![]() | ![]() |
“Akyat na!” utos ko kina Keri at Shayne. Nag-atubili pa kasi ang dalawa. Diring-diri sila sa upuan ng dyip na pinara ko para sakyan namin papunta sa simbahan ng Quiapo. Bukod kasi sa may malaking punit ang upholstery ng upuan, kalawangin pa ang metal na nasa gilid nito. Iyong nasasagi ng binti kapag naupo.
“Eula, hindi pa ako nakapagpa-anti-tetanus vaccine. Nitong Linggo pa lang pag-uwi ni Mommy galing Japan,” bulong sa akin ni Shayne.
“Ano ka ba? Buti kung ingungudngud mo sa kalawanging bakal ang puke mo. Hindi naman, eh!” Inunahan ko na ang dalawa. Pagka-akyat ko sa dyip sumunod naman sila. Pinagtinginan kami ng dalawang ale na may dala-dalang basket ng gulay. Nagagandahan siguro sa amin. I smiled at them. Nagbulongan sila. Ni hindi man lang nag-smile back.
“Stop smiling at strangers, Yolanda!” kalabit sa akin ni Keri. Nag-abot ito ng limang daang piso sa driver. Nakita kong napatitig sa salamin sa harapan niya ang mama. Sinalubong ang mga mata ni Keri at sinabihan ang kaibigan kong wala siyang panukli. Mukhang aburido si Manong.
“How much ho ba papuntang Quiapo, Kuya?” sabat ni Shayne sa unahan ko.
“Otso estudyante,” pakli nito.
“Otso lang?!” gulat na gulat kami. We were expecting kasi na tag-singkwenta kada isa sa amin. Dinig kasi namin tumaas na naman ang gasolina eh. Hindi kasi kami nagko-commute. Katunayan, ngayon pa lang. Na-dare lang kami ni Tabachoy kung kaya naisipan naming mag-dyip. Kadalasan, kung hindi kami hinahatid ng sari-sarili naming driver ay nag-ga-grab kaming tatlo. Kaso nga lang kanina, dahil na rin sa sulsol ni Taba, nagdesisyon kaming mag-dyip. Penitensya namin, gano’n. Thankful kasi kami na nabigyan ako ng pangalawang buhay kanina sa Yellow Cab. Courtesy of Professor Maurr Reidar Ricci Halvorsen, Ph.D. Napangiti ako nang maalala ko siya. At napahagalpak ako ng tawa nang sumagi sa isipan ko si Ms. Suarez na nasapol sa tungki ng ilong ng niluwa kong chunk ng manok na puno ng laway.
“Baliw ka ba? Tatawa ka na lang bigla nang walang rason?” anas sa akin ni Keri.
“Just remembered something funny,” nakangisi kong sagot. Dedma na ang mapanuring tingin ng mga kasamahan namin sa dyip.
“Ano na? Wala akong barya,” sabi ni Keri sa akin.
“Wala rin ako. Isang libo ang laman ng wallet ko. No smaller bill,” si Shayne naman. Nakatingin pa sa akin. Ang hitad na ito! Nakakainis!
Naghalungkat ako sa Gucci shoulder bag ko nang madedekwat na salapi. I was disappointed. Credit cards ang laman no’n at hindi pera. Kung aabutan ko ng isa sa mga iyon ang mamang driver tiyak na sasapakin na kami n’yon for sure. Manlulumo na sana ako nang makakita ako ng bente pesos na nakaipit sa index cards na sinulatan ko ng notes sa mga klase ko kanina. Nakangiti kong inabot iyon sa masungit na mamang driver.
“Saan ang bente?” walang kabuhay-buhay nitong tanong.
“Nasa kamay n’yo po,” pakli ko naman. Nagulat ako nang sinamaan niya ako ng tingin. Sinagot ko lang naman ang tanong niya. Damuhong ito! Pinangunutan pa ako ng noo bago sumagot ng, “Saan ito papunta, Ineng?”
“Ay, sa Quiapo church po. Para po iyan sa dalawang makikinis ang puwet!” sagot ko.
Napangiti ang mga kasamahan namin sa dyip pero hindi ang mamang driver. Bugnutin talaga si Manong! No sense of humor at all!
“Ha? Bakit dalawa lang?” reklamo ni Shayne. Paano ako?
“Bakit? Makinis ba puwet mo?” sagot ko sa kanya.
Inasiman naman ako ni Shayne ng mukha. Naghagikhikan tuloy kaming dalawa ni Keri. Naghalungkat uli ako sa shoulder bag ko. Mayroon doong limang piso. Inabot ko ulit iyon sa driver at sinabing dagdag doon sa inabot kong bente pesos. Tatlo na kamo iyon. Nagbigay ng sukli ang mama. Isang kalawanging piso. Hindi iyon tinanggap ni Shayne. Sa halip ay napa-‘ew’ pa ang bruha. Diring-diri. Siniko ko ito. Kaarte ng lintek.
“Keep the change po, Kuya,” sabi ko na lang. Ayaw ko ring hawakan ang kalawanging piso. Baka ma-tetanus ako. Mahirap na!
Napabungisngis si Keri. “Piso? Keep the change?”
“Buti nga meron,” sagot ko. Dedma na sa mga strange looks ng mga kapwa namin pasahero. Nang makarating kami sa tapat ng simbahan, bigla kaming nasigaw ng ‘para’. Hindi kasi namin napansin agad na nakarating na pala kami. Nawili kami sa katsitsika.
“Bawal dito,” asik ng mama. “Bumaba na sana kayo kanina sa Raun pa lang. Alam n’yo namang hindi na pwede paglampas doon, eh.”
“Hindi namin alam! Ibaba n’yo kami!” tili ko. Matinis.
Nagsisigaw na rin sina Keri at Shayne. Nilampas pa rin kami ng damuhong driver. Pero siguro naingayan sa mga tili namin. Binaba niya kami saktong paakyat siya ng tulay papuntang Lawton. Naiinis kaming bumaba ng dyip niya. Pagkababa, nakita namin ang signboard sa tabi ng kalsada na nagsasabing, ‘No Loading and Unloading Area’. Nagtawanan kaming magkakaibigan. Kami nga pala ang engot. Pero ang tawang iyon ay saglit lang dahil namataan namin sa bungad ng simbahan ang aming pinagpapantasyahang guro at tila masayang nakikipag-usap sa isang napakagandang babae. Mestiza siya. Nakasuot ng uniporme ng isang pribadong paaralan na nasa U-belt din ang girl. Mukha siyang mahinhin at hindi makabasag-pinggan. In short, prim and proper. May breeding. Nakaramdam agad ako ng something.
“Ehem. Mukhang matindi ang taste ni Maurr Reidar Ricci Halvorsen, Ph.D. ah,” komento agad ni Keri pagkakita sa dalawa. Iniinis ako. Nakatutok sa akin ang mga pupils eh.
“Girlfriend ba siya ni sir?” si Shayne naman. Diniin ang girlfriend. Iniinis din talaga ako ng isa pang timang.
“Stop staring at them guys! Ano ba? Mahiya naman kayo!” asik ko sa kanila. Pinatatag ko ang boses at pinamukhang nagbibiro lang ako, pero sa totoo lang masyado akong affected. Alam kong above average ang kagandahan ko ngunit nang mga oras na iyon ay na-feel kong taob talaga ang beauty ko. Kung wala nga lang kami sa harap ng simbahan baka napamura na ako nang malutong.
**********
Inalalayan ko ang pinsan kong si Lilja (pronounced as Lilia) patungo sa unahang pew ng Quiapo church para mabistahan niyang mabuti ang imahe ng Poong Nazareno. Hindi man siya Katoliko tulad namin nais niyang masaksihan at maranasan kung paano nananalangin ang isang Pilipinong deboto. Sa kinalakhan naming bansa kasi, hindi kami masyadong passionate sa religious belief namin kagaya ng mga tao rito sa Pilipinas. Pero dahil Pinay ang mommy ko na-exposed niya kami ng kapatid ko sa ganoong aspeto ng kanyang kultura. At iyan din ang gusto kong maranasan ng pinsan ko para buong-buo ang immersion niya sa Philippine life.
“Wala bang nagsabi sa isang kuya riyan na bawal mag-PDA sa simbahan?” narinig kong sabi ng isang pamilyar na boses. Napalinga-linga tuloy ako para tingnan kung sino ang tinutukoy niya. Bakit nga ba may nagpa-public display of affection sa church? Wala namang kahihiyan ang mga iyon.
“Who are you looking for?” pabulong na tanong ni Lilja habang nakahawak sa braso ko. Napatingin-tingin din siya sa paligid kagaya ko. And like me, she found no couple who fit the description. Bigla akong napatitig sa kamay ng pinsan kong nakahawak sa may braso ko sabay lingon sa tingin ko’y pinanggalingan ng boses. There she was! Nakaluhod siya at nakapikit na animo’y nananalangin nang mataimtim. Sino ang lolokohin niya? Napailing-iling ako.
“Let’s go somewhere else,” bulong ko kay Lilja.
“Huh? Why not here? I like this part of the church because I can see people as they go to your saint and bow to his statue.”
‘We cannot stay here. Let’s move over there.” Tinuro ko ang malayo-layong bahagi ng simbahan. Pero bago kami nagpunta roon, nilingon ko ang direksiyon niya one more time. Nahuli ko siyang nakatitig sa amin. Mabilis itong pumikit para kunwari’y patuloy na nananalangin. Huli na’y mag-mamaang-maangan pa.
I grabbed Lilja’s hand and strolled towards her direction.
“Hi there. This is my cousin, Lilja. She’s not my girlfriend.”
Napadilat siya agad. Namilog pa ito na tila hindi makapaniwala. For a brief instance, I saw a glimpse of gladness in her eyes. Natuwa siyang hindi ko girlfriend ang kasama? Hmn.
“Oh. I was not asking, Maurr. I mean Prof. Maurr Reidar Ricci Halvorsen, Ph.D,” sagot niya na ikinahagikhik ng dalawa niyang kasama. Noon ko lang napansin na bumuntot pala sa kanya ang dalawa niyang alalay slash friends. Maging si Lilja ay napabungisngis sa sinabi niya.
“Did my cousin pull that Ph.D. thing to you guys?”
“Fortunately, yes,” sarkastiko niyang sagot na ikinatawa lalo ni Lilja.
Noong makuha ko kasi ang Ph.D. diploma ko ay lagi ko na lang binubuntot iyon sa pangalan ko sa tuwing nagpapakilala ako sa mga tao. Kahit sa mga kamag-anak lang namin sa Iceland. Well, who wouldn’t be proud? I earned my degree from Oslo University for crying out loud. Dumayo pa akong Norway para makapagtapos ng aking Doctor of Philosophy degree in Mathematics.
“By the way, I’m Lilja. You must be one of my cousin’s colleagues?”
Napakamot-kamot ako ng ulo. I felt a bit uncomfortable. Alam ko kasing big deal sa mga babae ang edad at para mapagkamalan kang mas matanda kaysa sa totoo mong gulang ay hindi maganda lalo na rito sa Pilipinas. Nang masulyapan ko nga si Ms. Anai, nakita kong hindi nga niya iyon nagustuhan. Umasim bigla kasi ang mukha.
**********
Ouch! Napagkamalan akong colleague? Pambihira! Mukha na ba akong tander?
I grabbed the front of my shirt with the name of my school printed on it and showed it to her. “You see, only students get to wear this yellow t-shirt. This is our school uniform,” sabi ko pa. Hindi ko na ikinubli ang inis.
“Oh! I’m sorry! I really am! I didn’t know that!”
“Well, now you know,” naiirita kong sagot. Ngingisi-ngisi naman sina Keri at Shayne sa tabi ko.
“Excuse us. C’mon, Lil.”
At inakay na ng damuho ang pinsan papunta sa pinakagilid ng left side ng simbahan. Ewan ko ba. Kahit alam kong pinsan lang siya ng maarte kong propesor nakaramdam pa rin ako ng something. Ang weird lang kasi ng kapit sa kanya ng girl.
“Uso rin ba ang incest sa Iceland?” tanong ko sa dalawa kong kaibigan. Napanganga sila pareho. Nagulat pa. Matagal bago nila nakuha ang ibig kong sabihin.
“Are you joking?” si Keri. “Nasa bahay tayo ng Diyos, huwag marumi ang isip.”
“I think so, Eula. Hindi ba’t wala pang isang milyon ang populasyon ng tao sa Iceland? At dinig ko, when you trace each of the Icelandik’s roots malalaman mong halos magkakamag-anak lang din silang lahat,” sabi naman ni Shayne. Sinulsulan ang bad thoughts ko.
“Kitam? Baka nga nag-aanuhan din iyan, eh!” sabi ko pa. Naiinis na.
Hinila ako palabas ng simbahan ni Keri sabay sign of the cross. “Let’s go back to school na kaysa madagdagan pa ang kasalanan natin dito. Ang dumi na ng takbo ng utak mo. Sing dumi ng kubeta! Kailangan nang linisin ng muriatic acid!”
**********
Pinangunutan ako ng noo nang sa pagpihit ko ng seradura ng room ko sa Science Building ay naka-locked ito. Nang silipin ko sa loob nakita kong may dalawang estudyanteng nag-uusap. Nakatalikod ang lalaki sa bandang pintuan at ang babae nama’y nakaupo sa desk ng teacher. I knocked on the door. Hindi kasi maganda ang hitsura ng dalawa nang mga sandaling iyon. I saw the guy looked at the direction of the door. Tapos nakita kong bumaba ng desk ang girl. Nagkukusut-kusot siya ng mga mata. Si Ms. Yolanda Anai! Hindi na ako nagulat nang mapagsino ang lalaking kasama niya. Iyong kabastusan niya sa freedom park. Tsk, tsk. Tanghaling tapat at nasa school pa tapos nag-aanuhan? Talagang walang morals ang babaeng ito.
“Hi sir,” bati sa akin ng lalaki pagkakita sa akin. He didn’t wait for my reply. Dere-deretso siya sa paglabas ng silid. Si Ms. Anai naman ay nagligpit muna ng gamit. Pagkakita sa aking pumasok ay naggulat-gulatan pa ito. Nakikita ko sa kanyang mga mata na galing ito sa pag-iyak.
Binati ko, pero hindi ako pinansin. Patuloy siya sa kasasalansan sa mga gamit niya. Mayamaya pa, nagsipasok na rin ang mga estudyante ko. Nang makita ni Miss Anai ang mga kapwa-estudyante na sabay-sabay na nagsipasukan, she waved at them. Tapos nang makita niya ako nginitian niya ako at binati pa.
“Hi Maurr, I mean Professor Maurr Reidar——”
Tinaas ko ang dalawang kamay para patigilin siya. “It’s all right. If you prefer calling me by my name, then go ahead. You do not need to correct yourself everytime you say so.”
“Really sir? I mean Maurr?”
Nagsalubong ang mga kilay ko. She didn’t get my sarcasm. Napailing-iling na lang ako. Nag-hand salute pa siya sa akin. Na labis namang ikinatuwa ng mga freshies na mukhang saludong-saludo sa kanya. Tinukso kaming dalawa. May nag-cat call pa. Hindi man lang nahiya si Miss Anai. Ni hindi nga siya kakikitaan ng discomfort. Sa halip, she looked like she was enjoying the attention. No’n ko lang napagtanto na ang asal niya sa akin ay may ibig sabihin. She wanted everybody to know she can gamely tease a professor! Napatiim-bagang ako. Iyon pala, ha! Kung iyon ang gusto niya eh di pagbigyan.
**********
“Eula! O, ano? Nakausap mo ba? Pumayag?” sunud-sunod na tanong ni Keri ng makasalubong ako sa pasilyo ng first floor ng Science Building.
Napahinga ako nang malalim. At napailing-iling.
“Hala. Paano iyan?” nababahalang tanong pa nito. “Kung hindi pumayag si Ma’am Reynes, baka bumagsak ka sa Rizal. Patay tayo riyan. Hindi ka makakasabay sa aming grumadweyt niyan.”
“Stop reminding me of that, okay? Isa ka rin sa nega sa buhay ko, eh!”
“Ouch! Nag-aalala lang po!”
“Bwisit kasi itong Retorika at Rizal! Pa-major!”
Padabog akong umakyat ng hagdan. To cheer me up, nag-widro ako ng pera ko sa BPI machine at dumeretso na palabas ng campus. Bumubuntot ang Keri kahit hindi ko na kinakausap.
“May tsika ako sa iyo,” sabi nito.
“You better make it good. Or else, kakatayin kita. Sa estado ko ngayon gusto kong makapilay man lang ng tao.”
Napahagikhik si Keri. Tinutukan ko siya ng ballpen sa leeg. Inasiman kami ng mukha ng guwardiya sa gate. Nginitian ko ito nang ubod-tamis sabay sabi ng, “Joke lang po!”
“O, ano’ng tsika?”
“Walang girlfriend si Sir Maurr! At base sa research namin ni Shayne, ni hindi raw nagka-girlfriend ever! In short, virgin si sir! Kung mayroon mang virgin sa mga boys.”
Natigil ako sa paglalakad. Dahil umaabante si Keri, muntik na kaming magkabanggaan.
“Ano ‘kamo? NGSB si sir?! Hindi nga! Ang pagmumukhang iyon hindi ever pa nagka-gf?”
“Hindi ka lang pala bingi, ang engot mo pa! Ang hirap mong makaintindi!”
Si Maurr Reidar Ricci Halvorsen, Ph.D. ay isang birhen na lalaki? Hindi pa ever nakatikim ng biyaya ng Diyos? Parang ang hirap namang mapaniwalaan. Una sa lahat, ang guwapo niya at ang ganda pa ng katawan. Kahit sinong celebrity sa Pilipinas, titihaya sa lalaking iyon kapag ginusto niya. Pangalawa, lumaki siya sa Iceland. Ang mga tao roon ay mahihilig! Katunayan, one-night stand is part of their culture sa pagkakaalam ko.
Pinaningkitan ko ng mga mata si Keri.
“Sigurado ka? Baka naman wala nga siyang GF pero maraming fling? Pwede naman kasi ang ganoon, eh. Ang hunk niya. Sigurado akong hindi iyan nawalan ng babae.”
“Wala nga kahit fling. Ang kulit mo.”
Nanlaki ang mga mata ko at napatakip ako ng bunganga.
“Lalaki ang gusto ni Sir? Shucks! Bading si Sir Maurr?!” halos ay naitili ko nang mapagtanto ang lahat. Hindi ako makapaniwala.
“Oh-em-ge! Bakla si Dr. Halvorsen?!” chorus ng isang grupo ng FEU stduents na nadaan sa tagiliran namin ni Keri. Bago pa ako maka-react, nakapasok na sila sa gate.
“Hoy! Ano ba ang pinagsasabi mo? Naku, Yolanda Ysadora Anai! Lagot ka na naman nito!”
**********
Umiinom ako sa water fountain sa Admissions Building nang may marinig na alingasngas mula sa isang grupo ng mga estudyante. The girls gave me weird looks. May isang baklang estudyante na nakikilig na kumembot-kembot palapit sa fountain.
“Hi sir! Naku, sinasabi ko na nga ba, sir, eh. The first time I saw you, I thought to myself, this guy is one of us!” At ngumit ito nang ubod-tamis.
One of us? “One of the Filipinos? Is that what you mean?”
Kung sa bagay. Mukha nga naman akong banyaga. Pero kung makikilala na nila ako, malalaman nilang mas matimbang ang dugong Pinoy ko.
Humalakhak ang baklang estudyante. Bago pa ako maka-react, may umakbay sa aking colleague. Ito ang sinasabi noon sa akin ni Mary na naghiwalay sa asawa dahil lumantad bilang bading. Hindi sa may pagka-homophobic ako, pero ang weird ng akbay niya sa akin. Lalo na nang pinisil-pisil niya pa ang balikat ko. Niyaya niya akong mag-lunch sa Shakey’s. I politely declined.
Pagkakita ko kay Mary na bumababa ng hagdan, kumaway agad ako. She gave me a sad look. Sinabayan ko ang paglakad niya at niyaya ko siyang sumabay sa akin sa pagkain sa cafeteria.
“Naku, Maurr. Maraming students doon ngayon. Do you want to go to Yellow Cab agaon? May sasabihin ako sa iyo.”
“Sasabihin?”
Bago pa makasagot si Mary, may dumaang isang grupo ng mga baklang estudyante. Ang sigla ng bati nila sa akin.
“Hi Queen!” sabi pa ng isa. Naghalakhakan ang kanyang mga kasama. Nagulat ako. Bago pa ako maka-react nakalayo na sila. Panay lingon nila sa amin ni Mary habang naghaharutan papunta sa Education Building.
“Iyan nga ang gusto ko sanang itanong sa iyo, Maurr. Are you—-are you? Are you gay?”
“What?! No! Who the fvck said I’m gay?”
Napatingin sa akin si Mary na tila hindi naniniwala. “I’m not gay, Mary. Do you want proof?”
Bago pa makasagot si Mary ay nahawakan ko na siya sa baywang at masuyong hinalikan sa labi.
**********
Natigil ako sa paghakbang. Si Felina ay natigil din. Nang hinapit na ni Maurr ang maliit na baywang ni Ms. Suarez, dumagundong na ang puso ko. Nang lumapat ang labi niya sa labi nito, para akong sinabuyan ng isang baldeng yelo. Pinanlamigan ako.
“Shit!” naibulalas ko pa.
“Sabi mo bading si Sir Maurr?” baling sa akin ni Felina.
Hindi ko namalayan, may nalaglag na luha sa aking mga mata.