![]() | ![]() |
“I will not answer that for you. It’s your life, Eula. You do it your way,” ang sabi na lang niya bigla makaraan ang ilang minutong pananahimik.
Do it my way. Eh kung i-my way ko ang pagmumukha mo? Kunwari ka pa! Nanggagalaiti ka na riyan, eh! Bakit hindi pa kasi umamin ang maputlang lalaking ito.
“My way? As in Frank Sinatra’s My Way? Hindi mo ba alam kung ano’ng nangyayari sa mga taong kumakanta ng My Way?” tanong ko sa kanya.
Nalito siya. Paano raw nasama sa usapan ang kanta ni Frank Sinatra.
“Sabi mo my way kasi, eh! Bakit hindi mo na lang sabihin sa akin kung nagseselos ka o ano?”
“I’m not jealous,” kaila niya. At tinitigan pa ako. Gusto siguro akong kumbinsihin na nagsasabi siya nang totoo. Kaso ang talim nga ng tingin sa akin. Paano naman ako mako-convince na hindi nga siya nagseselos kung nanggigigil siya sa galit at the mere mention of Tadpole’s name?
“Not jealous pero lumalaki ilong mo,” sagot ko.
Sa totoo niyan, imbento ko lang iyon. Ang perfect ng ilong niya. Kahit magalit man o ano, hindi natitinag ang ganda ng hugis ng ilong. Typical white people. Matangos na slim.
Napahawak siya sa ilong at pinangunutan pa ako ng noo.
“My nose doesn’t get big.”
“Oo na! Ang perfect na ng nose mo!” asik ko sa kanya. In-exaggerate ko ang pagdadrama kasi hindi ko naman mapapaamin na nagseselos nga. Nakakainis.
Hindi siya sumagot. Nakatitig lang uli sa akin. Mayamaya pa ang galit na umuusbong sa mga mata ay napalitan ng kalungkutan. Hindi na siya nakatingin sa akin ngayon. Deretso na ang mga mata niya sa kaharap na dingding. Parang ang lalim ng iniisip. I felt like hugging him. Pero sa halip ay iba ang ginawa ko. Tinanong ko siya.
“Do you see yourself living in the US in the future?”
“No,” was his curt reply. Agad-agad. Hindi man lang nag-isip ng kung ilang segundo. Wala pang kakurap-kurap.
“No? As in no-no? Hindi ka man lang nag-isip?”
“I have made up my mind a long time ago. If I do see myself living here in the future, then I would have chosen to become a citizen of this country, but I did not. I was born here. Not in Maryland but in Minnesota. So I was an American at birth.”
Was. Ibig sabihin hindi na.
“Why didn’t you choose to be one? Hay, Maurr! Sayang! Mas bagay ka pa naman dito. Kita mo na ang mga tao sa paligid? Mas dito angkop ang beauty mo.”
Tinitigan niya ako nang matiim. Hindi na siya nagsalita. Siguro dahil kahit seryoso ang usapan kung anu-anong kabaliwan ang sinisingit ko.
“Saglit lang. Hindi ba allowed naman ang Icelanders na magkaroon ng dual citizenship? Why did you give up your American passport?”
“Because I want to be a Filipino. I want to live in the Philippines.”
Napanganga ako. Tama ba ang narinig ko? Mas pinili niya ang Pilipinas kaysa sa Amerika? Well, maganda naman talaga doon. Ako nga ay mas happy sa Manila kaysa sa ibang lugar sa mundo. Kung hindi nga lang sa pangarap ng mga magulang ko para sa akin ay mas gusto kong mamuhay doon. Kaso nga lang...At ako naman ang nalungkot.
**********
Kinaumagahan hinatid ko na si Eula sa kanila. Wala na ang mom o ate niya sa bahay nila, pero may iniwan silang note. Babalik daw sila sa hapon kaya kung pwede raw ay paghintayin ako roon nang makasalo nila ako sa hapunan. Hindi naman ako tumanggi. It’s the least I can do for them. Saka baka ma-bad shot sa akin ang mom niya kapag nag-decline ako.
Nagtititingin siya sa mga pagkaing iniwan ng mommy niya sa ref nang bigla na lang siyang naduwal. Tumakbo siya sa banyo sa sala. Nataranta naman ako. Sinundan ko siya at hinagud-hagod sa likuran. Nang mag-subside ang pagsama ng sikmura, nagmura siya nang paulit-ulit. Nabingi ako sa kung ilang P.I. niya.
“’Tangina iyang Emelita na iyan! Ilang beses ko nang sinabihan na kung kumain ng durian ubusin niya! ‘Tangina! Sayang ang breakfast ko! ‘Tangina talaga!,” galit niyang sabi nang makapag-mumog na.
Bumalik siya ng kusina pero hindi na muling nagbukas ng ref. Ako ang inutusan. Pagbukas ko para kumuha sana ng tubig, naduwal din ako. Tumakbo rin ako ng banyo. Pero imbes na hagud-hagurin niya ang likuran ko like what I did to her, tinawanan lang ako. Sinundan nga ako pero para sabihan lang kung gaano ka sama ang kanyang kapatid.
Dahil sa durian sa ref, walang ni isa sa aming may gusto pumuntang kusina to look for some food to eat while we watch TV. I told her to simply order some pizza. Iyon nga ang ginawa namin. Makalipas ang ilang sandali, narinig na namin ang doorbell ng pizza delivery. I rushed to the door, only to find the I guy I do not like.
“Hey. You’re still here?” parang nagulat na bungad sa akin ni Todd. Ang ngiti niya ay nabitin.
“Yeah. And what brings you here?” sagot ko naman. And my eyes strayed to what he was holding.
I tried to sound as polite as possible, but then maybe it didn’t come out as near polite. Nakita ko kasing sumeryoso bigla ang ekspresyon sa mukha niya. Sumilip siya sa loob ng bahay mula sa maliit na siwang sa tagiliran ko.
“Is Eula around?”
“Maurr, what’s taking you so long?” pasigaw na tanong ni Eula mula sa loob.
Hindi na ako nakapagsinungaling. Pinapasok ko na lang siya.
“You have a visitor,” malabnaw kong sabi kay Eula when I went back to the living room.
Nang lumingon siya at makita si Todd na may dala-dalang isang pulumpon ng pulang rosas, napa-tili siya. Napangiwi naman ako.
“Todd! What a surprise! Are those flowers for me?”
Napatiim-bagang ako sa tila excited niyang tinig. Tiningnan ko tuloy ang mga bulaklak. Hindi naman kagandahan. Mukha pa ngang hindi na fresh ang iba. Women. Napailing-iling ako.
I quietly sat on the couch while watching Fixer Upper on TV. Hindi ako tuminag kahit ilang beses na nagparinig si Todd na parang gusto niyang kausapin in private si Eula. Why would I let them? Hindi ba dapat mahiya naman siya—-sila sa akin? O baka naisip nilang my opinion does not matter?
Napakuyum ang mga palad ko. Gusto kong i-assert ang pagiging asawa ko pero sa loob-loob ko’y ayaw ko ring panghimasukan ang desisyon ni Eula. Kung siguro’y katulad kami ng typical na mag-asawa na we married for love, oo. Pero ours is different. We may be feeling something towards one another now, but I am not sure what it means yet. Baka naipagkakamali namin pareho ang sexual gratification for something deeper na baka wala naman.
Ayaw kong matulad sa parents ko na mahigit isang dekada nang nakaalis ng Amerika at halos apat na taon na ring wala sa Iceland, pero iyon at iyon pa rin ang pinagtatalunan nila palagi. Dahil si Dad ang nagdesisyon para sa buong pamilya na umuwi ng Iceland when I was ten, laging sinisisi sa kanya ni Mommy iyon. Nang mapagdesisyunan din nitong mamuhay na for good sa Manila after retirement four years ago, hindi rin kinunsulta doon si Mom kaya hanggang ngayon ay pinagtatalunan pa rin nila iyon. As much as possible, ayaw kong matulad kami ni Eula sa kanila lalo pa’t ours do not have a strong foundation. At least sa kanila ng mga magulang ko, I know Mom will always be supporting Dad’s decision dahil mahal na mahal niya ang tatay ko. I cannot say the same thing with Eula. Oo, alam kong napapaligaya ko siya sa kama. Magkasundung-magkasundo kami sa bagay na iyon, pero we seemed to have very opposite views about life. Heto ngang pamumuhay dito sa Amerika ay hindi kami pareho ng opinyon. Ayaw kong mamuhay dito pero ito ang kabuuan ng pangarap niya.
“Maurr, pwede mo ba kaming iwan sandali ni Todd?” malumanay na pakiusap sa akin ni Eula.
Na-disorient ako for a while. Siguro dahil sa dami ng iniisip. But when I was able to digest what she wanted me to do, I reluctantly left the room quietly.
**********
Nainis ako kay Mommy. Hindi ko alam kung ano ang pinagsasabi niya kay Todd about Maurr and me. Heto’t ang lakas ng loob ni Tadpole manligaw sa tanghaling tapat! Nalilito rin ako! Nang dumating ako ng US a few days ago, buo na ang isipan kong bumalik ng Manila and continue my studies at FEU. Pero ngayong nakikita ko ang pamumuhay ng mom ko at ate sa US, parang nag-dadalawang-isip na ako. Nagiging mas sweet na kasi sila sa isa’t isa. Naa-out of place na ako minsan. Gusto ko rin siyempre na mapalapit sa kanila now that dad is gone. Wala na akong kakampi. Pero at the same time, naiisip ko rin si Maurr. Paano na kami ng asawa ko? Feeling ko mayroon na siyang pagtingin sa akin, eh. Kaunting sundot ko na lang ay makukuha ko na ang matamis niyang ‘oo’.
Napangiti ako nang lihim sa naisip. Bigla na lang kasing lumitaw sa isipan ko ang nakabusangot na mukha ni Maurr. Ang cute ng lalaking iyon magalit.
“Eula! Hey!”
Napakurap-kurap ako nang makita ang kamay ni Todd na tinataas-baba sa harapan ng mukha ko. Napatingin agad ako sa kanya at humingi ng paumanhin.
“What were you thinking? I saw you smile absent-mindedly,” sabi nito. He was about to burst into a grin. Pakiramdam ko, tingin niya’y siya ang dahilan ng ngiting iyon. Assuming ka, pare!
“I—-I just remembered my friends’ antics. I’m sorry.”
Sumeryoso ng mukha si Todd. Pinagpuputok nito ang knuckles saka ako binalingan. “What do you say to my -—proposal?”
Ha? Anong proposal? Marriage proposal?! Ang bilis naman ng lalaking ito! NO!
“Proposal?” ulit ko. I prayed to God it was not a marriage proposal.
“I was offering you a position at the hospital my parents own. You will train there while trying to finish your degree on the side. I think it would be better that way so you can easily adapt to your future life here as a medical technologist.”
May ospital ang mga magulang niya? Wow! Kaya naman pala atat si Mommy na magkaigihan kami. Hmn.
“But don’t worry about your schedule. I will make sure they do not make you work hard so you can also concentrate on finishing your degree,” dugtong pa niya. Naisip siguro na baka nag-alala ako sa magiging workload ko. Kung alam lang niya ang worries ko...
Gosh. Paano ba ito? It’s so tempting!
“Please do not feel like I am trying to buy your affection.” At tumawa pa si Todd. “Your mom told me that I may have a hard time winning your heart because you are -—m-married. But—-”
Nawindang ako! Totoo nga ang lahat na sapantaha ko! Akala ko lang noong una ay mga assumptions ko lang! Ngayo’y mula na talaga sa kanya ang confirmation. Pinag-usapan nila ako ni Mom sa bagay na iyon!
Oh, Mommy. Bakit hindi mo siya dineretso na huwag na kamo akong tuksuhin dahil may asawa na nga ako!
“But?” untag ko. Gusto kong alamin kong ano pa ang balak niya sa akin.
“But I saw with my own eyes that what you and your husband are sharing is not—-does not seem to be—-real. I am sorry. What I mean is, you guys don’t strike me as a real couple.”
No’n biglang lumitaw buhat kung saan si Maurr.
“What do you mean with we don’t strike you as a a real couple?” bigla na lang ay tanong ni Maurr kay Todd. Nakatayo na ito sa harapan ng bisita ko. Kahit malumanay ang kanyang tinig, dama ko pa rin ang kanyang nag-uumapaw na galit na pilit na kinokontrol.
“Maurr!” nasambit ko sa kabiglaanan. Napatayo na rin ako at hinawakan ko siya nang bahagya sa kanyang braso. Baka kasi bigla na lang nitong sapakin si Tadpole. Mahirap na. Lagot ako kay Mom.
“We hug, we kiss, we fvck—-if those do not show we’re a real couple, then I do not know what can!” sabi ba naman nitong nagngingitngit. “Oh, I forgot. Of course, you do not know that.”
Napanganga ako sa mga sinabi ni Maurr. Pinamulahan pa ako ng mukha. Oo, alam kong wala lang iyon kay Todd dahil Amerikano naman ito at sanay naman siguro ito sa ganoong usapan, pero siyempre nakakahiya rin. Kahit pa sabihing mag-asawa kami ng damuhong ito.
Nang mapasulyap ako kay Todd, nakita kong namumula na rin ang pisngi niya. At feeling ko nagtitimpi na rin ng galit.
“Maurr, ano ba!” saway ko rito.
He glanced at me with anger in his eyes and he left the room.
**********
Ang sabi ko sana magpapalipas ako ng oras sa kusina at hindi ko na sila gagambalain pa. Pero sino ang hindi manggagalaiti sa galit kung ganoon ang maririnig? Ibig sabihin ay okay lang sa mommy niya na paligawan ang anak kahit na siya itong nagpumilit na makasal kaming dalawa ng bunso niya? I just cannot comprehend her! Ganoon na ba kasidhi ang pangangailangan nila sa pera? At itong Todd na ito. Sasabihin ba namang mukha raw hindi kami mag-asawa ni Eula? Hindi ako mainitin ng ulo pero nakalalaki ang kanyang mga sinabi.
Lumabas ako ng bahay at naglakad-lakad. Gusto kong kumalma. Or else, baka may masuntok ako nang wala sa oras.
“Maurr!” narinig kong sigaw ni Eula mula sa likuran.
Tumigil ako sa paglalakad saglit. Hinintay kong abutan niya ako.
“Maurr, ano ba’ng nangyayari sa iyo? Bakit mo naman ako pinahiya nang ganoon sa tao?” naiinis niyang sabi sa akin nang magkaharap na kami.
“Embarrassed you? What I said was pretty normal for couples. And they were true, anyway.”
She looked at me like she was hurt. Natigilan ako. Hindi naman iyon ang gusto kong mangyari.
“We fvck? Ganoon lang ba iyon sa iyo?” tanong niya sa malumanay na tinig. May himig pagtatampo ang boses niya at pinangiliran siya ng luha. Hindi na ako nag-isip pa. I grabbed her by the shoulders and gave her a tight hug.
“That was not what I meant and you know that. I was just angry,” bulong ko sa kanya habang hinahagud-hagod ang kanyang buhok.
Nagpumiglas siya sa mga yakap ko para ako’y tingalain.
“Magsabi ka nga nang totoo sa akin. Maurr. Ano ba talaga ang plano mo sa ating dalawa? Sa akin?” sabi pa niya. She looked so vulnerable right now.
“Isn’t it obvious to you, Eula? I came here to follow you.”
Nangunot nang bahagya ang kanyang noo.
“Maraming posibleng dahilan kaya gusto kong klaruhin mo sa akin once and for all. Ano nga?”
I cupped her cheeks and pressed my lips lightly on hers. Ang light kiss lang sanang balak ko ay naging malalim at bago pa namin mamalayan ay naghahalikan na kami nang todo sa harap ng bahay nila sa tanghaling tapat. Nang bitawan ko siya’y kapwa kami napahingal.
“Does that clarify things to you now?” pabulong kong tanong sa kanya habang hinahagud-hagod ng aking hinlalaki ang kanyang pisngi.
Pinaningkitan niya ako ng mga mata. “Pwede mo bang sabihin nang black and white?” hirit pa niya. But this time she seemed calm and relaxed already.
“Okay. Black and white,” pabiro kong sagot.
Hinampas niya ako sa balikat. “Maurr Reidar Ricci Halvorsen, Ph.D.! Hindi ikaw si Ms. Anai! Wala sa bokabularyo mo ang pagiging baliw na pilosopo!”
I kissed the tip of her nose and we laughed. Then, we went back to the house with arms around each other.