34: This Can’t Be The Last


 

Bumaba na rin si Arganoth sa kanyang ship habang dala-dala ang isang basket na may lamang tubig. Malumanay na lumakad si Janella habang pinagmamasdan ang nakakatakot at walang kabahay-bahay na lugar. Mabuti na lang ay may buwan sa kalangitan at kahit papaano ay nakapagbibigay ito ng liwanag kahit kakaunti. Mabato ang lugar at pinapaligiran lang ito ng matataas na mga bato. Wala man lang siyang ingay na naririnig kundi ang ihip lang ng hangin.

Tumabi si Arganoth sa kanya. “Princess, naiwan mo nga pala ang mga gamit mo sa kubo.” inabot niya ang camcorder, ang damit nito, pati na rin ang mga bulaklak.

Opo nga po pala, nakalimutan ko pong balikan sa kubo n’yo. Salamat po.” kinuha niya ang mga ito.

Saka ito nga pala ang basket. May laman itong tubig para kung sakaling kailangan mo ng tubig. Ito.” nilapag niya ito sa tabi niya.

Napatingin si Janella sa basket. Ningitian niya ng kakaunti si Arganoth. “Maraming salamat po.”

Walang anuman, Your Highness.” napatingin siya sa malayo. “Nakikita mo ‘yung malaking bato? ‘Yung kweba na ‘yun?” tinuro niya ang kweba na sinasabi niya.

Napatingin si Janella sa tinuturo ng matanda. “Opo.”

Diyan ka mananatili. Huwag kang mag-alala, lumilikha ‘yan ng sariling liwanag sa loob.”

Talaga po?”

Oo.” tumango si Arganoth. “Kaya siguradong ligtas ka diyan dahil ang nililikhang liwanag nito ay mainit para sa amin. Nitong araw lang nadiskubre ni Zavier na may ganito palang kweba sa inyo.”

Napatingin saglit si Janella kay Zavier. “Sa totoo nga lang po… parang uminit na nga rin ang klima ngayon.”

Tama ka at may mas iinit pa diyan mamaya.”

Napaisip si Janella. “Hindi naman po ba kayo nanghihina ngayon?”

Umiling si Arganoth. “Hindi pa naman pero nararamdaman ko na ang kainitan.”

Muling nalungkot ang prinsesa. Bumuntong-hininga siya at naglakas-loob siyang tingnan si Zavier na medyo malayo sa kanya. “Zavier, hanggang dito na lang ba talaga?”

Hindi kumikibo si Zavier at nakatingin lang din siya sa kanya.

Kasi di ba, ito talaga ‘yung gusto nating mangyari e. ‘Yung pinag-usapan natin noon.” malungkot niyang wika habang nakatingin sa kanya. “Tapos ngayon... nandito na tayo. Nandito na ako.”

Hindi na lang siya sumagot at medyo napayuko.

Zavier… paano na ‘yung sinabi ko sa ‘yo---”

Princess, hanggang dito na lang tayo.”

Di ba sinabi ko na wala nang huli sa atin?!” medyo mataas na ang tono niya.

Napailing si Zavier. “Naaalala mo pa ba ang pinangako ko sa ‘yo?” marahan siyang tumingin sa kanya.

Natigilan si Janella.

Hanggang dito na lang princess, nandito ka na sa refuge place.”

Hindi mo na ba ako pupuntahan pa? Hindi na ba tayo magkikita?”

Natigilan saglit si Zavier ngunit umiling siya pagkatapos. “Mainit na ang panahon... kaya hindi na.”

Nanlaki ang mga mata ni Janella at hindi siya kaagad nakapagsalita. Sobra siyang nalungkot at nasaktan. “Parang… nabalewala lang pala ang mga sinabi ko sa ‘yo… Parang wala lang. Akala ko ayos na.”

Napayuko muli siya at bumuntong-hininga. “Pasensya na lang… pero tapos na princess. Tapos na…”

Zavier! Huwag ka ngang ganyan!”

Muli siyang tumingin sa kanya.

Mabilis na binuka ni Janella ang magkabila niyang braso. “Stay!” naalala niya bigla ang ginuhit ni Zavier sa buhanginan nung mga araw na nagmamakaawa pa ang binata sa kanya. “Zavier! Pakiusap makinig ka sa ‘kin! Nagmamakaawa na ako sa ‘yo!” lumuhod siya at siya naman ang gumuhit sa grava. “Stay with me!”

Biglang umihip ang malakas na hangin at bumaba na maya-maya ang jet ni Lucius mula sa kanilang likuran. Bumukas ang pinto at lumabas si Lucius. Ngumisi siya kay Zavier habang papalapit sa kanya.

Nagulat at nanlaki ang mga mata ni Zavier habang nakatingin sa jet. “A-Ano?!”

S-Sino ‘yan?” kinabahan si Arganoth habang nakatingin kay Lucius.

Napamilyar si Zavier sa itsura nito nang makita niya ang cloak hood nito. Naisip niya bigla ang lalaki sa nayon na ngumiti sa kanya. Napaatras siya ng kakaunti.

Kumusta kaibigan?” binuka ni Lucius ang magkabila niyang braso habang nakangisi. “Ako ang ngumiti sa ‘yo sa nayon! Kumusta ang pagsasama ninyo? Masayang-masaya ba?” binaba niya ang kanyang hood.

Lucius?!” nagulat si Janella. “Anong ginagawa mo dito?!”

Anong ginagawa KO? AKO lang ba ang pumunta dito?” napatingin siya sa jet.

Bumukas ang pinto at lumabas naman ang mga servants.

Nagulat si Janella at tinakpan niya ang kanyang bibig.

Muling tumingin si Lucius sa kanya. “Anong masasabi n’yo?” tanong niya sa kanilang tatlo habang nakangisi.

Nakaramdam ng pagkatakot si Zavier. “Pakiusap, hindi ako nandito para makipag-away. Nandito ako para tulungan kayo.”

Talaga?” pinagmasdan ni Lucius si Zavier mula ulo hanggang paa. Nilapitan niya ang binata pagkatapos.

Mas kinabahan si Zavier ngunit hindi na lang siya kumibo.

Lumalapit na ang mga servants sa kanila.

Huminto si Lucius mula sa tabi ni Zavier. “Nakikita n’yo ba kung sino ‘to mga kaibigan?” ngumisi muli siya habang nakaturo sa kanya.

“‘Y-Yan ba si Zavier?” mahinang tanong ni Caroline kay Eric.

TINGNAN N’YO ‘TO!” mabilis na sinakal ni Lucius si Zavier gamit ang kanan niyang kamay at binangga niya ito sa mataas na bato. Pinatama niya sa kanyang mga mata ang liwanag ng buwan.

HINDI!!!!” sigaw ni Janella. Lalapitan niya sana si Lucius para pigilan ngunit mabilis naman siyang hinawakan nila Eric at Clayden sa magkabilang braso.

Umilaw ng kakaunti ang mga mata ni Zavier dahil sa mahina ang sinag ng buwan. “K..urgh…!” mahigpit niyang hinawakan ang kamay ni Lucius.

SIYA AY ISANG LA LUNA SPIRIT!”

BITIWAN N’YO AKO!” pinipilit ni Janella na makaalis mula sa mga kamay nina Eric at Clayden. “ZAVIER!!!!” napaluha siya.

Hindi magawa ni Zavier na maging isang tubig para makatakas. Hindi niya maintindihan kung bakit at ang pakiramdam pa niya ay paunti-unti nang nawawala ang kanyang lakas at kapangyarihan. Pinipilit lang niyang ialis ang kamay ni Lucius sa kanya.

Pakiusap! H-Huwag n’yong saktan ang anak ko!” pagmamakaawang sigaw ni Arganoth kay Lucius.

Lumingon si Lucius sa kanya. “Hindi ko ‘to sasaktan kung ibabalik mo sa pagiging tao ang isang kaibigan namin!”

Mabilis na tumango ang matanda. “G-Gagawin ko ang lahat! Basta pakiusap! Huwag n’yo siyang saktan!”

I-Ito siya!” inabot ni Triny si Julius sa kanya.

Nanginginig na si Arganoth sa sobrang kaba at takot. Kinuha niya si Julius at dahan-dahang binaba sa grava. Nilagay niya ang magkabila niyang kamay dito at pumikit. Pinilit niyang magkaroon ng peace of mind para mapadali ang proseso.

Biglang nakaramdam ng pagkaawa si Triny habang pinapanood ang nanginginig na kamay ni Arganoth.

Ngayon Zavier… mag-usap tayo.” seryosong wika ni Lucius habang seryoso rin siyang tumingin sa kanya.

P-Pakiusap…! W-Wala a-akong balak n-na… masama sa inyo!”

LUCIUS!!!! BITIWAN MO SI ZAVIER!!!! KAIBIGAN NATIN SIYA!!!!” sigaw ni Janella.

Mas uminit ang ulo ni Lucius. “Isang La luna Spirit! Mga kaaway namin!” muli niyang binangga ito sa bato. “Ikaw ba ang pinuno n’yo?!”

Mariing napapikit si Zavier at mas hinigpitan niya ang kanyang pagkakahawak sa kanyang kamay.

MAGSALITA KA!” at muli niyang binangga si Zavier sa bato.

HINDI SIYA ANG PINUNO LUCIUS!!!! BITIWAN MO NA SIYA!!!!” pagmamakaawang sigaw ni Janella.

Hindi lang iniintindi ni Lucius ang prinsesa. “Anong gusto n’yo sa mundo namin?! ANO?! SABIHIN MO SA ‘KIN!!!!”

G-Gulletein Stone a-ang gusto... n-nila…! Hindi ako… k-kasama…s-sa kanila…!” hirap na pagkakasabi ni Zavier.

LUCIUS!!!!” naiyak na ang prinsesa. “WALA SIYANG KINALAMAN SA MASAMA NILANG PLANO! PAKAWALAN MO NA SIYA!!!!”

Pinapabayaan lang ni Lucius si Janella na umiyak. Masama lang siyang nakatingin kay Zavier. “Gulletein Stone?”

Dumilat saglit si Zavier para tingnan siya.

Ang bato o ang mundo?”

P…Pareho… a-ang gusto… nila. P-Pakiusap…! P-Paka…walan… mo na ako…! H-Hindi ako nabibilang… s-sa plano nila…!” muli siyang napapikit.

SINUNGALING KA! ALAM MO, HINDING-HINDI KO PAPABAYAAN ANG MUNDONG ‘TO NA MAKUHA NINYO!!!!”

G-Ganu’n din ako para sa mundong ‘to…!” hirap na wika niya. “P-Pakiusap… h-handa kong harapin ang lahat… maligtas ko lang kayo!”

HUWAG KA NANG MAGBAIT-BAITAN PA DAHIL KAHIT ANONG MANGYARI AY ISA KA PA RIN NAMING KAAWAY AT KALABAN!!!! HINDING-HINDI AKO MANINIWALA SA ‘YO!!!!” nanggigil na sa inis si Lucius at mas malakas muli niyang binangga sa bato si Zavier. Mas hinigpitan na rin niya ang kanyang pagkakasakal sa kanya.

LUUCCIIUSS!!!! SINASABI KO SA ‘YO NA KAIBIGAN NATIN SI ZAVIER!!!! MAPAGKAKATIWALAAN!!!!”

Gustong-gusto nang lapitan ni Arganoth si Lucius para pigilan ngunit naiisip niya na baka mas saktan niya lalo si Zavier. Mariin din siyang nakapikit habang patuloy pa rin niyang binabalik si Julius sa pagkatao.

Mas nahirapang huminga si Zavier. “P-Pa…ki…u-usap…! H…kh!” napapaluha na rin siya.

Awang-awa na talaga si Janella kay Zavier habang pinipilit pa rin niyang makawala mula sa mga kamay nina Eric at Clayden. “HINDI MO PA KASI SIYA KILALA!!!! HINDI DAHIL NA ISA SIYANG LA LUNA AY MASAMA NA SIYA!!!! HINDI NIYA GINUSTO ANG PLANO NILA LUCIUS!!!! GUSTO NIYA TAYONG ILIGTAS! GUSTO NIYA AKONG ILAYO SA PAHAMAK!!!! HINDI SIYA MASAMANG LA LUNA!!!!”

Wala akong pakialam, my princess…” mahinahong wika niya.

Nagulat siya.

AT WALA RING PAKIALAM ANG MGA TAO! BASTA ANG MAHALAGA, MAPAGHIWALAY KO NA KAYONG DALAWA!!!!!” biglang umilaw ang kaliwang kamay ni Lucius at mabilis niya itong sinaksak sa tiyan ni Zavier.

?!” nasaktan ang binata. Hindi nagtagal ay mabilis siyang nanghina at nawalan ng malay. Biglang bumagsak ang dalawa niyang kamay mula sa kamay ni Lucius.

Nanlaki ang mga mata ni Janella habang nakikita niya si Zavier na walang malay. Nakita niya ang maiitim na tubig na tumatagas mula sa tiyan nito habang tumatagal.

ZAAAVVIIIIEERRRR!!!!!!!!!!!!!!!!!!!” nagwala siya at mas pinilit niyang makawala sa mga kamay na nakahawak sa kanya. “BITIWAN N’YO KO!!!! BITIWAN N’YO KOOO!!!!” lalo siyang umiyak. “ZAVVIIEERRRR!!!!!!!!!”

Kahit ang mga servants ay nagulat rin sa kanilang nakikita mula sa kamay ni Lucius.

Kinusot ni Jonathan ang dalawa niyang mata. “Totoo ba ‘to?! May kapangyarihan si Ginoong Lucius?!”

Anong klaseng tao siya?!” napanganga si Caroline habang tulala siyang nakatingin kay Lucius.

Naging kulay tubig na ang tiyan ni Zavier. Ngumisi si Lucius habang pinagmamasdan niya ang kanyang kamay na umiilaw ng kulay kahel mula sa loob ng kanyang tiyan.

Isang apoy?!” si Eric.

HIIINNDEEE!!!!!!!” malakas na tinulak ni Arganoth si Lucius.

Nabitiwan niya si Zavier at bumagsak siya sa ibaba.

Ugh!” bumagsak si Lucius sa batuhan. Nasaktan siya sa kanyang pagkakabagsak at hindi tuloy siya kaagad makatayo.

Mabilis na kinuha ni Arganoth ang basket na may lamang tubig at pumunta siya kay Zavier pagkatapos.

Nagtinginan ang mga servants sa isa’t-isa at kinabahan. Natataranta na sila ngunit hindi nila alam kung ano ang kanilang gagawin.

Tulungan natin si Ginoong Lucius!” sigaw ni Caroline na may halong kaba at pag-aalala.

Nakadapa lang si Zavier at malumanay siyang tinihaya ni Arganoth. Binuhusan niya ng tubig ang buong katawan nito para mawala ang init sa kanyang katawan.

Nakapikit lang si Zavier at wala pa ring malay.

Zavier! Anak!” sobra-sobra na siyang nag-aalala nang makita niya na butas ang damit nito habang nakikita niya na nagkulay itim na ang tiyan ng binata. Malumanay niya itong hinawakan. “Zavier!!!”

Nagkaroon na rin ng malay si Zavier sa wakas. Kumunot ang kanyang noo nang hawakan ni Arganoth ang kanyang tiyan. Marahan siyang dumilat ngunit bigla siyang napaubo. Naglabasan mula sa kanyang bibig ang maiitim na tubig. Napahawak siya sa kanyang tiyan habang umuubo.

Natakot si Arganoth nang makita niya na marami nang naglalabasang tubig mula sa kanyang tiyan at bibig.

ILIGTAS N’YO SI ZAVIER!!!! KAIBIGAN NATIN SIYA!!!! MANIWALA KAYO SA ‘KIN!!!! PAKIUSAP!!!!” pagmamakaawang sigaw ni Janella habang umiiyak. “ZAAVVVVIIIIIIIEEEEEERRR!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!”

Mariing napapikit si Zavier habang nananatili pa ring nakakunot ang kanyang noo dahil sa nararamdaman niyang sakit. Naririnig niyang sumisigaw ang prinsesa ngunit malabo na.

Biglang nalito na si Arganoth kung sino ang uunahin niyang iligtas, kung si Adelaide ba o si Zavier. Ngunit mas pinili niyang umalis sa mundong ito para gamutin si Zavier sa Bhingelheim dahil alam din naman niya sa kanyang sarili na hindi niya magagawang iligtas si Adelaide kung wala si Zavier sa kanyang tabi.

Anak, bumalik na tayo! Delikado na!” dahan-dahan niya itong binuhat at mabilis siyang pumunta sa kanyang ship.

HUWAG N’YO SIYANG PAKAKAWALAN!!!!” sigaw ni Lucius.

Mabilis na sinakay ni Arganoth si Zavier sa kanyang ship. Sumakay na rin siya pagkatapos. Binuksan na niya ang makina nito at pinalipad na kaagad.

Hindi na nahabol ng mga servants ang ship. Tuluyan na itong lumipad patungo sa kalawakan.

Naging tao na si Julius. Wala rin siyang malay habang nasa binti ni Triny ang kanyang ulo.

Patay! Natatakot na talaga ako!” pakabang sabi ni Jonathan habang siya ay nakatingin sa kalangitan na kung saan do’n lumipad ang ship.

Nakatakas sila! A-Anong gagawin natin?!” kinakabahan na rin si Christoph.

Tinulungan ni Baron si Lucius na makatayo.

BITIWAN MO AKO!” tinulak niya si Baron. “NAKAKAINIS! PINABAYAAN N’YO SILANG MAKAWALA! MGA WALANG KWENTA!”

Nanlaki ang mga mata ni Baron matapos niyang marinig ang sinabi ni Lucius.

NAKAKAINIS!” naglakad si Lucius kahit na papilay-pilay. “BUMALIK NA TAYO SA PALASYO!”

HINDI AKO LIGTAS DO’N!” sigaw ni Janella.

Napahinto si Lucius sa tabi niya. “Ano?”

HINDI AKO LIGTAS DO’N SABI NI ZAVIER! KAYA AKO NANDITO DAHIL DITO AKO LIGTAS!”

Malumanay na tumingin si Lucius sa kanya. “Naniniwala ka sa mga sinasabi ng lalaking ‘yun? Hindi mo ba naiisip na baka dito ka nila kunin? Sinasabi lang niya ‘yun para mapadali sila!”

Hindi!” umiling siya. “Totoo ang mga sinasabi niya sa akin! NANINIWALA AKO SA KANYA! ZAVIER IS OUR ANGEL, LUCIUS! AND THAT ANGEL BROUGHT ME HERE INTO THIS PLACE OF REFUGE! THIS IS MY ONLY PLACE OF SAFETY!”

Ah ganu’n? Siya ang susundin mo at hindi kami? Di ba sinabi ko naman sa ‘yo na sa palasyo ka lang ligtas?”

Umiling siya. “Mahahanap at makikita nila ako do’n! Inaamin ko na kaya ako pawala-wala sa palasyo ay dahil ‘yun kay Zavier! Sa kanya pa nga lang ay napatunayan ko na, na alam nga nila kung nasaan ako!”

Masama ang pagkakatitig ni Lucius sa kanya.

Ligtas ako sa lugar na ‘to, dahil ito lang ang lugar na hindi nila kayang puntahan dahil mainit dito! Kung mainit rin sa palasyo, mas mainit pa rin dito!”

Hindi niya inintindi ang sinabi nito. “Babalik tayo sa palasyo! Kahit anong mangyari, sa palasyo ka lang!” lumakad muli siya patungo sa kanyang jet.

Tinutulak at dinadala nila Clayden at Eric si Janella habang sila ay nasa likuran lang ni Lucius.

AYOKOOO!!!!” sigaw ni Janella habang nagwawala at umiiyak.

HUWAG TAYONG MAGPAPANIWALA SA MGA KAAWAY NATIN! TANDAAN MO! SILA ANG MAY MGA BALAK NA PATAYIN KA PRINCESS JANELLA!”

Hindi si Zavier! HINDI SIYAAA!!!! WALA SIYANG INTENSYON NA PATAYIN AKO! KAIBIGAN KO SIYA AT ISA KO RING TAGAPAGLIGTAS!!!!”

Natawa si Lucius. “Kaawa-awang prinsesa, nakakalungkot isipin na nagpapaloko ka sa kanya! Nakalimutan mo na ba ang kasalanan nila sa ‘yo?! Kinalimutan mo na ba si Jasper?!”

Nainis si Janella sa kanyang sinabi. “Pinaliwanag niya sa ‘kin ang lahat Lucius… Alam ko ang totoo at wala kang alam tungkol do’n! Hindi ako nagpapaloko! TOTOO SIYA! AT KUNG SILA NGA TALAGA ANG PUMATAY KAY JASPER, HINDI NIYA ‘YUN GINUSTO AT HINDI SIYA KASAMA DO’N!”

Napailing na lang si Lucius. “Nakakaawa si Jasper, dahil hindi na siya naaalala ng ating prinsesa ngayon.”

ANONG PINAGSASABI MO?!!!!” biglang uminit ang ulo ni Janella. “NAGKAKAMALI KA!!!!!”

Hahaha!” pinagtawanan lang siya ni Lucius.

Nagising na si Julius. Dumilat siya at nakita niya kaagad si Triny.

Julius!” napangiti si Triny.

Kumunot ang noo niya at hinimas ang kanyang noo. Tiningnan niya ang paligid. “N-Nasaan na ako?”

Ahm, nasa mabatong lugar tayo.”

Pumunta sa kanila sina Mitch, Harony at Caroline.

Uy! Gising ka na pala! Halika na! Sasakay na ulit tayo sa jet! Babalik na tayo sa palasyo!” wika ni Caroline.

Tumango si Harony. “Halika na.”

Napaupo si Julius. “O sige.”

Halika!” tumayo na si Triny at tinulungan niyang patayuin si Julius.

Ang sakit yata ng katawan ko.” mahinang wika ni Julius.

Epekto yata ‘yan ng pagiging manok mo.” wika ni Mitch.

Nagkibit-balikat si Julius. “Hindi ko alam, halika na.”

Binuksan ni Lucius ang pinto at pinasok nila Eric at Clayden si Janella sa loob. Madaling sumunod sa kanila ang iilang servants na nahuli.

Habang sa Mharius naman, mga naghahanda na ang mga spirits sa paglipad patungo sa Destiny World.

Mabilis na tumatakbo ang dalawang La luna kay Everestine. “Ginoong Everestine! Nakakita po kami ng mga sundalo sa gubat!” wika ng isa habang buhat-buhat ang isang walang malay na sundalo.

Nagtaka si Everestine. “Sino ‘yan at bakit may mga sundalo dito?!”

Hindi po namin sigurado pero parang mga taga-Destiny po sila!”

Nagulat siya. “Ano?! Anong kailangan nila sa atin?! Nalaman na ba nila ang plano natin?!”

Napatingin silang dalawa sa isa’t-isa. “Hindi po namin alam.”

Gisingin n’yo ‘yan!” tumungo siya sa kanyang kubo. “Sumunod kayo sa ‘kin!”

Madaling sumunod ang dalawa. Napatingin ang mga spirits sa kanila at nagbulungan. Pumasok na si Everestine sa malaki niyang kubo.

Uminit ang kanyang ulo habang iniisip ang intensyon ng mga sundalo dito. “Itali n’yo ‘yan sa upuan! DALIAN N’YO!” umupo siya sa kanyang upuan at hinampas pa ng malakas ang lamesa sa galit bago niya pinatong ang kanyang dalawang braso dito.

Opo!” madali nilang pinaupo ang sundalo sa upuan at tinali.

Painumin n’yo ‘to sa kanya!” inabot ni Everestine ang isang garapon na may lamang tubig sa kanilang dalawa.

Kinuha ito ng isa habang pinatingala naman ng isa ang ulo ng sundalo. Pinapatak nila ito sa nakabukas niyang bunganga.

Imbis na paalis na tayo ngayon, nagkakagulo-gulo pa tayo! Alas-dose pa naman ang oras ng pag-alis natin dito! Anong oras na?! Maga-alas-dose na sa atin ng madaling araw habang maga-alas-tres na rin sa kanila ng madaling araw! Mabilis lang ang oras at maya-maya lang nito ay mainit na ang temperatura sa kanila! Lalabas na rin pati ang araw sa kanila!”

Tahimik lang na nakasilip sa bintana ang mga spirits habang tinitingnan ang sundalo. Mga nagbubulungan pa rin sila.

Maya-maya ay nag alas-dose na at nagising na rin sa wakas ang sundalong inaantay nilang magising.

Magandang… umaga na sa ‘yo.” bati ni Everestine.

Luminga-linga ang sundalo. Nakaramdam siya ng pagkatakot nang makita niya na nasa loob na pala siya ng kubo. Mabilis niya na inalog ang upuan habang pinipilit niyang tanggalin ang tali sa kanyang mga kamay. “PAKAWALAN N’YO KO!”

Sino ka?” seryosong tanong niya.

Masamang tumingin ang sundalo sa kanya. “Ako si Kim at isa akong sundalo ng Destiny World! Nandito ako para sa aming prinsesa na si Janella! Nasaan na siya ngayon?!”

Nagulat ang lahat.

Anong pinagsasabi mo?” kumunot ang noo ni Everestine.

Nasaan si Zavier?! NASAAN?!” lumingon-lingon si Kim at tiningnan ang mga mukha ng mga nakasilip sa bintana.

Nagulat si Everestine. “P-Paano mo nakilala si Zavier?!”

Nandito ang aming prinsesa! SIYA ANG DUMAKIP SA KANYA!!!!”

Ano?! Si Zavier?!” nagulat ang isang spirit.

Nagbulungan muli silang lahat.

ANO?!” dinabog ni Everestine ang dalawa niyang kamay sa lamesa. “SI ZAVIER?!”

HUWAG KAYONG MAGKUNWARING WALANG ALAM!!!! IBALIK N’YO ANG PRINSESA SA AMIN!!!!”

Kumunot muli ang noo ni Everestine at napaisip siya kung nasaan na si Janella ngayon. “TAWAGIN N’YO SI ZAVIER!!!!”

Mabilis na pumunta ang mga spirits sa kubo ni Arganoth.

Hindi ako makapaniwala…” nananatili pa ring nakakunot ang kanyang noo habang iniisip ang ginawa ni Zavier. “Kung ganu’n, nasaan na ang prinsesa?!”

HUWAG NGA KAYONG MAGKUNWARI NA WALANG ALAM!” sigaw ni Kim.

WALA KAMING ALAM TUNGKOL DITO!!!! HUWAG KANG MAGULO!!!!” hinagis ni Everestine ang isang bato sa kanya.

Ginoong Everestine! Wala po si Zavier sa kubo pati rin po si Arganoth!”

Nanggigigil na sa inis si Everestine. Napatayo siya at muli niyang dinabog ang lamesa. Nagduda na siya. “Alam naman ni Arganoth ang plano natin di ba?! Bakit wala siya dito?! Kilala ko ang aking kapatid! Lalo na paalis na tayo at papunta na tayo sa Destiny World! Hindi pwedeng mangyari na wala siya dito! Hindi kaya mga taksil ang mga ‘yan sa atin?! Baka may iba silang pinaplano!”

Tahimik lang ang lahat.

B-Baka hindi naman. Baka hindi naman kasama ni Arganoth si Zavier. Hindi ako naniniwala na magiging traydor si Arganoth. Baka si Zavier, oo maniniwala ako.” mahinang wika ng isa.

Tingnan n’yo kasi, ang sabi ng sundalong ito ay kinuha na ni Zavier ang prinsesa!” pasigaw na wika ni Everestine habang dinuduro pa niya si Kim. “HINDI SINUNOD NI ZAVIER ANG PLANO NATIN! KINUHA NIYA BA SIYA DAHIL ALAM NIYA NA PAPUNTA TAYO SA MUNDO NILA?! ANONG GUSTO NIYANG IPARATING?!”

Nagbulungan muli ang lahat.

Kaya pala iba ang kinikilos ni Zavier simula pa lang dahil tinatalikuran na niya pala tayo!” sigaw ng isang spirit.

Pero si Arganoth… nasaan kaya siya?” nagtaka ang isa.

Narinig ni Everestine ang tanong nito habang nakatingin siya sa kawalan. “Nagdududa rin ako sa kanya.”

Nagulat siya. “Pero… hindi naman po niya magagawang talikuran tayo! Kilala ko rin po siya at alam kong hinding-hindi niya magagawa ‘yun!”

Kumunot ang noo ni Everestine. “Hindi rin… AT NAGKUNWARI LANG PALA SIYANG NAKIKINIG AT KASAMA NG ATING PLANO!!!! ISA RIN SIYANG TAKSIL! SIGURADO AKO NA MAGKASAMA ANG DALAWANG ‘YAN!!!! KILALA KO SI ARGANOTH AT DAPAT SA MGA ORAS NA ‘TO, NANDITO SIYA KUNG HINDI RIN SIYA TRAYDOR!!!!”

Habang sa Destiny World naman, mga nasa palasyo na silang lahat. Walang kapayapaan sa loob sapagkat mga nagsisigawan sila. Mga kinakabahan at nag-aalala ang mga servants habang pinapanood sina Janella at Lucius. Gusto na nga nilang awatin ang dalawa ngunit natatakot din sila.

KAINIS KA LUCIUS! HINDI MO PA KASI KILALA KUNG SINO SI ZAVIER! OO! NAIINTINDIHAN KO KUNG ANO MAN ANG INIISIP MO SA KANYA DAHIL GANU’N DIN NAMAN AKO NUNG UNA SA KANYA! PERO NAGKAKAMALI KA! IBANG-IBA SI ZAVIER! HINDI PORKET NA ISA SIYANG LA LUNA AY MASAMA NA SIYA! HINDI! HINDI SIYA MASAMA!!!!”

Ano bang pinagsasabi mo Janella?!” hindi na nakatimpi si Adelaide at nasampal na niya ang prinsesa.

?!” nagulat si Janella nang bigla siyang sampalin.

Baliw ka na ba?! Hinding-hindi mo siya magiging isang kaibigan! Tandaan mo, nagpapanggap lang siya sa ‘yo!”

SANA PATAY NA AKO NGAYON! SANA NOON PA AKO WALA KUNG GANU’N! PERO DAHIL SA KANYA, NALAMAN KO ANG BUONG KATOTOHANAN! ALAM NIYA KUNG ANO AT SAAN ANG IKABUBUTI KONG KALAGAYAN! SA MAGIGING LIGTAS AKO AT HINDI SA MAPAPAHAMAK AKO!”

Napailing si Adelaide habang masama siyang nakatingin sa kanya. “Wala ka na sa sarili mo Janella! Baliw ka na!”

BALIW NA AKO KUNG BALIW! BASTA TOTOO LAHAT NG MGA SINASABI KO! KAIBIGAN NATIN SI ZAVIER! SIYA ANG TAGAPAGLIGTAS KO!!!! SIYA ANG TAGAPAGLIGTAS NATING LAHAT!!!!”

Hinding-hindi mangyayari ‘yun.” seryosong wika ni Lucius.

Nanggigigil na ang prinsesa sa galit. “MANAHIMIK KA LUCIUS!” malakas niyang tinulak si Lucius.

Ngunit mabilis namang hinawakan ni Lucius ang mga kamay ni Janella bago pa siya itulak. “Tama nga si Queen Adelaide at sigurado ako na nagpapanggap nga lang siya sa ‘yo habang wala ka namang kaalam-alam na… hindi pala talaga siya ganu’ng mabait at niloloko ka lang talaga niya.”

TSE! MANAHIMIK KA!!!!!!” pinilit niyang tanggalin ang mga kamay ni Lucius na nakahawak sa kanya. “BITIWAN MO AKO!!!!”

Masyado ka kasing nagpapaniwala sa hindi naman kapani-paniwala. Ang imposible ay hindi kailanman magiging posible!”

HINDEEE!!!!” naiyak si Janella. “MABAIT SI ZAVIER AT ANG PINAPAKITA NIYANG UGALI SA ‘KIN AY TOTOO!!!!”

Imposible na magiging isa natin siyang tagapaglitas, my princess. Isipin mo, isa natin silang kaaway.” natawa’t napailing si Lucius. “Kaya napakaimposibleng mangyari ‘yun.”

POSIBLE KAY ZAVIER ‘YUN LUCIUS! HANDA NIYA TAYONG ILIGTAS AT SINABI NIYA ‘YUN SA ‘KIN!”

Natawa muli siya. “Ayan na nga ba ang sinasabi ko, masyado kang nagpapaniwala at sobrang umaasa sa lahat ng pinagsasabi niya. Nakakaawang prinsesa.”

Gusto nang suntukin ni Janella si Lucius ngunit hindi niya ito magawa dahil nakahawak pa rin ito sa kanya. “BITIWAN MO ANG AKING KAMAY!!!!! KAINIS KA!!!! KAINIS KAAA!!!!”

Biglang uminit ang dalawang kamay ni Lucius.

A-ARAY KO!” napapaso si Janella. “ANG SAKIT!!!!”

Seryoso lang na nakatingin si Lucius sa kanya. “Hindi mo ba alam na sinakripisyo ko ang aking buhay para sa ‘yo? Hinayaan ko ang aking sarili na maging isang kalahating Dia Spirit!”

Nagulat ang lahat.

Nagulat rin si Janella sa kanyang narinig. Nanlaki ang kanyang mga mata habang nakatingin sa kanya.

ANO?! ISANG DIA SPIRIT?!” nanlaki ang mga mata ni Jonathan. “Ano ‘yun?” mahinang tanong niya kay Caroline.

Kung si Zavier ay tubig, ako naman ay apoy. Pinili ko na maging isang kalahating Dia para bantayan ka.”

Ano…?” kumunot ang noo ni Janella at hindi pa rin siya makapaniwala.

Kahit na ako ay isang kalahating Dia, kaya ko pa ring pumunta sa Mharius dahil ako ay tao pa rin.”

Nakatingin lang si Janella sa magkabilang mata niya habang nakakunot pa rin ang noo.

Nando’n ako sa lugar na kung nasaan ka. Pinapanood ko lang kayo ni Zavier sa Mharius palagi.” napatingin siya sa mga servants. “Kaya kung mapapansin ninyo aking mga kaibigan, hindi ko palaging nasasagot ang mga tawag n’yo sa ‘kin dahil minsan masyado ko nang pinagmamasdan at binabantayan si Princess Janella kay Zavier at isa pa, ayoko ring maistorbo. Kaya ngayon, ipagpaumanhin n’yo ako sana sa oras na kailangan ninyo ako pero wala ako. Pero sinasabi ko na sa inyo ngayon, ako ay kalahating Dia Spirit at hindi ako palaging nandito sa ating mundo. Kundi nando’n ako sa Bhingelheim World palagi para bantayan at para alamin ang mga pinaplano ng mga Dia at La luna sa atin!”

Hindi makapaniwala si Adelaide. “A-Alam mo na ba kung ano ang gusto ng mga La luna sa mundo natin?” pakabang tanong niya.

Sumulyap ang mga mata ni Lucius kay Janella. “Sinabi sa ‘kin ni Zavier na ang Gulletein Stone daw.”

Ang batong ‘yun?”

Oo.”

M-Meron ako dito! Pwede ko namang isuko ang batong ‘yun sa kanila. B-Basta… huwag lang nilang angkinin ang mundo natin! Kung ‘yun pala ang kanilang gusto, ibibigay ko!”

Napatingin ang mga servants sa isa’t-isa. Hindi sila makapaniwalang may ganu’n palang bato si Adelaide. Napaisip sila na baka magkaroon pa sila ng isa pang pagkakataon para hindi na magkagiyera.

Hindi ako sigurado, Your Majesty.” wika ni Lucius.

Madaling pumunta si Adelaide sa kanyang aparador. Mga pinaghahagis na lang niya ang iilan niyang mga damit kung saan-saan dahil sobra na siyang natataranta. Nakita niya ang susi na kanyang hinahanap. Kinuha niya ito at pinakita kay Lucius.

Alam mo na rin ba kung ano ang gagawin o plano nila ngayon?” pag-aalalang tanong ni Adelaide.

Binitiwan na ni Lucius si Janella. Tumingin siya kay Adelaide pagkatapos. “Sa pagkakaalam ko, ngayon na nila tayo susugurin.”

Natigilan ang lahat.

Habang sina Arganoth at Zavier ay nasa Mharius na kanina pa. Malayo nga lang sa nayon niya binaba ang kanyang ship dahil baka makita siya ng mga La luna. Kaya ngayon ay natataranta na siya at madali lang siyang tumatakbo patungo sa nayon habang buhat-buhat si Zavier para gamutin.

Mariin ang pagkakapikit ng binata habang pinipilit niyang hindi mapaubo para hindi maglabasan ang tubig sa kanyang katawan. Hirap pa rin siyang huminga.

Malapit na tayo Zavier. Gagamutin na kita! Kakaunting tiis na lang!”

Tiyo…”

Zavier?!” kinabahan si Arganoth.

M-Malalaman… po kaya… ni Everestine…?”

Ang alin anak?!”

A-Ang… aking… plano…?”

B-Bakit naman niya malalaman?!”

S-Siguradong… m-magtataka siya… k-kung bakit ganito… ang aking… i-itsura.”

Hindi naman siguro anak. Iiwasan natin sila. Huwag mong isipin ‘yun.”

Paano… k-kung… m-mangyari ‘yun… tiyo…?”

Hindi na lang sumagot si Arganoth.

P-Pasensya na tiyo at… n-nang dahil pa po sa ‘kin, mapapahamak… ka p-pa po...” bigla siyang napaubo at sumabay muli ang paglabas ng maiitim na tubig mula sa kanyang bibig.

Zavier!” muling nag-alala si Arganoth nang marinig niyang umubo ito at nang maramdaman pa niyang dumaloy pa ang tubig na nilabas niya sa magkabila niyang braso. “Pigilan mo ‘yan! Mauubos ang katawan mong tubig!” pag-aalalang wika ni Arganoth sa kanya.

Mariing napapikit si Zavier habang hawak-hawak ng magkabila niyang kamay ang kanyang bibig. Nagulat rin siya sa kanyang sarili nang bigla na lang siyang mapapaubo sa hindi niya inaasahang oras. Naramdaman niya na naging sensitibo na ang kanyang katawan at kakaunting galaw lang niya ay maglalabasan muli ang maiitim na tubig sa kanyang bibig na tanging gustong ilabas ng napakalinis at sagradong pangangatawan na meron siya.

Nasa nayon na sila. Nagtago muna si Arganoth sa puno at sinilip ang mga spirits sa loob. Walang naglalakad. Lumabas siya sa puno at mabilis na pumasok sa gate.

Zavier, wala na yata sila! Nakaalis na!”

Biglang pumasok sa isip ni Zavier si Janella. Naalala rin niya si Lucius. Gusto niya tuloy na bumalik sa Destiny World. “P-Prin…cess…” biglang lumabo na ang kanyang pandinig at paunti-unti na itong nawawala.

Alas-sais na ng umaga at nagising na si Zavier sa kama nang nakahubad. Malabo-labo pa ang kanyang paningin. Pinipilit niyang kitain ang lugar.

N-Nasaan na ako...?” mahinang tanong niya. Pinilit niyang bumangon.

Bigla siyang pinigilan ng kanyang katabi.

Nagulat si Zavier at napalingon dito. “S-Sino---”

Zavier ako ‘to, ang tiyo mo.” ngumiti siya ng kakaunti. “Huwag ka munang bumangon. Magpahinga ka lang.” pag-aalalang wika niya habang nakahawak sa balikat ni Zavier.

Lumiit ang mga mata ni Zavier at pinilit niyang kitain si Arganoth ngunit sobrang malabo pa talaga ang kanyang paningin. Napabuntong-hininga na lang siya at humiga na lang muli. “A-Akala ko... kung nasaan na po ako...” napapikit muli siya.

Malungkot na nakatingin sa kanya si Arganoth.

Bigla muling naisip ni Zavier si Janella. “P-Princess... n-nasaan ka na kaya ngayon?” nag-alala siya at medyo kinabahan.

Hindi na lang sumagot si Arganoth. Nilubog na lang niya ang damit ni Zavier sa timba na may lamang tubig. Piniga niya ito pagkatapos at pinahid ito sa noo ni Zavier.

Tiyo…?” marahan siyang dumilat at sumulyap ang kanyang mga mata sa kanya.

Magpahinga ka lang muna anak.” iniwan niya ang damit sa noo nito. Tumayo siya at pumunta sa kanyang lamesa.

Napapikit muli si Zavier at bumuntong-hininga. Hinawakan niya ang damit sa kanyang noo.

Nakatalikod si Arganoth sa kanya dahil nasa lamesa siya at naghahalo ng panggamot para sa kanya.

Tiyo...”

Naghahalo lang siya ng gamot. “Anak?”

G-Gusto ko na pong gumaling kaagad... p-para... k…kay…!” hindi muli makapagsalita ng maayos si Zavier nang maramdaman niyang sumasakit muli ang kanyang tiyan.

Nasasaktan rin si Arganoth sa tuwing naririnig niya na ganitong magsalita si Zavier. Nanghihina rin siya. “Naiintindihan ko anak. Naiintindihan ko.”

Bumaling si Zavier. “Ur…gh!” ungol niya at muli siya napaubo. Muli niyang naramdaman ang pag-gapang ng init mula sa kanyang tiyan. Napahawak siya sa kanyang tiyan.

Naiisip ni Arganoth ang tunay na gamot para kay Zavier. Ngunit ang gamot na ito ay na kay Everestine lang. Sa ngayon, ginagawa niya ang kanyang makakaya at nagbabasakali lang siya na baka makagawa rin siya ng ibang gamot na kayang magpagamot sa binata.

A-Ang s-sakit…!” bumaluktot si Zavier. Mahigpit niyang hinawakan ang kanyang tiyan. “A-Aggghh!!!” nahampas at napahawak pa ang isa niyang kamay sa pader.

Madaling lumapit si Arganoth sa kanya habang dala-dala ang ginawa niyang gamot. “Anak, tumihaya ka. Lalagyan na kita ng gamot.”

Hindi kumikibo si Zavier at mariin lang siyang nakapikit.

Naaawa na talaga siya para kay Zavier. Hinawakan niya ang noo nito. Nagulat siya nang maramdaman niya na naging maligamlam na ito. Hindi na ito normal para sa kanilang mga tubig, dahil sila ay mga malalamig at hindi kailanmang magiging maligamgam. Madali na niyang nilagyan ng gamot ang kanyang palad at madaling hinimas sa noo nito.

Zavier, tumihaya ka.” ulit niyang sabi.

Urgh! T-Tiyo!” halos maiyak-iyak na siya sa sobrang sakit. “H-Hindi ko po… k-kaya! Aaagghhh!!!!!”

Umupo na sa kama si Arganoth at nilagyan niya muli ng gamot ang kanyang palad. Pinilit niyang isingit ang kanyang kamay mula sa kamay ni Zavier na nakahawak sa kanyang tiyan. Pagkatapos ay hinimas na niya ito para malagyan na ng gamot habang sinasabayan rin niya ito ng dasal.

Saglit lang at umayos din ang pakiramdam ni Zavier kahit kakaunti. Niluwagan na niya ang pagkakahawak niya sa kanyang tiyan.

Patuloy pa rin na hinihimas ni Arganoth ang kanyang tiyan. Napatingin siya sa mukha ni Zavier.

Nakapikit lang ito habang nakakunot pa rin ang kanyang noo dahil sa nararamdaman.

Biglang bumukas ang pinto.

Nagulat si Arganoth at inabangan kaagad kung sino ang papasok.

Nagulat ang babae. “SI ARGANOTH AT SI ZAVIER! NANDITO NA!!!!” lumabas siya.

Palabasin mo sila!” sigaw ng isang lalaking spirit.

LUMABAS KAYO DIYAN!!!!” sigaw nila.

Natakot si Arganoth. “Zavier!”

Hindi sumasagot si Zavier.

LUMABAS NA KAYO!!!!” pumasok pa ang iilan sa kubo niya. Hinablot pa ng isang lalaking spirit ang damit ni Arganoth. “SABING LABAS!!!!”

Hindi na alam ni Arganoth ang dapat niyang gawin. Wala na siyang iba pang pwedeng gawin kundi sundin ang sinasabi nila. Binuhat niya si Zavier at lumabas.

Naglabasan ang mga spirits sa malaking kubo ni Everestine. Nagulat silang lahat nang makita nila na buhat-buhat niya si Zavier. Sumunod na lumabas si Everestine. Masama niyang tiningnan ang dalawa.

Nanlaki ang mga mata ni Arganoth at kinabahan. Gusto na niyang umalis bago pa makalapit si Everestine sa kanila.

Naglakad papalapit si Everestine sa kanila. “Hindi ko na kailangan ng paliwanag mo kung may ipapaliwanag ka pa sa akin. Dahil alam ko na ang buong katotohanan.”

Napalunok si Arganoth. Bigla siyang nanginig sa takot.

Hirap na dumilat si Zavier para tingnan si Everestine.

MGA BUWISIT KAYO! MGA TRAYDOR!!!!” malakas niyang tinulak si Arganoth.

Natumba siya’t nabitiwan niya si Zavier.

Argh!” nasaktan si Zavier sa kanyang pagbagsak at mabilis niyang hinawakan ang kanyang tiyan. Pinipilit niyang pahintuin ang pagtagas ng tubig mula dito. Napaubo pa siya.

Bumilis ang paghinga ni Arganoth habang may takot ang kanyang pagkakatingin kay Everestine. Hindi siya makapagsalita.

Ngumisi si Everestine habang nakatingin sa kanya. “Bakit nagawa mo akong taksilan, Arganoth? Isa mo akong kapatid di ba?”

U-Umalis ka… kay tiyo…!” pinilit ni Zavier na magsalita ng maayos at malakas.

Napalingon at napatingin si Everestine sa kanya. Natawa siya at lumapit naman siya dito. “Kaya pala iba ang kinikilos mo simula pa lang Zavier. Dahil may plano ka palang iba na laban sa plano namin!”

Oo…! T-Tama ka…! At h-hindi kasama si tiyo dito…! A-Ako ang may gusto nito…!” galit ang kanyang pagmumukha.

Nagulat ang lahat at tama nga ang kanilang hinala. Nagbulungan muli silang lahat.

Ganu’n? Hindi ba gusto ni Arganoth ang plano mo? Pero gusto ka niyang tulungan kaya kasama mo siya? Pinagloloko mo ba ako?”

Napatingin si Zavier kay Arganoth habang nakatingin rin ito sa kanya.

SAGUTIN MO AKO!!!!” mabilis niyang sinakal si Zavier.

Ah…urgh..h…k!” mabilis na hinawakan ni Zavier ang kanyang kamay. Naglabasan muli sa kanyang bibig ang maiitim na tubig.

ANG SABIHIN MO, KASAMA RIN SIYA SA PLANO MO ZAVIER!!!! HUWAG KA NANG MAGSINUNGALING PA PARA PROTEKTAHAN SIYA!!!!” nanggigil si Everestine sa galit at sobrang higpit na ang pagkakasakal niya sa kanya.

Hindi na makahinga si Zavier. “H..h..!” mariin siyang napapikit.

BITIWAN MO SIYA!!!!” malakas na tinulak ni Delilah si Everestine.

Nabitiwan ni Everestine si Zavier at natumba.

Umubo ng umubo si Zavier habang patuloy lang na naglalabasan ang maiitim na tubig sa kanyang bibig.

Hindi makapaniwala si Everestine ng itulak siya bigla ni Delilah ng ganu’ng kalakas. Marami ang nagsilapitan sa kanya para tulungan siyang patayuin.

Lumapit na si Arganoth kay Zavier. “Zavier!” lalo siyang nag-alala dahil sobrang dami na ng tubig ang nalalabas niya ngayon.

Lalong nanghina at lalo ring nahirapang huminga si Zavier. Nakapikit lang siya habang naghahabol ng hininga.

Nakatayo na si Everestine habang nakaalalay pa ang iba sa kanya. Masama niyang tiningnan si Delilah. “BAKIT MO AKO TINULAK DELILAH?! KUMAKAMPI KA RIN BA KAY ZAVIER?!”

Nakatayo lang si Delilah habang nanginginig ang buong katawan sa takot. Hindi rin siya makapaniwala na nagawa niya ‘yun. “P-Pakiusap! H-Huwag n’yo siyang saktan! Bata lang si Zavier!”

BUWISIT KA DELILAH!!!! SIGE! MAGSAMA-SAMA KAYONG MGA BUWISIT!!!! DO’N TAYO MAG-USAP SA KUBO KO!” tumungo si Everestine sa kanyang kubo.

Hinawakan ng dalawang spirits si Delilah sa magkabila niyang braso at dinala siya sa kubo ni Everestine.

AAAHHHHH!!!!!! BITIWAN N’YO AKO!!!!! BITIWAN N’YO AKOOO!!!!!!!!!!” sigaw ni Delilah habang pumipiglas.

TUMAYO KAYO DIYAN MGA TRAYDOR!” hinila ng isang spirit ang damit ni Arganoth papalayo kay Zavier. “PUMUNTA KA NA SA KUBO NI GINOONG EVERESTINE! HUMANDA KA NA!”

Tumayo si Arganoth at tinulak ang humihila sa kanya. Nagsilapitan na ang ibang spirits sa kanya at hinawakan na nila ang magkabila niyang braso. “Pumunta ka na sa kubo ni Ginoong Everestine!”

Wala nang marinig na iba pang ingay si Arganoth kundi ang kanilang sinisigaw na salitang “traydor”.

MGA TRAYDOR! MGA TRAYDOR! MGA TRAYDOR!”

MGA WALANG KWENTA!”

MGA WALA KAYONG HIYA!”

Napatingin si Arganoth kay Zavier habang siya ay tinutulak. “Anak!” wika niya mula sa kanyang isip.

Mga nakapalibot ang iilan sa binatang nakadapa.

TUMAYO KA DIYAN! PUMUNTA KA SA KUBO NI GINOONG EVERESTINE!” wika ng isang babaeng spirit habang sinisipa-sipa niya pa si Zavier.

Habang si Janella naman sa palasyo ay kinulong na sa kanyang kwarto. Hindi na niya alam kung ano na ang dapat niyang gawin sa mga oras na ito. Hindi na rin niya alam kung ano pa ang dapat niyang sabihin at gawin para mapaniwala niya sila Adelaide at Lucius na ang lahat ng kanyang mga sinasabi ay totoo.

Umupo siya sa kanyang kama at niyakap ang magkabila niyang binti.

Zavier… sana maayos ka na ngayon.” napailing at muli siyang naiiyak. “Sobra akong natakot at kinabahan nang malaman ko na kalahating Dia pala si Lucius, isang apoy. Kung iniisip mo ako ngayon, sobrang lungkot at namomroblema ako dito. Iniisip ko ngayon kung ano na ang dapat kong gawin para makaalis na sa palasyong ‘to. Pero mas naiisip ko ang kalagayan mo. Sana gumaling ka kaagad.” biglang pumatak na ang luha niya sa kanyang pisngi ngunit mabilis niya itong pinunasan.

Binuka niya ang kanyang kamay at tiningnan ang kwintas at pulseras na yari sa iba’t-ibang bulaklak na ginawa sa kanya ni Zavier. “I will not let anyone take you away from me, Zavier. Kahit ano man ang mangyari.” bigla muli niyang naalala ang ginawa ni Lucius sa kanya. “Sobrang sakit nang makita kitang nanghina… lalo na nung makita kitang nawalan ng malay. Hindi ko kailanman mapapatawad si Lucius sa ginawa niyang ‘yun sa ‘yo. Never.” muli niyang pinunasan ang kanyang luha.