36: Connected Hearts


 

Gabing-gabi na at ang mga tao sa Destiny World ay nananatili pa ring binabantayan ang kalangitan. Mga kinakabahan pa rin sila habang tahimik lang silang nakatingin sa itaas.

Nakikiramdam si Lucius habang tinatalasan din niya ang kanyang pandinig. Mahigpit lang niyang hawak-hawak ang kanyang armas.

Sana hindi na sila dumating!” wika ng isang lalaki.

Napalunok ang kausap niyang lalaki. “S-Sana nga.” nanginig siya sa takot.

Napatingin si Lucius sa mga tao. “Dito lang kayo at bantayan n’yo lang ang kalangitan. Bibisitahin ko lang si Princess Janella sa palasyo.”

Nagtinginan sa isa’t-isa ang mga tao. Mas kinabahan sila dahil aalis muna si Lucius sa kanila.

Pumunta si Lucius sa isang lalaki na mukhang maaasahan at mapagkakatiwalaan niya. “Ito.” inabot niya ang phone sa binata. “Tawagan n’yo ako kung may ibabalita kayo sa ‘kin.”

Napatingin ang lalaki sa phone at malumanay niya itong hinawakan. “O-O sige po.”

Mga nasa labas rin ng palasyo ang mga servants. Pare-pareho silang nakatingin at binabantayan rin ang kalangitan. May mga hawak rin silang mga armas.

Napalunok si Nathy sa sobrang kaba. “K-Kaya n-n-natin t-‘to!”

Mhm!” tumango si Eric. “Kayang-kaya!”

Hindi na nakatiis si Nathy. “Kuya Eric…” hinawakan niya ang damit nito.

Bakit?” napatingin siya sa ibaba para tingnan si Nathy.

I’m scared…” mga nasa mata niya ang pagkatakot.

Huwag mo nang sabihin pa Nathy dahil alam naman namin!” nainis si Serah. “Hindi lang ikaw ang natatakot! Lahat tayo! Lakasan mo na lang loob mo!” wika niya habang nakatingin sa itaas.

Hindi inintindi ni Eric si Serah at hinimas niya ang likuran ni Nathy. Ningitian niya ito pagkatapos. “Huwag kang mag-alala, matatapos din ‘to Nathy.”

Biglang lumakas ang hangin.

Ano ‘yun?!” naging malikot ang mga mata ni Jonathan.

Lalo silang kinabahan nang marinig at maramdaman nila ang malakas na hangin.

Nabitiwan ni Nathy ang armas at bigla niyang niyakap ang mga binti ni Eric habang natatakot siyang nakatingin sa itaas.

Ano ba ‘yan~! Natatakot na ako~! I think I’m going to give up na~! ‘Yung mga paa ko! Parang gusto na nilang tumakbo!” si Gweine.

Huwag kang ganyan Gweine! Maging malakas ka nga!” pinalo ni Julius ang ulo nito. “Kayanin mo! Kundi puputulin ko ‘yang mga paa mo nang hindi ka makatakbo!”

N-Nandiyan na yata sila!” pakabang sabi ni Eric.

B-Baka nga!” nagiging malikot na ang mga mata ni Baron at baka may makita na siyang mga ships.

Hangin lang ‘yan!” si Serah.

Mga excited naman kayo oh!” pabirong wika ni Jonathan.

Anong excited?!” pagtatakang tanong ni Christoph.

Huwag ka ngang magsalita ng ganyan! Wala tayong excitement na nararamdaman ngayon!” si Serah.

Ssshhh!!! Tsk! Guys! Manahimik na nga lang kayo!” inis na wika ni Harony.

Biglang bumukas ang gate. Nagulat ang mga servants at sabay-sabay silang tumingin dito.

S-Sino ‘yan?!” biglang napaatras si Jonathan.

Biglang nakita nila si Lucius na pumasok sa gate. Seryoso lang silang tiningnan habang naglalakad patungo sa main door. Pumasok siya sa loob.

Nahimatay si Gweine nang makita niya si Lucius.

Huwag n’yong saluhin ‘yan!” iniwasan ni Jonathan si Gweine.

Uy Gweine!” mabilis na sinalo ito ni Baron.

Grabe ka talaga Joth!” tinulak ni Christoph si Jonathan. Tinulungan niya pagkatapos si Baron sa pagsalo nito kay Gweine.

Ano ba ‘yan! Bakit ngayon pa ‘yan hinimatay?!” pagalit na tanong ni Serah.

Biglang nainis si Baron at sinagot niya si Serah. “Bakit?! Sa tingin mo ba ginusto niya rin ba ‘to?!”

Seryoso lang na nakatingin si Julius kay Gweine. “May sakit ba siya?”

Hindi ko alam, pero napapansin n’yo naman di ba palagi siyang hinihimatay?”

Naku! Pinagloloko lang kayo niyan ni Gweine! Hindi totoo ‘yan! Kaartihan ang tawag sa ganyang sakit! Patayuin n’yo na nga siya!” mataas na tonong sabi ni Serah.

Paano kung totoo ‘to Serah?!”

Hay naku! Bahala nga kayo!” lumayo si Serah sa kanila at tumingin na lang muli siya sa kalangitan.

Hindi nag-iinarte si Gweine! Baka akala niya kasi kung sino na ang pumasok sa gate kaya siya nahimatay! Sobra lang siyang nagulat!” wika ni Clayden.

Bumuntong-hininga na lang si Serah. Humalukipkip na lang siya at napailing.

Ssshhh!!! Please guys! Huwag na kayo mag-away! Hindi na kayo bata!” pagmamakaawa ni Harony.

Bakit kapag ba mga matatanda na hindi na ba nag-aaway?” tanong ni Jonathan.

Ssshhh!!!” inis na inis na si Harony. “Maging seryoso na nga ang lahat!”

Habang sa loob naman ng palasyo, tahimik lang na nakaupo si Janella sa upuan habang pinagmamasdan ang buong paligid sa bintana. Mga nasa loob din ng kanyang kwarto sina Lucius at Adelaide.

Hindi nila kaagad makausap si Janella dahil alam nila na masama ang loob nito sa kanila. Si Lucius na ang naglakas-loob na lapitan siya.

My princess…” marahan niyang hinawakan ang balikat nito.

Masamang sinulyapan ni Janella ang kamay nito sa kanyang balikat.

Magiging matagumpay din tayo sa giyera na ‘to.”

Mabilis niya na inalis ang kamay nito. “Huwag mo akong hawakan. Umalis ka dito. Hindi kita kailangan.”

Sumulyap ang mga mata ni Lucius kay Adelaide saglit. “Kung ganu’n, sino pala ang kailangan mo?”

Napatingin si Janella sa ibaba. “Si Zavier.”

Nababaliw ka na talaga Janella!” mataas na tonong sabi ni Adelaide.

Natawa ng marahan si Lucius habang umiling-iling. Lumakad siya. “My princess… ano na kaya ang nangyayari sa ‘yo? Masyado ka na talagang naloko ng isang ‘yun ah.”

Hindi kita maintindihan Janella.” humalukipkip si Adelaide.

Talagang nakakaawang prinsesa.” muling napailing si Lucius. “Nagpaniwala ka naman sa matamis na dila ni Zavier! Hindi nga ako naniniwala sa mga pinagsasabi mo tungkol sa kanya! Dahil mas naniniwala ako na nagpapanggap lang siya sa ‘yo!”

Seryoso lang na nakikinig si Janella.

Naaalala mo pa ba nung galit na galit ka sa kanila? Alam kong naiisip mo na gumanti dahil sa ginawa nila kay Jasper. Pero ngayon, parang hindi mo na yata ‘yun naiisip. Anong nangyari sa ‘yo?”

Masamang tiningnan ni Janella si Lucius. “Mag-isip ka muna bago ka magsalita! Galit pa rin ako sa kanila pero hindi kay Zavier! Hindi mo pa kasi siya nakikilala. IBANG-IBA SIYA SA LAHAT! NILOLOKO KA NG INIISIP MO!”

Muling natawa si Lucius. “Sige my princess, magpaloko ka lang sa kanya!”

Sobra-sobra nang naiinis si Janella sa kanya. Mabilis siyang tumayo. “SIGE! TINGNAN LANG NATIN SA HULI KUNG SINO ANG MALI SA ATIN!”

Janella!” nainis si Adelaide. “Kahit na anong mangyari, si Lucius lang ang magiging tagapaglitas mo! Siya ang kabalyero mo!”

Umiling si Janella kay Adelaide. “Hindi ina!”

Baka nalilimutan mo na rin na hindi mo lang ako isang kabalyero. Magiging asawa mo na rin ako at tayo na ang mamamahala sa mundong ito sa susunod.” pinakita niya ang kanyang daliri na may singsing. “Di ba?”

HINDI KITA GUSTO ALAM MO BA ‘YUN?! ANG PANGIT-PANGIT NG UGALI MO! HUWAG KA NANG UMASA PA DAHIL KAHIT KAILANGAN AY HINDING-HINDI ‘YAN MANGYAYARI! AYOKO SA ‘YO!!!! WALANG IBIG SABIHIN ANG SINGSING NA ‘TO SA ‘KIN!!!!” muling pinilit ni Janella na tanggalin ang singsing sa kanyang daliri ngunit ayaw talaga.

Napanganga ng kakaunti si Adelaide nang maalala na rin niya ang surprise proposal ni Lucius para sa kanyang anak matapos niyang makatulog sa Sleepy Dust.

Tumatango-tango lang si Lucius at inintindi na lang niya ang prinsesa. “Hinding-hindi mo matatanggal ang singsing na ‘yan. Kahit ano pa ang gawin mo.” ngumisi siya.

Masamang sumulyap ang mga mata ni Janella sa kanya habang pinipilit pa rin niya itong tanggalin. “AYAW HA?!” pumunta siya sa bintana at balak niya pang ipitin ang kanyang daliri dito. “PUPUTULIN KO ANG DALIRI KO!”

JANELLA!” madaling lumapit si Adelaide sa kanya at hinila papalayo sa bintana.

Naiyak si Janella habang nakatingin sa kanyang nanay. “Ayoko sa kanya ina…”

Kumunot ang noo ni Adelaide. “Wala nang iba pang lalaki na kaya kang pagsilbihan Janella! Tanggapin mo siya!”

AYOKO SA KANYA!!!!” lumakad siya patungo kay Lucius at malakas niya itong tinulak sa kama. “ANG PANGIT NG UGALI MO!!! ANG SAMA-SAMA MO KAY ZAAVVIIIEERR!!!!”

Bumagsak si Lucius sa kama. Nagulat siya.

JANELLA!” pigil ni Adelaide.

WALA NA SIYA NGAYON, YOUR HIGHNESS! WALA NA ANG SINASABI MONG TAGAPAGLIGTAS KAHIT NA HINDI NAMAN TALAGA!!!” pang-asar na wika ni Lucius.

Malakas na pinalo-palo ni Janella ang magkabilang binti ni Lucius. “NAKAKAINIS KAAA!!!! HUWAG KANG MAGSASALITA NG GANYAN DAHIL MASUSUNTOK TALAGA KITA!”

Gawin mo!” nang-asar pa siya.

TUMIGIL KA NA NGA JANELLA! HABANG TUMATAGAL NAG-IIBA NA TALAGA ANG UGALI MO!” malakas muling hinila ni Adelaide si Janella.

Masamang tumingin si Janella sa kanyang nanay. Hiningal siya sa sobrang inis.

Nagkaroon ng masamang kutob si Adelaide. “Huwag mong sabihin na may nararamdaman ka na para kay Zavier, Janella.” kumunot muli ang kanyang noo.

Natahimik saglit si Janella at sumulyap ang mga mata niya kay Lucius. “Opo, tama po kayo! Siya ang gusto ko! AT HINDI SA LALAKING ITO!!!!” masama niyang binalik ang kanyang tingin kay Adelaide.

Nainis si Adelaide. Hindi niya napigilan ang kanyang sarili at nasampal niya muli si Janella.

Nagulat si Lucius at napatingin siya kay Adelaide.

Mas nagulat si Janella. Napahawak siya sa kanyang pisngi.

Patay na ang lalaking ‘yun kaya hinding-hindi mo na siya makikita pa. Dito ka lang sa kwarto habangbuhay!”

Hindi niya pinakinggan ang sinabi nito. “Hindi… hindi ako mananatili dito… Nasa malubhang kalagayan si Zavier ngayon. Gusto ko siyang makita! Gusto ko siyang tulungan. Gusto ko siyang iligtas!”

Muli siyang sinampal ni Adelaide. “ANONG GUSTO MONG IPARATING?! PUPUNTAHAN MO SIYA DO’N PARA ILIGTAS?! NAWAWALA KA NA BA SA SARILI MO JANELLA?!”

Tiningnan ni Janella si Adelaide. “Kaibigan ko rin siya ina! Kailangan ko rin siyang iligtas! At hindi ko rin siya hahayaang mahiwalay sa ‘kin! I WILL NEVER LET ANYONE TAKE HIM AWAY FROM ME!!!!” sigaw niya habang dinuro-duro pa ang kanyang sarili.

May malay na si Gweine. Pinaupo muna nila ito sa fountain para pagpahingahin saglit habang kasama niya si Baron.

Sana hindi na sila matuloy!” pakabang sabi ni Nathy habang nakatingin sa kalangitan.

Sana nga, dahil hanggang ngayon… wala pa rin akong nararamdaman na presensya nila.” sagot naman ni Eric.

Napalunok si Nathy at tumango ng mabilis.

Kumusta na kaya ang mga sundalo natin? Nasaan na kaya sila ngayon?” pag-aalalang tanong ni Anette.

H-Hindi ko nga alam e…” napalunok si Violet. “Baka nga nagkakagulo na nga do’n.”

Tsk! Natatakot na talaga ako!” pakabang sabi ni Janine. “F-First time ko lang kaya ‘to!”

Hindi lang naman ikaw! Ako din naman!” wika ni Anette.

Hindi lang kayo! Kundi tayong lahat!” si Violet.

Nasa pagmumukha ni Harony ang pag-aalala habang nakatingin rin sa kalangitan. “Panginoon! Iligtas n’yo po kami!” mahinang wika niya.

Narinig siya ni Clayden. “Kaya natin ‘to Harony.” pangpalakas-loob niya. Lumakad siya papalapit sa kanya.

Napatingin si Harony sa kanya. “Ah, o-oo!” ngumiti siya ng kakaunti.

Nakatingin lang sa kalangitan si Clayden. “Matatapos din ‘to.”

Hinihimas naman ni Baron ang likuran ni Gweine habang siya ay pinapaypayan pa.

Ayos na ako Baron.” nahihiyang ngumiti pa si Gweine sa kanya. “Salamat ha~?”

Ngumiti lang si Baron habang nakatitig sa kanya. Patuloy pa rin siya sa paghimas ng likuran nito. Muling nagsitubo ang mga imaginary roses na nagkikinangan sa kanyang likuran.

Namula si Gweine at inalis ang tingin sa kanya. Bumuntong-hininga siya. “Alam mo… minsan napapaisip ako kung may katotohanan ba ang pinagsasabi ni Princess Janella tungkol kay Zavier.”

Paunti-unting nawawala ang ngiti ni Baron habang pumuputok na din paisa-isa ang mga rosas sa kanyang likuran. “H-Hindi ko rin alam…”

Parang totoo kasi na hindi. Kasi napakaimposible naman kasi na ililigtas tayo ni Zavier di ba? Mga kaaway nila tayo e.”

Hindi ko alam Gweine… hindi ko alam.” umiling-iling siya. “Wala tayong kasiguraduhan tungkol diyan.”

Bumuntong-hininga muli si Gweine. “Nasaan na kaya si Zavier ngayon kung ganu’n ang gusto niya?” ngumuso siya.

Kumunot ang noo ni Baron. Napailing muli siya. “Hindi ako sigurado pero baka… alam mo na.”

Oo nga e.” malungkot siyang tumango. “Alam mo nung makita natin siya. Nakikita ko naman sa kanyang mga mata na parang mabait naman siya. Mapagkakatiwalaan.”

Medyo nagulat si Baron sa kanyang sinabi. “Ikaw ha, baka may ano ka sa kanya ah!”

Biglang namula si Gweine. “Uy! Hindi ah!” pinalo niya ang balikat nito. “Huwag ka ngang magbiro ng ganyan Baron!”

Natawa siya. “Biro lang! Nagiging seryoso na kasi ang usapan e. Baka biglang umiyak ka na lang diyan dahil sa kanya.”

Ngumiti na lang si Gweine at napatingin sa kalangitan. “Sabi nga nila, kung mahal mo nga talaga ang isang tao, gagawin mo ang lahat para makita mo ulit siya.” napatutop siya sa kanyang dibdib.

Uy! Uy! Uy!” mabilis na tumayo si Baron at lumayo ng kakaunti sa kanya. “Iba na ‘yan ah! Ikaw ah! Anong ibig mong sabihin?! Gusto mo siyang makita?!”

Natawa siya. “Biro lang! Sabi mo kasi nagiging seryoso na e~!” lumapit siya kay Baron.

Tinalikuran siya ni Baron at sabay humalukipkip. “Gweine ah! Nagseselos ako!” pabirong wika niya.

Hahaha~! Ikaw talaga~!” tinapik ni Gweine ang balikat nito. “Umupo na ulit tayo~!” umupo na muli siya.

Sumunod si Baron. Bigla muling bumalik ang seryoso nilang pag-uusap. “Pero sana nga Gweine… buhay pa rin siya hanggang ngayon.”

Habang sa nayon naman ng Mharius, pinuntahan na ni Everestine at ang mga naiwang mga spirits si Raven sa gubat para hanapin rin ang iba pang mga sundalo. Tanging si Zavier lang ang naiwan dito sa nayon habang pinipilit niyang hanapin ang Helem Potion sa kubo ni Everestine ngunit siya ay nabigo. Bumalik na lang siya muli sa kubo ni Arganoth. Napaupo siya sa upuan at ginamit muli niya ang mga gamot sa lamesa. Nilagyan niya ng gamot ang kanyang palad at pinahid niya ito sa kanyang tiyan pagkatapos. Mariin siyang napapikit sa sakit.

Hinding-hindi ako susuko sa aking plano… Magiging wala akong silbi kung hindi ko rin maliligtas sa huli ang mundong Destiny! Lalaban pa rin ako! LALABAN AKO!” wika niya mula sa kanyang isip.

Habang ang dalawang sundalo naman ay mabibilis nang tumatakbo sa kagubatan. Natagpuan na nila ang kanilang pupuntahan.

Napahinto si Kim sa gitna ng bukid. “Patay! Mukhang kinuha pa nila ang mga jets natin! Nawala na dito!” luminga siya.

Tahimik lang si Jin habang nakatingin sa kawalan. Kinakalaban siya ng kanyang konsesnya. Naiisip niya na bumalik sa nayon para tulungan si Zavier.

Chief Jin! Nandito lang po ang mga jets natin! Pero ngayon, mga wala na!”

Hindi na naiintindihan ni Jin ang kanyang sinasabi dahil ang laman ng kanyang utak ay si Zavier. “Gusto kong bumalik Kim.”

Nagulat si Kim. “P-Po?” hindi siya makapaniwala sa kanyang narinig.

Gusto ko siyang tulungan.”

Ano po?!” nanlaki ang mga mata niya. “Huwag na po kayong bumalik! Pinatakas na nga po niya tayo para ligtas na tayo!”

Gusto ko rin siyang iligtas Kim. Nakikita mo ba sa kanyang itsura kung gaano siya nahihirapan?”

Natigilan si Kim.

Sobra siyang nakakaawa… At sa tingin ko bukal din sa kanyang kalooban na iligtas tayo. Naniniwala ako sa kanya.”

Pero… ang layo na po natin.”

Hindi pa huli ang lahat. Sige, umalis ka na. Babalik ako.” tinapik niya ang balikat nito at umalis.

Malungkot lang na nakatingin si Kim sa kanya.

Habang sa mga spirits naman, nakatingin rin sila sa kalangitan at inaabangan din nila kung may dadating pang mga jets.

Nakaupo lang sa bato si Everestine habang pinagmamasdan ang kalangitan. “Mainit na ang panahon sa kanila ngayon.”

Napatingin ang isang spirit sa kanya. “Hindi na po ba tayo pwedeng pumunta?”

Umiling si Everestine. “Hindi na ako sigurado.”

Paano kung ganu’n nga po?”

Hindi pa rin tayo titigil, pero hindi ko pa alam kung ano na ang dapat nating gawin ngayon.”

Lumapit si Raven sa kanya. “Ginoong Everestine, hawakan n’yo lang po ‘to. Kailangan po natin ‘yan.” binigay niya ang isang baril.

Kinuha ito ni Everestine at pinagmasdan ang baril. “Iba ‘to ah.” ngumisi siya.

Galing po ‘yan sa mga sundalo.”

Talaga?! Magaling Raven!” tuwang-tuwa siya habang tinitingnan ang baril.

Tumungo naman si Raven sa mga spirits. “Saluhin n’yo ‘to.” hinagis-hagis niya sa bawat spirit ang mga baril. “Magagamit natin ‘yan sa kanila.”

Sinalo nila ang mga baril na pinaghahagis ni Raven sa kanila. Tiningnan din nila ito nung saluhin nila ito.

Humukay ng malalim si Raven pagkatapos. Binaon niya dito ang mga granada at ngumisi. “Wala na kayong mga kagamitan. Wala na kayong panglaban. Magpaalam ka na, Princess Janella.” wika niya mula sa kanyang isip.

Bumalik muna tayong lahat sa nayon! Kailangan nating magpulong para sa bago nating plano! Hindi tayo pwedeng magpahuli at dapat may nagagawa na tayo ngayon!” sigaw ni Everestine sa lahat.

Nasa kwarto pa rin si Janella. Wala na sina Adelaide at Lucius sa loob.

Nakaupo siya habang malungkot niyang pinagmamasdan ang kanyang sarili sa triple mirror niya.

Siguro nag-iiba na nga ako… Hindi na ako ang dating Janella.” bumuntong-hinga siya. “Dahil ba kay Zavier?” napapikit siya at napayuko. “Ngayon nararamdaman ko na kung gaano pala kahirap makiusap. Naramdaman ko na ngayon kung gaano pala kahirap ang ginawa sa ‘kin ni Zavier nung nagsisimula pa lang kami. Kung paano niya ako kinausap at kung paano siya nagmakaawa para lang maniwala ako sa kanya. Ang hirap pala… sobra.” dumilat siya at binuksan niya ang kanyang drawer. Nakita niya ang kutsilyo. Kinuha niya ito.

Muli siyang tumingin sa salamin at hinawakan niya ang mahaba at kulot niyang buhok. “Siguro ito na ang oras para magbago. Oras na para maging isang matapang at labanan ang anumang kinatatakutan ko sa buhay. Ako na si Ivory…” pinutol niya ang kanyang buhok.

Habang si Zavier naman ay nananatili pa ring nakapikit habang nakapatong na ang kanyang ulo sa lamesa. Ramdam na ramdam na niya ang pagkahina ng kanyang katawan ngunit nilalabanan niya pa rin ito sa pamamagitan ng paggamit ng mga gamot at sa dasal para maging malakas. Ngunit sa tuwing naiisip niya si Arganoth ay lalo siyang nanghihina. Patuloy lang niyang hinihimas ang kanyang tiyan.

Goddess Icarus… I’m not strong enough on my own. Give me the strength you’ve promised. Give me the power to take the next step so I can thrive until the end.”

Mabilis lang na tumatakbo pabalik si Jin sa nayon.

Chief Jin!”

Nagulat si Jin. Napatingin siya sa kanyang likuran at mas nagulat siya nang makita niya si Kim. “Kim?!”

Tumatakbo rin siya papalapit sa kanya. “Sasama po ako sa inyo!”

Bakit? Dapat umalis ka na!”

Huminto si Kim sa kanyang harapan. Hiningal siya at umiling. “Sasama po ako sa inyo.” napahawak siya sa magkabila niyang tuhod.

Sige na.” hinawakan niya ang magkabila niyang braso at tinitigan ang kanyang mga mata. “Umalis ka na.”

Nakayuko lang siya at muling umiling. “Natatakot po ako. Mga patay na ang karamihang sundalo sa gubat.”

Natigilan si Jin. Nagulat siya at hindi makapaniwala.

At sa tingin ko nga rin po… tayong dalawa na lang po ang natitira.” tumingin siya dito. “Sasama ako sa inyo. Magtulungan po tayo!”

Nakahiga na sa kama si Janella habang nakatingin sa kawalan. Nararamdaman na rin niya ang kainitan ng panahon.

Nararamdaman ko na ang kainitan… Ibig sabihin hindi na rin sila makakarating dito dahil mainit na ang panahon? Baka posibleng huminto na sila sa kanilang masamang plano. Wala nang kaguluhan.” pinahid niya ang pawisan niyang noo. “P-Pero paano na si Zavier? Ang kanyang kalagayan…?” naalala niya muli ang ginawa ni Lucius sa kanya. “Tsk! Zavier!” naluha siya at tinago niya ang kanyang mukha sa ilalim ng unan. “H-Hindi ako mapakali… n-nasaan ka na kaya? G-Gusto na talaga kitang makita!”

Pumasok muna kayo sa loob!” sigaw ni Lucius sa mga servants.

Narinig ni Janella ang boses ni Lucius. Mabilis siyang tumayo at tiningnan ang hardin. Nakita niya ang mga servants na naglalakad patungo sa main door.

Muli siyang bumalik sa kanyang kama. Kinuha niya ang tinago niyang lalagyan ng Sleepy Dust sa ilalim ng kanyang kama. Mabilis siyang pumunta sa kanyang pintuan at pinakinggan mula sa pinto kung may paparating. Nakarinig siya ng mga tunog ng sapatos. “May paparating!” madali siyang pumunta sa kama at humiga.

Kumatok muna si Baron bago niya binuksan ang pinto. “Your Highness.”

Seryosong tumingin si Janella sa kanya.

Nagulat si Baron nang makita niya na maikli na ang buhok nito. “Ahm, pinadalhan ka po ni Ginoong Lucius ng pagkain dito.” pumasok na siya sa loob habang dala-dala ang silver tray.

Madaling tumayo si Janella at siya na ang lumapit sa kanya. “Salamat.” kinuha niya ang tray.

Nagulat si Baron. “Ah, it’s my pleasure!” yumuko na lang siya para magbigay galang.

Pakikuha mo na lang ako ng isa pang plato.” muli siyang bumalik sa kama at umupo.

As you command.” yumuko muli siya at lumabas ng kwarto. Sinara niya ang pinto pagkatapos.

Ngunit mabilis na tumayo si Janella para pigilan ang pagsara ng pinto. “Ayoko nang makulong sa kwarto! Ngayon nakabukas na muli ang pinto, malaya na ulit ako!” mahinang wika niya habang nakatawa.

Pinatong niya muna ang tray sa kanyang triple mirror habang iniwan niyang nakabukas ang pinto. Bumalik muli siya dito at tiningnan ang hallway kung nakaalis na si Baron.

Yes! Wala na siya!” napangiti siya. Lumabas siya at lumakad ng kakaunti papalayo sa kanyang kwarto. Niluwagan niya ang tali ng lalagyan ng Sleepy Dust at hinagis niya ito sa hangin. Mabilis niyang tinakpan ang kanyang ilong at sabay takbo pabalik sa kanyang kwarto. Napalakas pa niya ang pagkakasara sa pinto dahil sa taranta.

Kailangan kong magmadali! Baka abutan ako dito ng pampatulog!” madali siyang pumunta sa kanyang aparador at madaling naghanap ng kumportableng susuotin. Mabuti naman at nakita niya ang nakasingit niyang damit na naiwan dito na kasingtulad ng una niyang sinuot nung unang beses pa lang sila magkita at magkakilala ni Zavier. Kinuha niya ang damit na ito at mabilis niya itong sinuot.

Saglit lang Zavier... dadating na ako diyan!” at mabilis niyang sinuot ang flat ankle boots niya. Kinuha niya ang mga tela sa buong kwarto niya. Ginaya niya si Zavier at pinagbubuhol-buhol rin niya ang mga tela. Binuhol naman niya ang dulo ng tela sa paa ng kama pagkatapos.

Ipagpaumanhin n’yo akong lahat… Lalo na sa ‘yo, ina.” wika niya mula sa kanyang isip. “Aalis ako dito para kitain si Zavier. Hindi ako mapakali na alam kong hindi siya nasa maayos na kalagayan ngayon. Sana maniwala rin kayo sa ‘kin na si Zavier ay isa nating kaibigan! Kung gusto niya tayong iligtas… sana maligtas ko din siya!”

Madali siyang pumunta sa bintana habang dala-dala ang mga buhol-buhol na tela. Binuksan niya ito at nilabas ang mga dugtong-dugtong na tela. Tiningnan niya muna ang nakabuhol na tela sa paa ng kama niya. Sinubukan niya itong hilahin kung maayos ba ang pagkakabuhol niya rito.

Okay, ayos na ang lahat...” kinabahan na siya. Lumingon na siya at tiningnan ang labas ng bintana. Tiningnan niya ang bababaan niya. “Tsk! Nakakatakot! Nakakalula!” inalis niya ang tingin dito at pumikit. “Huwag kang matakot Ivory... huwag kang matakot. Inhale... exhale...” at huminga siya ng malalim. Bigla niyang naalala ang pagtawid niya sa makitid na tulay na patungo sa Nereus Falls. Lalo tuloy siyang nasabik na makita si Zavier.

Dumilat na siya. “Okay, here I come!” nanginginig-nginig pa siya habang hawak-hawak ang tela ng mahigpit. Sinimulan na niyang bumaba.

Napakagat-labi siya at mas kinabahan. “Nakakatakooot!!!” napapikit siya. “Pero hindi pwedeng nandito lang ako! Hindi rin ako pwedeng magtagal sa palasyo dahil hindi nga ako ligtas dito! Wooh! Inhale! Exhale! Inhale! Exhale!” bumaba muli siya.

Ilang minuto ang lumipas at sa wakas ay nakababa na rin siya sa hardin.

Mabilis siyang tumatakbo patungo sa gate. “Hah! Hah! Hah!” hingal niya. “Papunta na ako Zavier!”

Nang makarating na siya sa gate, mabilis niyang hinawakan ang bukasan ng gate ngunit nakakandado ito.

Nainis siya. “Tsk! Ano ba ‘yan!” napatingin siya sa itaas ng gate at napatingin naman siya sa palasyo pagkatapos. Mabilis nang kumakalat ang dust.

Hala!!!” mas lalo siyang nataranta. Napatingin muli siya sa itaas ng gate. “Tsk! Wala na akong magagawa! Aakyat na lang ako!” at madali siyang kumapit at umakyat sa gate.

Nang marating na niya ang kabila ng gate. Bumaba siya ng kakaunti at tumalon na lang. Napaupo siya at nakita ang dust na kumakalat na sa hardin. Nanlaki ang kanyang mga mata habang hinihingal. Mabilis siyang tumayo at sabay takbo.

Walang katao-tao sa daan, tanging siya lang. Palinga-linga siya habang naghahanap ng pwedeng sakyan. Mabuti na lang ay may natagpuan siyang natutulog na kabayo sa isang bahay na may maliit na sakahan. Nakatali ang kabayo sa puno nilang malaki.

Yes!” napangiti siya at madaling pumunta dito. Mabilis niyang hinawakan ang tali mula sa leeg ng kabayo.

Nagising ang kabayo at napatingin ito sa kanya.

Kinabahan siya dahil baka sipain siya nito. Ngumiti siya. “Ssshhh... huwag kang matakot.” at nag-silent pose. “Hindi kita sasaktan.” marahan niyang tinanggal ang buhol ng tali sa puno.

Biglang tumayo ang kabayo.

Oops!” mas kinabahan siya. “Hindi ako mananakit horsy-horsy! Magkaibigan tayo!”

Humalinghing ang kabayo at winagayway ang ulo saglit.

Okay Horsy! Sasakay na ako ah!”

Mabuti na lang ay mabait ang kabayong nakita niya. Hindi siya malikot.

Hindi pa siya nakakasakay ng kabayo sa buong buhay niya kaya hindi niya alam kung paano sumakay ng tama. “Horsy! Be kind ah!” dahan-dahan niyang pinasok ang kanyang paa sa stirrup at pinilit niya na makasampa nang hindi niya ito nasasaktan. Nakasakay naman siya ng maayos.

Ayan, a-ang galing! Hehehe!” hindi pa rin nawawala ang kaba niya sa dibdib. Hinaplos niya saglit ang buhok nito. Pagkatapos ay tinapik na niya ito. “Handa ka na ba horsy-horsy?” muli siyang ngumiti.

Humalinghing muli ang kabayo at tumakbo na.

Woah!” madaling kumapit si Janella sa tali nito.

Tuloy-tuloy lang ang pagtakbo ng kabayo. Nahihirapan pa nung una si Janella kung paano ito kontrolin ngunit habang tumatagal ay nalalaman na niya ang tamang pagkontrol.

Matapos ng ilang oras, narating na niya ang mabatong lugar. Pinahinto na niya ang kabayo at mabilis siyang bumaba.

Maraming salamat horsy!” kinawayan niya ito habang tumatakbo papalayo sa kabayo.

Nakatingin lang sa kanya ang kabayo.

Habang tumatagal ay naaaninag na niya ang Amadeyu Ship. Mas binilisan pa niya ang pagtakbo patungo dito. “Hah! Hah! Hah! Zavier! N-Nandito na ako!” napaluha siya sa tuwa.

Napahinto siya sa harapan ng ship. Hiningal siya habang pinagmamasdan ito. “P-Paano nga ba ulit gamitin ‘to?! Tsk!” napatakbo siya at inikot ang buong ship. “Paano ko mabubuksan ang pinto?!” pumwesto siya sa pintuan at tiningnan. “Tsk! Nasaan ang pindutan?!” kinapa niya ang pinto. “Ang hirap pala kapag may tagapagbukas ka palagi!”

Nakakailang minuto na siya at hanggang ngayon ay hindi pa rin niya nabubuksan ang pinto. “Tsk! Urgh!” hinampas na niya ang pinto sa inis at taranta. “Kailangan kong magmadali! Pakiusap! Bumukas ka na!” at muli niya itong hinampas.

Biglang bumukas ang ilaw sa loob at dahan-dahang bumubukas ang pinto pagkatapos.

Nagulat siya. Napatingin siya sa pintong bumubukas. “Yes! Yees!!! Yeees!!!!” napangiti siya at napatalon pa sa tuwa.

Matapos nang bumukas ang pinto, saka pa lang siya pumasok sa loob at sinuot kaagad ang seat-belt.

Okay.” hinawakan niya ang yoke at tiningnan ang mga pindutan sa harapan niya.

Muli siyang kinabahan at napalunok pagkatapos. Kinagat niya ang mga kuko niya sa daliri. “Paano nga ba ulit ‘to? Ito ba?” at pinindot ang isang pindutan.

Biglang bumukas ang makina ng ship.

Muli siyang pumindot at marahan nang lumutang ang ship.

Tapos... ito naman.” at pinindot naman ang isang pindutan ng marahan.

Naging steady ang ship habang nakalutang sa hangin.

Phew! Buti na lang at naaalala ko pa! Ang galing mo talaga Ivory!” lumingon-lingon siya. “Tsk! Pero sa totoo lang, natatakot na ako!” inikot niya ang yoke.

Umikot ang ship.

Phew! Tapos...” hinawakan na niya ng mahigpit ang yoke habang pinaandar na niya ito. Umaalis na sa isang pwesto ang ship.

Napasandal si Janella sa sandalan ng upuan habang nanginginig na siya sa takot. “Natatakot ako! Natatakot ako!!!” huminga muli siya ng malalim. “Inhale! Exhale! Inhale! Exhale!” napapikit siya saglit. “Alam kong mahirap ‘to para sa akin! Pero hinding-hindi ako susuko! Mas matatakot ako kung wala ka sa tabi ko Zavier! Kaya kahit anong mangyari… lalaban ako para sa ‘yo!” hinawakan na niya ang thrust lever at marahan niya itong tinulak.

Napapikit siya nang marinig niya na palakas na ng palakas ang ingay ng makina. Mabilis na itong lumipad hanggang sa makalabas na ito ng mundo.