![]() | ![]() |
Magulo ang classroom namin sa Math in the Modern World nang dumating ako. May nag-eensayo ng sayaw. May naggigitara at kantahan. May nagtsi-tsismisan. Siyempre, ka-grupo ko ang maiingay sa lahat. Sila ang mga tsismosang sinasabi ko. Nang makita nila akong pumasok sabay-sabay silang nagtilian ng, “Yolanda!”
“Kumusta ang ting***? I mean ang meeting n`yo?” sunud-sunod na tanong ni Keri, may himig pagbibiro. Nakangisi pa ang talipandas. Pinektos ko ang kukote niya nang makalapit ako. Napahiyaw siya sa sakit. Sinimangutan ko. Alam ko kasing mas lamang ang pag-iinarte niya kaysa sa katotohanan.
“Ang dinig namin, kasama si Prof Maurr sa committee! Tama ba? Kasama siya?” may kilig sa tinig ni Shane. Na sinulsulan pa ng dalawang freshies na nakikianib din sa amin. Pinamaywangan ko sila at nagparinig na rin sa buong klase. Alam kong kunwari lang sila busy sa kung anek-anek nilang ginagawa pero ang kalahati ng pakialamera`t pakialamero nilang tainga ay nakikinig at nakikiramdam sa grupo namin.
“Oo, kasama siya,” sagot ko sa kunwari`y kaswal na boses lang.
Nagtilian lalo ang mga barkada ko. Daig pa ang kinakalikot ang mga singit.
“O, ano`ng sabi ni Sir Maurr, Eula?” sabat ng isa sa mga kaklase naming freshman.Tinigil pa talaga ang paggigitara. Tsismoso rin ang tsunggong ito.
“Ang sabi niya halatang hindi ako ang nasa picture dahil di hamak na seksi raw ako at makinis!” pagsisinungaling ko. “May kutob na raw sila kung sino ang gumawa nito sa akin. Humanda raw ang pota dahil tiyak na expelled siya kung sakali,” dagdag ko pa kahit malayo iyon sa katotohanan. Nang sinabi ko iyon hindi ko inasahan na may mag-react.
“Naku, Eula! Baka mambintang lang sila sa kung sino-sino riyan, ha? Dapat fair sila!”
Nilingon ko ang nagsalita. Isa siya sa mga pambato ng school sa Cheer Dance competition. Senior student din siya at irregular na katulad ko. Nangunot ang noo ko sa sinabi niya.
“May alam ka ba, Vivi?” tanong ko agad sa kanya. Pinanliitan ko na siya ng mga mata. Ibig sabihin ay dudang-duda na ako sa kanya. Pinaligiran siya ng apat kong ka-grupo.
“Hoy, ano ba kayo!” At nagpadyak pa sa inis si Vivi. Halata na ang takot sa kanyang mukha.
Iba na ang kutob ko kung kaya nilapitan ko ang haliparot. Inikotan ko siya habang nakahalukipkip. Dahil maliit lang naman si Vivi, siguro`y mga five feet two and a half, kung titingnan kami siguro`y para kaming pusa`t daga. Mahigit limang pulgada kasi ang tinangkad ko sa kanya. Ang payat pa naman niya.
“Magsabi ka nang totoo, bruha ka!” utos ko sa makapangyarihang boses. Para may dating, mahina lamang ang tinig ko. Mata ko lang ang nag-aapoy sa galit.
Namutla si Vivi. Napatingin ito sa paligid. From the corner of my eye, nakita kong nakapaikot na rin sa amin ang apat kong kabarkada. Matatalim na rin ang tingin nila kay Vivi.
Ganoon ang eksenang nadatnan ni Prof. Mahaba ang Pangalan. Pinangunutan niya kami ng noo at sa malakas na tinig ay pinaupo sa assigned seats namin. Ako ang pinakahuling tumalima. Kinailangan pa niyang tawagin ang pangalan ko bago ako maupo.
“Sir, she`s trying to bully me!” mangiyak-ngiyak na sumbong sa kanya ni Vivi. “Eula and her friends are trying to bully me, sir!”
“Huwag kang ano, pokpok!” naibulalas ko. Napatakip ako ng bunganga nang ma-realize na naisatinig ko ang kanina ko pa gustong sabihin sa kanya. Mukha naman talaga siyang pokpok, eh. Naka-corporate attire siya gaya ng uniporme ng department nila. Taga-Business kasi. Pero ang skirt na isinuot ay halos apat na pulgada ang tinaas mula sa tuhod. Naisip ko nga, paano ito nakalusot sa guwardiya? Baka may pinahimas.
“Ms. Anai,” kalmado ang tinig ni Prof. Maurr. Mukhang nagpipigil ng emosyon. Namumula kasi nang kaunti ang kanyang leeg na nang lumaon ay kumalat pa sa pisngi. Galit ang Koya? Sino ba ang may kasalanan? Sana maisip man lamang niya na nag-iinarte lang si Vivi.
“Yes, Your Honor?” sagot ko. And I smiled at him. I acted innocently.
Napakagat-labi si Sir Maurr. Sa ginawa niyang iyon lalo siyang pumogi. Iba ang dating ng simpleng gesture na iyon. Tumalun-talon sa kilig ang puso ko. Sinisikap kong rendahan sana ang damdamin ngunit lalo lamang akong kinikilig.
Inasahan kong pagagalitan o pagsasabihan ako ni Sir Maurr, pero dinedma niya ang pagpapa-cute ko. Hindi man lamang siya nag-react sa sinabi ko sa kanya. Sa halip ay iniba niya ang usapan.
“All right, class. I`d like to thank everyone for coming here today despite your busy schedules. I apologize for coming a bit late. As you may have known already, I attended a very important meeting.”
“Is it true that the committee found out already who the culprit behind the spread of Ms. Anai`s indecent photos?” tanong ng isa sa mga lalaking freshies na kaibigan ni Vivi. Napamaang ako. Aba, aba. May guts ang hinayupak. Nahagip ng tingin ko ang pagngiti ni Vivi. Ms. Anai`s indecent photos kasi ang sinabi. Para na rin niyang sinasabi na ako nga talaga ang babaeng nakabuyangyang ang ting***. Ang problema na lang ay kung sino ang nagpakalat no`n.
“Ayus-ayusin mo ang tabas ng dila mo, Dominguez!” banta ko. Mahinahon lang din ang tinig ko. Ganunpaman, dahil may kasamang panduduro iyon, ako ang nasaway ni Prof. Maurr. Lalo tuloy akong naimbyerna.
“That`s not for me to say,” baling naman ni sir sa gunggong na nagtanong. Pagkatapos ay dinala na niya ang atensyon ng lahat sa naantala naming lesson. Ako naman, busy sa kakaisip sa kung ano ang gagawin ko sa Dominguez na iyon. Makikita niya!
**********
Nagmamadali ako papuntang IT Department nang may madaanan akong couple na tila nagyayakapan sa Freedom Park. Hapon na at makulimlim pa ang panahon kung kaya mangilan-ngilan lamang ang nakatambay doon. Isa na nga ang sweet na couple na iyon. Nang ilang dipa na lang ang layo ko, tila tumalon ang puso ko. Si Ms. Anai! May kayakap!
“Pambihira naman, Drae, oh. May remaining games pa naman kayo, eh. Hwag ka ngang mawalan ng pag-asa. For sure, makakabawi pa kayo.”
Drae? As in the university`s basketball team captain?
Nang iangat nito ang ulo mula sa pagkakahimlay sa balikat ni Ms. Anai, napag-alaman kong ang team captain nga ang kausap ng dalaga. Tama ang sapantaha ko. Napakagat ako ng labi. Umiwas ako sa kanila. Imbes na dumeretso ako sa direksiyon nila kahit na iyon ang pinakamalapit sa gusali kung saan ang IT Department, lumihis ako ng daan.
“Si Sir Maurr iyon, ah. Sir!” narinig kong tawag mula sa likuran ko. Paglingon ko, nakita ko ang isa sa mga kaibigan ni Ms. Anai. Siya iyong matabang babae na laging bumubuntot sa kanya. Kumakaway ito sa akin kung kaya nagtaas ako ng kanang kamay at matamlay na sumagot ng kaway din. Napatingin tuloy sa akin ang couple na iniwasan ko.
“Sir,” kumaway ang team captain. Bahagyang tango ang sinukli ko sa kanya. Si Ms. Anai naman ay nagkunwaring busy sa papalapit niyang kaibigan. Hindi ko na hinintay na bumati siya sa akin. Dali-dali na akong tumungo sa pakay ko nang araw na iyon.
“Oh, shit!” anas ko habang pinapaliwanag sa akin ni Martin, ang taga-IT Department ang ginawang pag-alter sa larawan ng isang porn star sa porn hub para magmukha itong katawan at mukha ni Ms. Anai. Samakatuwid ay nagsasabi nga nang totoo ang babaeng iyon. Ang tanong na lang ay sino ang may pakana ng lahat?
“Sir, you better brace yourself,” mahinahong sabi pa ni Martin. Tila nag-aalala ito sa akin. Pinangunutan ko siya ng noo.
“What for?” tanong ko.
“You`ll be shocked who the culprit is—-the one who did all these.”
May kumatok sa glass door. Natuon ang pansin naming dalawa ni Martin sa dumating. Si Ms. Suarez. May sinesenyas-senyas ito sa akin. Tumayo ako at binuksan ang pintuan. Ni-lock kasi namin iyon ni Martin para hindi kami maistorbo ng estudyanteng bigla na lang ay pumapasok nang walang pasabi.
“Yes, Mary?” tanong ko sa kanya.
“Are you still joining us for an early dinner?” malambing na pagpapaalala nito sa akin.
“Oh, the dinner! Sorry about that. Did I make you guys wait already?”
“They just texted me. They`re about to order some food at Yellow Cab and they`re asking about what you want for yourself. What should I tell them?”
Nilingon ko si Martin. Kumakamot-kamot ito ng batok.
“Uhm, I`ll just have some pizza and pasta. You may go ahead. I`ll just finish what I came here for,” sabi ko sa kanya.
Sumulyap si Mary kay Martin at nginitian ito. Nakita kong medyo natulala ang huli. Hindi siguro sukat-akalain na mangingitian siya ng isang magandang guro tulad ni Mary.
**********
Pagkapasok ko ng campus suot ang kulay berde kong jogging pants at yellow t-shirt na may pangalan ng university, tumakbo agad ako sa Admission`s Building. Balak kong magpalit ng damit sa CR sa second floor. Ako na lang daw ang hinihintay sabi ni Felina. All set na raw ang grupo namin para sa paggawa ng vlog na project namin sa isa sa mga GE classes namin.
Sa kamamadali, basta ko na lang initsa sa ibabaw ng pintuan ng cubicle ng toilet ang hinubad kong jogging pants at t-shirt. Sinampay ko rin doon ang pamalit kong pantalong maong at spaghetti strap na satin white top. Dahil mamasa-masa ang keps, nagpunas muna ako gamit ang dala-dalang wet wipes at nagpalit na rin ng bikini panties. Inuna ko munang magspray sa buong legs at mga braso bago ko hinugot ang naisampay kong pamalit. Pero ganoon na lamang ang gulat ko nang wala na akong mahigit. Pagharap ko sa pintuan, naabutan ko ang paggalaw ng jogging pants. May nangunguha ng mga damit ko! Dali-dali kong binuksan ang pinto ng cubicle at hinabol ang salarin.
“What the fvck! Ms. Anai! What the hell are you doing?”
Napatingin ako sa ibabang parte ng katawan at napasigaw ako ng, “Pota!” Si Sir Maurr pa ang nakasalubong ko of all people in the university!
Naikurus ko ang mga braso sa harapan at dali-daling bumalik sa CR. Malakas kong naisara ang pinto. Nang ma-realize na wala na akong pamalit, nag-panic ako.
May isang estudyante roong tiningnan ako nang nagtataka. Sino ba naman ang hindi mabibigla sa hitsura ko? Naka-dark blue bikini lang ako with matching lacy bra. I stood up straight. Tinanggal ko na ang mga kamay sa harapan total naman babae rin ang kaharap.
“Somebody stole my clothes,” naiinis kong sabi sa kapwa-estudyante. “Nakita mo ba kung sino ang pumasok kanina?”
Umiling-iling ang babae. Mukhang freshman ang bwisit. “Sorry po. Kapapasok ko lang po.”
Binalikan ko ang iniwang gamit sa loob ng cubicle. Napasigaw ako ng fvck dahil pati iyon ay nawala rin. Nandoon ang cell phone ko`t baon for the entire week! At Lunes pa lang ngayon!
Nilingon ko uli ang babae at makikiusap sanang sabihan ang mga kaibigan ko sa Freedom Park, pero wala na siya roon. Gusto ko nang maiyak sa labis na galit.
Binuksan ko nang bahagya ang pintuan sa CR. Timing namang lumabas ang kaisa-isang nilalang na ayaw kong makita na ganoon ang hitsura ko. He squinted at me. Napalunok ako. I gathered all my guts to tell him what my problem was. Saglit siyang natigilan. Ang sunod niyang ginawa ay hindi ko napaghandaan. Bigla na lang kasi niyang inabot sa akin ang suot niyang sweater na kakulay ng langit. Isuot ko raw. Nag-atubili ako pero na-realize kong kaysa lumabas akong nakabikini`t bra lang, mas okay na iyon. Kailangan kong lumabas para habulin ang kung sino mang hinayupak na nagnakaw ng mga damit ko.
“Thank you, Prof. Halvorsen,” naibulong ko bago isinara uli ang pinto ng CR.
**********
“Professor Halvorsen?”
Nagtanggal ako ng earphones at pinagsino ang sumilip sa may pintuan ng faculty room ng Math Department. Hindi ko siya kilala. Mukha siyang estudyante.
“Are you looking for somebody?” tanong ko sa kanya.
“Kayo po, sir, ang sadya ko. SVP is looking for you. Importante raw po.”
Nagsalubong agad ang mga kilay ko sa narinig. Takang-taka. Ako? Pinapatawag ng SVP? Bakit? Hindi pa naman tapos ang report na pinagawa namin kay Martin. Although mayroon na kaming strong lead base sa IP address na ginamit sa pag-alter ng photos ni Ms. Anai, pinaiimbestigahan pa namin ang primary suspect. Ang alam ko, baka matagalan daw ito dahil wala silang makitang strong motive para gawin ito ng taong pinagsususpetsahan namin. Tapos ngayon ay pinapatawag na ako? Hmn. Mukhang very efficient yata ang imbestigador namin, ah.
“All right. I`ll be right there,” sabi ko sa babae. Matapos kong ayusin ang desk, dali-dali na akong bumaba ng Science Building kung saan ang faculty lounge naming taga-Math Department at sinundan ko na ang messenger.
May kausap si SVP sa telepono nang dumating ako sa upisian niya. Kaagad itong nagpaalam sa kabilang linya at hinarap ako pagkakita niya sa akin. She looked so solemn which was a bit unusual. Kadalasan kasi`y maaliwalas o nakangiti siya kapag nakikita ako.
“We—-I—I mean I received a report about you—-and Ms. Anai.”
Nangunot ang noo ko. Ano ang ibig niyang sabihin?
“Somebody saw you both coming out of the comfort room—-half-naked. May isa pang witness na nakakita sa inyong may ginawang kung anu-ano sa loob ng CR ng mga babae.”
“What?!” naibulalas ko. Nawala na ang politeness ko.
“Yes. And the university has zero tolerance for immorality especially involving a student.”
Napaawang ang mga labi ko. I was beyond shocked.
**********
“Akala mo kung sino. Fubu lang pala ni Sir Maurr!” parinig sa akin ng isang grupo ng mga taga-Institute of Accountancy, Business, and Finance o IABF kung tawagin namin.
“Walk straight, Eula. Ignore them,” payo ni Felina. Hinigpitan niya ang hawak sa kamay ko. Hindi ako makawala kahit anong hila ko sa kamay ko.
“Sandali nga lang, Tabatsoy at reresbak lang ako.”
“As I have said, they do not deserve your attention! Lakad lang!”
Kinagat ko ang mga labi at pinilit ang sariling hindi sila pansinin. Napagtagumpayan ko naman ang emosyon. Nakarating kami sa bookstore nang hindi ako sumabog. Bumibili na ako ng yellow pad nang may marinig na namang “FUBU” at nagtawanan pa ang mga hinayupak. Paglingon ko, nakita ko ang tatlong sophomores na taga-Med Tech din na nakatingin sa akin habang nagbubulongan at naghahagikhikan. Initsa ko kay Taba ang hawak na yellow paper at hinablot ang laylayan ng yellow t-shirt ng isa sa kanila. Tumakbo naman ang dalawa niyang kasama. Natakot sa ginawa ko.
“Ano`ng sabi mo?” anas ko sa kanya habang hinihila ang mahaba niyang buhok. Binitawan ko na no`n ang t-shirt niya at sa ponytail na niya ako nakapangunyapit.
“Hindi ako iyon, Eula! Promise! Hindi ako iyon!” Kaila nito. Nagsituluan na angbutil-butil niyang luha.
“Yolanda! Ano ka ba naman!” naeeskandalong awat sa amin ni Tabatsoy. Tinanggal niya ang kamay ko sa buhok ng babae.
“Girls! Ano ba? Doon kayo sa labas mag-away kung ayaw n`yong ipa-guidance ko kayo!” sabi ng store clerk sa amin. Nakapamaywang na ito sa aming harapan.
Dali-dali akong hinila ni Felina para umalis na roon. Habang nagmamadali sa paglayo sa bookstore nakasalubong namin ang taong dahilan ng katakot-takot na eskandalong kinasasangkutan ko nang linggong iyon. He looked so serious. Nang makita niya ako, tumigil siya sa paglalakad. Tila hinintay talaga kami ni Felina.
“Ms. Anai. Do you have a minute?” tanong niya sa akin nang ilang hakbang na lang ang layo namin sa isa`t isa.
Hindi ako sumagot. Siniko ako ni Felina.
“Do you have a minute daw.”
“Yes, sir.”
Pagkasabi ko niyon, pumanhik siya sa sementong hagdan patungo sa second floor ng Science Building kung saan ang faculty lounge ng Math Department. Napatingin ako kay Felina.
“Sundan mo. Nasa labas lang ako. Hihintayin kita.”
“Samahan mo kaya ako?” sabi ko kay Felina.
She held my hand. Magkahawak-kamay kaming umakyat at sumilip sa pintuan ng faculty room.
“Alone, Ms. Anai. I`d like to talk to you alone.”
Biglang tumalon ang puso ko. Shit. Alone! Kung anu-ano nang kalaswaan ang bumaha sa isipan ko. Nag-init ang mukha ko tuloy. Nahulaan siguro ni Felina ang takbo ng utak ko dahil humagikhik siya sa tabi bago niya ako tinulak papasok ng silid.