![]() | ![]() |
Papasok ako ng canteen sa gusali ng Institute of Accounts, Business and Finance o kilala sa pangalang IABF sa campus nang mamataan ko sa hindi kalayuan si Propesor Maurr Reidar Ricci Halvorsen, Ph.D. Nakatingin siya sa akin! Diyos na Mahabagin! Sinisilihan ang singit ko! Hindi ko tuloy alam kung saan susuot. Paano kasi pakiramdam ko tila hinuhubaran niya ako sa tingin. I never felt so uncomfortable! Charaught!
“Eula, hoy!” sigaw sa akin ng pamilyar na boses. Si Felina.
Parang tinapik niya lang ang balikat ko pero pakiramdam ko’y sinalya ako ng maligno at muntik na akong ma-off balance. Tinulak ko rin siya pero kahit na binuhos ko na roon ang lakas ay parang tinapik lang siya ng langaw.
“Ano ba!” asik ko sa kanya. Sa boses ko siya tila nagulat. Muntik na niyang maapakan ang mga nagche-chess sa bandang dinadaanan namin.
Hindi pinansin ni Felina ang pagtataray ko. Basta na lang ako nitong hinila at kinaladkad patungo sa canteen. Aba! May balak yatang manlibre ang saksakan ng kuripot na balyena. Napangiti ako. Nagpaakay ako sa kanya patungo sa loob. Feel ko yatang kumain ngayon ng baked mac.
Ang akala ko’y dadalhin na niya ako kina Manang Jovie, iyong kiosk na may masarap na lasagna at baked mac, pero pinaupo lang pala ako ng talipandas sa isang mesa malapit sa pintuan at may binulung-bulong sabay kalikot sa cell phone. Pinangunutan ko siya ng noo.
“What? Inoorasyunan mo ba ako?” sabi ko.
“Tanga! Heto, o!” At binalandra niya sa mukha ko ang larawan ng babaeng nakabukaka sa kama. Hubo’t hubad ito. Nakabuyangyang ang pinkish niyang kepyas sampo ng kanyang mamula-mulang tingg*l. Napanganga ako.
“Kailan ka pa nahilig sa porn, Taba? At babae pa ang pinagnasaan mo! Hindi ko alam na tibo ka pala!” eksaherada kong react sa kanya. Then, I lowered my voice. Nagpalinga-linga ako sa paligid. Buti na lang kaunti pa lang ang mga tao roon at tila abala sa pag-a-almusal. Walang pumansin sa amin. Ayaw ko rin kasing malaman nila na heto’t umagang-umaga ay kung anu-anong kalaswaan ang inaatupag namin.
Pinaningkitan ako ng mga mata ni Felina. Tila sinisipat ang mukha ko.
“Hindi mo ba nakita ang nasa viral photo, bitch? Sadyang ganyan ka ba ka dense?”
Inagaw ko sa kanya ang phone niya at nang pasadahan ko ng tingin ang mukha ng naturang porn star, napasigaw ako ng, “Holy fvck!”
Napatingin sa akin ang lahat ng naroon pati na rin si Prof. Maurr Reidar Ricci Halvorsen, Ph.D. Nakapasok na pala siya roon nang hindi namin namalayang magkaibigan. Ngayon nga’y kakaiba ang tingin nito sa amin ni Felina. I saw him shook his head, then proceeded to go to one of the kiosks selling ‘lutong bahay’. I guess he knew what the outburst was all about. I wanted to die.
**********
I knew her to be vulgar. She’s also known as a campus flirt. Makikita mo siya na nakikipaglandian kahit kaninong miyembro ng basketball team ng unibersidad. Pero ni sa panaginip hindi ko inisip na isa siyang porn star. Sayang. Well, ‘ika nga nila, you’ll never know...
“A penny for your thoughts?”
Nang tumingala ako nakita ko ang maamong mukha ni Mary. Naupo agad ito sa bench na kaharap no’ng sa akin. Nilapag niya sa ibabaw ng mesa ang nabili niyang lasagna. Habang tinutusok-tusok ang tinapay na kasama no’ng lasagna, kaswal niyang binalita ang tungkol sa viral photo ng isa naming estudyante.
“Hay naku. Students these days! They’re so obssessed with breaking the internet. Well, for sure, she succeeded this time, along with breaking the hearts of her parents and the school’s admin.”
Hindi ako nagsalita. Nagpatuloy ako sa pagsubo ng kanin at bistek Tagalog. Balak kong huwag na sanang magkomento nang bigla na lang ay ipagduldulan niya sa akin ang cell phone niyang may naturang viral photo.
“Please,” pakiusap ko sabay tulak palayo sa phone niya. “I’m not interested.”
Parang nasaktan siya sa ginawa ko. Pinagkibit-balikat ko na lang iyon. Minadali ko ang pag-aalmusal. All I wanted at that time was to leave the canteen. Gusto ko ring mapag-isa muna.
“Oh. Sorry. I thought you would be interested because I heard you’re one of the committee members who will deliberate on her case. The school’s admin is filing a case against her. Balak siyang i-expel ni SVP.”
“What?!” I was shocked. Hindi sa binabalak ng Senior Vice President namin na patalsikin si Ms. Anai kundi sa pagkakabilang ko as part of the committee who will deliberate on her case. Paanong mas nauna pa ang babaeng ito na nabigyan ng ganoong impormasyon?
“Ssshh,” sabi ni Mary sabay lagay ng hintuturo sa bibig. Tila nahulaan niya ang nasa isipan ko. Nagpalinga-linga pa siya. “That’s classified information. Please do not tell anyone I told you.”
I stared at her. Sino kaya ang source niya? They must be somebody powerful.
“Fvck!” narinig ko uling sigaw ni Ms. Anai sa hindi kalayuan. Namumula na ito sa galit. Hindi niya siguro sukat akalain na mabubulgar na ang sekreto niya. I felt sorry for her.
Ibabaling ko na sana ang tingin sa kinakain nang may mapadaang dalawang siga-sigang estudyanteng lalaki na bigla na lang nag-cat call kay Ms. Anai.
“We never knew you had that in you, Eula, babe. But don’t despair. There’s nothing to be ashamed of. In fairness, ang kinis ng tahong mo, ha! Saka mukhang kasarap kagatin ng tings mo. Pakagat minsan, ha?” sabi pa ng isa. Sumulak ang dugo ko sa ulo at napatayo na lang ako bigla. Lalapitan ko sana ang mga bastos na estudyante para sawayin nang nagulat ako sa nasaksihan. Bago ko pa kasi maihakbang ang mga paa patungo sa direksiyon nila nakita ko nang umangat ang dalawang paa ng nagsisiga-sigaan habang nakadikit siya sa dingding.
“Say that again!” sigaw sa kanya ni Ms. Anai.
“Sabi ko sarap kagatin ng tings mo! Ugh! It was meant as a compliment! Ugh! Aarrkkk!”
Tinangka ng kasama nitong baklasin ang mga kamay ni Ms. Anai sa kaibigan pero pumagitna ang babaeng mataba at tinuhod nito ang sidekick ng bastos. Nag-cheer ang mga babae sa paligid. I smiled.
“Ms. Anai!” dagundong ng isang maotoridad na boses. Paglingon namin sa pinanggalingan nito, nakita namin ang aming SVP na ngayo’y nakatingin na nang masama kay Ms. Anai. Pinare-report nito ang huli sa guidance office along with the two boys who catcalled her. Napabuntong-hininga ako.
Pag-upo ko uli sa bench kaharap ni Mary, nahuli ko siyang matamang nakatitig sa akin. Umiwas lang ito ng tingin nang magkasalubong ang mga mata namin at tahimik na inubos niya ang pagkain.
**********
Halos panawan ako ng ulirat nang mabasa ko sa natanggap na memo na isa sa committee na magdedesisyon ng expulsion ko ang propesor namin sa Math in the Modern World. Of all the faculty members in the university, bakit siya pa? Hindi ba puwedeng si Prof. Pelaez na lang? At least matandang hukluban iyon. Hindi ako mahihiya. Paano kung naniniwala ang damuhong ito na ako nga ang babaeng nakabukaka at nagpapatuka ng ting**l niya sa viral photo? Gosh! Ang kapal nga ng mukha ko, pero hindi ko yata kayang isipin na iniisip niya iyon.
“Ms. Anai, you need to proceed now to the conference room of the administration building. Hinihintay ka na ng committee doon,” sabi sa akin ng guidance counselor nang madatnan niya ako sa office niya. Pumunta kasi ako roon dahil sa memong natanggap.
“Miss, hindi ba ho puwedeng puro babae ang nasa committee?”
She stared at me. Dama ko sa mga titig niya na pati siya’y humuhusga sa akin. Umusbong ang galit ko pero hindi ako nagpahalata. Nang hindi niya ako sagutin ay tahimik na lang akong lumabas ng silid niya at tinatagan ang sarili.
You can do it, Yolanda. Trust yourself!
Limang katao ang nadatnan ko sa conference room. Dalawa sa kanila’y hindi ko kilala. Pamilyar lang sa akin ang mga mukha nila. Wala pa man ay medyo natatakot na ako dahil mukhang tigang na matrona ang dalawang babaeng faculty na napabilang sa hanay. Sila iyong tipong kada Linggo’y nasa simbahan.
Matapos mai-presinta ng baklang Vice President for Student Affairs ang kaso at maipakilala ang miyembro ng panel ay pinagsalita nila ako para ipagtanggol ko ang sarili. Nang sabihin kong hindi ako ang babae sa viral photo ay nagtaasan ang kilay ng tatlong babaeng faculty, kabilang na si SVP. Hindi sila naniniwala sa pahayag ko. Imbes na matakot na, nakaramdam ako ng defiance. Naisip ko kasing hindi na pala kailangan ng hearing na iyon dahil tila nakabuo na sila ng judgment about me and the viral photo. Gano’n pa man I played along.
“It’s your face on the photo. We also believe that the body belongs to you. You look identical. You have the same—-,” sabi ng propesor ko sa Math in the Modern World. He tried to sound casual and business-like. Iyong tipo na kunwari’y devoid siya ng emotions. Pero tingin ko’y katulad ng iba’y pinandidirihan din niya ako.
“Wait!” putol ko sa sasabihin pa niya. Pinatigil ko ang Vice President for Student Affairs sa pag-click sa clicker at pina-zoom ko sa kanya ang larawan na nagpapakita ng babae na nakabuyangyang ang kepyas sa kama habang nakahawak ang hintuturo at middle finger sa magkabilang labi ng keps para ipakita pa nang lubusan ang kaloob-looban ng tahong niya. Pinaningkitan ko iyon ng mga mata at binusisi pa. Halos ay nakatayo na ako sa harapan ng screen at nakapamaywang habang nakatunghay doon. Daig ko pa ang matandang may deperensya ang mga mata. Nag-request pa akong i-zoom in pa iyon at i-sentro talaga sa ting**l.
The SVP gave out a frustrated sigh. “What are you trying to prove?” naiinis na tanong niya dahil tila nagiging uncomfortable na rin ito sa nakabuyangyang na larawan sa projector screen sa harap naming lahat. Hindi ko siya pinansin.
“Look at the picture, Professor Halvorsen. That’s not me! That’s not my clit!” prangka kong pahayag.
Napa-hesusmaryosep ang dalawang matandang faculty na babae. Ang isa ay napa-sign of the cross pa na para bagang may binanggit akong heretic expression.
“Walang nunal ang ting**l ko! I can prove that to you! Kung gusto mo ipapakita ko na sa iyo ngayon, eh!” hamon ko pa sa nabigla kong propesor. Napaupo siya nang matuwid at napaayos-ayos pa ng kurbata. Nang mapagtanto kong I made him very uncomfortable gusto kong humagalpak ng tawa. Nang tingnan ko ang lahat ng miyembro ng panel, they too, were all very uncomfortable. Pambihira. Holier than thou.
“There’s no need for that, Ms. Anai,” sabat ng Vice President for Student Affairs at binalik niya sa original size ang photo. May binulong ito sa SVP namin. Nagbulungan silang lahat. Hiningi muna nilang lumabas ako ng silid kahit sandali lamang. Dali-dali naman akong tumalima. Pagbalik ko sa loob, sinabi nila sa aking may nagawa na raw desisyon ang panel.
“What?! Are you going to expel me without giving me due process?”
“Relax, Ms. Anai,” malumanay na sabat ni Prof. Mahaba ang Pangalan.
“NO! You relax! How can you ask me to relax when you already judged me without any due process! My parents will sue you all! My parents will—-,”
“The committee decided to look into the authenticity of the photo. We will have this verified by an IT expert first and if we found out these are just edited pictures to malign you, then we will run after the culprit,” malumanay na patuloy ng propesor ko. He was still stoic-faced.
Nabigla ako. At napahiya. Ang OA ng reaction ko. Ganoon pa man, a part of me did not want to accept the fact that I also judged them without giving them a chance to prove themselves.
“Basta, I can prove anytime na hindi ako iyan! Wala akong kanunal-nunal sa katawan lalung-lalo na sa kepyas. Kung gusto mo, i-prove ko pa sa iyo eh!”
“There’s no need for that, Ms. Anai,” seryoso namang sagot ni Prof. Napailing-iling pa siya. Damuhong ito!
Ang dalawang matandang matronang propesora ay napakagat-labi naman na tila bagang nagpipigil matawa. Pati sina SVP at ang baklang Vice President for Student Affairs namin ay napangiti sa sinabi ko. Si Professor Masungit lang ang tila walang ganoong reaksiyon. Sa loob-loob ko lang, kaya ko naman sigurong ipakita sa kanya ang pruweba na nagsasabi ako ng totoo. Nag-flash agad sa imahinasyon ko ang hubad kong katawan na nababalot lamang ng maikling puting tuwalya. Sumayaw-sayaw daw ako sa harapan ni Professor Halvorsen at dahan-dahang binaba ang tuwalya nang malapit na sa kanya. Ginamit ko ang naturang tela para isampay sa leeg niya at hilahin siya palapit sa akin. Nang naramdaman ng binti ko ang kama ay bigla ko na lang binagsak doon ang katawan at bumukaka na nakataas ang dalawang binti.
“O, ano? May nunal ba? May nunal ba? Sagot!”
Napabungisngis ako sa nakita kong ekspresyon sa mukha niya. At ang bungisngis palang iyon ay naisatinig ko. They looked at me strangely. Pinaningkitan naman niya ako ng mga mata. No’n lang ako nakaramdam ng hiya kung kaya nang sabihin nilang maaari na akong bumalik sa klase ko’y dali-dali akong lumayas doon.
Ang nakakainis na naka-excite lang ay siya pa rin ang makikita ko sa classroom. May make-up class kasi kami sa Math in the Modern World nang umagang iyon. Kung minamalas na sinuswerte ka nga naman, oo!