Hindi makaalis si Arganoth sa mundong Bhingelheim para ibalik si Janella sa Destiny World dahil hinahabol pa rin sila ni Raven. Biglang nagka-static ang speaker niya.
“TAKSIL KA TALAGA!!!!!!!!!” galit na galit si Raven. “NANDIYAN ANG PRINSESA!!!!!!! SIGURADO AKO!!!!!! ILABAS MO NA SIYA DIYAN!!!!!!!!”
Naka-focus lang si Arganoth sa dapat niyang gawin habang hindi niya pinapakinggan ang sinasabi ni Raven sa kanya. Pinaikot niya ang ship at mabilis na tumungo sa ibang direksyon.
“RRRRRRRRAAAAAWWWWWWRRRRRRR!!!!!!!!!!!!!!” sigaw muli ng Water Dragon. Mabilis siyang lumilipad at nauunahan na niya ang ibang jets at ships.
Nagulat si Lucius nang makita niya ang dragon. Titirahin niya sana ito ng missile ngunit nakita niya ang mga servants nang nakangiti at mukhang mga nae-enjoy pa. “What the?!”
“Ang mga kaibigan ko!” napangiti si Serah.
“Si Zavier nga pala?! Nasaan?!” nag-alala si Jin. Napatingin siya kay Kim.
Natulala na si Kim habang nakatingin sa dragon. “B-Baka siya na po ‘yan.” tinuro niya ang dragon.
Habang sa Ashbell naman, biglang nagliwanag ang kalangitan habang lumalayo ang mga makakapal na ulap sa liwanag. Biglang nagpakita na ang araw at mabilis na natuyo ang tubig sa pulo.
Kahit isang Dia ay walang nakaligtas. Lahat sila ay naging mga bato at patay. Mas lumiwanag pa ang kalangitan at sinabayan na rin nito ang pag-ulan ng mga apoy na may kasamang Folant Potion na may kayang magpabuhay sa kanila. Nagsipuntahan na ang mga apoy sa katawan ng mga patay na Dia at sila ay mga nagsibuhay muli pagkatapos.
Ang Folant Potion rin ang magbibigay sa kanila ng lakas kaya mga nag-apoy na bigla ang kanilang mga katawan.
“SUUUGUUURRRIIIINNNNNN!!!!!!!!!!” biglang lumabas mula sa kalangitan ang Fire Dragon at lumipad na patungo sa Mharius.
Mabilis na inayos ng mga Dia ang mga barkong nasira. Sumakay na sila pagkatapos at tumungo na rin sa kabilang isla.
Mga nasa Mharius na ang mga jets, ships at ang Water Dragon. Pinagbabangga lang ng dragong ito ang mga ships para ilayo sila sa ship ni Arganoth. Ngunit tuloy-tuloy namang pinagbabaril ni Lucius ang ship ni Arganoth nang makita niya si Janella sa loob.
Nag-ingay na ng warning sounds ang loob ng ship. “Warning! Warning! Your ship is going to crash! Warning! Warning!”
“AAAAAAAAAHHHHHHHH!!!!!!!!!!!!!!” sigaw ni Janella sa loob. “ANONG GAGAWIN NA NATIN?!!!!!!!!”
“LUMABAS NA TAYO!” binuksan ni Arganoth ang pinto ni Janella. Niyakap niya ang prinsesa at sabay silang lumabas sa ship.
Ilang segundo lang at malakas nang sumabog ang ship sa malayo.
“AAAAAAAAAAAAHHHHHHHHHHHHH!!!!!!!!!!!!!!!!!” sigaw ng prinsesa habang silang dalawa ni Arganoth ay papabagsak. Mabuti na lang ay mabilis silang sinalo ng dragon.
“SINO BA ANG WATER DRAGON NA ‘YAN?!!!!!!” galit na galit na si Everestine. “NAKAKABUWISIT!!!!!!!!”
Mahigpit na kumapit si Arganoth sa buhok ng dragon habang nakabalot ang isa niyang braso sa prinsesa.
“PRINCESS!!!!!!!” masayang wika ng mga servants.
Nagulat at nanlaki ang mga mata ni Janella habang tinitingnan niya ang bawat isa. Hindi siya makapagsalita at hindi niya inaasahan na nandito pala sa mundong ito ang iilang servants. Napamilyar din siya sa itsura ng dragon. Naalala niya bigla ang panaginip na hinding-hindi niya malilimutan.
Muling binangga ng dragong ito ang mga ships. Nasira na ang iba at mga bumagsak na sila sa isla.
Nanlaki ang mga mata ni Lucius nang makita niya si Janella sa dragon. “MY PRINCESS!” biglang nagka-static muli ang kanyang speaker.
“Huwag n’yong sasaktan ang dragon ginoo! Si Zavier po ‘yan sigurado!” wika ni Kim.
“PAANO MO NAMAN NASIGURADO?! PATAY NA SIYA!”
Biglang nainis si Jin sa kanyang narinig kay Lucius. “BUHAY SIYA! AYAN NA SIYA NGAYON! ISA NA SIYANG WATER DRAGON!”
“Hindi ako naniniwala!” masamang tumingin si Lucius sa dragon. “ALAM KO ANG KAHINAAN MO ZAVIER! ISANG MISSILE KA LANG, BABAGSAK KA NA!!!! ILILIGTAS NA KITA PRINCESS JANELLA! PATI NA RIN ANG MGA KAIBIGAN MO!!!!!!” naglabas na siya ng isang missile.
“HA!” nanlaki ang mata ni Clayden nang makita niya ang missile na papalapit sa kanila. “MISSILE!!!!!”
Napatingin si Janella sa jet. Nagulat siya nang makita niya si Lucius na nakatingin rin sa kanya.
Patuloy lang na lumilipad ang dragon habang patuloy lang niyang pinababagsak ang mga ships. “RAAAWWWRRR!!!!!!!!!!!!!”
Nagulat si Jin nang makita niya ang missile na papalapit na sa dragon. Bigla na lang niyang naalala ang sinabi ni Zavier sa kanya.
“Hindi kami tatablan ng baril kahit na nakita ko ‘tong umusok kanina. Ang malakas na apoy o ang matinding init mula sa apoy ay ang aming kahinaan. Kahit na immortal kami, tanging apoy lang ang kayang magpatumba sa aming mga tubig…”
“HINDEEE!!!!” sigaw niya at naglabas din siya ng missile at pinatama niya ito sa missile ni Lucius. Malakas itong sumabog sa hangin bago pa man ito nakarating sa dragon. “MAKINIG KA SA ‘KIN LUCIUS!”
“Wala na pala tayong missile! Huli na lang pala ‘yun, chief!” si Kim.
Mga bumagsak na ang mga ships.
“URGH!” sinira na ni Lucius ang speaker sa sobrang inis niya. “ISANG NAPAKALAKING IMPOSIBLE!!!!!! WALA NA SI ZAVIER!!!!! HINDI SIYA ANG DRAGON NA ‘YAN!!!!!! MASAMANG DRAGON ‘YAN!!!!! ISANG MASAAAMMMAA!!!!!!” lumayo siya sa jet ni Jin at tumungo siya sa ibang direksyon. Muli siyang naglabas ng missile.
Nanlaki ang mga mata ni Kim.
Nag-full thrust na si Jin habang patungo sa missile.
Nagulat si Kim nang mapansin niya na papalapit sila dito. “CHIEF!!!!! HINDEEE!!!!!” sigaw niya.
“LUMABAS NA KAYO!” mabilis na lumabas si Jin mula sa jet.
Biglang sumabog ang kanilang jet nang sumalpok ito sa missile.
Papabagsak na silang tatlo. “AAAAHHHHHHHHHH!!!!!!!!!!!!!” sigaw ni Serah.
“BUWISIT TALAGA!” pagalit na wika ni Lucius. “TIGILAN MO AKO CHIEF!” maglalabas muli siya sana ng missile ngunit bigla namang hinampas ng buntot ng dragon ang kanyang jet.
Mabilis na sinalo ng dragon ang tatlo pagkatapos.
“SERAH!!!!!!” sabay-sabay ang mga servants habang mga nakangiti silang lahat.
Mahigpit na kumapit si Serah sa buhok ng dragon. “GUYS!!!!!” napangiti rin siya. Medyo nagtubig pa ang kanyang mga mata sa tuwa nang makasama na niya silang lahat.
Dumating na ang Fire Dragon at bumuga siya ng apoy. “BWAHAHAHAHA!!!!!! HINDI PA TAYO TAPOS!!!!!!!!!” muli siyang bumuga.
Napansin ng Water Dragon ang mga barko sa karagatan na malapit na sa pulong Mharius.
Mga tahimik lang ang mga Dia habang seryosong nakatingin sa Water Dragon. Ngunit biglang nagkaroon ng malalaking ipo-ipo sa dagat at tinaboy ang kanilang mga barko.
“AMAZING!!!!!” muling bumuga ng apoy ang Fire Dragon sa pulo. “TINABOY NG MALALAKING IPO-IPO ANG AKING MGA KASAMA!!!!!!”
“APPPOOOOYYYY!!!!!!!!!” sigaw ng mga La luna sa isla at mabilis silang umiwas.
“SA DAGAT TAYO PUMUNTA!!!!!!!!” sigaw ni Everestine at mabilis siyang naging tubig. Gumapang siya patungo sa dagat.
Madaling sumunod ang lahat.
“MAAHIHINNNAAAAAA!!!!!!!!!!!!!” umapak ang Fire Dragon sa isla at binugahan ang dagat ngunit mabilis naman siyang binugahan ng yelo ng Water Dragon.
Biglang nagliwanag ng kulay kahel ang Fire Dragon at bigla namang nabasag ang makapal na yelo sa kanyang katawan. “BWAHAHAHA!!!!!!!!!!! SIGE! MAGLABAN TAYO!!!!!!!” lumipad muli siya at nilapitan ang dragon.
Napalunok si Jonathan habang nakatingin sa Fire Dragon na papalapit sa kanila. “Yari!”
Kinabahan silang lahat.
Malakas na bumuga ng apoy ang Fire Dragon.
Bumuga rin ng yelo ang Water Dragon at nilabanan niya ito. Humangin bigla ng sobang lakas.
“AAAAAAAAAAAAHHHHHHHHHHHH!!!!!!!!!!!!!!!!” sigaw nilang lahat at halos matangay na sila ng malakas na hangin.
“HIGPITAN N’YO ANG PAGHAWAK SA BUHOK!!!!!!” sigaw ni Arganoth.
Mas nilakasan pa ng Fire Dragon ang pagbuga niya. Naging kulay asul pa ang apoy na binubuga niya.
Nanghina ng paunti-unti ang Water Dragon ngunit patuloy pa rin siya sa pagbuga. “RRRRRRRAAAAWWWWWRRRRRR!!!!!!!!!!!!!!!”
Lalong lumalakas ang hangin.
“K-KAYA MO ‘YAN!” nakapikit na si Jonathan.
Saglit lang ay hindi rin nakayanan ng Water Dragon ang malupit nilang labanan. Biglang nagkaroon ng malakas na pagsabog sa pagitan nilang dalawa. Biglang nawalan ng malay ang dragon.
Nagulat silang lahat nang bigla na lang sila nabasa at ang buhok na kanilang kinakapitan ay nawala na dahil naging tubig na pala ito.
“BWAHAHAHAHA!!!!!!!!!” tawa ng Fire Dragon. Lumipad na siya para umalis. Binugahan niya muli ng apoy ang dagat. “EVERESTINE!!!!!!!!”
“AAAAAAAAAAHHHHHHHHHH!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!” sigaw nilang lahat habang pare-pareho silang papabagsak na sa isla.
“AAAAAAHHHHH~!!!! MAMA~!!!!” nagwawala ang mga kamay ni Gweine sa hangin. “IIIIIIIIIIHHHHHHHHH~!!!!!!!!!!!” sigaw babae na ang nagagawa niya sa sobrang takot niya.
Habang si Jonathan naman ay pinipilit pa na lumipad na parang isang ibon.
Yakap-yakap lang ni Arganoth ang prinsesa. Tahimik lang siya habang pinagmamasdan ang babagsakan nila. Mabuti naman at sa dagat sila babagsak at hindi sa lupa.
Nanlaki ang mga mata ni Janella nang makita niya si Zavier sa malayo na walang malay. Inabot niya ang kanyang kamay sa binata. “ZAVIER!”
Nahuhuli pala si Jin sa lahat. Mabilis siyang bumaba para kunin si Zavier.
Saglit lang at nagkaroon na rin ng malay si Zavier. Naramdaman niya kaagad ang mga braso ni Jin sa kanya.
“Ang galing mo bata. Hindi ko inaasahan ang pangyayaring ito.” nakatingin lang si Jin sa dagat na babagsakan nila. “Maraming-maraming salamat sa ‘yo.”
Nakikita sila ng mga La luna habang sila ay mga nasa ilalim ng dagat.
“PAPABAGSAK NA SILA!”
“MAGPAKITA NA KAYO!!!!!!!!” muling bumuga ang Fire Dragon. “MGA MAHIHINA TALAGAAAA!!!!!!! EVERESTINE!!!! NASAAN KA NA?!!!!!!!!”
Bumagsak na silang lahat sa dagat.
“BWAH!” mabilis na huminga si Jonathan nang makaahon siya sa dagat. Kasama niya sa pag-ahon si Julius dahil inaalalayan niya ito.
Umahon na rin ang lahat.
Tiningnan ni Baron ang buong paligid. “Buhay pa ba ako?” hinawakan niya ang kanyang mukha. “BUHAY PA AKO! BUHAY PAAA!!!!”
“AAAAHHH~! HELP~! I’M DROWNING~!” nag-iinarte pa si Gweine.
Hindi pinakinggan ni Julius si Gweine. “LUMANGOY NA TAYO PATUNGO SA PAMPANG!”
Lumangoy na si Serah patungo sa pampang. Sinabayan siya ni Kim.
Kanina pa lumalangoy si Jin patungo sa pampang habang dala-dala si Zavier. Habang ganu’n rin sina Arganoth at Janella.
Lumiliwanag pa rin ang buong katawan ni Zavier ngunit mahina na. Napaluhod siya sa buhanginan habang umuubo.
Nag-alala si Jin nang makita niya na nag-iitim na ang buong katawan nito. Mga malalaki na ang mga butas nito sa katawan habang nagsisilabasan naman ang maiitim na tubig dito.
“Zavier!” napatakbo si Janella. Lumuhod siya at hinawakan niya ang magkabilang balikat nito. “S-Sabihin mo sa ‘kin kung anong kailangan mo!”
Marahan siyang tumingin sa prinsesa.
Nakita ni Janella ang umiilaw na mga mata niya. Alam niya na nahihirapan na ito at nararamdaman niya na sobra na siyang nasasaktan sa kanyang ginagawa. “Z-Zavier!” napaluha siya.
Pinilit niyang ngitian si Janella. “A-Ayos… lang ako… princess…” pinilit niyang tumayo.
Hinawakan ni Janella ang kanyang braso para alalayan siyang patayuin.
“PRINCESS JANELLA!” biglang umahon sa dagat si Everestine. Ngumiti siya habang nakatingin dito. “WELCOME TO OUR WORLD!”
Masama ang pagkakatitig ng lahat sa kanya.
“BWAHAHAHAHAHA!!!!” natawa si Everestine. “LET’S FIGHT FOR THE PRINCESS!” sunod-sunod na umahon ang mga La luna sa kanyang likuran.
“EEEVVVEERRREEESTTTTIIIIINNNEEEE!!!!!!” biglang bumuga ang kulay asul na apoy sa kanya.
Mabuti na lang ay mabilis na lumubog si Everestine sa dagat kaya hindi siya natamaan ngunit natamaan naman ang mga nasa likuran niya.
Sa paglipad ng Fire Dragon, kinuha niya bigla mula sa kanyang paa si Janella.
“PRINCESS!!!!!!!” nag-alala ang mga servants.
“AAAAHHHHHH!!!!!” sigaw ni Janella. “TULONG!!!!!!” inabot niya ang kanyang kamay sa kanila.
Nagulat rin si Zavier at pinilit niya pang tumalon ng mataas hangga’t hindi pa nakakalayo ang dragon sa kanila. Pinilit niyang abutin ang kamay ni Janella habang ganu’n rin ang prinsesa sa kanya. Mahahawakan na niya sana ang kamay nito ngunit bigla siyang natamaan ng isang bilugang apoy na nagmumula sa malayo. Bigla siyang bumagsak.
“ZAAVVVIIIEERRR!!!!!” sigaw ni Janella.
Mabilis na lumangoy si Arganoth sa dagat at sinalo niya kaagad si Zavier.
Nakita ni Jin ang jet ni Lucius. Alam niyang si Lucius ang nagpatama ng apoy sa binata. Punong-puno na talaga siya ng inis at galit sa kanya.
“NANDITO NA AKO!!!!” sigaw ni Lucius mula sa kanyang jet.
Naglabas na siya ng missile para ipatama sa dragon ngunit naunahan siya ng dragon. Binugahan siya ng apoy at malakas na sumabog ang sinasakyan niyang jet.
“BWAHAHAHAHA!!!!!!” halakhak ng dragon. Binugahan rin niya ang natitirang mga jets na tuloy-tuloy siyang pinagbabaril at ito ay mga sumabog na rin.
“SI GINOONG LUCIUS!!!!!!!” nagulat ang mga servants habang pinapanood ang papabagsak na umaapoy na jet sa karagatan.
Bumalik na si Arganoth sa pampang habang buhat-buhat niya si Zavier. Marahan niya itong hiniga sa buhanginan.
Madaling lumapit ang iilang servants sa kanya. Nagulat sila nang makita nila ang bilugang apoy na nasa loob ng kanyang dibdib.
Napailing si Arganoth habang nakatingin sa dibdib ni Zavier. “H-Hindi na maganda ‘to. Bakit sa dibdib pa?! Mas lalong masisira ang katawan mo dahil paunti-unti ka niyang uubusin!”
“Hindi pwede ‘to!” si Serah.
Nagulat si Arganoth nang mapansin niya na nababalot pala ng kulay asul na liwanag ang Veridian Orb ni Zavier. “Alam kong si Goddess Icarus ang nagsisilbing shield ng kanyang orb ngayon! Panginoon! Iligtas n’yo po si Zavier! Pakiusap!”
Marahang dumilat si Zavier at naramdaman niya ang init mula sa kanyang dibdib. Naramdaman din niya ang tunay na lakas niya ay tuluyan nang nawala. Tanging si Icarus na lang talaga ang nagbubuhay pa sa kanya at ang nagsisilbing lakas niya ngayon. Pero kung wala si Icarus sa kanyang katawan, tiyak wala na siya ngayon.
Nasa pagmumukha ng lahat ang pag-aalala habang pinagmamasdan siya.
Tumayo muli ng marahan si Zavier habang inaalalayan naman siya ni Arganoth. Umikot ang dragon at bumalik muli sa dalampasigan.
Umahon muli si Everestine at pumunta na sa pampang.
Lumilipad-lipad lang sa kanilang harapan ang dragon. “HUWAG KA NANG MAGTAGO EVERESTINE!”
Masama lang ang tingin ni Everestine sa kanya. “BITIWAN MO NA ANG PRINSESA!”
“TULOOONNNGGG!!!!” sigaw ni Janella.
“BWAHAHAHA!!!!” natawa ang dragon. “MGA GAYA-GAYA! MGA MANLOLOKOOOOO!!!!!!!” biglang humangin ng malakas dahil sa malakas niyang boses.
“Aaahhh!!!” dumapa silang lahat.
Napatingin ang dragon sa kanyang paa habang nakaipit si Janella dito.
Nagwawala lang si Janella. “BITIWAN MO AKOOO!!!!!!!”
Binalik muli ng dragon ang kanyang tingin kay Everestine. “Hindi ka talaga handa sa lahat Everestine. Isa kang duwag! Mahina!”
Masama lang ang tingin ni Everestine sa kanya. “NAGKAKAMALI KA! HINDI AKO MAHINA!”
“Alam mo bang napalambot mo ang aking puso sa matatamis na salitang sinabi mo sa ‘kin? Akala ko ginawa mo ang lahat para sa mga tao na nasa Destiny World. Pero hindi naman pala!”
Napatingin ang mga servants kay Everestine.
“Alam kong gusto mo rin ng Gulletein Stone! Pero hindi ka lang talaga handang makipaglaban para sa gusto mo. Kaya hinayaan n’yong ibigay sa amin ang buhay ng inyong kaibigan para sa batong dinadala niya! Akala ko napakabait mo Everestine kaya mo nagawa ‘yun, alang-alang sa mga nabubuhay sa mundong Destiny. Pero iba pala ang intensyon mo.” bigla siyang natawa. “GINAWA MO LANG ‘YUN PARA TUMIGIL NA KAMI! AT PARA KAYO NAMAN ANG SASAKOP SA KANILA! MGA WALA TALAGA KAYONG LAKAS NA KALABANIN KAMI! MGA TUNAY NA MAHIHINA!!!!!”
Naiinis na si Everestine sa kanya ngunit tinitimpi lang niya ito.
“MGA TAKOT!”
Galit na galit namang nakatingin si Zavier sa dragon. Sumama muli ang kanyang loob nang maalala niya muli ang pagkamatay ni Ahndray.
Malumanay na lumingon si Everestine kay Zavier.
“MASASABI KO NA TALAGANG MAHINA KA DAHIL HINDI MO AKO KAYA! HINDI MO NGA MAGAWANG KUNIN ANG PRINSESA SA PAA KO!” sigaw ng dragon.
“AKO ANG KUKUHA SA KANYA!” sigaw ni Zavier.
Napatingin ang lahat sa kanya.
“ANO PANG INAANTAY MO ZAVIER?! KUNIN MO NA SIYA!” sigaw ni Everestine habang nakatingin sa kanya.
Mabilis at masamang tiningnan ito ni Zavier. Lalong umilaw ang kanyang mga mata at muling lumakas ang liwanag sa kanyang katawan.
“BWAHAHAHA!!!!!!! WALANG-WALA KA TALAGA EVERESTINE! WALA KANG KWENTANG PINUNO DITO!”
Muling tumingin si Zavier sa dragon. “Bitiwan mo na si Princess Janella!” inabot niya ang kamay dito.
“BWAHAHAHA!!!!! ANG LAKAS NAMAN NG LOOB MONG MAGSALITA NG GANYAN! SA TINGIN MO BA PAPAKAWALAN KO SIYA PARA SA ‘YO?! BAKIT HINDI MO AKO KALABANIN PARA MAKUHA MO SIYA SA ‘KIN?!”
“KALABANIN MO NA SIYA ZAVIER! DI BA GUSTO MONG ILIGTAS ANG PRINSESA?! GAWIN MO NA!!!!” sigaw muli ni Everestine sa kanya.
“BWAHAHAHAHA!!!! TALAGA?! MUKHANG MAY TRAYDOR PA YATA DITO! AT BAKIT HINDI MO SIYA TULUNGAN EVERESTINE NA KALABANIN AKO?! MAG-ISA LANG SIYA! HINDI KA BA NAAAWA?! TINGIN MO BA KAYA NIYA AKO SA ITSURA NIYANG ‘YAN?!”
Umiilaw pa rin ang mga mata ni Zavier. “Iba ako Heisworth… kayang-kaya kita.”
“ABA! NAGSALITA ANG NAGMAMALAKAS AT ANG KANILANG TRAYDOR! HINDI MO BA NAKITA NA NATALO KITA KANINA?! WALANG KWENTA ANG PAGIGING WATER DRAGON MO! O SIGE! KALABANIN MO ULIT AKO NANG MAKITA ULIT NATIN!” binugahan niya ng apoy ang dalampasigan at sabay alis.
“AAHHHHHH!!!!!!!!” napapikit ang mga servants habang mga nakasangga sa kanilang mukha ang kanilang mga braso.
Mabilis na humarang ang mataas na alon sa apoy para hindi sila matamaan. Ngunit natamaan pa rin ng apoy si Everestine. Humangin ng malakas nang matamaan ng alon ang apoy.
“AAAAAAAAAAHHHHHHHHHHH!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!” mabilis na nanghina si Everestine. Hindi rin nagtagal ay mabilis siyang nasira sa pira-piraso at lumipad na ito sa kalangitan.
Nagulat silang lahat at napatingin muli sila kay Zavier pagkatapos.
Nakapikit lang si Zavier habang tahimik siyang nagdadasal. Paunti-unting mas lumalakas ang liwanag sa kanyang katawan habang nasa kanyang likuran muli si Icarus. Bumabalik muli ang kanyang lakas.
Nagulat si Arganoth. “G-Goddess Icarus!” inabot niya ang kanyang kamay sa kanya.
Nagulat rin ang dragon nang makita niya si Icarus. “ABA! NANDIYAN KA PALA ICARUS?! HINDI KO INAASAHAN NA NANDITO KA PALA!” wika niya habang palipad-lipad sa kanilang harapan.
Dumilat na si Zavier. Mabilis at mataas siyang tumalon sa mataas na alon. Sa kanyang paglagpas at pagtagos sa kabilang alon. Sumama na ang mga tubig sa kanya at nag-form muli siya ng isang Water Dragon. Bigla niyang binugahan ng yelo ang kalaban.
Mabilis na umiwas ang Fire Dragon at binugahan rin siya ng apoy. Sinabayan rin nito ng Water Dragon at nilabanan siya muli ito sa pagbuga.
“HINDING-HINDI MO AKO MATATALOOO!!!!!” sigaw ng Fire Dragon at mas nilakasan pa niya ang pagbuga.
Paunti-unti namang nabubuo sa dagat ang isang napakalaking ipo-ipo mula sa kanilang ilalim. Ilang minuto lang ang lumipas at mga nasa loob na sila ng ipo-ipo na ito.
“AAAHHHH!!!!!!!!! KUMAPIT KAYO SA MGA PUNO!!!!!” sigaw ng mga servants.
Tanging si Arganoth lang ang hindi natatangay ng napakalakas na hangin. Nakatayo lang siya habang pinagmamasdan ang napakalaking ipo-ipo sa karagatan. “Zavier…” nag-alala siya.
“?!” nagulat ang Fire Dragon habang pinagmamasdan niya ang mga tubig sa paligid nila.
“HINDI KA NA MAKAKATAKAS DAHIL DITO KA NA MAGTATAPOS!” sigaw naman ng Water Dragon. “RAWWRRRRR!!!!!!!!” mas nilakasan niya ang pagbuga habang pinagsasaksak na rin ng mga espadang tubig ang Fire Dragon.
“URGH! ARRRGGHHH!!!!!” nasasaktan ang Fire Dragon sa tuwing sinasaksak siya ng mga espadang tubig. Nabitiwan niya si Janella.
“AAAAAAAAAHHHHHHHHHHHHHH!!!!!!!!!!!!!!!!” sigaw ni Janella habang siya ay papabagsak.
Mabilis naman siyang nakuha ng Water Dragon. Pumasok siya sa loob ng tubig ng ipo-ipo habang sumasabay siya sa pag-ikot nito.
Mariing napapikit si Janella sa loob ng paa ng dragon. “AAHHH!!!!!!!” tinakpan niya ang kanyang tenga.
Umuusok na ang buong katawan ng Fire Dragon. “RAAWWRRR!!!!!”
Mabilis at halos liwanag na lang ang makikita sa tuwing lumalabas at papasok muli sa tubig ng ipo-ipo ang Water Dragon para saksakin ng saksakin ang kalabang dragon.
“URGH! AAAHHH!!!!! ARRRGGHHH!!!!!” sigaw ng Fire Dragon habang tuloy-tuloy siyang sinasaksak ng Water Dragon.
Nakikita ng mga servants mula sa labas ng ipo-ipo na lumiliwanag na lang ang loob nito.
“A-Ano na kayang nangyayari sa loob ng ipo-ipo?!” nag-aalala si Arganoth. Gusto niya sanang tumulong ngunit baka ikasama niya ito.
“AAAHHHHHH!!!!! NAHIHIGOP NA AKO!!!!!” lumilipad na si Jonathan.
“KUMAPIT KA NG MABUTI!!!!!!!” sigaw ni Baron.
Mahigpit na nakayakap si Clayden sa puno. “AAAHHHH!!!! AYOOKOOO NAAA!!!!!!”
Umikot na lang ang Fire Dragon at bumuga muli siya ng apoy kung saan-saan. Lumipad siya pagkatapos ng papaitaas para makaalis.
Sinundan ito ng Water Dragon. Binugahan niya ito ng yelo habang sunod-sunod namang papunta ang mga espadang tubig sa kanya para saksakin.
Mabilis na umiwas-iwas ang Fire Dragon. Patuloy pa rin siya sa paglipad at pagtakas mula sa ipo-ipo. Umapoy ang kanyang katawan. “RRRRRRAAAAAAAAAWWWWRRRR!!!!!!!!!!!!!!!!”
Biglang kumulog ang kalangitan. Paunti-unting nawawala na ang ipo-ipo at nagpuntahan ito sa mga ulap.
Napanganga ang mga servants nang makita nila ang dalawang dragon sa itaas.
“Uulan.” napatingin si Arganoth sa kalangitan. Nakita niya na nangingitim na ang mga ulap.
Narinig ng Fire Dragon ang kulog. Tumungo muna siya sa isla para bugahan muli ng apoy. “DIIIIIIIIEEEEEEEE!!!!!!!!!”
“AAAAAAAAAAHHHHHHHHHH!!!!!!!!!!!!!!!!!” iniwasan nila ang apoy.
Lumipad na ng mataas ang dragon habang pabalik na siya muli sa Ashbell.
“RRRRRRRRAAAAAAAWWWWRRRRRR!!!!!!!!!!!!!!!!!!!” sigaw naman ng Water Dragon at naabutan pa niya ang kalaban. Biglang nagkaroon ng malaking pagsabog sa kanilang dalawa. Humangin muli ng malakas at mabilis na tinakpan ng mga servants ang kanilang mga mukha.
Sinabayan pa ito ng pagbuhos ng malakas na ulan. Saglit lang ay nawala rin ang malakas na hangin. Napatingin sila sa itaas at nakita nila ang dalawang dragon na papabagsak na sa isla.
“PAPABAGSAK NA SILA!” napaturo pa si Jonathan sa dalawang dragon.
Tumakbo na sila patungo sa babagsakan nila.
Habang papabagsak ang dalawang dragon, nasira na sa pira-piraso ang Fire Dragon hanggang sa ito ay tuluyan nang nawala. Habang ganu’n rin ang Water Dragon, nagtanggalan na sa katawan ni Zavier ang mga tubig na nagsama-sama sa kanyang katawan.
Tahimik lang si Janella habang siya ay nakapikit. Dinilat niya ang kanyang mga mata at naramdaman niya ang mga braso ni Zavier na nakabalot sa kanya.
Nakapikit lang si Zavier. “Goddess Icarus, sa wakas… lahat ng pinaghirapan ko ay natapos na. Ako ay nagtagumpay! Siguradong ligtas na ang mga tao sa Destiny World. Hindi na muling mag-aalala pa si Princess Janella para sa mundo dahil muli nang mapayapa ang lahat. Hindi ko ‘to magagawa kung wala ka sa ‘kin Goddess Icarus. Kaya buong puso akong nagpapasalamat, dahil nandiyan ka para sa ‘kin.” sa gitna ng kanyang pagpapasalamat mula sa dasal, bigla na lang niya naalala ang mga masasayang ala-ala nila ng prinsesa.
Naalala niya bigla ang inukit niyang puso sa puno ng niyog. Pinakita lang niya dito kung paano niya pinahahalagahan si Janella sa kanyang buhay bilang isang kaibigan. Naalala rin niya ang pagsayaw nila sa gubat at kung paano niya tinuruan si Janella na magkumpas sa hangin para kontrolin ang mga hayop na parang isang La luna. Natutuwa siya at nararamdaman din naman niya kung gaano ka-curious ang prinsesa sa pagiging isang spirit.
Bigla rin niyang naalala ang pinaka-nakakatakot na naranasan niya na halos himatayin na siya sa sobrang takot at ‘yun ay ang pagsayaw niya sa palasyo. Ngunit namangha din siya sa kanyang sarili dahil hindi niya akalain na magagawa niya ‘yun. Naalala rin niya ang mga malulungkot na ala-ala nila. Mga araw at oras na hindi pa sila ganu’ng magkakilala pa. Pero sa kabila nu’n, nagbago rin naman ang lahat at alam din naman niya at damang-dama naman niya kung gaano niya napasaya si Janella. Kung paano siya nagpakita ng effort para matupad ang mga pinapangarap ng prinsesa. Pati ang mga full of surprises niya para sa kanya. Lahat naman ng pinaghirapan niya ay naging masaya silang pareho. Naalala rin niya ang iba pang masasayang ala-ala nila.
At ang pinakahuli niyang naalala ay ang forehead kissed ni Janella sa kanya na hindi niya naintindihan nung una kung ano ba ang tunay na ibig sabihin ng halik na ito.
Bigla na lang siya naluha at napangiti habang inaalala ang mga ala-alang ito. Dumilat siya pagkatapos.
“Zavier?” malungkot na nakatitig si Janella sa kanya.
Masayang tumingin si Zavier sa kanya. “T-Tapos na sa wakas ang hinaharap nating pagbusok, princess… malaya na kayo.”
Malungkot lang na nakatitig si Janella sa kanyang mga mata. “P-Pero h-hindi ibig sabihin na magtatapos na rin ang pagkakaibigan natin.”
Ngumiti siya ng kakapiranggot. “Sana mapatawad mo pa ako sa lahat-lahat ng mga nagawa o nasabi ko sa ‘yo na alam kong… labis kang nasaktan at nalungkot.”
Napangiti siya ng kakaunti. “Ayos na ‘yun, Zavier… basta magkasama lang ulit tayo… ayos na muli ang lahat sa ‘kin!”
Napangiti muli ng kakaunti ang binata. “Taking this journey with you from the beginning to the end has been the best thing that has ever happened to me. I'm thankful, princess. So thankful!”
Natawa ng kakaunti ang prinsesa habang nagtutubig na ang kanyang mga mata. “You’re the best thing that ever happened to me, Zavier. You’re my favorite part of my life story!”
“Ako rin sa ‘yo. Sana makasama pa kita ng pangmatagalang panahon.” at dahan-dahan siyang ngumiti.
Natigilan siya saglit. “A-Anong ibig mong sabihin?” naiyak na si Janella. “You’ll stay with me! Huwag mong sasabihing iiwanan mo na ako!”
“With you, I feel like staying. Pero kinalulungkot ko na ito na ang magiging huling araw ko. Maraming salamat dahil pinagkatiwalaan at pinagbigyan mo ako na maging isa kang kaibigan. It means so much to me that you’ve taken the time to really know me. I will cherish our friendship and all of our beautiful memories… habang kapiling ko ang aking pinakamamahal na diyosang si Icarus sa langit.”
Hindi na makapagsalita si Janella habang patuloy pa rin siyang umiiyak.
“Tapos man ang lahat sa ‘kin pero hindi kailanman magtatapos ang paggabay ko sa ‘yo, princess. Habangbuhay lang akong nasa tabi mo na kahit nasaan ka, ako ang magsisilbing anghel mo. Patuloy pa rin akong magbabantay sa ‘yo.” ngumiti muli siya at marahan niyang hinawakan ang pisngi ni Janella. “Hug me once again before I slip away.”
Lalo siyang naiyak at mahigpit na niya itong niyakap. “Z-Zavier!”
Mahigpit ring niyakap ni Zavier si Janella at naluha muli siya sa tuwa. Napapikit siya. “Papanoorin kita sa langit na kokoronahan ka na bilang isang reyna, princess. Na kung saan hawak-hawak mo na ang buong mundo. Papaunlarin at papagandahin pa ang Destiny World. Isn’t that wonderful?”
“Zavier!” at humikbi. “Ayokong mawala ka sa ‘kin!”
“Mangako ka sa ‘kin na hinding-hindi ka susuko. Kahit anong mangyari, magiging matatag at malakas ka. Please do me this honor.”
Umiiyak lang sa dibdib niya si Janella. “I-I promise!”
Hinimas niya ang likuran ng ulo ni Janella. “Masayang-masaya ako dahil natupad na rin sa wakas ang mga pinapangarap ko. Natupad na lahat. Maraming-maraming salamat sa ‘yo dahil tinulungan mo akong tuparin ito. I care about you more than you’ll ever know. Bilang isang kaibigan, mahal na mahal kita, princess!” at sabay halik sa kanyang noo. Lumiwanag muli siya ngunit malumanay nang nasira na sa pira-piraso ang kanyang katawan habang nananatili pa rin siyang nakahalik sa noo ng prinsesa.
“?!” nagulat si Janella nang makita niyang lumiliwanag na si Zavier habang lumilipad naman ang pira-piraso niyang katawan sa kalangitan. Mas hinigpitan niya ang kanyang pagkakayakap dito ngunit nararamdaman na niyang nawawala na ang katawan nito paunti-unti. “HIINNDEEEEE!!!!! HIIINNNDEEEEE!!!!! PAKIUSAP HUWAG MO AKONG IWANAN ZAAAVIIIIIIEEERRRRRRR!!!!!!!!!!!!!”
Lumabas na si Icarus mula sa katawan ni Zavier habang tuluyan na ring nawala ang katawan ng binata. Bigla na lang nagliwanag ang paningin ng prinsesa.
Nagulat si Janella nang makita niya na nasa puti na siyang paligid habang dahan-dahan naman siyang bumabagsak. Narinig niya ang huling tinig ni Zavier.
“Good night, princess.”
Saglit lang ay naramdaman niya bigla ang mga damuhan sa kanyang mga talampakan. Humina na ang puting liwanag at nakita niya na nasa gubat na siya. Nagulat siya nang makita niya sila Baron.
Nagulat rin ang lahat nang makita nila si Janella na nasa kanilang harapan na.
“Princess.” lumapit si Serah dito at hinawakan ang kanyang balikat. “A-Ayos lang po ba kayo?”
Napaupo bigla sa damuhan si Janella. Natulala siya at hindi makapaniwalang nawala na si Zavier. “Nananaginip lang ako… isa lang ‘tong panaginip.”
“Hindi ka nananaginip, Your Highness.”
Napatingin muli sa itaas si Baron. “N-Nasaan na si Zavier?”
“Wala na nga tayong nakita di ba?! Bigla na lang lumiwanag ng sobrang lakas! Tapos nagulat na lang tayo na nasa harapan na lang natin si Princess Janella!” wika ni Clayden.
Nagulat si Baron. “I-Ibig sabihin…?”
“Oo.” malungkot na wika ni Arganoth. Napayuko siya.
Napayuko rin ang iilan. Naiyak pa si Gweine.
Binuka ni Janella ang kanyang kamay at nakita niya ang kwintas na suot-suot ni Zavier palagi. Bigla na lang niya naalala ang mga masasayang ala-ala nila. Kung paano sila naglaro sa Harley Forest na parang mga bata, mga biruan nila na nagpatawa sa kanila ng wagas-wagasan. Mga kakulitan niya na alam naman niya na nahihirapan na si Zavier sa kanya minsan at ang pagkilos niya na parang hindi isang prinsesa kundi isang ordinaryong tao.
Naalala rin niya ang mga sweet moments nila na sadyang nagpakilig sa kanya ng sobra dahil wala pang sinuman ang nakakagawa sa kanya ng mga ganu’ng bagay. Lubos ang kanyang pagkagalak nang tuparin ni Zavier ang lahat-lahat ng kanyang pinapangarap sa buhay na hindi niya akalaing matutupad ang mga ito sa hindi niya inaasahang oras at pagkakataon sa kanyang buhay.
Lahat-lahat ng naranasan niya simula nung makasama niya si Zavier ay isang napakalaking unexpected. Dahil halos lahat ay unang beses pa lang niyang nagawa sa buong buhay niya. Naramdaman din niya sa binata ang freedom na gusto niya. Dahil nagawa na rin niya ang mga bagay na ninanais niya noon na sana ay magawa rin niya balang-araw.
Napayuko siya at tinutop sa kanyang dibdib ang kwintas nito. “Zavier… please come back!”
Isang oras na ang lumipas at tuloy-tuloy pa rin ang pag-ulan. Basang-basa na silang lahat.
Napailing si Baron habang nakatingin kay Janella. “H-Hindi ako makapaniwala na nagawa natin ‘to. Nagtagumpay tayong lahat. W-Walang napahamak sa atin. At kung hindi rin dahil kay Zavier…” napatingin siya kay Clayden. “Wala na talaga ako ngayon.” napailing siya. “Akala ko talaga… katapusan na ng buhay ko. P-Pero hindi pa pala.”
“Oo nga e.” malungkot na wika ni Clayden habang nakatingin sa ibaba.
Hindi na maintindihan ni Baron ang kanyang nararamdaman ngayon. Natutuwa siya dahil tapos na ang kanilang problema pero malungkot dahil wala na nga si Zavier. “Nakakalungkot lang dahil hindi manlang ako nakapagpasalamat sa kanya nung iligtas niya ako sa malalim na bangin na ‘yun.”
Pinahid ni Gweine ang kanyang mga luha. “Tapos na ang problema natin. Malaya na ulit tayo~!”
Hinimas ni Jonathan ang kanyang likuran. “Yeah, you’re right!” ngumiti siya.
“Group hug!” binuka ni Julius ang kanyang mga braso. “We made it!” ngumiti siya.
“YEHEY!” masayang wika ng mga servants at nagyakapan silang lahat.
Masayang pinagmamasdan ni Arganoth ang mga servants. Tumingin siya kay Jin at hinawakan niya ang balikat nito. “Masaya ako at malaya na kayo.” ngumiti siya ng kakapiranggot.
Tumango si Jin habang nakangiti. “Maraming-maraming salamat sa pagtulong n’yo sa amin.”
Napangiti si Arganoth at tinapik niya ang balikat nito.
Inalalayan ni Serah si Janella sa pagtayo. Nakatingin pa rin sa kawalan si Janella habang siya ay nakatayo na. “Z-Zavier…” muling tumulo ang kanyang luha. Napatingin siya kay Arganoth pagkatapos.
Medyo malungkot ang pagkakatingin ni Arganoth sa kanya.
Tuluyan nang umiyak si Janella at tumakbo na siya patungo sa kanya para yakapin. “T-Tiyo! Hindi ko po matanggap ang buong nangyari!”
“Tahan na, Your Highness.” mahina at mahinahong sabi ni Arganoth sa kanya habang hinihimas ang kanyang likuran.
“Si Zavier ay… ay…!”
“Alam ko, Your Highness… alam ko…” pumikit siya at niyakap na niya si Janella. “Huwag kang mag-alala sa kanya, sigurado akong masaya naman siya sa langit ngayon.”
Lubos na umiiyak si Janella sa kanyang balikat. Tumango siya.
Bumitaw na si Arganoth sa kanya at tinitigan siya sa magkabila niyang mata at ningitian ng kakaunti. “Huwag ka nang umiyak. Ayaw ni Zavier na nakikita kang umiiyak di ba? Maging masaya ka na.”
Pinahid ni Janella ang kanyang mga luha. “Opo…” malungkot niyang sabi habang nakayuko.
“You’ll always be remembered, Zavier. Maraming salamat ulit.” wika ni Baron mula sa kanyang isip habang nakatingin siya sa langit.
Tumingin na si Arganoth sa kanilang lahat. “Kailangan n’yo nang umalis dito hangga’t maaga pa. Iba na kasi ang nilalanghap n’yong hangin dito. Nakakasama rin kasi ito sa inyong katawan habang tumatagal.” babala niya.
Napatingin ang mga servants sa kanya. “Opo!”
Ilang oras ang lumipas at tumigil na ang ulan. Dumating na rin ang military cargo jet sa kanila pagkatapos na tawagan ni Jin ang piloto nito. Bumaba na ang ramp at muli silang nagpaalam kay Arganoth bago sila umakyat at sumakay.
Nakipag-shake hands pa si Jin sa kanya. “Maraming salamat ulit. I salute you!” nagbigay pa siya ng pugay bago sumakay sa cargo jet.
“Paalam.” kinawayan pa ni Arganoth ang mga servants sa loob. “Mag-ingat kayo.”
Umalis na ang cargo jet hanggang sa makalabas na rin ito ng mundo.
Bumuntong-hininga si Arganoth at pinagmasdan ang tahimik na kapaligiran. Siya na lang ang tanging natira sa mundo.