35: Secrets Revealed
Binuhat na lang ng mga La luna si Zavier at hinagis ng pabalang sa loob ng kubo ni Everestine. Hindi pa rin makakilos si Zavier habang kinakain pa rin siya ng init mula sa kanyang tiyan. Nakatayo lang si Arganoth at hinahawakan pa rin siya ng iilan sa braso habang pinagmamasdan niya ang nakakaawang si Zavier. Katabi lang niya si Delilah habang nakahawak rin sa magkabilang braso niya ang dalawang spirits.
Nakadapa lang ang binata habang paikot-ikot naman sa kanya si Everestine. Nakapikit lang siya habang pinipilit niya na maging malakas kahit na nararamdaman na niya na pahina na siya ng pahina.
Masama ang pagkakatitig ni Everestine sa kanya habang siya ay paikot-ikot. “Ano?! Tingnan mo naman kung ano na tuloy ang nangyayari sa ‘yo! Hindi ko na lang tatanungin pa kung bakit ka nagkaganyan dahil wala naman akong pakialam. Isa lang naman ang gusto kong itanong sa ‘yo, magtatagal pa kaya ang buhay mo?” napahinto siya at ningisihan si Kim pagkatapos. “Oo nga pala, ito nga pala si Zavier.”
Nanlaki ang mga mata ni Kim nang makita niya si Zavier.
Pangisay-ngisay pa si Zavier sa tuwing nararamdaman niya ang sakit mula sa kanyang tiyan. Nararamdaman niya na palawak na ito ng palawak sa loob ng kanyang katawan. “K…h!” napaungol siya.
“Zavier!” sobra nang nag-aalala si Arganoth. Hindi siya mapakali.
“HUWAG KANG GUMALAW ARGANOTH!!!!” dinuro niya ang kanyang kapatid.
Pinilit ni Zavier na dumilat para tingnan si Everestine.
Muling tiningnan ni Everestine si Zavier. Ngumisi siya nang makita niya na nakadilat na ito habang nakatingin sa kanya ng masama. “Tingnan mo ako sa ganyang tingin Zavier. Wala akong pakialam. Tandaan mo hanggang tingin ka na lang sa ‘kin hanggang sa makita ka na lang naming---”
“HINDE!!!!” nakaramdam ng sobrang pagkainis si Arganoth. “HUWAG KANG MAGSALITA NG GANYAN EVERESTINE! MAAWA KA KAY ZAVIER!!!!”
Marahang tumingin si Everestine sa Helem Potion na nasa harapan ng kanyang kapatid. Masama siyang tumawa. “Nakikita mo ‘yun?” lumuhod siya sa tabi ni Zavier at tinuro ang potion. “‘Yun lang ang gamot na magpapagaling sa ‘yo. Kunin mo kung gusto mo.” masama niyang ningitian ang binata at muli na siyang tumayo pagkatapos.
Nakita ni Zavier ang Helem Potion. Sumulyap ng marahan ang kanyang mga mata kay Arganoth. Nakita niya na nakahawak sa dalawang braso nito ang iilang spirits habang ang iba naman ay nanonood lang sa kanya.
“P-Pakiusap Everestine! Kailangan na natin siyang pagalingin!” nagmamakaawa na si Arganoth. “Pakiusap! Ipagawa mo na sa ‘kin kung may ipapagawa ka ulit sa ‘kin! Basta makita ko lang ang anak ko na hindi ganito!”
Biglang naawa si Zavier nang marinig niya na nagmamakaawa si Arganoth kay Everestine. Naalala niya muli ang mga ginawa ni Everestine sa kanyang kapatid. Bigla siyang nainis habang iniisip ang ala-ala.
“Anong inaantay mo pa diyan?” ngumisi si Everestine kay Zavier habang hindi niya iniintindi si Arganoth.
Biglang sinipa ni Delilah ang Helem Potion papalapit kay Zavier. “Kunin mo Zavier!”
“?!” nagulat si Everestine at madali niyang inapakan ang potion. Masama niyang tiningnan si Delilah at natawa siya ng kakaunti. “Parang gusto mo yatang masaktan Delilah. Huwag kang mag-alala, gagawin ko ‘yun para sa ‘yo.” lumapit siya sa kanya.
Muling nanginig si Delilah sa takot. Pumipiglas siya sa dalawang spirits na nakahawak sa kanya. “H-Huwag! Ayokooo!!!!”
“Huwag mo siyang saktan Everestine!” sigaw ni Arganoth.
Binaba ni Everestine ang potion sa ibaba ulit ng kanyang kapatid. Ningitian muna niya si Delilah saglit. “YAAAAHHHHH!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!” mabilis na niyang pinagsusuntok ang tiyan ng dalaga.
“EVERESTINE!!!! TUMIGIL KA NA!!!!” sigaw ni Arganoth.
Labis na nasaktan ang dalaga at nawalan pa siya ng malay. Binitiwan siya ng dalawang spirits at bumagsak siya sa ibaba.
Hiningal si Everestine. “ILABAS N’YO SIYA DITO! SAKTAN N’YO ANG BABAENG ‘TO NG WALANG AWA!!!!”
Muling hinawakan ng dalawang spirits si Delilah at lumabas na sa kubo. Sumunod ang iilan sa kanila.
Nanlaki ang mga mata ni Zavier. “Delilah!” wika niya mula sa kanyang isip. Mas lalo siyang nainis. Muli siyang tumingin sa potion at pinilit niyang gumapang papalapit kay Arganoth. Ngunit naramdaman niya na sumasakit na naman ang kanyang katawan. Napapikit siya. “U…ugh…!”
Biglang natawa si Everestine. “BWAHAHAHAHAHA!!!!!!!!!!!!!!” nilapitan niya muli si Zavier at tiningnan niya ang mga nanonood. “Tingnan n’yo nga naman! Nakakatawa di ba?! MGA TRAYDOR! MAY SARILI KASING PLANO NA NAKAKAPAGPAMAHAK NAMAN SA KANYANG SARILI! BWAHAHAHA!!!!!!!”
“ANONG PINAGSASABI MO?! HUWAG NGA KAYONG MAGKUNWARI! SABIHIN N’YO NA SA ‘KIN KUNG NASAAN ANG PRINSESA!” sigaw ni Kim.
“NARINIG MO BA KUNG ANONG SINABI KO?! MGA TRAYDOR SILA! MGA TRRRAYYYDDDOOORRR!!!!”
Natahimik si Kim.
“WALA KAMING ALAM NA KINUHA NA NI ZAVIER ANG PRINSESA NINYO! WALA KAMING ALAAAAAM!!!” kumuha muli siya ng bato at binato muli ito sa sundalo. “KAINIS! PANIRA NG PLANO! IMBIS NA PINADADALI, PINAHIHIRAPAN! WALA TALAGANG KWENTA!!!!”
Nagpalipas muna ng ilang minuto si Zavier bago muli siya gumalaw. Hindi na lang niya pinapakinggan at iniintindi si Everestine. Nakapikit lang siya. Sinubukan na niyang igalaw ang kanyang kamay. Naigalaw naman niya ito kahit papaano. Ngayon, pagkakataon na niyang igalaw ang kanyang mga braso para gumapang muli papalapit kay Arganoth.
Nakatingin lang si Arganoth kay Zavier. Awang-awa na siya habang pinagmamasdan ang kanyang kalagayan. Tuloy-tuloy pa rin si Everestine sa kanyang sinasabi.
Sinubukan nang galawin ni Zavier ang kanyang mga braso. Gumapang siya. “Uhoh!” napaubo muli siya na may kasama muling itim na tubig. Mas naramdaman niya ang sakit nang napaubo na siya. Lalo siyang nanghihina.
Hindi pa man tapos magsalita si Everestine, biglang sumigaw si Arganoth.
“MAAWA KA KAY ZAVIER, EVERESTINE!!!!” pinipilit niyang pumiglas sa mga kamay na nakahawak sa kanyang braso.
Mas uminit ang ulo ni Everestine. “AKO?! MAAAWA DAPAT?!” mabilis na tumingin si Everestine sa kanya. “PINAGLOLOKO MO BA AKO?! HINDI MO BA ALAM NA SINIRA N’YO ANG PLANO NAMIN?! WALA AKONG PAKIALAM SA KANYA! HINDI AKO NAAAWA!!!!” at sabay apak sa ulo ni Zavier. “HINDI AKO MAKAPANIWALA NA ANG SARILI KONG KAPATID AY PINAGTAKSILAN DIN KAMI! ISA KA RING TRAYDOR AT NAGAWA PANG SUMAMA DITO SA WALANG KWENTA!!!!”
“P...Pakawalan... n-n’yo... si... si tiyo!” hirap na wika ni Zavier. “W-Wala... s-siyang... k-kinalaman d-dito!”
“ANONG SINABI MO BATA?!” at mas diniinan pa niya ang pag-apak sa kanyang ulo.
“?!” nasasaktan na si Zavier.
“GALIT AKO SA INYONG DALAWA TANDAAN N’YO ‘YAN! HUWAG KA NANG MAGSINUNGALING NA WALANG KINALAMAN SI ARGANOTH SA PLANO MO!!!! NGAYON, SABIHIN MO NA SA ‘KIN KUNG NASAAN NA ANG PRINSESA NGAYON! NASAAN NA SIIYYYAAA?!!!!!!!!!!!”
Hindi sumasagot si Zavier.
“Kainis ka Zavier!” nangigigil na naman siya sa galit habang nakatingin sa kanya. “PANIRA KA TALAGA!!!!”
“TIGILAN MO NA SIYA EVERESTINE! AKO NA LANG ANG SAKTAN MO!!!!” pagmamakaawang sigaw ni Arganoth.
Hindi niya pinapansin si Arganoth. Nananatili pa rin siyang nakatingin ng masama kay Zavier. “WALA KA TALAGANG NAITUTULONG SA AMIN!!! WALA KANG NAGAWANG MABUTI SA AMIN ZAVIER!!!!”
Nakapikit lang si Zavier habang nakakunot ang kanyang noo.
“DAPAT NUNG SIMULA PA LANG, HINDI KA NA NAGING PARTE NG MUNDONG ‘TO!!! PERO NANG DAHIL DITO KAY ARGANOTH NABUHAY KA PA!!! DAPAT HINDI KA NA LANG NIYA NATAGPUAN PARA HINDI NA RIN NIYA NAISIPAN NA BUHAYIN AT MAGING KABILANG PA DITO!!!” nanggigigil na talaga siya sa galit. “SIMULA NUNG MAPABILANG KA SA AMIN AY PALAGI NA LANG AKONG NAIINIS!!!! UMALIS KA NGA MUNA DITO SA PAMAMAHAY KO!!!! NAKAKABUWISIT KA! SOBRA KANG NAKAKABUWISIT ZAVIER!!!!!!!!!!!!”
Habang ang mga tao sa Destiny World, pinagsabihan at pinaghahanda na rin ni Adelaide silang lahat na makipaglaban. Ngunit hindi nila alam kung saan nila itatago ang kanilang mga anak lalo na ang mga bata at sanggol. Binabantayan nila ang kalangitan kung may paparating na mga ships. Pare-pareho silang kinakabahan at natatakot.
Muling tinawagan ni Lucius si Jin. Mabilis itong sinagot.
“Chief Jin!”
“Magandang araw sa ‘yo.”
Kumunot ang noo ni Lucius at nagtaka siya nang mabosesan niya na hindi si Jin ang nagsalita. “Chief?”
“Hindi ako siya ginoo.” natawa siya ng marahan. “Ako nga pala si Raven. Isang La luna Spirit.”
Nanlaki ang mata ni Lucius. “N-Nasaan---”
“Katabi ko ang hinahanap mo habang mga katabi din niyang natutulog ang kanyang mga sundalo dito sa gubat. Ang gagaling ninyo. Paano ninyo nalaman na may masama kaming plano sa inyo?”
Hindi makapagsalita si Lucius.
“Sa tingin n’yo ba may laban kayo sa amin? Wala na ang mga pinadala n’yong mandirigma sa amin.” tumawa siya ng masama. “Sumuko na lang kayo.”
“Tsk!” nainis si Lucius at binaba niya ang phone.
Nakatingin lang sa bintana si Janella. Kinakabahan siya. “Dumating na ang araw… ang araw na kinatatakutan ko.” Napatutop siya sa kanyang dibdib habang nakatingin sa kalangitan. “Zavier… n-nasaan ka na kaya ngayon?”
Biglang nag-ring ang telepono ni Adelaide. Madali niya itong sinagot.
“Magandang araw sa ‘yo.”
Bigla siyang kinabahan dahil hindi siya pamilyar sa boses nito. “S-Sino ito?”
Natawa ang kausap. “Natakot ba kita, Your Majesty?”
Napalunok si Adelaide. “SABING SINO KA?!”
“Ako nga pala si Raven. Isang La luna Spirit.”
Nanlaki ang mga mata ni Adelaide. Bigla siyang nanginig sa takot.
“Hindi na ako nag-iisip pa kung bakit may mga sundalo kayong nandito. Mga matatalino. Paano n’yo nalaman na may masama kaming plano sa inyo?”
Hindi niya pinakinggan ang sinabi ni Raven. “A-Ang Gulletein Stone!” nanginginig na sagot ni Adelaide. “A-Ang b-batong ‘yun ang gusto n’yo di ba?” pautal na wika niya.
“Aba! Magaling! Oo, tama ka!”
“Ibibigay ko ‘yun sa inyo! Ibibigay ko ang batong meron ako dito!”
Muling natawa si Raven. “Marami ka bang nakatagong bato diyan, Your Majesty?”
“O-Oo!”
“Magandang balita ‘yan… pero ikinalulungkot ko na hindi lang ang bato ang gusto namin. Pati na rin ang mundo n’yo.”
Biglang naluha si Adelaide. “Hindi…” napailing siya.
“Umiiyak ka ba?”
“NAGMAMAKAAWA AKO SA ‘YO! HAWAK KO NA ANG SUSI! NANDITO SA SUSING ITO ANG BATO! PAKIUSAP! HUWAG ANG MUNDO NAMIN!!!!”
“Bwahahaha!!!! BWAHAHAHA!!!!” pang-asar na tawa ni Raven. “Basta humanda na lang kayo. Sa hindi n’yo inaasahang oras kami dadating.” binaba na niya ang phone.
Biglang kumatok si Alexius sa pinto. “Your Majesty!”
Padabog na binagsak ni Adelaide ang telepono at mabilis siyang tumingin sa pintuan. “Pasok!”
Madaling binuksan ni Alexius ang pinto. “M-May masama po akong balita sa inyo! P-Patay na po si Ginoong Damion!”
Nagulat siya. “A-Ano?!”
Biglang lumungkot ang pagmumukha ni Alexius. “Kani-kanina lang daw po dahil daw po sa kanyang sakit.” napayuko siya.
Tinakpan ni Adelaide ang kanyang bibig at hindi siya makapaniwala na pumanaw na pala ito. Naiyak siya bigla.
Malungkot na pinagmamasdan ni Janella ang kapaligiran. Nakikita niya ang mga tao na nagtatakbuhan sa labas.
“Nararamdaman ko na ang gulo… ang giyera.” huminga siya ng malalim. “K-Kailangan ko na talagang makarating sa refuge place!” pumunta siya sa pintuan at pinilit niyang buksan ang pintong hindi niya mabuksan. “Urgh! Kainis! Kainiiisss!!!” sinipa niya ito pagkatapos.
“Lahat kayo! Makinig kayo sa ‘kin!” sigaw ni Lucius sa mga tao.
Napatingin sa kanya ang lahat.
“Kailangan nating magsakripisyo! Tanggapin na natin kung ano man ang mangyari! Basta gawin lang natin ang buong makakaya natin! WE’RE DOING THIS FOR THE WORLD!” tinaas ni Lucius ang kanyang armas.
“YEAH!!!!” tinaas nila ang kanilang mga armas.
Nanginginig ang isang lalaki. “Natatakot ako! Wala tayong alam kung sino ang mga kakalabanin natin! Sana magtagumpay tayo!”
“Magtatagumpay tayo!” wika ng isa niyang kaibigan. “Kaya natin ‘to!”
“Huwag ka nang umiyak anak…” wika naman ng isang ina habang buhat-buhat ang anak niyang sanggol.
“Wahhh!” umiiyak lang ang sanggol.
Hinalikan niya ang noo nito bago niya ito pinabuhat sa anak niyang panganay.
“Nanay…” nag-aalala ang bata habang buhat-buhat ang kanyang kapatid.
“Dito lang kayo. Ligtas kayo dito sa ilalim ng ating bahay.” nasa kanyang mga mata ang pag-aalala. Hinalikan rin niya ang noo nito. “Aalis na ako.” aalis na sana siya nang bigla naman siyang pinigilan ng kanyang anak.
“Nanay!” hinawakan niya ang damit nito. “H-Huwag n’yo kaming iwanan ina! H-Hindi po namin kayang mag-isa! Dito ka lang!” umiyak ang bata.
Bumilis ang pagtibok ng puso ng nanay at kahit naman siya kung tatanungin ay gusto rin niyang samahan ang kanyang dalawang anak. Ngunit kailangan din niyang lumaban para sa mundo. Napalunok siya at naluha habang pinagmamasdan ang kanyang luhaang anak.
Nakatingin lang sa kalangitan si Lucius habang inaabangan ang mga dadating na ships. Malikot ang kanyang mga mata. Mahigpit niyang hinawakan ang kanyang armas at muling umilaw ng kulay kahel ang kanyang mga kamay. “Kailangan kong matagpuan ang kanilang pinuno! Nang matapos na ‘to kaagad!” wika niya mula sa kanyang isip.
Nakahiga’t nagpapagaling muli si Zavier sa kubo ni Arganoth. Marami nang gamot na nagamit si Arganoth sa kanya. Pinapahid lang niya ang noo nito kasama ng gamot na nilagay niya sa kanyang palad.
“Anak...” mahinang tawag ni Arganoth kay Zavier. Tumigil siya sa pagpahid.
Gumagaan na muli ang pakiramdam ni Zavier kahit kakaunti. Marahan siyang dumilat pagkatapos niyang marinig na tinawag siya ng kanyang tiyo na nasa kanyang tabi. Tumingin siya dito.
Malungkot ang pagkakatingin ni Arganoth sa kanya ngunit dinaan na lang niya ito sa kakaunting ngiti. “Z-Zavier... may gusto lang sana akong sabihin sa ‘yo.”
Nakatingin lang sa kanya si Zavier.
Inalis niya ang tingin kay Zavier. Napabuntong-hininga siya at napalunok pagkatapos.
Inaantay lang ni Zavier ang sasabihin ni Arganoth sa kanya ngunit nararamdaman niya na natatakot ito. Marahan niyang hinawakan ang kamay nito mula sa kanyang noo. “Tiyo…? “A-Ayos ka lang po ba…?”
Napatingin sa kanya si Arganoth. “O-Oo anak. Oo.” at natawa ng kakaunti. “Pasensya na.”
Napangiti ng kakaunti si Zavier nang marinig niya itong tumawa.
Ngunit bumalik muli sa pagmumukha ni Arganoth ang pagiging malungkot. “Ahm, Zavier…” napatingin siya sa ibaba. “A-Alam mo ba na parang gusto ko nang itigil ang plano mo anak?”
Nagulat si Zavier habang nakatingin pa rin sa kanya. Biglang lumuwag ang pagkakahawak niya sa kanyang kamay.
Malungkot na tumingin si Arganoth sa kanyang mga mata. “A-Alam mo kasi... nahihirapan ako kapag nakikita kitang ganito ang kalagayan. Lalo ka na, alam kong nahihirapan ka na rin. Kaya kung pwede ba? Pwede bang tumigil na tayo? Para... hindi ka na rin nasasaktan?”
Biglang lumungkot ang pagmumukha ni Zavier.
“Aaminin ko, hindi rin maayos ang nararamdaman ko ngayon... ang hirap Zavier. Ang hirap mong tingnan lalo na kapag sinasaktan ka. Parang mas nasasaktan ako. Kaya para sa ‘yo rin ‘to kung titigil na tayo... Susuko na ako. Sumuko na tayo.”
“H-Hindi po ako pwedeng sumuko tiyo. Lalaban… pa rin po ako.”
Nagulat si Arganoth. Hindi niya akalain na hindi siya papakinggan ng binata. “Zavier, g-gusto mo ba na nasasaktan ka?”
“P-Para… kina Janella ang ginagawa ko po. Para sa kaligtasan po nila...”
“Hindi mo na ba naiisip ang iyong sarili?! Wala ka na yatang pakialam sa sarili mo Zavier. Siguro ayos na sa ‘yo na masaktan ka! Na mapahamak ka!” mataas na tonong sabi ni Arganoth.
Kumunot ng kakaunti ang noo ni Zavier matapos niyang marinig na medyo sinisigawan na siya ni Arganoth. Marahan niyang binitiwan ang kamay nito.
Inalis na ni Arganoth ang kanyang kamay sa noo nito. “Hindi mo rin ba ako naiisip?! Hindi mo ba naiisip na nadadamay rin ako sa plano mo?! Napapahamak rin ako dahil sa ‘yo!”
Muling nagulat si Zavier.
“Nawala na ang tiwala sa ‘kin ni Everestine! Ang sakit-sakit Zavier! H-Hindi ko lang masabi sa kanya na ikaw ang pasimuno ng lahat nito! Kasalanan ko rin naman dahil sumama kasi ako sa ‘yo! Hindi ko naman kasi akalain na magiging ganito ang kinalabasan! Akala ko hanggang huli hindi nila tayo mahahalata!”
Hindi na lang sumagot si Zavier at nakaramdam siya ng matinding kalungkutan.
“Kaya sana naiintindihan mo ako Zavier. Pakiusap anak...” mabilis niyang hinawakan ang kamay nito. “Tumigil ka na...”
“H-Hindi ako titigil sa plano ko tiyo... Hindi ko kaya... i-ipagpaumanhin mo sana ako.”
Nagulat siya.
“Hindi ko po magagawa… Tatanggapin ko na lang po kung magagalit ka at ang lahat sa ‘kin. P-Pinahahalagahan ko po si Princess Janella ng higit pa sa buhay ko tiyo… Kaya ang importante, maligtas ko po sila. Wala na po akong pakialam kung ano man ang mangyari sa aking sarili.”
“Zavier!” nainis na si Arganoth.
“K-Kung ayaw mo na po, tiyo... naiintindihan ko po. Hayaan mo na lang po ako.”
Binitiwan ni Arganoth ang kamay ni Zavier. Yumuko na lang siya at sabay himas ng kanyang noo.
“H-Hindi ko naman po alam na labag pala sa ‘yong kalooban nung tinanggap mo po ang aking plano, tiyo. Labag po pala sa ‘yo ang lahat…” at malungkot siyang tumingin sa kisame.
Natigilan si Arganoth habang pabagal ng pabagal ang paghimas niya sa kanyang noo.
“Dapat nung simula pa lang po... u-umayaw ka na. Para hindi rin nagalit si Everestine sa ‘yo… at sana hindi ka na rin po nasasaktan ngayon…”
Tumingin na muli sa kanya si Arganoth. “Hindi kita kayang tanggihan Zavier sapagkat mahal kita! Ang gusto ko kasi ay nakikita kitang masaya!”
“Pero bakit po ngayon...?” marahan siyang lumingon at muli niyang tiningnan ang mga mata nito. “Biglang nagbago ang isip mo... i-ibig sabihin… hindi mo na po ako mahal?”
“Anong pinagsasabi mo?!”
“Sa tingin mo po ba tiyo… malungkot at pinagsisisihan ko ang ginagawa ko ngayon?”
“Di ba sinabi ko na Zavier?! Ayoko nga na makita kitang nasasaktan! Hindi na ako natutuwa! Hindi kita nakikitang masaya!”
“Matatapos din po ‘to tiyo... at ako ay magtatagumpay din.”
Naiinis na talaga si Arganoth. “Bahala ka sa buhay mo Zavier!” at tumayo. “Hindi na kita tutulungan! Hindi mo na ako kakampi sa plano mo!” lumabas siya at malakas na sinara ang pinto.
Napapikit at napabuntong-hininga na lang si Zavier. Nalungkot siya at parang gusto na lang niyang umiyak.
“ANO NA ANG GAGAWIN NATIN NGAYON?! NASIRA NA ANG PLANO NATIN!” pagalit na wika ni Everestine. “NAKAKAINIS TALAGA!!!!”
Biglang pumasok si Arganoth sa kubo ni Everestine.
Nagtinginan ang mga spirits sa kanya.
“IKAW! SABIHIN MO SA ‘KIN KUNG NASAAN ANG PRINSESA NGAYON!” dinuro ni Everestine ang kanyang kapatid.
“Nasa Destiny World siya ngayon.” wika ni Arganoth.
Masama lang ang pagkakatitig ni Everestine sa kanya.
Nagtinginan ang mga spirits sa isa’t-isa at nagbulungan. Masama nilang tiningnan si Arganoth pagkatapos.
Tahimik lang si Kim habang iniisip na traydor pala si Zavier. Nakayuko siya habang iniisip ito. “Anong gusto niyang mangyari? Kung traydor siya, ibig sabihin… sa amin siya kampi?” kumunot ang kanyang noo. “Ibang klase… hindi ako makapaniwala. Totoo ba ‘to?”
“Totoo ang sinasabi ko Everestine. Seryoso ako.” seryoso lang na nakatingin si Arganoth sa kanya.
Lumamig ng kakaunti ang ulo ni Everestine. Tiningnan niya ito mula ulo hanggang paa.
“Pero hindi ko alam kung nasaan na siya ngayon. Pero bago kami umalis, nasa batuhan siyang lugar sa Destiny World. Iniwan siya ni Zavier do’n.”
Hindi muna nagsalita si Everestine at masama lang siyang nakatingin sa kanya. “Sabihin mo nga sa ‘kin, bakit iniwan ni Zavier ang prinsesa sa lugar na ‘yun?”
“Dahil ‘yun lang ang katangi-tanging lugar na hindi natin kayang puntahan.”
Seryoso lang siyang nakatingin kay Arganoth. Inoobserbahan lang niya ang pananalita at ang pagkilos nito.
Naglakas-loob talaga si Arganoth na titigan siya sa mga mata at gusto na niya sanang humingi ng paumanhin.
“Salamat na lang sa impormasyon. Pero hindi ko pa rin masisiguro na totoo nga ang sinasabi mo. Huwag ka nang magpanggap pa sa amin. Dahil alam na namin ang buong katotohanan na traydor kayo. Huwag ka nang magbait-baitan pa.” mahinahong wika niya.
“Hindi ako nagsisinungaling Everestine! Totoo ang sinasabi ko! Inaamin ko na si Zavier ay may intensyon na iligtas ang prinsesa! Ilalayo niya siya sa atin!”
“‘Sa atin’?! Anong ‘sa atin’?! Anong gusto mong iparating ngayon?! Hihingi ka ng paumanhin sa amin at muli kang sasama sa amin?!” mataas na ang tono ng boses ni Everestine.
Natigilan si Arganoth.
“Sa tingin mo ba mapapatawad ka namin sa kabila ng ginawa n’yo sa amin ni Zavier?! Sinira n’yo ang plano namin! Alam mo ‘yan!”
Tahimik lang siya.
“Sinasayang mo lang ang oras mo dito at umalis ka na lang!”
Habang si Zavier naman sa kubo, ginamit na niya lahat-lahat ng gamot ni Arganoth. Pinag-iinom na nga rin niya ang ibang gamot na nakikita niya sa lamesa at baka sakaling mas guminhawa pa ang kanyang pakiramdam. Humiga muli siya sa kanyang kama para magpahinga at gumaan naman ang kanyang pakiramdam kahit papaano. Nasa pagmumukha niya ang pag-aalala habang iniisip si Janella.
“Princess… n-nasaan ka na ngayon?” marahan niyang inabot ang kanyang kamay sa kisame. “S-Sana… nasa mabuti kang kalagayan ngayon. Humihingi ako ng paumahin sa ‘yo… Alam kong napalungkot kita matapos kong sabihin sa ‘yo na hindi na tayo magkikita pa. Pero naging totoo lang naman ako sa sinabi ko sa ‘yo na… hindi ko kailanman masisira ang aking pinangako sa sinumang pinangakuan ko. Pero ngayon… nalulungkot ako habang naiisip ko ang pangako na ‘yun kasama ng masasaya nating mga ala-ala. I feel lost. Kung sakali man na may masira nga akong pangako. Siguro ikaw ang kauna-unahang magagawa ko ng ganu’n na kahit alam kong may pinagkasunduan kami ng aking tiyo tungkol dito. Pero para lang sa atin… para lang magtuloy-tuloy pa ang ating samahan. B-Baka masira ko nga… Kung makakausap lang kita ngayon… mapapatawad mo ba ako?”
“Zavier….” malungkot naman na wika ni Janella habang siya ay nakahiga rin sa kanyang kama. Hawak-hawak lang niya ng mahigpit ang pulseras na kinuha niya nung festival. “Anong silbi pa ng pulseras na ‘to kung hindi rin pala kita habangbuhay makakasama? Nakakalungkot isipin na…” napailing siya. “Talagang may huli sa atin. Alam ko naman na may mga dahilan talaga kung bakit hindi tayo palagi magkasama. Pero sana… sana kahit na ganu’n, kahit gaano pa ako katagal mag-aantay… gusto ko lang naman na makita at makasama ka muli. A-Ayoko lang talaga na mawala ka sa ‘kin!”
Naalala ni Zavier na may binigay nga palang sulat si Janella sa kanya. Kinuha niya ito sa kanyang bulsa at binasa. Nabasa niya ang kinanta nito. Hindi niya napigilang ngumiti at mapaluha. Bigla rin niyang naalala ang mga masasaya nilang ala-ala.
Habang si Janella naman sa palasyo ay malungkot lang na kinakanta ang kantang ginawa niya habang iniisip rin niya ang kanilang mga ala-ala.
Nabasa na ni Zavier ang kabuuan ng kanta. Tutupiin na niya sana ang sulat nang may nakita pa siyang pahabol sa bandang ibaba ng papel. Binasa niya ito ng tahimik.
We may not always stay connected because of the distance between us,
but I feel deep down inside, our hearts are always connected.
You complete everyday of my life. You always make me smile.
You make everything better. I will remember all the strength you gave to me when I was at my lowest.
I'm so glad because I was blessed to have you in my life.
For every dream you made come true, and for all the love I found in you as a friend.
I owe so much to you because you were there for me, always.
You are my best friend, and you mean everything to me. I need you, I always think about you. I never thought anyone could ever make me feel this way, and I didn’t know what this feeling meant when I met you…
Napangiti si Zavier nang mabasa niya ito habang napapaluha pa rin siya ng kakaunti.
“I feel so lucky to have you by my side. And I will always be there for you too. To be your true friend till the end of time…” napapikit at napangiti rin si Janella.
Pumasok si Raven sa kubo ni Everestine habang kasama niya ang isa pang sundalo.
Napatingin ang lahat sa kanya.
“Chief Jin!” nagulat si Kim nang makita niya ang nakakaaawang itsura nito.
Nakapikit lang si Jin habang natatakpan ng tela ang kanyang bibig. May mga pasa ang kanyang mukha. Mahigpit lang na hinahawakan ni Raven ang magkabila niyang kamay sa likuran.
“Ayan pala ang kanilang chief.” marahan na lumapit si Everestine dito.
Biglang sumigaw si Kim. “HUWAG N’YO SIYANG SASAKTAN!!!!”
Sabay na tumingin ng masama sina Raven at Everestine sa kanya.
Bigla siyang natakot habang tinitingnan niya ang masasamang titig nila.
Lumapit si Everestine sa kanya. “Ayaw mo? GUSTO MONG IKAW NA LANG ANG BUGBUGIN KO?!” malakas niyang tinulak ang upuan ni Kim at hinayaan niya itong bumagsak sa ibaba.
“Aray ko!” nasaktan siya.
Inapakan ni Everestine ang kanyang ulo pagkatapos. “ANO?! SA TINGIN MO BA MAPIPIGILAN MO AKO, HA?! SINO KA BA PARA PIGILAN AKO?!” at mas diniinan pa niya ang pagkakaapak dito.
“Aray ko!!!!”
Napayuko si Arganoth at ayaw niyang makita ang ginagawa ng kanyang kapatid sa sundalo.
“Ginoong Everestine, alam n’yo po ba kung nasaan si Zavier? Ano pong nangyari sa kanya?” pagtatakang tanong ni Raven.
Nanahimik na lang ang lahat.
Natigilan saglit si Everestine at sumulyap ang kanyang mga mata kay Raven. Inalis na niya ang kanyang paa sa sundalo.
“May nagkwento sa ‘kin na---”
“Wala na akong pakialam sa batang ‘yun Raven! SINIRA NIYA ANG PLANO NATIN! HUWAG NA HUWAG MO NA SIYANG BABANGGITIN PA DAHIL NANGGIGIGIL AKO SA GALIT SA TUWING PINAG-UUSAPAN PA NATIN SIYA!”
Masamang napatingin si Raven kay Arganoth at gusto niya talagang malaman kung ano ang eksaktong nangyari sa binata.
“WALA NA AKONG PAKIALAM KUNG MAWAWALA NA SIYA SA ATIN! HINDI SIYA MALAKING KAWALAN DITO!!!!”
“Pero hindi pwedeng mawala si Zavier sa plano natin katulad ng sinasabi n’yo po sa amin noon!” wika ni Raven kay Everestine.
“Naiinis ako… NAIINIS AKOOO!!!!” malakas na sinipa ni Everestine ang upuan ni Kim at umalis siya dito.
Tinali na lang ni Raven si Jin sa isa pang upuan at lumabas siya pagkatapos.
Tahimik lang na nag-uukit si Zavier sa lamesa. Nakasuot na siya ng damit at mabuti naman ay pagaan na ng pagaan ang kanyang pakiramdam ngayon. Binasa niya pagkatapos ang kanyang inukit ng tahimik.
Even though we’re miles apart, distance cannot separate us because our hearts are one. But now, I can’t stop myself from thinking about you. I still need you by my side, to assure you that you are always be doing fine, and to keep you safe.
Marahan niya itong pinapahid habang iniisip si Janella.
“Zavier?!” biglang binuksan ni Raven ang pinto at sabay pasok.
Nagulat si Zavier nang makita niya ito. Kinabahan siya bigla. “R-Raven?!”
“ANONG GINAWA MO?! GINALIT MO NG SOBRA-SOBRA SI GINOONG EVERESTINE!”
Inalalayan ni Zavier ang kanyang sarili sa pagtayo habang nakahawak siya sa lamesa. Malumanay at hirap siyang tumayo habang hindi inaalis ang tingin sa kanya.
“Anong ginawa mo?!” mabilis siyang lumapit dito. “BUWISIT KA!” pinitsirahan niya ito bigla. “KITANG-KITA KO SA MGA MATA NG LAHAT NA MGA GALIT SILA! ANONG GINAWA MO?!!!! ANOOO?!!!!”
“Tanungin mo na lang si Everestine… alam niya.” mahinahong wika ni Zavier habang mahinahon rin siyang nakatingin sa kanyang mga mata.
“HINDI KO NA NGA SIYA MAKAUSAP DAHIL SA ‘YO! SINIRA MO DAW ANG PLANO!”
“Tama.”
“Ang lakas ng loob mo!” malakas niyang sinuntok sa pisngi si Zavier. “KAINIS KA ZAVIER!!!!”
Bumagsak sa ibaba si Zavier. Napaubo siya habang kasama muling naglalabasan ang maiitim na tubig. Madali niyang tinakpan ang kanyang bibig at pinilit niya itong pigilan.
“ANONG NAISIPAN MO AT BAKIT MO ‘YUN GINAWA?! SABIHIN MO NGA SA ‘KIN?!”
Hindi muna siya sumagot.
“ANO?!!!!” sinabunutan niya ito at sabay untog sa pader. “SABIHIN MO SA ‘KIN!!!!”
“G-Ginusto ko ‘to… Ilalayo ko ang prinsesa sa pahamak! Ilalayo ko siya sa inyo…!”
“WALA KANG HIYA ZAVIER!!!! ISA KANG HANGAAAAALLL!!!!” malakas niyang sinuntok ang magkabilang pisngi ni Zavier. Tumayo siya pagkatapos at hiningal sa sobrang galit. “Hinding-hindi ka namin mapapatawad Zavier.” dinuduro-duro pa niya ito. “KAHIT KAILAN!!!!”
Nakaupo’t nakasandal lang sa pader si Zavier. Masama lang siyang nakatingin kay Raven. “S-Sabihin mo na a-ang gusto mong sabihin… s-sa ‘kin…! Dahil w-wala akong p-pakialam…! P-Plano ko ‘to at tanggap ko kung a-ano man ang… mangyari sa ‘kin!”
“Ggggrrr!!!!” hinablot niya ang damit nito at hinila papalabas ng kubo. “TUMAYO KA DIYAN AT MAG-USAP TAYO SA KUBO NI GINOONG EVERESTINE!”
Tahimik lang ang lahat sa loob ng kubo ni Everestine. Masamang nakatingin ang iilan sa dalawang sundalong magkatabi. Nakaupo lang si Everestine habang nakapatong sa lamesa ang magkabila niyang kamay.
“Makapangyarihan kasi si Zavier kaya hindi siya agad-agad mamamatay. Pero sigurado akong magtatapos rin ang kanyang buhay pagkatapos ng ilang oras.” napapikit siya at huminga ng malalim. Pinilit niya na maging mahinahon. “Nakikita kong hirap na hirap na siya sa kanyang kalagayan ngayon. Tama lang at nangyari nga sa kanya ang ganu’n. Ayoko na siyang makita muli. AYOKO NA!”
Nakayuko pa rin si Arganoth habang iniisip si Zavier. Malungkot ang kanyang pagmumukha.
Tinulak ni Raven si Zavier sa loob ng kubo.
“Argh!” nasaktang wika ni Zavier at bumagsak siya.
Pinaalis ni Raven ang mga spirits na nasa pader. “Magsitabi kayo diyan! Lumabas na muna kayo!” kinuha niya ang mga tali na nakasabit sa pader.
Madaling lumabas ang iilang spirits at sumilip na lang sila mula sa mga bintana.
Napaubo muli si Zavier. Madali niyang tinakpan ang kanyang bibig habang nakapikit ng mariin. Bumaluktot siya sa sakit.
Muling huminga ng malalim si Everestine nang makita niya si Zavier. Pumikit siya at hinimas na lang ang kanyang noo.
Marahang dumilat si Zavier. Napatingin siya kay Arganoth at hindi niya inaasahan na nakatingin rin pala ito sa kanya.
Muling hinablot ni Raven ang kanyang damit at madali niyang tinali ang magkabilang kamay ni Zavier sa pader.
Tumayo si Everestine at lumapit sa kanya. “Mamamatay ka na Zavier…”
Masama lang na nakatingin sa kanya si Zavier habang nakagapos. “H-Hindi…”
“Sa tingin mo ba magtatagumpay ka sa plano mo? Ang dami namin na magiging kalaban mo.”
“Kayang-kaya kong ilayo si Princess Janella sa inyo…”
Natawa siya habang umiling-iling. “Talaga lang ha? Kung sa bagay, ikaw nga ang tinaguriang pinakamalakas sa amin.” napatingin siya sa dalawang sundalo. “Nakikita n’yo ‘to?” tinuro niya si Zavier. “Siya daw ang magliligtas sa inyo.”
Nagulat si Jin.
Muling tumingin si Everestine kay Zavier. “Pero kahit na ikaw ang pinakamalakas DAW dito, hindi ko sinasabi na mananalo ka sa amin.”
Biglang dinuraan ni Zavier si Everestine sa mukha.
Nagulat siya at dahan-dahan niya itong pinunasan. Biglang uminit ang kanyang ulo. “BUWISIT KA TALAGA!” malakas niyang sinuntok ang tiyan nito. “WALA KANG RESPETO!!!!”
Pinipilit naman ni Kim na tanggalin ang tali na nasa kanyang kamay.
Kinuha ni Raven ang baril mula sa pantalon ng sundalo. Kumunot ang kanyang noo habang tinitingnan ito. “Ano nga pala ‘to?”
Hindi sumagot si Kim habang pinipilit pa rin niyang tanggalin ang tali.
Nakita niya ang trigger. Pinindot niya ito at biglang pumutok ang baril sa bubong. Napatingin ang lahat sa kanya.
Napatingin siya sa bubong dahil do’n lumabas ang bala. Natawa siya nang makita niyang nabutas ang bubong. “Mukhang alam ko na ‘to.” masama niyang tiningnan si Kim. “Ito ba ang armas n’yo?”
“Baril ang tawag diyan baliw!” inis na wika ni Kim.
“Ah, baril?” natawa siya. “Para sa amin ba ‘to? Sa tingin n’yo ba, tatablan kami ng baril? Ang tatalino n’yo nga naman.” tinutok niya ang baril sa kanyang ulo.
Nayayabangan na si Kim. “Sige! Ipakita mo nga sa amin! Barilin mo na ang ulo mo!”
Ngumisi si Raven at pinaputok nga ang baril sa kanyang ulo.
Nagulat ang dalawa nang makita nila na nakangiti pa rin siya sa kanila habang umuusok ang baril.
Natawa muli si Raven. “Nakita n’yo na?! Napakawalang kwenta! Kung sa inyo ko kaya subukan.” at tinutok niya ang baril sa dalawa. “Tingnan lang natin kung anong mangyayari.” pipindutin na niya sana ang trigger.
“HUWAG!!!” napasigaw si Jin.
“BWAHAHAHA!!!! NAKAKATAWA!” binato niya ang baril sa malayo. Lumapit siya sa dalawa at bumulong. “Walang-wala ang mga baril n’yo sa amin. Tandaan n’yo… mga immortal kami.” ngumisi siya.
“Nakakainis ka Everestine…” mahina ngunit pagalit na sabi ni Zavier habang nakayuko.
“ANONG SINABI MO?!” pinitsirahan niya ito.
Masama niya itong tinitigan sa mga mata. “NAIINIS AKO SA ‘YO! MASYADONG MATAAS NA KASI ANG TINGIN MO SA ‘YONG SARILI! ALAM KONG INIISIP MO RIN NA PARANG ISA KA NA RING DIYOS SA AMIN!”
Masama ring nakatitig si Everestine sa mga mata ni Zavier. “ANG GUSTO KO LANG NAMAN AY ANGKININ NA ANG PLANETANG DESTINY! WALANG SINUMAN ANG MAY KAYANG AGAWIN ANG PLANETANG ‘YUN SA ATIN ZAVIER!”
“Walang sinabi ang ating diyosa na gawin nating sakupin ang mundong Destiny! Ikaw lang talaga! Ikaw lang talaga ang may gusto nito! PILING DIYOS! PINALULUNGKOT MO RIN SI GODDESS ICARUS HABANG NAGSASAYA KA SA GANITONG BALAK!!!”
Nanggigigil na naman sa galit si Everestine habang nananatili pa ring nakatingin sa kanya.
“Puro ka kasi kayamanan! Puro kayamanan! Isipin mo rin sana ang mga nabubuhay do’n! Mga nanahimik lang sila! WALA KA KASING IBA PANG INIISIP KUNDI ANG SARILI MONG KALIGAYAHAN!!!!”
“MANAHIMIK KAAA!!!” at sinuntok sa pisngi. “HINDI MO BA NAIISIP NA SOBRANG LAKI NG MAITUTULONG NG PLANETANG ‘YUN SA ATIN?! NALILIMUTAN MO NA BA ANG GULLETEIN STONE NA NAPAKARAMI SA KANILA?! NANDIYAN NA ANG LAHAT NG KAILANGAN NATIN!!!!”
Tumahimik muna si Zavier.
“PATI ANG MGA GAMOT! LALO NA ANG HELEM POTION! HINDING-HINDI MABUBUO ANG HELEM POTION KUNG WALA NIYAN!”
Biglang naalala ni Zavier ang Helem Potion na nakita niya sa harapan ni Arganoth na pinaaabot sa kanya kanina ngunit bigla ring sumagi sa kanyang isip si Ahndray. Bumalik ang kanilang ala-ala.
“Alam mo bang kailangan kong isakripisyo ang aking buhay para sa bato na nasa aking katawan? Kailangan kong ialay ang aking buhay sa mga Dia Spirits.”
“A-Ano?! B-Bakit?!”
“Dahil nasa aking Veridian Orb ang Gulletein Stone at ‘yun ang kailangan nila.”
“Hindi mo ba alam na merong ganu’ng bato si Everestine?! Bakit---”
“Hindi ko alam Zavier… hindi ko alam… Wala na siyang pakialam sa ‘kin. Hindi na talaga siya katulad nung dati na parang hindi niya ako kayang mawala sa kanya dahil sa ako ang pinakamamahal niya dito. Ang masakit kasi sa ‘kin, pinili niya pa akong ibigay sa mga Dia at nararamdaman ko tuloy na ayos lang ‘yun sa kanya kahit na mawala na ako dito, kahit sa buhay rin niya.”
Bumalik ang kasalukuyan at bigla na lang siyang nanggigil sa galit habang iniisip ito.
“Alam kong may Gulletein Stone ka na tinatago Everestine. Bakit hindi mo naisip na sana ‘yun na lang ang binigay mo sa mga Dia simula pa lang?! Siguro naisip mo na rin ‘yun pero dahil ikaw nga ay isang makasarili, naisip mo pa ring ibigay si Ahndray sa kanila! WALA KA TALAGANG PAKIRAMDAM!!!!”
Sinakal siya ni Everestine. “Ayaw mo bang magkaroon tayo ng mas maraming Gulletein Stone Zavier?! Kung hindi dahil kay Ahndray, siguro sinakop na noon pa ng mga Dia ang Destiny!” seryoso lang siyang nakatingin sa kanya.
Nakakunot ang noo ni Zavier habang masama siyang nakatingin sa kanya. “Gg…r…h!” naglabasan muli ang maiitim na tubig sa kanyang bibig.
“Tandaan mo, malaki ang mawawala sa atin kapag nangyari nga ‘yun Zavier! Hindi mo ba ‘yun naiisip?! Makakagawa ako ng maraming-maraming Helem Potions! Ayaw mo ba nu’n?!”
“U-UMAMIN KA SA ‘KIN NA HINDI PARA SA HELEM POTION ANG NAIISIP MO…!” naghabol siya ng hininga. “ANG KAYAMANAN LANG TALAGA ANG NAIISIP MO EVERESTINE…! K-KAYAMANAN LANG!!!!” sigaw niya.
Sinuntok muli niya ito sa tiyan. “NANGGIGIGIL NA TALAGA AKO SA ‘YO!!! MAMATAY KA NA! MAMATAY KA NA ZAVIER!!!!”
Napaubo si Zavier nang suntukin siya ng malakas ni Everestine sa tiyan. Mariin siyang napapikit habang nakayuko. Mabilis ang kanyang paghinga na tila bang naghahabol siya ng hininga. Pinilit niyang pigilan ang kanyang pag-ubo habang tumutulo naman ng paunti-unti ang maiitim na tubig mula sa kanyang labi.
Sinabunutan ni Everestine si Zavier at hinarap niya ang pagmumukha nito sa kanya. “Wala na talaga akong pakialam sa ‘yo! Isa kang traydor! Kaya kahit na mamatay ka, hindi ka kawalan sa amin! WALA KAMING PANGHIHINAYANGAN DAHIL WALA KA NANG HALAGA SA AMIN!!!!”
Nakatingin lang sa kanya ang bugbog-saradong si Zavier. “W-Wala rin akong… pakialam kung wala na akong… h-halaga sa inyo… Dahil masaya naman akong mamamatay sa piling ng mga taong niligtas ko! HATE ME!!!!”
“BUWISIT KA TALAGA!!!!” at inuntog niya ang ulo ni Zavier sa pader habang nananatili pa rin siyang nakasabunot. “TAKSIL KA TALAGA!!!! TAKSIIIIILLL!!!! SA TINGIN MO BA MAGIGING MASAYA SI GODDESS ICARUS SA PINAGGAGAWA MO?!!!!”
Gigil na gigil na rin sa sobrang galit si Zavier. Masama lang siyang nakatitig kay Everestine habang patuloy lang na dumadaloy at tumutulo sa kanyang labi ang maiitim na tubig. “OO...!” sagot niya.
Inuntog niya muli ang ulo nito sa pader. “MANGARAP KA ZAVIER! HINDING-HINDI MATUTUWA SI GODDESS ICARUS SA PINAGGAGAWA MO! DAHIL PARANG PINAGTAKSILAN MO NA RIN SIYA!!!!” malakas na niya itong sinuntok sa pisngi.
Nawalan na siya ng malay.
Naglalakbay sa gubat si Raven habang kasama niya ang iilang La luna. Nakita niya ang iilang mga jets na pakalat-kalat sa buong kagubatan. Mga pinakialaman pa ng ibang La luna ang mga ito.
“Kunin n’yo ang mga baril ng mga sundalo!” utos ni Raven.
Madali silang nagpuntahan sa bawat sundalo.
Nakatayo lang si Raven habang pinapanood ang lahat. “Kapain n’yo na rin ang kanilang kasuotan kung may iba pa silang mga armas bukod sa baril.”
Kinapa ng isang La luna ang isang sundalo. Bigla itong gumalaw at nagtangka pang umalis ngunit madali itong binaril ni Raven sa ulo.
Tumayo na ang La luna at tiningnan ang sundalong duguan ang ulo at patay. “Kutob ko, may mga malay na silang lahat.”
“Sige, pabayaan mo silang gumalaw at magtangkang tumakas. Mga humanda sila sa ‘kin.” tinutok niya ang baril sa isang sundalo at binaril.
“Ano ‘to?” hawak-hawak naman ng isang La luna ang granada. Kumunot ang kanyang noo at hinawakan niya ang safety pin ring. Hinila niya ito.
Masama ang kutob ni Raven sa granada. “Bitiwan mo ‘yan!”
Bibitiwan na niya ito sana nang bigla naman itong sumabog. Tumalsik ang mga bato kasabay ng mga dugo ng mga katabi nitong sundalo.
Nanlaki ang mga mata ni Raven nang mapansin niyang nawala na ang may hawak ng granada. “N-Nasaan na siya?!” napansin niya bigla ang mga pira-pirasong kulay berdeng umiilaw na lumilipad patungo sa kalangitan.
“A-Apoy ang nakita ko.” wika ng isang La luna. Bigla siyang natakot.
Sinusundan lang ng tingin ni Raven ang mga pira-pirasong liwanag na patungo sa kalangitan. “Patay na siya.”
Nagkaroon na ng malay si Zavier at naramdaman niya bigla ang pagkahilo. Nakagapos pa rin ang kanyang mga kamay.
Narinig niyang bumukas ang pinto at may pumasok sa loob. Gusto niya sanang tingnan kung sino ang pumasok ngunit wala pa siyang lakas para idilat ang kanyang mga mata.
Lumapit ito sa kanya at mabilis na pinutol ang tali sa dalawa niyang kamay. Babagsak na siya sana nang bigla naman siya nitong sinalo at marahan siyang hiniga. Iniwan niya pagkatapos ang kutsilyo sa kanyang tabi.
Ilang oras ang lumipas at hindi namalayan ni Zavier na nakatulog na pala siya ng mga oras na ‘yun. Nagising na siya at nakakaramdam pa rin siya ng pagkahilo ngunit hindi na kasingtulad ng kanina. Napatingin siya sa dalawang sundalo habang nakatingin rin ang dalawa sa kanya. Nakita niya na tahimik lang ito. Kinuha niya ang kutsilyo at sinubukan niyang tumayo.
“Gising na siya.” takot na wika ni Jin.
Natakot si Kim nang makita niya na hawak-hawak na ni Zavier ang kutsilyo. “H-Huwag mo kaming saktan! Pakiusap!”
Ilang minuto ang lumipas bago pa nakatayo si Zavier. Hinawakan niya ang pader para alalayan ang kanyang sarili sa paglakad. Medyo nakakuba siyang lumalapit sa dalawa at pinutol na niya ang kanilang tali sa kanilang mga kamay.
Nagulat sila.
“U-Umalis na kayo.” mahinang wika ni Zavier.
Mabilis na inalis ni Kim ang tali sa kanyang mga kamay.
“Dalian n’yo hangga’t wala pa si Everestine…!”
“P-Paano ikaw?!” mataas na tonong tanong ni Jin.
Napatingin si Zavier sa kanya at medyo nagulat nang tanungin siya ng ganu’n. “Huwag n’yo akong intindihin… P-Pabayaan n’yo na ako.”
Tumayo at tumungo kaagad si Kim sa pintuan. “Chief! Halika na at umalis na po tayo!”
Napatingin saglit si Jin sa kanya at muli niyang binalik ang tingin kay Zavier. “S-Salamat.”