40: The Celebration
I’m starting to feel alive again.
It’s been two years since that unforgettable challenge.
And now, I’m just pondering on those days.
I still thank the Lord for that challenge I had in my life.
Even though I knew deep down that I almost gave up.
Because I felt hopeless while I was suffering with depression.
But the Lord taught me how to be strong and to fought for the world.
And mostly, I'm so glad that the Lord gave me an opportunity,
To enter such a memorable, and unexpected journey with you, Zavier.
-The Princess
Umaga na at mas nauna nang nagising ang mga servants para mag-ayos at maghanda na ng mga pagkain para sa gaganaping partido mamayang tanghali. Kakagising lang ni Janella at nagsisimula na siyang mag-ayos ng kanyang sarili sa loob ng kanyang kwarto habang nasa loob rin si Harony para tulungan siyang ayusan.
Kakatapos lang maligo ng prinsesa. Nakasuot lang siya ng bathrobe habang siya ay nakaupo sa upuan. Nakita na naman niya ang ayaw niyang korset na nakapatong sa kanyang kama. “Ahm, pwede bang huwag na lang gown ang suotin ko?”
“Hindi po pwede.” kinuha ni Harony ang magandang gown sa tabi ng korset. “Kailangan n’yo pong magsuot ng gown at ito po ang susuotin n’yo.”
Tiningnan ni Janella ang gown. “Mahihirapan kasi ako diyan sigurado.”
“Pero hindi naman po pwede na magsusuot ka ulit ng nightgown. Napakaespesyal po ng okasyon natin ngayon.”
Napakamot na lang siya ng ulo. Humikab pa siya at mukhang gusto pang matulog. “O sige na… pagbigyan na ang gown. Ngayon lang naman.”
Masayang tumango si Harony. “Magsimula na po tayo, My Lady!”
Ilang minuto ang lumipas…
“Ang sakit talaga ng korset sa katawan! H-Hindi ako makahinga!” nakatayo lang ng diretso si Janella.
Binuhol na ni Harony ang laso sa likuran. “Gown na princess!”
“A-Ang hirap huminga Harony!” mariin siyang napapikit.
“Masasanay ka rin po, Your Highness!” kinuha na niya ang gown at pinasuot na sa kanya.
Pinagmasdan ni Janella ang sarili niya sa salamin. “Ang sikip!”
Habang sa ika-unang palapag naman, mga nakabihis na rin ang mga servants. Mga nakabarong ang mga lalaki habang mga nakasuot naman ng simpleng cocktail dress ang mga babae.
“Baron, may naisip akong maganda! Magpakita tayo ng mga larawan ni Princess Janella simula pagkabata hanggang sa paglaki niya sa ating mga bisita!”
“Ah, oo! Magandang ideya ‘yan! Para maiba naman!”
“Oo! Ito, nakita ko ‘to.” pinakita niya ang camcorder ni Janella.
“Oo nga! Sigurado akong may mga larawan siya diyan! Tara! Kunin natin ‘yung projector!”
Mga naglalagay at nagkakabit lang ang mga babaeng servants ng mga bulaklak sa buong palapag habang inaayos naman ng iba ang mga kinabit nilang mga tela sa magandang queen’s throne.
“Ngumiti ka.” nakangiting wika ni Harony habang nilalagyan siya ng blusher.
“Wala akong ideya kung bakit kailangan ko pang ngumiti.” nakapikit lang si Janella habang nakangiti.
Nananatiling nakangiti si Harony. “Basta ngumiti ka lang.”
“Tapos na ba?”
“Hindi pa, sa kabila naman.” at nilagyan naman ang kabilang pisngi.
“Ahm, crowning nga pala ba ang mauuna?”
“Yes, Your Highness. Mamayang hapon pa ang debut party.” pinagmasdan niya ang magkabilang pisngi ng prinsesa. “Tapos na! Pwede ka nang dumilat at tingnan ang sarili sa salamin!”
Marahan siyang dumilat. Nagulat siya nang makita niya ang kanyang sarili sa salamin. Natawa siya. “S-Sino ‘yan?!”
“Hahaha! Siyempre ikaw ‘yan, My Lady!” nakatingin din si Harony sa salamin habang pinagmamasdan si Janella dito.
“Hindi ako ‘to! Ang layo naman sa tunay kong itsura!” hinawakan niya ang magkabila niyang pisngi. “Ang cute! Sarap sampalin ng pisngi ko dahil ang pula-pula! Hahaha!”
Nakita ni Harony ang pulseras ni Janella sa kanyang bisig. “Princess, tanggalin natin ‘yan.”
“Ito?” hinawakan niya ang pulseras.
“Opo.”
“Ayoko! Huwag! Kahit nga sa pagligo, suot-suot ko pa rin ‘to e!”
“Pero hindi kasi nababagay sa ‘yo. Huwag kang mag-alala, may mga susuotin ka pang mas magandang pulseras kaysa diyan.”
Nainis si Janella dahil hindi niya nagustuhan ang kanyang sinabi. “Alam kong simple lang ‘to pero mahalaga ang pulseras na ‘to sa ‘kin.” hinawakan niya ang mahabang hikaw sa magkabila niyang tenga. “Ito ang gusto kong tanggalin! Pati itong kwintas! Ito ang mga hindi nababagay sa ‘kin!”
“Huwag! Okay okay! I-I’m sorry, Your Highness.”
Napalunok si Janella habang malungkot siyang nakatingin kay Harony.
“Patawarin n’yo na po ako.”
Dumating na ang mga bisita sa palasyo at mga nasa loob na silang lahat. Mga nasa gate lang sina Serah at Tofena para mag-abang ng mga bagong bisitang dadating.
“Ang ganda mo ngayon Serah!”
“Salamat! Ikaw rin.” seryosong wika ni Serah sa kanya.
“Astig ka talaga kahit kailan! Hindi ka lang pala gwapo, kundi maganda din hahaha!” natawa si Tofena.
May mga lamesa at upuan rin ang hardin dahil dito gaganapin ang debut party mamayang hapon.
Ilang oras ang lumipas at magsisimula na ang crowning party sa loob ng palasyo na gaganapin sa ika-unang palapag. Marami na ang mga bisitang nakaupo habang nakaupo naman sa kanilang harapan si Janella. Ningitian niya ang kanyang ina na nakaupo sa queen’s throne.
Marahang tumayo si Adelaide at ngumiti sa lahat ng bisita. “Sa loob ng ilang taon na ako ay naging isang reyna ng mundong Destiny, alam natin sa ating mga sarili na hindi sa lahat ng pagkakataon ay naging masaya tayo. Dahil may mga pagkakataon din na tayo ay naging malungkot sa ibang bagay. Naalala ko lang kasi bigla ang mga hindi nating inaasahang mga pagsubok na dumating sa ating mga buhay na mapapaisip na lang tayo na kung kaya ba natin ‘to harapin. Pero habang inaalala ko ang mga ito, naisip ko na lang bigla na ito pala ang magbibigay sa atin ng buong tatag sa sarili, talino at para maging malakas tayo sa iba’t-ibang bagay. Isa itong mga pagkakataon at aral para sa atin upang alamin ang ibig sabihin ng tunay na buhay. Lubos akong nagpapasalamat sa ating panginoon dahil nandiyan lang siya para sa atin. Hindi niya tayo pinabayaan at patuloy lang ang kanyang paggabay sa atin. Para sa lahat naman na nandiyan at hindi kailanman nang-iwan, lubos rin akong nagpapasalamat sa inyo sapagkat nakita ko ang kabutihan ng inyong mga puso na handa kayong tumulong sa anumang problemang haharapin ng ating mundo. At nangdahil nga sa pagkakaisa natin, nakamtan natin ang ninanais nating freedom mula sa La luna Spirits na gustong sumakop sa atin noon. Tandaan n’yo, isa lang ‘tong mga pagsubok na unang yugto patungo sa ating kadakilaan! At tayong lahat ay mga nagwagi nga sa huli!”
Nagpalakpakan ang mga bisita.
Marahang kinuha na ni Adelaide ang kanyang korona sa kanyang ulo. “And now, I’m giving my crown to my daughter, Janella, to be the new queen of our world, Destiny!”
Napatayo na ang lahat habang patuloy pa rin silang nagpapalakpakan. Naluha pa ang iilan sa pagkagalak.
“Woah! H-Hindi ko inaasahan na kokoronahan na pala siya ngayon! Congrats para sa aking kaibigan!” napangiti si Evah.
Malakas lang na pumapalakpak si Robert.
Tumayo na si Janella at hinawakan niya ang kanyang palda. Lumapit siya kay Adelaide at lumuhod sa kanyang harapan.
Nakangiti lang ang kanyang ina habang marahan na niyang sinuot sa ulo ni Janella ang kanyang korona.
Tumayo na si Janella at masaya siyang tumingin sa kanyang ina pagkatapos. “Kung mabigo man tayo sa anumang pagsubok na dumating sa atin, maniniwala pa rin ako na isa pa rin iyong yugto patungo sa ating kadakilaan!”
Napangiti si Adelalaide habang siya ay nakatingin sa kanyang mga mata.
“QUEEN JANELLA IRISH DOHERTY!” masayang sinigaw ng mga bisita ang kanyang pangalan.
Masayang tiningnan ni Janella ang mga bisita. “LET THE DANCE BEGIN!”
Nagsimula nang magtugtugan ang mga orchestral.
“Sayaw tayo, Evah!” masayang wika ni Robert.
“O sige ba!” mabilis na hinawakan ni Evah ang kanyang kamay at dinala siya sa gitna.
“B-Bakit ikaw ang humihila at nagdadala sa ‘kin? Dapat ako!” reklamo ni Robert.
“Hahaha! Bakit ba?! Mag-iba naman tayo ng style para kakaiba tayo sa lahat!” nakangiting wika ni Evah.
“Parang ginagawa mo naman akong bakla nito e!”
“Hay naku! Ang arte mo!”
Mga sumayaw na rin ang mga bisita sa gitna.
“Naiinggit ako~!” ngumuso si Gweine habang malungkot niyang pinagmamasdan ang mga bisitang sumasayaw sa gitna.
“Eh ‘di sumayaw ka mag-isa mo! May pumipigil ba sa ‘yo?” si Julius.
“Halika Gweine!” mabilis na hinawakan ni Mitch si Gweine sa mga kamay at mabilis silang umikot-ikot hanggang makarating sila sa gitna.
“Ah~! Nakakahilo naman Mitch~!”
“Wah!” tinuro ni Jonathan sila. “Parang trumpo! Hahaha!”
“Masaya ka na niyan? Umikot lang sila e pinagtatawanan mo na.” seryosong wika ni Christoph.
“Tara! Sayaw din tayo Christoph!” malakas na hinila ni Jonathan si Christoph.
“Bakit ako?! Maghanap ka ng babaeng partner mo!”
“Hindi tayo sasayaw ng parang mag-partner! Solo! Freestyle lang tayo! Ano ka ba?!”
Natawa siya. “Sabihin mo muna kasi! Hila ka na lang kasi ng hila diyan e!”
Nakangiti lang si Janella habang pinapanood ang mga bisita na sumasayaw. Nakaupo lang siya sa queen’s throne at muli niyang hinawakan ang kanyang pulseras. “Isa na akong reyna, Zavier… ISA NANG REYNA! Sana nakikita mo ako ngayon dahil alam kong gusto mo ‘tong mangyari sa ‘kin at ang pinakahihintay mong araw sa ‘kin.” napangiti siya. “H-Hindi na ako isang prinsesa. Gaya na nga lang ng pinangako ko sa ‘yo, gagawin ko ang buong makakaya ko para sa mundo. Hinding-hindi ako susuko. Lalaban ako! LALABAN!”
Lumapit ang mahiyaing si Aldrin sa kanya. “Your Majesty?” nahihiyang tawag niya sa kanya. “Ahm, c-can we dance?”
Napatingin si Janella sa kanya. “Oo naman!” tumayo siya. “Bakit naman hindi?”
Namula siya. “Ahehehe! S-Salamat!” inabot niya ang kanyang kamay sa kanya.
“Parang hindi naman tayo magkaibigan! Bakit ka nahihiya?” hinawakan niya ang kanyang kamay.
Umiling na lang siya at sinayaw na lang niya ito sa harapan ng trono.
Ilang oras ang lumipas at kumakain naman sila ngayon. Nagulat silang lahat nang bigla nilang nakita ang isang video sa pader. Kahit si Janella, nagulat rin. Natahimik silang lahat.
Nagulat si Baron at mabilis niyang hinila si Jonathan mula sa projector. “Anong ginawa mo?! Bakit binuksan mo na kaagad ‘yung projector?! Mamaya pa ‘yan dapat!” pabulong ngunit mataas na tonong sabi niya sa kanya.
Napanganga si Jonathan habang pinapanood ang video sa pader.
Papatayin na sana ni Baron ang projector ngunit lahat ay mga nakatingin at nanonood na sa video kaya hindi na niya ito pinatay pa.
Nakita nila ang isang mahabang punong-kahoy na nakalapag sa lupa. Narinig nila ang mga awitin ng mga ibon. Biglang lumabas sa video si Zavier at umupo siya sa mahabang punong-kahoy.
“Woah!” nagulat ang mga bisita nang makita nila ang binata.
“S-Sino ‘yan?” nagtaka ang iilan.
Nanlaki ang mga mata ni Janella nang makita niya ang video. “Hindi ko ‘to alam! I-Itong video na ‘to ay galing yata sa camcorder ko! At ‘yan ‘yung… araw na hinahanap ko siya dahil nawala siya bigla sa dalampasigan!” wika niya mula sa kanyang isip.
“Magandang araw sa ‘yo, princess. Sana masaya ka na ngayon. Katulad na nga lang ng sinabi ko sa ‘yo na gusto ko lang namang ibalik ang dating masayahing Princess Janella. Di ba naaala mo pa ‘yun?” ngumiti si Zavier sa video.
Napangiti ang mga nanonood nang marinig nila ang kanyang sinabi.
“Sana maayos ka lang palagi. Sana wala nang iba pang problema na dumating sa ‘yo na kasingbigat ng hinaharap nating problema ngayon.” yumuko siya saglit at tumingin muli sa camera.
Napatingin ang iilang bisita kay Janella.
“Pasensya na kung wala kang kaalam-alam na ginagamit ko na ang camcorder mo.” napangiti siya ng kakaunti. “Pero gusto ko lang naman sana na magbitiw ng huling mensahe sa ‘yo. Alam ko naman kasi na hindi tayo habangbuhay magsasama at ito na nga ang araw na hinihintay natin, ang huling pag-uusap at pagkikita natin. At ito na nga ngayon, makikita’t matatagpuan na natin ang refuge place na tinatawag natin. Alam kong nangako ako sa ‘yo at alam kong nangako rin ako sa aking sarili na iiwanan din kita sa huli na kapag alam kong ligtas ka na. Pero naisip ko ngayon na... mahirap pala gawin na iwanan ka kahit na alam kong ligtas ka na. H-Hindi ko na nga rin maintindihan ang aking nararamdaman para sa araw na ‘to... Masaya ako na malungkot dahil hanggang ngayon na nga lang tayo. Pero sana princess, naging bahagi rin ako ng buhay mo. Masaya ako sa sandaling panahon na tayo ay nagkasama. Ayos lang kung malilimutan mo ang aking itsura lalo na ang aking pangalan. Pero hangga’t maaari… sana ‘wag mong kalimutan ang mga ala-ala natin… Alam ko at damang-dama ko naman kung gaano ka kasi natuwa’t naging masaya sa ating pinagsamahan. At saka para kung nalulungkot ka, isipin mo lang ang mga ala-ala natin para bigyan ka lang muli ng saya kahit na hindi mo na ako kapiling habang ganu’n rin ako sa ‘yo princess. Palagi pa rin kitang ipagdadasal dito. Araw-araw ka pa ring iisipin na sana ay palagi kang masaya at nasa maayos ring kondisyon palagi. Ganu’n at ganu’n pa rin ako sa ‘yo kahit na hindi na tayo kailanman pa magkikita. Patuloy pa rin ako sa anumang ginagawa ko sa simula hanggang sa katapusan ng aking buhay. Nagpapasalamat ako dahil naging parte ka ng buhay ko at kung paano mo rin binigyan ng kulay ang aking buhay. Kahit na ilang araw lang tayo nagsama… sa sobrang dami ba namang masasayang nagawa natin sa mga araw na ‘yun ay parang ilang taon na rin tayo nagkasama. Sobra-sobra ako naging masaya simula nung makasama kita princess. Pero hindi porket na ito na lang ang huling araw natin, hindi ibig sabihin pati ang pagkakaibigan natin ay hanggang dito na lang din. Sana princess, para sa mga magiging kaibigan mo pa, sana mas mapaligaya ka pa nila… Sana mas mahigit pa sa kasiyahan na iniwan ko sa ‘yo ang mararamdaman mo mula sa kanila. Basta, ito ang tandaan mo palagi… forever, I’ll always remember you.” ngumiti na siya at tumayo na pagkatapos.
“Zavier?!” tawag ni Janella sa video. “…Nandiyan ka pala! Pinag-alala mo ako! Akala ko iniwan mo na ako!” napatakbo siya sa kanya at sabay yakap.
“AWWWWW!!!!” wika ng mga bisita.
“…Habulin mo ako princess! Hahaha!”
“Hala! Ang daya mo! Ang hirap mo kayang habulin!” tinutok niya ang camcorder kay Zavier.
Natawa ang mga bisita habang ang iilan ay mga naluluha na.
“ANG SWEET!!!!!” kinilig ang mga kababaihan.
Napangiti si Janella habang pinapahid ang kanyang luha sa kanyang pisngi habang nanonood.
Biglang nag-play ng panibagong video ang projector.
“Vini-video na kita! Ahahaha! Smile!” masayang wika ni Janella.
Ngumiti si Zavier at kumaway.
Tumahimik muli ang mga bisita at pinanood ito.
“Hahaha! Siya nga pala si Zavier! Ang aking kaibigan!” tinutok naman ni Janella ang camcorder sa dagat. “Hello guys! Ito nga pala ang Cadmus Sea! Ang ganda di ba?! Pero mas maganda ‘to kapag gabi!”
Kumunot ang noo ni Zavier. “Nakakausap ba ‘yan princess?” biglang naputol ang video.
Natawa ang mga bisita at nagpalakpakan sila pagkatapos.
Natawa rin si Janella at pumalakpak rin.
“Siya pala si Zavier. Nakakatuwa nga naman siyang kasama.” napangiti si Harony.
Nag-play ulit ng panibagong video.
“Hello!” kumaway si Janella. “Nandito ako sa Mharius! Ang mga puno… ang gaganda di ba? Berdeng-berde ang kulay ng mga dahon nila! Alagang-alaga ni Zavier kasi! Hahaha!”
“Hahaha! H-Hindi naman princess!”
“…Oo nga pala! Harley nga pala ang pangalan ng magandang kagubatang ‘to!” nakangiting wika niya. “Sooobraaanggg ganda talaga! Naku!”
“Maraming salamat princess!” nagthumbs-up si Zavier.
“…O sige! Paalam muna!” kumindat pa si Janella at kumaway. Naputol na muli ang video.
Tumayo ang mga bisita at muling nagpalakpakan.
“Paano ba ‘yan? Natupad na ang gusto mo! Nakita mo na si Zavier!” masayang wika ni Evah kay Robert.
“Iba nga ang itsura ni Zavier.” masayang wika ni Robert habang siya ay pumapalakpak.
“Ano ka ba? Hindi kaya! Kulay asul lang ang kanyang buhok! Parang tao din naman ang kanyang itsura e!”
Nag-play muli ng panibagong video ang projector.
“Princess!”
“…Uy!” kumaway na lang si Janella sa camcorder habang nakangiti. “…Nakikita n’yo ‘to? Mga mababango ‘tong mga bulaklak na binigay sa ‘kin ni Zavier! Amuyin n’yo.” nilapit niya ito sa camcorder.
“AAAAYYYYYYYIIIIIIIIII!!!!!!” muling kinilig ang mga bisitang babae. “Ang saya-saya naman nila!”
“…Ay oo nga pala! Ito ang paraiso. Malawak ‘to! Ang ganda pa! Sobra! Naku! Sana makapunta rin kayo dito balang-araw!”
“…Sana nga makarating kayo dito. Sana makita ko rin kayo. Para sama-sama tayong mamamasyal!” masayang wika ni Zavier sa video.
“MAGANDANG IDEYA ‘YAN ZAVIER! I LOVE YOU!!!!” sigaw ni Robert.
“Hoy!” malakas na sinikuhan ni Evah si Robert at natawa.
Natawa rin ang mga bisita nang marinig nila si Robert.
Nakangiti lang si Adelaide habang pinapanood ang video.
“Hello sa mga nanonood!” biglang sumalubong sa camcorder si Janella at kumaway ng malaki. “Ipapakita ko sa inyo kung paano mamitas ng mga bulaklak!” umupo siya at pumitas ng isa. “Dalawa… tatlo… apat!” pinakita niya sa camcorder ang mga pinitas niyang mga bulaklak.
“Hahaha! Nakakahiya!!!!” tinakpan ni Janella ang kanyang mukha nung makita niya ang kanyang pinaggagawa sa video na ito.
Muling nagtawanan ang mga bisita.
Nakita nila mula sa video na binigyan ni Janella si Zavier ng bulaklak.
“Zavier, para sa pang-dekorasyon mo oh!”
“Ah, salamat!”
“Zavier! Takbo tayo!”
“WOOOOOHHHHH!!!!!!!” muling nagpalakpakan ang mga bisita.
Malakas lang na pumapalakpak si Robert. “ZAVIER! IDOL KITA! SANA NARIRINIG MO AKO!”
“…Ito kami ni princess, tumatakbo!” masayang wika ni Zavier mula sa video.
“Oo! Kasama ko ang madayang si Zavier!” sagot naman ni Janella mula sa video.
“ANG DAMI N’YONG MOMENTS!” sigaw ng isang bisita na nanonood.
“MGA SWEET AND FUNNY MOMENTS NILA!!!!” sigaw naman ng isang dalaga.
Naputol na muli ang video at nag-play muli ito ng panibago.
“Hay... Zavier, ano pa ba ang gusto mong gawin? ‘Yung gusto mo pang mangyari?”
“Wala na princess. Sa tingin ko lahat naman ay natupad na. Isa na lang ang hinihintay ko… Maging isang tunay na tagapagligtas at bayani mo. Para maibalik ang dati at tunay na masayahing ikaw. ‘Yung maging malaya mula sa amin.” nakangiting sagot niya.
“AAAAAAAYYYYYYYYYIIIIIIIIIIII!!!!!!!!!!!!!!!!!!” muling kinilig ang mga kababaihan.
“Ang swerte! Sana magkaroon din ako ng ganyang kaibigan!” naluha pa ang isang dalaga.
Mga nagpalakpakan muli ang mga bisita na may halong hiyawan.
Tumayo na si Janella habang pumapalakpak. “Nakita n’yo ‘yung lalaking ‘yun? Siya si Zavier! Ang isa nating kaibigan at ang isa na rin nating bayani!”
Patuloy lang na nagpapalakpakan ang mga bisita.
“Nakakaiingit ang mga ganu’ng karanasan!” wika ng isang dalaga.
“Tama ka diyan!” malakas lang na pumapalakpak ang isang binata.
“SANA MAY MGA GANYAN DIN TAYONG MOMENTS ZAVIER!!!! PERO ALAM KONG NAPAKAIMPOSIBLE NA ‘YUN MANGYARI PA!!!!” sigaw muli ni Robert. “PERO INIIDOLO PA RIN KITA NG BUONG PUSO!!!” naluha na rin siya.
“Hoy!” muling sinikuhan ito ni Evah. “Hindi mo ba napapansin sa sarili mo na nababakla ka na?! Hahaha!”
Masasayang umupo na muli ang mga bisita sa kanilang mga upuan at muli nilang pinagpatuloy ang kanilang pagkain.
Ilang oras muli ang lumipas at magsisimula naman maya-maya ang debut party. Nasa hardin na ang mga bisita habang silang lahat ay nakaupo na sa kani-kanilang mga upuan. Ang huling dumating ay si Janella habang iba na ang kanyang kasuotan.
“Ang ganda talaga niya.” mahinang wika ni Aldrin.
“Mas lalo siyang nagmukhang laruan. Ang cute!” napangiti si Evah habang pinagmamasdan si Janella.
Umupo na si Janella sa kanyang magandang upuan. Suot-suot na niya ang kwintas ni Zavier na tanging naiwan sa kanya nung siya ay nawala. Hinawakan niya ito habang masaya niyang pinagmamasdan ang mga bisita sa kanyang harapan.
“Magandang hapon sa inyong lahat Ladies and Gentlemen! At ngayon po ay magsisimula na ang debut party ni Queen Janella!” masayang wika ni Baron sa lahat.
Pumalakpak ang mga bisita.
“Maraming salamat sa inyong lahat na nandito!” pumalakpak rin si Janella habang nakatawa.
Ilang minuto ang lumipas, pagkatapos ng panimula ni Baron ay nagbigay pa ng talumpati si Janella para sa lahat. At ngayon ay ang abutan na ng 18 candles sa kanya. Masayang nakikinig si Janella sa mga sinasabi ng kanyang mga kaibigang babae habang siya ay nakaupo.
Si Evah ang pang-18th candle. Lumakad na siya sa pink carpet at siya ay huminto sa harapan ni Janella. Nagpalakpakan muli ang mga bisita.
“Queen Janella, nagpapasalamat ako dahil naging kaibigan kita. Masayang-masaya ako dahil nasasabi ko sa ‘yo ang mga hinakikit ko minsan.”
“Anong hinanakit?! Bakit wala kang sinasabi sa ‘kin?!” nagtaka si Robert.
“Ssshhh!!!!” nag-silent pose si Evah at tiningnan ng masama si Robert sa likuran.
Nagtinginan ang mga bisita sa kanilang dalawa.
“Bakit wala kang sinasabi sa ‘kin?! Parang hindi naman tayo magkaibigan!”
“Girls talk lang kasi ‘yun!”
“Ah…” tumango si Robert. “Okay, now I know.”
Natawa ang mga bisita.
“E-Ehem…” muling tumingin si Evah kay Janella. “…Tapos nandiyan ka lang palagi. Ahm, parang kahit na alam kong maharlika ka, minsan naiisip ko pa rin na parang isa ka pa ring ordinaryong tao para sa ‘kin. Kasi minsan nga di ba, nakikipaghabulan ka pa sa amin. Tapos, naghaharutan pa tayo.”
“Masaya ako do’n, Evah.” ngumiti si Janella. “Isa n’yo akong kaibigan. Malaya kayo kung ano man ang gusto n’yong ibahagi sa ‘kin. Nandito lang ako kung gusto n’yo akong maging isang kaibigan at malaya rin akong lumapit sa inyo para makipagkaibigan. Makipaglaro sa inyo, makipagkulitan at makipag-usap. Pantay-pantay lang tayo. Hindi dahil na isa akong prinsesa noon at ngayon ay isa nang reyna ng mundo ngayon ay wala na akong karapatang gawin ang mga bagay na gusto kong gawin sa buhay. Masaya ako sa ginagawa ko at alam kong masaya rin kayo.”
Napatayo ang mga bisita at nagpalakpakan.
Pumalakpak rin si Evah habang nakangiti. “Mas naging masaya ako nang maging parte ka ng buhay ko bilang isang kaibigan. Maraming-maraming salamat Queen Janella!” yumuko siya para magbigay galang.
Mga nagpapalakpakan lang ang mga bisita. Pinuntahan pa ni Janella si Evah para yakapin.
Tuluyan nang lumubog ang araw. 18 roses dance na ang kasunod nang matapos na ang 18 candles. Mga nakasayaw ni Janella ang mga malalapit niyang mga kaibigan sa buhay. Masaya silang sumasayaw habang may halo pang pag-uusap. Pangalawa niyang nakasayaw sa huli ay ang mahiyaing si Aldrin. Tawa nga ng tawa si Janella dahil nakayuko ito habang sinasayaw siya. Titingin lang sa kanya kapag kakausapin lang siya ngunit yuyuko muli pagkatapos. Natapos ang matamis nilang sayawan na halos tahimik lang sila magdamag.
Inaabangan ni Adelaide kung sino ang pang-18th rose dance ni Janella dahil wala na ang tatay nito. “Malaki na ang anak natin, Fremir.” ngumiti siya ng kakaunti. “Sanggol pa lang siya simula nung iniwan mo kami. Hindi ka na bumalik… nasaan ka na ngayon? Sana bumalik ka...”
“18th rose dance!” masayang wika ni Baron.
Tumayo na ang mga bisita at muling nagpalakpakan.
“Maligayang kaarawan sa ‘yo, Queen Janella Irish Doherty.”
Natahimik ang mga bisita. Lumingon-lingon sila kung saan galing ang boses na ‘yun. Pati ang mga orchestral, tumigil rin sila sa pagtutugtog.
Napansin ni Janella na may nakatayo sa kaduluhan ng carpet ngunit hindi niya maaninag ang itsura nito dahil medyo madilim na sa pwestong ito.
Lumakad ang lalaki sa carpet habang siya ay nakangiti hanggang sa siya ay natamaan na ng liwanag. Nakasuot siya ng cloak hood habang nakasuot rin sa kanyang ulo ang hood. Pinakita niya ang pulseras na nasa kanyang bisig at ngumiti pagkatapos.
Nagulat ang mga bisita habang sinusundan nila ito ng tingin. Ganu’n rin si Janella, nanlaki pa ang kanyang mga mata at napahawak pa tuloy siya sa kanyang pulseras nang makita niya ang pulseras ng lalaki. Bigla niyang tinakpan ang kanyang bibig at biglang naluha pagkatapos.
Napanganga si Robert habang pinagmamasdan ang lalaki na naglalakad sa carpet.
Huminto siya sa harapan ni Janella. “Parang kailan lang simula nung tayo ay nagkasama. Sana wala pa ring nagbabago sa atin. Parang kailan lang na ‘Princess’ ang tawag ko sa ‘yo at ngayon ay magiging ‘Your Majesty’ na.”
Tahimik lang ang lahat habang nakatingin at nakikinig sa kanya.
Napangiti ang lalaki. “Masayang-masaya ako dahil nakita muli kita pagkatapos ng dalawang taon. At mas lalo mo pa akong pinasaya dahil isa ka nang reyna ng mundong Destiny ngayon!” tinanggal na niya ang cloak hood sa kanyang katawan at masaya niyang binuka ang magkabila niyang braso. “I’m back!”
“ZAAAAVVVVIIIIEEERRRRRR!!!!!!!!!!!!!!!!!!!” napatakbo na si Janella papalapit sa kanya at mahigpit niya itong niyakap.
“A-Ano?!” masayang tumayo si Adelaide habang pinagmamasdan ang dalawa.
“SI ZAVIER?!” sumayad na sa damuhan ang bunganga ni Robert dahil sobra siyang hindi makapaniwala na makikita pa niya ang kanyang iniidolo sa buhay. “A-ANO?!”
“OH, MY!” napahawak sa magkabilang pisngi si Evah. “ANG ATING BAYANI! BUMALIK!!!!”
“ZAAVVIIIEERRR!!!!!!!!!!!” mga nagtalunan pa ang iilang kababaihan dahil sobra-sobra silang natuwa habang malakas namang nagpapalakpakan ang mga kalalakihan na may halo pang hiyawan.
Mahigpit ring niyakap ni Zavier si Janella. “Gaya ng sinabi mo, there’s no goodbye between us!”
Lubos lang na umiiyak si Janella sa kanyang balikat habang hindi pa rin makapaniwala sa nakikita. “P-Paano ka nakabalik?!” tiningnan niya ang mga mata ni Zavier.
“Ikaw ang nagbalik sa ‘kin! Your prayer and song brought me back to life! Maraming salamat sa ‘yo!” masaya niyang wika habang nagtutubig na rin ang kanyang mga mata.
Lalo siyang naiyak. “I’ve missed you! I’ve missed you so muuuchhh!!!!” pinagsusuntok niya ang dibdib nito. “AKALA KO HINDI NA KITA MAKIKITA PA! AKALA KO HINDI NA RIN KITA MAKAKASAMA PA!” muli niya itong niyakap at mas lalo niya pang hinigpitan.
Natawa ng marahan si Zavier at pumatak na ang kanyang luha sa tuwa. Hinalikan niya muli ang noo nito.
“18th ROSE DANCE! 18th ROSE DANCE! 18th ROSE DANCE! 18th DANCE!” sigaw ng mga bisita. “WWOOOOOOOHHHHHHH!!!!!!!!” naghiyawan silang lahat.
Marahang bumitaw si Janella sa kanya. Umiiyak pa rin siya habang pinapahid na niya ang kanyang mga luha.
“Zavier.” tawag ni Adelaide sa kanya.
Napalingon si Zavier sa kanya at tiningnan. Nakaramdam siya ng kakaunting kaba habang nagsitahimik naman muli ang lahat.
Ningitian siya ni Adelaide habang nagtutubig-tubig na rin ang kanyang mga mata. “Masaya ako’t nakita muli kita. Sa tingin ko ito na ang aking pagkatataon para magpasalamat sa kabutihang ginawa mo sa amin. Lalong-lalo na ang paghingi ng paumanhin sa lahat-lahat ng bagay na ginawa at nasabi ko sa ‘yo noon.”
Tahimik lang ang lahat habang nakatingin lang sila sa kanilang dalawa.
“Maraming-maraming salamat dahil mas pinili mo pa rin kaming iligtas nu’n kahit na alam kong nasaktan ka namin.” tumulo na ang kanyang luha. Hindi muna siya sumagot at dahan-dahan niya muna itong pinahid. “Nandiyan ka para sa amin habang wala naman kami sa ‘yong tabi para suportahan ka. Napakabuti mong nilalang, Zavier. Sana mapatawad mo pa ako… pati na rin ang buong mundo sa nagawa naming mali sa ‘yo.”
Napangiti si Zavier habang nakatingin sa kanya. “Ayos na po ‘yun. Basta ang importante po ngayon ay magkakasama na po tayong lahat.” lumapit siya kay Adelaide at niyakap.
Nagpalakpakan na muli ang mga bisita.
Nagulat siya nang bigla siyang yakapin. Bigla na siyang naiyak ng tuluyan. Niyakap na rin niya si Zavier. “Ipagpaumanhin mo talaga ako sa lahat ng nasabi ko sa ‘yo! IPAGPAUMANHIN MO AKO, ZAVIER!” at mahigpit na niya itong niyakap.
Muling tumulo ang isang luha ni Zavier habang mahigpit rin niya itong niyayakap. “Wala na po ‘yun at kalimutan na po natin ‘yun.” bumitaw na siya at ningitian niya muli si Adelaide.
Masaya ring pumapalakpak si Janella habang patuloy lang siyang umiiyak.
Napatingin si Zavier sa kanya at nilapitan. Pinahid niya ang mga luha nito habang nakangiti.
Masaya lang na nakatingin si Janella sa kanyang mga mata habang humihikbi-hikbi pa. “M-Masayang-masaya ako ngayon, Zavier… Dahil pagkatapos ng dalawang taon, sa wakas ay nagbati na rin kayo ni ina!”
Malumanay na ngumiti si Zavier at inipit niya sa tenga ni Janella ang iilang buhok niyang nakaharang sa kanyang mukha. Pinahawak niya sa kanang kamay niya ang kanyang rosas at pagkatapos ay hinawakan na niya ang magkabilang kamay nito. “Your Majesty, will you honor me with a dance?”
Muling kinilig ang mga kababaihan. “HINDI NAMIN INAASAHAN NA SI ZAVIER PALA ANG PANG-18th na magsasayaw!”
Malakas muling nagpalakpakan na may halong hiyawan ang mga kalalakihan. “ZAVIER! ZAVIER! ZAVIER! ZAVIER!”
Muling niyakap ni Janella si Zavier habang hawak-hawak niya ang rosas. “Oo naman! Ikaw pa!” natawa siya ng kakaunti.
Nagtugtog muli ang mga orchestral.
Napapikit si Zavier at mahigpit rin niya itong niyakap. Sumayaw na sila habang magkayakap.
Pumapalakpak rin si Adelaide habang sila ay masaya niyang pinapanood.
Nakasandal lang ang ulo ni Janella sa kanyang balikat habang nakapikit. “Ayoko nang bumitaw sa ‘yo… sobra talaga kitang na-missed.” mahinang wika niya.
“Hindi na ako aalis pa… mananatili na ako sa ‘yong tabi.”
Masayang bumuntong-hininga si Janella. “Ikaw ang greatest gift na natanggap ko ngayong 18th birthday ko. Hindi pa rin ako makapaniwala hanggang ngayon! Ginulat mo ako! Sobra! Full of surprises ka talaga!” masaya niyang tiningnan ang mga mata ni Zavier pagkatapos.
Napangiti si Zavier habang nakatingin rin sa kanyang mga mata. “I will keep surprising you. Kung paano mo ako nakilala sa simula, ganu’n pa rin ako sa huli.”
Napangiti siya. “Napanood ko nga rin ang video mo sa camcorder ko! Sinurpresa mo rin ako sa mga sinabi mo!”
Natawa lang ng marahan si Zavier at hinimas niya ang ulo nito pagkatapos.
“Zavier…?” bumilis ang pagtibok ng kanyang puso. “I honestly didn’t think you’d ever mean so much to me. I didn’t know I’d feel this way when we became friends... but I honestly love you, even more than a friend!”
Mga nagpapalakpakan lang ang mga bisita habang masaya silang pinapanood. Gabing-gabi na nang matapos ang partido. Nasa kwarto na si Janella. Nakasuot na siya ng nightgown habang siya ay nakahiga na sa kanyang kama.
Nakaupo lang sa upuan si Zavier habang katabi niya ang kama ni Janella. Nakangiti lang siya habang tinitingnan ang mga mata ni Janella na nakatingin rin sa kanya.
“Dito ka lang ha?” napangiti si Janella.
“Oo, dito lang ako, papanoorin lang kitang matulog.”
“Bakit hindi ka rin kaya matulog?”
Umiling siya. “Babantayan kita.”
Napangiti at namula si Janella. Umupo siya at hinawakan niya ang magkabilang pisngi ni Zavier. Hinalikan niya ang noo nito. “Good night.” humiga na muli siya pagkatapos.
Kinabukasan ng umaga, mga gising na ang lahat at mga nagtatrabaho na muli ang mga servants. Sina Janella at Zavier naman ay nasa kwarto pa rin habang masayang nag-uusap.
“Na-missed ko ‘yung maganda mong blue eyes.” masayang wika ni Janella habang siya ay naka-indian sit sa kanyang kama. “Pati ang maganda mong buhok.” hinaplos niya ang buhok nito ngunit may napansin siya bigla sa iilang hibla ng kanyang buhok. “Hm? Bakit parang dark green na brown ang buhok mo na dito sa ilalim?” kumunot ang kanyang noo at tinitigan itong mabuti. “H-Hindi ko medyo maintindihan ang kulay! B-Bakit ganito na ‘to?”
Tahimik lang si Zavier habang hinahayaan lang niya si Janella na pakialamin ang kanyang buhok. Nakatingin lang siya sa kanya.
Binitiwan na ni Janella ang kanyang buhok. “Hm, pero madulas pa rin ang buhok mo. Ganu’n pa rin kaganda.”
Natawa siya ng marahan. “Maraming salamat.”
“Uhm, Zavier? Pwede ba akong magtanong? May gusto pa rin kasi akong malaman.”
“O sige.” ngumiti lang siya.
“Sabihin mo pa nga sa ‘kin kung ano pa ‘yung iba mo pang dahilan kung bakit ginusto mo talaga akong iligtas? Alam mo ‘yun? ‘Yung TUMUTULAK TALAGA SA ‘YO na gawin ‘yun para sa ‘kin?”
“Iniiwasan lang talaga kita kay Everestine. Gusto lang talaga kita ilayo mula sa kanya at maging ligtas mula sa kanila. At higit sa lahat, napakaimportante mo rin kasi sa ‘kin.” ngumiti saglit si Zavier sa kanya ngunit napatingin siya sa ibaba pagkatapos. “Pero ngayon, naiisip ko pa ang isa ko pang dahilan kung bakit gusto talaga kitang iligtas. ‘Yung tumutulak talaga sa aking puso na gawin ‘yun. At sa tingin ko ito ang pinakadahilan ko talaga kung bakit masyado kitang inaalala at pinoprotektahan.”
“A-Ano ‘yun?” mausisang tanong niya.
“Ayoko kasing mapariwara ang mundong sinilangan ko. Ayokong masakop ang mundong ito. Gusto ko pa rin kasing magtuloy-tuloy pa ang henerasyon ninyo.”
Kumunot ang noo ni Janella at mukhang naguluhan. “Ano? Anong ibig mong sabihin?”
Tumingin na si Zavier sa kanya at ningitian niya ito ng kakapiranggot. “Isa akong tao noon... ngayon ko lang naalala simula nung ako ay nabuhay ulit. Muling bumalik na ang aking memorya.”
“Ha?!” hindi makapaniwala si Janella at muntik pa siyang mahulog sa kama. “Isa kang tao noon?! P-Pero bakit naging isa ka nang La luna Spirit ngayon?!”
“Dinakip kasi ako ni tiyo dito dahil hindi ko sinabi sa kanya ang tungkol sa ‘yo nung araw na nagsisimula na silang magkaroon ng masamang balak sa inyo. Masama si tiyo nung makilala ko siya, pero nagbago din siya sa huli.”
Nanlaki ang mga mata ni Janella. “K-Kaya pala sinasabi mo sa ‘kin na kilala mo na ako noon pa! Ikwento mo nga sa ‘kin kung ano ang buhay mo noon?”
“Nung ako ay tao pa, lumaki ako ng walang magulang. Iniwan nila ako sa mura kong edad kaya lumaki akong tahimik at mahiyain. Minsan nga, kapag ikaw ay dumadalo sa aming siyudad, wala akong lakas ng loob na makipag-usap at makipagkaibigan sa ‘yo. Nakakaramdam nga ako ng inggit kapag nakikita ko ang mga kapit-bahay ko na kasama ka at kausap.”
“Baka naman nakausap na kita! Baka hindi mo lang maalala!”
Umiling siya. “Hindi talaga, dahil ako kasi mismo ang lumalayo sa ‘yo. Nahihiya kasi ako.”
Tinakpan ni Janella ang kanyang bibig at hindi pa rin siya makapaniwala. “G-Ganu’n ba?! Teka, mga ilang taon ako nu’n?!”
“Labinlimang taong gulang ka pa lang nu’n habang ako ay labing-walong taong gulang na nu’n.”
“Ah, eh ‘di ilang taon ka na ngayon?”
“Labing-walo pa rin, huminto kasi ang aking edad simula nung ako ay naging isang La luna Spirit.”
Napanganga siya dahil ngayon lang niya nalaman ang kanyang edad. “Magkasing edad na pala tayo ngayon!”
Natawa saglit si Zavier. “Oo, saka nung mga araw na ‘yun, mahilig rin akong mag-ukit sa mga bato, sa mga kahoy. Ang gumawa ng iba’t-ibang sculptures ang aking trabaho nu’n.”
“Kaya pala ang galing-galing mo mag-ukit e!”
Napangiti siya. “Nadala ko nga ang gawain ko na ‘yun sa pagiging isa kong La luna Spirit. Pero ang memorya ko na bilang isang tao ay tuluyang nawala kaya wala akong kaalam-alam na isa pala akong tao noon.”
“Pero mabuti naman at hindi mo ako nakalimutan.”
Umiling muli siya habang nakangiti. “Hinding-hindi talaga kita malilimutan dahil na sa ‘yo ang aking pangarap na maging isang bayani at dahil napakaimportante mo nga rin sa ‘kin. Saka hindi mo ba alam, simula nung malaman ko ang masamang plano nila, pinupuntahan na kita dito galing Bhingelheim para lang makita at masigurado ko na... ayos ka lang. Binabantayan na talaga kasi kita simula pa lang.”
Namula si Janella. “B-Buti hindi ka napapagod…”
Nananatili lang na nakangiti si Zavier. “Isa ko ‘yung hangarin at hindi ako kailanmang napagod sa mga pangarap ko. Hindi rin ‘yun isang obligasyon at lahat-lahat ng ginawa ko para sa ‘yo ay nagmumula ‘yun sa aking puso.”
Na-speechless na siya. “M-Maraming salamat talaga Zavier.”
Hinimas ni Zavier ang ulo ni Janella. “Muli akong nagpapasalamat sa ‘yo dahil tinupad mo ang aking mga pangarap.”
Namula siya. “Alam mo? Hango siguro ang pangalan mo sa salitang ‘savior’ kaya siguro Zavier ang pangalan mo dahil simula’t sapul magiging savior ka pala namin!”
Natawa siya saglit. “Zavier, savior? Oo nga, magkatunog nga.”
Natawa si Janella. “You are my sweetest mightiest savior!” bigla niya itong niyakap. “K-Kaya siguro nag-iiba na ang kulay ng buhok mo dahil bumabalik ka na sa pagiging tao!”
Matapos ng ilang oras, nagbalak ang dalawa na mamasyal sa iisang kontinente ng Destiny habang kasama ang ibang kaibigan ni Janella. Nasa tabi sila ng dagat habang umiihip lang ang malakas na hangin dito.
“WOOHOO!!!!!” masayang wika ng mga kaibigan ni Janella habang sila ay nakalusong sa dagat.
Magkatabi lang sina Janella at Zavier sa buhanginan habang nakaupo.
“Akala ko hindi na ako makakapunta pa dito, kasi nalunod na ako dito e.”
Napatingin si Zavier sa kanya. “Bakit?”
“Nalunod ako sa kakulitan ko nung bata pa ako.” tiningnan niya ang dagat.
“Pero hindi na muli ‘yun mauulit dahil tinuruan na kita lumangoy di ba?”
“Oo.” napangiti si Janella at muli siyang tumingin sa binata. “Salamat sa ‘yo kasi nang dahil sa ‘yo, nakarating ulit ako dito.”
Napangiti si Zavier. “Wala ‘yun. Basta para sa ‘yo, gagawin ko ang lahat.”
Bigla siyang namula. “Hahaha! Ako rin sa ‘yo!” at bigla niyang sinuntok ang braso nito.
“Aray!” napahawak siya sa kanyang braso. “Alam mo, Your Majesty? Hindi ka pa nga rin nagbabago.”
“Ay! Hahaha! Pasensya na!” at nag-peace pose. “Magiging ganito na talaga ako hanggang sa pagtanda ko na!”
Natawa na lang ng marahan si Zavier at muling tiningnan ang dagat.
Bumuntong-hininga muna si Janella bago siya nagsalita. “Alam mo, tao ka na nga talaga Zavier.” napangiti muli siya.
“Hm? Paano mo naman nasabi?” napatingin ang binata sa kanyang mga kamay. “H-Hindi pa siguro.”
“Oo kaya! Hindi mo ba napapansin na nakakatagal ka na dito? Mainit kaya dito! Ayan lang ang araw oh!” at tinuro ang araw sa itaas.
Tiningnan ni Zavier ang araw at malumanay siyang ngumiti. “Oo nga.”
Napatingin si Janella sa kanya. “Saka halos hindi na kulay asul ang buhok mo ngayon. Pinalitan na ito ng bagong kulay.”
“Dark olive green ang tawag sa ganitong kulay.”
“Ah, okay.” napatango si Janella habang pinagmamasdan ang kanyang buhok.
“Pero sigurado ako na asul pa ang kulay ng mga mata ko.”
“Patingin!” mabilis na hinawakan ni Janella ang magkabilang pisngi ng binata at hinarap niya ito sa kanya. Tiningnan niyang maigi ang mga mata nito. “Oo nga, asul pa nga. Anong ibig sabihin nu’n?”
“Isa pa rin akong spirit.”
“Pero magiging tao ka na di ba?”
Napaisip si Zavier.
Si Janella na lang ang sumagot. “Oo! Magiging tao na ako, Janella!” wika niya habang pilit pa niyang gayahin ang boses ni Zavier.
Natawa siya saglit. “H-Hindi ako sigurado.”
“Zavier! Langoy tayo!” masayang wika ni Robert habang siya ay nasa dagat.
“O sige!” tumayo si Janella.
“Hindi ikaw!” si Evah. “Si Zavier daw!”
Natawa si Janella. “Hahaha! Grabe ka talaga, Evah! Siyempre kung nasaan siya, nando’n din ako dapat!”
“Lumipad muna tayo sa mga ulap!” tumayo si Zavier habang masaya siyang nakatingin sa lahat.
Tumahimik ang lahat bigla. Napatingin sila sa isa’t-isa dahil hindi nila naintindihan kung anong ibig niyang sabihin.
“L-Lilipad?” kumunot ang noo ni Robert.
Napaisip si Janella at mukhang naintindihan na niya kung anong ibig sabihin ni Zavier. “Ah! Oo! Kaya niya kasi na maging isang dragon!” masayang wika niya habang nakataas pa ang kanang hintuturo niya sa hangin.
“DRAGON?!” nagulat ang lahat.
“Tama, dahil simula nung araw na tinulungan ako ng aking diyosa, nadala ko na hanggang ngayon kung paano maging isang dragon. Natutunan ko ‘yun sa kanya.” ngumiti si Zavier.
“History na lang ‘yan.” napangiti si Janella. “‘Yun ‘yung araw ng kaguluhan para sa kapayapaan ng mundo natin.”
Humanga ang lahat. “Wo...w!”
Natawa si Zavier habang pinagmamasdan silang lahat. “Kaya… halina kayo!”
“YEEEESSSS!!!!” nasabik silang lahat.
Ilang minuto lang ang lumipas, nasa itaas na sila kaagad.
“AAAAAAAAHHHHHHHHHHHH!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!” sigaw ng mga babae.
“WOOH! HANEP! ANG GANDA NG MUNDO NATIN!!!!!!!!!” masayang sigaw ni Robert.
Pumasok pa ang Water Dragon sa makakapal na ulap.
“WOOOOOOW!!!!!”
Biglang lumipad pababa ang dragon at lumipad sa ibabaw ng dagat.
Inabot ni Janella ang kanyang kamay sa tubig at hinayaan niya itong dumampi sa kanyang kamay.
“WOOOOOHHHHH!!!!!!!! ANG SAARRAAPPP!!!!!” binuka ng mga lalaki ang kanilang mga braso at dinamdam sa kanilang mga balat ang malamig na hangin.
Lumipad muli ang Water Dragon paitaas.
Nabigla silang lahat. “AAAAAAHHHHHHHH!!!!!!!!!!!!!!!!”
Mabilis lang itong lumilipad hanggang sa halos malampasan na nila ang tinagurian nilang pinakamataas na bundok dito.
“ANG TAAS NA NATIN!!!!!!!”
Biglang sumabog ang dragon sa kalangitan na parang isang fireworks. At ngayon ay mga papabagsak na silang lahat.
“AAAAAAAAHHHHHHHHHHHH!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!” sigaw muli ng lahat.
Magkahawak lang ng kamay sina Janella at Zavier habang papabagsak.
“Hahahaha!” tawa lang ng tawa si Janella sa mga kaibigan niya.
Nakangiti lang si Zavier habang pinagmamasdan ang ngiti ni Janella.
“HAWAK-HAWAK TAYONG LAHAT NG KAMAY!” masayang wika ni Janella. Mabilis niyang hinawakan si Evah na papalapit sa kanya.
“S-SALAMAT!!!!! AAHHHH!!!!! NAKAKALULA!!!!!” sigaw ni Evah.
“EVAH! HAWAKAN MO NAMAN ANG AKING KAMAY!!!!!” sigaw ni Robert habang inaabot niya ang kamay nito.
“AYOKO NGA!” sinampal niya ang kamay nito.
“AY!”
“‘WAG KA SA ‘KIN HUMAWAK! DO’N KA KAY ZAVIER!”
“K-KAY ZAVIER?! PWEDE BA?!” napatingin siya kay Zavier.
Nakangiti lang si Zavier sa kanya. “Halika rito!”
Lumawak ang ngiti ni Robert at mabilis siyang lumangoy sa hangin. “P-PAANO BA AKO MAKAKALAPIT SA ‘YO?!”
“KAYA MO ‘YAN! IKAW PA! AYYYIIII!!!!!” kinilig pa si Evah.
Naghawakan rin ng kamay ang mga kababaihan. “KAPIT TAYO KAY EVAH!”
Nakakalapit na si Robert kay Zavier. “KAKAUNTI NA LANG!!!!!!”
Inabot at hinawakan na ni Zavier ang kanyang kamay.
Bumilis ang pagtibok ng puso ni Robert nang hawakan niya ang kanyang kamay.
“Masaya ba?” nakangiting tanong ni Zavier sa kanya.
Natawa si Robert sa sobrang pagkagalak. “O-OO!!!! SOBRANG SAYA KO!!!!!”
Natawa si Janella. “NAGING MASAYA LANG SIYA SIMULA NUNG HAWAKAN MO ANG KANYANG KAMAY, ZAVIER! HAHAHA!!!!!!”
“HAHAHAHA!!!! IDOL KA NIYAN ZAVIER! NABABAKLA NA NGA SIYA SA ‘YO!” masayang sigaw ni Evah.
“MASAYA NA TALAGA AKO SIMULA PA LANG AT HINDI AKO NABABAKLA!” sagot ni Robert.
Natatawa lang si Zavier. “Maraming salamat sa ‘yo!” ningitian niya muli si Robert.
“W-WALANG ANUMAN IDOOOLLL!!!!!!!” umabot na hanggang langit ang kanyang ngiti. “I LOVE YOUUUU!!!!!!!!!”
“OH, DI BA?!!!! HAHAHA!!!! BALIW KA TALAGA ROBERT! HINDI KA NA NAHIYA!!!!!” natawa si Evah.
“PROUD AKONG SABIHIN ‘YUN EVAH SA KANYA!!!! DAHIL MAHAL KO SIYA BILANG ISANG IDOL KO!!!!!! HUWAG KA NGANG MAGULO!!!!!”
“I love you more!” napangiti si Zavier. “Bilang isang kaibigan!” dugtong niya.
“AAAAYYYYYYYIIIIIIIIIIIIII!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!” kinilig ang mga babae.
“Hahaha!” tawa lang ng tawa si Janella.
Hinawakan ni Aldrin ang kabilang kamay ni Robert. Magkahawak rin ng kamay ang mga kalalakihan. “KAPIT BISIG TAYO!!!!!”
Dumaan sa kanilang ilalim ang isang grupo ng mga ibon.
“WOOOOOHHHHHH!!!!! ANG GANDA!!!!!!” namangha silang lahat.
“TINGNAN N’YO ‘YUN OH! NATATANAW NATIN ANG DOHERTY PALACE!” masayang sigaw ng isang dalaga.
“BEST DAY EVER TALAGA ‘TOOOO!!!!!!!!” tuwang-tuwa si Robert.
Masayang-masaya silang lahat habang pinagmamasdan ang kagandahan ng buong kontinente. Muling naging dragon si Zavier nang malapit na silang bumagsak sa karagatan. Lumipad na ito pababa patungo sa dalampasigan habang mga nakakapit lang sa kanya ang lahat.
Ilang minuto ang lumipas, mga nasa dalampasigan na silang lahat.
“GRABE! ANG SAYA KO NGAYON! HAH! HAH! WOOH!!!!!” hingal na wika ng isang lalaki habang siya ay nakatawa.
Napahiga pa ang isang dalaga sa buhanginan. “Wooh! Hiningal ako sa kakasigaw!”
“Hahaha! Grabe ka Tery! Tawa ako ng tawa sa ‘yo! Wala kang ginawa kundi sumigaw ng sumigaw sa itaas! Hahaha!”
“Grabe talaga Eden!!! Muntik na nga akong masuka! Lulain kaya ako! Pero mabuti na lang e maganda ako kaya hindi natuloy!”
Nakahawak na sa tiyan si Eden habang patuloy pa rin siyang tumatawa. “Pweh! Anong kinalaman ng kagandahan mo diyan?! Mukha mo pa nga lang e nakakasuka na!”
Natawa na lang si Tery. “Grabe ka sa ‘kin Eden! Parang ang ganda-ganda mo naman!”
Habang naghaharutan pa ang iba, masaya lang na pinagmamasdan ni Zavier ang lahat habang katabi niya si Janella. Naririnig lang niya ang mga halakhak nila. “Ang sarap talaga magpaligaya. Ang sarap-sarap sa pakiramdam.” nakangiting wika niya.
“Mhm.” masayang tumango si Janella at napatingin siya sa kanya. Napansin niya na halos natakpan na ng dark olive green ang asul na buhok niya. “Zavier! I-Iba na halos ang kulay ng buhok mo! Hindi na asul!” nakatawang wika niya.
“T-Talaga?” hahawakan sana ni Zavier ang kanyang buhok para tingnan ngunit biglang sumikip ang kanyang dibdib. “Ugh!” bigla siyang napaluhod.
Nagulat si Janella at hinawakan niya ang balikat nito. “Zavier! A-Ayos ka lang?!” kinabahan siya.
Hindi siya nakasagot at mabilis niyang hinawakan ang kanyang dibdib. Nagulat siya nang may naramdaman siya mula dito. “P-Puso?”
Lumuhod na si Janella sa kanyang tabi habang hawak-hawak pa rin niya ang balikat nito. Napansin rin niya na tuluyan nang napalitan na ng dark olive green ang kabuuan ng kanyang buhok.
Malumanay na lumingon at tumingin si Zavier sa kanya.
“Z-Zavier ang mga mata mo!” masayang pinagmamasdan ni Janella ang magkabila niyang mata. “K-Kulay brown na!”
“T-Talaga?” hindi rin siya makapaniwala at dahan-dahan niyang hinawakan ang sarili niyang pisngi.
“Oo! Ibig sabihin tao ka na?!”
Tiningnan ni Zavier ang kanyang sarili. Napapangiti siya habang pinagmamasdan ang kanyang katawan.
Hinawakan ni Janella ang magkabilang kamay ng binata. “A-Ang init mo na rin! Hindi ka na malamig!”
Tumayo siya. “H-Hindi ako makapaniwala na isa na akong tao!” masaya niyang tiningnan si Janella.
Napatingin ang mga kaibigan ni Janella sa kanilang dalawa.
Tumayo na rin si Janella at masaya niyang tiningnan ang kanyang mga kaibigan. “Guys! Tao na si Zavier! Hindi na siya isang La luna Spirit!”
Nagulat silang lahat at mabilis silang nagsilapitan sa kanila. “TALAGA?!”
“Oo nga! Iba na ang kulay ng kanyang buhok!” napaturo pa si Aldrin sa buhok ni Zavier.
Masayang pinagmamasdan ni Zavier ang lahat. “Sinong may patalim sa inyo?”
“PATALIM?!” napaatras silang lahat at biglang natakot.
“Huwag kayong matakot! G-Gusto ko lang kasi siguraduhin kung isa na ba talaga akong tao!”
“Bakit patalim ang hinahanap mo idol?” napanganga si Robert.
“Hihiwain ko lang sana ang aking daliri. Titingnan ko lang sana kung dudugo.”
“HUWAG MONG PUTULIN ANG DALIRI MO, IDOL!”
“Hihiwain lang niya at hindi puputulin Robert!” nainis si Janella.
“Ito? Pwede na ba ‘to? Wala kasi kaming patalim.” wika ni Eden habang hawak-hawak niya ang isang bato. “Matalim din naman kasi ‘to.”
“O sige, pwede na ‘yan, salamat ha?” ningitian ni Zavier ang dalaga at kinuha na niya ang bato.
Namula si Eden at tiningnan niya si Tery.
“Naku ha? Ang landi mo.” biglang natawa si Tery. “Mga ganyang tingin mo, naku! Alam ko ‘yan!”
“Masyadong malaki ang bato para sa daliri mo.” wika ni Janella habang tinitingnan ang bato.
“Sa braso na lang kaya?” napatingin siya sa kanyang braso at dito niya sinubukang ikaskas ang bato. “ARAY!”
“Hala ka! Pati libag mo tanggal!” pabirong wika ng isang lalaki.
Hindi na lang inintindi ni Janella ang kanyang kaibigan. “Huwag mo kasing masyadong lakasan Zavier!”
“A-Aray ko! Ang sakit!” tiningnan ni Zavier ang kanyang braso. Nagkaroon ito ng iilang hiwa at dumugo ito ng kakaunti.
“Dumugo Zavier!!!!” natuwa si Janella.
“Wow…” hindi makapaniwala si Zavier habang pinagmamasdan niya ang kanyang dugo. “P-Pulang dugo…” napatingin siya kay Janella. “Ito rin, pakiramdaman mo ang aking dibdib.” pinatutop niya ang kamay ni Janella sa kanyang dibdib. “Anong nararamdaman mo?”
Napangiti si Janella habang pinakikiramdaman niya ang pagtibok ng kanyang puso. “Oo nga!” dinikit niya pa ang kanyang tenga sa dibdib nito. “May puso ka na! Tao ka na talaga!”
“YEHEY!!!!” natuwa ang lahat. “WELCOME TO HUMAN LIFE!”
Masayang nilanghap ni Zavier ang malamig na hangin. Lumusong siya sa dagat pagkatapos.
“Hahaha!” mga nagtakbuhan na silang lahat at mga lumusong din sila sa dagat.
Tumabi si Janella kay Zavier habang masaya niyang pinagmamasdan ang kanyang mga kaibigan sa dagat. “Welcome to human life… again. Ngayon, naramdaman mo na muli ang nararamdaman naming mga tao.”
“Oo nga.” nakangiting wika niya. “Ganito pala ang pakiramdam ninyo, ganito pala ang paningin ninyo, ganito pala ang paghinga ninyo… I-Ibang-iba na ang nararamdaman ko ngayon, ibang-iba sa pagiging isang La luna Spirit. Masayang-masaya ako dahil muli akong nagbalik sa pagiging tao.” hinaplos niya ang tubig. “I can also feel the warmth of the sea now.”
“‘Yung sugat mo ah, masakit ‘yan kapag napadikit ‘yan sa dagat.”
“Ayos lang, gusto ko lang naman na maramdaman ang dagat.” masaya lang niyang hinahaplos ang tubig.
“Tandaan mo, Zavier, hindi ka na makakahinga sa tubig. Pantay-pantay na tayo.” paalala ni Janella.
Tumango siya. “Alam ko, Your Majesty.”
Lumangoy na ang iba. “Lumangoy na tayo!” masayang wika ni Evah.
Masayang pinagmamasdan ni Janella ang kanyang mga kaibigan sa malayo. “O sige!”
“I will go down beneath in the deep blue sea.” lumubog na lang si Zavier at masaya siyang lumangoy habang dinaramdam ang warmness ng dagat.
Mga bumalik na sila sa Doherty Palace pagkatapos ng ilang oras sa dalampasigan. Napag-usapan na nila na si Zavier na ang bagong knight ni Janella. Malakas lang na nagpapalakpakan ang mga tao na may halong hiyawan pa. Si Janella na ang nagsuot ng helmet kay Zavier habang siya ay nakayuko lang.
“From this day, you are now my knight on a white charger.” nakangiting wika niya.
Ngumiti rin si Zavier habang nakatingin kay Janella. Tumayo na siya at pinagmasdan niya ang mga taong malakas na nagpapalakpakan at naghihiyawan sa kanya. Sumakay siya sa puti niyang kabayo at tinaas ang kanyang espada. Sobrang gumaan ang kanyang pakiramdam dahil ngayon ay naging parte na muli siya ng Destiny World.
Nagdiwang sila pagkatapos. Nang dumating na ang oras ng kainan, natikman na rin ni Zavier ang mga pagkain habang tuwang-tuwa namang pinagmamasdan ni Janella ang binata na kasabay niyang kumakain. Habang tumatagal ang panahon, nagiging kilala na rin si Zavier na bilang isang composer, singer at acoustic guitar player. Tuwang-tuwa sa kanya ang lahat sapagkat hindi lang pala sa katangian ang taglay sa kanya. Kundi pati na rin ang taglay niyang talento. Nabibigyan niya ng inspirasyon ang karamihan sa pamamagitan ng mga inspirational songs na ginagawa niya.
Nakasakay na rin siya sa rides na sinasabi ni Janella sa kanya noon. Tuwang-tuwa siya habang kasama niya ang mga kaibigan ni Janella. Mga pinuntahan rin nila pagkatapos ang Billzeir, Choochoo-Haahaa at Bhingelheim Worlds. Muling bumalik na sa dating kagandahan ang Mharius Island ngayon habang sobra namang nagsasaya ang lahat nang marating nila for the first time ang mundong ito. Tuwang-tuwa rin si Zavier habang pinapasyal silang lahat. Sinubukan rin niyang hanapin si Arganoth ngunit hindi na niya ito nakita pa.
Masayang nagsulat si Janella ng isang tulang patungkol sa kanyang karanasan simula nung makasama niya si Zavier.
When we met on that island,
When you comforted me so deeply,
I could never imagine how much you care for me.
But when I realized all of these things,
Despite of what I did to you,
When I yelled at you and hurt you emotionally,
I made myself to face my biggest regrets.
Because all you wanted was to save me, to be my hero.
And having you here by my side,
You eliminated all of my fears away.
To be my friend, this deep,
I have waited through the years for you to get back.
To see your sweet smile and to hold you dear, again.
And today, I know I’ll never feel the deepest sorrow again.
For I have found a true friend in you!
-WAKAS-