![]() | ![]() |
“Pssst!”
Napalingon ako sa pinanggalingan ng boses. Si Keri pala. Nakasilip siya sa maliit na siwang ng pintuan ng klase namin sa Hematology. Napasimangot ako agad.
“Bitch, ‘lika nga,” anas pa niya. Napasulyap siya sa prof namin na ngayo’y nagsusulat ng kung anu-ano sa whiteboard.
“Isusumbong kita kay, maam,” I mouthed. “Pasok ka na!” At sinenyasan ko itong pumasok na ng room gamit ang forefinger ng kanang kamay.
Pinandilatan ako ng bruha. Nang lumingon si Ms. Libra, ang prof namin, bigla niyang isinara ang pinto. Tapos inulan ako ng text. Napakuyom ang mga palad ko nang halos sabay-sabay na napatingin sa akin ang mga kaklase pati na si ma’am dahil sa walang humpay na pagtunog ng notif alert tone ko. Nakalimutan kong i-mute pala ito. Nakakainis!
“Ehem. Sowie po,” pa-cute ko kay Ms. Libra.
Pinadausdos niya ang glasses sa gitna ng bridge ng ilong at tinitigan ako nang matiim. Napalunok ako. Medyo kinabahan na.
“I’m sorry, Ms. Libra,” pormal kong paghingi ng paumanhin. Napaupo pa ako nang matuwid at napasulat sa notebook. Kunwari ay abala na ako sa pagkokopya ng mga isinulat niya sa whiteboard. Akala ko sisitahin pa niya ako kung kaya’t napausal ako nang munting dasal nang naglakad-lakad siya sa gilid ng row namin. Mabuti na lang at nakuha ng isa naming kaklase ang atensyon niya. Nagtanong kasi ito ng kung anu-ano. Nang makita kong nakatalikod na si maam pasimple akong lumabas ng pintuan. Pagkakita ko kay Keri na nakikipaghuntahan sa isa rin naming kaklase na nag-cut class sa may pasilyo ng palapag na iyon, kaagad ko itong kinwelyuhan. Napatili ang bruha. Mabuti na lang at maagap kong natakpan ang malaki niyang bunganga.
“Ano ba? Gusto mo bang tuluyan akong ibagsak ni Ms. Libra? Sumablay na nga ako sa una nating long test ngayon ay gusto mo pang maging markado rin ako sa behavior?”
“I have an important news for you, bitch! Let me go!”
Pinaningkitan ko siya ng mga mata. Duda ako sa bruha. For all I know niloloko lang ako ng haliparot just to get away from what she did.
“Ayaw mo bang marinig ang scoop ko kay Sir Maurr?”
Pagkarinig sa pangalan ng professor namin sa Math in the Modern World awtomatikong lumuwag ang pagkakahawak ko sa bandang harapan ng t-shirt niya. I’m all ears. Bawat himaymay ng katawan ko’y handa nang marinig ang balita niya tungkol kay sir.
“Nasa Starbucks kanina sina Sir at Ma’am Suarez sabi ng source ko. Ang dinig ko nagse-celebrate daw sila ng birthday ni Sir Maurr! Grabe, Scorpio si Sir, Bru! Scorpio! That means——,” excited nitong balita at sinadya pang ibitin ang gusto niyang sabihin. Sa ibang pagkakataon siguro’y nabatukan ko na siya, pero nang mga oras na iyon mabilis na naglakbay ang diwa ko.
Hindi kaya siya na ang match-made-in-heaven ko? I’m a Taurus for crying out loud, ang pinaka-match ng Scorpio when it comes to sex! Nag-init agad ang mukha ko nang maalala ang mga sinabi noon ng manghuhula sa Recto. Shucks! Baka magkakatotoo na ang sexual fantasies ko this year!
Tawa nang tawa si Keri.
“Oy, nag-orgasm na sa panaginip! Ang aga pa para sa wet dreams!” panunukso pa nito.
Dinaklot ko ang isang dakot niyang curly hair at kunwari’y sinabunutan. Hindi na ako galit. Bagkus, ang gaan-gaan na ng feeling ko. May naisip agad akong ideya. Binulong ko ito kay Keri. Nag-klap-klap na parang timang ang haliparot.
“Ah! That’s a brilliant idea! Ang galing-galing mo talaga, bru!”
Nang marinig kong nag-click ang seradura ng pinto sa unahang bahagi ng silid namin pumasok agad ako sa bandang likuran ng classroom. Nasa loob na ako nang bumalik sa classroom si Ms. Libra. Nakahalukipkip na siyang nakatitig ngayon sa akin. Pero dedma. Kerbears ‘ika nga. Basta ako excited sa gagawin kong surprise mamaya para kay sir.
**********
Tinakbo ko na ang hagdan sa gilid ng CR na pambabae nang makita kong ang haba na naman ng pila sa harap ng elevator ng Tech Building, kung saan ang klase ko sa Math in the Modern World. Marami akong kasabayang estudyante sa pag-akyat. Nang makita nila akong nagmamadali sa pag-akyat, tumabi sila para mag-give way. I nodded to some of them to acknowledge their kind gesture. Nag-ingay na ang mga girls. I don’t know why. Napalingon pa ako sa kanila nang makadali bago tuluyang inilang hakbang ang remaining stairs to the eighth floor. I heard more giggles. Hindi ko na lang pinansin iyon.
Pagbukas ko ng pintuan ng classroom ko biglang may sumabog na confetti at naghiyawan pa ang mga estudyante ko sabay kanta ng happy birthday song sa baluktot na Icelandic. Sa gulat ko bigla akong napaatras. Mayroon akong natapakang paa kung kaya may napatili. Paglingon ko, hayun, nakangiwi na siya. Tulak na rin ng kagandahang-asal napayuko ako para tanungin siya kung okay lang siya dahil patalon-talon na siya habang hawak-hawak ang isang paa. Hindi ko pa nasasagi ang kung ano ang masakit sa kanya nang bigla siyang napakumpas ng kamay na tila may gustong itulak. Napatayo ako nang matuwid. May nasagi kasi siya sa akin.
“Oooh,” gulat na gulat niyang pahayag. Nakangisi na siya ngayon at alam kong alam niyang alam kong may nasagi siya sa akin. Ang hitsura niya ngayo’y hindi na nakangiwi. Mayroon na naman yata siyang binabalak na kapilyahan. Tiningnan ko siya nang matiim. Dinramahan lang kaya ako nito kanina? Pinagdudahan ko tuloy kung totoo iyong pagtili niya na may masakit sa kanya dahil sa pag-apak ko. Baka hindi ko rin siya napuruhan.
“I don’t appreciate this stunt,” sabi ko sa malumanay na tinig. “You’re not funny,” sabi ko pa sabay talikod para tumuluy-tuloy na sa harapan ng classroom.
“You’re so hard, sir,” sagot niya sa akin.
Napakagat-labi ako. I didn’t like the pun as well. Lalo ko siyang pinaningkitan. Natahimik ang buong klase. Nakatingin sila sa amin ng babae.
“Why are you like this?” tanong ko sa kanya. “Parang hindi ka babae.”
She looked at me with complete innocence in her eyes.
“What did I do this time, sir? I was just being thoughtful. I know it’s your birthday so my classmates and I thought of giving you something to remember.”
“I appreciate the thoughtfulness but—-”
“But what, sir?”
Hayun na naman. Nagpamukhang-inosente na naman siya. And I do not like my automatic reaction. Tila baga kasing may napupukaw na kung ano sa akin. Pinilig-pilig ko ang ulo para itaboy iyon.
“I didn’t—-” Teka. Baka sa isipan ko lang iyon. Baka totoong wala naman siyang ibang pakahulugan doon. Maaaring masyado ko lang nabigyan ng kulay iyong sinabi niya. Okay. Bigyan ng benefit of the doubt. “Never mind,” sabi ko na lang.
“You want to say something, sir. What is it? C’mon.”
Gusto ko na sanang palampasin na lang ang lahat pero ang babaeng ito ay napakaimposible. Saan kaya ito kumukuha ng lakas ng loob?
“Ms. Anai, we’re wasting our time on impertinent things. We have a lot of things to cover today.” Bago pa siya makahirit ulit, tiningnan ko na ang iba pang estudyante sa silid na iyon. Nakita kong nakangiti silang lahat na tila bagang nanonood ng isang interesanteng palabas. I glared at them, too. Nagseryoso naman sila agad. Napatungo pa ang iba at nagkunwaring nagbuklat-buklat ng notebook.
**********
“Ano ka ba? Masyado mong inasar si sir,” anas sa akin ni Keri at Shane.
“He was hard,” sagot ko. Paanas din.
“Paanong hindi. Inasar mo, eh,” sagot ni Keri. Iba ang intindi sa sinabi ko.
Ngumisi ako nang makahulugan.
“Shit! No!” halos ay itili ni Keri. Nakangiti na rin sila pareho ni Shayne. At kinilig pa nang todo. Napalingon sa amin si sir buhat sa pagsusulat sa whiteboard. Masama na rin ang tingin sa amin. Mabilis naman akong napayuko at nagtsek kunwari ng notes.
“As I was saying last week, you guys will have a debate today. You have to argue against one another and your issue is whether Math is discovered or invented.”
“Potek, nagbasa ka ba kanina?” tanong ni Keri sa akin.
“Ako pa ang tatanungin mo. Hindi ba magkasama tayong nag-organize nitong pa-confetti natin na hindi naman niya na-appreciate?” naiinis kong sagot. Tinapunan ko nang matalim na tingin si sir. Kainis itong hinayupak na ito, ah!
Awtomatiko akong napadampot ng pen at iniamba ko sa kanya nang tumalikod siya para magsulat ng rules sa whiteboard. Nang lumingon siya, mabilis kong binaba ang kamay at kunwari’y sinusuklay-suklay ko ng daliri ang mabaha at unat-na unat kong buhok. Mabuti naman at hindi ako nakita. Nagpatuloy siya sa pagsulat at napaupo naman ako nang matuwid. Nahagip ng paningin ko ang maumbok niyang pang-upo habang nagsusulat siya kung kaya napakagat ako ng labi. I covered my lips partly with my right palm. Kung anu-ano nang kalaswaan ang sumagi sa isipan ko.
“All right, the rules are here on the board. I want you to read them silently and observe them to the letter. I do not want anybody disrespecting others just because they do not agree with their opinion, okay? Is that clear?”
“Yes, sir!” sabay-sabay naming sagot.
Napangisi na naman ako. Napatingin ako doon sa harapan niya na bahagyang namumukol. Tingin ko, kapag nagkatuluyan kami, jackpot ako kay sir. Parang palakol kaya kanina ang nasagi ng kamay ko. Hindi pa gising iyan, ha?
Siniko ako ni Keri. “Ano ba ang nginingiti-ngiti mo riyan?”
Hindi ako sumagot. Kiniliti niya ako. Hindi ko napigilan ang mapabungisngis. Natigil na naman si sir sa pagpapaliwanag ng rules. And he glared at me for the nth time.
**********
“Maurr!” tawag ng pamilyar na boses-babae sa akin. Paakyat sana ako no’n sa Arts Building. Nasa third floor kasi ang klase ko at balak kong maghagdan na lang kaysa sumabay sa mga naghahagikhikang Comm Arts students na ngayo’y nakapila sa harap ng elevator.
“Oh hi, Mary!” bati ko rin. Kumaway ako sa kanya.
“”Lika na, Maurr. Sabay na lang tayong pumanhink. Sa third floor din ang klase mo, di ba?”
Sinenyasan niya akong sumingit na raw sa pila. Nasa unahan siya kasi at halos ilang metro na ang haba ng line ng mga naghihintay sa elevator paakyat. Umabot na nga sa upisina ng dekano ng Institute of Arts and Sciences. Napatingin ako sa mga estudyante at nabatid ko agad sa sarili na hindi ko kayang sumingit na lang bigla sa pila.
“Sir Maurr! Sumabay na po kayo sa amin,” sigaw ng isang estudyante. Pamilyar ang mukha niya. “We’re your student in Math in the Modern World,” sabi pa ng babae at itinuro pa ang halos lima pang girls na nasa pila. Sila ang nasa likuran lang ni Mary.
“O, kita mo na, Maurr? You’re very popular with these kids,” sabi pa ni Mary. “You don’t mind sir Maurr making singit in the pila, right?” biro pa sa kanila ni Mary.
“Not at all, Ms. Suarez!” sabay-sabay nilang sagot.
Napasulyap ako sa isang grupo ng mga kalalakihan na nasa bandang hulihan ng pila. They didn’t giggle with the girls. Katunayan, they looked at me with a solemn expression. Nakilala ko ang isa sa kanila. Siya iyong tinawag na Drae ng mga estudyante na nakipagharutan sa bastos kong estudyante isang araw na tumambay kami ni Mary sa harap ng Science Building. Siya ang sinasabing boyfriend ng babaeng iyon. He didn’t seem to like what the girls in the front line were telling me.
“I’m sorry, guys. Next time na lang. I need this exercise.” At kumaway na ako sa kanila sabay takbo na paakyat sa hagdan. Hindi ko na sila nilingon kahit na I heard them expressed their sigh of disappointments.
Nasa panghuling baitang na ako nang may humahangos na tumatakbo pababa. Nagkabanggaan kami. Muntik na akong matumba. Buti na lang napahawak ako sa banister ng hagdan dahil kung hindi pareho kaming nagpagulung-gulong sana pababa.
“Oh!” naisigaw niya. At nagkatitigan kami. May nakapang malambot ang isa kong kamay. Nang tingnan ko ito, nakita kong nakahawak pala ako sa baywang niya.
“Maurr!” naibulalas niya nang mamukhaan niya ako. “I mean, sir Maurr po pala.” At napangisi siya. “Sowie po.”
Sinikap kong manumbalik agad ang composure at tinanguan siya. Biniwatan ko na rin ang kanyang baywang nang masiguro kong maayos na siyang nakatayo sa unang baitang ng hagdan pababa. Walang sali-salitang dumeretso na rin ako sa klase ko.
**********
Hinipo ko ang parte ng katawan na nahawakan ni Sir Maurr at nakaramdam ako ng kung ano. Saglit akong napapikit para namnamin iyon. At may naramdaman akong init sa buong katawan. Shit! Nabubuang na ako. Hindi naman ako ganito noon. Ngayon ay daig ko pa ang isang matandang dalaga na hindi nadiligan ng kung ilang siglo.
“Eula! Ano ba? Ba’t ang tagal mo?” sigaw ni Keri sa pinakaunang baitang ng hagdan mula sa ibaba. Nakatingala siya sa akin. “Nandoon na raw sina Shane at Felina sa Yellow Cab. Tayo na lang ang hinihintay nila. What’s taking you so long?”
Napakagat-labi ako. Nilingon ko one last time ang direksiyon ng pinuntahan ni Sir Maurr at paskip-skip na bumaba ng hagdan.
“Ano’ng nangyari sa iyo? Binigyang konsiderasyon ka ba ni Ma’am Perez? Pumayag ba siyang mag-special test ka sa Retorika?” sunud-sunod na tanong nito? Iyon kasi kanina ang pakay ko nang umakyat ako ng third floor ng Arts Building. Sasadyain ko ang prof namin sa Retorika sa isa niyang klase na nasa Room 309 ng naturang gusali para humingi ng pabor.
“Hindi, eh. Bruha siya. Kaarte!”
“Hindi? Eh bakit abot-tainga ang ngiti mo riyan?”
Lalong lumawak ang ngiti ko. “Secret!” sagot ko at nauna na sa kanya. Hindi ko sinagot ang pangungulit ng tsismosa. Natigil naman siya nang pumanhik ako sa sementadong baitang at pumasok na nang tuluyan sa chapel na nasa unahan lang ng pinanggalingan naming gusali. Nag-sign of the cross ako at lumuhod sa pinakahulihang pew. I thanked Him for blessing me with his presence. Sa kaunaunahang pagkakataon kasi sa apat na taon ko sa kolehiyo may inaantabayanan na ang puso ko. Pasasaan ba’t makakamtan din nito ang kanyang minimithi. I just have to have faith.
“Why are we praying?” anas ni Keri habang nakiluhod sa tabi ko.
Nilagay ko sa bibig ang hintuturo sabay sabi ng, “Ssshhh. Pray.”
Napayuko si Keri at nag-sign of the cross na rin.
**********
Patapos na kaming magkakaibigan sa paglamon ng spicy friend chicken at carbonara ng Yellow Cab na nasa kaharap na kalye lang ng campus namin nang iluwa ng pintuan ng entrance ang nakangiting si Maurr Reidar Ricci Halvorsen, Ph.D. Nakahawak sa braso niya ang malandi naming guro na si Ms. Suarez. Awtomatikong kumulo ang dugo ko pagkakita sa dalawa. Dahilan para manuyo ang aking lalamunan at itulak nito palabas ang nginunguya kong manok. Napaubo ako. Nasamid pa ako ng ilang hibla ng noodles ng carbonara.
“Eula! Hoy! Okay ka lang? Napatayo na si Keri at hinilot-hilot ang likuran ko. Ubo pa rin ako nang ubo. Tila lalong na-blocked ang airways ko. Pakiramdam ko kinakapos na ako sa paghinga. I panicked.
Shit! I do not want to die this way. This is so unglamorous!
Napakapit ako sa braso ni Keri para sa suporta. Nagsipagtayuan na rin ang dalawa pa naming kasamahan. Sina Shayne at Felina. Namumutla na si Tabatsoy. Si Shane naman ay halos hindi na rin maipinta ang mukha sa nerbyos. Pipikit na sana ako para tuluyan nang ipaubaya sa Maykapal ang lahat nang bigla na lang may naramdaman akong malakas na pagpalo sa batok ko. Kasabay n’yon ang pagtalsik ng isang chunk ng manok na puno ng laway ko. Sapol sa tungki ng ilong si Ms. Suarez.
“Ew! That’s so gross, Maurr! Ano ba iyan!”
Hingal-kabayo ako no’n pero ang laking ginhawa n’yon. Napahawak ako ng dibdib sa tindi ng samo’t saring emosyong bumalot sa akin. Naiyak si Keri at napayakap pa siya sa akin.
“I thought I’ve lost you!” drama pa nito. Ganoon din ang ginawa nila Shane at Felina. Walang pumansin sa pag-iinarte ni Ms. Suarez. Maging si Sir Maurr kasi’y humahagud-hagod na rin sa aking likuran. Teka. Si Sir Maurr ba kamo? Bigla akong napalingon sa kanya. And for the first time in a long time, I saw genuine concern in his eyes. Noon ko lang napansin na may shade of green at parang gold na nakapalibot sa kanyang pupil. Ang ganda! Parang malulunod ako sa katititig doon.
“Are you okay now?” tanong niya sa akin sa tonong puno ng pag-aalala.
“Y-yes,” sabi ko na tila shocked sa nangyari.
“I think she’s okay now, Maurr. Let’s go na upstairs,” sabad ni Ms. Suarez at hinila na ang braso ni sir. Nakita ko naman siyang parang nag-aatubili pang sumunod. Lumingon pa siya ulit sa akin bago tuluyang sumunod sa babaeng pumanhik ng second floor.
Nang ma-realize naming apat na si Sir Maurr ang sumagip ng buhay ko sabay-sabay kaming napatili. Siyempre, pinakamalakas iyong akin. Biruin mo. Siya pa talaga! Ramdam ko ang concern ni Sir Maurr nang titigan niya ako.