37: The Awaited War
Mga ginamit pa ng ibang spirits ang mga jets papunta sa nayon at ngayon ay mga nakabalik na silang lahat dito. Mga nasa kubo na silang lahat ni Everestine habang seryoso nilang pinag-uusapan ang panibagong plano. Habang ang dalawang sundalo naman ay nasa nayon na rin ngunit mga nasa labas pa sila. Mga nagtatago at nakikiramdam pa kung may mga spirits na naglalakaran sa daan.
“Wala! Pasok na tayo!” mabilis na pumasok si Jin sa loob habang sumusunod naman sa kanya si Kim.
Nakita nila ang isang jet na nakaparada sa daan na inuwi ng isang spirit sa nayon.
“I-Isang jet?!” napatingin si Kim dito.
“Halika na!” patuloy pa rin na tumatakbo si Jin. Malikot ang kanyang mga mata habang hinahanap niya ang kubo ni Everestine na natatandaan niya sa kanyang isip. “Ito ‘yun!” bubuksan na niya sana ang pinto ngunit narinig niya ang iba’t-ibang boses na nag-uusap sa loob. Kumunot ang kanyang noo at pinakinggan ang kanilang pinag-uusapan.
“Wala na tayong kasiguraduhan kung makakapunta pa tayo sa Destiny World dahil mainit na do’n sigurado!” mataas na tonong sabi ni Everestine. “Pero hindi tayo susuko! Dapat gumawa ulit tayo ng panibagong plano. Wala na kasi si Zavier sa atin, siya pa naman sana ang pinaka-instrumento natin.”
Nanlaki ang mga mata ni Jin habang nakakunot naman ang noo ni Kim.
“Dito talaga natin siya kailangan at siya sana ang dadakip kay Princess Janella habang mga nasa ships lang tayo. Magagawa naman niya ‘yun kahit siya lang dahil malakas naman daw siya. Pero kapalit nga lang ‘yun ng kanyang buhay dahil mainit na ang panahon ngayon sa kanila. Pero sinong may pakialam di ba? ngumisi si Everestine.
Nagtawanan ang iilan.
“Wala naman po tayong pakialam kung masaktan siya at mamatay sa huli.” ngumisi rin si Raven. “Kaya pinagplanuhan na po talaga natin simula pa lang na siya talaga ang kukuha sa mahal na prinsesa.”
“Dapat na mamatay na si Zavier bago pa niya tayo unahan!” wika ng isang spirit.
“Huli na ang lahat para sa kanya. Mahinang-mahina na siya at hinding-hindi na niya magagawa pa ang gusto niya. Huwag na tayong mag-alala.” mahinahong wika ni Raven.
Pinababayaan na lang ni Everestine silang lahat na mag-usap. Seryoso lang siyang nakatingin sa kanyang kapatid. “Arganoth, lumapit ka sa ‘kin.”
Kinabahan ng kakaunti si Arganoth at lumapit sa kanya.
Tinapik ni Everestine ang balikat nito. “Bibigyan pa kita ng isa pang pagkakataon. Papatawarin kita.”
Nagulat siya. Hindi siya makapaniwala. “T-Talaga?”
“Oo, basta lumayo ka na kay Zavier. Pabayaan mo na siya. Kapag nakita pa kitang lumapit at kinausap mo pa siya, humanda ka sa ‘kin.”
“Wala si Zavier dito!” bulong ni Jin kay Kim.
“Nasaan po kaya?”
“Halika!” dahan-dahang naglakad papalayo si Jin sa kubo para walang makarinig.
“Ayun siya!” napalakas ni Kim ang kanyang boses.
“Ssshhh!!!” mabilis niyang tinakpan ang bibig nito. “Nasaan?!”
Tinuro ni Kim si Zavier mula sa kubo ni Arganoth.
Nakita niya ito na nakatayo habang nakahawak ang kaliwang kamay niya sa pintong nakabukas para alalayan ang sarili. Medyo nakakuba si Zavier at hawak-hawak naman ng kanan niyang kamay ang kanyang tiyan. Nakatingin rin ito sa kanila habang nasa kanyang pagmumukha ang pagtataka.
“Siya nga!” napatakbo si Jin papalapit sa kanya. Madaling sumunod si Kim.
Kumunot ang noo ni Zavier habang tinitingnan silang dalawa na papalapit sa kanya.
“Zavier!” napangiti si Jin at huminto siya sa kanyang harapan.
“B-Bakit pa kayo n-nandito…?” palipat-lipat ang kanyang tingin sa dalawa.
“Gusto ka naming tulungan!” wika ni Kim.
Natigilan saglit si Zavier. Marahan niyang tinulak ang dalawa. “Bumalik na kayo… dalian n’yo hangga’t maaga pa!” napayuko siya.
“Hindi!” inalis ni Jin ang kamay nito sa kanyang dibdib. “Naniniwala kami sa ‘yo!”
Nagtaka si Zavier at hindi niya maintindihan kung anong ibig niyang sabihin. Napatingin siya sa kanya.
“Isa kang traydor dito at pinili na maging isang kakampi namin. Kaya sana may magawa rin kami sa ‘yo!”
“Tutulungan ka namin! Magtulungan tayo!” ngumiti si Kim.
Nagising si Lucius nang marinig na paulit-ulit nang nagri-ring ang kanyang phone mula sa bulsa ng kanyang pantalon. Inaantok pa siya at mukhang gusto pa niyang matulog. Napilitan siyang isagot ito.
“Ginoong Lucius! May nakita po kaming ship na lumipad kagabi!”
Kinusot ni Lucius ang kanyang mga mata at mukhang tulog pa ang kanyang diwa. “S-Ship?”
“Kagabi pa po ‘yun namin nakita! Kaninang-kanina na nga po kita tinatawagan! Hindi po namin alam kung sino po ang umalis sa ating mundo! Kinakabahan po ako at baka may bumaba na pala dito at may kumuha na kay Princess Janella diyan sa palasyo!”
Nagising sa katotohanan si Lucius nang bigla niyang maalala si Janella. Bumalik ang lahat ng kanyang memorya. Binaba niya ang phone at madali siyang dumiretso sa kwarto nito. Binuksan niya ang pinto. Nagulat siya nang makita niya na magulo ang loob ng kwarto at wala na rin dito si Janella. Nanlaki ang kanyang mga mata. “HINDI PWEDE ‘TOOO!!!!”
Habang si Janella naman sa loob ng ship, nasa mismong harapan na niya ang Bhingelheim World. Niliko niya ang ship at tiningnan niya muna ang pulong Ashbell.
“Mas malaki pala ang pulong ito kaysa sa Mharius. Mas marami ring Dia kaysa sa La luna siguro.” tiningnan na niya ang mga pindutan sa kanyang harapan. “Maghintay ka lang Zavier! Nandiyan na ako!”
Biglang nagkaroon ng malakas na pwersa mula sa Ashbell. Malakas nitong hinihigop ang ship na sinasakyan ng prinsesa.
“Ha?!” nataranta si Janella. “Anong nangyayari?! ANONG NANGYAYARI?!!!!” muli niyang niliko ang ship para lumayo sa pulo ng Ashbell ngunit hindi siya gaano nakakaalis.
“AAAAHHHHH!!!!” sigaw niya sa sobrang takot at taranta. Ginamit na niya ang full thrust. Paunti-unting nakakaalis ang ship ngunit mas lumalakas din ang paghigop nito.
“TIGILAN MO AKO!!!!” muli niyang niliko ang yoke at napasandal na siya sa kanyang upuan.
Nasisira na ang iba’t-ibang parte ng ship. Napapikit siya at pinipilit pa rin niya na makaalis mula dito. Ngunit paunti-unti nang humihina ang makina hanggang sa tuluyan na itong namatay.
“AAAAAAAHHHH!!!!!!!!!!!!!!!!” sigaw ni Janella habang siya ay tuluyan nang nahigop.
Nakahiga muli si Zavier sa kama habang ginagamot siya ng dalawang sundalo. Nakapikit lang siya.
“Kung ako sa inyo… umalis na ako dito…” mahinang wika ni Zavier.
Seryosong tinitingnan ni Jin ang braso ni Zavier habang minamasahe. Napansin niya na nagkukulay itim na ito. “Anong pakiramdam mo ngayon?” seryosong sumulyap ang kanyang mga mata sa kanya.
Nakapikit lang si Zavier at medyo nakakunot ang kanyang noo. Hindi siya sumagot.
Hawak-hawak naman ni Kim ang mga gamot. “Puro tubig. Iniinom ba ‘to lahat?”
“Hindi lahat siguro.” kinuha ni Jin ang isang gamot na ginamit niya mula sa mga kamay ni Kim. Nilagyan niya ang kanyang palad at minasahe naman ang isang braso ni Zavier.
“Apoy…” mahinang wika ni Zavier habang nakapikit.
Sumulyap lang ang mga mata ni Jin sa kanya habang patuloy pa rin niyang minamasahe ang braso nito.
“Hindi kami tatablan ng baril kahit na nakita ko ‘tong umusok kanina. Ang malakas na apoy o ang matinding init mula sa apoy ay ang aming kahinaan. Kahit na immortal kami, tanging apoy lang ang kayang magpatumba sa aming mga tubig…” marahan siyang dumilat at dahan-dahan din siyang tumingin kay Jin.
“A-Apoy?” natigilan si Jin sa kanyang ginagawa at napatingin siya kay Kim pagkatapos habang ganu’n rin si Kim sa kanya.
Lumabas ang isang spirit mula sa kubo ni Everestine. Nagulat siya nang makita niya ang ship na papabagsak mula sa kalangitan.
“Ha?! M-May papabagsak na ship!” madali siyang naging tubig at mabilis siyang gumapang patungo sa babagsakan nito.
Narinig ‘yun ng mga spirits sa loob. Mga lumabas na rin sila.
“Ano daw?! Isang ship?!” nagtaka si Everestine.
“Opo!” tumango si Raven at lumabas. Nakita nga niya ang ship na papabagsak. “Ship ni Zavier ‘yun ah! Ang Amadeyu Ship! Hindi siya papabagsak dito! Kundi sa Ashbell!”
Mabilis na pumunta si Arganoth sa kubo niya. “Zavier?!”
Narinig ng dalawang sundalo ang boses nito. Nataranta sila bigla.
Binuksan ni Arganoth ang pinto. “Zavier?!” nakita niya ang dalawang sundalo na nakatingin sa kanya. Nanliit ang kanyang mga mata habang nakatingin rin siya sa dalawa.
“Tiyo… h-huwag mo po silang saktan…” malumanay na umupo si Zavier. “A-Anong kailangan mo po sa ‘kin…?” seryoso siyang tumingin sa kanya.
“Nandito pala ang dalawang ‘to.” lumapit siya sa kanila.
Matapang na nakatingin si Jin sa kanyang mga mata.
“Tiyo…!”
Napatingin si Arganoth kay Zavier.
“B-Bakit ka naparito?”
Hindi muna sumagot si Arganoth. Masama na niya itong tiningnan. “Akala ko umalis ka dito. May nakita kasi kaming papabagsak na ship mula sa kalangitan. Naniniwala ako na ang Amadeyu Ship mo ‘yun. Ang masama pa, mukhang hindi pa dito babagsak, kundi sa Ashbell.”
Nagulat si Zavier at nagkaroon siya ng kutob na si Janella ang nasa loob dahil tanging siya lang naman ang may nakakaalam kung saan ito matatagpuan. “A-Ano…?!”
“Naisip mo kaagad ang mahal na prinsesa tama ba?” ngumisi si Arganoth. “Pero sa tingin ko, siya nga ‘yun.”
“H-Hindi pwede ‘to…!” nag-alala si Zavier. Tatayo siya sana nang bigla siyang pinigilan ni Jin.
Sumandal si Arganoth sa pader. “Anong plano mo na ngayon?” at humalukipkip.
Masama niyang tiningnan si Arganoth. “Pupunta ako sa Ashbell.”
Masama rin ang tingin nito sa kanya. “O sige, bahala ka! Pumunta ka kung gusto mo!” lumabas na muli siya at malakas niyang sinara ang pinto.
Naririnig ni Zavier ang usapan ng mga spirits sa labas.
“Bumagsak na ang ship! Sa Ashbell nga ang bagsak!”
“Sino naman kaya ang nasa loob?!”
“Hindi si Zavier ang nasa loob ng ship!” sigaw ni Arganoth. “Malamang si Princess Janella ‘yun! Sigurado ako na siya ang nasa loob ng ship!”
Kumunot ang noo ni Raven. “Ano?!” hindi siya makapaniwala.
“Maniwala ka sa ‘kin Raven. Siya ‘yun!” umalis na si Arganoth sa kanyang harapan at madali naman siyang pumunta kay Everestine pagkatapos.
Nagulat ang mga spirits sa narinig. “Ano?! Ibig sabihin nasa Ashbell siya?!”
Sinusundan lang ng tingin ni Raven si Arganoth na tumatakbo. “P-Paano…?!” hindi pa rin siya makapaniwala.
Lumabas si Everestine mula sa kanyang kubo. “Anong nangyayari?!”
“Nasa kabilang pulo si Princess Janella!” wika ni Arganoth.
Naguluhan si Everestine. “Ano?! Paanong mangyayari na makakarating siya dito sa Bhingelheim?!”
Napatingin ang lahat kay Arganoth.
“Hindi ako sigurado pero sigurado ako na si Zavier ang masisisi natin. Baka tinuruan niya ang prinsesa kung paano gumamit ng ship at iniwan rin niya kasi ang kanyang Amadeyu Ship sa Destiny World!”
“Hindi pwede ‘to! Dalian natin! Pumunta tayo sa Ashbell!!!”
Habang si Janella naman ay tumalon na bago pa bumagsak ang ship sa pulo. Bumagsak siya sa dagat at lumangoy papunta sa dalampasigan. Hindi siya kaagad nakabangon at panay ang ubo pagkatapos niyang makainom ng maraming tubig.
Nanibago siya dahil bago ang lahat sa kanyang paningin pati ang hanging nilalanghap niya ngayon ay mainit. Kinakabahan na may halong takot ang kanyang nararamdaman. Sinimulan na niyang maglakad habang nanginginig pa ang kanyang mga binti sa takot.
Napalunok siya habang pinagmamasdan ang kapaligiran. Nakita niya ang maliwanag na kalangitan. “N-Nasaan na ako? N-Nasa Ashbell na ba ako?”
Biglang gumalaw ang mga mahahabang damuhan mula sa kanyang gilid.
“S-Sino ka?!” napasandal ang prinsesa sa isang puno habang natatakot siyang nakatingin sa mahahabang damuhan.
Naglabas ito ng kulay gintong itlog.
Nagtaka siya habang nakatingin sa itlog. “A-Ano to? P-Para sa ‘kin?”
Makinis at kumikinang pa ang itlog. Naakit siya at dahan-dahan siyang lumapit dito. Mabilis niya itong kinuha at mabilis rin siyang lumayo pagkatapos. Tiningnan niya ang mahahabang damuhan. Hindi na ito muling gumalaw at muli niyang binalik ang kanyang tingin sa itlog.
“Ang ganda naman nito.”
Biglang may sumulpot na kakaibang itsura sa kanyang likuran at mabilis na tinakpan nito ang kanyang bibig at ilong.
“HHMMMM!!!!!” nabitiwan ni Janella ang itlog at pinaghahampas niya ang kamay nito. Ngunit hindi rin nagtagal ay mabilis siyang nakatulog.
“G-Gusto ko nang pumunta…!” hirap na wika ni Zavier. Tumayo siya nang hindi man lang niya inaalalayan ang kanyang sarili.
“Zavier!” mabilis na hinawakan ni Jin ang magkabilang braso nito para alalayan. “Dito ka lang! Kami na ang bahala! Kami na ang pupunta!”
“Ayoko…” umiling siya. “Kung pupunta kayo, pupunta rin ako!”
“Magagamit natin ang jet na nakaparada!” wika ni Kim habang siya ay nakasilip sa pinto. “Wala na sila! Mga umalis na!”
“Oo nga pala may jet nga pala dito! Tamang-tama!” wika ni Jin.
“Sasama ako.”
“Dito ka lang.” pinaupo ni Jin si Zavier sa kama.
“Pakiusap!” nagmakaawa na si Zavier sa kanya. “G-Gusto ko siyang makita! Gusto ko siyang iligtas!”
“Kami na ang bahala Zavier. Magpahinga ka na lang. Aalis na kami.” ningitian niya ito at lumabas na habang kasama si Kim.
Mabilis silang tumatakbo habang patungo sa jet. Hindi pa sila nakakasakay ay bigla nilang napansin na nagliwanag ng kulay asul ang loob ng kubo ni Arganoth na kung saan nando’n si Zavier. Ngunit hindi na nila naisipan pang bumalik dahil nagmamadali na rin sila.
Mga nakasakay na sa kani-kanilang ships ang mga La luna. Papalipad na sila.
Nakatingin lang si Arganoth sa mga ships na papalipad na. Nakahawak lang siya sa kanyang ship habang pinapanood silang lahat. Bigla siyang napakagat-labi nang bigla niyang maalala si Zavier. Nakaramdam siya ng pagsisisi habang iniisip ang masasakit na pinagsasabi niya sa kanya.
Habang si Zavier naman sa loob ng kubo, nagtataka siya dahil nagliliwanag ng kulay asul ang buong katawan niya. “A-Anong nangyayari…?” mahinang tanong niya. Pinagmamasdan lang niya ang kanyang mga braso na nagliliwanag.
“I hear you calling. I will be here, there’s nothing to fear.”
Nagulat siya nang marinig niya ang tinig ni Icarus. “Goddess Icarus…?”
“I will give you my whole strength. As you venture, I’ll be with you.”
Mas lumakas pa ang liwanag na halos wala nang makita si Zavier. Ngunit saglit lang ay paunti-unti nang nawawala ang liwanag sa kanyang katawan habang nawawala na rin ang boses ni Icarus na umaalingawngaw sa loob ng kubo.
Mabilis nang tumatakbo sa gubat si Arganoth habang pabalik sa nayon. Nag-aalala siya para kay Zavier at nakaramdam siya ng pagkatakot dahil alam niya na pupunta ito ng mag-isa sa Ashbell.
Nag-iba na ang pakiramdam ni Zavier. Lumakas na siya at naramdaman niya ang presensya ni Icarus mula sa loob ng kanyang katawan. Siya na ang nagsilbing lakas niya dahil ang tunay na lakas niya ay paunti-unti nang humihina. Pinakiramdaman niya muna ang kanyang sarili bago siya kumilos. Ilang minuto ang lumipas ay sinubukan na niyang tumayo. Napahawak siya sa pader dahil medyo nahihilo pa siya. Binuksan niya ang pinto at lumabas.
“Mag-antay ka lang princess, dadating na ako diyan.”
“Zavier!” sigaw ni Arganoth sa kanya.
Napahinto si Zavier at napatingin sa kanyang tiyo na papalapit sa kanya. “T-Tiyo?” nagulat siya.
Nasa pagmumukha ni Arganoth ang pagkagalak. Hinawakan niya ang magkabilang braso ng binata. Bigla siyang nawalan ng lakas ng loob na pabayaan ito na pumunta sa kabilang isla. “Zavier!” at niyakap. “Akala ko umalis ka na!”
Nagulat si Zavier sa ginawa ng kanyang tiyo. Napaatras pa siya sa lakas ng pwersa mula sa mahigpit at malakas na pagkakayakap sa kanya.
“Sa lahat ng mga sinabi ko sa ‘yo na alam kong nasaktan ka, akala ko kayang-kaya kitang pabayaan pero nagkamali ako! Pinagsisisihan ko na ngayon ang aking mga sinabi at nagawa! Patawarin mo sana ako anak!”
Napangiti ng kakaunti si Zavier at niyakap rin niya ito. Hinimas niya ang likuran nito. “Mapapatawad po kita tiyo. Mahal na mahal po kita.”
Napangiti rin si Arganoth. “S-Salamat anak. Mahal din kita.”
Bumitaw na si Zavier at tinitigan siya sa mga mata.
“Kakampi na ulit ako sa ‘yo Zavier…” napailing si Arganoth at buong puso siyang humihingi ng paumanhin. “Sana buong puso mo na akong pinapatawad.”
Ningitian lang siya ni Zavier at tinapik niya ang balikat nito. “Kalimutan na po natin ‘yun tiyo. Tapos na po ‘yun.”
Tumango si Arganoth. “Zavier, nandito ako para tulungan ka. Tutulungan kang makarating sa Ashbell. Dalian na natin at wala na tayong oras!”
Nagising na si Janella at bigla niyang naramdaman ang mainit na klima. Marahan siyang dumilat. Napansin niya na nakaupo pala siya sa isang upuan habang mga nakatali naman ang kanyang mga kamay.
“Ha?!” kinabahan siya. Napatingin siya sa kanyang paligid. Nakita niya ang isang misteryosong lalaki na nakatayo sa lilim ng puno.
“PAKAWALAN MO AKO!!!!” nagwala si Janella.
“It’s been a long time, Princess Janella.” lumapit siya.
“HINDI AKO SI JANELLA!”
Natawa siya ng marahan. “Huwag ka nang magsinungaling dahil kilalang-kilala kita.” umikot siya sa kanya.
“Tsk!” sinusundan lang ng tingin ni Janella ang misteryoso. “SINO KA NAMAN?!”
“Ako ang pinuno ng pulong ‘to. Heisworth nga pala ang aking pangalan.”
“IKAW ANG PUMATAY SIGURADO KAY JASPER!!!!”
Ngumisi siya. “Talaga?”
“ANG SASAMA N’YO!!!!”
“Paano mo naman nasabi na ako ang pumatay sa kanya?”
“ALAM KO ANG BUONG KATOTOHANAN HEISWORTH!!!! HUWAG KA NANG MAGKUWARI PA NA PARANG WALA KANG GINAWANG MASAMA!!!!!”
Muling natawa si Heisworth at huminto siya sa kanyang harapan. “Sige na… sige na. Totoo nga na ako at ang aking mga kasamahan ang pumatay sa ‘yong kabalyero princess.”
Masama ang pagkakatitig ni Janella sa kanya.
“Gusto mo ba siyang makita?”
“Baliw ka ba?! Patay na siya! Hindi ko na siya makikita pa!”
Ngumisi si Heisworth at pumalakpak ng isa.
Lumabas mula sa mahahabang damuhan ang dalawang spirits habang dala-dala nila ang isang mahabang kahoy.
Nanlaki ang mata ni Janella nang makita niya ang mga buto ni Jasper na nakatali sa mahabang kahoy. Naalala niya bigla ang masama niyang panaginip tungkol sa pagkamatay ni Jasper. Naiyak siya bigla.
“NAKAKAINIS KAAAYYOOO!!!!!!!!!!!!” yumuko siya habang umiiyak.
“Bwahahaha!” tawa ni Heisworth. Umikot muli siya kay Janella. “Gusto mo rin bang mangyari din ‘to sa ‘yo princess?”
Galit ang pagmumukha ni Janella habang siya ay umiiyak. Pumikit siya.
“Bigla akong napaisip sa kasunduan namin ni Everestine. Naisip ko na matagal na pala niya akong niloloko dahil hindi niya pala sinunod ang usapan namin. Ngayon ko lang din nalaman na may masama na pala silang binabalak sa mundo n’yo. Hindi mo ba alam na nakaramdam nga ako ng awa sa inyo matapos niya akong pakiusapan na huwag na kayong sakupin? Hindi ko rin nalimutan na inalay niya pa ang isa nilang kasama sa amin kaya nakita ko na may pakialam talaga siya sa inyo. Pero hindi pala ganu’n ang ibig sabihin niya… iba pala ang intensyon niya.”
Nakayuko pa rin si Janella habang umiiyak.
“Pero sa totoo lang, hindi naman namin ganu’ng kailangang sakupin ang mundo n’yo, princess. Ang bato lang talaga na alam namin na nasa iyong nanay ang kailangan namin… Pero alam ko naman na hindi naman namin kaagad-agad makukuha ang batong ‘yun sa inyo dahil alam kong napakahalaga rin ng Gulletein Stone sa inyo. Hindi mo ba alam na ayaw ni Everestine na magkaroon ng giyera sa pagitan ng mundo natin? Kaya nga nang dahil sa kanya kaya kami tumigil. Pero nang malaman ko na nasira na rin pala ang pinagkasunduan naming, biglang nagbago ang aking isip.”
Nagulat at napatingin si Janella sa kanya. Nakaramdam siya ng kaba.
“Tutal nabalewala na rin pala ang lahat ng pinagkasunduan namin, napagdesisyunan ko na ibalik muli ang masama naming binabalak tungo sa bato ninyo. At hindi lang para do’n, kundi pati na rin sakupin ang mundo ninyo. At ngayon… nandito ka na sa aking harapan mahal na prinsesa, bibigyan pa kita ng kahit kakaunting oras para mabuhay.” tiningnan niya ang mga buto ni Jasper. “At makita’t makapiling pa ang mga buto ni Jasper.”
“HINDEEE!!!!”
Biglang bumangga ang missile kay Heisworth at dinala siya sa malayo. Bigla itong sumabog, nagkaroon ng malakas na hangin pagkatapos.
Tumalsik si Janella kahit ang dalawang spirits na nakahawak sa mahabang kahoy ni Jasper. Naghiwalay silang tatlo.
“WE SHOT HIM!” masayang wika ni Kim habang kasama niya sa loob si Jin sa jet. “Sana hindi napahamak ang ating prinsesa sa missile!”
“Kailangan na nating kunin ang prinsesa!” wika ni Jin habang siya ay nagmamaneho. Mabilis lang na lumilipad ang kanilang jet sa himpapawid. Napansin nila na may mga iilang jets na lumilipad sa malayo.
Napatingin si Kim sa mga jets. “Teka, sila Ginoong Lucius ‘yun! Patungo sila sa kabilang isla!”
Seryoso lang si Jin at niliko niya ang jet para ikutin muli ang pulo. “Dalian mo at sabihin mo sa kanila na ang prinsesa ay nandito!”
Nanlaki ang mga mata ni Lucius nang makita niya na may makakasalubong silang mga ships na papunta sa Ashbell. Naglabas siya ng mga missiles para pabagsakin sila kaagad.
Mabilis lang na umiwas ang mga ships at sumabog sa hangin ang mga missiles. Hindi nila pinapansin ang mga jets.
“Hindi nila tayo pinapansin!” wika ng isang piloto.
“Saan ba sila pupunta?!” lumingon-lingon si Lucius.
Biglang nagka-static ang mga speakers nila.
“Nandito sa kabilang pulo si Princess Janella!” wika ni Kim.
Malayo ang pinagbagsakan ni Janella mula sa malakas na hangin na nagpatalsik sa kanya. Ngunit nakatali pa rin siya sa upuan. “A-Aray kooo!!!!” napapikit siya sa sobrang sakit. “A-Aray! Napilayan pa yata ako!!!!”
Biglang dumating si Zavier sa kanya. Lumuhod siya at mabilis niyang tinanggal ang tali sa mga kamay ng prinsesa. “Halika na princess!” inabot niya ang kanyang kamay sa kanya.
Nanlaki ang mata ni Janella nang makita niya si Zavier. Hindi niya ito inaasahan na dadating pala ang binata sa kanya. “ZAVIER!” bigla siyang naluha sa tuwa. Mabilis at mahigpit niya itong niyakap.
Ganu’n rin si Zavier at medyo naluha rin siya sa pagkagalak. Napapikit pa siya habang hinihimas ang likuran ng ulo ng prinsesa. “Ligtas ka na princess… ligtas ka na.” mahinang wika niya.
Hindi kaagad makapagsalita si Janella dahil sobra pa siyang gulat habang sobra-sobra din siyang umiiyak sa dibdib niya.
Bumitaw na si Zavier sa kanya at madaling hinawakan ang magkabilang pisngi ng prinsesa. “Kailangan na nating umalis dito ngayon! Kumapit ka sa ‘kin dahil aakyat tayo sa mataas na puno!”
Humihikbi lang si Janella habang nakatingin sa kanyang mga mata. “Zavier… masyado akong nag-alala sa ‘yo! Pupuntahan pa lang sana kita do’n sa Mharius e!”
Natigilan at napangiti si Zavier. “Nandito na ako ngayon princess. Wala ka nang dapat na ipag-alala dahil magkasama na ulit tayo ngayon.” mahinahong wika niya habang nakangiti.
Napangiti rin siya nang makita niyang ngumiti si Zavier. Natawa siya ng kakaunti at muli niya itong niyakap.
“Higpitan mo ang pagkapit mo sa ‘kin para hindi ka mahulog. Aalis na tayo!” binuhat na niya ang prinsesa.
Mahigpit lang na nakayakap at nakakapit si Janella sa kanya. Sinimulan nang tumakbo ni Zavier ng mabilis habang patungo sa mataas puno.
Kina Jin at Kim naman, mga paikot-ikot lang sila sa himpapawid habang pinagbabaril nila ang mga Dia sa pulo.
Biglang napansin ni Kim ang kanyang gilid na may papalapit sa kanila na malaking batong nag-aapoy.
“LIKOOO!!!!” sigaw niya.
Napansin rin ‘yun ni Jin. Hindi siya lumiko at mabilis siya nag-full thrust.
Bumilis ang jet. Lumagpas ang malaking bato ngunit parang itong missile at sumusunod pa rin ito sa kanila. May panibagong bato na naman na papalapit sa kanila.
Nakatayo lang si Heisworth habang pinapanood ang jet.. “SIGE PA!”
Muling nagbuhat ang mga higanteng spirits at malakas nila itong hinagis sa itaas. “RRAAAWWRRR!!!!”
Seryoso lang na nakatingin si Heisworth sa mga bato habang kinokontrol niya ang mga ito. “Hanapin n’yo ang prinsesa! Huwag n’yo siyang hayaang makatakas!”
Kumilos na ang ibang spirits para hanapin si Janella.
Nasa ibabaw na ng makapal na puno sina Janella at Zavier.
“Zavier! May balak na rin ang mga Dia na sakupin kami!”
“A-Ano?!” nagulat siya.
Biglang bumaba ang ship ni Arganoth mula sa kanilang harapan. Bumukas na ang pinto. “Pumasok na kayo!!!”
Pinapasok at inalalayan na ni Zavier si Janella na makapasok ng maayos sa ship. Nakita niya bigla ang mga ships at ang mga jets na paparating sa pulo.
Nakapasok na si Janella sa loob ng ship. “Zavier!” hinawakan niya ang kamay nito at hinila. “Pumasok ka na!”
Napatingin siya sa kanya. “Hindi princess! Kailangan ko munang patayin si Heisworth!”
Nagulat si Janella sa kanyang sinabi. “Pumasok ka na Zavier!”
Napansin rin ni Arganoth ang mga ships at jets na paparating na. “Kailangan na nating umalis!”
“Kailangan ko siyang patayin princess! Para sa ‘yo rin ‘to! Sa kaligtasan n’yo! Sumama ka muna kay tiyo! Babalik ako!” sigaw ni Zavier habang nasa kanyang pagmumukha ang pag-aalala.
Mahigpit ang pagkakahawak ni Janella sa kamay ni Zavier. Napaiyak siya habang naaalala niya na halos hindi na sila magkita. “Zavier!” malungkot na ang pagkakatitig niya sa kanya. “Natatakot ako!”
“Princess!” napailing siya. “Huwag kang matakot! Si tiyo ay nandiyan para sa ‘yo!”
Napailing siya habang lumuluha. “Natatakot ako dahil alam kong napakadelikado ng pulo na ‘to sa ‘yo! Natatakot ako na baka kung ano ang mangyari sa ‘yo dito!”
Nanlaki ang mga mata ni Zavier nang marinig niya ang sinabi ni Janella.
“Princess…” napatingin si Arganoth sa luhaang prinsesa at naramdaman niya na sobra itong nag-aalala sa binata.
Patuloy lang na lumuluha si Janella. “At baka maulit muli sa ‘yo ang pangyayaring napakasakit na katulad ng ginawa ni Lucius sa ‘yo! Pakiusap! Sumama ka na sa amin! AYOKO NANG MAULIT PA ‘YUN SA ‘YO!!!!”
Biglang bumagsak ang malaking bato na malapit sa kanila. Nagkaroon muli ng malakas na hangin. Nabitiwan ni Janella ang kamay ni Zavier.
Wala nang makita si Janella kundi puro usok. “ZAVIIIEEEERRR!!!!!!” sigaw niya habang papalayo na ang ship sa puno.
Hindi na nag-isip pa ang prinsesa at naisip pa niyang tumalon para puntahan si Zavier ngunit mabilis siyang hinawakan ni Arganoth sa kamay bago pa siya nakatalon.
Bumaba na ang ramp ng military cargo jet at naglabasan na ang mga servants. Kinalaban na nila ang mga Dia habang paalis naman muli ang cargo jet para bumalik sa Destiny World.
Sumama na si Serah kahit na alam niyang hindi siya marunong makipaglaban. Pero para lang sa prinsesa, gagawin niya ang makakaya niya.
Ngunit sa ngayon ay hirap na hirap na siya sa kalaban niyang Dia. Napapaatras siya habang tumitira dahil nakatayo’t umaabante naman ang Dia sa kanya. Sinasangga lang niya ang kanyang braso sa bawat tira ni Serah sa kanya habang kitang-kita rin sa kanyang pagmumukha na parang balewala lang ito sa kanya.
“BUWISIT!!!!” mabilis na sinaksak ni Serah ang tiyan ng kalaban.
Nagulat ang kalaban. Hindi niya inasahan ang tira niyang ‘yun. Kinuha niya ang espada mula sa kanyang tiyan.
Nagulat si Serah at akala niya ay tapos na ang kanilang laban. Napaatras siya.
Ngumisi lang ang kalaban sa kanya. Umaabante lang siya habang masama siyang nakatingin sa kanya.
Nagtangkang tumakas si Serah ngunit mabilis din ang kalaban. Sinaksak niya ang dalaga ngunit nagulat siya nang biglang naputol at tumalsik ang espada na kanyang hawak-hawak. Nakita niya na nababalot ng makapal na yelo ang dalaga.
Biglang nilamig si Serah habang siya ay nasa loob ng yelo. Pinagmasdan niya ang yelo habang siya ay nanginginig sa takot.
Mabilis na naging tubig ang yelo.
Napaatras ang kalaban nang makita niya ang tubig. “I-Isang La luna Spirit?!”
Naging tao si Zavier at mabilis niya itong tinira sa pamamagitan ng paglabas ng maraming tubig sa kanyang palad.
Natamaan at tumalsik ang kalaban. “AAAAHHHHH!!!!!!!!”
Habang nasa hangin pa siya. Mabilis na kinuha na ni Zavier ang espadang putol sa lupa. Mabilis siyang tumakbo patungo sa kalaban habang ang putol na patalim ng espada ay napalitan na ng matulis at matalas na yelo. Sinaksak niya ito sa dibdib ng Dia at sinipa papalayo.
Bumagsak at gumulong-gulong pa sa lupa ang kalaban. Nagwawala siya habang pinipilit niyang ialis ang espadang nakasaksak sa kanyang dibdib ngunit mabilis na siyang nagiging bato. “AARGGHHH!!!! HINDI PWEDE ‘TO!!!!!!!!” sigaw niya.
“Sumama ka sa ‘kin!” mabilis na hinawakan ni Zavier ang kamay ni Serah at tumakbo. “Wala na si Princess Janella dito! Huwag kayong mag-alala, ligtas na siya!”
Hindi makapaniwala si Serah na ililigtas siya ng hindi niya kilala. “S-Sino ka?!”
Napangiti si Heisworth habang pinagmamasdan niya sa kalangitan ang mga ships. “Mga duwag talaga! MGA HINDI KAYO BUMABA DITO!!!! MAGLABAN TAYO NG HARAPAN!!!!”
Nakikita ni Everestine si Heisworth. “Wala akong oras para makipaglaro Heisworth.” lumilipad lang siya sa himpapawid. Hindi sila makababa dahil sa mainit ang klima.
“BUMABA KAYO DITOOO!!!!” sigaw ni Heisworth.
Biglang nagka-static ang speaker ni Everestine. “Ginoong Everestine, hindi po namin makita ang prinsesa!” wika ni Raven.
Kumunot ang kanyang noo at muling inikot ang pulo. “Hindi pwedeng hindi n’yo siya makikita! Alam kong nandito lang siya!!!!”
Iikutin rin ulit sana ni Raven ang pulo nang bigla naman niyang napansin ang isang ship na nasa malayo na mukhang patungo sa Mharius. Nagtaka siya at madali niya itong sinundan.
“N-Nasaan na tayo?” pag-aalalang tanong ni Janella kay Arganoth.
“Aalis lang tayo sa teritoryo nila, Your Highness. Dapat hindi nila tayo mapansin para hindi nila tayo masundan! Aalis din tayo dito pagkatapos!”
“PABAGSAKIN SILA!!!!” tinuro ni Heisworth ang mga ships.
“RAAAWWWWRRR!!!!” sigaw ng mga higanteng spirits. Muli silang nagbuhat ng mga malalaking bato at malakas nila itong hinagis.
Natamaan at sumabog ang ibang jets.
Pumokus si Heisworth sa ship ni Everestine at balak niya itong pabagsakin sa lahat.
Patuloy pa rin sa paglipad sina Jin at Kim sa himpapawid.
Napatingin si Jin sa isang puno nang mapansin niya na may tao dito at mukhang humihingi ito ng tulong sa kanila.
“Sino ‘yun Kim?” tinuro ito ni Jin.
Napatingin si Kim dito. “Si Serah po ‘yan! Isang servant!”
“TULONG!!!!!!!” winawagayway lang ni Serah ang kanyang mga kamay sa hangin.
Habang sa ibang servants naman.
“YAAAHHH!!!!” pinagbabaril ni Clayden ang isang higante.
Tumakbo ang higante sa kanya. Yumayanig ang lupa sa bawat apak niya.
“AAAAHHHH!!!” mabilis siyang umiwas.
Natamaan ng higante ang maatas na bato. Nag-crack ito.
Napaupo si Clayden sa malayo habang hinihingal. Tiningnan niya ang bato at pinakiramdaman niya kung babagsak ito. Bigla rin niyang napansin sina Gweine sa ibaba nito.
“Aahhh~! Yah~! Yaahh~!” sigaw ni Gweine habang kinakalaban ang matapang na Dia sa espadahan. “Akala mo matatalo mo ako~?! Hindi ‘no~! Hayaaahhh~!”
Sumasangga lang ang kalaban sa bawat tira ni Gweine sa kanya. Pinapapagod lang niya ito.
“GWEINE!!!! UMIWAS KA NA!!!!” sigaw ni Clayden.
Nabali na ang mataas na bato. Papabagsak na ito sa kanila.
“GWEEEIINNNEEE!!!!!”
Nagulat si Gweine at bigla niyang napansin ang papabagsak na bato sa kanila. “Oh, no~!”
Mabilis na tumakbo si Julius. “ANO PANG INAANTAY MO?! UMIWAS KA NAAAA!!!!!!” madali niya itong tinulak.
Natulak si Gweine. “AAAHHHH!!!!” bumagsak siya sa malayo.
Sinangga ni Clayden ang kanyang braso sa buong mukha niya nang bumagsak na ang bato. Biglang umusok.
Nasa pagmumukha ni Gweine ang pag-aalala. “Julius!” tumayo siya at madaling pinuntahan ang malaking bato. “Nasaan ka~?! Julius~!” napatutop siya sa kanyang dibdib.
“Uhoh!” ubo ni Julius. “N-Nandito ako!”
Napapaubo rin si Gweine sa usok. “Uhoh! Uhoh! Uhoh! Ang usok naman~!” biglang may humawak sa kanyang paa. “AAHHHH!!!!” mabilis niya itong pinag-aapak.
Nakahawak pa rin si Julius sa kanyang paa. “AKO ‘TO! TUMINGIN KA SA IBABA!”
Inalis ni Gweine ang mga usok. “JULIUS!” madali siyang lumuhod at nakita na niya ito. “AKALA KO KUNG SINO NA ANG HUMAWAK SA MAGANDA KONG PAA!”
“Suntukin kaya kita gusto mo?! Nang dahil sa ‘yo! Kung ano na tuloy ang nangyari sa ‘kin! Ang bagal mo kasi!”
“Julius! Ang sweet mo talaga!” hinawakan niya ang mga kamay nito.
“UMALIS KA NA GWEINE! PUNTAHAN MO NA SI CLAYDEN DAHIL KAILANGAN RIN NIYA NG TULONG!”
“Paano ikaw?!”
“Nakikita mo naman di ba?! Naipit na ang isa kong paa! Hindi na ako makakaalis pa dito!”
Nanlaki ang mata ni Gweine. “A-Akala ko nagpapahinga ka lang kaya ka nakadapa!”
“MANAHIMIK KA NA AT PUNTAHAN MO NA SIYA! DALIAN MO!”
“I CAN’T~!” mahigpit niyang hinawakan ang kamay nito. Umiyak pa siya kunwari. “I CAN’T GO ON WITHOUT YOU~!”
“SHUT UP!!! DAALIIIAAANN MOOO NAAAA!!!!!” sigaw ni Julius.
Mabilis na iniiwas ni Everestine ang mga malalaking bato ngunit nahihirapan na din siya habang tumatagal. “BUWISIT! TIGILAN MO NA AKO HEISWORTH!” pinaikot niya ang ship para iwasan ang mga bato.
“BWAHAHAHAHA!!!!” tawa ni Heisworth. “MAHINA KA TALAGA!!!! SUMUKO KA NA LANG EVERESTINE!!!!”
Biglang sumabog ang missile kina Heisworth. Tumalsik siya pati ang mga kasama niyang Dia.
“KAINIS! NASAAN NA SI JANELLA?!” naiinis na si Lucius. Naglabas muli siya ng mga missiles.
Biglang nagka-static muli ang speaker niya. “Ginoong Lucius, wala na po si Janella dito! Ligtas na daw po siya!” wika ni Serah.
“Ano?! Sigurado ka ba?!”
“Opo! May nagligtas po sa ‘king La luna at siya po ang nagsabi na ligtas na daw po siya!”
“Sigurado ako na si Zavier ‘yun!” wika ni Jin.
Napatingin si Kim sa kanya. “Si Zavier? Pero hindi na niya kayang pumunta pa dito dahil sobra na nga po siyang nanghihina ngayon, chief!”
“Wala na kasing iba pang gustong magligtas sa ating prinsesa na La luna kundi siya lang. Kaya siguradong-sigurado ako na siya ‘yun Kim.”
Nagulat si Lucius at hindi siya makapaniwala na buhay pa rin si Zavier hanggang ngayon. Kumunot ang kanyang noo. “Sabihin mo sa ‘kin kung nasaan na si Janella ngayon!”
“H-Hindi ko po alam! Hindi niya sinabi!” sagot naman ni Serah.
“Tsk!” inis na wika ni Everestine habang hinahanap pa rin si Janella sa pulong Ashbell. Hanggang ngayon ay wala pa rin siyang kaalam-alam na wala na si Janella dito. Napasigaw na siya sa sobrang inis. “PRINCESS JANELLLAAA!!!!!!!!!”
Tumayo na si Heisworth at muling kinontrol ang mga bato sa himpapawid. Masama niyang tiningnan ang mga ships at jets. “KAHIT ANONG GAWIN N’YO!!!!! HINDING-HINDI N’YO KAMI MAPAPATUMBA!!!!!!!!!!”
“AAAAAAAAAHHHHH!!!!!!!!!!!!” malakas na tinulak ito ni Zavier.
“AAAAAARRGGGHHH!!!!!!” tumalsik na naman siya. Pinilit niya pang labanan ang pwersa. Mabilis niyang inapakan ang lupa.
Mataas na tumalon si Zavier at hinabol ito. Malakas niya itong sinipa papalayo.
Tumalsik muli siya at bumagsak na siya sa tabi ng dagat. Hindi siya kaagad makatayo.
Tumayo si Zavier sa kanyang harapan.
Hindi kaagad nakatayo si Heisworth habang mariin lang siyang nakapikit sa buhanginan. Dahan-dahan siyang dumilat para tingnan ng mataimtim ang buong katawan ni Zavier. Nakita niya na nagliliwanag ng kulay asul ang buong katawan nito. Nakita rin niya mula sa mga daliri nito ang tumutulong maiitim na tubig na nagmumula sa kanyang braso. Ngumisi siya nang mahalata niya na nalulusaw na pala ang binata sa init ng klima.
“Hindi ko inaasahan ang ganu’ng lakas sa isang katulad mo.” natawa siya. “Ibang klase.”
Seryoso lang na nakatingin sa kanya ang umiilaw na mga mata ni Zavier.
“PERO HINDING-HINDI MO AKO MATATALO!” mabilis siyang nawala at sumulpot na lang ito bigla sa kanyang harapan.
Nabigla si Zavier. Napapikit siya at mabilis niyang sinangga ang kanyang mga braso. “ARGH!”
Nakangisi lang si Heisworth habang pinipilit niya na ipasok ang apoy niyang kamay sa dibdib nito.
Naramdaman ni Zavier ang sobrang mainit na katawan ni Heisworth. Lalo siyang nalulusaw. Marahan siyang dumilat at nakita niya ang kulay kahel na mga mata nito habang nag-aapoy na rin ang buong katawan nito.
“BWAHAHAHAHA!!!!!!! LUSAW NA LUSAW KA NA!!!!!! SUMUKO KA NA RIN PARA HINDI KA NA MAHIRAPAN PA!!!!!!!!”
“AAAAAAAAAHHHHHHHHH!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!” ginalit ni Zavier ang kanyang sarili. Lumabas mula sa kanyang katawan ang pira-pirasong liwanag at mabilis itong pumunta sa ilalim ng dagat.
“A-Ano ‘yun?!” nagtaka sina Jin at Kim nang makita nila ang mga pira-pirasong liwanag na pumunta sa dagat.
Nakita ni Serah si Zavier. “Ayun siya! Siya ang nagligtas sa akin!”
“Zavier!” napangiti si Jin nang makita niya ang binata.
Napanganga si Kim nang makita niyang nakikipaglaban si Zavier sa dalampasigan. “Anong ginawa niya at paano siya nakarating dito?!”
Nanlaki ang mga mata ni Heisworth nang makita niya na pumunta sa dagat ang pira-pirasong liwanag. Nagkaroon siya ng kutob na hindi maganda ang mangyayari.
Lumabas mula sa dagat ang mga espadang tubig.
Malakas nang tinulak at sinipa ni Zavier si Heisworth habang pasalubong naman ang mga espadang tubig sa kanya. Ngunit mabilis namang nawala ang kalaban.
Nagulat si Zavier. Tumalon siya ng mataas para hanapin ito ngunit sa kanyang pagtalon, bigla na siyang sinaksak mula sa kanyang likuran. Napangiti si Heisworth habang nakasaksak ang espada niyang apoy sa kanyang tiyan.
“?!” nanlaki ang mga mata ni Zavier.
Ngunit wala ring kaalam-alam si Heisworth na susugurin pa rin pala siya ng mga espadang tubig. Pinagsasaksak na siya sa iba’t-ibang parte ng kanyang katawan.
“AAAAAAAAAHHHHHHHHHHH!!!!!!!!!!!!!!!!!!” nasaktan siya.
“ANONG NANGYAYARI?!” nagulat si Everestine nang makita niya na nagwawala na sa hangin si Heisworth ngunit mas nagulat siya nang makita niya si Zavier. “SI ZAVIER?! ANONG GINAGAWA NIYA DITO?! AKALA KO PATAY NA SIYA?!”
Biglang nagka-static ang kanyang speaker. “Ginoong Everestine! Wala na rito ang prinsesa! Nasa kabilang pulo siya! Kasama niya si Arganoth sa ship! Hinahabol na nga po ni Raven sila!” wika ng isang La luna.
Bumaba si Zavier sa pampang. Napaluhod siya at hiningal. Hinawakan niya kaagad ang kanyang tiyan. Nagulat siya nang makita niya na nababalot ng itim na tubig ang kanyang kamay.
“AAAAAAAAHHHHHHHHHH!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!” mas lumiwanag si Heisworth. “HUMANDA KA SA ‘KIN!!!!!!!!!” bigla siyang nawala at tumungo sa makakapal na mga ulap.
Hinanap ni Zavier si Heisworth sa kalangitan. Tatayo na sana siya nang bigla na naman siyang napaubo.
Biglang umitim ang mga ulap.
“Yari.” nanlaki ang mga mata ng mga La luna nang makita nila na nagdidilim na ang buong kalangitan.
“UMALIS NA TAYOOOO!!!!!!!” sigaw ni Everestine at madali siyang umalis sa pulo.
Mabilis ring lumayo ang mga ships.
“TIKMAN MO ‘TOOO!!!!!” sigaw ni Heisworth mula sa kalangitan. Biglang bumagsak ang mga malalaking kometa na nag-aapoy.
Pinilit ni Zavier na tumayo habang hawak-hawak ang kanyang tiyan. Lumabas mula sa kanyang likuran si Icarus. Kumumpas sa hangin ang magkabilang kamay ng diyosa at biglang nagkaroon ng malaking alon sa dagat.
Nagsabay ang pagbagsak ng mga kometa at ang pagtama ng malaking alon sa pulo.
“Anong nangyayari?!” mataas na tonong tanong ng mga piloto.
“IWAS!!!!” nag-full thrust na si Lucius para makaiwas.
Mga natamaan ng kometa ang ibang jets. Kakaunti na lang silang natitira.
“AAAAAAAAAHHHHHHHH!!!!!!!!!!!!!!!!” sigaw ng mga servants habang nagtatakbuhan.
Bigla nang yumanig ang lupain at nagkaroon na rin ito ng mga cracks. Mga nasisira na rin ang mga malalaking bato sa kanilang paligid.
“PAANO NA SI JULIUS~?!” pag-aalalang tanong ni Gweine kay Clayden habang tumatakbo.
“H-HINDI KO ALAM GWEINE! HINDI KO NA ALAM ANG DAPAT NATING GAWIN!” sigaw ni Clayden habang patuloy pa ring tumatakbo. Tarantang-taranta na siya.
“HINDI AKO PAPAYAG NA IIWANAN LANG NATIN SIYA DO’N CLAYDEN~! KAILANGAN NIYA NG TULONG NATIN~!”
Habang si Baron naman ay muntikan pang mahulog sa bangin dahil bigla na lang nasira ang lupa na tinatakbuhan niya. Mabuti na lang ay nakuha pa ni Jonathan ang kanyang kamay.
“BITIWAN MO NA AKO JOTH! WALA NANG ORAS PA! UMALIS KA NA!”
Napansin ni Jonathan ang mataas na alon na papalapit sa kanila. Hindi pa rin siya sumusuko habang pinipilit pa rin niyang hilahin ang kanyang kamay. “ANONG PINAGSASABI MO?! HINDI AKO AALIS DITO!!!!!!” ginawa na niya ang best niya sa paghila. “UUGGHH!!! COME ON!!!!”
“HUWAG MO NA AKONG INTINDIHIN JOTH!!!! UMALIS KA NA!!!! SAVE YOURSELF FOR ME!!!!” pinilit nang ialis ni Baron ang kamay ni Jonathan sa kanya. Nahulog na siya nang mabitiwan na niya nito.
“BAAARRRROOOOOOON!!!!!!!!!!!!!!!!!” napatingin siya sa bangin.
Nasa madilim na si Baron at hindi na niya ito nakikita pa. “HINDE!!!!! BAAARRRRROOONNNNN!!!!!!!!!!!!!!!” naiyak siya bigla. Napalingon siya pagkatapos. “?!” nagulat siya nang makita niya na sasalubungin na siya ng tubig.
Bumaba mula sa itaas ang isang Water Dragon at mabilis siyang sinagip.
Mahigpit na kumapit si Jonathan sa buhok nito. “WAAAHHHH!!!!” bigla siyang nalula habang mabilis na bumababa ang dragon sa bangin.
“JONATHAN!!!!!” masayang wika ng mga servants na nakakapit rin sa buhok nito.
“UUUYYY!!!!!!!” napangiti si Jonathan at nakaramdam siya ng saya nang makita niya ang kanyang mga kaibigan.
“KUMPLETO NA TAYO! SI BARON AT SI SERAH NA LANG!!!!!!”
Nakita ni Jonathan si Baron. “Baron!” mabilis niyang hinawakan ang kamay nito.
Nakapikit pa si Baron habang nahuhulog ngunit dumilat siya nang maramdaman niya na may humawak na lang bigla sa kanyang kamay. Hindi siya makapaniwala na nakikita niya sa kanyang paningin si Jonathan. “W-Wah! I’m still alive!!!!!” napangiti siya. Mahigpit niyang hinawakan ang kamay nito.
“LIGTAS NA TAYO!” hinila ni Jonathan ang kanyang kamay at pinakapit niya ito sa buhok ng dragon.
Bumwelo muna ang dragon bago siya lumipad sa itaas.
Nanlaki ang kanilang mga mata ng makita nila na papabagsak naman sa kanila ang tubig ng alon.
Mas binilisan pa ng dragon ang kanyang paglipad at sasalubungin niya ang tubig.
“AAAAAAAAAHHHHHHHHH!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!” sigaw nilang lahat at sabay-sabay rin silang pumikit.
Saglit lang at mabilis naman na nakaahon ang dragon. “RRRAAAAAAWWWWWWRRRRR!!!!!!!!” sigaw niya at lumipad na siya sa himpapawid habang patungo na sa Mharius.
Nakita ng mga servants ang mga ships at jets sa kanilang harapan na papunta na rin sa kabilang pulo.
Napatingin sa likuran si Julius at tiningnan ang Ashbell. Natakpan na ito ng tubig habang patuloy pa ring naglalaglagan ang mga kometa.