![]() | ![]() |
“What were you doing downstairs? Why didn’t you go up to my unit?” sunud-sunod na tanong ni Maurr habang pumapanhik kami ng hagdan. Yes, hagdan! Nag-brown out kasi kung kaya kailangan naming panhikin ang siyam na palapag dahil nasa 9th floor ang condo niya.
“Ni-lock mo naman kasi ang mailbox mo! I left the key card there!” asik ko sa kanya. Kanina pa kasi ako nagpaparamdam na masakit na ang mga binti ko sa kakaakyat ng stairs ngunit ang manhid ng lolo. Ni hindi man lang umalalay sa akin. Ang bilis pa maglakad. Hiningal-kabayo tuloy ako pagdating sa itaas.
Nilingon niya ako. He squinted at me again as I was almost crawling towards him. His blue eyes looked at me with suspicion. Parang hindi nakita na halos gumapang na ako sa pagod.
“Hindi ko niwala ang key card mo kahit puntahan mo pa sa ibaba.”
“I didn’t lock the mailbox,” sabi niya. Tapos nangunot ang kanyang noo na para bagang pilit na inaalala kung tama nga ang kanyang memorya tungkol doon.
“You didn’t?” tanong ko pa sa kanya sa tonong mas nanggagagad kaysa sa nagkokompirma kung tama ang dinig.
Sa totoo lang, hindi ko na rin masyadong matandaan. Basta nang nilagay ko iyon doon kaninang umaga, hindi ko naman inisip na kakailanganin ko pa iyong muli. Kanina kasi nang nilisan ko ang condo niya, napagpasyahan ko nang sa sarili kong condo tumira for the rest of the second semester. Naisip ko kasi, dutdutan lang kami nang dutdutan wala namang linaw kung kami na. I have given him all the signs. Nabanggit ko pa noong una na hindi ako basta-basta nagpapaano. Hindi pa ba klaro sa kanya ang lahat?
Sabi sa akin ni Felina at Keri, if a guy loves me he doesn’t need a sign from me that I like him, too, for him to pursue me. Pero itong mokong na ito, lahat na ng sign nabigay ko na. Kasing komplikado lang siya talaga ng cosine na itinuro niya sa amin. Kahit memoryado ko ang formula, hindi ko talaga kayang i-solve kahit tumabling pa ako’t mag-split nang ilang beses.
Nilingon niya ulit ako. Nasa harap na kasi siya ng pintuan ng unit niya ngunit ako’y ilang dipa pa ang layo. Ang mga lakad ko’y may kasamang bugnot. Sobra akong disappointed. Paano kasi ang sweet-sweet niya kanina sa ibaba. Pinahiran pa ang mga luha ko. I was thinking it would be the start of a real relationship with him. Hindi pa pala.
Hay, Maurr. You make my life MORE complicated.
Pagpasok namin sa unit niya, ang dilim-dilim dahil wala pa ring ilaw. Hindi na kasi nakakapasok ang liwanag ng buwan. Ginamit niya ang flashlight sa cell phone at pinailawan ang daraanan namin. Tahimik akong dumeretso sa kuwarto ko at binagsak agad ang katawan sa kama nang padapa. Pero bigla rin akong napabangon dahil may tumusok sa keps ko.
“Punyeta, Maurr!” sigaw ko.
Kinapa ko ang bag kong saan ko iyon binagsak. Nandoon kasi ang cell phone ko. Nais kong gamitin ang flashlight no’n para mapailawan kung ano ang nadaganan ko. Nang maaninag ko na ang kabuuan ng aking silid, napasimangot ako sa nakita. Ang kama ko’y punung-puno ng kung anu-ano kong abubot. Bakit nandoon lahat ang mga iyon?
Nang makita ko ang tumusok sa keps ko, maliit na karton ng Clearblue na padala ni Mommy, hinagis ko agad ito sa kung saan. Saka binaba ang mga libro, maruming damit, at kung anu-ano pa sa sahig. I will deal with them tomorrow. Ngayo’y gusto kong mag-emote.
I hate my mom. Galit din ako sa ate ko. Pati kay Maurr. Lalung-lalo na kay Maurr! I hate them all!
“Eula,” tawag ni Maurr mula sa labas ng pinto ko. Mahina lang ang tinig niya.
EULA. Kahit na mainit ang ulo ko, aminado akong kiniliti pa rin ako sa simpleng pagtawag niya sa palayaw ko. Bihirang-bihira kasi nangyayari iyon. Kung hindi pa kami nagdutdutan ay hindi niya ako matawag-tawag nang ganoon. Palagi na lang Ms. Anai. Ang nakakasukang Ms. Anai.
“Eula. Are you all right in there?”
Hindi pa rin ako sumagot. I heard the door knob clicked. At naramdaman ko ang pagpasok niya sa loob. Hindi siya gumamit ng flashlight, pero natunton niya ako sa kama ko. Walang pasabi siyang tumabi sa akin.
“You were crying,” sabi nito sa mahinang tinig. “Care to tell me what’s wrong?”
Hindi ako nagsalita. Pati paghinga ko’y pinigilan ko na rin. Ang lakas ng kalabog ng puso ko. Ramdam na ramdam ko kasi ang presence niya. Nasa likuran ko lang siya. Ang pagkadismaya at galit ko sa kanya’y hindi pala sapat para patulugin ang libido kong nag-uumapaw na naman nang masamyo ko ang kanyang cologne.
**********
I remembered what Professor Pelaez told me today. Nag-promisory note lang daw siya para maka-enroll. Ang alam ko, she has never done that before. Kaya nagulat ang taga-registrar lalung-lalo na ang cashier. Naisip nila agad na baka winaldas niya ang pera dahil ang hilig nga naman ng babaeng ito sa mga branded things. Pero matay ko mang isipin wala akong napansing bago sa mga gamit niya nitong mga nakaraang ilang linggo. Which was a bit strange. Mahilig kasi ito mag-shop online. Katunayan, maya’t maya’y may dini-deliver ang Amazon o Lazada sa unit namin. Hindi lang iyon, may mga inoorder pa ito from branded stores in Paris. But things changed kind of abruptly. Ito ang hindi ko na napansin halos mag-iisang buwan na ang nakalilipas.
“I heard you enrolled——with a promisory note today.”
“What?!” naibulalas niya. Umuga pa ang kama sa lakas ng pagbalikwas niya paharap sa akin.
“You’re crazy,” natatawa kong komento to lighten the mood.
“Who told you that?” galit na ang tono niya. Naalarma ako.
Hindi na ako sumagot. Na-sense ko kasing parang napahiya siya or something. Knowing her, this is the last thing she would want people to know since she always projects that she has money.
“Napaka-tsismosa ng cashier! Nakabubwisit!”
She sounded like she was just talking to herself. And she sounded really angry.
I moved towards her and put my hand on her waist while saying, “Don’t be mad. Professor Pelaez meant well. He was just worried that something—-,”
“Professor Pelaez told you that?! Then that means he got it from the accounting people and—-oh my God! Kakalat na iyan sa school! O baka kalat na sa school!”
Parang nag-panic siya. Kaagad ko siyang niyakap from behind and I kissed her cheek.
“Stop worrying about what people will say to you. They don’t matter. Other people’s opinion of you don’t matter.” Then, I hugged her tightly.
“Si Mommy kasi!”
Sa pagitan ng mga hikbi ay sinabi niyang kinaltasan ng mom niya nang sobra sa kalahati ang monthly allowance niya tapos ay hindi pa nagpadala ng pang-matrikula niya.
“Ssshhh. Don’t worry. I’ll pay your tuition fees.”
“What?! No!”
Nagulat ako sa mariing ‘no’.
“You always said to me, I’m your husband, right? What do husbands do?”
Pagkasabi ko no’n lumiwanag ang buong silid. Nagkailaw na kami. Napakurap-kurap ako nang kung ilang beses para i-adjust ang mga mata sa brightness ng paligid nang makita ko siyang napangisi nang pilya. Nakatitig siya sa akin nang mariin. Nangunot ang noo ko sa kanya.
“What do husbands do?” ulit niya. Nandoon na ang kislap sa kanyang mga mata. Namamasa-masa pa rin ito dahil sa luha, pero tingin ko nakabawi na siya kahit papaano. Bumalik na ang disposisyon ng isang Ms. Anai.
Hindi ako umimik. May iba na kasi siyang pakahulugan doon. I just looked at her for a few seconds. Then, I adjusted my position on the bed lying straing on my back with my arm on my forehead to cushion my eyes from the brightness of the room. Pinag-isipan ko kung sasakyan ang kapilyahan niya o ipagpatuloy ang pang-uusisa sa kanyang problemang pinansiyal.
“Husbands do this.” At naramdaman ko na lamang na hinahalik-halikan niya ako sa pisngi at sa punong-tainga. Ang init ng hininga niya ay pumukaw sa pagnanasa ko sa kanya. Bago pa ako maka-react sa mumunti niyang halik ay dinakma na niya ang aking harapan. “I missed this. I missed doing this with you.” She then unbuttoned my pants and put her hand inside. I felt my little fellow grew big in her hand. Sabi ko sana mag-uusap lang kami, pero hindi ko na kinayang kontrolin ang sarili. I pushed her gently to the bed at napatihaya siya roon saka kinubabawan ko siya agad. I held her hands with one hand on top of her head while kissing her passionately on the lips. Nalasahan ko pa ang maalat-alat niyang luha roon. It made me long for her more.
**********
I promised myself not to get involved with him physically until he tells me he loves me. Kaso lang naging marupok na naman ako. Nang maramdaman ko siya sa likuran ko daig ko pa ang live wire. Bigla akong nag-init at nadarang agad na ni wala pa siyang ginagawa. When he spoke to me, it sounded like music to my ears. Nabwisit ako sa dala niyang balita, ngunit hindi iyon sapat para pahinain ang pagdadarang ng aking katawan. Kung tutuusin mga isang linggo lang naman kaming diyeta. Ang dami niya kasing ginawa para sa accreditation ng eskwelahan. Not to mention what I was going through. Ako ma’y lumayo rin sa kanya saglit. Plano ko nga sanang ituluy-tuloy na, pero sadyang mapaglaro ang tadhana. Ipinagbili ng ate ko ang aking condo para raw dagdag panggastos ni Dad sa Amerika. Ni hindi ako naabisuhan nang maaga. Kaya heto. Back in Maurr’s arms.
“Wait!” pigil ko sa kanya habang hinahawakan siya sa ulo. Bigla na lang kasi dumausdos pababa. Alam ko na ang puntirya ng mga labi niya. Pinagapang niya ito from my neck down to my belly button and just below my lower abdomen. Nang hahalik na sana siya roon, tinangka kong angatin ang ulo niya. He looked at me a bit confused.
“Why?” tanong pa niya. It sounded like a moan. The more na namasa-masa ako roon. But then, I have to stop him. Baka ma-smell poisoning siya. Hindi kaya ako nakapaghugas mula kaninang umaga. Oo, gumagamit ako ng wet wipes para hindi iyon mag-amoy panis na isda, but still...
“I don’t like to be eaten this time,” hirap na hirap kong sagot. I was breathless with desire.
“Are you sure?” halos ay hindi siya makapaniwala.
Nang tumangu-tango ako nang dalawang beses, napadapa siya sa kandungan ko. He rested his head on my abdomen and teased my belly button with little kisses while he gently caressed my thighs.
“I missed you,” pabulong niyang wika habang pinipisil-pisil ang mga hita ko. Naghintay ako ng karugtong no’n. Kasi sa napapanood ko sa mga TV drama iyon ang prelude ng mga ‘I love yous’ ng bidang lalaki. Kaso naka-dalawang minuto na yata wala pa rin siyang ibang sinasabi bukod sa impit na ungol at ‘Ahhhh!”
“And?” untag ko. Hinihingal na naman ako in anticipation and desire.
Napaangat siya ng mukha. Namumungay na ang kanyang mga mata. Nang ulitin ko ang tanong ko, he looked a bit disoriented. Imbes na sagutin ako’y hinagkan lang ang punong hita ko malapit doon. Napaigtad ako sa kiliti. At takot na rin na baka naamoy na niya ang medyo bilasang isda. Iyon na nga. He kissed me there, outside my panties. Tapos tumingin siya sa akin. He was smiling.
Pota! Nahiya ako. At labis na nag-alalang baka ma-turn off na siya nang tuluyan at sabihing huwag na nga kaming mag-anuhan ever.
“Why wouldn’t you want me to do it this time?” tanong ng mokong. He looked a bit clueless about what I was worried about or was he? Ni hindi pa pinansin ang tanong ko. Gusto kong pitikin ang noo niya para maaalala iyon.
“Because! I—-I have my period!” bigla na lang namutawi sa isipan ko.
Ngumisi siya agad. “Liar!” At pinasok pa roon ang isang daliri. Sa isang iglap ay nahubaran niya ako ng saplot. Gaya ng dati, fully clothed pa rin siya. Hindi ako makapapayag nang ganito siyempre kaya buong pagmamadali ko ring tinanggal ang t-shirt niya at pantalon. Nang kapwa na kami hubo’t hubad, walang karaming seremonyang ipinasok niya iyon sa ano ko. Wala nang daplis this time. I felt so full. Tinaas ko ang dalawang binti at ipinulupot iyon sa kanyang baywang. Para kaming mga sundalong naghihimagsik sa bilis at lakas ng aming mga indayog. Umuuga pa tuloy ang kama sa tindi ng mga galaw namin. Makaraan ang ilang sandali ay pinagulong niya ako’t pinaluhod. When I was on all fours, he slid his thing inside me. Gaya ng dati ang sarap pa rin sa pakiramdam. Halos mabaliw-baliw ako sa tindi ng sensayong naramdaman.
“Hold it! Hold it, babe,” bulong niya sa akin. Parang sasabog na kasi ako. Dahil masunurin naman akong estudyante, hinold ko naman. I let him guide me. This time tumihaya siya sa kama at sa halos throaty voice ay sinabing, “Ride me, babe. Ride me, please.”
Iyon lang ang hinihintay ko at kaagad kong inupuan ang ano niya. Nagliparan na ang lahat kong pag-aalinlangan at pagdaramdam. Nanaig ang matinding pagnanasa sa kanya. Ilang minuto kaming umiindayog nang magkasabay bago kapwa sumabog nang parang bulkan. When it happened, he immediately pulled me to him and hugged me tightly then he rolled on the bed pinning me underneath him. Ang sarap sa pakiramdam. I felt like I was being dominated and it really felt so good. Kasarap maging submissive sa kanya.
Nang humupa na ang aming mga damdamin, hindi ko napigilan ang ngumiti. Ang engot ko. But then, I was happy. Alam kong hindi iyon pang matagalan, but who cares. Ayaw ko munang isipin ang mga problema.
**********
Hinagud-hagod ni Shane ang likuran ko pagkatapos kong makipag-usap kay Mom sa messenger. Si Keri naman ay nag-abot ng milk tea.
“Inumin mo iyan, bru, nang gumaan-gaan ang pakiramdam mo.”
Halos nangalahati ang baso ng milk tea nang bitawan ko na ito. I gave it back to Keri and then I did what I haven’t done in a long time. I let myself sob. Iyong hagulgol talaga. Nag-panic ang dalawa. Napaluha na rin si Shane. Buti na lang dumating nang mga oras na iyon si Felina. Pinaurong niya ang dalawa at siya ang yumakap at humagud-hagod sa aking likuran.
“I wouldn’t say it’s okay because it’s not. Losing a parent is never okay.”
Napaangat ako ng ulo at pinangunutan ko siya. “What are you talking about?” I asked confused.
“Ha? Hindi ba namatay na ang dad mo?”
Tuluyan na akong kumalas sa mga bisig niya. Nahampas ko pa siya sa balikat.
“Ano ba! Minamadali mo naman si Dad, eh!”
“Pinapapunta siya ng mommy niya sa States ora-orada. Sinabi nitong mag-LOA na lang muna siya at saka na tapusin ang pag-aaral dito. Need daw siya roon. Kailangan may magbantay sa kanyang ama para naman makabalik na ng work ang mom niya,” paliwanag ni Keri sa naguguluhang si Felina.
“Oh. Sorry. Kasi ang hagulgol ng bruhang ito ay daig pa ang namatayan, eh! Nakakainis!”
I glared at Felina.
“I do not want to go to the States!” sabi ko sa kanila. Nag-enumerate pa ako ng kung anu-anong rason. Pero ang totoo niyan, ayaw ko lang iwan si Maurr. Iyon ang pinagsisintir ko. Ayaw ko siyang iwan ng kung ilang buwan. Natatakot akong baka ang kapiranggot niyang feeling para sa akin ay tuluyan nang mabura.
“Para makalimutan mo muna iyang pinoproblema mo, why don’t we cut classes muna and go to Isetan? Doon na lang tayo mag-Jollibee para maiba naman,” mungkahi ni Shane.
Na hindi naman namin tinutulang tatlo. Hinila ako patayo ni Keri at magkaakbay kaming naglakad patungo sa Gate 2 ng university. Hinayaan ko na lang si Shane ang magbida this time. Kung anu-anong pinagkukuwento ni Bansot. But it all boils down to this mystery guy. Ang unang dinig ko roon ay Thighs. Tapos nang inulit ko sa ganoong pronunciation with a ‘th’ sound malugod niyang in-spell for me. With gusto talaga.
“T-H-I-J-S. Thijs! Parang nice pero iyon nga it starts with a ‘T’ sound.”
Ngingiti-ngiti lang si Keri habang sumisipsip sa tira kong milk tea. Maging si Felina ay may kakaiba ring ngisi. Diyata’t ako lang ang walang alam?
Naging abala ako sa sarili kong problema at mga anek-anek nitong mga nakaraang buwan ni hindi ko man lang namalayan na may pinagkakaabalahan na rin pala si Bansot.
**********
“Where have you been?” salubong ko sa kanya nang dumating siya sa condo ko nang gabing iyon. It was half past nine. At kadalasan naman ay nasa unit ko na siya bago pa ang oras na iyon.
“I went out with my friends,” sabi lang nito. She looked refreshed. Parang ang gaan-gaan pa nga ng pakiramdam niya. She even went straight to me and gave me a playful kiss on the cheek. “How you doin’ husband?”
Ang sabi ng mommy nito kanina ay nagkasaup na raw sila nang bandang lunch time. So it means to say na she already knew. But then, how come she seemed happy and unaffected at all? Ang alam ko’y close silang mag-ama.
“Your mom called up a while ago. She was looking for you. Did she call you on your messenger?”
“Yeah. After my third period,” kaswal niyang sagot sabay salampak sa couch. Pinatong pa ang dalawang paa sa center table saka in-on ang TV. Himala at hindi siya sumiksik sa akin. Parang may kakaiba sa kanya. Ganoon ba siya kapag nagmo-mourn?
“Okay,” pakli ko. “So are you going to attend your dad’s funeral?” tanong ko pagkatapos tunggain ang kalahating laman ng lata ng Carlsberg na hawak ko.
“My dad’s what?”
Naalarama ako sa nakitang reaksiyon niya. She doesn’t know! Oh, fvck!
“I thought your mom told you already?”
Nanlaki ang kanyang mga mata. She was speechless for a few seconds then she cried. Hindi lang basta-basta iyak. She sobbed heavily. Nataranta ako. Hindi ako sanay sa isang Ms. Anai na umiiyak nang ganito.
“Eula, hey. Calm down.”
Nilapitan ko siya at hinila palapit sa akin. Tapos niyakap ko siya nang mahigpit na mahigpit.