![]() | ![]() |
Nangunot nang bahagya ang noo ni Professor Maurr Reidar Ricci Halvorsen, Ph.D. nang buong tapang kong sinabi sa pagmumukha niya mismo na gusto ko siya. Taas-noo pa ako no’n. Siguro sa nakakita sa akin nang mga oras na iyon, iisiping ang lakas ng kompyansa ko sa sarili. Ang hindi nila alam kumakalabog din ang dibdib ko sa kaba at sa takot na rin. Mayroon akong excitement na naramdaman dahil ramdam kong may something kami ni Professor Masungit. Feeling ko nga iyon ang dahilan kung bakit nagsusungit-sungitan siya sa akin. Para itago ang HD niya! Takot din ako siyempre. Sino ba naman ang hindi? Kahit na malakas ang kutob kong pareho kami ng nararamdaman sa isa’t isa, nandoon pa rin ang pangamba kong hindi niya susunggaban ang binigay kong oportunidad. Suplado ang damuhong ito, eh. At sa ibang planeta pa lumaki kaya kakaiba ang ugali.
Ang pangungunot ng noo ni Sir Maurr ay nasundan ng medyo paniningkit ng mga mata. Ganito ang hitsura niya kapag nagsusungit sa akin. Lalo tuloy nagdagundong sa kaba ang puso ko. Pilit ko lamang nilalabanan iyon. I pretended I was just cool about everything.
“As I said, you are a pretty, young lady but—-”
“But what?” agaw ko agad bago pa niya madugtungan iyon. Ang hayop na ito! Hindi pa nilubos ang pagpapasaya sa akin. Nandoon na ang pretty, eh! Tsaka kailangan bang paulit-ulit?
“—-you do not have any respect for yourself,” dugtong niya sa mahinang tinig. Halos ay ibinulong na lamang niya iyon bago tuluy-tuloy na umakyat ng Arts Building. Natulig ako sa mga sinabi niya. Gusto ko siyang habulin at sigawan ng kung anu-ano ngunit nag-atubili rin ako nang may isang grupo ng mga freshmen girls na napadaan at napatingin sa akin tapos sa papalayong juicy butt ni Sir Maurr. Inirapan ko silang lahat bago maarteng bumaba ng hagdan. I knew they heard us based on how they looked at me. I also knew they already judged me. The bitches! Pweh! Ampapanget naman!
Nakapamaywang na Felina ang sumalubong sa akin sa ground floor. May kutob akong nasaksihan din niya ang namagitan sa amin ni Sir Maurr. Napailing-iling siya nang ilang beses.
“What was that about, Yolanda Ysadora?” tanong niya agad sa akin.
“Naku, hwag ka nang dumagdag! Mainit ang ulo ko ngayon! Baka pigain ko ang taba mo riyan!” asik ko sa kanya at nilampasan ko pa siya.
“Binasted ka ba ni Sir Maurr?” At humagikhik ang talipandas.
“Ano ba?” singhal ko lalo sa kanya at lalong binilisan ang lakad papunta sa Freedom Park. Hinanap ko agad sila Keri at Shane doon. Nang hindi ko sila makita, lalong umusok ang bumbunan ko. “Ang sabi ng dalawang haliparot na iyon dito kami magkikita! Saan na ba sila?”
Nilingon ko si Felina na kabuntot ko lang pala.
“Relax lang, mare. Bumili lang sila ng milk tea sa Tayuman. Ikaw naman,” nakangising sagot nito.
“Mainit nga ang ulo ko! Tawagan mo sila! I do not have all the time in the world to wait for them! I was not born to waste my time waiting for some bitches!”
Humalakhak lalo si Felina. Hindi na ako nakatiis. Hinarap ko ito. Pinakita ko sa kanyang seryoso ako sa mga sinasabi ko. Ang hindi ko namalayan, may luha na palang pumatak sa pisngi ko. Naramdaman ko lamang iyon nang biglang sumeryoso si Taba at pinamukha pa iyon sa akin bago niya ako niyakap nang mahigpit.
“Okay lang iyan, mars. Ikaw naman. All of us have also experienced being rejected.”
Pagkarinig ko sa katagang ‘rejected’ kumalas ako sa pagkakayakap ni Taba at tinulak ko pa siya sa bandang dibdib. Napa-aruy ito.
“Ang lakas ng pagkakapisa mo sa prized possessions ko, ha? Ang tindi mo palang ma-reject.”
“Felina, ano ba?!” Pumiyok ang boses ko at humagulgol pa ako.
**********
Whew! And I thought Filipina women are demure!
Grabe talaga ang hangin ng babaeng iyon. Hindi na nahiya na magtapat sa akin. Propesor niya ako. Estudyante ko lamang siya. At mayroon pa kaming kaso ng sexual harassment! Alam ko na ngayong hindi iyon trip-trip lang. Gusto niya talagang makuha ang atensyon ko. Napailing-iling ako at nanghinayang na rin sa kanya. Kung sana hindi ganoon ang ugali niya...
I was thankful I had no students at that time. May field trip daw kasi sila sa National Museum para sa Art Appreciation class nila. Nakapag-relaks tuloy ako and at the same time naitaas ko ang dalawang binti sa desk sa harapan ko.
Hindi mawala sa isipan ko ang hitsura ni Ms. Anai habang tila proud pang sinabi sa pagmumukha ko na gusto niya ako. Isipin mo iyon? Isang estudyanteng halos tagilid sa klase mo magkakaroon ng ganoong tapang? Teka. Hindi kaya ini-istaylan lang ako ng babaeng iyon dahil failing ang grado niya sa Midterm?
Napatingin ako sa direksiyon ng Freedom Park nang may marinig na ingay. Naghihiyawan ang mga estudyante roon. Tila may isang selebrasyon ng kung ano. My curiosity got the better of me. Lumabas ako ng classroom at tiningnan ang direksiyon niyon mula sa hallway na kaharap lang ng naturang parke. May nakita akong isang lalaking lumuluhod sa gitna ng court at nagbibigay ng bulaklak sa isang babae. Wait a minute. Awtomatikong kumalabog ang dibdib ko nang mapansin ang pamilyar na tindig ng naturang female student. Hindi ko na naisip na baka dumaan ang checker ng attendance naming mga guro anumang oras at makita niyang wala na ngang estudyante sa Room 303 ay wala pang prof sa oras pa man din ng klase. Dali-dali akong tumakbo papunta sa elevator. Pinindot ko ang down button. But after a few seconds, I left and ran to the stairs. Inilang hakbang ko lang ang hagdan mula third floor hanggang ground floor ng Arts Building. Nagkunwari na lang akong nagbi-brisk walk nang nasa parke na. Hayun at kitang-kita kong tila nagpo-propose ang team captain ng basketball team namin kay Ms. Anai.
“Fvck!” naibulalas ko agad. Hindi ko napigilan ang sarili.
“Maurr! Hey!” sigaw ng pamilyar na boses babae. Saka lang ako tila naalimpungatan. Kumaway din ako sa papalapit nang colleague.
“Hi there, Mary,” matamlay kong bati.
“Don’t you have class today?” tanong nito sa akin.
No’n ko naalala na wala pa palang thirty minutes since the class period started. Shit! Maa-absent ako ng checker! Napaka-istrikto pa naman ng eskwelahan pagdating dito. Bukod sa kaltas sa sweldo kailangan pa ng written explanation. Iyong paggawa ng justification ang kinaiinisan kong gawin. Pakiramdam ko kasi’y para akong factory worker na kailangang bantayan sa bawat galaw.
“I do. See you around, Mary!” At tumakbo na naman ako paakyat ng Arts Building.
**********
“Tigilan mo ako, hayop ka! May pa-flowers at paluhud-luhod ka pa riyan. Kung hindi ko pa alam. Kapag nakatalikod ako kabi-kabilang flower ang binuburarat mo! Tangina ka!”
Inagaw ko kay Drae ang isang pulumpon na red roses at hinampas sa ulo niya. Sinalag lamang niya ito at tumawa pa ang hinayupak.
“Ano’ng binuburarat? Is that a word? Nang-iimbento ka na naman diyan.”
Hinagis ko ang mga bulaklak sa semento at humalukipkip ako sa harapan niya. I tried to maintain my angry face though I was tempted to smile.
“Nagseselos ka ba? You should have known by now, those girls are nothing to me. Ikaw lang naman ang gusto ko, eh.”
Kumindat pa sa akin ang hinayupak. Dahilan para maghiyawan ang mga girls na nakapaikot na sa amin. May kaunti lang silang distansya sa amin para makapag-video sila nang mabuti pero halos ay napaikutan na nila kami. Mga tsismosang ito! I glared at them. Kumaway lang sila sa amin. They did not take me seriously!
Kinaumagahan ay kumalat na sa buong campus na kami na uli ni Drae. Pero sa isang banda ay may alingasngas pa rin sa amin ni Professor Masungit. Ang papanget na ng mga tsismis tungkol sa aming tatlo. Namamangka raw ako sa dalawang ilog? At baka nga raw ay nagti-threesome na kaming tatlo! Isipin mo iyon!
Grrrr! Gusto kong manabunot ng tao!
**********
I cannot believe my ears. Si Ms. Anai raw ang pasimuno ng kumakalat na tsismis na buntis si Mary. Well, what else is new? Ang hilig naman talaga niyang mang-imbento ng kuwento.
Isang umiiyak na Mary ang nadatnan ko sa faculty room ng GE Department isang umaga. She was being comforted by three female faculty members. Nagdalawang-isip akong lumapit. Ang awkward lang kasi. What can I say to make matters less serious? Ako nga rin ay biktima ng matabil na dila ni Ms. Anai. Ganunpaman, hindi ko rin maidiin ang babaeng iyon. Feeling ko kasi naghahanap lang siya ng atensyon dahil napabayaan sa kanilang tahanan.
“Maur!” May sigla sa tinig ni Mary nang tawagin ako. Natigil siya sa paghahagulgol. Nagsi-alisan naman sa tabi niya ang tatlong younger female faculty members para makalapit ako. I felt awkward. Ako lang kasi ang nag-iisang lalaki roon nang mga oras na iyon at pinagtitinginan pa ako ng tatlong nakisimpatiya kay Mary. They looked at me interestingly. Nakita ko pa ang palitan nila ng tingin. Huwag nilang sabihin na ako ang pinaghihinalaan nila tungkol sa kalagayan ni Mary?
“That student of yours is a rumor-monger! That bitch!” galit na sabi agad ni Mary pagkalapit ko sa kanya. Nang ma-realize siguro na tinawag niya ang estudyanteng ‘bitch’ she bit her lower lip. Tila nahiya siya sa akin. Siyempre naman. She has always been graceful and cultured. Medyo nagulat nga rin ako sa outburst niya.
“It’s all right. I understand why you feel like calling her names. This rumor—-you do not deserve it. I don’t get it. Why did she do this to you?” ang sagot ko na lang para mapanatag ang kanyang kalooban.
“I have no idea at all! Maybe she’s jealous?”
I squinted at her. Si Ms. Anai nagseselos kay Mary?
“Why would she be jealous of you?” tanong ko.
“C’mon, Maur! Everybody in the campus knows she’s got the hots for you!”
“Everybody in the campus?” I smiled at Mary. Exaggeration naman yata iyan.
Bago pa makasagot si Mary, may sumilip sa doorway. Speaking of the devil...
**********
“H-hello po,” sabi ko habang kumakatok nang mahina sa nakabukas nang pintuan ng faculty room ng GE Department.
Lahat ng pares ng mga mata ay natuon sa akin. Iyong tatlong batang faculty members ay kaagad na nagpa-excuse kay Ms. Mary at Sir Maur na mauna na raw sila sa cafe. Pagkakita ko sa lalaking iyon na kasama ang maarte kong guro, medyo sumama ang pakiramdam ko. Imbes na pumunta ako roon para mag-apologize sa isang bagay na hindi ko nagawa, nag-180 degrees ang utak ko. Isasara ko na lang sana uli ang pintuan pagkalabas ng tatlo nang pinandilatan ako ng mga kaibigan ko na kasama kong pumunta roon.
“Uhm, is it okay to talk with you, Ms. Mary?”
“What is there to talk about?” mabagsik na singhal nito sa akin.
I bit my lower lip. I used all my energy to control my raging emotions.
Sinulyapan ko si Sir Maur. Gusto ko rin siyang umalis para makapag-one-on-one kami ng bruhang prof pero tila ang tagal niyang maka-gets. After like a century, he excused himself, too, and went out quietly. Sumunod ang mga mata ko sa papalayong juicy butt. Kung hindi ako kinurot ni Felina ay hindi na sana ako tumuloy sa loob.
Nakahinga ako nang maluwag nang wala na si Sir Maurr. Naglahong parang bula ang pangingimi ko sa maarteng guro. Dahil alam kong wala akong kasalanan sa pagkalat ng tsismis, taas-noo kong sinabi ito kay Ms. Mary.
“Liar! Just like you lied about Maur harassing you! Ano ba talaga ang gusto mong mangyari?”
Nagulat ako sa reaksiyon niya. Ang iniisip ko kasi’y magpapaka-professional naman siya sa akin kahit kaunti lang.
“Ms. Mary, I came here to apologize for something I didn’t even do. But if this is your atttitude—-,”
“My attitude? What do you expect me to react? You have just put me under investigation! Alam mo ba iyon? Pinagbintangan mo akong nabuntis ng walang kinikilalang ama ang magiging anak ko!”
Napakagat-labi uli ako. Walang patutunguhan itong pag-uusap naming ito. Kapag hindi ako aalis doon agad-agad ay baka masabunutan ko ang lintek na babaeng ito.
“Well, if you do not want to believe me, that’s your loss, not mine.”
“How dare you!” galit niyang bulyaw sa akin. “You are just being jealous because Maurr likes me and not you! Well, narito na rin lang tayo—-heto gusto kong ipagkalat mo na rin. Magpapakasal na kami ni Maurr sa lalong madaling panahon! Nagulat ka, ano? Well, you heard me, right!”
Ang sabihing nagulat ako ay isang understatement. Napanganga talaga ako sa bombang pinasabog ng malanding propesor. Nawala ang pagtatapang-tapangan ko.
“Ikakasal na kayo ni Maurr—-I mean ni Sir Maurr?”
She gave me her evil smile. Nakatayo na siya ngayon at nakakurus ang mga braso sa dibdib habang buong pagmamalaking inamin na buntis nga siya at si Sir Maurr daw ang ama!
**********
Nandoon na lahat ng miyembro ng committee na dumidinig sa sexual harassment case ko with Ms. Anai pagdating ko sa conference room ng Administration Building. Nagtaka ako kung bakit ora-orada ang pagdinig na naman sa kaso. Ang alam ko’y sa susunod na linggo pa ito.
Uupo pa lang sana ako sa upuan katabi ng isang may edad nang propesora nang bigla akong inutusan ni Professor Flores na pumuwesto na sa kabisera dahil isasalang na ako sa interrogation. Then, I saw Ms. Anai just beside the old professor. She was sniffing non-stop and her eyes were puffy red. Ano na namang drama ito?
What’s going on?
“It’s good that you’re here now, Professor Halvorsen. You might be surprised of this sudden call for a meeting with your alleged victim. But we need to come with a solution now,” ani Professor Flores. Seryosong-seryoso ang tono ng matanda. Nakababa sa kalagitnaan ng bridge ng ilong nito ang kanyang eyeglasses habang nakatingin sa akin. Kinabahan ako sa ekspresyon ng kanyang mga mata. Tila may pasasabuging bomba ang matanda.
“That’s right, sir. I thought the meeting is next week.”
“Hindi na kami makapaghintay pa dahil nga may problema tayong kinakaharap ngayon. You see, Ms. Anai here is pregnant.”
Ms. Anai is pregnant? So? What’s that got to do with me?
Instant ang pagdating ng realisasyon sa akin. Ako rin ang sumagot sa katanungan ko. Napasigaw agad ako ng, “No!” Nahagip ng mga mata ko ang pagkislap ng mga mata ni Ms. Anai. Tila ikinatuwa niya ang reaksiyon ko.
“Yes, Professor Halvorsen. Welcome to the club,” kalmadong sagot naman ni Professor Flores at kinamayan pa ako.