image
image
image

CHAPTER FOURTEEN

image

What did I say? Putragis! Narinig ba ako ng kumag na ito kanina at gusto lang akong ilagay sa alanganin?

Nagpasaklolo ako sa mga kaibigan ko. I looked at them asking for help without uttering a single word. Usapang mata sa mata kumbaga. Pero imbes na tulungan ako ng mga haliparot, ngumisi lang sila sa akin. Tinaasan pa ako ng kilay ni Felina na tila hinahamon ang pagiging eskandalosa ko. I gave her a dagger look. Lalong tumamis ang ngiti ni Taba. But like Keri and Shane, she remained silent.

“Well, Ms. Anai?” si Sir Maurr ulit. Nakakurus na sa dibdib ang kanyang mga braso. Hinihintay niya ang kasagutan ko. Hindi ko alam kung ano talaga ang saloobin niya dahil seryoso, pero hindi naman mukhang galit. Wala ring palatandaan kung natuwa sa mga sinabi ko.

“M-mukha namang narinig po ninyo bakit n’yo pa po pinapaulit?” sagot ko sa wakas. I emphasized the ‘po’ and made my voice extra polite.

He stared at me without uttering a word. His blue eyes started to turn a bit icy. I shivered a little. I also felt a bit embarrassed but then I need to show my friends, Vivi, and her stupid asungots that I am still Yolanda Ysadora Anai, ang reigning queen ng mga mahadera. Imbes na bumahag ang buntot taas-noo kong hinarap si Sir Maurr at nginitian na. Lahat ng sugar sa nainom kong milk tea ay nilagay ko na sa ngiting iyon.

“When will you ever try to act like a lady? You always disappoint me, Ms. Anai.”

Mahina ang tinig ni Sir Maurr pero sobrang tumagos sa puso ko. Anuman ang pagsusumikap kong balewalain ang mga iyon hindi ko nagawa. Awtomatiko nga akong napapiksi at hindi agad nakahagilap ng isasagot doon.

“And when will you stop acting like an ice king, Maurr? As if ka pa. You also disappoint me.”

Nagsalubong ang mga kilay ni Sir Maurr. Medyo naningkit pa ang kanyang mga mata. Shit. Nagalit na yata ang kumag. Aminado akong natatakot din ako nang kaunti, pero hindi ko maikaila rin ang excitement na nararamdaman.

Bakit ganoon? Ang ibang taong nauubusan ng pasensya kapag nalulukot ang mukha’y pumapanget, pero itong hinayupak na ito ay tila lalo pang pumogi. ‘Asan ang hustisya, Lord?

“Maurr? It’s Sir Maurr or Professor Halvorsen to you. I am NOT your friend, Ms. Anai,” mariin niyang sagot. Umiling-iling pa ito pagkatapos.

Naghagikhikan tuloy hindi lang mga kaibigan ko kundi pati na rin sina Vivi at mga engot niyang kasama. Lalo akong nainis kay Sir Maurr. The moment he turned his back on us, ginaya-gaya ko ang sinabi niya sa akin tapos ay binelatan ko pa siya.

“You’re being childish Yolanda Ysadora. Ewan ko sa iyo,” natatawang sabi sa akin ni Felina saka nagpaalam itong pupunta na sa klase niya.

“O siya, sistah. See you later, okay? Behave. Papasok na rin ako,” sabi naman ni Keri. Hinalikan niya ako sa pisngi. Ganoon din ang dayalog ni Shane matapos magbeso-beso.

“Pahiya ka, ano?” nakangisi namang pahayag ni Vivi. Nagtawanan sila ng mga kaibigan niya bago pakembot-kembot na umalis sa harapan ko.

Pinigilan ko ang sariling batuhin sila ng suot kong sapatos. Huminga lang ako nang malalim.

May araw ka rin, Maurr Reidar Ricci Halvorsen, Ph.D.

**********

image

Kanina pa ako nakatingin sa blank screen ng laptop ko, pero wala akong maitipa. Nakadalawang texts na sa akin si Prof. Pelaez para magtanong kung tapos na ako sa proposal ko para sa gagawing talk sa Activity Period ng unibersidad sa susunod na buwan. Nandoon daw siya ngayon sa upisina ng dekano ng College of Arts and Sciences at pinag-uusapan nila ang iisponsor na talks ng departamento namin.

Huminga ako nang malalim at isinandal muna ang ulo sa headreast ng upuan ko. I closed my eyes. Kaso kahit ano’ng gawin ko umaalingawngaw pa rin sa aking isipan ang mga sinabi ni Ms. Anai sa kanyang mga kaklase kanina.

“...dinidilaan, inaamoy at isinusubo ko iyon kung kailan ko gusto!”

I just found myself smiling. The moment I realized it, I instantly bit my lower lip. Dumilat na ako at humarap muli sa laptop. Mayamaya nang kaunti may kumatok at may sumilip sa maliit na siwang ng nakabukas na pinto ng faculty room ng Math Department. It was Mary.

“Hi, Maurr. May I come in?”

She looked so gloomy. Ibang-iba sa Mary na nakasanayan ko. Tila pasan niya ang daigdig ngayon. Totoo kaya ang balita tungkol sa pagbubuntis nito at tinakasan daw siya ng ama ng bata? Huwag naman sana. Although being a single mother these days is no longer frowned upon by the Philippine society, iba siyempre kapag guro ang isang babae. Iyon marahil ang pinoproblema nito.

“Sure. Come in,” pakli ko.

Mabilis na pumasok si Mary. Humila siya ng isang bakanteng wooden chair sa isa sa mga desk ng mga kasamahan ko sa office at dinala ito sa tabi ng mesa ko.

“May gusto lang akong klaruhin sa mga kumakalat na tsismis, Maurr. Is it true?”

Napatanga ako sa kanya. Hindi ko inaasahan ang tanong na iyon. Ang akala ko’y tungkol sa problema niya ang pag-uusapan namin. Although I already have an idea about what she wanted to ask, I still made her specify what she meant by what she said. Mabuti nang maliwanag.

“Iyong tungkol sa inyo ng estudyante mo—-iyong Eula Anai. Totoo ba iyon?”

“There are many rumors about me and that student. Which one do you mean?”

Tinitigan ako ni Mary. Parang mukha na itong iiyak. Nalilito naman ako. What’s that got to do with her? Pakiramdam ba niya I betrayed her trust? Kasi alam kong mainit ang dugo niya sa babaeng iyon tapos hindi kami pareho ng saloobin. Minsan kasi, may pagka-selfish din ang tao. Kung galit sila sa isa, gusto nila lahat ng kaibigan nila ay galit din doon sa taong kinagagalitan nila.

“That you two are getting married soon!”

Natutop ni Mary ang bunganga nang medyo mapataas nang kaunti ang pitch ng boses niya. Luminga-linga pa ito sa paligid. Hindi pa nakontento. Tumayo siya at tiningnan kung may ibang tao sa faculty room ng Math Department. Nang makitang kaming dalawa lang ang nandoon nang mga oras na iyon, napabuga ito ng hangin.

“Why do you ask?” tanong ko sa kanya. Hindi ko alam kung ngingiti na sa pagiging nosy niya o what. Kahuntahan ko siya minsan sa faculty room ng General Education Department, pero hindi pa namin narating ang level kung saan nagkukuwentuhan na kami ng mga personal matters about us. At least on my part. Kaya hindi ko nakikita ang rason para sabihan siya ng nalalapit kong kasal.

“Of course, Maurr! I’m your friend here and I have the right to know!”

Right to know? Nagsalubong ang mga kilay ko. Sinalubong ko ang kanyang mga mata. Nababanaag doon ang matinding kalungkutan.

“Totoo, di ba, Maurr?” may nangilid nang luha sa mga mata niya kung kaya naalarma ako nang kaunti. Fvck! Hindi ko alam kung paano i-handle ang isang babaeng umiiyak.

“Y-yes. We are getting married this Saturday,” halos ay pabulong kong wika.

“Huh? Bakit ngayong Sabado na? Shit, Maurr! I mean——”

Bumalon na ang luha sa mga mata ni Mary. Nag-unahan na ang mga ito sa pagpatak sa kanyang pisngi. Nataranta ako.

“Mary. Hey. Why are you crying?”

Hinagud-hagod ko ang kanyang likuran.

“I am so -—so-—disappointed in you, Maurr.”

Tumayo ito bigla at dali-daling lumabas ng pintuan. Tumayo na rin ako at sinundan sana siya sa labas, pero mabilis siyang nakababa ng hagdanan. Nasa harap na siya ng mga ATMs at paliko na para bumaba sa ground floor ng Science Building. Hinayaan ko na lang siya. No’n ko napagtanto na hindi lang pala simpleng crush ang nararamdaman niya sa akin. I felt kind of bad.

**********

image

Hindi ako mapakali nang umagang iyon. Ngayon kasi ang kasal namin ni Sir Maurr. Sa isang hotel sa Manila na pag-aari ng kaibigan ni Dad gaganapin ang seremonya. Piling kamag-anak lamang ang inimbitahan ng mga magulang ko. Sa panig naman ng groom, silang tatlo lang daw. Ni hindi dadalo ang kaisa-isang kapatid ni Prof na nasa Pilipinas din. Abala daw kasi ito sa pagba-vlog dahil travel vlogger. Kasalukuyang nasa isang pulo ng Visayas. Ang pinsan naman niyang kaototang dila ni Drae tumanggi daw dumalo kahit naimbita. Kaya hayun, pang walong katao lang ang arrangement na ginawa nila Mom sa madaliang seremonya ng matrimonyo. Ganunpaman, hindi ko maikailang kinakabahan pa rin ako. Ayaw kong mapahiya kasi.

“Hi there. Please do not come. Maawa ka.”

Iyon ang text ko kay Sir Maurr pagkagising ko nang umagang iyon. Hindi ako nireplayan.

“Magdahilan kang na-diarrhea ka, please. I will tell my mom and dad you do not feel well today.”

Pangalawang text ko iyon. Pinadala ko sa kanya matapos makapagsepilyo. Hindi pa rin ako sinagot ng hinayupak. Magte-text na naman sana ako uli nang bumukas ang pintuan ng suite ko sa hotel at lumitaw si Mommy. Nakabihis na siya. Napailing-iling ako sa kulay asul na trahe ni Mom, isang Filipiniana-inspired gown na gawa pa ng isang kilalang Filipino designer. Ang mga hikaw, kwintas, pulseras at singsing ni Mom ay naghuhumiyaw ng laksa-laksang salapi. Tila bagang isinuot na niya ang lahat na prized diamonds na pag-aari niya. Daig pa niya ang pupunta sa tunay na kasal.

Well, although our wedding will be a real one, I do not feel that it is the same as the ‘normal’ wedding that I know of. Kaya naaalibadbaran ako sa ayos ng nanay ko. Susko! Ano na lang ang sasabihin ng mga Halvorsen?!

“Where is Chandra?” high-pitched na tanong ni Mom sa akin.

“She’s sick so I told her to go home. Ayaw kong mahawa pa ako sa pag-ubo-ubo niya,” walang kagana-gana kong sabi.

Si Chandra ay ang baklang kinontrata niyang mag-aayos sa akin para sa kasal ko. Wala na iyon sa suite ko dahil binayaran ko na at pinalayas agad. Gumagawa ako ng kung anek-anek na delay baka sakaling makunsumi siya sa akin at kanselahin bigla ang seremonya.

Namaywang ang mommy pagkarinig sa sagot ko at nagsalubong pa ang mga kilay. “Then, who’s gonna help you dress up? My God, Yolanda Ysadora! You should have told me right away! I should have called their salon hours ago to send a replacement.”

“Relax, Mommy. Baka hindi rin tayo tuloy today. Sir Maurr—-I mean Maurr doesn’t seem to feel good this morning. Nagpasabi siyang naempatso raw. Tae nang tae ang tao. It might be the baked macaroni and cheese you sent them last night,” prente kong sagot. Nilalabanan ko lang ang takot ko. Ito na lang kasi ang last chance ko to stop this stupid wedding.

Natigil sa pagdadakdak ang mommy ko. Nakita kong tila nag-alala ito. Then, a few seconds after, she asked me to give her Sir Maurr’s number so she can personally talk with him.

“Simply lang naman kung diarrhea lang at walang komplikasyon. He can just take an over the counter medicine for it and he’ll feel okay. Ia-adjust na lang natin ang oras ng wedding n’yo.”

“H-ho?” Punyeta! Oo nga pala. Doktora pala itong kaharap ko. ‘Tangina naman, oo.

“Nag-lowbat na ako, Mom. Hindi ko memorize ang number ni M-Maurr.”

Napakurus ang mga braso ni Mom sa dibdib. She eyed me with suspicion. Umiwas agad ako ng tingin. Nagbisi-bisihan ako.

“Dalian mo nang magbihis diyan. Ayusin mong maigi ang hitsura mo nang hindi ka magmukhang atsay ng mapapangasawa mo!”

Pagkasabi n’yon umexit na siya ng room ko. Napakuyom ang mga palad ko. Sa inis ko binato ko ng sapatos ang anino niya. Nasapol ang pinto at nag-ingay sa buong silid. At least, naibsan ang iritasyon ko. Sukat ba namang lait-laitin ako. At sarili ko pa manding ina!

**********

image

“I heard you’re getting hitched today, bro?” bati sa akin ng sister ko pagkasagot ko sa tawag niya. Tumatawa ito sa kabilang linya.

“Did mom tell you about it?”

“No. It was Dad who called me up. Sorry, big bro. I cannot go there right now. Had you told me last week, I would have arranged for a boat to take me to mainland Cebu so I can book a flight to Manila.”

“Stay where you are right now. It’s not as if I am getting ‘married’. This is not for real.”

“That’s not what I heard from Dad,” sagot naman nito. Tumawa ulit. “I heard she’s a real knockout that you were not able to resist her charm.”

“Don’t believe everything you heard from Dad.”

“Kidding aside big bro, I just called to tell you that a lawyer vlogger who’s here with me right now says there’s nothing for you to worry about. Should you want to have your marriage annulled later on, it would be a lot easier since you seemed to be just ‘forced’ into marrying her. Coercion is one of the grounds for annulment in P.I.”

I stared at my phone even after my sister hung up. Annulment. Napaisip ako bigla. No’n ko nakita ang dalawang unread text messages sa inbox ko. Nagsalubong agad ang mga kilay ko nang mabasa ang nilalaman no’n.

“Ms. Anai!” I uttered exasperatedly under my breath. At napailing-iling pa ako.

**********

image

Makaraan ang isang oras at kalahati, naisuot ko na rin ang nabiling bridal gown ni Mom. Ako na mismo ang nag-make up sa sarili ko. Light lang ang ginawa kong pag-aayos para hindi magmumukhang atat sa pekeng kasal na ito. Itinaas ko ang buhok at hinayaang lumawit ang iilang hibla sa magkabilang pisngi para innocent at virginal ang dating. Matapos ang lahat, umikot-ikot ako sa harap ng full-length mirror. Napanganga ako sa kabuuan kong hitsura nang mapagmasdan ang isang tila walang kamuwang-muwang na dalaga sa harap ng salamin. May talento rin pala ako sa pagme-make up. Kung sakaling bumagsak ako sa medical technology board exam later, siguro maaari ko itong maging career.

I smiled with satisfaction at the reflection I saw in the mirror. Subalit bigla rin akong sumeryoso. For one fleeting moment, I felt sorry for myself. Kahit kasi sa bangungot ay hindi man lang sumagi sa isipan kong balang araw ay mamimikot ako ng lalaki para makapag-asawa. At hindi ko rin naisip na hindi imbitahin ang mga matatalik kong kaibigan sa college. Katunayan, kabaliktaran ng mga nangyayari ngayon ang mga pangarap ko sa pagpapakasal. Natigil ako sa pagmumuni-muni nang makarinig nang sunud-sunod na katok sa pinto. Bago ko pa buksan iyon, nag-klik ang seradura at sumilip ang aking ama.

“Dad!” naibulalas ko. Dali-dali ko siyang nilapitan.

Dad gave me a very tight hug. Nang bitawan niya ako’y pinangingiliran na siya ng luha sa mga mata. He kissed my forehead gently.

“I’ve always dreamt of this day for you, my bunso, but I never thought it would be this soon. I cannot believe my baby is now a lady! You are very beautiful, my sweetie.” He cupped my cheeks and rubbed his nose on mine. Tapos niyakap niya ako muli.

Sabay na kaming bumaba ni Dad sa second floor kung saan ang chapel ng hotel. Nag-atubili pa sana akong pumasok dahil ayaw kong magmukhang tanga roon sakaling hindi dumating ang hinayupak kong propesor subalit wala akong nagaawa nang akayin na ako ni Dad papunta roon.

Nagsitayuan ang kakapiranggot na tao sa chapel pagpasok namin ni Dad. And there he was standing at the altar in his dark blue tuxedo. Napasinghap ako. Kung guwapo si Sir Maurr nang kahit naka-jeans and black polo shirt lang sa tuwing papasok ng school mas lalo ngayon. Nagmukha siyang demigod. Tama si Mommy. Dapat pala nagpa-ayos ako kay Chandra. Susko, Lord! Baka nagmumukha akong alalay o atsay nito?

Habang naglalakad kami ni Dad palapit sa altar, parang may tambol sa loob ng dibdib ko sa tindi ng kalabog nito. Grabe ang naramdaman ko lalo na nang magtama ang paningin naming dalawa ni Sir Maurr. Naiihi akong hindi ko mawari. And for the first time, I cried in public. Wala lang. Na-overwhelm ako sa naramdaman.

“Please take care of my baby for me, Maurr. I hope the two of you give us beautiful apos soon,” nangingiting sabi ni Dad kay Sir nang nasa harap na kami ng altar.

Pagkarinig ko sa salitang ‘apo’ napalunok ako. Nakaramdam na naman ako ng kalibugan. Mabilis na nag-isip ng kung anu-anong kahalayan ang utak ko. I had to use all my energy to drive it away from my head.

Hindi ko alam kung sumagot si Sir Maurr kay Daddy dahil naging distracted ako. But I saw him nod to Dad. May kung anong humaplos sa puso ko.

Restrain yourself from daydreaming, Eula. He was just being polite.

Nang hawakan na niya ang kamay ko nanlamig ako bigla at tila nanlambot pa ang mga tuhod. Naliyo ako nang kaunti kung kaya muntik na akong matumba. Buti na lang mabilis siya at nabalanse niya agad ako gamit lamang ang isang kamay.

“I texted you twice today,” bulong ko sa kanya.

Hindi siya sumagot.

“I said, do not come. I even begged you not to come.”

Wala pa rin siyang sagot. Nakatingin lang siya ng deretso sa harapan. Nag-uumpisa na kasi ang pari sa wedding mass para sa aming dalawa.

“Did you receive my messages?”

Tahimik pa rin ang hinayupak. Naiinis na ako. How dare he to just ignore me!

Kunwari’y nakatutok din ako kay Father pero wala pa ring preno ang bibig ko. Kasi curious talaga ako what brought him to the wedding gano’ng ready naman akong maghabi ng kasinungalingan sa mga magulang ko kung hindi niya ako sinipot.

“Sir Maurr, I said did you get my texts?”

Sumulyap lang siya sa akin para bigyan ako ng cold stare at bumalik na sa pari ang atensyon. Hay.

“I told mom you had a diarrhea. Sabi ko tae ka nang tae kanina dahil sa baked macaroni and cheese na pinadala sa inyo kagabi kaya—-”

“What?!”

Natigil sa tila pag-o-orasyon niya si Father dahil dumagundong sa buong chapel ang “what” ni Sir Maurr. Napatingin sa akin ang mga magulang ko. Magkasalubong ang mga kilay ni Mom at tila nagbababala sa akin. Si Dad naman ay parang nagtatanong lang. Bahagya akong napayuko sa hiya.

“I’m sorry, Father,” sabi naman ni Sir Maurr sa pari, then he glared at me.

Saglit ko lang sinalubong ang mga titig niya at tumingin na rin ako kay Father. Hindi na ako nagsalita pa.