![]() | ![]() |
Dahil madalian lang ang kasal hindi kami nakagawa pareho ng wedding vows namin kung kaya we just repeated after the priest. Aaminin ko, medyo kinilig ako nang tanungin ng pari si Sir Maurr ng, “Maurr Reidar, do you take Yolanda Ysadora to be your lawfully wedded wife?” Nakita ko kasing matiim ang titig niya sa akin. Pakiramdam ko’y feel na feel niya ang seremonya at umeechos lang na napilitan kuno. Kung bakit ko naisip iyon? Aba’y sumagot siya agad ng, “Yes, I do!” Walang pag-aalinlangan at wala pang inaksayang oras. At ito pa ang pinaka-nagpakiliti sa singit ko, nang tanungin siya ni Father ng, “Do you promise to share you joys and sorrows, forsaking all others, to be faithful to her alone?” tumingin muna siya sa akin at habang nakatitig ay sumagot sa bedroom voice niya ng, “Yes, I do, Father.” Kung anu-ano na agad ang naisip ko. Na-imagine ko si Ms. Suarez na kumekendeng-kendeng sa harapan niya at halos maghubad na sa pang-se-seduce sa kanya pero sasabihan niya lang ng, “No, Mary. I’m committeed to my wife, Eula, my one and only.”
“H-ha?” tanong ko and I looked at Sir Maurr absent-mindedly. Humigpit kasi ang hawak niya sa kamay ko. And he was glaring at me!
Tumikhim si Father sabay slide ng eyeglasses niya sa gitna ng bridge ng ilong para mapagmasdan akong mabuti. Medyo nalito ako. Nasaan na ba kami? At ano na ang nangyayari?
“I’ll repeat,” sabi ng pari, medyo impatient na. “Do you, Yolanda Ysadora, take Maurr Reidar to be your lawfully wedded——,”
“Yes, I do, Father!” sagot ko agad bago pa mabanggit ang salitang husband. Susko! No wonder, ang talim ng tingin ni Sir Maurr sa akin kanina. Natanong na pala ako at hindi ako nakasagot.
“Patapusin mo ako, hija,” saway ng pari. Inulit na naman nito ang tanong. This time sinigurado kong nabanggit na niya ang husband bago sumagot. Nakita kong napailing-iling si Sir Maurr.
Nang i-anunsiyo na ng pari na kasal na kami at maaari nang hagkan ng groom ang bride niya na-excite ako. Sa sobrang excitement, napapikit kaagad ako. Nang walang sumayad na lips sa lips ko, I opened one of my eyes partly and I saw him staring at me like he had no plan of kissing me. Medyo na-insulto ako. Ganunpaman, nagkunwari akong okay lang. Nang sa tingin ko’y naghihintay lamang ako sa wala, biglang dumapo ang mga labi niya sa isa kong pisngi. But it was a very light kiss. Doon ako medyo nagtaka. Kung kanina’y parang atat siyang sumagot ng “I do!” ngayo’y larawan siya ng isang reluctant husband. Napalipat-lipat nga ng tingin sa aming dalawa ang pari.
Nang matapos ang seremonya at mag-picture taking na, ibinulong iyon ni Mom sa akin.
“What were you thinking during the wedding vows, Yolanda Ysadora?” nagngingitngit na tanong ng ermat ko. Ibinubulong lamang niya ito dahil todo ngiti siya sa harapan ng camera.
“Nothing. What should I think about?” sagot ko. Nagmaang-maangan pa. My Mom gave me a stern look. Pinaalala sa akin ang hindi ko agad pagsagot sa tanong ni Father.
Hindi na ako umimik pa. Hahaba lang ang diskusyon naming mag-ina. Nakakahiya sa mga Halvorsen. Ang nanay ni Sir Maurr napansin kong hindi rin naiiba kay Mom sa ugali, pero nagawa nitong pigilan ang sarili. Actually, her husband and her were both very graceful and polite. Kakakitaan talaga sila ng breeding. Sa amin naman, si Dad lang ang cool. Kami ni Mom ay panay anasan at asaran. Medyo nahiya nga ako sa mga Halvorsen. Pero nakakapika minsan ang nanay ko. Hindi pwedeng hindi ko patulan.
**********
It felt surreal. I am now a married man. Mayroon na akong legal responsibility sa antipatika kong estudyante. Who would have thought that I would end up as her husband ten weeks after meeting her? Ang bilis ng mga pangyayari!
Napakurap-kurap ako nang may marinig sa kakarampot naming bisita ng, “Kiss, kiss!” Napasulyap ako sa asawa kong ngumingiti nang kimi sa mga panauhin namin. I wanted to roll my eyes at our visitors but instead I gave them my warmest smile. Pero nang sumulyap ako kay Ms. Anai bigla akong naging seryoso. Siya nama’y tumitig sa akin na tila baga ako na ang pinaka-guwapong nilalang sa balat ng lupa. Teka. Ginu-good time na naman ba ako ng babaeng ito?
“O, Maurr, hijo. Kiss daw,” ani Mrs. Anai. Isa pa ito. I couldn’t believe there are mothers who can force their kids to marriage just like that. Hindi ba siya natatakot para sa anak niya? What if I turned out to be a violent man?
I reluctantly brushed my lips on Ms. Anai’s cheeck. Pero hindi sa pisngi niya lumanding ang mga labi ko kundi sa malalambot niyang mga labi mismo. Pumihit kasi siya at saktong pagtingin sa akin ay baba naman ng mukha ko para sana gawaran siya ng halik sa pisngi. Nakadilat ang mga mata niya na tila nagulat nang mangyari iyon. Ako ma’y ganoon din. Imbes na pipikit na sana ako, napatingin din ako sa nakabukas niyang mga mata. Nang maghiwalay ang mga labi namin, I saw a glint of laughter behind her seemingly calm facial expression. Binigyan ko siya ng bahagyang mabalasik na tingin. Tinaasan lang ako ng kilay.
Habang hinihiwa namin ang cake may nag-request na naman ng kiss. Napabuntong-hininga ako. She glared at me.
“What?” tanong ko in a hushed tone.
“Don’t make me feel like I have ketong! Ang OA nito!” sagot niya sa mahina ring tinig. Tapos nang tinawag ng ina ay nag-flash ng close up smile niya sa lahat.
Plastic. Napailingiling na naman ako. Pero saglit lang. What’s ketong? I asked her that. She looked at me with a confused expression, then when she realized she uttered that word a while ago she burst into laughter. Ano naman nakakatawa sa tanong ko?
“Itanong mo sa lelong mong panot! Ewan ko sa iyo! Learn more Tagalog words.”
“Lelong mong panot? Ano na naman iyon?”
Nginitian niya ako nang tila nanloloko pa. “Ms. Anai,” pagbabanta ko.
“It’s difficult to explain. Kasing difficult ng mga exam questions mo. Tanong mo kay Fabonacci!”
“Fibonacci,” pagtatama ko.
“Ay huwag mo nga akong nile-lesson ngayon! It’s my wedding day!”
Naitirik ko ang mga mata sa kunsumisyon sa babaeng ito.
**********
Imbes na ihatid ako sa condo ko sa Espana, pinasama ako ng mga magulang sa tinitirhan ni Sir Maurr o ng mister ko (kilig) sa Legarda. I have to admit, naging SPG na naman ang takbo ng utak ko. Nang kami na nga lang ni sir o ni mister sa unit niya, hindi na ako mapakali. Kung anu-anong kalaswaan ang sumagi sa utak ko. Ngunit ang lahat ng iyon ay parang binuhusan ng malamig na tubig nang bigla na lang ianunsiyo ng kumag na doon daw ako matulog sa guest room niya habang pinag-iisipan kung ano ang magiging set-up naming dalawa. No’n ko napagtanto na walang balak itong i-consummate ang marriage namin on our wedding night.
Kung ayaw niya eh di hwag! Ako pa ba ang nawalan? Hayop na ito! Akala mo kung sino!
“There’s only one shower room in this unit and it’s in the master’s bedroom, my room. The one you got there is just a toilet,” pahayag nito nang papasok na ako ng guest room. Bago pa ako makasagot, umalis na ito’t pumasok sa sariling silid. Paano pala kung gusto kong maligo in the middle of the night? Kakatukin ko pa siya sa kuwarto niya?
What if bumalik na lang ako ng condo ko? Kainis ito!
Pagkapasok ko sa guest room, inikot-ikot ko ang paligid. In fairness, mabango. Parang pinaghandaan naman niya ang pagdating ko. Napangiti na naman akong parang timang. Tinesting kong maupo sa kama. Malambot. Good. Ayaw kong nahihiga sa matigas na kutson. Ineksamin ko ang mga nakasabit sa dingding. In fairness, balanse ang paglalagay ng mga paintings doon. Pero hindi gaya sa bahay namin sa Cavite, mukhang ordinaryong pintor lang ang may gawa ng mga art works niya. Ang collections kasi ni Mom ay puro sa mga national artists ng Pilipinas. Mayroon pa nga kaming Amorsolo sa pagkakatanda ko.
Matapos kong busisiin ang silid, sinilip ko ang adjacent room. Ang toilet. Napa-wow ako’t super linis ng kubeta. Humahalimuyak pa ang scent ng nilagay niya roong air freshener. Ang kagandahan pa, maluwang ito. Hindi kagaya ng karaniwang palikuran ng mga condo units. Siguradong makaka-ebs ako roon nang matiwasay. At panigurado ring mag-aamoy lavender pa.
Dahil alam kong nasa kabilang kuwarto lang naman siya, dinikit ko ang tainga sa dingding. Wala akong narinig na ano mang kaluskos. Natulog na kaya ang antipatiko kong asawa? Teka. Sabi niya kanina kung gusto kong mag-shower punta lang ako roon. Pwes, nangangati na ang katawan ko.
I started unpacking. Pumili ako ng maisusuot ko pantulog. I chose my cotton nightdress. Iyong maluwang na parang daster na spaghetti strap lang. Presko ang pakiramdam ko kapag ito ang aking suot. Naghalungkat din ako ng maaari kong ipares na undies. I chose a white bikini, pero the moment I picked it medyo nahiya ako sa sarili.
I am not seducing anyone! Wait. Why am I rationalizing with my conscience?
Bago pa magbago ang aking isipan, I grabbed my toiletries and marched outside to where the master’s bedroom is. Kumatok ako ng dalawang beses. Walang sumagot. Kumatok ako muli. Wala pa rin. Pinihit ko ang doorknob. Naka-locked.
“Aba! Ang bwisit! Hoy, ano tingin mo sa akin? Rapist?!”
Biglang bumukas ang pinto at niluwa nito si Sir Maurr na nakatapi lang ng puting tuwalya. May hawak din itong puting face towel na pinampupunas sa ulo. Napatingin ako from head to foot. At lahat yummy. Walang tapon.
Nang ma-realize ko ang ginagawa, napatalikod ako bigla. Pero nakaukit na sa isipan ko ang nasaksihang mamasel niyang dibdib at tila nililok na abs. Ang tanong ngayon, narinig kaya niya ako sa mga sinabi ko kanina?
“You may take a shower now if you want. I’m done,” sabi lang nito sabay bukas ng maluwang sa pintuan. Cool lang siya na para bagang sanay na nakikita ko siyang ganoon. Ako nama’y natataranta na. Pakiramdam ko’y lumuwag ang garter ng panties ko. Hinapit ko ngang mabuti ang suot na pink bathrobe para kung sakaling bumigay ang undies ko’y safe pa rin ako. Saka lang ako nakahinga nang maluwag nang nasa loob na ako ng banyo. Napasandal ako saglit sa dingding para hawakan ang dibdib at pakalmahin ang sarili.
“Be still my heart. Please.”
Nang humupa na ang rigodon ng puso ko saka lang ako nag-ikot-ikot sa shower room. Sinamyo ko muna ang amoy ng men’s shower gel bago ko inspeksyonin ang paligid. I have to say, malinis sa gamit at sa lahat ng bagay sa condo niya ang antipatiko kong propesor. Hindi ko sukat akalain. Akala ko kasi’y burara siya tulad ng karaniwang lalaki. Hindi pala. O baka nag-prepare lang talaga ang lolo sa pagdating ko? Kinilig na naman ako.
Nang makita kong may bathtub sa loob, pinuno ko ito ng tubig saka winisikan ng mga kung anek-anek kong oils for bath. Mayamaya lang nang kaunti ay humalimuyak na sa amoy ng lavender, chamomile, at frankincense ang buong banyo. Nilinis ko muna ang katawan bago lumusong sa mabangong tubig ng bathtub. One moment I was scrubbing my legs and arms and the next moment—-
Naalimpungatan ako sa tatlong sunud-sunod na malalakas na katok.
“Ms. Anai! Are you okay in there?” anang nag-aalalang tinig sa labas.
Medyo na-disorient ako. Nagtaka pa ako kung bakit napapaligiran ako ng bubbles. Nang bandang huli’y na-realize kong nasa loob ako ng bathroom ni Sir Maurr, dahan-dahan akong tumayo at binanlawan ang kumapit na bubbles sa katawan ko. Patapos na ako sa ginagawa nang biglang bumukas ang banyo at pumasok ang hari, este si Sir Maurr. Nagkagulatan kami. Sa kabiglaanan, nadulas ako’t natumba sa sahig una ang pang-upo. Ang lakas ng sigaw ko.
“Oh, sorry! I didn’t know you were not done yet,” medyo natataranta nitong sabi. Para siyang tuud na nakatayo lang sa harapan ko samantalang ako’y nakatihaya sa paanan niya’t hubo’t hubad pa.
“Get the fvck out of here!” galit kong sigaw sa kanya.
“You should have answered when I knocked on the door. I did it for several times for Pete’s sake!”
Aba, siya pa ang galit? Hinayupak na ito.
“Ano ba sa tingin mo ang nangyari sa akin dito? Alangan namang nalunod ako sa bathtub mo?” sarkastiko kong sagot habang painut-inot na bumabangon.
Aruy. Ang sakit ng pigi ko talaga. Bwisit!
“Yeah. That’s what I thought. It was not a far-fetched idea knowing you,” pangangatwiran pa.
Nang tumingala ako’t makita siyang nakatingin pa rin sa akin na tila normal lang ang lahat, bigla kong kinurus ang mga braso sa maseselang bahagi ng aking katawan.
“Too late the hero,” sabi niya sa mahinang tinig saka tumalikod.
Nagulat na lang ako nang lumanding sa kandungan ko ang pink na pink kong bathrobe.
**********
Inhale, exhale. That’s right.
Paikot-ikot ako sa room ko nang makalabas ng banyo. Hindi ko sukat-akalain na ang kahubdan ni Ms. Anai ang mabungaran kanina. That was the last thing in my head. Inisip ko talaga na baka napaano na siya sa loob dahil dalawang oras na ang nakalipas ay hindi pa rin siya lumabas.
Napahiga ako sa kama. I have to calm my nerves. But then, I couldn’t get her nakedness out of my head! I knew her to be curvy in all the right places, but I never expected her bosom to be well-developed. Inisip ko noon na padding lang ng bra ang umbok niya roon dahil mahihilig naman sa ganoon ang mga Asians. But hers was real!
May naramdaman akong paninikip ng harapan. At bigla akong nag-panic nang narinig kong umingit ang bathroom door. Niluwa nito ang galit pa ring si Ms. Anai.
“If I’m going to live in this condo unit, I demand to have a lock for the bathroom door! Ayaw kong nasisilipan!”
“It was not intentional. You know that. Why would I do that anyway?” sagot ko naman agad. “The reason why the door has no lock is because I used to be alone here. I had no idea that in my ten weeks in the university I will find myself an instant wife,” sarkastiko ko pang dugtong.
She glared at me.
Ngayong wala na siyang kabahid-bahid ng make up at nakakulong pa ang buhok niya sa kulay pink ding tuwalya na nakapulupot sa ibabaw ng kanyang ulo, she looked so young and virginal. And very vulnerable, too. I felt like protecting her from just anything or anyone.
“Ang daya-daya mo!” bigla na lang niyang sigaw sa akin. “Nakita mo na ang lahat-lahat sa akin pero ako abs lang nasilip ko sa iyo! Nasaan ang hustisya?” naiiyak niyang tungayaw.
“What?” naibulalas ko. Gulat na gulat sa mga sinabi niya. May kung anong pumasok sa kukote ko na hindi ko narendahan agad. “What do you want? That I get naked in front of you, too, so we’ll be even?” nasabi ko pa. At pinagsisihan ko rin agad iyon dahil nakita kong nag-sparkle nang bahagya ang mga mata ni Ms. Anai na animo’y sinapian na naman ng kapilyahan niya.
Namaywang siya sa harapan ko na tila hinahamon ako. I bit my lower lip. Alam kong ginu-good time na naman niya ako. Hindi ako dapat nagpapaniwala sa kanya.
“You’re crazy, Ms. Anai,” sabi ko na lang sa mahinang tinig at tinalikuran na siya. Nagkunwari akong may kukunin sa banyo.
“Duwag!” sigaw niya sa akin.
Paglingon ko she was on her way out. Napailing-iling na lang ako. Kahit walang sadya sa banyo pumasok na rin ako roon para magpalamig. Isang ikot ko pa lang doon, may napansin agad ako bukod sa napakatapang na amoy ng kung anu-anong oil na nilagay sa bathtub ko.
While my one hand was covering my nose, my other hand was lifting a piece of cloth na naiwan ni Ms. Anai sa lababo ko. Nang tingnan ko iyon, napamura na naman ako nang malutong. It was her black, lacy thong!
“Ms. Anai!” naisigaw ko sa inis.
Ingat na ingat kong dinampot ang thong niya gamit ang hinlalaki at hintuturo. I tried my best to just hold a tiny piece of the cloth while I brought it outside the bathroom. Ihahatid ko sana iyon sa kanya sa kabila, pero narinig na pala ako. Heto siya’t bumabalik. Nang makita niyang bitin-bitin ko ang thong niya, galit niyang inagaw ito sa kamay ko.
“Hoy, mamahalin ‘to! And FYI, nalabhan ko na ito kaya malinis ‘to!”
“I don’t care. I just want it out of my bathroom. And let me make this clear with you. I’ll allow you to use my bathroom but never ever leave anything behind especially your undies. Nobody’s interested in them here.”
I tried my best to sound so casual but my voice quivered a bit. Aminado akong medyo na-rattle ako sa mga pangyayari. Hindi ko makontrol ang kung anong nararamdamang excitement. Wait. Did I say I was excited? NO!
Hindi na siya sumagot pa. Sa halip ay inirapan ako at nag-walk out na.