image
image
image

CHAPTER TWENTY-NINE

image

Noong umalis ako ng Maryland ng first week ng November, ang sabi ni Mommy huwag ko na raw asahan na mayroon pa akong babalikang pamilya. Kalimutan ko na raw sila ni Ate. Hinding-hindi na rin daw ako makakatikim sa kanya ng kahit singkong duling. Noong mga panahong iyon, inisip ko na baka nagdadrama lang ang nanay ko at hindi rin niya ako matitiis kapag lumipas na ang init ng ulo niya kung kaya nagbakasakali akong may hinulog siya para sa allowance ko nang buwang iyon. Naka-dalawang balance inquiry na ako sa ATM machine ng BPI na nasa elevated space in between the first and second floor ng Science Building sa campus, pero paulit-ulit na lumabas ang two hundred five pesos na balanse sa screen. Iyon din ang laman no’n a week before I went to the US to attend my dad’s funeral. Walang nadagdag.

“Na-check mo na ba?” tanong ni Keri habang nagte-text kung kanino.

Bahagya ko siyang tinanguan at lulugu-lugong bumaba ng hagdan. Nauna na ako sa kanya.

“Baka hindi pa lang nakapaghulog ang mommy mo. Kadalasan naman ay lampas na ng akinse ka hinuhulugan, di ba? Na-delay lang siguro. Thanksgiving Day kasi doon sa kanila.”

“Nagzo-xoom ang mommy. Walang holiday iyon sa pagkakaalam ko.”

Inakbayan ako ni Keri. “Huwag ka nang malungkot, ano ba? Hindi po bagay sa iyo, Ms. Anai!”

Napahinga ako nang malalim. Nakwenta ko na ang mga gastusin. Kaunti na lang ang natira sa dala kong pera from the US. Iyon iyong nakuha kong sweldo sa pagtartrabaho sa ospital nila Todd. Nakatwo thousand two hundred dollars din ako sa halos isang buwan kong work doon. Kaso nabawasan ko ng seven hundren dollars dahil sa return ticket ko. Ang pang BWI Marshall to Manila ko kasing trip sa unang tiket na nabili sa Pilipinas ay hindi ko nasakyan gawa nga na nag-extend pa ako roon. Kaya hayun, bumili ng panibago. I found out, mas mahal pala kapag one way lang. Nakakainis!

“Ano iyan?” nakangiwi kong asik kay Keri nang abutan ako nito ng dalawang libong piso.

“Hindi bigay iyan. Utang mo iyan. Pay me when you can.”

Nilalabanan ko ang luha, pero para naman akong iniinis ng mga ito dahil nag-unahan pa sa pagtulo sa pisngi ko. Mga butil-butil na luha pa. Niyakap agad ako ni Keri at hinalikan sa ulo. Bahagya ko siyang siniko.

“Don’t do that. You only remind me of my mom.”

**********

image

Napangiti ako nang makita ko ang shinare sa aking exam result ni Eula. Galing iyon sa guro niya sa isang major class. Nakakuha raw ito ng ninety-three percent o A. So proud of her. Kaya rin pala niyang mag-excel kung gustuhin niya.

“Hi, Maurr! I heard you’re going to Iceland on Christmas break. Tama ba?” Si Mary. Bigla na lang itong sumulpot at naupo pa sa tabi ko sa faculty lounge ng taga-Math Department.

Tumango lang ako habang nagsasalanasan ng mga test papers sa harap ng mesa. Pagkatapos, kumaway ako sa kanya at lumabas din ng faculty lounge. Hinabol niya ako at tumigil kami sa harap ng hagdanang pababa. Katabi lang no’n ang doorway ng Biology Department faculty lounge.

“Yes, Mary?” tanong ko. May importante ba itong kailangan sa akin para habulin pa ako palabas? And what was she doing in our faculty lounge anyway? Dapat doon siya sa GE Department umiistambay.

“Uhm—-kasi, we are planning to have a party soon. Bale, get together ng mga young faculty na sabay-sabay pumasok ng FEU. Nakita namin sa record, you came in the same year as us. Nauna lang kami ng one semester sa iyo. But still, we are batchmates.”

“Party? Where? And when?”

“Iyon nga ang pinunta ko rito. When are you leaving for Iceland?”

“As soon as the classes are done.”

“Can you give us an exact date?”

“December twenty second.”

“Great! We will have it on the nineteenth! Okay lang ba sa iyo?”

She looked so expectant. Gusto ko sanang magpahinga lang sa bahay pagkatapos ng klase, pero naaawa naman akong hindi siya pagbigyan. Kaya napatango ako nang wala sa oras. Napasigaw siya sa tuwa. Niyakap pa ako at hinalikan pa sa pisngi. Gulat na gulat ako. I didn’t expect it. Bago pa ako maka-react doon ay masaya na siyang nagpaalam. She ran to the elevator and went to her class on the third floor. May mga estudyanteng napadaan na napatingin sa amin. Napakagat-labi ako. I just hope nobody tells Eula dahil baka kung ano na naman ang dagdag na impormasyong makakarating sa kanya.

Sinuot ko na ang dark sunglasses at bumaba na ng hagdan. May mga estudyanteng bading na kumaway-kaway sa akin at nang tanguan ko ay tumili sila na parang kilig na kilig. I just shook my head. Hindi ko alam kung ano ang nakakatuwa roon sa ginawa ko. Tutuluy-tuloy na sana ako palabas ng gate papunta sa yellow cab kung saan naghihintay si Mr.Pelaez at iba pang faculty ng Math Department nang bigla na lang akong harangan ni Drae. Nang makita ko ito nagulat ako lalo pa nang mapansin kong tila parang pasan niya ang daigdig.

“Hi, Sir Maurr,” bati nito sa mahinang tinig.

“Hi,” pakli ko.

“May itatanong lang po ako sa inyo. I—-I plan to go to Reykjavik as soon as the classes end this semester. Balita ko po ay uuwi rin po kayo? Pwede ho bang—-hindi ho kasi ako pamilyar sa lugar n’yo. Pwede hong makisabay?”

Napanganga ako nang marinig ko ang sinabi niya. But then I remember my cousine Lilja who had already flew back home weeks ago.

Napatangu-tango na lang ako at sinabihan ko siya ng mga detalye ng trip ko.

**********

image

Napangiwi ako nang makita ang video na sinend sa akin ni Shane. Kuha raw iyon sa labas ng faculty lounge ng Biology Department. Makikita roon na bigla na lang napahiyaw sa tuwa si Ms. Suarez sabay halik kay Maurr sa pisngi tapos tumakbo ito papunta sa elevator. Paulit-ulit kong tiningnan ang paghalik niya kay Maurr. Grabe lang. Kinikilig ang pokpok. Awtomatikong napakuyom ang mga palad ko. Gigil na gigil ako sa bruha. Bakit kailangan niyang halikan si Maurr? At itong mokong naman nakakainis. Bakit nagpahalik?

“Punyeta kang babae ka!” sigaw ko.

Tinago ko ang cell phone at sinilip mula sa bintana ang nangyayari sa ibaba. Kita kasi mula sa living room ng condo ni Maurr ang highway. Wala pang palatandaan na malapit na ang kanyang anino. Gigil na gigil na akong sumbatan siya.

Para maalis sa video na iyon ang aking atensiyon, naglinis ako ng buong unit. Pati nga ang kanyang silid ay pinakialaman ko na rin. Habang inaayos-ayos ko pati ang kanyang study table, nadampot ko ang isang printed copy ng E-ticket niya papuntang Reykjavik. Uuwi siya ng Iceland sa pasko! Parang may dumaklot sa puso ko pagkabasa roon. Ni hindi niya nabanggit sa akin iyon. Nakaramdam agad ako ng warning bell sa utak. Maraming what ifs akong naisip. Sisilipin ko pa sana kung hanggang kailan ang trip niyang iyon nang may maulinigan sa labas ng silid.

Shit! Baka nakauwi na siya! I need to leave his room. Pero siyempre, nagkunwari akong may sinadya sa banyo. Kahit wala sa oras ay nagbasa ako ng buhok doon. Buti na lang may naiwan ako roong tuwalya. Binalot ko na lang no’n ang basang-basa kong hairlalu.

“Hey,” bati niya sa akin paglabas ko ng silid. Tila kapapasok lang din niya dahil kahuhubad pa lang ng sapatos. Nakita ko ang nagkalat na mga libro sa sahig. Palagay ko iyon ang gumawa ng ingay kanina. Ang kakapal ng mga iyon. Susko! Kabilib naman ang taong ito at may tiyagang magbasa ng mga iyon.

Muntik ko na siyang angilan ng heyin mong mukha mo! Nagkontrol lang ako.

“Ilang linggo na lang at tapos na ang klase naghakot ka pa ng books? So very studios naman!” sarkastiko kong pahayag.

“I need these to finish my paper.”

Gumalaw-galaw ang nostrils niya nang matapat sa akin. He looked at me in a weird way. “You took a shower?” tanong niya na parang nagtataka.

“Obvious ba?”

Tinanggal ko ang tuwalyang bumabalot sa ulo at sumabog sa mukha ko ang basang-basa na buhok. Napahatsing siya. Biglaan iyon kung kaya hindi nakatakip ng ilong. Nakahawak kasi ang dalawang kamay sa kung ilang librong dala-dala. Grabe ang paghingi niya ng paumanhin. At habang nagso-sorry ay napahatsing na naman.

Pota! Ang baho ko ba?

Naalala kong tagaktak nga pala ako sa pawis kanina dahil sa paglilinis ng buong unit. Idagdag pa roon ang pagpunas ko sa mga maalikabok na gamit sa bahay.

“I’m sorry. I’m allergic to dusts, that’s why,” sabi niya habang pinupulot na naman ang naglaglagan na mga libro.

Inamoy-amoy ko naman ang kili-kili. Shucks! Nangangamoy-pawis nga ako. At napansin ko pang may parang kudlit ng alikabok sa isa kong braso.

“Actually—-I thought kasi—-,” nag-isip ako ng rason, “pinasok na tayo ng magnanakaw kung kaya imbes na maligo ako’y napalabas ako ng wala sa oras.”

Tumaas nang bahagya ang isa niyang kilay. Hindi siya nininiwala! Kasi naman kahit sa isipan ko’y napaka-lame ng excuse ko. Paano kami papasukin ng magnanakaw eh ang higpit-higpit ng guwardiya sa ibaba.

“Diyan ka na nga!” At pumasok muli ako sa kuwarto niya para maligo na nang tuluyan sa banyo.

**********

image

Sinundan ko siya ng tingin nang bigla-bigla ay bumalik siya sa loob ng silid ko. Napangiti ako dahil nabisto ko siyang nagsisinungaling. Naligo raw pero amoy-pawis.

Binaba ko na ang mga libro sa study table at dinampot mula roon ang E-ticket kong hindi ko pa pala naitatago. Kailangan ko pala siyang sabihan tungkol dito. I was also thinking of taking her with me, pero nag-aalala rin ako sa magiging reaksiyon ng mga lolo’t lola ko na nandoon sa amin. Baka mag-expect sila masyado sa aming dalawa ni Eula. Ang pangako ko kasi sa kanila, ang kung sino mang dalhin ko sa bahay nila’y iyon na ang magiging asawa ko for keeps. And I am not sure about Eula and me. Lalo pa’t may isang Todd na naghihintay sa kanya ano mang oras.

Lumabas ako ng silid at nagtungo sa kusina. Natigil ako sa bungad no’n dahil for the first time in a long time, nadatnan kong ang linis ng lababo. Kumikinang pa ito na tila bagong scrub. Ang sahig ay mukhang malinis din. Pati gas range at ibabaw ng ref ay maayos na maayos.

When I openned the fridge, I was also surprised by how organized the food packages and bottles of whatever inside. Ngayon ko naintindihan kung bakit amoy-pawis siya. Tama nga naman sigurong naliligo siya when I came in. Kumuha ako ng isang boteng San Miguel Light at dinala na iyon sa living room. Napansin ko roong pati kurtina sa bintana ay napalitan na rin. Ang galing.

Good job, Ms. Anai.

I was smiling while I was drinking my beer.

“Ang sarap ng ngiti mo, ah. Ano’ng atin?”

Napalingon ako kay Eula. Ano’ng atin? What does it mean?

“Come again?” tnaong ko.

“Sabi ko, nababaliw ka na ba? Ngumingiti kang mag-isa?”

Sumeryoso ako at umiling-iling. No’n ko naisip na sabihin sa kanya ang tungkol sa trip ko sa December twenty-second.

“I’m—-I’m taking a three-week vacation to Iceland. I will be leaving in three weeks. Will you be okay here alone?”

Nawala ang ngiti niya sa labi. Napalitan iyon ng kalungkutan.

“Do I have a choice? Kung okay lang sa iyo na nandito ako sa condo unit mo kahit wala ka ay okay lang din sa akin.”

“I thought you would want to celebrate Christmas with your friends. I am okay with that, too. If that’s the case, I will just lockthis unit and give the keycards to Mom and Dad. But if you—-”

“Pinapalayas mo ba ako rito, Maurr? Magsabi ka lang nang deretsahan.”

Nangunot ang noo ko. Lalo pa nang bigla siyang nainis.

“That’s not what I meant,” sabi ko agad.

Napahalukipkip siya at inirapan pa ako.

**********

image

Nalulungkot na nga ako maisip pa lang na unang Christmas ko na wala ang daddy tapos heto at lalayasan pa ako ng unggoy na ito. Paano na lang ako sa bakasyon? Ano ang gagawin ko rito? Hindi naman ako makapirmi kina Keri, Shane, at Felina. Siyempre, may mga plano rin ang mga iyon with their family. Ayaw kong makisingit although alam kong anytime naman ay welcome ako sa kanila.

“Nakita kong hinalikan ka ni Ms. Mary noong isang araw. Ano ang pinagsisigawan ng pokpok—-I mean niya? She seemed very happy after kissing you.”

“Ah, that.”

Ah, that. Panggagagad ko sa kanya.

“You’re crazy,” sabi niya. Tapos tumungga na naman ng beer. “She invited me to a faculty Christmas party. I said yes so she was very happy.”

“Iyon lang?” Napa-taas ang pitch ng boses ko. Ang babaw ng kaligayahan ng babaeng iyon! Grabe!

“Yes. That’s all. Why? And how did you know about it?”

Kaswal lang ang tinig niya. Iyon bang napakabanayad at kalmado. Ibig sabihin, walang tinatago. Hindi guilty sa kung ano. Kung sa bagay naman, kahit naman makipaglampungan pa kay Mary technically ay pwede pa dahil wala namang malinaw sa aming dalawa. I said I love you to him, pero hindi naman niya sinagot.

Nagulat ako nang umisod siya sa tabi ko habang binababa sa center table ang bote ng San Mig Light. Inakbayan niya ako at tila inamoy-amoy pa sa ulo.

“I want to take you to Iceland with me but—-,”

“Sige! Please! Hindi pa ako nakararating doon!” excited kong sabi. Nakaharap na ako sa kanya ngayon at nagpapalakpak pa na parang batang nakarinig na magdi-disney siya.

Natigilan si Maurr at napakamot-kamot ng ulo. Napasulyap siya sa akin at napangiti.

“Ano na? Magkano ba pamasahe? Baka pwede akong mag-ambag.”

“Around a thousand dollars. But then, it has two layovers.”

Mabilis akong nagkwenta. Susko. Hindi kaya kahit magbenta pa ako ng kuwintas na suot.

“A thousand dollars,” ulit ko. “Ang mahal naman. Sana may mapagbentahan ako ng kaluluwa ko.”

“I can pay for your trip but—-”

“You’ll pay for my trip?!” halos ay napatili ako. Lumakbay agad ang isipan ko sa bundok-bundok na snow at lakas ng hangin na sinasabi nila’y babati sa iyo sa Reykjavik. Ngayon pa lang ay excited na akong pumunta roon. Kaso tumigil siya at nakatingin na sa akin ngayon nang malamlam. Napalunok ako at biglang kinabahan na hindi na matutuloy iyon.

“Binabawi mo na ba ang offer mo?” tanong ko sa mahinang tinig.

Tumungga uli siya ng beer bago sumagot. “My grandparents are kind of conservative. At my age now, twenty-eight going twenty nine, they already expect me to get married—for real.”

Napasinghap ako tapos ay parang pinigilan ko munang huminga. Pakiramdam ko may sasabihin na siyang magpapawindang sa akin. Get married for real daw kasi.

“I didn’t tell them about us—-about our m-marriage. So when I take you there and introduce to them, they’ll think you are the girl I’ll marry for real.”

Hindi ba? Dapat lang, ano? Eh, kasal naman talaga tayo at legal iyon!

Tumingin siya sa akin. Seryosong-seryoso ang kanyang mukha.

“Hindi ba kasal naman tayo talaga? Legal naman iyon, eh.”

“I know. But we both knew it may not be for a long time.”

Nasaktan ako roon, lalo pa’t nakapagsabi na ako sa kanya na mahal ko siya. Ang ibig sabihin lang nito ay hindi niya ako mahal bukod kasi sa hindi pa niya sinagot iyon, ngayo’y kung anu-ano pang sinasabi. Ba’t hindi na lang niya ako saksakin sa dibdib?

“I—-I said—-I love you.” At napatulo ang mga luha ko nang hindi ko namalayan. “But it’s pretty obvious that you do not love me.”

Tumayo na ako agad. Hindi ko na kayang patotohanan niya ang sinabi ko. Pero bago pa ako makahakbang palayo roon ay nahawakn na niya ang isa kong kamay. Nakatayo na rin siya ngayon habang nakatitig sa mga mata ko.

He gently pulled me towards him and hugged me tightly. I felt his warm lips on my head and I threw my arms around his neck.

“Maurr, I love you! I love you so much!”