image
image
image

CHAPTER SEVENTEEN

image

“Kailangan ba nating aralin ang lahat ng artikulong ito?” tanong ko kay Keri. Buhat-buhat ang sandamakmak na pina-photocopy naming readings sa Math in the Modern World. No’n ko napatunayan na malakas at matibay ang mga braso ko. Nakaya nitong i-balance ang halos limang kilong artikulo tungkol sa kung anek-anek ng mga mathematicians.

“Iyan ang mga na-discuss nating articles. For sure, diyan magbe-base ang asawa mo ng exam questions niya sa atin.”

Ngumisi pa si Keri pagkabanggit ng salitang asawa. Ako nama’y napatirik ng mga mata. It was cute when it was new but now? Naiinis na ako! Walang saysay ang kasal namin! Hanggang ngayon waley pa ring improvement sa relationship namin. And it has been almost three weeks since that damned wedding!

“Tanungin mo kaya kung ano ang i-exam natin? Lambingin mo!” suhestyon pa ng bruha.

“Ngek! Iyon pa? Tsaka nitong huling dalawang linggo ay minsan na lang siya natutulog sa condo.”

Nagulat si Keri. Hindi ko kasi sinabi sa kanila iyon. Ngayon ko nga lang naharap pati sa sarili ko na may pagbabago kay Sir Maurr. Minsan nga naisip ko ring bumalik na sa sarili kong condo. Kaso nga lang ang sabi ni Mom kung hindi ko paninindigan ang kabaliwan ko sa hudyong iyon ay ika-cut na niya nang tuluyan ang allowance ko. Bahala na raw ako sa buhay ko total daw ay matanda na ako. Katunayan, kung hindi ako nagbulakbol ay graduate na sana ako. Magtu-twenty three na ako pero nag-aaral pa rin. Haay.

“For real? Ibig bang sabihin niyan ay ni hindi kayo nakakapag-pulot-gata?”

Pinangunutan ko siya ng noo. “At ano naman iyon?”

“Tange! Honeymoon!” At humalakhak ito.

Napabuga ako ng hangin.

“Ay. Hindi pa nadidiligan ang lola.” At lalong tumawa ang bruha. Binigay ko lahat sa kanya ang photocopies namin. Inunahan ko na siya paalis ng Science Building kung saan kami nagpakopya ng mga dapat aralin para sa finals.

Patuloy ko sanang pahahabulin ang haliparot na Keri nang mamataan ko sa hindi kalayuan si Sir Maurr. May kasama siyang babae na naka-dark sunglasses din. Nang ilang dipa na lang ang layo nila sa kinatatayuan ko, saka ko namukhaan si Ms. Mary. Hindi man sila naka-holding hands o magkaakbay, ang lapit-lapit naman nila sa isa’t isa. Noon ko lang nakita si Sir Maurr na tumatawa nang malakas.

“Uh-oh.” Si Keri. Binagsak muna nito ang mga photocopies namin sa isang bench sa lilim ng puno na paharap ng Science Building saka nilapitan ako ulit at pinanood namin sina Sir Maurr at Ms. Mary na palabas ng gate. Parang may kumudlit na pait sa puso ko.

“Ano sa tingin mo? Nilalandi na naman ba niya si Sir Maurr?” pabulong na tanong ko kay Keri.

“Iyan ang bali-balita,” walang kagatul-gatol naman nitong sagot. “Hayan na pala si Felina. Tanungin natin si Taba. For sure mas may alam iyan. Tsismosa iyan eh!”

**********

image

Padalas nang padalas na ang masidhi kong pangangailangang pisikal. Dati-rati ay kaya itong punan ng mga pini-fling-fling kong friends with benefits na kalahi ko ring Icelandic na nasa Manila. But these days, wala na silang appeal sa akin. Mary was trying to insinuate that she doesn’t mind being one of them, but I do not feel that way about her. Ni hindi ako natu-turn on sa hantaran niyang pagpapakita ng cleavage o mid-thigh. There is someone I have always dreamt of sleeping with. Pero ayaw kong ma-involve sa babaeng iyon. Uubusin niya ang pasensya ko sa araw-araw. It is better to stay away far from her.

“Ugh!” napadapa na naman ako sa kama. Namimilipit. Dinukot ko ang ano ko at nagngangalit na naman. And it was because I heard her in the bathroom singing her heart out. It was Alanis Morrisette’s Ironic.

Kanta dapat iyon, ah. Hindi rap.

Nang marinig ko na naman ang tunog ng tubig mula sa shower, kung anu-anong kalaswaan ang pumasok sa isipan ko. Hindi naman ako dating ganito. It all started with that fvcking vagina scrub con freshener or whatever it was called that I found among her toiletries. Kasalanan no’n!

You can have her. She’s yours. Afterall she’s your wife.

Tama naman iyon. Pero sa isang banda naisip kong hindi naman iyon panghabang-buhay. Kaya there is no point in exploring a relationship with her kahit panandalian lang. Mahirap na. Ang alam ko kasi’y magma-migrate siya sa States after graduation at sa susunod na semestre na iyon. Iyan ay kung maipasa niya ang Math in the Modern World. Tagilid kaya siya sa subject ko.

Tumihaya na naman ako at tumingin sa kisame. Bakit ko pinoproblema ang future? Hindi ba dapat ini-enjoy ko ang present kapiling niya? Total naman parang feel niya rin ako. Kaso nga lang... What if I get obssessed with her? Ano ang gagawin ko? Ngayon pa nga lang ay pinatabang na niya ang ibang babae sa paningin ko? Hindi ko gustong panghabang-buhay na ganito. Okay lang sana kung swak ang personality namin. Eh sa tuwing kausap ko siya hindi ko maiwasang makunsumi. Tapos hindi tugma ang pananaw namin tungkol sa Pilipinas. Hate na hate ng family niya especially her mother ang tumira rito. Ayaw ko namang umalis dito. Kaya ko nga nilisan ang Iceland. If ever I will leave Philippines someday my only option is to go back to my other home country—-Iceland.

“Ay, pota!” narinig kong sigaw niya. At narinig kong may kumalabog. Then, I saw her lying on the floor just outside my bathroom.

Napabangon agad ako. I ran towards her and helped her.

“Ano ba itong tiles mo? Ang dulas! Bwisit!”

I smelled her shampoo. The moment the fragrance went inside my nostrils, I felt a sudden longing to hug and kiss her. Napatitig nga ako sa ulo niya. At nagkasaluong ang mga mata namin nang lumingon siya para ipantukod ang isang kamay sa balikat ko.

“What? May kulangot ba ako? Bakit titig na titig ka sa akin?”

Pagkarinig doon, parang binuhusan ng malamig na tubig ang pagnanasa ko. Tahimik ko siyang inalalayan para makatayo uli. Nang ganap na niyang mabalanse ang sarili, tumingin siya ulit sa akin. This time she looked serious.

“Itong kuwarto mo palagyan natin ng makapal na carpet. Nakakainis itong tiles mo, ha? Lagi akong binabalandra. Aba’y baka kalaunan ay mabalian ako ng buto rito.”

Hindi na ako sumagot doon. I went back to my bed. Dumapa ako sa kama. Buti hindi niya nahalata ang pamumukol ng harapan ko.

“Maurr!” asik niya sa akin.

Nang tumingala ako, nasa bandang pintuan na siya. She was all smiles. At may kakaibang kislap sa kanyang mga mata. Bakit na naman kaya?

“Sir Maurr or Professor Halvorsen to you! How many times do I need to remind you of that?” parang tinatamad kong asik din sa kanya.

“All right, Professor Halvorsen! I just want to tell you that——you’re daks! You know that? You’re SUPER DAKS!” At tumatawa itong lumabas ng kuwarto ko.

Pinangunutan ako ng noo. What does she mean? And why was it funny?

**********

image

“Aba, aba. For the first time ay ang aga mo,” nakangising bati ni Shane pagdating ko sa classroom namin. Araw iyon ng final exam namin sa Math in the Modern World.

“Sayang at patapos na ang semestre,” dugtong naman ni Keri saka binagsak sa harapan ko ang mga ginawang notes pagkatapos aralin ang ilang dangkal naming readings.

Pinasadahan ko na lang ang mga iyon saka naupo na sa silya ko. I rested my head on Shane’s lap and I told her to give me a quick massage.

“Ang sakit-sakit ng ulo ko, grabe. Hindi ako halos nakatulog sa kakabasa ng mga lintek na readings na iyan. Pati talambuhay ni Carl Gauss pinagkaabalahan ko na ring basahin just in case tanungin tayo kung ilan ang naging asawa niya.” Napaangat ako ng ulo sa huli kong sinabi. And I grinned from ear to ear. At least may naalala naman ako sa mga mathematicians na inaral namin. Proud akong ipangalandakan iyon.

Hindi na nakasagot sina Keri at Shane dahil biglang dumating ang hari, este si Sir Maurr. At wala siyang dalang test papers! Iyon kaagad ang na-notice naming lahat. We secretly looked at one another. Some of us started to feel excited. Siguro kagaya ko ay naisip din nilang nakalimutan ni Sir Masungit na final exam namin nang araw na iyon!

“Sir, di ba tayo mag-e-exam ngayon? Ipo-postpone n’yo ba o wala na?” tanong ng isang freshie which the entire class echoed. Pati na ako. Siyempre, ako pa ba ang aayaw sa walang exam?

“Negative to both questions.”

Nagkatinginan kaming magkaklase. Ano ang drama nito? Ang alam ko’y magdamag siyang nagbabad sa kaka-type sa laptop niya. Tapos may mga pinrint pa siya kagabi. How do I know all these? Sa living room niya ginawa ito habang nanonood ng soccer game ng bansa nila. Hindi ko tuloy napanood ang Kdrama na inaabangan ko sa TV. Tuloy ay napuyat lang ako sa kababasa ng mga kung anek-anek niyang readings.

“Sir, ba’t wala po kayong dalang test papers namin? Nasa Blessings pa po ba?” patuloy pa ng madaldal na freshie. “I am volunteering to get it for you, sir, para hindi na kayo maabalang bumaba,” dugtong pa nito sabay ngisi.

Ang Blessings ay ang photocopy booth ng mga faculty sa eskwelahan. Doon sila nagpapakopya ng lahat ng school-related documents kasama na ang mga exams namin.

Sir Maurr just looked at him lazily then using his cell phone started to do a roll call. Nang ako na ang tinawag niya, I raised my right hand and in a loud voice said, “Mrs. Halvorsen here.”

Nagtawanan ang mga kaklase namin. Nagpatuloy lang sa pagtatawag ng mga kaklase ko ang hudyo. Ni hindi nag-react sa pakwela ko. Palihim ko siyang binelatan.

Nang matapos ang roll call, lumapit sa whiteboard si Sir Maurr at gumuhit ng malaking zero o bilog. Kami nama’y nakatingin lang sa kanya. May bumulong sa akin at nagtanong kung ano ang nangyayari kay sir.

“Zero na ba tayong lahat?” biro pa ni Shane sa amin ni Keri.

Humikab ako. Ma-drama talaga itong asawa ko. Hindi pa kami deretsahin kung failed na ba kaming lahat. Pambihira!

“Get one whole sheet of paper and tell me what you see on the board. You may use your smartphone to do some research to back up your claims if you want to or you may refer to our readings for your answer. But I want you to expand your perspective. Be CREATIVE. Go beyond the obvious. You have an hour to answer this question.”

Bago pa matapos ni Sir Maurr ang instructions niya nag-ingay na kami. May natawa, may hindi makapaniwala, may nainis. Kabilang ako sa mga nainis. Mantakin mong ilang kilo ang pina-photocopy namin nila Keri at Shane tapos hindi pa ako nakatulog nang mabuti sa kakabasa at kaka-sulat ko ng notes sa kada reading tapo ito lang ang tanong?

“Pisti! Yawa!” daing ng isa kong kaklaseng Bisaya. Nagtawanan uli ang buong grupo.

“Quiet please. If you have questions, come to me. Do not ask your seatmate. Time starts now.”

Hindi nakakilos ang karamihan sa amin nang mga unang ilang minuto. Makaraan ang ilang sandali, abala na ang mga kaklase ko sa kaka-research sa smartphones nila. Wala pa akong maisip isulat. Nangalahati na ang papel nila Keri at Shane sa pagde-define ng zero wala pa rin akong ideya kung ano ang isasagot. Nag-flash bigla sa isipan ko ang hitsura ni Mommy habang minumura ako ng katakot-takot na expletives mapa-English, Tagalog at Español dahil made-delay na naman ang graduation ko. At no’n ako nakaisip ng isasagot.

**********

image

Napabuntong-hininga ako sa mga nabasang sagot ng mga estudyante ko. Walang bago roon. Halos pare-pareho sila ng konsepto. Binigyan nila ako ng definition ng either zero or circle with citations pa. Hindi sa mali ang sagot nila, pero it doesn’t give me a new perspective. Kumbaga ay predictable ang sagot nila. Itatabi ko na lang sana ang test papers ng section na iyon nang makita ko ang papel ni Ms. Anai.

I see a ring and a lover’s promise of a love that is infinite. 

Napangiti ako. Ms. Anai.

Napalingon ako sa pintuan nang makarinig ng kalabog. Parang nagmumula sa living room. Tumayo muna ako at iniwan ang mga tsini-check kong papel para tingnan kung ano iyon nang makita ko si Ms. Anai. Mukhang kadarating lang nito mula sa university at sambakol ang kanyang mukha. Nakita ko sa sahig ang sandamakmak na mga papel na tila bigla na lang niyang binagsak doon. I even saw copies of some readings we used in class on the floor.

“I spent all my milktea money photocopying these damned articles and all we got from you was a lame circular figure?! ‘Asan ang hustisya, Maurr?”

“SIR MAURR,” tinatamad kong pagatatama sa kanya.

“Maurr Reidar Ricci Halvorsen, Ph.D.! There! Kontento ka na?”

Nakapamaywang na siya ngayon. Namumula ang pisngi niya sa inis. At parang naiiyak na rin. Hindi naman ako nag-react sa sarcasm niya.

“Gusto mo talagang masabon ako ni Mommy! Hindi mo ba alam kung gaano ka brutal ang bunganga no’n? Tapos ni hindi mo man lang ako inawat nang halos ay mabaliw-baliw ako sa kakabasa ng mga readings mong ang kakapal! Pati talambuhay nila Carl Gauss, Pythagoras, Rene Descartes, Leonhard Euler at kung sinu-sino pang Poncio Pilatong pinagbabanggit mo sa klase ay inaral ko rin tapos iyon lang ang tanong mo?!”

“Are you questioning my academic freedom?”

“Academic freedom my ass!”

Nangunot ang noo ko. I lazily looked at copies of research articles scattered in my living room then at Ms. Anai who’s really mad as hell. 

“Are you aware that you are talking to your professor, Ms. Anai?”

“We are not in the university anymore! I can say anything I want! Galit ako sa iyo!”

At padabog niya akong iniwan doon.

“I gave you a hundred for your answer!” pahabol ko. Tapos ay isa-isa kong dinampot ang mga ikinalat niya roon.

“What?! A hundred?!” naisigaw niya.

I heard her ran back to me. Nakanganga na siya sa akin ngayon. Hindi ko na siya sinagot pa. Sa halip ay pinagtuunan ko ng pansin ang pagdadampot at pag-iimis ng mga ikinalat niya sa sahig.

“Maurrrrrrrr!!!” tili niya sa matinis na tinig. At niyakap niya ako habang nakatalikod ako sa kanya. Pinupog niya pa ako ng halik sa batok. Bigla akong nag-init kung kaya hinarap ko siya at hinawakan ang magkabila niyang balikat to stop her from giving me a million kisses.

“What are you doing?” tanong ko sa kanya. Seryoso.

“I love you, Maurr,” buong tamis niyang pahayag. At hinalikan niya ako nang matunog sa pisngi saka pakembot-kembot na naglakad papunta sa kanyang silid.