kanya habang katabi si Zavier.

Nagsimula nang magtugtog ng mga native instruments ang mga tagapagtugtog habang lumalabas naman paisa-isa sa magkatapat na kubo ang mga sasayaw. Mga lalaki at babae sila habang mga nakasuot sila ng Tahitian costumes.

Nagpalakpakan muli ang lahat.

Habang kay Lucius naman, nasa dalampasigan muli siya at kasama niya muli ang mga servants. Nagulat at natakot ang lahat nang sabihin ni Lucius ang masamang balita.

A-Anong nangyari sa mga sundalo natin?! Bakit nagkaganyan sila?!” pag-aalalang tanong ni Caroline.

Kaya nga sinasabi ko nga sa inyo na wala talaga kayong mapapala dito! Bakit pa kasi kayo nagpunta dito?! Sinabi ko nga na ako na ang bahala dito diba?!” mataas na tonong tanong ni Lucius.

Nainis si Christoph. “Ano ka ba?! Si Princess Janella ang kailangan nating hanapin at iligtas dito Ginoong Lucius! Nandito siya sa delikadong mundo! Paano kami na hindi pumunta dito?! Tingin mo ba ginusto naming pumunta dito?! Takot nga kami e!”

Kasalanan mo rin ‘to Ginoong Lucius! Hindi mo kasi sinasagot ang mga tawag namin sa ‘yo! Hindi sana kami nandito kung nasagot at nasabihan mo kami na huwag nang pumunta pa dito!” mataas na tonong sabi ni Mitch.

Masama ang pagkakatitig ni Lucius sa kanila. “Pero ako ang kabalyero ni Princess Janella---”

Pero hindi ibig sabihin na sa ‘yo na lang kami aasa!” banat ni Jonathan. “Depende ‘yun sa gagawin mo! Kung sa pagsagot na nga lang sa mga tawag namin ay hindi mo pa masagot! Palpak na palpak ka para maging isang kabalyero niya! Pinapakita mo rin kasi sa amin na parang wala kang pakialam sa nangyayari!”

Oo nga! Tapos ngayon, naiinis ka sa amin dahil nandito kami?! May pakialam lang kami sa nangyayari! At kailangan na namin kumilos! Wala na kaming tiwala sa ‘yo!” mataas na tonong sabi ni Christoph.

Wala na kayo sa trabaho ko! Alam ko ang ginagawa ko!” mataas na tonong sabi ni Lucius habang dinuduro pa ang kanyang sarili.

Gusto lang naman namin na tumulong! Alam mo ba ‘yun?!” nainis si Harony. “Saka isa ka lang! Kaya mo ba silang lahat?!”

Oo! Malakas talaga ako!” sagot ni Lucius. “Ako ang pinakamalakas na tao sa lahat! Alam n’yo ba ‘yun?!”

Ang yabang mo~!” si Gweine.

Sana pinakita mo sa amin! Dahil wala naman kaming nakikita sa ‘yo! Dahil puro ka lang salita!” si Caroline.

Oo! Sabihin n’yo na lahat sa ‘kin! Wala akong pakialam kung magalit kayo sa ‘kin! Matutuklasan n’yo rin ang lahat sa huli! Tandaan n’yo, hindi n’yo pa ako kilala!”

Hindi na sila sumagot ngunit masama pa rin ang loob nilang lahat sa kanya.

Ngayon wala nang sundalo! Ano na ang gagawin natin ngayon~?!” pag-aalalang tanong ni Gweine sa kanya.

Lucius, pakiusap… iligtas mo na siya!” pagmamakaawang wika ni Baron.

Ano pa kasi ang inaantay mo?!” inis na inis na talaga si Caroline.

Bumuntong-hininga si Lucius at pinilit na maging mahinahon. “Inuulit ko, alam ko ang ginagawa ko. Huminahon nga kayong lahat! Tsk!”

Natapos na ang unang sumayaw at masaya silang umalis sa harapan ng mga nanonood. Namangha si Janella at malakas siyang pumalakpak habang ganu’n rin ang lahat na may halo pang hiyawan.

Sumunod naman ang pangalawang sasayaw. Nakasuot ng patadyong ang mga babae habang mga naka-barong tagalong naman ang mga lalaki. Hawak-hawak naman ng dalawang lalaking La luna ang dalawang mahabang kawayan.

Woohoo! Maganda ang sayaw na ‘to! Paborito ko ‘to!” sigaw ng isang spirit na malakas na pumapalakpak.

Tinikling! Tinikling! Tinikling!” masayang sinisigaw naman ng iba.

Yumuko muna ang mga sasayaw sa mga manonood bago sila nagsimulang sumayaw ng tinikling.

Nakangiti lang si Zavier habang sinasasabayan niya sa isang pwesto ang steps ng lalaking sumasayaw sa kawayan.

Napatingin si Janella sa kanya. “Alam mo ‘yan kung paano isayaw?” nakangiting tanong niya.

Masaya siyang tumango. “Yes, princess!”

Wow naman! Eh ‘di dapat sumali ka pala sa kanila!”

Natawa siya ng marahan.

Ilang minuto ang lumipas, natapos na rin ang pangalawang sumayaw. Mas malakas ang palakpakan pati ang hiyawan ng mga tagapanood.

Napangiti si Zavier at lumusot siya sa ilalim ng tali. Pumunta siya sa gitna nang umalis na ang mga Tinikling dancers.

Nagulat si Janella nang makita ang binata sa gitna. “Zavier?! Anong ginagawa mo?! Bakit ka nandiyan?!”

Tumigil silang lahat sa pagpalakpak nang makita nila si Zavier sa gitna ng entablado. Nagtaka at nagtinginan sila sa isa’t-isa.

Sinimulan na ni Zavier na maggitara. Ngumiti siya habang nakatingin sa instrumento.

Namangha silang lahat sa tunog ng gitara dahil first time lang din nila itong narinig. Napapalakpak na sila habang sinasabayan nila ito sa tugtog.

Tumingin na si Zavier sa kanila habang nakangiti.

Lumingon-lingon si Janella at pinagmasdan ang mga spirits na pumapalakpak. Natawa siya at pumalakpak na rin. Tumingin muli siya kay Zavier habang nakangiti.

 

We all seem stuck when the light goes off.

Like we’re walking through a thick cloud of smoke.

You may feel like giving up,

Like there is no reason to keep going.

 

Namangha ang mga nagtutugtog sa pag-awit ni Zavier. Ngunit nakulangan sila sa instrumentong naririnig dahil gitara lang ang tumutunog. Sinubukan ng isang spirit na sabayan si Zavier kaya nagtambol siya sa kanyang mga native drums. Mas gumanda at mas nagkaroon nga ng buhay ang performance nito kaya lumikha na rin ng mga tugtog ang iba pang mga tagapagtugtog para mas lalo pa itong magkaroon ng buhay. Mas lalong ginanahan ang mga tagapanood kaya ngayon ay mas malakas na silang pumapalakpak.

 

But now here’s to us,

To bring happiness and peace.

Life is like a song,

We live to the rhythm as we write along.

 

Napapasayaw na ang mga nanonood kay Zavier habang sinasabayan pa rin nila sa pagpalakpak ang tugtugin. Masaya nila itong pinapanood.

 

Everybody is here tonight,

You must live, and never let failure to defeat you.

Tonight is so magical!

Hearing the sounds of heartbeats all around!

 

Pinutol na ni Zavier ang tali na nakaharang sa kanila at hinagis niya ang gitara sa ibang pwesto. Mabilis siyang naging tubig at mabilis na nagpunta sa babagsakan ng gitara. Naging tao muli siya at sinalo ito. Patuloy pa rin siya sa paggigitara. Naghiyawan ang mga spirits at sinakop nila ang maluwag na espasyo sa gitna. Masaya silang sumayaw.

 

We could stick around,

For just one more dance, yeah!

Come on clap your hands.

While dancing into the moon with joy!

 

Masayang tumuntong si Zavier sa bubong ng isang kubo. Sina Arganoth at Janella naman ay masaya lang na sumasayaw sa gitna habang kasama na din nilang sumasayaw ang mga Carribean at Tinikling dancers.

 

Raise your glass tonight!

 

YEAH!” sabay-sabay na naging baso ang kanilang mga kamay at sabay-sabay rin na tinaas sa hangin. Napatingin si Janella sa lahat habang nakatawa.

 

Here’s to us!

Here’s to the moon!

Here’s to everyone!

Here’s to you!

 

Hahaha!” tuwang-tuwa si Arganoth habang kaharap si Janella.

Sayaw lang po!” masayang wika ng prinsesa habang sumasayaw.

Biglang sumulpot si Zavier sa harapan niya at sinayaw siya bigla.

Woah! Hahaha!”

Nakatawa lang si Zavier habang sinasayaw siya.

 

Fill the glass! To everyone!

 

YEAH!” sabay-sabay silang lahat.

Anong ingay ‘yun?” napalingon si Jonathan at napatingin sa gubat.

Parang nagdiriwang sila.” wika ni Triny.

Napalunok si Baron at kinabahan.

Oh, my~! Baka si---” natakot si Gweine.

Ayan na naman kayo. Manahimik na nga lang kayo!” inis na wika ni Lucius.

Ano ka ba?! Baka iba na ‘yang pinagdiriwang nila! Baka napatay na nila ang ating prinsesa kaya sila nagdiriwang!” pakabang sabi ni Caroline.

Hindi mangyayari ‘yun, mag-antay kayo… pupuntahan natin siya maya-maya.” wika ni Lucius habang nakatingin sa apoy.

Ha?! Kung ngayon na lang kaya! Dapat nga kanina pa!” si Christoph.

Nanliit ang mga mata ni Lucius habang nananatiling nakatingin sa apoy. “Gusto ko lang na bigyan pa siya ng kakaunting oras na makasama siya.”

HA?!!!! SINO?!!!!” natakot at kinabahan na naman ang lahat. “ANONG IBIG MONG SABIHIN?!!!!”

Masamang ngumiti si Lucius. “Makikita n’yo rin…”

HERE’S TO US!” sabay-sabay itong sinigaw ng mga spirits. Malakas silang nagpalakpakan pagkatapos habang naghihiyawan.

Hiningal si Janella habang magkahawak sila ng magkabilang kamay ni Zavier. Ngumiti siya habang nakatingin sa mga mata nito.

Ngumiti rin si Zavier habang nakatingin rin sa kanya.

Pumapalakpak lang si Arganoth habang nakatingin sa kanilang dalawa.

Gulat na gulat si Everestine sa pinakitang performance ni Zavier. Hindi niya ‘yun inaasahan at kahit sino naman. Nakita niya na naging masaya ang mga nanonood at mga napasayaw pa niya ang lahat.

Naglakaran at nagpuntahan muli sa iba’t-ibang palaruan ang mga spirits.

Zavier.” tinapik ni Arganoth ang balikat nito. “Iwanan ko na kayo.” ngumiti siya.

Ngumiti at tumango si Zavier. “O sige po tiyo.”

Napabilib mo kaming lahat.” nakangiting wika niya.

Napayuko at nahiya siya habang nakangiti. “Masaya naman po ako kung ganu’n.” muli siyang tumingin sa kanya.

Zavier! Do’n muna ako saglit sa kubo ng tiyo mo. Pwede ba?” ngumiti si Janella. “Pahinga lang ako saglit.”

Narinig ni Arganoth ang sinabi ng prinsesa. “Ah o sige!” tumango siya. “Samahan ko na kayo.” lumakad na siya patungo sa kanyang kubo.

Malapit lang naman ang kubo nito kaya nakarating sila kaagad. Binuksan na ni Arganoth ang pinto para sa kanila.

Maraming salamat po.” masayang wika ni Janella kay Arganoth. “Uhm Zavier, saan ka pupunta?” mahinahong tanong niya.

Dito lang din ako para samahan ka.”

Ah, ganu’n ba? O sige!” masaya siyang tumango.

Pumasok na ang dalawa sa loob.

Sige anak, iwanan ko na kayo.” marahang sinara na ni Arganoth ang pinto.

Tinanggal ni Janella ang maskara. Dumiretso siya kaagad sa kama at umupo. “Zavier, ang ganda ng performance mo! Ang ganda mong kumanta! Mas magaling ka na ring maggitara sa ‘kin! Alam mo ba ‘yun?!” masayang wika niya.

Napangiti siya. “Maraming salamat princess.”

Pwedeng pahiram ako ng gitara?” nakangiting tanong ng prinsesa.

Oo naman, bakit naman hindi?” masayang inabot ni Zavier ang gitara sa kanya.

Salamat!” masaya niya itong kinuha at nagdipa.

Zavier?” tawag ng isang babae na kumakatok sa pinto.

Nabosesan ni Zavier ang kumakatok. Binuksan niya ang pinto.

Kumusta? Ang galing mo ah.” nahiyang ngiti niya.

Nagulat siya at bigla siyang nahiya. “Ayos naman ako, s-salamat nga rin pala, Delilah.” ngumiti siya.

Patuloy lang sa pagdipa si Janella habang pinapakinggan ang pag-uusap ng dalawa.

Inabot ni Delilah ang kanyang kamay sa kanya para makipag-shake hands. “Ngayon lang kita nakausap, kinagagalak kitang makilala.”

Ako rin.” nakipag-shake hands rin si Zavier sa kanya.

Ahm, pwede ba tayo mag-usap?”

Tumagilid ang ulo ni Zavier at hindi muna siya sumagot. “O-O sige.”

Hahaha! Siguro napipilitan ka, dito lang naman tayo sa labas ng kubo. Halika!” umalis na siya sa pintuan.

Lumabas na si Zavier at marahang sinara ang pinto.

Patuloy lang sa pagdidipa si Janella at tiningnan niya saglit ang nakasaradong pinto.

Sumandal si Delilah sa pader ng kubo. “May gusto lang sana akong sabihin sa ‘yo…”

Sumandal rin si Zavier habang nakatingin sa kanya.

Napatingin sa ibaba si Delilah at mukhang nahihiya pa. “Alam mo ba na gusto kitang maging kaibigan simula pa lang?”

Talaga?”

Oo, pero nahihiya kasi ako sa ‘yo saka natatakot din ako.” tumingin siya kay Zavier.

Saan ka natatakot?”

Seryoso ka kasi e. Saka si Ginoong Everestine, ayaw niya kasi akong ipalapit sa ‘yo, hindi ko naman alam kung bakit. Masama yata kasi ang loob niya sa ‘yo. Tama ba?”

Bumuntong-hininga siya at tumingala na lang para tingnan ang buwan.

Hindi lang pala ako ang nilalayo niya sa ‘yo, kundi kaming lahat. Alam mo ba ‘yun?”

Hindi, pero nahahalata ko naman.”

Lalo na kapag wala ka dito, kung anu-ano na ang sinasabi niya sa ‘yo sa amin. Galit- na galit siya.”

Pumikit na lang si Zavier.

Ahm… Zavier, balita ko mamaya na tayo susugod sa Destiny World at ikaw ang magiging instrumento namin sa pagdakip sa prinsesa mula sa kanyang palasyo. Ganu’n ang plano ayon kay Ginoong Everestine.”

Hindi na lang siya sumagot.

Ang sarap naman sa pakiramdam nu’n dahil pinagkakatiwalaan ka ng pinuno natin. Sana ganu’n rin siya sa ‘kin.”

Tumayo at sumilip si Janella sa bintana para tingnan ang dalawa. Nakita niya na magkatabi ang dalawa habang nakangiti pa si Delilah. Madali siyang bumaba sa kama at muli niyang sinuot ang maskara. Binuksan niya ang pinto.

Zavier!” tawag ni Janella sa kanya.

Napatingin ang dalawa sa kanya.

Oh, Ivory!” napangiti si Zavier at nilapitan siya. “Ayos ka na ba?”

Oo!” tumango siya. “Halika na!” hinawakan niya ang kamay nito at hinila.

Napalingon si Zavier para tingnan si Delilah habang nakatingin rin siya sa kanila.

Sino nga pala siya?” mausisang tanong niya.

Halika na Zavier!” tumakbo na si Janella habang hila-hila ang binata. Malikot niyang pinagmamasdan ang bawat palaruan na nadadaanan nila. “Pinwheel!” masaya siyang lumapit dito at tiningnan ang mga pinwheels na umiikot. Yari ang mga ito sa matitigas na dahon.

Ngumiti lang si Zavier at marahan niyang hinipan ang isang pinwheel.

Napatingin si Janella sa kanya saglit. Pinagmasdan naman niya ang mga spirits na dumadaan pagkatapos. Napatingin muli siya sa mga pinwheels at pasimple niyang tinanggal ang kanyang maskara. Hinipan niya ang katabing pinwheel na hinipan ni Zavier. Pumikit na lang siya at baka mapansin pa ang kanyang mga mata na hindi umiilaw.

Ilang oras ang lumipas, marami na silang napanood na iba’t-ibang sayawan at palabas. Sobrang namangha si Janella sa fountain show nila sapagkat ang tataas ng tubig at nahahaluan pa ito ng iba’t-ibang kulay. Sumabog rin mula sa kalangitan ang tubig at nagmukha pa itong fireworks. Kumikinang ang mga ito dahil natatamaan ito ng liwanag na nagmumula sa buwan. Naglaro din ang prinsesa sa iba’t-ibang palaruan kahit na hindi siya pamilyar sa mga laro. Halos nalilimutan na nga rin niya na nasa ibang mundo na nga pala siya sapagkat nakikipaglaro na siya sa mga batang spirits na naglalaro sa palaruan. Masayang-masaya naman siya sapagkat palaging nasa tabi lang niya si Zavier kahit saan siya magpunta. Kaya kahit na anong gawin niya dito ay mababantayan naman siya nito. Hindi na siya natatakot at alam niya na ligtas naman siya.

At hanggang ngayon ay patuloy pa rin ang pagdiriwang sa nayon. Dinala naman siya ni Zavier sa gubat, na kung saan silang dalawa lang ang nando’n.

Tinanggal na ni Janella ang maskara at pinagmasdan ang mga puno. May mga nakasabit na mga capiz balls sa mga sanga habang ito ay mga umiilaw.

Ang ganda…” namangha na naman si Janella.

Napatingin rin saglit si Zavier sa mga capiz balls na nasa puno habang nakangiti.

Parang alam ko ‘tong nilalakaran natin ngayon. Parang ito ‘yung kay Mr. Rogre.”

Yes, princess.” pumitas siya ng isang bulaklak at inipit niya ito sa tenga ni Janella.

Nagulat at napatingin si Janella sa kanya. Hinawakan niya ang bulaklak.

Napangiti si Zavier habang nakatingin sa kanya.

Ilang minuto ang lumipas at narating din nila ang kanilang pupuntahan.

Nandito na tayo!” masayang wika niya habang tinatakpan niya ang mga mata ni Janella.

S-Saan? Alam ko ba ‘to?”

Inalis na ni Zavier ang kanyang mga kamay mula sa magkabilang mata ng prinsesa. “Maligayang pagbalik dito princess!”

Marahang dinilat ni Janella ang kanyang mga mata at nakita niya kaagad ang Nereus Falls. Napahawak siya sa magkabila niyang pisngi habang nakatingin sa talon. Malakas ang pagbuhos ng kulay asul na tubig na kumikinang-kinang pa.

WOW!” marahan siyang tumingin kay Zavier habang nananatiling nakahawak sa magkabila niyang pisngi.

Di ba nangako ako sa ‘yo?” ngumiti siya.

Hahaha!” namula si Janella at bigla niyang niyakap si Zavier. “MARAMING SALAMAT!!!!” medyo naluha pa siya dahil sa sobrang tuwa.

Natawa siya ng marahan. “Marami ka nga palang bisita na nag-aantay sa ibaba.”

Masaya siyang bumitaw sa kanya. “Ibig sabihin bababa ulit tayo?!” tanong niya habang nakatawa.

Oo.” tumango si Zavier.

YES! Dali! Bumaba na tayo!”

Ilang minuto ang lumipas at ngayon ay nasa ibaba na sila. Masayang tumatakbo si Janella habang natatawa naman si Zavier sa kanya.

Woohoo!” bumalik si Janella sa kanya. Hiningal siya. “Ang laki ng pinagbago! Mas lalong gumanda! Sino nagsabit ng mga capiz balls sa puno? Ang dami! Kaya sobrang liwanag!”

Ako ang naghanda nito, princess. Pinaghandaan ko talaga ‘to para sa ‘yo.”

Natigilan siya. “M-Maraming salamat talaga!” yumuko siya.

Wala ‘yun. Isa rin itong espesyal na araw para sa atin.”

Muling natigilan si Janella at muling namula. “Espesyal na araw… para sa ating dalawa?”

Tumango si Zavier. “Halika na sa tulay.” masaya siyang lumakad habang patungo sa tulay.

Teka lang! Tanggalin ko na muna ‘yung gwantes at cloak hood mo sa ‘kin!” mabilis niya itong mga tinanggal at nilapag niya ang mga ito sa tabi ng isang puno kasama ang maskara. Madali siyang sumunod kay Zavier at tinabihan niya ito sa paglakad. Pinagmasdan niya muli ang buong paligid.

Ang ganda talaga!” sobra siyang namamangha. “Hindi ko inaasahan ‘to Zavier! Hindi ko alam na gagawin mo ‘to! Wala akong kaalam-alam!”

Natawa lang siya ng marahan.

Mga gising na silang lahat!” masayang pinagmamasdan ng prinsesa ang mga isda na nagtatalunan sa lawa.

Sila ‘yung mga bisita mo princess.”

Ah!” tumango siya. “Hello sa inyo mga fish!” kumaway pa siya. “Nakakatuwa naman sila panoorin! Ang gaganda rin ng mga mata nila ‘no?!”

Pinagmasdan rin ni Zavier ang mga isdang nagtatalunan.

Pinaghandaan na pinaghandaan mo talaga ah. Ang laki talaga ng pinagbago! Tapos lalo pang gumanda kasi ang lakas ng liwanag ng buwan ngayon! Ang laki ng naitulong ng liwanag sa Nereus Falls! Kaya nakita ko kaagad nung nasa taas pa lang tayo!”

Patuloy pa rin niyang pinagmamasdan ang buong paligid. Malapit na sila sa talon. Nakita muli niya ang mga mushrooms sa hagdanan na umiilaw habang nagse-sway pa. Umakyat na sila ng hagdan at nakita muli niya ang malaking lawa. Mga gising na rin ang mga isda dito.

Lumuhod si Janella at pinagmasdan ang mga lumalangoy na isda. “Kitang-kita ko ang mga isda.” marahan niyang hinaplos ang tubig at tumingin sa talon pagkatapos. Napangiti siya habang pinapanood ang pagbuhos nito.

Princess?”

Hm?” napatingin si Janella sa kanya.

Marahang inabot ni Zavier ang kanyang kamay sa kanya. “Gusto ko lang sana na makasayaw ka ulit. Maaari ba?”