image
image
image

CHAPTER TWELVE

image

Napatigil ako sa paglalakad nang mapansin kong bawat makasalubong kong mga kaeskwela ay nagbubulungan sa tuwing makita nila ako. What’s going on? Hindi ako nakatiis. Mayroon na sana akong haharangin para sitahin nang biglang lumitaw si Drae.

“Hoy. Totoo ba?” seryoso nitong tanong. He looked so solemn. So unlike Drae.

Mabilis akong nag-isip. Kumalat na kaya sa buong campus ang pamimikot ko kay Sir Maurr? Ambilis naman. Kanina lang iyon sinabi ni Mom ah. Kalat na agad sa buong eskwelahan? Pambihira naman, oo! Wala na bang maitatagong sekreto ang school na ito? Punyeta! Ang matandang huklubang Professor Pelaez ang may kasalanan ng lahat na ito! Siya siguro ang namalita sa mga kapwa niya propesor. Ang mga guro namang iyon ay ni hindi man lang makapagpigil ng mga bibig nila!

“Hoy, Yolanda! Totoo ba?”

“Well—-”

“Ang landi! Hindi na nahiya. Wala ba siyang kakontentuhan man lang? Ngayon si Drae naman?” narinig kong sabi ng dumaang dating Ms. College of Arts and Sciences. Nag-hair flip pa sa akin.

Aba, aba! Hinahamon ba ako ng haliparot na iyon?

Bago ko pa mahila ang mahaba niyang buhok napigilan na ako ni Drae. Hinawakan ako nang mahigpit sa braso at dinala sa lilim ng isang puno na kaharap ng Administration Building.

“I heard Sir Halvorsen knocked you up,” pabulong na sabi ni Drae. Palinga-linga pa ito sa paligid na parang sinisigurong walang nakakarinig sa kanya. “Totoo ba iyon? Ang alam ko he’s not your type. Di ba? Akala ko ako ang type mo?”

Pinangunutan ko ng noo si Drae. Ini-echos ba ako ng kapreng ito? I couldn’t tell. He looked so serious. Wait a minute. Huwag niyang sabihin na all along ay type niya ako? At ang mga kakengkoyan namin ay totoo sa loob niya? No, no, no! Kadiri! Not that he’s ugly or what. Ang totoo niyan, he’s one of the most sought after campus figure at very popular among girls and gays alike dahil bukod sa maganda ang pangangatawan niya gawa ng regular basketball practice, ang guwapo niya talaga. Marami pa ngang nagsasabi na kung hindi lamang siya maitim nang kaunti ay mapagkakamalan siyang kakambal ni Kobe Paras. Kaso wala lang kaming ganoong chemistry.

“Drae—-? Are you telling me—-?”

Si Drae naman ngayon ang nangunot ang noo. “Wait. Are you thinking what I’m thinking?”

Nalito ako. Ano ba ang pinagsasabi ng damuhong ito?

Tumawa ang hinayupak. Noong una ay parang hagikhik lang ito na naging isang halakhak. Pinamaywangan ko siya.

“What’s funny?” naiirita kong tanong.

“You thought I have the hots for you?” sagot nito sa pagitan ng pagtawa. “Baby love, I love you very much but—-I’m not in love with you. You know that,” dugtong pa nito habang hawak-hawak ng kamay ang magkabila kong pisngi. Tinadyakan ko siya sa binti. Nabitawan niya ako at napayuko para hilot-hilotin ang tinamaan ng takong ng sapatos ko.

“Tanga ka ba? Bakit ko naman iisipin iyon?” bwelta ko. But deep down, I was relieved. Ngunit sa isang banda may naramdaman akong kaunting pagkainsulto. At pinamukha pa talaga sa akin ng bwisit na ito na hindi siya in love? Tangina niya!

Iniwan ko na siya roon without answering his questions.

**********

image

Palabas na sana ako ng gate para pumuntang Jollibee across the street nang mamataan ko sa hindi kalayuan si Ms. Anai at ang basketbolistang iyon. Nasa lilim sila ng isang puno. Tatalikod na sana ako sa direksiyon nila nang makita kong bigla na lang hinawakan ng lalaki ang magkabilang pisngi nito. Napasinghap ako. Hindi ko alam kung bakit nakaramdam ako ng pagkairita na para bagang gusto ko silang lapitan at bigyan ng uppercut ang lalaki.. Marahil bilang guro niya ay naeskandalo ako sa guts niya. Biruin mo? Magpapahalik gayong nasa public place? Ang dami kayang dumadaang tao sa gawi nila. Not that I am conservative. Hindi lang siguro ako sanay ng PDA dahil lumaki ako sa  Reykjavik kung saan bihirang-bihira ang PDA kahit among couples.

“Maurr! Hey! Prof. Halvorsen,” tawag ng pamilyar na boses babae.

Napatingin ako sa gawing kanan at nakita ko si Mary na kumakaway sa akin. Nasa harapan siya ng chapel at tila papanhik na roon nang makita niya ako. I waved at her, too. May sinenyas siya. Hindi ko maintindihan. Nagpakita ako ng kalituhan. I saw her laughed. Nang mapasulyap na ako sa gawi nila Ms. Anai nakita ko nang nakayuko ang lalaki na tila nasaktan. What happened? Bakit parang nagalit bigla ang babaeng iyon? Binawi ko ang tingin nang makita kong papalapit siya sa kinaroroonan ko. Kaagad ay nagsuot ako ng sunglasses at naglakad na patungo sa gate. Nang ita-tap ko na ang faculty ID sa turnstile ay biglang may humawak sa braso ko.

“Thanks for waiting, Maurr,” nakangiting sabi ni Mary.

Nagulat ako. No’n naman dumaan sa tabi ko si Ms. Anai. She looked at me with anger in her eyes before she tapped her ID on a turnstile and passed through the vertical posts.

What was that all about? Hindi ba dapat ako ang magagalit? What she and her mom did today was terrible. At mamaya nga ay kailangan ko pang pumunta sa isang dinner kung saan pagpapasyahan ang pagsakal nila sa kalayaan ko.

“Professor Halvorsen,” bati sa akin ng kapwa-propesor ko pagkalabas na pagkalabas ko sa mechanical gate. Nakangiti siya sa akin ngayon, pero ramdam ko’y hindi naman iyon totoo sa loob niya. I scowled at him. Nagpasalamat ako sa suot na sunglasses. At least hindi halatang nag-aapoy sa galit sa kanya ang mga mata ko.

“Hello, Professor Flores,” sagot ko naman sa mahinang tinig. Walang kalatoy-latoy. I did not pretend anymore that I liked seeing him at that moment. Hinayaan ko si Mary na siyang kumausap sa kanya. Nauna na akong maglakad patungo sa tabi ng tawiran. Nang mapansin kong tila susundan ako ni Mary sa Jollibee, I thought of an alibi. Ayaw ko kasi siyang makasama nang mga oras na iyon. Gusto kong mapag-isa habang nag-iisip kung paano ko matatakasan ang dinner date namin kasama ang mag-inang Anai.

“Maurr, wait!” si Mary uli. “Shall we grab something to eat at Jollibee? Doon ka rin ba pupunta?”

“Oh. No. I am just going for a walk before going back home.”

“Gusto mo samahan kita?”

Tumingin ako sa relos. “It’s almost four twenty-five. I thought you have a four thirty class in the Engineering Building?” paalala ko.

No’n lang din napatingin sa relos niya si Mary at napa-shit. Bigla siyang nagpaalam sa akin. Iyon daw pala sana ang gagawin niya kanina. Aakyat sa sixth floor ng Education Building pagkatapos niyang mag-pray sa chapel. Doon na siya dadaan papuntang eight floor ng Engineering Building dahil siguradong mahaba na ang pila sa elevator sa ibaba. Ilang minuto na lang kasi at mag-uumpisa na ang pang-seventh period.

Napailing-iling ako nang makitang halos tumakbo na ito papunta sa naturang gusali.

Sa lahat ng mga babae kong colleague, si Mary ang pinaka-obvious na may gusto sa akin. Pinapaalam pa niya sa mga estudyante sa pamamagitan ng pa-joke-joke. Tuloy ay tinutukso kaming dalawa. Wala naman sa akin iyon dahil mabait naman siya. Kaso nga lang minsan ay parang hindi siya nakakaisip na kalabisan na ang presence niya.

I should be flattered with Mary liking me. Sa lahat ng mga babaeng propesor sa unibersidad, ito na yata ang pinakamaganda. She’s a lot taller than most Filipina women, even taller than my mom who stands at five feet seven inches, and with a body to die for. Kaso nga lang, wala talaga akong nararamdamang excitement para sa kanya. Siguro nakabawas ang paghahabol-habol niya sa akin.

Bumalik sa highway ang atensyon ko nang maramdamang nagsitawid na sa kabila ang mga kasabayan kong estudyante. May mga nakasalubong pa ako na papasok sa campus. Bumati sila sa akin. Ang mga kababaihan ay naghagikhikan habang kumakaway-kaway. I smiled at them. Lalo silang naghiyawan. Nang halos nasa kabilang kalye na ako, may sumigaw.

“Sir Maurr, I love you!”

Paglingon ko, nakita ko ang isang cute na cute na Tourism student na nagtaas pa ng kamay at binigyan ako ng finger heart. I didn’t know what to do. So I simply nodded and walked towards Jollibee. Pero bago ko narating ang naturang fastfood center ay napalingon pa uli ako sa direksiyon ng mga bata dahil naghihiyawan pa rin sila. Tinutukso nila ang kaklase nila at tumatalon-talon pa rin ito sa kilig. Napailing-iling na lang ako.

**********

image

Alas siyete y na’y wala pa rin si Professor Maurr Reidar Ricci Halvorsen, Ph.D. at nababagot na si Mommy. Ako nama’y sobra nang bored at hirap na hirap na sa paghinga. The struggle is real when Mom is around. Hindi ko siya feel kasi. Natatakot akong naiirita. Basta. Ang tingin ko kasi sa kanya’y kontrabida sa buhay ko.

“Darating pa ba ang fiance mo? Aba’y alas siyete na! Dapat tayo ang hinihintay nila, hindi tayo ang naghihintay sa kanila!”

“It’s just seven o’clock, Mom. The agreement is seven thirty,” I replied in a monotonous tone.

“Do not give me that look. I am doing you a favor!”

Binaba ko ang wine glass while gathering all my guts saka pinrangka ko na si Mom.

“Hindi ako buntis,” walang kagatul-gatol kong pagtatapat.

“Alam ko. I’m a doctor and you cannot fool a doctor.”

“Iyon naman pala, eh! What are we doing here then?”

Humalukipkip si Mom at ngumit sa akin. Iyong ngiti na ala-Cherry Gil. Alam mo iyon? Iyong pag may pasasabuging bomba sa pagmumukha mo. I hate that smile!

“When your guidance counselor phoned me a few days ago about this sexual harassment case which you filed against a professor of your university, I only had one thing in mind. Kailangan managot ng hinayupak na propesor na iyon. Nang sinabi nilang nagbunga ang ginawa sa iyo ng prof mo, I felt I had to do something. Tinawagan ko agad ang judge na pinsan ng dad mo. And he agreed to do everything in his power to have the bastard rot in jail. Pero unang kita ko pa lang sa iyo at sa propesor mo, I knew you were lying! And I was angry. Actually, I’m still angry. Do you know how busy my life is in the States? Halos hindi na ako makakain minsan sa dami ng mga pasyente tapos pauuwiin mo ako ora-orada for this bullshit? Tapos mapag-alaman kong hindi pala totoo?”

“Then why are we here?” ulit ko uli. This time halos hindi na iyon marinig pa. Takot na takot na ako sa hitsura ngayon ni Mom.

“I want you to learn a lesson. This man will teach you something valuable in life.”

“Ipagkakatiwala mo ako sa isang lalaki na hindi mo lubos na kilala? Mom!”

“Do not Mom me! Hiningi mo ito, pwes, ibibigay ko. At tumigil-tigil ka sa drama mo dahil if I know, kating-kati na ang puke mo riyan na masilo ang lalaking ito. Well, I’ll help you my dear daughter. Tingnan natin kung hindi ka magtanda!”

“What’s the point, Mommy? Gusto mo ba akong mapahamak?”

Tumawa ang mom ko. Nagulat ako. At lalong nalito.

“He is a good guy. A very nice guy. So I know that he will not do something stupid to you. But then, I also know that he’s not into you. Being married to a nice guy who’s not in love with you will make you see how the absence of love can make someone ‘cruel’. Siguro nga dapat ay malasap mo iyan nang tumigil ka sa mga kabulastugan mo. Baka iniisip mong hindi ko alam ang ginawa mo sa lalaking ito sa unang araw ng pagkikita n’yo?”

Shit! Ang drama ko sa 7-Eleven!

Nag-init ang mukha ko. No’n naman dumating ang Halvorsen family. Masigla kaming binati ni Mr. Halvorsen. Kung kanina medyo cold ang misis niya, this time medyo okay na. Si Maurr lang ang hindi nagbabago. He was very polite with mom and very cold towards me. Hindi pa nagsisimula ang buhay namin bilang mag-asawa ay tila pinapalasap na niya sa akin kung paano siya as a husband. Parang medyo natatakot na ako. Ito na ba ang sinasabi ni Mom?

“Excuse me. I just want to go to the comfort room,” sabi ko sa kanila.

Hindi ko na hinintay pa ang sagot nila. Dali-dali na akong tumayo at naglakad patungo sa CR. Pinili ko ang pinakadulong cubicle at binaba ang toilet seat cover. Doon ako naupo habang tinatawagan si Keri. Nagpapasaklolo ako. Kaso nga lang cannot be reached ang bruha. Tinext ko siya. No reply siya. Tinawagan ko sunod si Shane. Ganoon din. Pati si Felina ay hindi ko mahagilap. Napapukpok ako sa pintuan ng cubicle in frustration.

Paglabas ko ng CR, nakita kong nakasandal si Sir Maurr sa dingding sa pagitan ng pambabae at panlalaking banyo. He was slightly tilting his head upwards habang nakapamulsa sa kulay gray niyang slacks. Bagong ahit at gupit si sir. Crew cut. Bagay sa kanya. Mukha siyang lalaking-lalaki. Kahit na naka-long sleeves ng kulay puti at halos naka-button ito hanggang sa leeg, alam ninuman na may nakatagong kayamanan sa loob si Sir. Nai-imagine ko nga ang matigas at mamasel niyang dibdib saka ang halos nililok na abs. Sabi ng mga kaklase kong bading na nakasabay one time sa CR ng boys si Sir Maurr, nakita nila itong nagpalit doon ng t-shirt. They saw him topless and they said he’s as sexy in real life as in our imagination!

Napalunok ako nang sunud-sunod. Nakaramdam din ako ng pangangati ng daliri. Parang gusto nilang ma-feel ang pectoral muscles ni Sir Maurr. Napakagat-labi ako. Nagulat ako nang bigla na lang siyang tumayo nang matuwid at mapatingin sa akin. Nasamid ako ng laway ko. Napaubo ako nang ilang beses.

“Did you tell your mom that everything was just a lie?” deretsahang sita sa akin ng damuho. Ni hindi man lang hinagod ang likuran ko dahil nauubo pa rin ako.

Nang maka-recover na’y tiningnan ko siya nang masama.

“Yes,” sabi ko in gritted teeth. At nilampasan siya. Hinagip niya ang kanang braso ko. Na-out balance ako kung kaya napahawak ako sa dibdib niya. Napahawak naman siya sa magkabila kong balikat at tinulungan niya akong ma-regain ang balanse ko.

Sa maikling sandaling iyon nang pagsagi ng mga daliri ko sa pecs niya, napagtanto kong tama ang mga baklita kong kaklase. It was hard and hot. Susko! Baka hindi ako makatulog mamaya!

“Then, why is your mom adamant to have us married?”

“She wants to have granchildren ASAP. And she wants it with you!” pabalang kong sagot.

Nagsalubong ang mga kilay ni Sir Maurr. Nalito. Halatang hindi niya inaasahan ang sagot ko. Gusto kong matawa sa ekspresyon ng mukha niya.

“But why? Why me?”

“Beats me!”

Nakita kong napalunok nang ilang beses si Sir Maurr. Pero parang nag-isip siya ng isang lohikal na paliwanag. Ang cute niya tingnan. It makes me feel kilig. Pinigilan ko lang ang self ko.

“Guys! What’s taking you so long?”

Napalingon kami pareho sa pinanggalingan ng boses. Dad niya. At sinundan yata kami.

“Ah. My apologies,” sabi pa nito at kumindat muna sa anak bago bumalik sa dining hall ng hotel.

Nang mapagtanto ko ang kahulugan ng reaksiyon ng dad ni Sir Maurr, bigla akong tumayo nang matuwid at lumayo na rin sa kanya. Halos nakayakap kasi ako kanina. Medyo nag-init na nga ang mga dunggot ko dahil nakadikit sila sa bandang ibabang dibdib ni Sir Maurr. Mainit pala ang katawan niya! And to think may pagitan pa kaming polo shirt saka itong blue satin na bodice ng dinner dress ko. My God! Siguro kung wala’y baka natosta sa hotness niya ang boobies ko. Kiniliti akong hindi mawari. I had to pinch myself to behave decently.

“Your mom’s insane. Now, I understand where you got that wild, erratic behavior of yours. I guess it runs in the family, huh?” bulong niya sa akin. Halos dilaan na niya ang punong tainga ko. Susko! Lalo akong kiniliti. It was so intimate!

Bago pa ako maka-react ay nauna na itong bumalik sa mga magulang namin. Nakaramdam ako ng disappointment na hindi pa napahaba ang moment naming dalawa. Haist!