![]() | ![]() |
Si Mommy ang sumundo sa akin sa BWI Marshall o Baltimore/Washington International Thurgood Marshall Airport. Ngunit hindi lang siya ang nandoong naghihintay sa arrival area. May kasama siyang blonde guy na siguro’y mas matanda lang sa akin ng kung ilang taon. Guwapo ito at tipong pang boy next door ang hitsura. Ngumiti nga agad ito sa akin habang yakap-yakap ako ng mom ko.
Habang iniisip ko ang posibilidad ng papel niya sa buhay namin, dumadagundong naman ang puso ko. Parang tatalon na nga iyon mula sa dibdib ko sa lakas ng tahip. Hinihintay ko kasi ano mang oras na sasabihin sa akin ni Mommy bigla na ito na ang pinalit niya kay Dad.
Diyos ko, huwag naman sana! Hindi ko siya mapapatawad kapag nagkataon.
“Mabuti’t nakarating ka na rito nang matiwasay. How was you flight?” tanong ni Mom.
“It was okay. Kumusta na po kayo, Mommy? Si Ate?”
“I’m all right and I have Todd here to thank for. He’s been a huge help to me and your sister since your dad was hospitalized. Right, Todd?”
Todd? As in tadpole?
Hindi na ako makahinga. Parang pinipre-empt na ako ni Mommy, ah. Nabasa siguro ang mga katanungan sa isipan ko.
“You must be Eula,” bati sa akin ni Tadpole and he shook my hand while smiling widely. Ako nama’y parang tanga lang na tatangu-tango.
The last thing I want to do at that very moment was to socialize with another blond guy. Ang puso ko ay durog na durog pa sa klase ng sagot sa akin ni Maurr nang sabihan ko siyang , ‘I love you’. Kumbaga ay nagluluksa pa ito at nagdurusa sa blonde guy na iniwan ko sa Pilipinas!
“Estimahin mong mabuti iyan,” pasimpleng bulong sa akin ni Mom habang naglalakad kami patungo sa parking lot ng airport. “Malaki ang utang na loob natin diyan.”
“Ha? Eh sino nga ba ito talaga?” tanong ko. Nayayamot na ako. Hindi ko na maitatago iyon sa boses ko.
“Ang future hsuband mo!” Mom hissed through gritted teeth.
“What?!” Halos ay isigaw ko na iyon sa kanya.
Si Tadpole ay nabigla. Natigil ito sa paglalakad at napa-‘what’ din. Sa akin siya nakatingin tapos ay napasulyap kay Mommy.
Halos lumuwa na ang mga mata ni Mom sa pandidilat sa akin nang hindi napapansin ni Tadpole. Binabalaan niya akong huwag mag-inarte dahil kung hindi’y kukutusan niya ako kahit nandoon pa ang Todd na iyon. Ako nama’y lalong nagalit sa kanya lalo pa’t hindi pa siya nagpapaliwanag kung sino nga ang lalaking iyon sa buhay niya! Hindi ako naniniwala na siya ang future husband ko. Paano mangyayari iyon kung mayroon na akong asawang naghihitay sa Pilipinas. Aware naman siya roon dahil siya pa nga ang may pakana niyon.
“Tumahimik ka. Saka na lang tayo mag-usap tungkol dito,” anas niya sa akin. “It was nothing, Todd. My daughter is just a little melodramatic.”
Hindi naman nag-usisa pa si Todd.
**********
“Huh!” naibulalas ko sabay bangon.
Napasabunot ako sa buhok nang ma-realize na panaginip lang pala iyon. Grabe ang kabog ng dibdib ko. Sobra akong natakot sa panaginip na iyon. Nakita ko kasing nahulog daw sa bangin ang minamanehong sasakyan ni Eula. Tapos sumalpok pa raw ang ulo niya sa windshield kung kaya duguan siya nang humandusay sa mga bisig ko.
Tiningnan ko ang oras sa cell phone na nasa bedside table ko. It was already half an hour past one o’clock in the morning. Ang alam ko ala una y medya na nang hapon doon. Baka nagda-drive nga si Eula somewhere. Napababa ako ng kama nang wala sa oras. Tatakbo na sana ako sa living room para tawagan ang numero ng bahay ng mom niya through my home phone nang maalala na mas convenient kung sa messenger ko siya tawagan.
Nakita kong active ang status niya. Tamang-tama. Masasagot niya ang tawag ko. Nakadalawang pindot na ako, pero hindi niya dinadampot ang calls ko. Lalo akong nag-alala. Naisip kong mommy na lang niya ang tawagan. Cell phone number mismo ng mom niya ang kinontak ko.
“Hello, Maurr. What’s up?”
“Hi, Mrs. Anai. Is Eula around?”
“Ano ba. Why Mrs. Anai still? I told you many times already, you can call me ‘Mom’.”
“Okay, M-mom.” It felt a bit weird. I haven’t called anyone besides my mother ‘mom’ so it really felt strange on my tongue.
“Wait,” sabi nito sa akin pagkatapos ay parang may sinigawan. “Todd, please call Eula. Her friend is on the phone.”
Friend? Nangunot ang noo ko. Bakit ‘friend’? Maiintindihan ko pa siguro kung sinabi niyang Eula’s professor. Pero friend?
Biglang lumakas ang tahip ng dibdib ko. I didn’t feel good about it. Bakit kaya? At sino iyong Todd na iyon? May kung ano akong naisip, pero isinantabi ko na lamang muna.
“Hello, Keri?” bungad agad ni Eula. Masigla ang tinig niya. Nabunutan ako ng tinik kahit papaano. Wala namang kung anong problema akong nase-sense sa tono ng pananalita niya. “Bru, bakit ngayon ka lang natawag? Ilang beses kitang miniscol, ha? Kayo ni Felina! Alam n’yo namang kayo lang masasabihan ko nito. Si Bansot ay wala pang kamuwang-muwang sa mundo! O, ano? What can you say about the pic? Ano tingin n’yo sa Todd na iyon?”
Imbes na tuluyan akong makahinga nang maluwag, lalo akong nag-alala. What is going on?
“Who’s Todd?” kaswal kong tanong.
Tumahimik siya sa kabilang linya. Hinintay ko ang sagot niya, pero wala akong narinig.
“Hello? Eula? Are you still on the phone?”
“Maurr? Ikaw ito? Akala ko si Keri. Ang sabi ni Mommy kasi—-never mind! Napatawag ka?”
“Are you all right?” tanong ko naman.
“Of course, I am all right. Kumusta ka na riyan? Musta ang univ? Si Ms. Suarez?”
Ms. Suarez? Why the hell would she want to know how Mary was?
“I’m good. Everybody’s good,” na ang tinutukoy ko ay lahat ng mga taong kakilala niya sa eskwelahan pati na si Mary. “Who’s Todd?” tanong ko ulit.
“Ah, iyon ba? Kaibigan siya ni Mommy. O sige, Maurr, ha? Kasi busy kami rito sa lamay ng dad ko. Bukas na ang libing niya kasi. Nagdatingan na mga relatives namin from Washington D.C. tsaka iyong mga taga-California.”
Hindi na niya hinintay na magpaalam ako sa kanya. Basta na lang niyang pinutol iyon. I felt so bad. My gut-feeling tells me na dapat akong kabahan sa Todd na iyon. Ganunpaman, I reminded myself na ilang buwan na rin naman at ipapa-annul na namin ang kasal namin. Bakit pa ako magwo-worry kung sino si Todd? Ngunit hindi ko siya maitaboy-taboy sa isipan ko. Hanggang sa pagbalik ko sa kama ko’y iyon pa rin ang laman ng isipan ko. Sino ang lalaking iyon? Bakit parang paiwas ang sagot ni Eula sa tanong ko?
**********
“Ang sabi n’yo kaibigan ko? Inisip ko tuloy na si Keri ang nasa phone! Mom naman!” inis na inis kong asik kay Mommy nang isinosoli ko na ang cell phone niya sa kanya.
Ngumisi si Mom. Ano raw ang reaksiyon ni Maurr sa mga pinagsasabi ko kanina? Mukhang napakinggan nga niya kung ano ang pinagdadaldal ko sa lalaking iyon.
“Mommy, it’s not funny.”
“Well, he should know by now that your world doesn’t revolve around him alone. Baka akala n’yo hindi namin napapansin ng yumaong ama mo? Your dad felt he was not into you. Napilitan lang siyang magpakasal dahil pinilit ko. Saka ayaw lang maeskandalo dahil guro nga siya.”
Sumimangot ako sabay halukipkip.
“Ano ba ang plano n’yong dalawa? Hindi ba’t balak n’yo ring maghiwalay? Pwes, hayan na. Binibigyan na kita ng choice. Good catch na si Todd. At least ito’y American citizen! Hindi mo na daranasin ang dinanas naming hirap ng dad mo pati na ng ate mo makuha lamang ang citizenship namin.”
Paano ko ba ipapaintindi sa kanya na wala na akong ganang magtrabaho sa Amerika? Wala na rin akong interes magpa-American citizen pa. Ang gusto ko na lamang ngayon ay makakuha ng kahit anong trabaho sa Pilipinas at kung pwede lang sana’y makapamuhay na kasama si Maurr.
“I talked to your husband a few months ago. Sinabi na niya sa aming hindi naman consummated ang marriage n’yo dahil wala nga raw siyang balak totohanin ito. Gusto niya hiwalayan ka pagka-graduate mo ng college.”
Napatingala ako kay Mommy. Nag-usap sila ni Maurr?! At sinabi ni Maurr iyon? Hindi niya nakuwento sa akin iyon!
“Your dad was expecting his first apo from you. He was very sad when he heard what Maurr said. Kaya nga naisip ko minsan baka dahil doon kung bakit—-”
“Huwag n’yo nang ituloy, Mommy. Utang na loob!”
Bago pa makasagot si Mom dali-dali na akong lumabas ng funeral homes na iyon. Nakita ako ni Todd nang dumaan ako sa umpukan nila ng mga kakilala niya’t kakilala rin ng mommy ko. Sinundan niya ako sa labas.
“Please. I want to be alone,” sabi ko.
**********
Medyo nag-atubili ang Keri na kaibigan ni Eula na sumagot nang tanungin ko tungkol sa sinasabi ni Eula na pinadalang larawan ni Todd. Pero bandang huli’y napahinuhod ko rin. I have to thank their friend, Felina. Ito ang humimok sa dalagang pagbigyan ang hiling ko.
Nang dahan-dahang lumitaw ang picture ng lalaki na pinadala ni Eula sa kanya, hindi ako nakapagsalita. Tama ang kutob ko. I think we were of the same age. And he’s also blond and good-looking, too. May kung anong pangamba akong naramdaman nang maalala kung paano tila iniwasang sagutin ni Eula kung sino ang lalaking iyon.
“Thanks, guys,” sabi ko sa dalawang babae saka pumanhik na sa faculty room ng Math Department.
“Hey, Maurr. I heard your wife went to the US?” salubong sa akin ni Prof. Pelaez.
Wala ako sa mood makipaghuntahan sa kanya kung kaya simpleng tango lang ang sinagot ko tapos binuksan ang laptop at gumawa na lang ng module para sa isa ko pang math class. Pero sa kabila ng pagiging abala na sa pagtitipa ng sinusulat ko tungkol doon, hindi ko pa rin maalis-alis sa isipan ang hitsura ng Todd na iyon. Lalo pa akong nag-worry nang maalala na ‘friend’ ang sabi ng mommy niyang tumatawag nang tumawag ako sa kanila.
Nang sinabi ko ang mga inaalala kay Dad, pinayuhan niya akong sundan ko agad sa Maryland si Eula tapos alamin kung may dapat akong ipag-alala sa Todd na iyon. The more I think about it, the more it becomes tempting.
Bago nga matapos ang araw na iyon ay napabili ako ng ticket papuntang Maryland. Naisip kong baka pagsisihan ko ang spur-of-the-moment purchase na ito pero sa isang banda ay napag-isip-isip ko rin na mainam nang maliwanagan agad-agad kaysa nandito ako’t nagwo-worry lang. Kung tutuusin naman, kung tunay nga kaming mag-asawa dapat nga dalawa kaming nandoon dahil biyenan ko rin naman iyong namatay.
“Why the hell do you need to go there? Sayang ang gastos!” was my mom’s reaction when she knew of my decision. Siguro nasabihan ito ni Dad dahil ora-orada ay nabisita ito sa unit ko.
“I want to support my wife. She’s probably breaking down as we speak right now since she was very close to her dad. I want to at least show her my sympathy.”
“Sympathy, my ass. As if you guys were truly married,” naiinis pa nitong sabi sabay deretso sa kusina at kuha ng bote ng Carlsberg sa fridge ko.
“We are truly married, Mom. It was legal. You know that,” sagot ko. Sinundan ko siya sa kusina.
She rolled her eyes. May sinabi pa siyang kung sana ay hindi ako nakipaghiwalay sa dati kong Icelandic girlfriend disin sana’y wala raw akong pinoproblema ngayon.
“Aldina is even better looking than your wife.”
Aldina? Better-looking than Eula? Mom’s taste is really interesting!
“You just wanted to make sure your grandchildren look like me—-blond with blue eyes.”
“You make it sound like it’s nothing to you! Hindi mo ba alam kung gaano ka kaswerte? Everybody wants to be blond with blue eyes.”
“Not everybody, Mom. Maybe, it’s just you,” sabi ko at iniwan ko na siya sa kusina. Nagpunta na ako sa kuwarto ko at nagsimula nang mag-impake.
**********
Binababa na sa lupa ang kabaong ni Dad nang maramdaman kong tila may nakatitig sa akin nang matiim. Napalayo ako nang bahagya sa balikat ni Todd. Nakasubsob kasi ako kanina roon habang tumatangis. He looked at me and smiled. Then, he dried my tears with his thumbs. Naitulak ko siya bigla nang makita sa hindi kalayuan ang lalaking ilang araw nang nagpagulo sa isipan ko. Si Maurr Reidar Ricci Halvorsen, Ph.D.! Hayun at nakasuot din siya ng kulay gray na suit. Nakapamulsa pa siya habang titig na titig sa akin na kani-kanina lang ay yakap-yakap at kino-comfort ni Todd.
“Maurr!” tawag ko sa kanya.
Napatingin sa akin ang mga nakilibing kay Dad. Pinandilatan ako nila Mommy at Ate tapos ay napalingon sila sa tinatanaw ko. Nakita kong tila nabalisa ang mom ko. Ako nama’y labis na natuwa. Hindi ko nasupil ang pagngiti ko. Hinintay ko munang maibaba sa huling himlayan niya si Dad at nilapitan ko si Maurr. Hindi ko na alintana si Todd at ang reaksiyon niya.
“Maurr! Ba’t hindi ka nagsabi na pupunta rin dito? Disin sana’y nasundo kita sa airport.”
“So that was Todd?” tanong niya. Mahinang-mahina ang kanyang tinig. Hindi ko makita ang ekspresyon ng kanyang mga mata dahil natatakpan ito ng dark sunglasses, pero ramdam ko ang inis niya. Natuwa ako agad. Naisip ko kasi, nagseselos ba siya? But then when I felt his seething anger, I dared not let my smile appear.
Napalingon ako sa kinaroroonan ng mga nakilibing sa amin. Habang abala ang lahat sa pakikiramay sa mommy at ate ko, si Todd ay nakatayo lang doon at nakatanaw sa amin ni Maurr. Naka-sunglasses na rin ito ngayon at nakapamulsa. The funny thing is, pareho pa silang naka-gray suit. Pero tingin ko mas maganda magdala no’n si Maurr. Mas bagay dito ang suot.
“Yeah. Iyon nga ang Todd.”
“Is he—-your boyfriend here?” deretsahang tanong niya na ikinasimangot ko.
“Anong boyfriend ang pinagsasabi mo riyan? Ano naman ang tingin mo sa akin?”
“Just answer my question. Is he your boyfriend here in the US?”
“Maurr, iho!” bati sa kanya ni Mommy. Napailing-iling ako.
Ang mommy ko naturingang doktora pero walang pinagkaiba sa akin. Kung makatili ay akala mo nasa Quiapo lang siya. Napatingin tuloy sa kanya at sa kinakawayan niya ang mga bisita naming puti at itim.
Lumapit naman si Maurr pero hindi niya pa rin tinatanggal ang kanyang dark glasses. Napa-double take ang ate ko sa kanya at nakita kong napanganga ito. Napatingin din siya sa akin at nangunot ang kanyang noo.
“Akala ko ba’y wala na kayo nito?” anas niya nang makalapit ako sa kanya. “Bakit narito iyan?”
“Ha? Anong wala?”
Napatingin ako kay Mommy at nahuli ko itong kumikindat-kindat sa ate. What is going on?!
“Maurr, iho, come. I will introduce you to everyone.”
Proud na pinakilala ni Mom si Maurr sa mga amiga niya. Pero iniwasan niyang banggitin kung ano namin siya. Nakatingin na si Todd sa kanya ngayon at tila nagtatanong kung sino si Maurr sa buhay namin. Gusto ko nang ipagsigawan sa lahat ng nandoon, lalo pa’t kahit mas nag-blend siya sa mga bisita namin dahil karamihan ay puti, siya pa rin ang nag-stand out. Bukod kasi sa siya ang pinakamatangkad doon sa taas na six feet two, siya pa ang pinaka-guwapo at maganda ang pangangatawan. Kahit si Todd ay taob ang beauty. And I was just so proud.
“Condolences, Mis—-Mom,” sabi niya sa mommy. Pagkarinig kung paano siya tawagin ni Maurr ay parang kiniliti ang nanay ko.
Nang magsi-alisan na kami sa memorial park, medyo nalito ako kung kanino sasama. Kanina kasi’y sa kotse ni Todd ako sumakay. Pero ngayong may dalang rented car si Maurr, naisipan kong siguro naman hindi sasama ang loob ni Todd kung doon ako sasama sa asawa ko.
“You can ride with him if you want,” sabi bigla ni Maurr. At iniwan pa niya ako.
“Is that your ex-boyfriend?” tanong sa akin ni Todd nang makasabay na niya ako sa paglakad.
Bago ako makasagot, bumalik bigla si Maurr. Tinanggal na niya ang sunglasses ngayon at tinitigan nang masama si Todd.
“I’m not her ex-boyfriend! I AM her husband! Got that? I AM her husband!” mariin niyang sagot kay Todd sa mahinang tinig lang ngunit sagad sa buto ang galit.
Napanganga ako. Hindi ko sukat-akalain na ganoon ang magiging reaksiyon niya.