33: One Last Moment
Hindi inaasahan ni Janella ang ganitong pangyayari. Biglang bumilis ang pagtibok ng kanyang puso. “Oo naman!” masaya niyang hinawakan ang kamay ni Zavier at tumayo.
Napangiti si Zavier. Bumaba siya ng hagdan habang hawak-hawak ang kamay ni Janella. Dumiretso sila sa tulay at pumwesto sa gitna nito. Tumingin si Zavier sa mga mata niya habang ganu’n rin si Janella sa kanya. Ngumiti siya at marahan na siyang nag-sway. Pa-waltz muli ang ginawa nilang sayaw.
Napapasunod si Janella habang iniiwasan naman niyang tumingin sa kanyang mga paa kaya nananatili lang siyang nakatingin sa mga mata ni Zavier. Napangiti si Zavier at inikot siya.
Lumutang ang mga isda sa mahabang lawa at sabay-sabay silang naging mga tubig.
Napatingin si Janella sa mga isdang tubig. “A-Anong ginagawa mo sa kanila, Zavier?” luminga siya.
Ngumiti lang si Zavier at muli siyang inikot.
Umikot muli si Janella at pagharap niya ay iba na ang kanyang kasayawan. Tubig ito na korteng tao. Nagulat siya at hinanap niya kaagad si Zavier. Nakita niya na ginagawa niyang mga korteng tao ang mga isda at pagkatapos ay pinagsasayaw niya rin ang mga ito sa tulay.
Pinaikot na ng kasayawan si Janella at sinalo naman siya ng iba. Hinanap niya muli si Zavier ngunit ang dami na kaagad na sumasayaw. Tiningnan niya ang kasayawan niya at nakita niya ang hawig na itsura ni Zavier. “Z-Zavier? Ikaw na ba ‘yan?”
Ngumiti lang sa kanya ang korteng taong tubig.
Ngumiti lang si Janella habang nakatitig sa kanyang mga mata. Napaisip siya na hindi si Zavier ang kanyang kasayawan ngayon. Napabuntong-hininga na lang siya. “Alam mo, sa totoo lang… sana tao ka na lang, Zavier. Nakakalungkot din kasi dahil isa ka lang tubig. Isang spirit.”
Nakatingin lang ito sa kanya habang sumasayaw.
“Pero basta ang mahalaga ay… nandiyan ka lang palagi sa ‘kin… Pero mas masaya kung magiging tao ka. Kung sakaling bigyan ako ng isang kahilingan, hihilingin ko na maging isa ka nang tao. Sana nga magkatotoo para kahit saan, kahit anong oras… palagi tayong magkasama.”
“Naiintindihan ko, princess.” kumulay tao na ang tubig at si Zavier nga ang kanyang kasayawan. “Sana nga mangyari ‘yun.”
Nagulat at nanlaki ang kanyang mga mata. “Hala! A-Akala ko hindi ikaw si Zavier!” namula siya. “Hahaha! Nakakahiya!”
“Huwag kang mahiya, dahil sumasang-ayon rin ako sa sinabi mo. Gusto ko ring maging tao para walang humahadlang sa atin.”
Biglang lumungkot ang pagmumukha ni Janella at tumango.
Ngumiti na lang muli si Zavier nang mapansin niya ang malungkot na pagmumukha ng prinsesa. “Tahan na princess, huwag ka nang malungkot. Ito ay espesyal na araw para sa ating dalawa baka nalilimutan mo na. Bawal ang malungkot at dapat nagsasaya tayo ngayon.”
Natawa ng kakaunti si Janella. “Pasensya na!” ngumiti siya.
Ngumiti rin si Zavier bago muli niya pinaikot ang prinsesa. Sinalo na muli siya ng iba.
Mabilis na gumapang si Zavier patungo sa malaking lawa ng talon. Gumawa siya ng mataas na tubig sa gitna ng lawa na tila bang fountain ang itsura nito at do’n siya tumuntong pagkatapos. Nakatingin lang sa kanya si Janella habang nakangiti.
Nagkumpas sa hangin si Zavier at nagkaroon pa ng iilang fountains sa lawa.
“Wow!” napanganga si Janella.
Dinadaan sa sayaw ni Zavier ang pagkumpas niya sa tubig. Masaya siyang sumasayaw habang kasama niyang sumasayaw ang mga fountains. Kumorteng tao pa ang ibang fountain habang sumasayaw rin.
“Ang galing!” nakatawa ang prinsesa habang pinagmamasdan ang mga fountains na sumasayaw.
Pinaikot na siya ng kanyang kasayawan at binitiwan. Tanging si Janella lang ang nasa gitna ng tulay habang napapalibutan siya ng mga sumasayaw. Tuwang-tuwa naman siya habang pinapanood silang lahat.
Binilog ni Zavier ang iilang tubig sa lawa at hinagis niya ito sa hangin. Sumabog ito sa hangin at parang naging isang fireworks. Pagkatapos ay naging mga ibon ang papabagsak na tubig at lumipad ito patungo sa prinsesa.
Pumalakpak si Janella habang nakatingin sa mga ibon na umiikot sa kanya. Nagsama-sama silang lahat at kumorteng tao ito pagkatapos. Sinayaw niya ang prinsesa habang dinadala siya nito sa hagdanan ng malaking lawa. Pinaikot na siya at si Zavier na muli ang sumalo at sumayaw sa kanya.
“Zavier! Bakit ang galing-galing mo?! May taglay ka na ngang katangian tapos napakatalentado mo pa! Saan ka pa?! Na sa ‘yo na talaga ang lahat!” masayang wika ni Janella.
Natawa si Zavier. “Hindi naman ako siguro ganu’ng napakatalentado, princess! Mahilig lang talaga ako sumayaw!”
“Ano ka ba?! Hindi lang kaya sa sayaw ka marunong! Ang dami pa! Pati ang imahinasyon mo! Malawak pagdating sa mga ganito!”
Natawa ng kakaunti si Zavier at nakaramdam siya ng hiya. “Maraming salamat!” dinala niya si Janella sa kaduluhan ng lupa at do’n siya binitiwan.
Lumangoy si Zavier at sumisid sa ilalim ng mahabang lawa. Nilagyan din niya ito ng mga fountains at naglikha pa siya ng iba’t-ibang hayop na sumasayaw pa sa ibabaw ng katubigan.
Sinubukang apakan ni Janella ang lawa dahil gusto niyang makasamang sumayaw ang mga tubig na hayop ngunit lumulubog ang kanyang paa. Biglang umahon si Zavier sa kanyang harapan at dinala siya sa lawa. Nagulat ang prinsesa at mahigpit niyang hinawakan ang kanyang kamay. Napatingin siya sa tubig na ngayon ay naaapakan na niya. Namangha siya at natuwa.
Tuwang-tuwa naman si Zavier habang pinagmamasdan siyang nakatawa. Nagpadulas siya habang inaalalayan naman niyang dumulas si Janella.
Dumudulas-dulas si Janella sa tubig habang nakahawak lang siya sa kanya ng mahigpit. “Hahaha!” nakatawa siya habang nakatingin sa lawa. Tumingin na siya sa mga mata ni Zavier pagkatapos. “Zavier! Nakakadulas ako sa tubig! Nakakatuntong ako!”
Natawa siya ng marahan. “Let’s dance again, princess!” sinimulan na niyang isayaw ang prinsesa habang dumudulas.
Habang kina Lucius at sa mga servants naman, naglalakad na sila sa kagubatan. Makakapal ang mga puno dito kaya hindi ganu’ng maliwanag.
“Tsk! Nakakatakot naman dito!” reklamo ni Christoph.
“Teka, sigurado ka ba na alam mo ‘tong nilalakaran natin Lucius?” mausisang tanong ni Baron.
“Oo! Gubat ‘tong nilalakad natin ngayon!” walang kwentang sagot ni Jonathan.
“Oo naman! Wala ka bang tiwala sa ‘kin?!” mataas na tonong tanong ni Lucius kay Baron.
Mahigpit na yakap-yakap ni Triny si Julius. “Ang dilim Julius!”
“Nakakatakot dito sa gubat.” mahinang wika ni Mitch habang lumilingon-lingon.
“Oo nga e.” katabi lang ni Harony si Mitch habang lumilinga rin.
“Malapit na ba tayo?” pag-aalalang tanong ni Eric kay Lucius.
“Mag-antay lang kayo. Malapit na tayo! Basta manahimik kayo!” inis na wika ni Lucius.
“Teka, saan ba ‘to patungo? Sunod kami ng sunod, hindi naman namin alam kung saan tayo pupunta.” mausisang tanong ni Caroline.
“Basta! Magsitahimik na nga kayong lahat!”
Nakaupo’t nagpapahinga na si Janella sa lupa habang masaya niyang pinapanood si Zavier sa ibabaw ng mahabang lawa. Sabay-sabay na niyang pinasabog ang mga tubig sa dalawang lawa habang siya ay dumudulas.
Ngayon ay naglalakad na muli sila sa gubat habang papunta muli sa Calumsia. Nakasuot lang sa kaliwang balikat ni Zavier ang cloak hood habang siya na rin ang nagsuot ng kanyang mga gwantes sa kamay.
“Grabe ang araw na ‘to sa ‘kin! Hahaha!” masayang wika ni Janella.
Ngumiti lang si Zavier.
“Alam mo ba na parang mga magic lang ang nakikita ko ngayon?! Kasi wala namang ganu’n sa Destiny World! Ang astig!”
Natawa siya ng marahan at hinawi niya ang mahahabang damuhan. Napanganga na naman si Janella sa kanyang nakita sa Calumsia. Pinaganda’t pinaghandaan rin ito ni Zavier para sa kanya. Nagliliwanagan ang mga puno dahil may mga nakasabit ring mga capiz balls dito. May mga kung anu-ano pang palamuti rin na nakasabit para lalong maganda sa paningin. Napansin rin niya ang dagat na malakas ang alon habang umiilaw pa ito ng kulay asul. Sumabay pa ang malakas na hangin.
“Woohoo!” napatakbo ang prinsesa habang nakabuka pa ang magkabila niyang braso. Umikot siya habang nakatawa. “ITO TALAGA ANG ISA SA PINAKAMAGANDANG LUGAR NA NAKITA KO SA BUONG BUHAY KO!!!! ANG GANDA!!!!”
Napatakbo si Zavier habang papalapit sa kanya. “Princess! Maglakad tayo! May ipapakita pa ako sa ‘yo!” masayang wika niya.
“O sige!” nasabik siya at sabay silang naglakad. Napalingon siya at pinagmasdan niya ang napakagandang Cadmus Sea. “Ang ganda! Ngayon lang ako nakakita ng ganitong dagat! Umiilaw!”
Nakangiti lang si Zavier habang pinagmamasdan rin ang umiilaw na dagat.
“Ang ganda, Zavier! Hindi lang ang dagat ang maganda! Pati itong dalampasigan! Grabe!” masayang tumingin si Janella sa kanya.
“Salamat, princess, masaya naman ako dahil nagustuhan mo ang mga pinaghirapan ko para sa ‘yo.”
“Oo, lahat!” biglang inabot ni Janella ang kanyang kamay sa kanya habang nakangiti.
Nagulat si Zavier nang biglang abutin ni Janella ang kanyang kamay sa kanya. Napatingin siya sa kanyang kamay saglit at napatingin muli siya sa kanya pagkatapos. Naintindihan niya ang ibig sabihin nito. Napangiti siya at hahawakan na niya sana ang kanyang kamay ngunit madali siyang pinigilan nito.
“Oops, teka lang.” huminto si Janella sa paglakad. Ganu’n rin si Zavier habang nakatingin lang sa kanya.
Tinanggal ng prinsesa ang gwantes ni Zavier mula sa kanyang mga kamay at saka pa lang niya hinawakan ang kamay nito. Hinigpitan pa niya ang kanyang pagkakahawak at tumingin na siya sa kanya habang nakangiti.
Nagulat si Zavier sa ginawa ng prinsesa. “M-Malalamigan ka, princess.”
Umiling si Janella habang nananatiling nakatingin sa kanya. “Pagbigyan mo na ako, gusto ko lang kasi na mismong kamay mo na ang nararamdaman at nahahawakan ko na ngayon.” ngumiti siya.
Napayuko siya at nahiya. “G-Ganu’n ba, princess?”
Bigla siyang namula at hindi siya makapaniwala na nasabi niya ‘yun. “O-Oo! Bakit?!”
Umiling si Zavier at muling tumingin sa kanya. Ngumiti rin siya at hinimas ang ulo nito pagkatapos.
“Hahaha! Halika na nga!”
Muli silang naglakad.
“Sigurado ako, magugulat ka ulit sa makikita mo.” wika ni Zavier habang nakangiti.
“Talaga?! Eh ‘di mapapanganga na naman ako nito! Hahaha!”
Natawa siya ng marahan. “Parang ganu’n na nga! Dahil isa ‘to sa pinapangarap mo!”
“Ha?! T-Talaga?!” napatingin siya sa binata at mas lalo tuloy siyang nasabik.
Masaya lang na tumango si Zavier habang nakatingin sa harapan.
Nanlaki ang mata ni Janella nang makita niya ang isang bangka na nakasadsad. Napahinto siya sa paglakad. “Seryoso ka, Zavier?!” napanganga nga siya.
Natawa siya. “Halika na, princess.” tumungo siya sa bangka at inantay ang prinsesa dito.
“YEHEY!!!” tumakbo na si Janella papalapit sa bangka.
Natawa si Zavier nang makita niya ang prinsesa na tumakbo na parang isang batang natutuwa at nagagalak sa isang laruan. Muli niyang hinawakan ang kanyang kamay para alalayan siyang makasakay sa bangka.
Pinagmamasdan lang ni Janella ang buong bangka nang siya ay makasakay at makaupo. “Hindi ako makapaniwala! Nandito na ako sa pinapangarap ko, Zavier! Hahaha!”
Nakangiti lang siya. “Naaalala mo pa ba ‘yung ginawa kong leaf boat? Di ba sinabi ko sa ‘yo na makakasakay ka rin ng bangka?” sumakay na rin siya ng bangka at nagsagwan.
“Hahaha! Grabe ka talaga, Zavier! Wala akong masabi sa ‘yo!” hinaplos niya ang tubig habang nakangiti. “Ang ganda!” tiningnan niya ang mga umiilaw sa tubig. “Ito pala ang nagpapailaw sa dagat. Ang dami nilang bilog-bilog na umiilaw! Ano ‘to?”
“Mga isda ‘yan, princess. Umiilaw lang sila ngayon, sa tuwing piyesta at kaarawan ng aming diyosa.” nakangiting wika niya.
Patuloy lang sa pagsasagwan si Zavier hanggang sa marating nila ang kalagitnaan ng dagat. Mabuti na lang ay hindi na ganu’ng maalon kaya hindi nahirapan si Zavier na magsagwan. Huminto siya sa pagsasagwan at tiningnan ang dalampasigan pagkatapos.
“Ang gandang tingnan ng dalampasigan!” ngumiti si Janella.
“Princess, hindi pa tayo tapos. May ipapakita pa ako sa ‘yo. Another dream come true ulit ‘to.” napangiti si Zavier at natawa saglit.
Muling nagulat si Janella. Napatingin siya sa kanya. “A-Ano?!” napangiti siya.
“Sumunod ka sa ‘kin.” nakatayo lang siya sa kaduluhan ng bangka habang nakabuka ang kanyang mga braso. Bumagsak siya sa dagat ng patalikod.
Tumayo si Janella at pumunta sa kaduluhan ng bangka. Napatingin siya sa tubig na kung saan do’n bumagsak si Zavier. “Susunod ako? Ibig sabihin… makakalangoy ulit ako sa ilalim ng karagatan?!” bumilis ang pagtibok ng kanyang puso. Pumikit siya. “Tatalon na ako! 1… 2… 3! Jump!”
Sa kanyang pagtalon, bigla ring tumalon si Zavier sa tubig na parang isang isda at sinalo ang prinsesa. Pareho silang bumagsak sa dagat.
Dumilat si Janella at nakita si Zavier na nakatawa sa kanya. Magkahawak sila ng kamay habang sila ay papalubog ng papalubog. Nabighani siya habang pinagmamasdan ang karagatan. Nakita niya ang mga maliliit na isdang umiilaw at palangoy-langoy kung saan-saan. Maliwanag pa rin ang ilalim ng karagatan kahit na gabi na.
Muli siyang tumingin kay Zavier at ningitian. Umikot silang pareho habang nakangiti rin sa kanya si Zavier. Hinila naman ng prinsesa ang magkabilang kamay ng binata para lumapit sa kanya. Nagawa pang tumawa ni Janella saglit habang nakatitig sa kanyang mga mata.
Habang sila ay papalubog na ng papalubog, padami na din ng padami ang mga isda. Nakita ni Janella ang mga corals habang may mga isda na namumugad dito. Masaya rin niyang pinanood ang mga isdang magkakatabing lumalangoy.
Pinakikiramdaman siya ni Zavier dahil alam naman niya na hindi ito makakatagal sa ilalim ng dagat. Binitiwan niya muna ang magkabilang kamay nito at umikot siya sa kanya habang ginagawan niya ito ng malaking bubble.
Nagulat at napahawak si Janella sa bubble habang siya ay nasa loob.
“Makakahinga ka na princess!”
“Ah, okay! Salamat!” napangiti siya at pinagmasdan ang bubble.
Tinulak ni Zavier ang bubble habang siya ay lumalangoy. Umupo si Janella habang masaya lang niyang pinagmamasdan ang buong karagatan. Habang tumatagal, may naaaninag siyang mga bahay sa malayo.
“Nasa Cerebrus na tayo.” wika ni Zavier.
“Mga bahay ba ‘yun? May mga nakatira ba diyan?”
“Meron noon pero ngayon wala na.”
“Ah…” tumango si Janella. “Ngayon lang ako nakakita ng ganito!”
Bumaba na si Zavier sa buhanginan. Binitiwan na niya ang bubble at bumaba na rin ito sa buhangin. Pinabayaan na niya si Janella na mamasyal dito.
“Ang ganda pero parang nakakatakot! Hahaha!” naglalakad lang siya habang tinitingnan ang bawat bahay. “Pwede bang pumasok?”
“Yes, princess.” tumungo si Zavier sa isang bahay at binuksan niya ang pinto ngunit nasira ito.
“Hala!”
“Masyadong matagal na kasi ang lugar na ‘to. Kaya lumang-luma na rin ang mga bahay dito.”
Marahang pumasok si Janella sa loob. Nakita niya ang isang lamesa habang napapalibutan ito ng apat na upuan. Nakita niya ang mga imahe sa pader. Maliit lang ang bahay ngunit meron itong itaas. Sinubukan niyang umakyat habang kasama si Zavier. Isang kama lang ang nandito habang bintana na ang katabi nito.
Nililibot lang niya ang lugar na ito habang katabi’t kasama lang niya si Zavier kahit saan siya magpunta. Nakakalayo na sila sa Cerebrus at nakita naman niya ang malaki’t mataas na istatuwa ni Icarus na nakabuka pa ang magkabilang braso. Buhangin lang ang nandito at walang mga corals na nakapalibot. Tanging mga isda lang ang nandito habang paikot-ikot pang lumalangoy ang ibang isda sa istatuwa.
Pagkatapos ng ilang minuto, pabalik na muli sila sa bangka. Malakas na tinulak ni Zavier ang bubble papaitaas. Pumutok na ito nang makaahon na si Janella.
Sumakay na siya sa bangka at piniga na niya ang kanyang palda. Napatingin siya sa buwan pagkatapos. Bigla siyang nakaramdam ng lungkot at napaisip na baka babalik na muli siya sa Destiny World pagkatapos nito. Napabuntong-hininga siya at tumingin naman siya sa dagat para abangan si Zavier na umahon.
Ilang segundo lang ang lumipas at sa wakas ay nakita rin niya ang binata na papaahon na. Nakita niya ang papalutang na ulo nito habang nakapikit pa ang kanyang mga mata.
Natawa ng marahan si Janella at napatutop sa dibdib saglit. Bago pa makaahon si Zavier, marahan na niyang hinawakan ang magkabilang pisngi nito at bigla niyang hinalikan ang noo nito saglit.
Umahon na si Zavier at sumakay na rin sa bangka.
Umupo na si Janella. Hindi pa sila nagkibuan saglit.
Napatingin si Zavier sa kanya at ningitian. “Masaya ba princess?”
Namula siya at mabilis siyang tumango. “O-Oo! S-Sobrang saya ko nga ngayon e!”
Tumahimik saglit si Zavier at hinawakan na niya ang kanyang noo. “Ahm, princess?”
Bumilis ang pagtibok ng puso ni Janella at mas namula siya. “B-Bakit?”
“A-Anong ibig sabihin nu’n?” mahinang tanong niya. Dahan-dahan niyang hinihimas ang kanyang noo.
“Halik ang tawag do’n, Zavier. Ginawa ko ‘yun dahil… I care about you.” napangiti siya.
Natigilan at napatingin si Zavier sa kanya. Nahiya siya bigla ngunit ningitian na lang niya si Janella. “Salamat princess. P-Pasensya na kung natanong ko.”
Napayuko siya at sobra siyang nahiya.
“Halika na at bumalik na tayo.” muling nagsagwan si Zavier habang pabalik na sa dalampasigan.
Pagbalik nila dito, tinuruan pa ni Zavier si Janella kung paanong magpalipad ng ship. Mabilis naman siyang natuto at ngayon ay palipad-lipad na sila sa ibabaw ng karagatan.
Isang oras lang na pinalipad ni Janella ang Amadeyu Ship at ngayon ay mga nasa dagat na muli sila. Binigyan rin ng pagkakataon ni Zavier si Janella na turuan siyang lumangoy. Mabilis namang natuto ang prinsesa at sobra siyang natutuwa dahil hindi na niya muli mararanasan ang naranasan niya nung siya ay lumangoy sa dagat ng Destiny World.
At ngayon ay mga nakalusong na lang sila sa dagat…
“BEST DAY EVER!!!” sinabog ng prinsesa ang tubig sa hangin. Pumikit siya at hinayaan niyang dumampi ito sa kanyang mukha.
Nakatayo lang si Zavier sa kanyang harapan. Napangiti siya habang pinagmamasdan si Janella.
Natawa ng marahan si Janella. Dumilat siya at tiningnan si Zavier. “Wooh! Ang lamig! Hahaha!”
Biglang nag-iba na ang nararamdaman ni Zavier ngayon. Halu-halo na ang emosyon na nararamdaman niya sapagkat alam niyang ito na ang huling pagsasama nila. Bigla niyang naalala ang sinabi ng prinsesa.
“Zavier, mangako na tayo sa isa’t-isa na hinding-hindi na tayo dadating sa oras na magpapaalaman tayo sa isa’t-isa. Wala nang huling araw para sa atin. Dahil habangbuhay na tayo magsasama kahit na marami pang dahilan na hindi sa lahat ng araw at oras ay palagi tayong magkasama. Basta ang mahalaga, there’s no goodbye between us.”
Hindi na siya makapagsalita. Bigla siyang natahimik. Malumanay na lang siyang lumapit sa prinsesa at hinawakan na lang niya ng marahan ang magkabilang pisngi nito.
Nagulat si Janella nang bigla na lang hinawakan ni Zavier ang kanyang pisngi. Napahawak siya sa magkabilang kamay nito habang nakatingin sa kanya.
Ngumiti ng kakaunti si Zavier sa kanya at pumikit pagkatapos. Marahan niyang nilapit at pinagdikit ang kanyang noo sa noo niya. Nananatili pa rin siyang nakangiti ngunit habang tumatagal ay nawawala na ang kanyang ngiti.
Nakatawa lang si Janella habang nakatingin sa kanya ngunit nung mapansin niyang naging seryoso na ang pagmumukha ni Zavier ay nagtaka na siya. “Zavier…?” nakangiti pa rin siya kahit kakaunti. Hinigpitan niya ang kanyang pagkakahawak sa kamay nito at medyo nag-alala. “Zavier…?”
Biglang humangin ng malakas habang nananatili pa ring nakapikit si Zavier. Hindi siya kumikibo habang wala namang kaalam-alam ang prinsesa na pinagdadasal na pala niya ito. “Goddess Icarus… dumating na ang araw na pinakahihintay ko… Pakiusap, bago pa kami maghiwalay… tulungan n’yo po akong gabayan at siguraduhin na ligtas nga siya sa lugar na pananatilihan niya hanggang sa matapos ang pagsubok na haharapin ko. Handa akong harapin kung ano man ang dumating sa ‘kin. Dahil gusto ko lang naman na maging ligtas si Princess Janella!”
Habang ang mga servants naman, nangangamba na silang lahat sa gitna ng kagubatan.
“Saan ba tayo pupunta?! Ang layo-layo na ng nilalakaran natin ah!” reklamo ni Caroline.
“Ano ba ‘yan! I’m so scared~! Baka may mga spiders o anong insects ang dumapo sa ‘kin dito~!” takot na wika ni Gweine habang kagat-kagat pa niya ang kanyang mga daliri sa kamay.
Nagkaroon ng masamang balak si Jonathan. Pumutol siya ng isang sanga na may dahon at pinadampi niya ang dahon sa pisngi ni Gweine.
“AAAHHHHHH~!!!!”
“Tsk! Jonathan! ‘Wag ka ngang magulo!” inis na wika ni Clayden.
Natawa si Jonathan at madaling tinago ang sanga sa kanyang likuran bago pa siya makita ni Gweine.
“What was that~?! WHAT WAS THAT~?!!!!” mabilis na pinapagpag ni Gweine ang kanyang damit. “AAHHHH~!!!! ANO BA ‘YAN~!!!!”
“TSK! HUWAG NA NGA KAYONG MAGULO AT MANAHIMIK NA NGA KAYO PWEDE BA?!!!! ANG KUKULIT N’YO!!!!” sigaw ni Lucius.
Balak pa ring gulatin ni Jonathan si Gweine ngunit kinuha’t binali na ni Clayden ang sanga na hawak-hawak niya.
Nagkunwaring umiiyak pa si Gweine. “Waaahhh~!!! I wanna go home~!”
Biglang naramdaman at narinig ni Lucius na may naglalakad sa bandang gilid niya. “Ssshhh! Yuko!” yumuko siya bigla.
Madaling yumuko ang lahat. Nagtago sila sa mahahabang damuhan.
“Ginoong Everestine, paano po si Zavier? Alam na po ba niya kung anong gagawin niya?”
“Ako ang bahala sa batang ‘yun Raven. Madaling-madali lang ‘yun.”
“O sige po. Nag-aalala lang po ako dahil kapag may pagpupulong po tayo, palagi po kasi siyang wala.”
“Huwag kang mag-alala tungkol diyan. Oo nga pala, susugod na tayo maya-maya, magpalipas lang tayo ng ilang oras para ipagdiwang pa ang piyesta at kaarawan ng ating diyosa.”
“Tsk!” kumunot ang noo ni Lucius habang nakikinig.
Natakot at kinabahan ang lahat nang marinig nila ang sinabi ni Everestine. Halos mahimatay na naman si Gweine sa sobrang takot habang si Harony ay nagdadasal na.
“Yari. Paano na ‘to?” mahinang tanong ni Mitch.
“Sana nga sumunod po si Zavier sa atin.” wika ni Raven.
“Susunod ang batang ‘yun sa ‘kin Raven! Ang laki kaya ng takot niya sa ‘kin! Baka umiyak pa nga ‘yun kapag nagalit ako sa kanya!”
Napatingin sa isa’t-isa ang mga servants habang sila ay pinapakinggan.
“Ano daw? Tama ba ang narinig ko? Iyakin si Zavier?” nagtaka si Jonathan.
Natawa lang si Raven. “Opo, alam naman po nating lahat ‘yan.”
Natawa rin si Everestine. “Tama, kaya kahit na siya ang tinaguriang pinakamalakas sa atin, siya naman ang pinakamaramdamin sa ating lahat. ‘Yun bang… madaling masaktan! Madaling umiyak! O ano pa! Kaya naiinis ako sa ugali niyang ‘yan!”
Tumawa muli si Raven at sumang-ayon sa kanyang sinabi.
Ngayon ay mga nakahiga na sina Janella at Zavier sa buhanginan habang tinitingnan ang mga bituwin sa kalangitan.
“Za…vier…” ginuhit ni Janella ang pangalan ni Zavier mula sa mga bituwin.
“Ja…ne…lla…” ganu’n rin si Zavier at ningitian siya nito pagkatapos.
Natawa si Janella.
“Princess, minsan napapaisip ako kung may pinagkaiba ba ang dagat dito sa inyo?”
“Oo, meron.”
“Talaga?”
“Oo, iba ang tubig at iba ang mga isda do’n.”
Tumango si Zavier. “Sana masubukan ko ring lumangoy sa inyo.”
Ngumiti siya. “Sana nga…”
“Tapos maglaro din tayo do’n, gaya ng ginagawa natin dito sa Cadmus Sea.”
Natawa ng marahan si Janella. “Oo nga.”
Bumuntong-hininga si Zavier at muling tumingin sa mga bituwin. “Sana lahat ng imposible sa ‘kin… maging posible.”
May naalala bigla si Janella. “Oo nga pala Zavier, may ibibigay nga pala ako sa ‘yo.” kinuha niya ang panyong asul mula sa kanyang bulsa at inabot ito sa kanya. “Di ba mahilig ka sa kulay asul?”
Napatingin siya sa panyo. “Ah, oo. Tama ka princess, mahilig ako sa kulay asul.”
“Para sa ‘yo ‘to. Ginawa ko ‘to nung bata pa ako at ngayon ay ibibigay ko na sa ‘yo. Sana magustuhan mo. Ingatan mo ha?”
Ngumiti muli siya. “Maraming salamat.” kinuha ito ng kaliwang kamay niya at tiningnan. “Ang ganda. May mga nakaburda pang mga bulaklak.” nakangiting wika niya. Tiningnan niya ang kanyang bulsa at tinago na niya ang panyo dito pagkatapos.
Malumanay namang pinasok ni Janella ang pulseras sa kanang kamay ni Zavier na nakuha niya sa nayon. Hinawakan niya ang kamay nito pagkatapos.
Malumanay na napatingin si Zavier sa kamay ni Janella na nakahawak sa kanyang kamay. Tumingin siya sa kanya pagkatapos.
Marahang ngumiti si Janella habang nakatingin rin sa kanya. “Habangbuhay.”
“Zavier?!” tawag ni Arganoth mula sa mahahabang halaman. Lumabas siya mula sa gubat. “Kailangan na nating umalis!”
Nagulat si Zavier. “Tiyo?”
Napaupo si Janella habang nakatingin kay Arganoth. Bigla siyang nalungkot. “Ngayon na po?” ngumuso siya bigla.
“Oo! Kailangan na nating mauna!” madali siyang lumapit sa kanila.
Marahang umupo si Zavier habang nasa kanyang pagmumukha ang pagkalungkot. “Tama si tiyo... kailangan na nating umalis.”
Napatingin si Janella sa kanya habang nasa pagmumukha rin niya ang pagkalungkot. Napayuko siya at tumango. “O sige…” at tumayo.
Bumuntong-hininga si Zavier at napilitang tumayo.
“Sige, sumakay na kayo sa ship mo Zavier. Susunod ako sa inyo.”
Tumango si Zavier at ngumiti ng kakaunti sa kanya. “Opo.”
Napansin ni Arganoth ang malungkot na pagmumukha ni Zavier. Tinapik niya ang balikat nito. “Naiintindihan ko kung ano ang nararamdaman mo ngayon. Pero kailangan mo na siyang iwanan.” ngumiti ng kakaunti si Arganoth.
Napatingin sa ibaba si Zavier. “Alam ko po tiyo…”
Pinagmamasdan lang ni Arganoth ang malungkot na pagmumukha ng binata.
Nanahimik saglit si Zavier. “Tiyo, paano natin mapapalayo sa palasyo si Queen Adelaide?”
Natigilan si Arganoth. “Huwag kang mag-alala, nandito naman tayo para protektahn rin siya. Tutal, si Princess Janella ay nasa ligtas nang lugar kaya siya naman ang ating aasikasuhin.”
Tumango siya. “O sige po.”
“Be strong.” binitiwan na ni Arganoth ang kanyang balikat at siya ay umalis na.
“Zavier…?” napatutop si Janella sa kanyang dibdib.
Ningitian ng kakapiranggot ni Zavier si Janella. “Halika na princess.” lumakad na siya patungo sa ship.
Napilitang sumunod si Janella sa kanya. Sa totoo lang ay gusto pa niyang manatili sa mundong ito dahil gusto pa niyang makasama ang binata.
“Ito na! Nandito na tayo!” masayang wika ni Lucius.
“Sa wakas!!!” napaluhod si Caroline.
“Saan na tayo?” mausisang tanong ni Baron habang lumilinga. “Nasa gubat pa rin naman tayo e! Anong pinuntahan natin?!”
“Alam kong nasa gubat pa rin tayo! Nandito kasi ang jet ko at ngayon ay sasakay na tayo!” inis na wika ni Lucius.
“Ang laki ng gubat na ‘to!” palinga-linga si Christoph habang nakahawak pa siya sa baywang niya.
Biglang dumaan mula sa kanilang itaas ang Amadeyu Ship. Nakita nila itong lahat. Napanganga sila.
“Jet!” tinuro pa ni Jonathan ang ship na parang isang bata.
Sumunod pa ang isang ship dito at si Arganoth ang nasa loob nito.
“Wooh!” namangha pa ang lahat.
“Huwag na kayong tumunganga diyan! Halika na! Susundan na natin sila!” patarantang wika ni Lucius.
Ilang oras ang lumipas, mga nasa kalawakan na sila Janella, Zavier at Arganoth. Nasa tabi lang nila ang ship ni Arganoth.
Malungkot na pinagmamasdan ni Janella ang mga planeta.
“Dadalhin na kita sa refuge place.”
Napatingin sa ibaba si Janella.
“Princess.”
“Hm?” tumingin siya sa kanya.
“Mag-ingat ka.”
“Iiwanan mo na ba talaga ako? Hindi na ba tayo magkikita?”
Hindi siya sumagot saglit. “Nandito na tayo.”
Malungkot na tiningnan ni Janella ang Destiny World mula sa kanilang harapan.
Muling pinindot ni Zavier ang isang pindutan para mai-set na ang pupuntahan at bababaan ng ship.
Tulog na ang mga tao sa buong kontinente habang mga nakabantay naman sa karagatan ang tatlong combat ships. Napansin ‘yun ni Zavier na may mga nakabantay na sa karagatan. Ngunit ayaw naman niyang gamitin ang Sleepy Dust sapagkat tantya naman niya na tulog na ang karamihan. Nag-isip siya ng iba pang paraan para hindi sila makita at mahuli ng mga navy officers.
Mga patulog pa lang ang mga servants sa palasyo. Nasa kwarto na silang lahat.
“Magandang balita at mabuti ay umalis na pala ang bagyo! Kaya pala medyo mainit na at maganda na ang panahon!” masayang wika ni Alice habang siya ay nakaupo sa kanyang kama.
“Kumusta na kaya sila?” nag-aalala pa rin si Lace. Tumingin siya sa bintanang malaki habang nakaupo rin sa sarili niyang kama.
“Ayos lang sila.” ngumiti si Violet sa kanya.
“Natatakot ako… baka giyera na sila do’n.”
Natigilan si Violet. “H-Hindi ko lang alam.”
Bumuntong-hininga si Lace at tinakpan ang kanyang mukha. “Nag-aalala ako… hindi ako makakatulog nito.”
Tumayo at nilapitan ni Violet si Lace para himasin ang likuran nito. “Sana kasama na nila ang ating prinsesa. Nasaan na kaya sila ngayon?”
Mabuti at mabilis naman na nakarating ang ship ng ligtas sa refuge place ng alas-dos ng madaling araw. Nakita ni Janella ang lalagyan ng Sleepy Dust na nakalaglag sa kanyang paanan. Kinuha niya ito bago siya bumaba ng ship.