![]() | ![]() |
Naramdaman kong medyo nag-stiffen ang hinahawakan kong parte ng baywang ni Professor Maurr Reidar Ricci Halvorsen, Ph.D. nang mapag-alamang si Professor Flores pa talaga ang nakahuli sa aming dalawang nagtutukaan. Hinarang pa niya ang katawan sa harapan ko para siguro takpan sana ang pagmumukha ko para hindi makita ng matanda, pero too late the hero na. Nakilala na ako ng huklubang propesor.
Gusto kong bumunghalit ng tawa sa nakita kong ekspresyon sa mukha ni Tanders dahil daig pa nito ang nakasaksi ng magkapatong na couple. Ang arte! Akala mo naman kung sinong banal. I made a mental note to research his background. Lagot talaga itong matandang ito sa akin. But for now, I have to act the part. Kailangan mapangatawanan ko ang pagiging biktima sa kanyang mga mata.
“Professor Flores!” humahagulgol kong takbo kay Tanders. Kunwari’y nagpapasaklolo. “Mabuti na lang po at dumating kayo agad, sir. Kung hindi po’y baka kung ano na ang ginawa sa akin ni Professor Maurr Reidar Ricci Halvorsen, Ph.D.”
Nangunot ang noo ni Professor Flores nang marinig kung paano ko tawagin si Maurr—-este Professor Halvorsen.
“I mean po, Professor Halvorsen po, sir.” At humagulgol ako lalo.
“She’s simply overreacting, Professor Flores. I can explain everything,” sabat ni Professor Halvorsen sa likuran ko. Nilingon ko siya at inirapan.
“Anong akting-akting ka riyan? Ang sabihin mo namamanyak ka sa akin! Pambihira ka, sir! Nirespeto kita bilang guro ko! Pero ano itong ginawa mo sa akin? Dahil ayaw kong makipag-date sa inyo, rereypin n’yo na ako? Ano po kayong klaseng guro?”
Professor Flores gasped at the mere mention of ‘rape’. Lalong naningkit ang mga mata nito kay Propesor Masungit. Gusto ko na talagang bumunghalit ng tawa dahil sa nakikita kong palitan nila ng tingin. Hindi na maipinta ang mukha ngayon ni Pogi. Inis na inis na siya siguro sa akin dahil pulang-pula na ang mukha. Ganunpaman, napanatili niyang maging mahinahon. Kalmado pa rin ang boses niya kahit na nagkukulay hinog na kamatis na.
“You’re impossible, Ms. Anai!” nagngingitngit na anas sa akin ni Professor Halvorsen.
Pero pagkabaling kay Professor Flores, iba na ang tono. Nagpaliwanag itong walang pilitang naganap. Nabigla lang daw siya dahil nakita niya akong may tinatawagan at tila ikinatuwa pa ang pangyayari kanina sa conference room.
“You see, Professor Flores, this is all a stunt to Ms. Anai so she can make her life a bit interesting. Yes, that’s what she wants. She’s bored with her life right now and she wants something that would spice it a little bit.”
Sapul! Ano ba ang lalaking ito? Psychic?
Natakot ako dahil baka maniwala si Tanders. Binalingan ko agad si Professor Flores at lalong nagpalahaw. Tinakpan ko ng panyo ang mukha habang kunwaring sumisinok-sinok. Suminga pa ako nang suminga sa panyo ko kahit na wala namang sipong tumutulo.
Letse, ang sakit din sa panga ang pagngawa! Kailan ba kami iiwan ni Tanders?
“I may be old, Professor Halvorsen but my eyes are still sharp. I know when a woman is a victim.”
Napatapik ng noo si Sir Maurr. Bumuga pa siya ng hangin. Halatang nagpipigil lang ng emosyon. Ako nama’y natatawa na. Hindi ko na nga napigilan ang sariling ngumiti. Pero bago pa mahalata iyon ni Professor Flores, kaagad akong yumuko para matakpan ng buhok ko ang mukha.
“Let’s go, Ms. Anai. You need to come with me to the guidance office. Kailangang makausap ka ngayon din ni Dr. Robles.”
Hihilahin na sana ako ni Tanders nang iniwas ko agad ang kamay.
“I’m okay, sir. I just need some alone time to process all this.”
“You see, Professor Flores? If she’s indeed a victim, she wouldn’t hesitate to go with you to the guidance office and have this whole thing documented.”
“No, Professor Halvorsen. Some women do feel ashamed to talk about their ordeal if it is something sexual. Naiintindihan ko ang damdamin ni Ms. Anai.”
Binalingan ako ni Tanders. Sa mahinahon at masuyong tinig ay nagpaliwanag ito ng mga karapatan ko bilang isang estudyante ng unibersidad at bilang isang babae. Tumangu-tango naman ako na parang basang sisiw. Nagpaawa-effect pa lalo.
I’m beginning to like this old man.
“Your parents need to know this, hija. Please tell them to come see us ASAP. Or do you want us to tell them on your behalf?”
Sasabihan nila sina Mommy at Daddy? Ang parents ko?
No way! Hindi dapat malaman ng Mommy ito! My God! Baka ipapakalbo ako no’n!
“No! No, sir! Don’t do that!” halos ay isigaw ko sa pagmumukha niya.
Napakislot sa gulat ang matanda. Muntik nang tumalsik ang makapal niyang salamin dahil inaayos-ayos niya ito sa bridge ng ilong nang bigla akong tumili.
**********
Oh. So she doesn’t want her parents to know about this.
Nakaisip agad ako ng ideya. No’n ko napagtanto na may grain of truth iyong first impression ko sa kanya. May kutob akong napaka-strict ng parents niya at de numero ang kanyang kilos. Marahil ito ang dahilan kung bakit naging attention-seeker siya sa eskwelahan.
“Sir, my dad is a very cruel man,” narinig kong pagpapaliwanag niya kay Professor Flores. “He would surely kill Professor Halvorsen if he finds out he did this to me.” At binalingan niya ako. Inirapan uli bago nagpatuloy. “Hindi ko naman po gustong maging kriminal ang daddy ko, sir.”
I rolled my eyes.
What a lame excuse. Ang sabihin mo ayaw mo lang mabistong nagdadrama ka.
Sigurado na akong natunugan na ni Professor Flores na walang katotohanan ang lahat. Na ang mga ito’y gawa-gawa lang ni Ms. Anai para magkaroon ng excitement naman ang buhay niya.
“I understand, hija. Bueno, hindi kita pipilitin. Deal with this at your own pace. Pero kailangang magpatuloy ang kaso, okay? Huwag kang mag-alala. Nasa likuran mo ang hustisya.”
Nanlaki ang mga mata ko sa narinig.
What? Did I hear Professor Flores, right? Nasa likuran ni Ms. Anai ang hustisya?! Ibig sabihin naniniwala na siyang totoo ang lahat ng binibintang nito sa akin?
“Professor Flores, that’s not fair! I am presumed innocent until proven guilty!”
Umiling-iling ang matanda.
“My eyes don’t lie, hijo,” sabi pa nito sa akin at masuyong inakay na palayo si Ms. Anai.
Napakuyom ang mga palad ko.
Lumingon si Ms. Anai sa akin at bigla akong nginitian. I glared at her.
**********
“Hhuuuwaaat?” eksaheradang react nila Keri at Felina nang ikuwento ko ang pangyayari sa unang pagdinig sa kasong binato ko kay Sir Maurr pati na ang insidente sa harap ng CR sa Administration Building. Hindi sila makapaniwala.
“Hindi kaya nasobrahan na ang pangpa-prank mo kay Sir Maurr, Yolanda? This is sooo crossing the line!” dugtong pa ni Taba. Sinimangutan na niya ako, pinamaywangan pa.
“Ano ka ba? Where’s your sense of adventure? Hindi ko naman patatapusin ang kaso, eh. Humahanap lang ako ng tiempo. Gusto ko lang paglaruan nang kaunti si Maurr. Kakatuwa eh. Ang cute-cute niya kung magalit. Tsaka, he deserved this. Ang dami na niya kayang kasalanan sa akin.”
“Maurr?” ulit ni Taba. “Since when were you guys on first name basis?”
Ngumit ako nang pagkatamis-tamis. “Since time immemorial.” At humagikhik ako.
Itinirik naman ni Keri ang mga mata. “Kasalanan niya sa iyo ‘ika mo? Gaya ng?|” tanong nito.
Anu-ano nga ba ang ginawa sa akin ng bwisit na iyon? Aha! Tama! Ang paglalandian nila ni Ms. Mary. I mean iyong Mary na iyon. Bwisit iyon, ha?
“Marami,” sagot ko kay Keri, taas-noo.
Umiling-iling ang dalawa. “Ewan namin sa iyo, Yolanda. I think you have gone too far this time.”
“Guys, guys!” humahangos na tawag sa amin ni Shane. Nakaupo kami noon sa isang bench sa ilalim ng punong kaharap ng chapel.
I looked at Shane lazily and raised one of my eyebrows. “Ano’ng balita? This must be juicy kung ayaw mong tamaan sa akin. Ang drama ng entrance mo,” banta ko sa kanya.
“May narinig akong bulung-bulungan sa cafeteria!” bulong nito sa amin kunwari pero ang lakas naman ng boses. Sinimangutan ko siya lalo.
I have a feeling alam ko na ang balitang dala niya. Tungkol na naman siguro kay Sir Maurr.
Pigil-hiningang hinintay nila Felina at Keri ang dalang tsismis ni Shane. Ako nama’y nagkunwaring hindi interesado. Intro pa lang niya nawalan na ako ng gana. Binanggit kasi ang pangalan ni Ms. Suarez. Siyempre, basta ang bruhang Mary na iyon ang sangkot wala akong kaamor-amor. Ang arte kaya ng bruhang iyon. Tingin niya sa sarili niya God’s gift to men.
“Hhuwaaat?!” narinig kong naibulalas nila Felina at Keri.
Natigil ako sa pag-sipsip ng hawak kong bubble tea. Napanganga ako sa dalawa. Binalingan ko na rin si Shane na ngayo’y patuloy sa pagkukuwento. Malabo na ang dating niyon sa akin dahil halos kalahati’y hindi ko napakinggan. Ang narinig ko lang ay buntis kamo si Ms. Suarez.
“Buntis si Ms. Suarez?!” naisigaw ko. Talsikan ang mga black pearls sa bunganga ko. Sapul sa mukha si Tabatsoy. Galit na galit ito sa akin.
“Yolanda Ysadora Anai! Wala kang kasing balahura!” sigaw nito sa akin.
Tinawanan naman siya nina Keri at Shane. Imbes na ako’y magalit sa pagtaas niya sa akin ng boses, napabungisngis ako. Naging katawa-tawa kasi ang hitsura ni Taba. Nagkalat ang make-up sa kanyang pisngi. Pati lipstick niya nag-smudge pa sa sobrang pagpahid doon ng tissue dahil pati lips niya ay nalandingan ng mga maiitim kong perlas.
“Next time, use a waterproof makeup and lipstick kasi. Kung gusto mo magdo-donate ako sa iyo.”
Sinimangutan niya ako at dali-daling dinukot ang maliit niyang mirror sa bag. Napatili siya nang makita ang hitsura. Lalo siyang nagalit siya sa akin. Nagtawanan kaming tatlo. Natigil ang pagbungisngis ko nang marinig ang bulungan ng dalawang babaeng estudyante na dumaan sa bandang gilid ko.
“Buntis si Ma’am Mary? Sino kaya ang tatay?” tanong ng isa sa kasama.
“Oh my gosh! Sir Maurr!” halos ay sabay nilang naibulalas sa isa’t isa.
Doon dumagundong sa kaba ang dibdib ko. Binalingan ko si Shane at tinanong. Mukhang hindi pa ito nakaka-recover sa pambubuska kay Felina. Kailangan ko pa siyang yugyugin at usisain tungkol sa dala niyang balita.
“Totoo ba? Buntis si ma’am?” tanong ko. Pang-nth time na iyon.
“Ha? Sinong ma’am?” si Shane.
Nakanganga na rin sina Felina at Keri sa akin at napatingin pa kay Shane. Mukhang hindi rin nila alam na buntis si Ma’am Mary. Hindi ba’t iyon naman ang pinag-uusapan nila kanina? So confusing!
“Sino pa? Eh di iyong bruha na akala mo kung sino?” naiinis kong sagot. Naiimbyerna na ako. Nauubusan na rin ako ng pasensya sa pabitin niya.
“Ah. Iniisip mong si Ma’am Mary ang buntis, right?” nakangising sagot ni Felina. “Kaya naman pala binugahan mo ako ng bubble tea mo. Punyeta ka!”
“Eh sino nga ang buntis? Hindi ba sinabi ni Shane na buntis si Ms. Suarez!” sagot ko sa malakas na tinig. May napalingon sa amin. P*tah. They looked shocked. Top secret pala iyon.
“Hindi siya ang buntis. Ano ka ba. Hindi ka kasi nakikinig, eh,” sagot ni Keri. Mahinahon ang tinig. “Ang sabi ni Shane kanina, nakakita si Ms. Suarez ng pregnancy test stick sa basurahan ng classroom niya sa Engineering Building at positive ang result. Palaisipan ngayon kung sino sa first period class niya sa umaga ang may-ari niyon.”
Napabuntong-hininga ako. I was so relieved.
**********
“What?!” gulat kong reaksiyon sa sinabi sa akin ni Professor Flores. Sadya niya akong pinatawag sa kanyang upisina para makausap nang masinsinan. Pinalabas pa ang sekretarya ng department nila para maka-one-on-one talk ako. Ang akala ko pa naman ay tungkol iyon sa kasong kinasasangkutan namin ni Ms. Anai. Iyon pala ay tungkol sa kumakalat na tsismis na buntis si Mary. At ako pa ang napagbintangang ama!
“You seemed shocked,” komento nito.
Tingin ko pinag-aaralan niya ang ekspresyon sa aking mukha.
“Sir, with all due respect, I don’t want to say you are being too—-,” gusto ko sanang sabihing ‘pakialamero’, pero hindi ko na tinuloy dahil baka lalo niya akong idiin sa kaso ko, instead I said something else.
“I understand your situation, Professor Halvorsen.” At bumuntong-hininga ito. “Ang hindi ko lang maintindihan sa inyong mga kabataan ngayon, ang hilig-hilig n’yong mamangka sa dalawang ilog. Wala na bang halaga sa inyo ngayon ang puri ng mga kababaihan?”
Puri? Ano iyon?
He cleared his throat when he saw the expression on my face. Nagpaliwanag siya. Inisip niya sigurong na-offend ako sa sinabi niya. I had to cut him off to ask what he meant by ‘puri’. Saglit siyang natigilan at napabunghalit ng tawa. He attempted to explain it by using some figures of speech. Pero lalo lamang akong nalito.
“I forgot you grew up in Iceland, Professor Halvorsen. Forget it, then. Anyway, I just want to congratulate you and Mary. I hope that you make an honest woman out of her.”
“Sir, Mary and I—-,” napatingin ako sa may bandang pintuan dahil sa sunud-sunod na malalakas na katok. Mayamaya pa, sumilip ang sekretarya para sabihin na nasa labas na raw si Ms. Anai.
Pinangunutan ako ng noo. May na-sense akong something. Ibig bang sabihin nito’y gusto niya ring makausap ang babaeng iyon? Hmn. Kailangang makakuha ako ng dokumento na nagpapatunay sa tagpong ito dahil maaari ko itong gamitin laban sa committee sa oras na idiin nila ako sa kinasasangkutan kong kaso.
“All right, Professor Halvorsen. Thank you for coming over.”
“Won’t we even talk about the case?” tanong ko.
Umiling-iling ito. “There’s an appropriate forum for that.”
Napanganga ako. Ibig sabihin pinatawag niya ako tungkol lang sa tsismis sa amin ni Mary? I cannot believe him! Nairita ako. Ganunpaman, wala akong nagawa kundi ang tumayo na lang at lumabas ng upisina niya. Nagkasalubong kami ni Ms. Anai sa pintuan. She was getting in, I was on my way out. Dala na rin ng kabutihang-asal, bahagya ko siyang tinanguan nang magkatinginan kami. Mukhang nagulat siya nang makita ako. But then, she calmly nodded as well. Lalabas na sana ako nang tuluyan sa office nila nang marinig ko sa palitan ng usapan ng mga staff na kaya nandoon si Ms. Anai ay dahil sa tsismis tungkol sa amin ni Mary. Siya raw ang source!
“Will you please say that again, Ms. Dana,” pakiusap ko sa nabiglang sekretarya. Hindi niya sukat-akalain na babalik pa ako. Nag-atubili pa sana siyang sumagot, pero nakorner ko rin. Napakagat ako ng labi pagkatapos kong marinig ang kuwento niya.
**********
Pasipol-sipol ako habang pababa ng hagdan mula sa fourth floor ng Arts Building nang bigla kong makasalubong ang tila wala sa mood kong propesor sa Math in the Modern World. Kung sa ibang pagkakataon siguro’y mag-aatubili akong batiin siya, pero hindi sa oras na iyon. I was on cloud nine. Sino ba naman ang hindi matutuwa? For the first time in my four years in college, na-perfect ko ang isang exam sa General Education class ko. May gagamitin akong sandata para makaungot ng dagdag na allowance kina Mommy.
“What do you want from me, Ms. Anai?” tanong ni Maurr—-este Professor Masungit sa akin. Mahina lamang ang kanyang tinig pero nanunuot sa buto ang lamig at—-galit?
Imbyerna na naman siya sa akin? Ah. Baka dahil sa kaso.
“Don’t ask me that, sir, or I’ll answer your question.”
Bumungisngis ako. I covered my mouth to give an air of innocence. Naningkit lalo ang mga mata niya. Inilang hakbang niya ang pagitan namin. Nang magkaharap na kami sa kalagitnaang baitang, he stared at me. Ilang hibla na lang ang pagitan ng mga mukha namin. No’n ko napansin na kahit sa close distance ay wala talagang pores ang pisngi niya. Napansin ko rin na ang kapal pala talaga ng pilantik ng kanyang mga mata. Parang iyong ginagamit ng mga baklang pekeng eyelashes. Makapal na, ma-curl pa. Na-notice ko rin na naging kakulay na ng dagat ang kanyang mga mata ngayong puno ito ng emosyon. Para nga akong malulunod dito. Hindi ko tuloy naiwasang mapasinghap.
“You’re a pretty, young lady but—-,” napailing-iling ito at napakagat-labi. Hindi tinuloy ang gusto sanang sabihin. Alam kong insulto ang kasunod niyon pero ikinatuwa ko ang sinabi niyang ‘pretty lady’. Ibig sabihin nagagandahan siya sa akin!
“Hindi ko alam kung ano ang kasalanan ko sa iyo,” sabi pa niya. Tagalog na buo. Nagulat ako. He sounded like a makata. “Is this about the zero score I gave you in your quiz? You’re messing up my life for a f*cking quiz score?” he hissed. Hindi na niya ikinaila ang galit.
Bago pa ako makasagot, nagpatuloy ito ng litanya. “First, you accused me of sexually harrassing you. Now, you spread lies about me and Mary. What did she do to you to deserve all this? At least, I could understand why you are mad at me. But dragging Mary into this mess—-?”
Napaawang ang mga labi ko sa narinig. Nang mapagtanto ko ang ibig niyang sabihin napatakip ang palad ko sa bunganga.
Oh no!
Nagpaliwanag ako agad tungkol sa tsismis na kinasangkutan niya at ng bruhang guro na iyon. Pinaningkitan niya ako ng mga mata. Hindi siya naniwala.
“Look, Ms. Anai. I know you. Do not make some lame excuse for this.”
Doon na nagpanting ang tainga ko. Napasigaw ako. “Hey! You do not know me because if you do we shouldn’t have this conversation right now!”
Lalo siyang napakagat-labi. “Just tell me what you want, Ms. Anai. I know you are doing this for something. What is it? I want to know so I can decide whether it is negotiable or not.”
Ako naman ngayon ang naningkit ang mga mata. Hinahamon niya ako? Hindi niya ba alam na walanghiya nga ang tawag nila sa akin?
I gave him a slow smile.
“Spill it out, Ms. Anai.” Tila nawawalan na siya ng pasensya sa akin.
“YOU. Yes. It’s YOU I want, Professor Maurr Reidar Ricci Halvorsen, Ph.D., ” walang kagatul-gatol kong sagot.
Hindi siya nakahuma.