image
image
image

CHAPTER THIRTEEN

image

“Pinabalik daw ni Sir Maurr ang long test mo? Totoo ba iyon?” tanong ni Keri nang makasalubong niya ako sa canteen nang umagang iyon.

“Oo. Baka namali ng counting. Three points na lang ang kulang ko para makapasa. Kainis!” sagot ko sabay lapag ng shoulder bag sa isang mesa malapit sa mga stalls ng pagkain.

Ngumisi si Keri. “Bakit naman kasi hindi ka nag-aral. Nagbigay ako ng review materials ah.”

Sinimangutan ko siya.

“Huwag mo nga akong nilalansi riyan. Bakit cannot be reached ka last night? Sagot!”

Pabiro ko siyang sinakal. Humagikhik ang bruha.

“Your mom——ano ba!” At humalakhak na ito sa kiliti. Pinagtinginan kami ng mga gurong nagbe-breakfast doon. Hindi ko sila pinansin. Sinakal ko pa kunwari si Keri. Sa kakaiwas niya may nasagi siyang tray. Napa-oops ang may hawak no’n at may tumalsik na malagkit na likido sa paanan namin. May natapong orange juice. Nang mapatingin kami sa kung sinong nasagi, bigla kaming nagseryoso ni Keri. Umupo kami nang matuwid. Ang friend ko’y nag-sorry pa.

“Let me carry that for you, Sir Halvorsen. Where do you wanna sit?” pagmamagandang-loob pa ni Keritot. Pero inisnab siya ni Sir. Tiningnan pa ako nang masama. Dedma lang ako.

“Ang sabi mo, pumayag na si Sir na ikasal kayo? Bakit parang hindi ka kilala?” pabulong na tanong sa akin ni Keri. Patago pang sinulyapan si Sir Maurr na sinadyang maupo malayo sa aming dalawa ng kaibigan ko.

“Ano pa nga ba? Baka nagpapa-hard to get!”

Dinampot ko ang shoulder bag at nagmartsa palabas ng canteen. Humabol si Keri.

“Hindi ba tayo magbe-breakfast dito?”

“Hindi na.”

“Bakit naman? Nagtitipid pa naman ako ngayon. Pass muna ako sa Jollibee o Yellow Cab, ha? I spent all my money on that goddamn ticket. It better be worth it!” 

Ang ticket na sinasabi ni Keri ay ang pa-concert ng isang K-Pop group sa Manila. Napilit siya nila Shane at Felina na samahan silang manood no’n. Ako nama’y mariing tumanggi. Hindi ko kasi feel. Mayroong pa-seminar si Professor Maurr Reidar Ricci Halvorsen, Ph.D. sa nasabing araw. Hanggang alas siyete y medya iyon ng gabi. May choice ba ako? Napangiti ako nang lihim.

**********

image

Habang tinitingnan ko ang algebraic expression pati na ang solution na inakala kong sariling gawa ni Ms. Anai para magpa-cute sa akin, napailing-iling ako. Na-flatter pa naman ako nang una kong makita iyong love note niyang in-express niya in mathematical equation. Iyon pala ninakaw niya lang on Google at hindi pa nag-site ng source. Akala niya malulusutan niya ako.

Hindi iyon parte ng exam na pinasagutan ko sa kanya, kung bakit isinama. Find ‘i’ pala, ha. Sinulatan ko pa-crosswise ang ginawa niyang computation ng: PLAGIARIZED. Gusto ko sana siyang bigyan ng zero na score sa exam, pero naawa rin ako. Nag-deduct lang ako ng five points doon sa total score niya. From 47 naging 42 na lang ang nakuha niyang puntos.

“Good afternoon, Maurr—-I mean, Sir Maurr.”

Thinking of the devil...

Hindi na ako kailangang lumingon para makilala ko ang may-ari ng boses ng presumptous student ko. Si Ms. Anai, who else. Tila bumalik na sa dati ang disposition nito. Kung no’ng isang gabi’y tila basang sisiw siya sa tabi ng mom niya, ngayo’y back to her old self. Ang bilis niyang maka-regain ng composure at confidence. Heto nga’t hindi ko pa pinapaupo sa harapan ng desk ko ay naupo na agad. I stared at her with a blank expression on my face. I was playing with my pen. Tinatap ko no’n nang mahina ang desk ko. Instead of getting uncomfortable with my silence, Ms. Anai seemed relaxed and poised. She even managed to give me her sweetest smile. Ako ang nailang. Napalunok ako nang wala sa oras.

Nilapag ko sa harapan niya ang corrected score ng long exam niya at biglang napalis ang ngiti niya sa labi. Nagsalubong pa ang kanyang mga kilay. She stared at me in disbelief.

“You deducted five points from my score?”

I pointed at the plagiarized ‘I love you’ mathematical equation. “I Googled it and I discovered it came from a source. NOT ORIGINAL. But you claimed it as yours. Therefore, you violated our plagiarism rule. Buti nga minus five ka lang diyan.”

“Maurr Reidar Ricci Halvorsen, Ph.D. you’re impossible! Bwisit ka!”

Nagulat ako sa outburst ni Ms. Anai. I was about to point out she was being disrespectful to her professor when she suddenly burst into tears. For the first time since I came to know her, I saw how vulnerable she was. Nataranta ako.

“My mom would surely kill me for this. Forty-two percent out of a hundred? Ugh! You’re so cruel, Professor Halvorsen! Gusto lang naman kitang patawanin do’n sa lovenote eh. You’re one killjoy professor! Nakakainis ka! Nakakainis ka!”

Before I can even say something—-my instinct told me I should console her, she stood up and stormed out of my office.

**********

image

“Yolanda Ysadora!”

Naalimpungatan ako sa sigaw ni Mom. Hinila pa nito ang comforter ko’t basta na lang winasiwas sa sahig. Nakapamaywang na pinagalitan niya ako nang husto dahil hindi pa ako handa na alas otso na nang umaga. Oras na raw para puntahan namin ang boutique sa Makati para sa aking traje de boda.

“Mom, please. I am tired. I had a 9 PM class last night. I came home at midnight. Why don’t you arrange for the gown yourself? Anyways, you’re the one who’s very eager to get married with that bastard,” reklamo ko.

Imbes na sumagot, hinila ako ni Mom sa kamay at tinulak sa banyo. Nagpadyak ako at nagpumilit lumabas, pero binuksan niya ang shower at binasa na ako. I cried.

“Huwag ka nang magdrama riyan. Ginusto mo ito. Sinira mo ang schedule ko, pwes panindigan mo. Your dad is coming on Friday to attend your wedding on Saturday. You better don’t give us any embarrassment or else—-”

“Ika-cut n’yo ang allowance ko? Then, go ahead! I’m tired of this life anyways!”

Iyon sana ang gusto kong isagot kaso nabahag ang buntot ko. Maisip ko lang na wala na akong mawi-widro sa bank account ko kada buwan ay sapat na para mawalan ako ng lakas ng loob. Hanggang padyak-padyak lang talaga ang kaya ko.

Nag-text ako sa mga kaibigan nang papunta na ang sasakyan namin ni Mom sa Makati. As usual, none of them replied. Napabuga ako nang hangin sa matinding frustration. Nang malingat ang mommy, hinarap ko siya at binelatan. Pagtingin niya sa akin, nagkuwari akong nakatingin na sa labas ng bintana. Nang magsalubong ang mga mata namin ng driver sa salamin sa harap, nakita ko itong nangiti. Nahuli niya siguro ang ginawa ko kay Mommy.

Pagdating namin sa boutique, inasikaso kami ng halos lahat na sastre at sales lady doon. That was how influential my mom was. Kulang na lang dilaan nila ang dinadaanan nito. Napasimangot ako sa kanila. But I have to admit, they have the most gorgeous bridal gowns ever.

“We’re only having a simple wedding, mom. Why do I need to wear a gown?”

“Because I want you to look pretty for your husband or else, you will look like his kasambahay.”

Napanganga ako. Was it my mom speaking? Insultuhin ba naman ako nang ganoon sa harap ng ibang tao!

Nang hindi na siya tumitingin, namaywang ako paharap sa kanya at binigyan ko siya ng dagger look. Napansin pala ng isang seamstress ang ginawa ko. I heard her chuckle. Lumapit siya sa akin at pabirong kinurot ako sa pisngi.

“Don’t believe your mom. You are a very beautiful young lady. We cannot wait to dress you up.”

Nang inaayusan na ako sa harap ng salamin, hindi ko naiwasang pakatitigan ang repleksiyon ko. Sa totoo lang, hindi sa nagbubuhat ng sariling bangko, may hitsura naman ako. Katunayan, lagi akong naiimbitang sumali sa beauty contest sa school dahil bukod sa ganda raw ng mukha ko, matangkad pa ako at makinis ang balat. May mga nagsabi pa nga na sa biglang tingin ay kamukha ko raw si Taylor Swift, morena version. Pero itong mommy ko kung makalait sa akin, parang hindi niya ako anak. Nakakainis minsan. Kahit hindi totoo, napipingasan din ang self-esteem ko kahit papaano.

“Maganda siguro doktora na we’ll coil her hair in a neat chignon like this para classy,” sabi ng isang nag-aayos sa akin kay Mom. I saw my mother frowning a little bit. Ampanget daw. Huwag sabi niya. I secretly rolled my eyes.

Naka-sampong palit kami ng wedding dress nang may mapili siya for me. Iyong off shoulder na backless pa. The bodice hugged my chest and waist like it was a second skin tapos flowing na from hips until the ankle. Itinaas nila ang buhok ko at hinayaang may lumawit na kung ilang hibla. Grabe ang feeling. Pakiramdam ko’y isa akong prinsesa. Ganoon pala ang nararamdaman ng mga bride. Lalo na siguro kung ikinakasal sa tamang dahilan.

Nang maalala ko si Prof. Halvorsen, nalungkot ako. At na-guilty na rin nang sobra-sobra. Alam kong hindi na tama itong ginagawa namin ni Mom. I have to do something about this. Or else, I might be bothered by my conscience for life.

**********

image

“What?! A shotgun wedding?” nagulat ang pinsan kong si Lilja nang malaman niyang ikakasal na ako nang Sabadong iyon. “Is that still a thing here in the Philippines?”

“Obviously,” parang tinatamad kong sagot habang binubuksan ang pangalawang bottle of beer ko. I opened another for her, too.

“In fairness to her, she’s really a looker. I think you two look good together,” nakangising sabi pa ng pinsan ko. “You’ll definitely have beautiful babies.”

I smirked, then drank my beer.

“If you do not want to go ahead with this wedding, I know some lawyer who can help you out. I have a good friend whose mother is a lawyer. This sexual harassment case of yours will be just an easy-peasy case for her. What do you think? Should I contact her for you?”

“Which friend? That basketball player?”

Lilja blushed and smiled sheepishly.

“Forget it. Your friend is Ms. Anai’s very good friend or—-special friend? You better watch out. That guy is up to no good. He might be just using you for something.”

“Of course not! Drae is a good guy! And I know he’s sincere and loyal, too.”

I rolled my eyes. “All right, if you say so.”

Pinagkurus ni Lilja ang mga braso niya sa dibdib at tiningnan ako nang masama. Hindi na siya kumibo pagkatapos no’n. Inubos niya ang pangalawa niyang beer at nagpaalam na sa akin.

“Oh, I thought you are staying for the night here in my place,” sabi ko.

“I changed my mind. I’ll go back to my dormitory now.”

“Okay.” At hinatid ko siya sa elevator ng building namin.

**********

image

“Grabe! Hindi man lang kami invited?” naka-pout na reklamo ni Keri at Shane.

“Ba’t ko naman kayo iimbitahinsa kasal na iyon? Hindi naman iyon happy ocassion.”

“Sus! Kunwari ka pa. Palagay ko nga, atat ka nang matapos iyon nang magawa mo na ang maiitim mong balak kay Sir Maurr,” sabat naman ni Felina habang kumakagat ng burger niya. Inirapan ko siya. Ang tabatsoy na ito!

“Pero, seryoso Eula. Update mo kami, ha? Excited kaming malaman kung totoong superdaks ni Sir!” nakikilig na sabi uli ni Taba.

“Que barbaridad, Taba! Akala mo naman sa akin kasing manyakis mo?”

Itinirik ni Felina ang mga mata pero ang lawak ng ngiti nito.

Hindi ko naiwasang magpantasya kay Sir Maurr pagkasabi niyon ni Felina. Ilang gabi na nga akong ganito. Ini-imagine ko siyang nakahubad habang naglalakad sa kuwarto namin pagkatapos mag-shower. Tingin ko matigas ang dibdib ni Sir. Nahawakan ko na nang mag-dinner kami noong isang gabi sa Shanggrila eh. Saka feeling ko pa, six packs siya at dot-dot-dot. Daks!

Siniko ako ni Keri. “Hoy. Naglalaway ka!”

Nagpahid ako ng bunganga. Nagtawanan silang tatlo.

“Got yah! Pinagpantasyahan mo si Sir, ano?” kantyaw pa sa akin ni Keri. Nagtawanan na naman ang tatlong higad.

Sinimangutan ko sila.

No’n dumaan sa tabi namin si Vivi at mga kaibigan nito. Nakasagutan ko na ito one time dahil sa kumalat na nude pics ko diumano sa campus. Sila ang pinagbintangan kong gumawa no’n although it was not proven to be true. Ang bulinggit at nagparinig pa sa akin. Maluwang na raw ang tahong ko sa kakaano araw at gabi.

“Hoy, duwende! Ako ba ang kausap mo?” asik ko sa kanya.

Tumigil ito sa paglalakad. Nagpalinga-linga pa ito kunwari sabay tingin sa mga kaibigan. “Guys, may nagsasalita ba?” tanong pa sa kaibigan.

“We don’t know. Meron ba?” sakay naman ng isa.

Tatayo na sana ako sa kinauupuan kong bench sa tapat ng Science Building nang humarang ang mga kaibigan ko. Huwag ko na raw patulan.

“Mga inggitera! O siya, I’ll tell you what! Alam ko namang gusto n’yong makasagap pa ng tsismis eh. Makinig kayo, ha? Oo, maluwang na maluwang na! Araw-gabi kasi kapag walang klase ay nag-aanuhan kami ni Sir Maurr!” sigaw ko sa kanila.

Napatutop sila ng bibig. As if pa. Ang mga kaibigan ko nama’y napanganga. Hindi sukat akalain na papatulan ko nga ang mga bruha.

“At heto pa, ha? Ang kuwan ni Sir Maurr? Ganito kalaki oh!” At minuwestra ko pa kunwari sa braso. “Sobrang tigas pa! At dinidilaan, inaamoy at isinusubo ko iyon kung kailan ko gusto! Mamatay kayo sa inggit!”

“Yolanda Ysadora!” si Felina. Mukhang naeskandalo si Taba.

“Ms. Anai!” anang isang boses pa sa hindi kalayuan.

Napalingon ako sa tumawag sa akin. There, he was. Ang subject ng aking pag-eeskandalo. Seryosong-seryoso ang mukha niya. Narinig kaya niya ang lahat ng pinagsasabi ko tungkol sa ano niya? Gosh! Nakakahiya!

Narinig kong humagikhik ang mga kaibigan ko. Ako nama’y pinamulahan ng mukha. Pakiramdam ko’y nilagnat ako bigla lalo na sa paraan ng tingin sa akin ngayon ni Sir Maurr. May kakaiba siyang tingin ngayon. Hindi ko mawari. Bumilis tuloy ang tibok ng puso ko at nanuyo ang aking lalamunan. Gusto kong magsalita pero walang namutawi sa aking mga labi.

“What did you say?” tanong pa niya habang lumalapit.

Napalunok ako. At hindi ko pa mahagilap ang dila ko. Biglang umurong.