39: Crescent Moon


 

Gabi na sa Destiny World at masayang-masaya ang mga tao nang malaman nila na nagtagumpay sila laban sa tinagurian nilang malalakas na nilalang. Sigawan at hiyawan ang mga tao sa labas.

Mga nakabalik na rin ang mga servants sa Doherty Palace. Kausap lang ni Jin si Adelaide sa sala ng ikalawang palapag habang tahimik lang na nakikinig sa kanila ang mga servants.

N-Nasaan na si Lucius?” kumunot ang noo ni Adelaide.

Nasa tabi lang ni Alexius si Adelaide. Seryoso lang siyang nakatingin kay Jin.

Seryoso ring nakatingin si Jin sa kanya. “Wala na po siya.”

Nanlaki ang mata ni Adelaide at kahit si Alexius ay nagulat rin.

Maniwala ka man o hindi Your Majesty, si Zavier ang halos gumawa ng lahat. Niligtas niya po ang buhay namin. Sinakripisyo niya ang kanyang buhay para sa atin.” mahinahong wika ni Jin.

Nagulat si Adelaide at napatingin siya kay Janella pagkatapos.

Malungkot lang na nakayuko ang prinsesa.

Napailing si Adelaide dahil hindi siya makapaniwala. “Hindi… hindi mangyayari ‘to.”

Kahit po ako, hindi rin po ako makapaniwala sa kanyang ginawa. Naisip ko nga ngayon na mali pala ang iniisip ko sa kanya na parang halos pinatay ko na siya sa aking isip dahil sa sobra rin ang galit ko sa kanya. Pero nagkamali pala ako. H-Hindi naman pala siya ang iniisip natin. Iba si Zavier sa kanila.”

Napayuko si Adelaide at nakaramdam din ng pagkalungkot. Tumingin siya sa kawalan. “S-Si Zavier?” muli siyang napailing.

Malungkot ring nakatingin si Serah sa ibaba. “Niligtas niya po ang buhay ko. Kung hindi rin po dahil sa kanya.” Nagkibit-balikat siya. “H-Hindi ko na po alam kung nasaan na ako ngayon.”

Ako rin po.” si Baron.

Napatingin si Gweine kay Julius. “Ako? Kung hindi dahil sa ‘yo, ako ang napipi ang paa siguro.” bulong niya sa kanya.

Nakaupo lang sa upuan si Julius. Tutulo na sana ang kanyang luha ngunit nung marinig niya ang sinabi nito, hindi na tumuloy pa ang pagpatak ng kanyang luha. Masama niyang tiningnan si Gweine at sinikuhan niya pa ito. “Hindi lang paa mo ang pipi kung nangyari nga ‘yun! Buong katawan mo ang pipi sa ‘yo sigurado.” bulong rin niya.

Napangiti si Gweine at tumubo pa ang mga imaginary roses sa kanyang likuran. “O Julius~! You are my hero~! Maraming salamat sa ‘yo~!” namula siya.

Ganu’n lang? Salamat lang?”

Bakit? Ano pa bang gusto mo? Kiss ko pa ba?”

Masamang tinitigan ni Julius si Gweine. “Anong kiss? Gusto mong sapakin kita diyan?” napailing at yumuko na lang siya. “Ewan ko sa ‘yo.”

Biglang tinakpan ni Janella ang kanyang mukha at muling umiyak habang naiiyak na rin ang iba. Pinapahid lang nila ng pasimple ang kanilang luha sa kanilang mga pisngi.

Parang isang himala ang nangyari.” mahinang wika ni Harony. Napapikit siya. “Kung ganu’n, maraming-maraming salamat Zavier.” napatutop siya sa dibdib. “Hindi namin inaasahan ang ganitong pangyayari.”

Mapayapa na ang lahat, Your Majesty.” yumuko si Jin para magbigay galang. “Aalis na po ako.” ningitian niya muna si Adelaide bago siya umalis.

Napaupo si Adelaide sa upuan habang inaalalayan siya ni Alexius sa pag-upo. Hindi pa rin siya makapaniwala sa nangyari. Hindi siya makapagsalita.

PEACE! PEACE! PEACE! PEACE! PEACE!” sigaw ng mga tao sa labas.

IPAGDIWANG NATIN ANG KALAYAAN!!!!!!!!”

WWWOOOHHHOOOHOOO!!!!!!!!!!!!!!” sigaw ng lahat.

Hinimas ni Adelaide ang kanyang noo. “Hindi ako makapaniwalang mangyayari ang ganitong napakaimposibleng pangyayari! S-Si Zavier?!” natawa siya ng kakaunti. “H-Hindi niya magagawa ‘to.” naiyak na lang siya at napailing. “Patawarin mo sana ako anak sa kung ano man ang nasabi ko sa kanya. Totoo nga ang sinabi mo… n-nakita ko na rin kung sino ang nagkamali sa huli. Pinagsisisihan ko na ngayon ang lahat ng ginawa’t nasabi ko sa kanya.”

Umalis na lang si Janella at tumungo siya sa terrace.

Tahimik lang ang mga servants.

Opo, Your Majesty.” wika ni Serah. “Hindi siya ang iniisip natin.”

Tumango si Jonathan habang nakayuko.

Nakita ni Jin ang mga tao sa labas na nagsasaya. Napangiti siya. “Sana nakita ka rin nila Zavier. Maraming-marming salamat talaga sa ‘yo.”

Nakita ni Janella ang gasuklay na buwan sa terrace. Umaasa pa rin siya na dadating pa rin si Zavier kahit na alam naman niya na imposible na itong mangyari.

Zavier... pakiusap... b-bumalik ka... A-Alam kong tapos na ang hinaharap kong pagsubok. Wala na at malaya na kami! P-Pero hindi ko pa rin masasabi na magiging masaya na ako!” pinahid niya ang kanyang luha. “D-Dahil wala ka na ngayon…”

Ilang minuto ang lumipas at nasa kwarto na rin ang mga servants. Natutulala pa rin si Jonathan sa kanyang naranasan.

Ibang-iba si Zavier.” wika ni Baron. “Saka sa nakikita ko, parang masaya siyang maging kaibigan.”

Tama ka.” sumang-ayon si Serah.

Naniniwala kami sa inyo. Sana may pagkakataon pa tayo na humingi ng paumanhin sa kanya.” malungkot na wika ni Caroline. “Kasi... ang pangit-pangit talaga ng iniisip ko sa kanila, lalo na sa kanya nang malaman ko mula sa ating mahal na reyna na siya ang dumakip kay Princess Janella dito.”

Alam ko ‘yun, dahil ganu’n din naman ako.” si Mitch.

“‘Yung naranasan namin, imposibleng mangyari dito ‘yun.” napangiti ng kakaunti si Baron.

Oo, hindi naman tayo makakasakay ng dragon dito.” wika ni Julius.

Ano?! Dragon?!” nagulat si Violet.

Yes~! A dragon~!” masayang wika ni Gweine.

Natakot ako nu’n pero sa kabila nu’n parang naging masaya din ako. Hahaha!” natawa si Baron.

Hahaha! Oo! Tama! Kasi parang sa pelikula mo lang makikita ang mga ganu’n tapos makakasakay ka for the first time sa buong buhay mo~!”

Natawa ang lahat.

Pero seriously guys, ang bait-bait ni Zavier. Handang-handa siyang hamunin ang kanyang mundo para lang sa kaligtasan natin. Tanggap niya kung ano man ang mangyari sa kanya basta maging maayos lang tayo.” mahinahong wika ni Baron.

Napayuko ang iba.

Biglang sumingit si Christoph. “Sana sumama pala ako! Hahaha!”

Oo nga!” ngumiti si Eric.

Bakit?! Sasama lang ba kayo para sa dragon?!” kumunot ang noo ni Julius. “‘Wag na! Mag-ride na lang kayo!”

Biglang iniba ni Gweine ang usapan. “Saka may madidiskubre ka na skills na akala mo hindi mo kayang gawin sa buhay mo~!”

Seryosong tumingin si Julius sa kanya. “Katulad ng?”

Makipaglaban! Nakipaglaban ako sa isang pogi do’n!”

Ah? Next topic please?!”

Hahaha~! Ikaw talaga~! Porket naipit lang ang paa mo do’n! Nagagalit ka na sa ‘kin!”

Matulog na nga tayo! Wala nang saysay ang pinag-uusapan natin ngayon! Sayang lang ang oras!” nagtalukbong na si Julius.

Malungkot lang na nakatingin si Janella sa buwan. “Jasper… tapos na ang napakabigat nating problema. Malaya na tayo sa wakas! Alam kong lubos ka ring nagpapasalamat sa kaibigan nating si Zavier na isang LA LUNA SPIRIT na nagawang ISAKRIPISYO ang kanyang buhay para sa atin…”

Napangiti siya ng kakaunti habang nakatingin pa rin sa buwan. Habang tumatagal, nawawala na ang kanyang ngiti sa kanyang labi. Muli siyang napaluha.

Zavier…” inabot niya ang kanyang kamay sa buwan saglit. “Ang hirap talaga kapag naging isang ala-ala na lang ang isang kaibigan na sobrang halaga sa ‘yo. Siguro matatanggap ko rin ang lahat, pero hindi pa ngayon.” napabuntong-hininga siya. “Maraming-maraming salamat muli sa LAHAT-LAHAT Zavier. Sa mga bagay at sa lahat ng oras na binigay mo sa ‘kin, sa pag-intindi ng limitasyon ko at sa buong araw na labis na pinangiti’t pinasaya mo ako. Hindi mo piniling iligtas ako dahil kailangan mo at alam mong kailangan ko rin. Pero kundi, nagmumula talaga sa ‘yong puso na gusto at pinili mo talagang gawin ‘yun para sa ‘kin. Kung hindi dahil sa ‘yo... hindi pa siguro mapayapa ang lahat ngayon. Kaya sobrang laki ng utang ng loob ko sa ‘yo... Pati ang mga oras na nandito ka sa aking tabi. Alam kong nagmumula rin sa ‘yong puso na pasayahin ako. I’m so very proud of you kasi napakalakas mo. Hindi ka kaagad sumusuko sa lahat. Sana maging katulad kita.”

Biglang umihip ang malakas na hangin. Napapikit siya saglit at dinamdam ang hangin. Naalala niya bigla ang malamig na hangin sa Calumsia.

Muli akong humihingi ng NAPAKALAKING PAUMANHIN sa lahat-lahat ng mga nagawa ko na alam kong nasaktan kita ng husto… Alam kong sobra ka ring nalungkot dahil sa mga masasakit na pinagsasabi ko sa ‘yo noon. Sana… sana talaga mabawi ko pa ang lahat. Nagsisisi talaga ako ngayon.” muli siyang tumingin sa buwan. “Sana nakapagsabi man lang ako ulit ng thank you at sorry sa ‘yo bago ka nawala. Alam kong PAULIT-ULIT na pero naiisip ko na hindi kasi sapat. Parang may gusto pa akong gawin para talagang masuklian ko ang lahat ng mabubuting ginawa mo sa ‘kin… sa kabila ng pangit kong ugali na pinakita sa ‘yo. Saka higit sa lahat… mas nagsisisi ako nang hindi ko man lang nasabi sa ‘yo ng harapan na… minamahal na kita. Matagal ko nang nililihim ang nararamdaman ko na ‘to para sa ‘yo. Pero dahil nilalabanan ako ng takot at kaba, hindi ko nagawang sabihin ‘yun… hanggang sa nahuli na nga ang lahat. Pero sana ngayon… sana naririnig mo ako na mahal na mahal kita higit pa sa kaibigan, Zavier!” napatutop siya sa kanyang dibdib.

Pumunta na siya sa kwarto pagkatapos ng ilang oras na nakatingin lang sa buwan. Nakita niya sa kanyang vanity triple mirror ang mga bagay na binigay sa kanya ni Zavier. Napangiti siya at hinawakan niya ang magandang bato pati ang maliit na kahoy na may nakaukit dito. Nasa isang maliit naman ng jewelry box ang lantang kwintas at pulseras na yari sa iba’t-ibang bulaklak.

Napangiti siya at natawa ng kakaunti matapos niyang maalala ang mga kulitan nila. Nakita naman niya pagkatapos ang mga bulaklak na binigay sa kanya sa field na ngayon ay mga nasa plorera na. Kinuha niya ito at inamoy ang mga bulaklak. Bigla muli siyang natawa dahil alam naman niya na wala rin minsang kabuluhan ang mga pinagsasabi niya pero basta masaya sila, ayos lang para sa kanila ang lahat.

Napatingin naman siya sa isang hugis pusong kahoy na ginawa ni Zavier sa kanya. Hinawakan niya ito ngunit bigla na siyang naluha.

Iingatan ko talaga ang lahat ng binigay mo sa ‘kin, Zavier. Hindi mo alam kung gaano ako naging masaya sa mga bagay na ‘to. Hindi ko na alam kung paano ko maipapakita sa ‘yo kung gaano ako nagpapasalamat sa lahat-lahat! DAHIL BUONG PUSO TALAGA AKO NAGPAPASALAMAT SA ‘YO AT SA DIYOS DAHIL BINIGAY KA NIYA SA AKIN!”

Matapos ang ilang minuto, humiga na siya sa kama habang hawak-hawak ang isang papel. Binasa niya ang kanyang sinulat.

Look into my eyes and you will see, no one can save you but me. I will be the answer that you seek because I am willing to sacrifice my life for you.”

Natigilan siya saglit matapos niya itong basahin. “Ang panaginip ko na ‘yun ay isa pala talagang makatotohanan. Nakita ko nga na totoong si Zavier ang magliligtas sa ‘kin na ang akala ko ay hindi. Masyado talaga akong nagkamali, sobrang nagkamali.” pinatong niya ang papel sa kanyang dibdib. “Zavier…” pumikit na siya at bumuntong-hininga. “You will be always on my mind and forever in my heart.”

Lumipas na ang dalawang taon at muling nakakapaglibot na si Janella sa buong kontinente. Nagkaroon na siya ng mga bagong kaibigan at hindi pa rin umaalis sa kanyang ugali na makipaglaro sa mga bata.

Kinabukasan ay ang 18th birthday na niya at inaanyayahan niya lahat ng kanyang mga kaibigan na dumalo sa kanyang kaarawan.

Ngayon ay mga nasa hardin sila ng palasyo kasama ang mga bago niyang kaibigan. Nakaupo sila sa damuhan habang sila ay nakapabilog. Kinukwento lang niya ang mga naranasan niya nung simulang makasama niya si Zavier.

Tubig lang si Zavier.” nakangiting wika ni Janella.

Wow!” napanganga ang mga nakikinig.

Binibiro mo lang yata kami, Your Highness!” wika ng isang lalaki.

Hahaha! Tubig nga lang siya kaya ang kulay ng kanyang buhok ay asul kahit ‘yung mga mata niya! Lalo na kapag gabi! Tapos natatamaan ng liwanag ng buwan? Naku, ang ganda! Kitang-kita talaga ‘yung pagka-asul ng mga mata niya kasi umiilaw e!”

WOW!”

Muling natawa si Janella. “Oo nga!”

Grabe! Ang ganda naman nu’n!” napahawak sa magkabilang pisngi ang isang babae.

Parang hindi ako makapaniwala na sa kalawakan natin… may mga ganitong creatures pala na nabubuhay sa ibang planeta!” nakangangang wika ng isang batang babae.

Nung una ko siyang makita, sa totoo lang, akala ko talaga babae siya! Hahaha!” natawa muli si Janella.

Napangiti ang isang dalaga. “Oh? Bakit naman?”

E, kasi Evah, ang haba ng buhok niya e, hanggang balikat tapos lagpas lang ng kaunti! Nakakahiya nga e, kasi natanong ko pa sa kanya kung babae ba siya o lalaki! Hahaha!”

Natawa ang iba.

Siguro wala naman ‘yun para sa kanya. Ayos lang ‘yun sa tingin ko.” ngumiti na lang si Evah.

Sana nakita namin siya!” kinilig ang mga babae.

Saka talagang naninibago ako simula nung makasama ko siya, lalo na nung pinapasyal niya ako sa Mharius.” masaya siyang bumuntong-hininga. “Ang saya-saya talaga namin.” ngumiti siya at tiningnan ang lahat.

Napangiti ang mga nakikinig.

“‘Yung mga bato, ‘yung kapaligiran, ‘yung hangin, ‘yung tubig… lahat! Ibang-iba talaga! Saka bukod pa do’n, ang nakakasama ko ay isang spirit! Hindi na isang tao!”

Sana magkaroon din ako ng isang spirit na kaibigan! Mukhang masaya kasi!” wika ng isang binatilyo.

Tumango si Janella. “Masaya talaga! Siya nga ang unang naging kaibigan ko na hindi tao. Pero kahit na isa siyang spirit, parang hindi ko siya naiisip na ganu’n. Isa pa rin siyang tao para sa ‘kin. Kasi halos lahat naman sa kanya ay parang wala namang pinagkaiba sa atin. Ang pinagkaiba lang niya sa atin ay ang hindi kayang magtagal sa mainit na temperatura… Saka hindi rin siya kumakain at may kapangyarihan siya. Pero kung paano siya kumilos, kung paano siya magsalita… parang tayo lang. Kaya hindi rin ako naiilang sa kanya. Hindi ko rin ginawa na baguhin ang sarili ko, limitahin ‘yung pagkilos at pananalita ko dahil iba na nga ang nakakasama ko. Pero…” nagkibit-balikat siya. “Hinayaan niya lang ako. Kung anong gusto kong gawin o sabihin, ayos lang. Malaya nga ako sa kanya kasi nagagawa ko rin ang mga gusto ko. Sa kanya ko nga lang nagagawa ang mga gusto kong gawin kahit na alam kong namumukha na akong baliw.” natawa siya saglit.

Napangiti muli ang lahat. “Ang gusto niya kasi siguro ay maging masaya ka lang, Your Highness. ‘Yun lang naman siguro ang hinahangad niya sa ‘yo.” masayang wika ni Evah.

Napangiti siya. Tumango siya at yumuko pagkatapos. Napapikit siya at muli siyang nakaramdam ng pagkalungkot. “Kaya nagustuhan ko rin siya dahil ganu’n nga siya. Hindi talaga siya sumuko sa ‘kin at… talagang nandiyan lang siya. Hindi niya talaga ako iniwan kahit na alam kong nasasaktan ko na siya. ‘Yung gusto niyang mangyari sa amin… talagang pinaglaban niya ‘yun. At ‘yun na nga, naging kaibigan ko siya at kung hindi dahil sa kanya…” napailing siya. “Hindi ko talaga siya makikilala at hindi ko malalaman kung gaano siya kasayang kasama...” tumingin muli siya sa kanyang mga kaibigan. Ngumiti siya ng kakaunti.

Tumango sila. “Naiintindihan namin.”

Parang naiinggit na ako!” wika ng isang binatilyo.

Oo nga Robert, sana nga may pagkakataon pa tayo na maging kaibigan siya.” sumang-ayon ang isang binatilyo.

Tama ka diyan, Aldrin.” ngumiti si Robert. “Sana nga.”

Ningitian ni Janella ang dalawa. May naalala siya bigla na masayang ikuwento. Bigla siyang natawa. “May naalala ako! May ikukwento ako sa inyong nakakatawa.”

Nasabik ang lahat na makinig kaya mas lumapit sila sa prinsesa. Mga nakangiti silang lahat.

Nasa maganda kaming field!” nakangiting wika ni Janella.

Talaga?!” napangiti rin ang lahat.

Oo! Tawag ko nga do’n paraiso! Tapos...” napatingin sa damuhan si Janella.

Nag-aantay lang ang mga nakikinig sa sasabihin niya habang mga nakangiti pa sila.

Tapos...?” nakangiti lang si Robert.

Tapos...” natulala na siya at bigla na lang nag-iba ang kanyang nararamdaman. Parang naiiyak na naman siya.

Nakatingin lang ang mga kaibigan niya sa kanya.

Napayuko na si Janella at napabuntong-hininga.

Nagulat sila nang mapansin nila na parang malungkot na ang prinsesa. Mga tumayo na ang iba para lapitan si Janella. Umupo sila sa tabi nito para himasin ang likuran.

Ayos lang ‘yan, princess.” wika ng isang babae.

Nakapikit lang si Janella habang nakayuko. Biglang tumulo na ang kanyang luha. “Andrea, Evah… makikita ko pa kaya siya?”

Tahimik lang ang lahat. Biglang naging seryoso na ang usapan.

Bakit hindi mo sinabi ang lahat sa nanay mo bago pa… nahuli ang lahat?” malungkot na tanong ni Evah.

Oo nga.” malungkot ring wika ni Andrea habang patuloy pa rin niyang hinihimas ang kanyang likuran.

Natatakot kasi ako.” pinahid ni Janella ang kanyang luha. “Kahit nga sa mga servants hindi ko rin masabi-sabi kahit na gustong-gusto ko na talagang sabihin. Pero alam kong mapapahamak kasi si Zavier kapag ginawa ko ‘yun. Sa totoo nga lang, nararamdaman ko rin naman kay Zavier na gusto rin niyang kausapin sila. Pero natatakot rin siya, kasi alam niya na hindi maganda ang mangyayari.”

Natahimik ang lahat.

Tumayo na si Evah mula sa kanyang tabi. “Tahan na, Your Highness.”

Tinakpan ni Janella ang kanyang mukha. Pinilit niya na huwag nang umiyak. Huminga siya ng malalim.

Napangiti na lang si Evah habang nakatingin sa prinsesa. Bigla siyang humimig. “Hmmhmmm…”

Napamilyar si Janella sa tono.

Pumikit si Evah at sinimulan na ang pagkanta.

 

When the day we met,

You are my rain while I’m your sunshine.

I thought to myself that maybe someday,

I will understand how you feel.

‘Cause I just need some time to know you more…

 

“Evah! Huwag mo nang kantahin ‘yan!” hinawakan ni Janella ang palda nito.

“Hahaha!” mabilis na umiwas si Evah. “Huwag ka na kasing umiyak!” at lumakad.

“Lalo kaya akong maiiyak kung kakantahin mo pa ‘yan!”

Nakangiti lang si Evah sa malayo.

“Huwag mo nang kantahin, Evah! Ikaw naman! Alam mo naman na ‘yan ang dedication song ko sa kanya e!”

Hindi pinakinggan ni Evah si Janella at pinagpatuloy muli niya ang pagkanta.

 

But the truth I see in your eyes and your smile,

Never thought that I would overcome such pain and sorrow.

Never thought that having someone like you,

Could be a reality…

 

Hindi na nakatiis si Janella at hinabol na niya ito. “Nakakainis ka, Evah! Dapat pala hindi ko na tinuro sa ‘yo ‘yung kanta!”

Hahaha!” tumatakbo lang siya. “Ang ganda kaya ng kanta mo!” muli niyang pinagpatuloy ang pag-awit habang tumatakbo.

 

Never leaving me alone, you've become my special friend.

When I cry, you wipe my tears.

When I’m alone, you’re always near.

When I’m lost, you give me hope!

 

EVAH!” sigaw ni Janella. “HUWAG MO NA KASING KANTAHIN!” muling pinahid niya ang kanyang luha.

Hahaha! Habulin mo ako!” nakatawa lang siya habang siya ay tumatakbo.

Biglang naalala na lang ng prinsesa ang mga habulan nila ni Zavier sa Harley Forest na halos mapikon na siya dahil hindi niya ito mahabol-habol.

NAKAKAINIS KA TALAGA EVAH! LALO AKONG MAIIYAK DAHIL SA PINAGGAGAWA MO E!”

Natatawa na ang mga kaibigan ni Janella habang pinapanood silang naghahabulan.

Habang sa loob naman ng palasyo, mga nagluluto lang ang mga servants para sa mga bisita ni Janella. Mga inaayos na rin ng iba ang mga lamesa’t upuan na gagamitin nila.

Nakita ni Gweine si Julius sa kusina na seryosong nagluluto. Nilapitan niya ito.

Napansin ni Julius si Gweine. Sumulyap ang kanyang mga mata sa kanya. “Anong problema?”

Wala lang, naalala ko lang ulit ‘yung ginawa mo sa ‘kin nung nasa Bhingelheim World tayo. Ikaw ha~! Nakita ko kung gaano ka ka-concern sa ‘kin~!” namula siya.

Manahimik ka na nga lang Gweine! Pinaiinit mo na naman ang ulo ko!”

Hmp~!” humalukipkip siya. “Palagi namang mainit ang ulo mo e, kailan ba lumamig ‘yan?”

Kinuha ni Julius ang toyo. “Gusto mong ibuhos ko sa mukha mo ‘to?”

Sumulyap ang mga mata ni Gweine sa toyo. “Ano ka ba~? Ang toyo ay hindi para sa mukha! Sasayangin mo lang e!”

Hindi ‘to sayang sa mukha mo!” masama niya munang tiningnan si Gweine at napailing pagkatapos. Nilagyan na niya ng toyo ang kanyang niluluto sa kawali.

Oh, di ba? Hindi mo rin nagawa kasi mahal mo ako! Hmp~! Hindi kita gusto ‘no~?! Makaalis na nga dito~!” humalukipkip siya at umalis.

ANONG SINABI MO?! ANONG AKALA MO SA ‘KIN MAY GUSTO AKO SA ‘YO DAHIL PINAGTANGGOL KITA NU’N?! GUSTO MONG SIPAIN KITA DIYAN?!” mabilis niyang sinundan si Gweine.

Clayden, Harony!” masayang tinaasan ng kilay ni Baron ang dalawa habang ngumunguya-nguya pa.

Masayang nag-aayos lang ng mga upuan at lamesa ang dalawa. Napatingin sila sa kanya nang marinig nila na tinawag niya ang kanilang pangalan.

Bakit?” ngumiti si Harony.

Tinaasan lang ng kilay ni Baron si Harony at sumulyap ang kanyang mga mata kay Clayden pagkatapos. “Psst!”

Ano na naman?!” nainis si Clayden.

Natawa si Baron.

Pumeywang si Harony at tiningnan niya ang dalawa. “Ano bang gusto mong sabihin kay Clayden?”

Nagkibit-balikat si Clayden. “Huwag mong pansinin ‘yan Harony.” inayos niya ang isang napkin sa lamesa.

Ganu’n?” bigla na lang niyang niyakap mula sa likuran si Clayden. “Hahaha!”

Nagulat at namula si Clayden.

“‘YUN OH! WOOOOHHHH!!!!” tuwang-tuwa si Baron habang napapalakpak pa sa tuwa.

Hinawakan ni Clayden ang mga kamay ni Harony na nakapalupot sa kanyang leeg. “H-Harony!”

Sus! Kunwari ka pa Clayden! KUNG AKO SA ‘YO HINDI NA AKO MAG-IINARTE PA! HUWAG KA NANG MAHIYA!”

BALIW KA BARON!” lalo siyang namula.

Takbo ka na Clayden!” masayang wika ni Harony. “Piggyback ride! Hahaha!”

Ilang oras ang lumipas, kumakain na ang mga kaibigan ni Janella sa loob. Palakad-lakad lang ang prinsesa habang pinupuntahan niya ang bawat lamesa.

Hinawakan niya ang isang sandalan ng upuan habang pinagmamasdan niya ang mga kumakain dito sa lamesa. “Pumunta kayo bukas ah. Aasahan ko ‘yan ha?”

Napatingin sa kanya ang mga kumakain. “Yes, Your Highness!” ngumiti ang isang binata.

Pupunta talaga kami!” ngumiti si Evah. “Siyempre naman di ba?!” kinindatan pa niya ang prinsesa.

Biglang nilapitan ni Janella si Evah. Ginulo niya ang buhok nito. “Ikaw ah! May kasalanan ka pa sa ‘kin!”

Hahaha!” inayos ni Evah ang kanyang buhok. “Sorry nga pala kanina!”

Muling ginulo ni Janella ang kanyang buhok. “Sabi mo huwag na akong umiyak pero ikaw naman ‘tong nagpapaiyak sa ‘kin lalo!”

Hahaha! Siyempre that’s what friends are for!”

Masaya lang na pinagmamasdan ng mga servants si Janella habang sila ay mga nakatayo.

Parang kailan lang…” mahinang wika ni Baron. “Dalawang taon na pala ang nakakalipas…” napangiti siya.

Napangiti rin si Gweine habang pinagmamasdan ang mga bisita. “Tama ka diyan Baron.”

18 na siya bukas.”

Napatingin si Gweine kay Janella. “Parang ganu’n pa rin siya ‘no? Walang nagbago sa kanyang itsura. Humaba lang ang buhok niya.”

Ngumiti na lang si Baron. “Oo, maganda pa rin.”

Natawa si Gweine. “Oo! Tama ka, kasing ganda ko pa rin.”

Habang si Adelaide naman sa kanyang kwarto, hawak-hawak lang niya ang kanyang magandang korona sa magkabila niyang kamay. Nakaupo lang siya sa kanyang kama.

Siguro, oras nang ibigay ang aking korona sa aking anak. Siya na ang bagong reyna at ang bagong mamumuno sa mundo.” marahan siyang ngumiti.

Kumuha si Janella ng kanyang plato at kumuha ng mga pagkain sa buffet. Nagulat ang mga servants ng makita nila na punong-puno na ng pagkain ang kanyang plato.

Princess Janella!” tawag ng isang binata. “Dito ka sa amin kumain!”

Teka lang!” kuha pa rin ng kuha si Janella ng mga pagkain. “Saan ako kakain?!” humarap na siya sa mga kumakain habang nakangiti.

DITO!!!!!” sabay-sabay silang lahat.

Dito princess!” tinuturo ni Evah ang kanilang lamesa.

Huwag! Dito ka!” wika naman ng kabila.

Palingon-lingon si Janella at nalilito na siya kung saan siya pupunta. “Nalilito ako! Para walang away dito na lang ako sa ibaba kakain!” umupo nga siya sa lapag.

Huwag princess!” nagtayuan na ang iilan para puntahan si Janella.

Dito ka!” tumayo na si Evah at mabilis siyang pumunta kay Janella. Hinawakan niya ang braso nito. “Sa amin ka kumain!”

Hahaha! Unfair naman sa iba!” sagot ni Janella.

Sa amin ka!” hinawakan naman ng isang babae ang kabilang braso niya.

Sa amin na muna siya Amy!” wika ni Evah.

Sa amin muna!”

T-Teka lang po!” nagsilapitan na ang mga servants.

Excuse me!” wika ni Clayden sa mga bisita.

Lumayo na ang mga bisita kay Janella. Binitiwan na rin nina Amy at Evah ang magkabila niyang braso.

Hahaha!” tumayo si Janella. “Wooh! Ang saya!”

Seryoso lang na nakatingin si Clayden sa kanya. “Ayos lang po ba kayo, Your Highness?” mahinahong tanong niya.

Oo! Maayos na maayos!” ngumiti siya. “Huwag kang mag-alala!”

May sarili ka pong lamea.” wika ni Baron habang katabi ang lamesa ni Janella.

Ahm…” umiling siya. “A-Ayoko. Gusto ko silang kasama sa lamesa e.”

Dito ka princess!” wika ni Robert habang tinuturo ang kanilang lamesa.

Ahm, pero madaya naman kasi para sa iba.” ngumuso siya. “Alam ko na! Hindi na lang ako kakain!”

Hala!” napanganga ang mga bisita.

Bakit?! Ayos lang ‘yun!” binigay ni Janella ang plato kay Clayden. “Para walang gulo!”

P-Princess, pero ito ang lamesa n’yo. Dito po kayo kakain.” wika ni Harony habang katabi rin niya ang lamesa nito.

Umiling si Janella habang nakatingin sa kanya. “A-Ayoko Harony.”

Gusto ka rin namin kasabay!” wika ng isang babae.

Hahaha! Mamaya na lang ako! Sige na, bumalik na kayo sa mga upuan n’yo!” muli siyang naglakad para puntahan ang mga lamesa.

Bumaba si Adelaide. Nakita nila itong lahat na bumababa sa hagdan. “Magandang gabi sa inyo.” ngumiti siya.

Queen Adelaide!” madaling tumayo ang mga bisita at sabay-sabay na yumuko para magbigay galang. “Magandang gabi rin po sa inyo!”

Nakatingin lang si Janella sa kanya. Ngumiti siya.

Kumusta ang lahat?” masaya niyang pinagmasdan ang mga bisita habang siya ay papalapit kay Janella.

Ayos naman po!”

Mabuti naman!” huminto siya sa harapan ni Janella. Tumingin siya sa mga mata nito. “Mag-usap tayo.”

Po?” nagtaka si Janella.

Mag-usap tayo sabi ko.”

A-Ahm, t-tungkol po saan? Para po bukas?”

Oo.” masayang tumango si Adelaide. Hinaplos niya ang buhok ni Janella at inipit niya sa tenga nito ang iilang buhok na nakaharang sa kanyang mukha.

O-O sige po.” ngumiti rin si Janella.

Halika sa kwarto ko.” hinawakan niya ang kamay ni Janella at naglakad patungo sa hagdanan.

Kain lang kayo diyan mga kaibigan!” masayang wika ni Janella sa kanilang lahat.

Maraming salamat!!!!” wika ng lahat.

Umakyat na sila ng hagdan at tumungo na sa kwarto.

Napag-isipan ko kasi na… bukas na ang tamang panahon para ibigay na ang posisyon ko sa ‘yo.”

P-Po?” nanlaki ang mga mata ni Janella.

Natawa ng marahan si Adelaide at alam niyang hindi siya makapaniwala. “Ikaw na ang magiging reyna, anak.”

Talaga po?! A-Ahm…” napatingin siya sa ibaba at biglang kinabahan. “P-Parang---”

Sshh… sshh… sshh…” pigil ni Adelaide sa kanya. “Iwasan mong mag-isip ng negatibo, Janella. Kaya mo ‘yan. Malaki ka na at alam kong kayang-kaya mo nang gawin ang responsibilidad ng isang reyna ng mundo.”

Napatingin si Janella sa kanya.

Magtiwala ka sa sarili mo, anak.” ngumiti siya at hinaplos niya muli ang buhok nito.

Nakatingin lang si Janella sa kanyang mga mata. Ngumiti siya at tumango.

Ilang oras ang lumipas at mga umuwi na ang mga kaibigan ni Janella sa kanilang mga bahay. Nasa kwarto na rin siya habang nakahiga na sa kanyang kama. Kakatapos lang niyang magdasal at ngayon ay nakatingin lang siya sa bintana niyang nakabukas.

“…I feel so lucky to have you by my side. And I will always be there for you too, to be your true friend till the end of time…” nakangiti lang siya habang inaawit ang kanyang kanta. Bigla niyang naalala ang sinabi ni Zavier sa kanya bago siya nawala.

Papanoorin kita sa langit na kokoronahan ka na bilang isang reyna, princess. Na kung saan hawak-hawak mo na ang buong mundo. Papaunlarin at papagandahin pa ang Destiny World. Isn’t that wonderful?”

Mangako ka sa ‘kin na hinding-hindi ka susuko. Kahit anong mangyari, magiging matatag at malakas ka. Please do me this honor.”

Napangiti na lang siya habang inaalala ang kanyang sinabi.

Crowning at debut ko na bukas, Zavier. Magiging reyna na ako at mamumuno na sa mundong ito.” mahinang wika niya. “Magdadalawang taon na rin bukas ang araw na dinakip mo ako dito... ‘Yung araw na nagkita at nagkakilala tayo.” napangiti siya. “Sana… nandito ka rin.” hinawakan niya ang pulseras sa kanyang bisig at tiningnan. “Na sa ‘yo pa kaya ‘to? Sabi ng matanda sa inyo, habangbuhay daw makakasama ang may suot ng kapares na ‘to. Kaya sana kung nasaan ka man ngayon, sana suot-suot mo pa rin ang kapares nito. Para… connected hearts pa rin tayo!”